Share

CHAPTER 4 - Chance

Author: M.E Rodavlas
last update Last Updated: 2023-02-14 13:19:38

Hindi ako nakakilos. Parang napako ang mga paa ko sa sahig. Nakatitig lang ako sa lalaking malamig namang nakatingin sa 'kin.

Habang tila nangangabayo ang babae ay iniangat niya ang mukha ng lalaki para halikan.

Bago pa man niya iyon magawa ay itinulak na siya ng lalaki. Nahulog ang babae mula sa kandungan ng lalaki at napasalampak sa sahig.

"Enough! Are you happy now?" Malamig na wika ng lalaki at agad niyang i zinipper ang pants niya.

Tumayo ang babae na parang nalilito at hindi alam kung ano ang naging kasalanan niya. Hinawakan ng lalaki ang mukha ng babae at ipinihit sa gawi ko.

Ganu'n na lang ang gulat ng babae nang makita ako sa pinto. Namula ang mukha nito.

"Now, leave! I don't want to see you!" Sigaw ng lalaki sa babae.

Mabilis na inayos ng babae ang suot na pulang dress at nagmamadali itong lumabas ng office. Muntik pa niyang mabangga si Mr. Javier na noo'y kararating lang sa pinto.

"Tell me what's goin' on here." Pagbaling ko sa guwapong lalaki ay nakaupo na ito at malamig na nakatingin sa 'min ni Mr. Javier.

Ngayon ko lang naisip, ang mala adonis na lalaking ito pala ay si Chardon Atanante, ang CEO at may ari ng C.A Incorporated. Hindi pala siya 'yung inaakala kong matandang napapanot na, na may malaking tiyan.

"Um, sir... This is Marigold Magbanua. Your newly hired executive secretary, sir."

Tumawa nang mahina si Mr. Atanante. Ang sexy pala ng boses niya at masarap pakinggan. Parang kinikilig tuloy ako. Ngunit nasira ang pagpa pantasya ko nang marinig ang sinabi niya.

"My new secretary? You hired me a secretary who doesn't even know basic etiquette, that suddenly barges into someone's office without a permission? I overstimated your knowledge to hire."

Napayuko ako sa hiya. Kailangan kong magpaliwanag, kung hindi ay baka isipin niyang wala akong pinag aralan. "I'm sorry sir! Hindi ko po talagang gustong pumasok nang walang pahintulot. Kaya lang, sabi po–"

"Enough! You only making up excuses."

Natahimik ako't napayuko nang suminghal siya. Napatingin ako kay Mr. Javier. Sana lang ay magsalita siya para sa 'kin. Kaya lang kahit s'ya ay nakayuko rin.

Hinaguran ako ng tingin ni Mr. Atanante. Pero, sa suot ko talaga siya nakatingin. "You even called it a executive secretary? I don't even know how you passed the evaluation..." Sabi niya habang nakangalong babà.

"Jonathan, give her her salary for the days she worked, then fire her."

Nawindang ako nang marinig iyon. Parang alingawngaw ang boses niya sa pandinig ko. Ano raw sabi niya? F-fire? tinatanggal niya ako sa trabaho?

Nanatili akong nakatayo at tulala habang nakatingin kay Mr. Atanante na patungo sa banyo ng kanyang office.

Naramdaman ko na lang na may humawak sa braso ko't hinihila ako. Pag lingon ko ay umiiling si Mr. Javier sa 'kin.

Sinulyapan ko pa ng isang beses si Mr. Atanante habang papalabas. Umaasa na sana biglang magbago ang isip niya at bigyan pa 'ko ng pagkakataon.

Hanggang sa makalabas na ay parang hindi pa rin ako makapaniwalang natanggal ako sa trabaho.

"Marigold... I'm sorry. "

Napatingin ako kay Mr. Javier. Pero nararamdaman ko ang unti unting pag init ng mga mata ko at ang unti unting pag balong ng mga luha ko.

Tinigasan ko ang loob ko't pinigil ang mga luhang 'yon at bahagyang ngumiti kay Mr. Javier. "Ayos lang Mr. Javier. Pasensiya na, pati kayo napagalitan dahil sa 'kin... Sige po, kukunin ko lang po ang mga gamit ko." At mabilis akong umalis sa harapan niya.

Pagdating sa office ko ay hindi ko na napigilang mapahagulgol. Sa isang iglap at sa isang pagkakamali lang ay nawalan ako ng trabaho. Pakiramdam ko ay gumuho ang mga pangarap ko. Paano ko 'to sasabihin kay mama?

Habang umiiyak ay biglang nag ring ang telepono sa mesa kaya pilit kong kinalma ang sarili ko. Siguradong related sa trabaho ang tawag na ito kaya dapat ay professional ako. Pero teka... Tanggal na nga pala ako.

Muli na naman akong naiyak nang maalala 'yon... Wala na 'kong pakialam, tutal huling araw ko na 'to. Sinagot ko ang tawag kahit tunog ngongo ako at humihikbi hikbi pa. "He...(hik) hello?"

"Marigold? Marigold are you okay?" Nasorpresa ako nang si Jonas pala ang tumawag.

"Marigold, please stay there... Don't do anything. Hintayin mo 'ko, okay?"

Habang nakikipag usap kay jonas ay naramdaman ko na meron akong kakampi kaya hindi ko na napigilan pang ibuhos sa kanya ang sama ng loob at pagkabigo na nararamdaman ko.

Nasa meeting ngayon si Jonas at mga katanghalian raw ang balik niya sa kumpanya. Doon sana siya magla lunch kaya lang dahil sa nangyari sa 'kin ay babalik siya agad pagtapos ng meeting.

Hindi na 'ko magtataka kung paano niya nalaman, malamang tinawagan siya ni Mr. Javier.

Tulad ng sinabi ni jonas, hindi ko muna niligpit ang mga gamit ko, hihintayin ko siya hanggang tanghali tulad ng sinabi niya. Pero wala pa rin akong tigil sa pag iyak. Kakapasok ko lang kasi, tanggal agad ako. Pakiramdam ko tuloy pinaglaruan lang ako.

Maya maya ay naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko. Nang lumingon ako ay isang baso ng tubig ang bumungad sa 'kin. Nang tingnan ko kung sino ang may hawak nu'n ay nakita kong si Mr. Javier pala.

"Pasensiya na, hindi kita na inform na ganu'n talaga si Mr. Atanante. Hindi siya tumatanggap ng kat'wiran kapag nakagawa ka ng mali... Marigold, marami pa namang kumpanya d'yan. Siguradong may makikita ka na makaka appreciate ng talent mo. I believe in you."

Na touch ako at parang lumakas lakas ang loob ko sa sinabi ni Mr. Javier. Oo nga naman. Hindi pa dito nagtatapos ang mga pangarap ko. Magpapakatatag ako't maghahanap uli ng trabaho.

Umalis na rin agad si Mr. Javier at naiwan akong mag-isa't nakatunganga. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang ilang miss call ni Jonas doon. Naglaro muna ako habang naghihintay sa kanya hanggang sa magtanghali na.

Dumating si jonas na humahangos. "Sorry kung ngayon lang ako... Anong nangyari? Bakit ka niya sinesante?"

Nahihiya akong sabihin kay Jonas ang eksenang nasaksihan ko kanina pagbukas ng CEO office, kaya pinasimple ko na lang. "Ano kasi e... Basta na lang ako pumasok ng office n'ya nang hindi kumakatok."

"And then?"

Napipi na 'ko't hindi na nakasagot pa.

"I knew it!! Ha ha ha!"

Nagitla ako sa biglang pagtawa ni Jonas.

"Ha ha ha ha! That bull!"

Bull? hindi naman si Mr. Atanante yu'ng umaano e. Paano siya naging bull?

"Sorry..." Napatikhim si Jonas at bahagyang namula ang mukha nito matapos tumawa. "Don't worry, I will talk to him. Come with me."

Bigla akong hinila ni Jonas palabas ng office. Nang makita kong papunta kami sa CEO office ay kumalas ako sa pagkakahawak niya.

"Bakit? Natatakot ka ba? With me here, you don't have to worry, let's go." Muli na naman niya akong hinila.

Sa totoo lang ay medyo nakakatakot nga si Mr. Atanante lalo na kapag sumisinghal siya. Ang guwapo guwapo nga niya, para naman siyang dragon.

"T-teka, kumatok ka muna!" Agad 'kong pinigilan si Jonas nang akmang pipihitin nito ang doorknob. Mukhang ugali rin ng lalaking ito ang bigla bigla na lang papasok nang hindi kumakatok.

"He he he, no need to worry."

"Hi Mr. CEO! Welcome back! Pasalubong ko?" Bati ni Jonas sa guwapong lalaking gumagawa sa mesa.

Kinalas ko ang kamay ni Jonas na nakahawak sa 'kin para dumistansya nang konti. Parang ang intimate kasi namin tingnan.

"It's in the car, ask Jonathan to take it."

"Yes!! Thank you Mr. CEO, your the best!"

Napansin ko ang interaksyon ni jonas at Mr. Atanante. Mukhang malapít sila sa isa't isa.

"By the way, have you met your new secretary, marigold?"

Napayuko ako bigla, sa takot na tumingin siya sa 'kin at magtama ang mga paningin namin.

"Yeah, why did you hire her though she isn't qualified enough? Afraid to loose?"

"Hindi no! but... What about, giving her another chance? 'for sure, misunderstandings lang 'yung nangyari kanina."

"Misunderstandings?" Patuloy lang sa gingawa si Mr. Atanante, hindi ito nag aangat ng ulo sa 'min.

"Yeah, misunderstandings! Sino ba naman ang makakaisip na nakikipaglaro ka pala dito sa loob ng office mo ng ganu'n kaaga? Saka, akala ko ba hindi dapat dinadala ang laro sa trabaho?... But remember our deal, I found you a new secretary. I did it man, you lose!"

"Hmm... Fine, I lose. Pero 'yung nangyari kanina was sheree's fault. Hindi ko naman akalain na she will get hot after a few teasing and suddenly demanded more from me. Women are really..." Pinutol niya ang sasabihin at tumingin sa 'kin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa mga malalalim niyang tingin. Pakiramdam ko ay kayang kaya niya akong lunukin nang buo. Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito na hindi ko maintindihan ang emosyon 'ko kung natatakot ba ako o kinikilig kay Mr. Atanante.

"I'm not going to hire what I already dismissed. That's the end of it." At nagpatuloy na siya sa kanyang ginagawa.

Napabuntong hininga na lang ako, mukhang wala na nga akong pag asa dito.

"Can't you just give her another chance? Marigold is sensible and hardworking. Nakakapanghinayang naman kung mapupunta lang siya sa ibang kumpanya... Please kuya chard, please~"

Biglang natigilan si Mr. Atanante sa ginagawa at... Namamalikmata ba 'ko? Bakit parang biglang lumambot ang malalamig na mga mata niya?

Binitiwan ni Mr. Atanante ang hawak niyang ballpen. Sumandal siya sa swivel chair at nakangalong babang tumingin sa 'min.

"Maybe, I can consider. What do you call me again?"

Napatingin ako sa naninigas na si jonas at kay Mr. Atanante. Anong nangyayari sa kanilang dalawa?

Tumikhim muna si Jonas. "I said, can you give marigold another chance? Please kuya Chard~" halos matawa ako nang lambutan ni Jonas ang dulo.

Tumawa nang mahina si Mr. Atanante. "Okay. Since you looks sincere, I'll employ her again."

"Yes!! The best ka talaga kuya Chard!"

Hinawakan ako ni jonas sa magkabilang braso at inalog alog ako. "See! I told you!" kahit hindi ako maka react at kahit hindi ko maipakita ay masayang masaya ako. Pero parang mas masaya pa yata sa 'kin si jonas.

"But–" Natigilan kami ni Jonas at sabay na napalingon kay Mr. Atanante.

"She will work as an intern."

"W-what? But-" hinila ko ang damit ni jonas kaya napalingon siya sa 'kin, umiling ako sa kanya. Pareho lang naman kami ng reaksyon ni Jonas, pero mas mainam na ito kaysa sa walang trabaho. Malapit na rin kasi maubos ang perang dala ko.

"Maraming salamat po Mr. Atanante sa muling pagtanggap sa 'kin dito. Pagbubutihan ko po ang trabaho."

Matapos magpa salamat ay lumabas na kami ni Jonas ng office. Pakiramdam ko ay nakahinga rin ako nang maluwag.

Bumuntong hininga si jonas. "Akala ko pa naman ibabalik ka niya sa dating position mo kapalit ng pride ko, na scam niya 'ko 'dun a."

"Ayos lang Jonas. Ang importante ay may trabaho ako at hindi napaalis dito. Salamat nga pala sa pagtulong mo sa 'kin ha."

"Wala 'yun. Ilibre mo na lang ako ng lunch kapag nakuha mo na ang unang payroll mo."

"Sige ba!"

Nang araw na 'yon ay kinailangan kong mag report sa CHRO office para kumpletuhin ang proseso ng termination ko. Nang papasok na ako sa CHRO office ay narinig kong may tumatawang babae sa loob. Hindi ko pinansin y'un, pumasok na 'ko sa pahintulot na rin ng CHRO.

Pag pasok ko ay nakita ko si Ms. Vivian sa gilid ng mesa. Naka cross arm ito habang nakangisi sa 'kin. Bigla kong naalala na dahil sa kanya kaya ako natanggal sa posisyon ko.

Huminga ako nang malalim para pigilan ang unti unting pagbugso ng aking damdamin na alam kong hindi makakabuti at makakatulong sa 'kin sa pananatili ko dito sa C.A.

Hindi ko siya pinansin na parang wala siya sa loob ng office. Nagdiretso ako kay Mr. Malibo. "Mr. Malibo, I'm here to report–"

"Termination? I already know." Tila nasa mood si Mr. Malibo at naka ngiti pa ito sa 'kin.

Napa buntong hininga ako. Resignation sana ang sasabihin ko para man lang sana sa kaunting pride ko.

Related chapters

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 5 - Marketing Department

    Masayang inaasikaso ni Mr. Malibo ang termination letter ko. Mukhang tuwang-tuwa sila sa pagkakatanggal ko a."Kapapasok mo lang dito, tanggal ka na agad? Bakit kaya ano?" Sabi ni Ms. Vivian habang nakahawak pa sa babà niya na wari'y nag iisip.Hindi ko pinapansin si Ms. Vivian na parang wala akong naririnig. Ngayong alam ko na ang gawain niya, dapat akong umiwas sa kanya habang nandito ako sa kumpanya. Tumawa si Mr. Malibo. "Maybe she's no't really qualified para sa posisyon'g 'yon. Sabi ko naman sa 'yo 'di ba? You should apply for another position. Hindi dapat natin ipilit ang mga sarili natin sa posisyong hindi naman para sa 'tin. Right, Ms. Magbanua?" "Hmm." Matipid kong sagot. Pagkatapos ay yumuko na lang ako para hindi mahagip ng paningin ko si Ms. Vivian na nakangisi sa 'kin.Tumayo sa kanyang mesa si Mr. Malibo at umalis. Nang kami na lang ni Ms. Vivian ang natira: "Pagpasok mo ng Ceo office, anong nakita mo?" Nag angat ako ng ulo at nakita ko na mukhang interesadon

    Last Updated : 2023-02-15
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 6 - Act As His Girlfriend

    Natigilan ang lahat ng mga babaeng naka paligid at kinikilig kay Jonas at napatingin sila sa 'kin.Biglang lumakad si jonas papalapit sa 'kin. Napasinghap ang lahat nang kunin niya ang kamay ko at hilahin ako patayo. Pagtapat namin sa tulalang si Mrs. Valdez ay ipinagpaalam ako ni jonas. Pagkatapos ay hinila na niya ako palabas.Tila hindi napapansin ni Jonas ang paligid, pero kitang kita ko kung paano ako tingnan nang matalim ng mga babae dito sa department namin. Huhuhu... Jonas, ipinapahamak mo talaga ako!Hinila ako ni jonas hanggang sa rooftop. Kinalas ko ang kamay ko at dumistansya sa kanya nang konti. "Jonas, puwede bang sa susunod, sabihan mo na lang ako. H'wag mo na akong hihilahin sa harap ng mga tao." "Ha? Bakit naman?" Napahawak ako sa noo ko. "Alam mo ba'ng sa ginagawa mo, e napapahamak ako."Tumawa siya. "Gan'un ba? Understandable naman 'yon.""Ano nga pala ang kailangan mo sa 'kin at dito mo pa ako dinala?"Ang masayang awra ni jonas ay biglang nawala. Bigla siyang n

    Last Updated : 2023-02-16
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 7 - Close Interaction

    Kumubli agad ako sa likod ni jonas sa takot na baka mapatingin si Mr. Atanante sa direksyon namin at makita ako.Lumingon sa 'kin si jonas. "Marigold, what's wrong?""Jonas, hindi ako puwedeng makita ni Mr. Atanante." Bulong ko sa kanya."O-oo nga pala ano! You need to hide, hurry!" Tumalikod si Jonas sa entrance at tinakpan ako.Ngunit bago pa man ako makatakas ay: "Jonas, kuya Chardon is here. And he doesn't seems to know about your girlfriend."Nanigas ako bigla at hindi ko na magawa pang kumilos nang marinig si chesca. Hindi ko tuloy magawang umalis sa mga bisig ni jonas.Nagulat ako nang bigla lumapit si chesca at hatakin ako. Nahatak niya pati ang suot kong dress, naramdaman ko tuloy na lumuwag ang strap nito. "What are you doing‽" Sigaw ni jonas habang inilalayo ako kay chesca. "You! What are you two doing? at dito pa kayo naglalandian sa party ko? Baka nakakalimutan n'yong nasa house ko kayo‽""Anong naglalandian‽ I was hugging her because I was supporting her... she feels un

    Last Updated : 2023-02-17
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 8 - Dinner Treat

    "Chesca!!"Nang dumating si jonas ay naaktuhan niya ang panghaharas ni chesca sa 'kin. Hindi ko mabita-bitawan ang dress ko, pakiramdam ko kasi'y anumang oras ay malalaglag ito. Agad lumapit si jonas at sinaklolohan ako."Stop it!" Dahil ayaw paawat ay bahagyang naitulak ni jonas si Chesca.Napaatras si chesca at parang hindi makapaniwalang nagawa siyang itulak ni jonas. "Y-you dare to push me? Because of this slut?"Dinampot ni Jonas ang coat sa sahig at isinuot iyon sa 'kin. "And why not? Napaka bayolente mo. Saka, hindi slut si marigold, okay?" "Heh, hindi s'ya slut? Alam mo bang pinagsasabay n'ya kayo ni kuya chardon?"Nagtaka si jonas at napalingon sa 'kin. "Walang nangyaring gan'un, ipapaliwanag ko sa 'yo mamaya." Wika ko sa kanya.Ipinasuot sa 'kin ni jonas ang dala niyang sapatos at inakay na 'ko palabas ng mansiyon. Habang naglalakad ay nagsisisigaw si chesca sa 'min at halos pigilan kaming umalis ngunit wala naman siyang magawa. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao.Nang

    Last Updated : 2023-02-18
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 9 - Past Event

    "M-Mr. Atanante!" Napabalikwas ako sa gulat nang makita s'ya at dahil hindi ko suot ang salamin ko ay nahilo ako't nawalan ng balanse. Agad naman n'ya akong nahawakan at inalalayan. Nagkatitigan kaming dalawa at kahit malabo ang paningin ko ay alam kong malamig siyang nakatingin sa 'kin. Bigla akong na-conscious nang maalalang basâ nga pala ang mukha ko. Nag-iwas ako ng tingin at kumawala sa pagkakahawak niya. Ngunit hindi niya ako pinakawalan. Sa halip, bigla niyang hinawakan ang mukha ko't iniharap iyon sa kanya at muli kaming nagkatitigan. Ako ang unang nagbawi ng tingin dahil hindi ako makatagal at parang akong napapaso sa mga titig niya. Nararamdaman ko na rin kasi ang pag-init ng mukha ko. "M-Mr. Atanante..." Tinangka kong tanggalin ang malalaki niyang kamay sa mukha ko. "Be still." Natigilan ako sa pagpipiglas at muling napatitig sa kanya. Hindi siya nagsasalita, nakatitig lang siya sa 'kin. Magtititigan na lang ba kaming dalawa? Ano ba'ng gusto n'ya? Hindi kaya...

    Last Updated : 2023-02-19
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 10 - Outing

    "Yes!!!""Sa wakas mae-experience ko na rin ang resort ni papa Ceo ko!""Atanante's Grandeur? 'di ba bongga d'un? Lagi ko 'yon nakikita sa mga magazine e.""Ang mahal kaya ng booking d'un."Samu't-saring komento ng mga tao sa paligid ko.Maya-maya ay may lumapit kay Mrs. Valdez at tinawag ito, kaya bumalik muna ito ng office n'ya."Marigold, hindi puwedeng hindi ka sasama ha?""Oo nga. Alalahanin mong sa 'yo nanggaling 'yung ideyang nagpa-approve sa proposal natin.""Kaya dapat nan'dun ka, reward mo man lang sa sarili mo."Sabi ng mga kasama ko sa 'kin. Sino bang may sabing hindi ako sasama? Sasama ako s'yempre!"Okay... guys listen!" Sabay-sabay kaming napalingon nang marinig ang pagtawag ni Mrs. Valdez. Hinihimas nito ang kanyang noo."Baka hindi muna matuloy ang outing..."Napasinghap ang buong department at nagkaroon bigla ng diskusyon."Bakit naman po Mrs. Valdez?""Nagkaroon kasi ng problema. Ayaw aprubahan ng CMO ang proposal. Kaya... I think we need to re-do the marketing propo

    Last Updated : 2023-02-20
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 11 - Undescribable Feelings

    Sa isang exclusive villa sa resort ay mag-isang umiinom ang isang lalaki sa isang malawak at madilim na silid, tanging ang desk lamp lang ang pinagmumulan ng liwanag. Pinagmamasdan n'ya ang pag-galaw ng alak sa wine glass habang inikot-ikot n'ya ito.Hindi n'ya maunawaan ang sarili... matapos ang gabing 'yun ay lagi na lang sumasagi sa isipan n'ya ang maamong mukha'ng 'yon kapag gabi, lalo na ang mga mata nitong tila may bahid pa ng kainosentihan. Para bang gusto niyang abutin ito at ikulong sa mga bisig n'ya't pupugin ito ng halik.Napangisi si Chardon at lumagok ng alak. Naaalala pa n'ya ang natural na samyo ng babae. Wala s'yang naamoy na kahit na anong pabango nang lumapit s'ya dito, maging ang buhok nito't balat, lalo na ang naka-expose nitong leeg, ang mga 'yon ay natural lahat.Ngunit... Mayroon nga yata talagang nauuna at mayroon din namang mga nahuhuli, at doon sa nahuhuli s'ya nabibilang. Hindi nga yata lahat ay makukuha n'ya. Oo. Isa s'yang Casanova, ngunit hindi s'ya gan'u

    Last Updated : 2023-02-21
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 12 - Gossip

    Maliwanag na nang magising si Chardon. Nang mapatingin s'ya sa gilid ay wala na s'yang katabi.Hindi na n'ya inintindi kung nasaan ang bagong girlfriend. Pagbangon n'ya ay napahilot s'ya sa kanyang sumasakit na sentido. Saka n'ya naalalang uminom nga pala s'yang mag-isa kagabi.Unti-unti ring bumabalik sa alaala n'ya ang mga nangyari sa Patio: nang mahuli n'yang pumitas ng bulaklak si marigold, ang mga itinanong n'ya dito at ang mga naging kasagutan nito, at higit sa lahat ay ang naunsyami niyang paghalik sa dalaga nang makita n'ya ang mukha ng babaeng gumugulo sa kanya dito.Napasabunot si chardon sa sarili sa sakit ng kanyang ulo. Tumawag s'ya't nag-utos ng gamot sa room service.Bigla n'yang naalala ang salamin ni marigold. Kinuha nga pala n'ya ito kagabi at hindi n'ya naibalik nu'ng nagpa-akay s'ya sa kuwarto.Hinanap n'ya ang salamin sa malaking desk. Nang hindi makita ay hinanap naman n'ya ito sa mga drawer, ngunit hindi pa rin n'ya matagpuan ang salamin.Nang mapadako s'ya sa ni

    Last Updated : 2023-02-22

Latest chapter

  • The Casanova CEO want's me   EXTRA

    "Mari, there is something you are not telling me." "Ha? Ano naman 'yon?" "Who is that bastard that attacked you in the parking lot?" "A, 'yun? Si Erick 'yon, empleyado din dito." "You seem really different now, eh? looks like you have secret admirers too." Ani chardon na may bakas ng iritasyon. Napakamot sa ulo si marigold. "H-ha? Hindi naman." Naglalakad ang dalawa sa lobby habang magka-holding hands ang mga ito na umani ng papuri, inggit, at kilig sa mga babaeng empleyadong naroon. Pagpasok ng Opisina ay naupo si Chardon at wari'y may inisiip. Lumapit si marigold at minasa-masahe ang noo nito. "Ano naman ang inisip mo? Ang aga-aga, mukhang problemado ka na." "I was thinking what should to be done to make everyone notified that you are taken. Should I plaster it on the wall or something like that?" Ani ng nakapikit na si chardon habang ini-enjoy ang serbisyo ng nobya. Nangunot ang noo ni marigold. "Ano?" Tanong nito sa bumubulong na nobyo. Hindi n'ya naintindihan ang mga s

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 150 - The End

    Natigilan si Marigold nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng lalaki. Dagli itong bumaba ng kotse at tiningnan kung sino iyon.Nakita niya ang naka-sumbrero't naka-shades na lalaki na may travel bag sa kanyang likod, habang hawak-hawak nito sa kuwelyo ang nagpipiglas na si Erick."Bitiwan mo 'ko! Sino ka bang pakialamero ka, ha?" Sigaw ni Erick. Nang makabuwelo ito ay tinanggal nito ang sumbrero't shades ng lalaki.Gan'un na lamang ang pagka-gitla ni marigold nang makita kung sino ito. "Ch-chardon?!"Ngumiti si Chardon. "Hi Mon amor. Although we've seen each other last week, but I'm still miss you..... do you miss me too?"Napanganga na lang si Marigold at hindi makapaniwala. Anong ginagawa ni Chardon dito, at paano ito nakalabas?"Wait for me, I will dispatch this first." At kinaladkad ni chardon si Erick.Sinundan ng hindi pa rin'g makapaniwalang si marigold si Chardon. Naka-antabay s'ya sa tabi habang ipinapasa nito si Erick sa guwardiyang agad naman siyang nakilala.

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 149 – Her Longing For Him/Him

    "Lucy, ako na diyan. Mabigat na yata 'yan, baka mahirapan ka na'ng magtulak." Nakangiting wika ng may-edad na lalaki kay Lucilla sabay kuha ng cart dito."Hindi na. Kaya ko na 'to. Saka, paano mo nalaman'g mag-go-grocery ako ngayon? Huwag mong sabihin'g sinusundan mo 'ko?""Hindi naman.... basta naramdaman lang ng puso ko kung saan ka naroon. Kaya, sinundan kita dito." "H-ha?" Napailing-iling at napabuntong hininga na lang si Lucila sa naka-ngiti pa rin'g lalaki. Anim na taon na rin ang nakalilipas buhat nang makapag-usap sila ni Ernesto sa isang café at sugurin sila ni Beatrice doon. Bagaman nilinaw na n'ya ang lahat dito, ngunit makapal pa rin ang apog nito na muling nanligaw matapos nitong makapag-sampa ng annulment sa dating asawa. At magpasa-hanggang ngayon ay nanunuyo pa rin ito.Minsan ay hindi mapigilang kiligin ni lucilla sa panunuyo ni Ernesto. Pakiramdam niya kasi, sa kabila ng kanyang edad ay para siyang teen-ager na nililigawan nito.Dahil nagsawa na siya sa pa

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 148 - The Aftermath

    Nagbunyi ang mga negosyanteng nagsampa ng kaso kay Chardon. Ang totoo ay hindi lang hustisya para sa ginawa ni Chardon sa kanila ang kanilang habol, kundi, dahil na rin sa malaking inggit nila dito. Habang umiiral ito sa business circle, patuloy itong mamamayagpag at patuloy silang magiging talunan nito. Ngunit ngayong makukulong na ito, magkakaroon na sila ng pagkakataon.Kabaligtaran ng maingay at pagbubunyi ng mga negosyante'ng nagpakulong kay chardon, tahimik sa hanay nila marigold. Tila biyernes Santo ang mga mukha nito."S-sir...." Napahid ni Mr. Javier ang mga mata, hindi nito mapigilang maging emosyonal. Tila mahihiwalay siya ng mahaba-hahang panahon sa amo'ng anim na taon na niyang kasa-kasama.Agad naglapitan sa natulalang si marigold sila Maricris, Jessy, at ang iba pa nilang kaibigan, habang ma-ngiyak-ngiyak naman sila nanay sela at lucilla. "M-marigold.... " Hinaplos-haplos ni Maricris ang kaibigan nang makitang wala itong naging reaksyon sa naging hatol kay Chardo

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 147 - His Crimes

    Sa ibaba ng C.A building, animo'y may celebrity na inaabangan ang mga tao. Naroon kasi ang mga reporter at ilang kapulisan. May mga empleyado na rin ng C.A ang nasa labas at nagtatanong ng kung ano ang nangyayari."A-ano?! Naparito kayo para h-huhulihin ang Ceo namin?" Tanong ng receptionist sa isang pulis."Oo. Kaya kung meron kang nalalaman sa anomalya ng inyong Ceo, ay maaaring lang na makipag-ugnayan kayo sa 'min para mabigyan ng katarungan ang mga taong sinikil n'ya kung meron man." Sagot ng pulis."That's right! Hump! Ang sabi nila ay genius daw sa business world, magnanakaw naman pala!" Nagpupuyos na wika ng isang naka-suit na matandang lalaki. May-ari ito ng isang malaking kumpanya dati na kalaunan ay nalugi nang may manabotahe at magnakaw ng confidential files ng kanyang kumpanya.Ngayon lang nito naalala, anim na taon na nakakaraan, naging empleyado sa kanyang kumpanya si Chardon.Naguluhan ang mga empleyado ng C.A sa ibinibintang ng lalaki. "Sir, hindi po magagawa

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 146 - Arrested

    "Marigold, anak. Nag-away ba kayo ko Chardon?"Natigilan sa paghuhugas ng mga pinaglutuan si marigold at napatingin sa ina. "Hindi 'ma, bakit mo naman naitanong 'yan?""E bakit bigla na lang siya'ng nagkaganun? Tulala, balisa, parang laging wala sa sarili. Naku, baka kung ano na ang nangyayari du'n a, kausapin mo kaya?"Binitiwan ni Marigold ang ginagawa at humarap sa ina. ""Ma, iyon nga ang gusto kong ihingi ng payo sa 'yo e. Tinanong ko na siya, pero umiiwas naman. E paano ko malalaman kung ano ang pinagdadaanan n'ya, e parang mas gusto pa niyang ilihim sa 'kin 'yun e."Natigilan ang dalawa nang biglang may nag-doorbell. "Sandali lang!" Sigaw ni nanay sela habang nagliligpit ng pinagkainan.Sa pag-aakalang ang amo 'iyon ay hindi na inalam pa niya nanay sela kung sino ang tao sa labas ng gate. Natigilan ang Matanda nang makita ang isang maganda at mukhang may class na babae. Nalalaman ni nanay sela na may edad na ang babae, ngunit hindi makikitaan ng pagkaka-edad ito. "Ano p

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 145 - Oppression

    Dahil buo ang paniniwala ni Beatrice na si lucilla nga ang posibleng kumuha ng kanyang pitaka, walang kagatul-gatol at kumpiyansa itong pumayag nang sabihin ni Chardon na magtungo silang lahat sa CCTV monitoring room at tingnan doon ang talagang nangyari.Ngunit nang makitang ibang tao ang kumuha ng kanyang pitaka at nang makitang napadaan lang si lucilla sa CCTV ay nagitla ito at tila hindi pa makapaniwala. "T-this..... Baka naman, m-may diperensya lang ang CCTV camera n'yo."Gusto na lang umiling-iling at magtawa ng technician'g naka-toka sa monitoring room kay Beatrice ngunit hindi nito magawa."Heh, The CCTV camera probably has defect? Or was it your brain has a defect?"Sumimangot si Beatrice ngunit hindi nito nagawang sagutin ang sarkastikong sinabi ni chardon."M-mom, what now?" Pabulong na tanong ni Bianca. Nalaman nitong si Lucila pala ang ina ni marigold na siya rin'g umaagaw sa pagmamahal ng ama para sa ina, kaya hinangad nito'ng mahulog si Lucila sa kamay ng ina para

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 144 - The Execution Of A Wicked Plan

    "W-what are you planning to do? What is that document about?" May bahagyang pag-aalala ng babae, hindi malaman kung dahil ba sa nalalaman niyang posibleng kapahamakan ng taong pinagpa-planuhan ng lalaki, o ang pag-aalala'ng baka madawit siya.Nag-snort ang may-edad na lalaki. "You do not need to know. just wait for me to tell you if we will become in-laws in the future." Tumayo na ito bitbit ang envelope. "Margot, let's go!""Bye, my future mother-in-law." Nasa mood na wika ni Margot bago sumunod sa ama.Naiwang napapa-isip si Ariella. Ano ang pinaplano ni Hugo at bakit tila parang siguradung-sigurado itong magtatagumpay ang kanyang plano'ng mapa-payag si chardon sa gusto nito....Biglang nagkaroon ng katahimikan matapos sabihin ni marigold sa ina ang kanyang pagbubuntis. "M-ma?" Tawag ni marigold nang mapansin ang biglang pag-simangot ng ina."Ginawa n'yo rin pala ano? Hindi n'yo rin pala pinansin ang paalaala't bilin ko?" Nagkatinginan sila marigold at Chardon. Nagtaka

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 143 - The Crook And Cruel Ways

    Nakagat ni marigold ang labi habang patuloy na pinakikinggan ang nagsasalita sa loob. Biglang sumamâ ang pakiramdam nito kasabay ng nararamdaman niyang gutom."..... and that is Margot that we propose to betrothed to you." Pagtatapos ni Ariella."Hello, nice to meet you Mr. Atanant.... " maririnig ang malambing na tinig ng isang babae sa loob. "I was really surprised to see you and never expected you to be this hansome, aside from what I heard that you are a young genius businessman. I really admired a young talent and outstanding men of today's generation like you....."Hindi na matiis pa ni marigold ang mga naririnig sa loob. Pakiramdam niya'y kapag nagpatuloy pa ito ay baka mapikot na nang tuluyan ang ama ng nasa kanyang sinapupunan.Natigilan ang mga nasa loob ng private room nang biglang magbukas ang pinto. "Chardon~" pumasok si marigold at dumiretso sa nobyo.Agad tumayo si Chardon at sinalubong si marigold. "Um, I.... I'm sorry, I didn't tell you about this...."Sumim

DMCA.com Protection Status