Home / Romance / The Casanova CEO want's me / CHAPTER 1 - DEPARTURE

Share

The Casanova CEO want's me
The Casanova CEO want's me
Author: M.E Rodavlas

CHAPTER 1 - DEPARTURE

Author: M.E Rodavlas
last update Last Updated: 2023-02-06 16:41:16

Antique Province

Maaga pa lang ay nag impake na ako ng mga damit at gamit ko kasama ang ilang mahahalagang mga dokumento, habang ang mama ko naman ay nakatayo sa may pinto at humihikbi. Namumula ang mga mata niya dahil kagabi pa s'ya umiiyak.

Bumuntong hininga ako. Nilapitan ko siya't saka pinunasan ng damit ko ang mga luha niya. oops, aalis nga pala ako (Don't make the shirt dirty)

"P-pwede bang huwag ka na lang umalis?" Sabi niya habang nag i sniff pa. Natatawa na lang ako sa ayos niya. ang cute talaga ng mama ko, mana sa 'kin.

"Ginagawa ko 'to para sa 'ting dalawa. Isa pa, alam mo namang pangarap ko 'to, naiintindihan mo naman ako 'di ba?" Sabi ko habang hinahagod ang buhok n'ya.

Ako si Marigold Magbanua 22 years old, magtu twenty three na this year. BS graduate ako at introvert and nerdy type. Hindi ako mahilig makihalubilo at maingat ako sa mga taong mukhang hindi mapagkakatiwalaan. 'Yun bang mga mukhang manloloko't bolero.

Mula pitong taon ay nakasalamin na 'ko dahil sa astigmatism. Sabi ng mama ko namana ko raw ito sa side ng papa ko.

Para makamit ang pangarap kong magandang buhay para sa 'min ni mama, ay kailangan ko siyang iwan at makipagsapalaran sa maynila.

Naging mahirap ang buhay namin buhat nang iwan kami ni papa nu'ng apat na taong gulang pa lang ako. Bago siya umalis ay masagana ang pamumuhay namin.

Musmos pa lang ako no'n, pero sa naaalala ko ay pabalik balik si papa sa maynila at sa antique. Ang sabi ni mama, may business daw sila papa sa maynila at si papa ang magmamana n'yon.

Laging nagdadala si papa noon ng masasarap na pagkain galing sa kinalakihan niya.

Naalala ko rin na lumipat kami sa isang malaking bahay na may malawak na bakuran, na kung saan ay lagi akong naglalaro ng mga manika ko.

Pero isang araw, hindi na umuwi sa 'min si papa. Matiyaga'ng naghintay si mama sa kanya sa malaking bahay. Pero, ni hindi niya kami tinawagan at malapit nang magkatupusan noon.

Hinuhulugan pa lang ang bahay, at dahil wala si papa ay wala kaming panghulog.

Dahil hindi namin afford ang monthly lease, walang nagawa si mama kundi ibalik na lang ang susi ng bahay, at nang araw na 'yon ay nag impake kami at umalis.

Ayaw kong umalis. Gusto kong hintayin pa si papa sa lugar na 'yon. Kaya naman, kinarga na ako ni mama habang pumapalahaw ako ng iyak. Habang naglalakad kami palayo, ay nakatanaw ako sa malaking bakuran.

Nang bumalik kami sa dati naming tinitirhan ay kinutya kami ng ilang kapitbahay.

Ang kamag anak naman namin na nakatira lang sa malapit ay pumupunta pa para pagtawanan lang Kami. Lagi nilang sinasabi na may ibang pamilya na raw si papa sa maynila at ayaw na niya sa amin.

Dahil dito, lagi kong naririnig si mama na umiiyak sa gabi. Mabait at mabuting tao ang mama ko. Hindi niya deserve ang ganitong pagtrato. Hindi nagtagal, nagkaroon ng depression si mama.

Hindi ko gustong magtanim ng galit sa papa ko pero, siya ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi niya kami iniwan, hindi magkakaroon ng depression si mama at hindi kami kukutyain ng mga tao.

Mula noon, sa murang edad ay nangako ako sa sarili ko na kapag lumaki ako ay magsisikap ako at aalis kami sa lugar na ito. Patutunayan ko sa mga taong iyon na hindi namin kailangan ang taong 'yun para umasenso.

"Kung buo na ang desisyon mo, isipin mo na lang na wala akong sinabi." Sabi ni mama habang nakayuko, obviously making me feel guilty.

Inalo alo ko si mama ng halos isang oras Bago ko siya napapayag nang tuluyan. Binilinan ko muna siya ng sangkatutak bago makaalis.

Habang umaandar ang barko ay tinatanaw ko ang bayang kinalakihan ko. Bagaman, alam kong maho home sick ako't malulungkot, kailangan ko itong tiisin. At sa susunod na aalis ako sa lugar na ito; kasama ko na si mama.

Halos isang araw ang biyahe nang makasampa ang barko sa maynila. Nahilo ako at parang maduduwal. Nalimutan ko kasi'ng bumili ng bonamine sa antique bago umalis.

Bumili ako ng gamot at tumambay muna sa convenience store at nagpahinga muna hanggang sa mawala ang hilo ko.

Nang nawala na ang hilo ko ay umalis ako agad at naghanap ng murang hotel. Dahil isang malaking bagpack na nasa likod ko at maliit na handbag lang ang dala ko, madali akong nakakakilos.

Nang maka check in na ay naligo agad ako at natulog. Ni hindi ako nakaramdam ng gutom. Bukod sa pagod ay hindi rin ako halos nakatulog sa barko.

Sikât na ang araw ng magising ako. Siguro mga siyam na oras ang itinulog ko. Nag sabi ako ng almusal sa room service.

Pagkatapos ay nagsimula akong maghanap ng trabaho sa cellphone ko. Hindi ko na kinailangan pang mag browse dahil, nahanap ko kaagad ang isang top job posting website.

Binasa ko ang information na nakalagay doon: 'C.A Inc. the largest and prominent company in the capital and was located in Makati city. They're owned many branches around the country, and can earned a millions in a day. Their ceo is a grumpy old man.'

Hindi ko napigilang matawa nang mabasa ang huling pangungusap. Hindi naman nila siguro gustong takutin ang mga mag a apply sa kanila, hindi ba?

Ang magandang balita, ayon sa nabasa ko ay bakante pa ang position na gusto ko! para akong naka jackpot.

Hindi ko mapigilang ma excite. Kaagad kong ipinadala ang resumé ko sa kanila.

Dahil good mood ako ngayon, nagdesisyon akong mag ikot muna sa labas at aralin ang lugar habang nagha hum.

Gusto ko rin kasi tumingin ng murang paupahan. Dahil kung patuloy akong mag i stay sa hotel bago ako magkaroon ng trabaho, tiyak na mauubusan ako ng pera at malamang sa kalye ako matulog.

Sa awa ng Diyos, nakakita naman ako ng isang murang paupahan. Ito ay may laki lang ng 30 square meter pero may itaas ito.

Naghintay ako ng dalawang linggo pero, walang sagot mula sa C.A. Hinanap ko ang contact information nila na nasa website at inilista iyon

Nag dalawang isip pa 'ko kung tatawag ba ako o hindi, lalo't naiisip kong malaking kumpanya ang C.A Inc. at baka busy lang sila? Baka hindi lang nila ma accomodate ang mga aplikante nila.

Nagdadalawang isip man ay tumawag na rin ako. Maraming beses itong nag ring bago ko narinig ang boses ng isang babae. "Hello, this is C.A Incorporated, how can I help you?" maarteng niyang wika.

"Um.. hello, nagpadala ako ng resumé sa inyo pero, dalawang linggo na wala pa rin kayong sagot."

Narinig kong nag snort ang babae sa kabilang linya. "It's that so? You know that our C.A Incorporated is the top and the busiest company in the capital compared to others So, it's normal if we don't respond to you right away. But if you are qualified, we will surely get back on you but if not, it means your resumé was failed and rejected." Pagkatapos ay naputol na.

Teka, Anong ibig sabihin nu'n? Hindi man lang niya sinabi kung maghihintay pa ako o hindi na.

Minamaliit ba nila ako kaya hindi nila pinansin ang resumé ko? dahil ba nakita nila na sa probinsiya lang ako nag graduate? Siguro kailangan ko nang pumunta ng personal doon at personal na ring mag apply. Ipapakita ko sa kanila na hindi nila ako dapat maliitin.

Kinabukasan, maaga akong bumangon at nag asikaso para puntahan ang C.A Inc.

Habang nasa waiting shed ay iniisip ko kung magji jeep ba 'ko o magta taxi. Sa huli ay naisip kong mag taxi na lang dahil hindi ko pa naman kabisado ang ruta at baka mahuli ako.

Habang nasa loob ng taxi ay pinagmamasdan ko ang tanawin sa labas. Ang linis ng siyudas na 'to at mukhang strikto ang batas trapiko.

Ang dami ring nagtataasang mga gusali at mga establisyemento dito. Sana marami ring ganito sa Antique.

Sa peripheral vision ko ay napansin ko ang mga sulyap ng taxi driver sa 'kin. Bigla akong ninerbiyos. Mukhang mamalasin pa ata ako ngayong araw, hindi kaya holdaper 'to?

Okay lang maholdap, pero h'wag muna ngayon. Wala pa akong trabaho.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag dial ng random number na naka save sa phonebook ko para makahingi ng tulong nang biglang magsalita ang driver.

"Bago ka dito?"

Kahit ninenerbyos ay sumagot ako. "O-oo"

Mukhang nasa 40 o mahigit lang ang taxi driver. Nakasuot din siya ng salamin na walang rim at kahit mukhang may edad na ay makikita pa ring makisig ito. Sana lang hindi siya masamang tao.

"Probinsyana ka?" Nakangiting niya'ng tanong.

Marami pa'ng tinanong ang taxi driver sa 'kin, at kahit nag aalangan ay tinugon ko na lang ang lahat niyang katanungan, baka kasi mairita pa ito at kung ano pa ang gawin sa 'kin

Maya maya ay nagsimula na siyang magkuwento. Tahimik ko lang siya'ng pinakinggan .

"Alam mo, lahat sa probinsya puro sariwa: yung hangin, yung mga seafoods, prutas, mga gulay... saka mura lang ang gastusin dun, hindi gaya dito sa maynila." Habang nagkuk'wento ay nangingiti siya na parang may naaalalang nakaraan.

"Malalambing din ang mga babae doon. Kapag may asawa ka na laging nag aabang sa pag uwi mo, nagpupunas ng pawis mo, at nag aasikaso sa 'yo; yung pagod mo parang biglang nawawala."

Habang nakikinig sa kanya ay nawala na rin ang nerbiyos na nararamdaman ko. Mukha namang mabait ito'ng si manong at mukha na mang hindi ito holdaper.

Dahil palagay na ang loob ko ay naglakas loob akong magtanong. "Manong, may asawa ka bang naghihintay sa probinsya?"

Parang nagulat ang reaksyon n'ya na'ng tinanong ko 'yun.

"Hindi, wala." malamig niya'ng sagot.

nagtaka ako sa bigalaan niyang pagbabago. Kanina lang masaya siyang ngkuk'wento, ngayon ganito na. Hindi kaya, nagmemenopause lang siya ?

"Nandito na tayo." Naputol ang iniisip ko nang magsalita siya .

Bumaba ako at tinanaw ang papalayong taxi.

Mahaba ang nilakad ko bago ko marating ang building ng C.A. Hindi ko akalain na bawal pala ang mga pampublikong sasakyan dito. Pero okay lang, sa Antique, malayo pa dito ang nilalakad ko.

Nasa entrance ako ngayon ng C.A, at napanganga sa ganda ng exterior ng building. kahit labas lang ay mukhang ginastusan ito.

Nalula din ako sa taas nito. Ito ba 'yung sinasabing 'skycraper'? ang hirap talaga ng ignorante.

"Cough" Napalingon ako nang may marinig akong tumikhim.

Paglingon ay nakita ko ang ilang empleyado na nakatayo sa likuran ko. Nakakahiya! Siguro iniisip nila na taga bundok ako na bumaba sa siyudad. Tumabi ako at nagbigay daan sa kanila. Hinintay ko muna silang makapasok bago ako sumunod.

Ang ganda ganda pala dito sa loob. Mula sa haligi hanggang sa sahig ay mukhang mga mamahalin. Makikita mo rin nang malinaw ang repleksyon mo sa makinang na sahig... Marmol ba 'to?

Hindi na 'ko nagtataka kung bakit ganu'n ganu'n na lang kung umasta yung HR na nakausap ko kahapon, dahil talagang magmamalaki ka kung dito ka sa C.A nagtatrabaho.

Nagtago muna ako saglit sa isang sulok para i check ang sarili ko. Pagkatapos ay lumapit ako sa front desk para magtanong.

Nakarinig ako ng mga bulungan at mahinang pag uusap sa gilid. Pagtingin ko ay nakita ko ang ilang babae na sa tingin ko ay mga aplikante rin dahil pare pareho kaming may dalang envelope.

Mukha silang mga excited na parang mga teenagers na hinihintay na dumaan ang crush nila.

Tumikhim ang receptionist at sinaway sila. "Excuse me, kung maaari lamang po ay panatilihin natin ang katahimikan dahil kayo po ay nasa C.A company at wala po sa palengke, salamat po."

Parang napahiya naman ang mga babae at biglang umayos ang mga ito at nanahimik.

"Itong mga babaeng ito, akala ba nila nasa divisoria sila? at ang iiksi pa ng mga suot, parang magka club lang." wika ng receptionist.

Tiningnan ko ang mga babae at nakitang maiiksi nga ang mga suot nila. Medyo makakapal din ang make up nila at parang hindi naparito para mag apply ng trabaho. Hindi kaya nandito sila para maghanap ng mayamang boyfriend?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Juliet Ortil
ganda ng umpisa ng kwento..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 2 - ENCOUNTER

    Hindi ko na pinansin pa ang mga babae. Isuot nila kung anong gusto nilang suutin, bahala sila. Bumaling ako sa receptionist at nagtanong na ng direksyon ng HR at nagpakilalang aplikante.Maya maya ay muli na namang nagkaroon ng ingay. inis na tumayo ang receptionist para manaway uli. Ngunit, nakita ko na parang biglang natulala ito. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at dumako ang tingin ko sa isang grupong paparating na sa tingin ko ay mga executives.Ngunit ang talagang napansin ko ay ang matangkad na lalaki sa gitna na parang bunabakuran nila. Dios mio marimar! Ke guwapo guwapo naman ng lalaking ito! Ngayon lang ata ako nakakita ng ganito kaguwapo sa buong buhay ko sa personal! Angat ang hitsura niya at imposibleng hindi mapansin. Artista ba siya o isang sikat na celebrity?Para lang akong nanaginip habang tinititigan ang lalaki na sa tingin ko ay hindi lang guwapo, mukhang ang bango bango rin n'ya at mukhang masarap singhot singhutin.Hindi ko namalayan na nasa harap na pala a

    Last Updated : 2023-02-06
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 3 - ACCIDENTALLY SEEN

    Pinakiramdaman ko ang kabilang cubicle nang tumahimik na. Mukhang tapos na rin sila. Hay... Salamat at makakauwi na rin. Sa bahay na lang ako iihi.Narinig kong bumukas ang pinto, malamang ay lumabas na sila. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng cubicle at sumilip sa labas. Nang makita kong wala nang tao ay lumabas na rin ako. Paglabas ko ng restroom ay nakita ko ang babaeng nakabangga ko kanina malapit sa pinto ng restroom. Paglingon niya sa 'kin ay nanlaki ang mga mata niya na para siyang nagulat nang makita ako.Tumikhim ang babae at bumalik sa dating mukhang matapobre ang ekspresyon nito, pagkatapos ay naglakad na ito palayo habang umiindayog ang balakang niya. Tsk, sexy sana kaso...Pag uwi ay agad kong tinawagan si mama at sinabi ang magandang balitang natanggap ako sa posisyong inaasam asam ko.Kinabukasan ay namili ako ng ilang daily necessities dahil ubos na rin ang stock ko.Habang nag go grocery ay biglang nag ring ang phone ko. Malamang si mama 'to, kaya, Agad ko 'yun si

    Last Updated : 2023-02-06
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 4 - Chance

    Hindi ako nakakilos. Parang napako ang mga paa ko sa sahig. Nakatitig lang ako sa lalaking malamig namang nakatingin sa 'kin.Habang tila nangangabayo ang babae ay iniangat niya ang mukha ng lalaki para halikan.Bago pa man niya iyon magawa ay itinulak na siya ng lalaki. Nahulog ang babae mula sa kandungan ng lalaki at napasalampak sa sahig. "Enough! Are you happy now?" Malamig na wika ng lalaki at agad niyang i zinipper ang pants niya.Tumayo ang babae na parang nalilito at hindi alam kung ano ang naging kasalanan niya. Hinawakan ng lalaki ang mukha ng babae at ipinihit sa gawi ko.Ganu'n na lang ang gulat ng babae nang makita ako sa pinto. Namula ang mukha nito."Now, leave! I don't want to see you!" Sigaw ng lalaki sa babae.Mabilis na inayos ng babae ang suot na pulang dress at nagmamadali itong lumabas ng office. Muntik pa niyang mabangga si Mr. Javier na noo'y kararating lang sa pinto."Tell me what's goin' on here." Pagbaling ko sa guwapong lalaki ay nakaupo na ito at ma

    Last Updated : 2023-02-14
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 5 - Marketing Department

    Masayang inaasikaso ni Mr. Malibo ang termination letter ko. Mukhang tuwang-tuwa sila sa pagkakatanggal ko a."Kapapasok mo lang dito, tanggal ka na agad? Bakit kaya ano?" Sabi ni Ms. Vivian habang nakahawak pa sa babà niya na wari'y nag iisip.Hindi ko pinapansin si Ms. Vivian na parang wala akong naririnig. Ngayong alam ko na ang gawain niya, dapat akong umiwas sa kanya habang nandito ako sa kumpanya. Tumawa si Mr. Malibo. "Maybe she's no't really qualified para sa posisyon'g 'yon. Sabi ko naman sa 'yo 'di ba? You should apply for another position. Hindi dapat natin ipilit ang mga sarili natin sa posisyong hindi naman para sa 'tin. Right, Ms. Magbanua?" "Hmm." Matipid kong sagot. Pagkatapos ay yumuko na lang ako para hindi mahagip ng paningin ko si Ms. Vivian na nakangisi sa 'kin.Tumayo sa kanyang mesa si Mr. Malibo at umalis. Nang kami na lang ni Ms. Vivian ang natira: "Pagpasok mo ng Ceo office, anong nakita mo?" Nag angat ako ng ulo at nakita ko na mukhang interesadon

    Last Updated : 2023-02-15
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 6 - Act As His Girlfriend

    Natigilan ang lahat ng mga babaeng naka paligid at kinikilig kay Jonas at napatingin sila sa 'kin.Biglang lumakad si jonas papalapit sa 'kin. Napasinghap ang lahat nang kunin niya ang kamay ko at hilahin ako patayo. Pagtapat namin sa tulalang si Mrs. Valdez ay ipinagpaalam ako ni jonas. Pagkatapos ay hinila na niya ako palabas.Tila hindi napapansin ni Jonas ang paligid, pero kitang kita ko kung paano ako tingnan nang matalim ng mga babae dito sa department namin. Huhuhu... Jonas, ipinapahamak mo talaga ako!Hinila ako ni jonas hanggang sa rooftop. Kinalas ko ang kamay ko at dumistansya sa kanya nang konti. "Jonas, puwede bang sa susunod, sabihan mo na lang ako. H'wag mo na akong hihilahin sa harap ng mga tao." "Ha? Bakit naman?" Napahawak ako sa noo ko. "Alam mo ba'ng sa ginagawa mo, e napapahamak ako."Tumawa siya. "Gan'un ba? Understandable naman 'yon.""Ano nga pala ang kailangan mo sa 'kin at dito mo pa ako dinala?"Ang masayang awra ni jonas ay biglang nawala. Bigla siyang n

    Last Updated : 2023-02-16
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 7 - Close Interaction

    Kumubli agad ako sa likod ni jonas sa takot na baka mapatingin si Mr. Atanante sa direksyon namin at makita ako.Lumingon sa 'kin si jonas. "Marigold, what's wrong?""Jonas, hindi ako puwedeng makita ni Mr. Atanante." Bulong ko sa kanya."O-oo nga pala ano! You need to hide, hurry!" Tumalikod si Jonas sa entrance at tinakpan ako.Ngunit bago pa man ako makatakas ay: "Jonas, kuya Chardon is here. And he doesn't seems to know about your girlfriend."Nanigas ako bigla at hindi ko na magawa pang kumilos nang marinig si chesca. Hindi ko tuloy magawang umalis sa mga bisig ni jonas.Nagulat ako nang bigla lumapit si chesca at hatakin ako. Nahatak niya pati ang suot kong dress, naramdaman ko tuloy na lumuwag ang strap nito. "What are you doing‽" Sigaw ni jonas habang inilalayo ako kay chesca. "You! What are you two doing? at dito pa kayo naglalandian sa party ko? Baka nakakalimutan n'yong nasa house ko kayo‽""Anong naglalandian‽ I was hugging her because I was supporting her... she feels un

    Last Updated : 2023-02-17
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 8 - Dinner Treat

    "Chesca!!"Nang dumating si jonas ay naaktuhan niya ang panghaharas ni chesca sa 'kin. Hindi ko mabita-bitawan ang dress ko, pakiramdam ko kasi'y anumang oras ay malalaglag ito. Agad lumapit si jonas at sinaklolohan ako."Stop it!" Dahil ayaw paawat ay bahagyang naitulak ni jonas si Chesca.Napaatras si chesca at parang hindi makapaniwalang nagawa siyang itulak ni jonas. "Y-you dare to push me? Because of this slut?"Dinampot ni Jonas ang coat sa sahig at isinuot iyon sa 'kin. "And why not? Napaka bayolente mo. Saka, hindi slut si marigold, okay?" "Heh, hindi s'ya slut? Alam mo bang pinagsasabay n'ya kayo ni kuya chardon?"Nagtaka si jonas at napalingon sa 'kin. "Walang nangyaring gan'un, ipapaliwanag ko sa 'yo mamaya." Wika ko sa kanya.Ipinasuot sa 'kin ni jonas ang dala niyang sapatos at inakay na 'ko palabas ng mansiyon. Habang naglalakad ay nagsisisigaw si chesca sa 'min at halos pigilan kaming umalis ngunit wala naman siyang magawa. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao.Nang

    Last Updated : 2023-02-18
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 9 - Past Event

    "M-Mr. Atanante!" Napabalikwas ako sa gulat nang makita s'ya at dahil hindi ko suot ang salamin ko ay nahilo ako't nawalan ng balanse. Agad naman n'ya akong nahawakan at inalalayan. Nagkatitigan kaming dalawa at kahit malabo ang paningin ko ay alam kong malamig siyang nakatingin sa 'kin. Bigla akong na-conscious nang maalalang basâ nga pala ang mukha ko. Nag-iwas ako ng tingin at kumawala sa pagkakahawak niya. Ngunit hindi niya ako pinakawalan. Sa halip, bigla niyang hinawakan ang mukha ko't iniharap iyon sa kanya at muli kaming nagkatitigan. Ako ang unang nagbawi ng tingin dahil hindi ako makatagal at parang akong napapaso sa mga titig niya. Nararamdaman ko na rin kasi ang pag-init ng mukha ko. "M-Mr. Atanante..." Tinangka kong tanggalin ang malalaki niyang kamay sa mukha ko. "Be still." Natigilan ako sa pagpipiglas at muling napatitig sa kanya. Hindi siya nagsasalita, nakatitig lang siya sa 'kin. Magtititigan na lang ba kaming dalawa? Ano ba'ng gusto n'ya? Hindi kaya...

    Last Updated : 2023-02-19

Latest chapter

  • The Casanova CEO want's me   EXTRA

    "Mari, there is something you are not telling me." "Ha? Ano naman 'yon?" "Who is that bastard that attacked you in the parking lot?" "A, 'yun? Si Erick 'yon, empleyado din dito." "You seem really different now, eh? looks like you have secret admirers too." Ani chardon na may bakas ng iritasyon. Napakamot sa ulo si marigold. "H-ha? Hindi naman." Naglalakad ang dalawa sa lobby habang magka-holding hands ang mga ito na umani ng papuri, inggit, at kilig sa mga babaeng empleyadong naroon. Pagpasok ng Opisina ay naupo si Chardon at wari'y may inisiip. Lumapit si marigold at minasa-masahe ang noo nito. "Ano naman ang inisip mo? Ang aga-aga, mukhang problemado ka na." "I was thinking what should to be done to make everyone notified that you are taken. Should I plaster it on the wall or something like that?" Ani ng nakapikit na si chardon habang ini-enjoy ang serbisyo ng nobya. Nangunot ang noo ni marigold. "Ano?" Tanong nito sa bumubulong na nobyo. Hindi n'ya naintindihan ang mga s

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 150 - The End

    Natigilan si Marigold nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng lalaki. Dagli itong bumaba ng kotse at tiningnan kung sino iyon.Nakita niya ang naka-sumbrero't naka-shades na lalaki na may travel bag sa kanyang likod, habang hawak-hawak nito sa kuwelyo ang nagpipiglas na si Erick."Bitiwan mo 'ko! Sino ka bang pakialamero ka, ha?" Sigaw ni Erick. Nang makabuwelo ito ay tinanggal nito ang sumbrero't shades ng lalaki.Gan'un na lamang ang pagka-gitla ni marigold nang makita kung sino ito. "Ch-chardon?!"Ngumiti si Chardon. "Hi Mon amor. Although we've seen each other last week, but I'm still miss you..... do you miss me too?"Napanganga na lang si Marigold at hindi makapaniwala. Anong ginagawa ni Chardon dito, at paano ito nakalabas?"Wait for me, I will dispatch this first." At kinaladkad ni chardon si Erick.Sinundan ng hindi pa rin'g makapaniwalang si marigold si Chardon. Naka-antabay s'ya sa tabi habang ipinapasa nito si Erick sa guwardiyang agad naman siyang nakilala.

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 149 – Her Longing For Him/Him

    "Lucy, ako na diyan. Mabigat na yata 'yan, baka mahirapan ka na'ng magtulak." Nakangiting wika ng may-edad na lalaki kay Lucilla sabay kuha ng cart dito."Hindi na. Kaya ko na 'to. Saka, paano mo nalaman'g mag-go-grocery ako ngayon? Huwag mong sabihin'g sinusundan mo 'ko?""Hindi naman.... basta naramdaman lang ng puso ko kung saan ka naroon. Kaya, sinundan kita dito." "H-ha?" Napailing-iling at napabuntong hininga na lang si Lucila sa naka-ngiti pa rin'g lalaki. Anim na taon na rin ang nakalilipas buhat nang makapag-usap sila ni Ernesto sa isang café at sugurin sila ni Beatrice doon. Bagaman nilinaw na n'ya ang lahat dito, ngunit makapal pa rin ang apog nito na muling nanligaw matapos nitong makapag-sampa ng annulment sa dating asawa. At magpasa-hanggang ngayon ay nanunuyo pa rin ito.Minsan ay hindi mapigilang kiligin ni lucilla sa panunuyo ni Ernesto. Pakiramdam niya kasi, sa kabila ng kanyang edad ay para siyang teen-ager na nililigawan nito.Dahil nagsawa na siya sa pa

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 148 - The Aftermath

    Nagbunyi ang mga negosyanteng nagsampa ng kaso kay Chardon. Ang totoo ay hindi lang hustisya para sa ginawa ni Chardon sa kanila ang kanilang habol, kundi, dahil na rin sa malaking inggit nila dito. Habang umiiral ito sa business circle, patuloy itong mamamayagpag at patuloy silang magiging talunan nito. Ngunit ngayong makukulong na ito, magkakaroon na sila ng pagkakataon.Kabaligtaran ng maingay at pagbubunyi ng mga negosyante'ng nagpakulong kay chardon, tahimik sa hanay nila marigold. Tila biyernes Santo ang mga mukha nito."S-sir...." Napahid ni Mr. Javier ang mga mata, hindi nito mapigilang maging emosyonal. Tila mahihiwalay siya ng mahaba-hahang panahon sa amo'ng anim na taon na niyang kasa-kasama.Agad naglapitan sa natulalang si marigold sila Maricris, Jessy, at ang iba pa nilang kaibigan, habang ma-ngiyak-ngiyak naman sila nanay sela at lucilla. "M-marigold.... " Hinaplos-haplos ni Maricris ang kaibigan nang makitang wala itong naging reaksyon sa naging hatol kay Chardo

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 147 - His Crimes

    Sa ibaba ng C.A building, animo'y may celebrity na inaabangan ang mga tao. Naroon kasi ang mga reporter at ilang kapulisan. May mga empleyado na rin ng C.A ang nasa labas at nagtatanong ng kung ano ang nangyayari."A-ano?! Naparito kayo para h-huhulihin ang Ceo namin?" Tanong ng receptionist sa isang pulis."Oo. Kaya kung meron kang nalalaman sa anomalya ng inyong Ceo, ay maaaring lang na makipag-ugnayan kayo sa 'min para mabigyan ng katarungan ang mga taong sinikil n'ya kung meron man." Sagot ng pulis."That's right! Hump! Ang sabi nila ay genius daw sa business world, magnanakaw naman pala!" Nagpupuyos na wika ng isang naka-suit na matandang lalaki. May-ari ito ng isang malaking kumpanya dati na kalaunan ay nalugi nang may manabotahe at magnakaw ng confidential files ng kanyang kumpanya.Ngayon lang nito naalala, anim na taon na nakakaraan, naging empleyado sa kanyang kumpanya si Chardon.Naguluhan ang mga empleyado ng C.A sa ibinibintang ng lalaki. "Sir, hindi po magagawa

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 146 - Arrested

    "Marigold, anak. Nag-away ba kayo ko Chardon?"Natigilan sa paghuhugas ng mga pinaglutuan si marigold at napatingin sa ina. "Hindi 'ma, bakit mo naman naitanong 'yan?""E bakit bigla na lang siya'ng nagkaganun? Tulala, balisa, parang laging wala sa sarili. Naku, baka kung ano na ang nangyayari du'n a, kausapin mo kaya?"Binitiwan ni Marigold ang ginagawa at humarap sa ina. ""Ma, iyon nga ang gusto kong ihingi ng payo sa 'yo e. Tinanong ko na siya, pero umiiwas naman. E paano ko malalaman kung ano ang pinagdadaanan n'ya, e parang mas gusto pa niyang ilihim sa 'kin 'yun e."Natigilan ang dalawa nang biglang may nag-doorbell. "Sandali lang!" Sigaw ni nanay sela habang nagliligpit ng pinagkainan.Sa pag-aakalang ang amo 'iyon ay hindi na inalam pa niya nanay sela kung sino ang tao sa labas ng gate. Natigilan ang Matanda nang makita ang isang maganda at mukhang may class na babae. Nalalaman ni nanay sela na may edad na ang babae, ngunit hindi makikitaan ng pagkaka-edad ito. "Ano p

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 145 - Oppression

    Dahil buo ang paniniwala ni Beatrice na si lucilla nga ang posibleng kumuha ng kanyang pitaka, walang kagatul-gatol at kumpiyansa itong pumayag nang sabihin ni Chardon na magtungo silang lahat sa CCTV monitoring room at tingnan doon ang talagang nangyari.Ngunit nang makitang ibang tao ang kumuha ng kanyang pitaka at nang makitang napadaan lang si lucilla sa CCTV ay nagitla ito at tila hindi pa makapaniwala. "T-this..... Baka naman, m-may diperensya lang ang CCTV camera n'yo."Gusto na lang umiling-iling at magtawa ng technician'g naka-toka sa monitoring room kay Beatrice ngunit hindi nito magawa."Heh, The CCTV camera probably has defect? Or was it your brain has a defect?"Sumimangot si Beatrice ngunit hindi nito nagawang sagutin ang sarkastikong sinabi ni chardon."M-mom, what now?" Pabulong na tanong ni Bianca. Nalaman nitong si Lucila pala ang ina ni marigold na siya rin'g umaagaw sa pagmamahal ng ama para sa ina, kaya hinangad nito'ng mahulog si Lucila sa kamay ng ina para

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 144 - The Execution Of A Wicked Plan

    "W-what are you planning to do? What is that document about?" May bahagyang pag-aalala ng babae, hindi malaman kung dahil ba sa nalalaman niyang posibleng kapahamakan ng taong pinagpa-planuhan ng lalaki, o ang pag-aalala'ng baka madawit siya.Nag-snort ang may-edad na lalaki. "You do not need to know. just wait for me to tell you if we will become in-laws in the future." Tumayo na ito bitbit ang envelope. "Margot, let's go!""Bye, my future mother-in-law." Nasa mood na wika ni Margot bago sumunod sa ama.Naiwang napapa-isip si Ariella. Ano ang pinaplano ni Hugo at bakit tila parang siguradung-sigurado itong magtatagumpay ang kanyang plano'ng mapa-payag si chardon sa gusto nito....Biglang nagkaroon ng katahimikan matapos sabihin ni marigold sa ina ang kanyang pagbubuntis. "M-ma?" Tawag ni marigold nang mapansin ang biglang pag-simangot ng ina."Ginawa n'yo rin pala ano? Hindi n'yo rin pala pinansin ang paalaala't bilin ko?" Nagkatinginan sila marigold at Chardon. Nagtaka

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 143 - The Crook And Cruel Ways

    Nakagat ni marigold ang labi habang patuloy na pinakikinggan ang nagsasalita sa loob. Biglang sumamâ ang pakiramdam nito kasabay ng nararamdaman niyang gutom."..... and that is Margot that we propose to betrothed to you." Pagtatapos ni Ariella."Hello, nice to meet you Mr. Atanant.... " maririnig ang malambing na tinig ng isang babae sa loob. "I was really surprised to see you and never expected you to be this hansome, aside from what I heard that you are a young genius businessman. I really admired a young talent and outstanding men of today's generation like you....."Hindi na matiis pa ni marigold ang mga naririnig sa loob. Pakiramdam niya'y kapag nagpatuloy pa ito ay baka mapikot na nang tuluyan ang ama ng nasa kanyang sinapupunan.Natigilan ang mga nasa loob ng private room nang biglang magbukas ang pinto. "Chardon~" pumasok si marigold at dumiretso sa nobyo.Agad tumayo si Chardon at sinalubong si marigold. "Um, I.... I'm sorry, I didn't tell you about this...."Sumim

DMCA.com Protection Status