Kumubli agad ako sa likod ni jonas sa takot na baka mapatingin si Mr. Atanante sa direksyon namin at makita ako.Lumingon sa 'kin si jonas. "Marigold, what's wrong?""Jonas, hindi ako puwedeng makita ni Mr. Atanante." Bulong ko sa kanya."O-oo nga pala ano! You need to hide, hurry!" Tumalikod si Jonas sa entrance at tinakpan ako.Ngunit bago pa man ako makatakas ay: "Jonas, kuya Chardon is here. And he doesn't seems to know about your girlfriend."Nanigas ako bigla at hindi ko na magawa pang kumilos nang marinig si chesca. Hindi ko tuloy magawang umalis sa mga bisig ni jonas.Nagulat ako nang bigla lumapit si chesca at hatakin ako. Nahatak niya pati ang suot kong dress, naramdaman ko tuloy na lumuwag ang strap nito. "What are you doing‽" Sigaw ni jonas habang inilalayo ako kay chesca. "You! What are you two doing? at dito pa kayo naglalandian sa party ko? Baka nakakalimutan n'yong nasa house ko kayo‽""Anong naglalandian‽ I was hugging her because I was supporting her... she feels un
"Chesca!!"Nang dumating si jonas ay naaktuhan niya ang panghaharas ni chesca sa 'kin. Hindi ko mabita-bitawan ang dress ko, pakiramdam ko kasi'y anumang oras ay malalaglag ito. Agad lumapit si jonas at sinaklolohan ako."Stop it!" Dahil ayaw paawat ay bahagyang naitulak ni jonas si Chesca.Napaatras si chesca at parang hindi makapaniwalang nagawa siyang itulak ni jonas. "Y-you dare to push me? Because of this slut?"Dinampot ni Jonas ang coat sa sahig at isinuot iyon sa 'kin. "And why not? Napaka bayolente mo. Saka, hindi slut si marigold, okay?" "Heh, hindi s'ya slut? Alam mo bang pinagsasabay n'ya kayo ni kuya chardon?"Nagtaka si jonas at napalingon sa 'kin. "Walang nangyaring gan'un, ipapaliwanag ko sa 'yo mamaya." Wika ko sa kanya.Ipinasuot sa 'kin ni jonas ang dala niyang sapatos at inakay na 'ko palabas ng mansiyon. Habang naglalakad ay nagsisisigaw si chesca sa 'min at halos pigilan kaming umalis ngunit wala naman siyang magawa. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao.Nang
"M-Mr. Atanante!" Napabalikwas ako sa gulat nang makita s'ya at dahil hindi ko suot ang salamin ko ay nahilo ako't nawalan ng balanse. Agad naman n'ya akong nahawakan at inalalayan. Nagkatitigan kaming dalawa at kahit malabo ang paningin ko ay alam kong malamig siyang nakatingin sa 'kin. Bigla akong na-conscious nang maalalang basâ nga pala ang mukha ko. Nag-iwas ako ng tingin at kumawala sa pagkakahawak niya. Ngunit hindi niya ako pinakawalan. Sa halip, bigla niyang hinawakan ang mukha ko't iniharap iyon sa kanya at muli kaming nagkatitigan. Ako ang unang nagbawi ng tingin dahil hindi ako makatagal at parang akong napapaso sa mga titig niya. Nararamdaman ko na rin kasi ang pag-init ng mukha ko. "M-Mr. Atanante..." Tinangka kong tanggalin ang malalaki niyang kamay sa mukha ko. "Be still." Natigilan ako sa pagpipiglas at muling napatitig sa kanya. Hindi siya nagsasalita, nakatitig lang siya sa 'kin. Magtititigan na lang ba kaming dalawa? Ano ba'ng gusto n'ya? Hindi kaya...
"Yes!!!""Sa wakas mae-experience ko na rin ang resort ni papa Ceo ko!""Atanante's Grandeur? 'di ba bongga d'un? Lagi ko 'yon nakikita sa mga magazine e.""Ang mahal kaya ng booking d'un."Samu't-saring komento ng mga tao sa paligid ko.Maya-maya ay may lumapit kay Mrs. Valdez at tinawag ito, kaya bumalik muna ito ng office n'ya."Marigold, hindi puwedeng hindi ka sasama ha?""Oo nga. Alalahanin mong sa 'yo nanggaling 'yung ideyang nagpa-approve sa proposal natin.""Kaya dapat nan'dun ka, reward mo man lang sa sarili mo."Sabi ng mga kasama ko sa 'kin. Sino bang may sabing hindi ako sasama? Sasama ako s'yempre!"Okay... guys listen!" Sabay-sabay kaming napalingon nang marinig ang pagtawag ni Mrs. Valdez. Hinihimas nito ang kanyang noo."Baka hindi muna matuloy ang outing..."Napasinghap ang buong department at nagkaroon bigla ng diskusyon."Bakit naman po Mrs. Valdez?""Nagkaroon kasi ng problema. Ayaw aprubahan ng CMO ang proposal. Kaya... I think we need to re-do the marketing propo
Sa isang exclusive villa sa resort ay mag-isang umiinom ang isang lalaki sa isang malawak at madilim na silid, tanging ang desk lamp lang ang pinagmumulan ng liwanag. Pinagmamasdan n'ya ang pag-galaw ng alak sa wine glass habang inikot-ikot n'ya ito.Hindi n'ya maunawaan ang sarili... matapos ang gabing 'yun ay lagi na lang sumasagi sa isipan n'ya ang maamong mukha'ng 'yon kapag gabi, lalo na ang mga mata nitong tila may bahid pa ng kainosentihan. Para bang gusto niyang abutin ito at ikulong sa mga bisig n'ya't pupugin ito ng halik.Napangisi si Chardon at lumagok ng alak. Naaalala pa n'ya ang natural na samyo ng babae. Wala s'yang naamoy na kahit na anong pabango nang lumapit s'ya dito, maging ang buhok nito't balat, lalo na ang naka-expose nitong leeg, ang mga 'yon ay natural lahat.Ngunit... Mayroon nga yata talagang nauuna at mayroon din namang mga nahuhuli, at doon sa nahuhuli s'ya nabibilang. Hindi nga yata lahat ay makukuha n'ya. Oo. Isa s'yang Casanova, ngunit hindi s'ya gan'u
Maliwanag na nang magising si Chardon. Nang mapatingin s'ya sa gilid ay wala na s'yang katabi.Hindi na n'ya inintindi kung nasaan ang bagong girlfriend. Pagbangon n'ya ay napahilot s'ya sa kanyang sumasakit na sentido. Saka n'ya naalalang uminom nga pala s'yang mag-isa kagabi.Unti-unti ring bumabalik sa alaala n'ya ang mga nangyari sa Patio: nang mahuli n'yang pumitas ng bulaklak si marigold, ang mga itinanong n'ya dito at ang mga naging kasagutan nito, at higit sa lahat ay ang naunsyami niyang paghalik sa dalaga nang makita n'ya ang mukha ng babaeng gumugulo sa kanya dito.Napasabunot si chardon sa sarili sa sakit ng kanyang ulo. Tumawag s'ya't nag-utos ng gamot sa room service.Bigla n'yang naalala ang salamin ni marigold. Kinuha nga pala n'ya ito kagabi at hindi n'ya naibalik nu'ng nagpa-akay s'ya sa kuwarto.Hinanap n'ya ang salamin sa malaking desk. Nang hindi makita ay hinanap naman n'ya ito sa mga drawer, ngunit hindi pa rin n'ya matagpuan ang salamin.Nang mapadako s'ya sa ni
"Iisa!... Iisa lang sila, ayos na ba? Gusto ko nang umalis!" Wika ni jonas na parang konti na lang ay iiyak na ito.Nang tumayo na si jonas ay bigla s'yang hinatak paupo ni chardon."Explain it clearly! What do you mean exactly?" Malamig na tanong ni Chardon.Napalamukos na sa kanyang mukha si jonas, mukhang kaawa-awa na ang hitsura nito. "Kuya chardon, ano pa bang paliwanag ang gusto mo? Akala mo ba madali sa 'kin'g ibulgar ito? Nakasalalay dito ang katahimikan ng buhay ko! Naiintindihan mo ba 'yon? Tapos, gusto mo pang ulitin ko.""I promise, I won't tell it to anyone... Lalo na kay Chesca if that's what you want. I-explain mo lang nang malinaw sa 'kin."Tila nabingi si Chardon sa sinabi ni Jonas kanina at parang hindi nag sink-in sa utak n'ya ang narinig n'ya. Bagaman may ideya na s'ya ay gusto n'ya pa ring makasiguro.Ipinaliwanag muli nang dahan-dahan at malinaw ni Jonas ang sinabi n'ya.Nagkaroon ng Kinang sa mga mata ni chardon nang maunawaan na rin sa wakas ang totoong sitwasy
Naalimpungatan ako nang may tumamang mainit-init na liwanag sa mukha ko.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tiningnan ang pinagmumulan ng liwanag. Nang makita ang sikat ng araw sa labas ng bintana ay napabalikwas ako ng upo. tanghali na! Male-late na naman ako!Biglang sumakit ang ulo ko na may kasamang hilo. Para itong pinupukpok o binabarena. May sumalbahe ba sa 'kin kagabi at pinalo ako sa ulo?Hindi puwede 'to, male-late ako sa trabaho, kailangan ko ng gamot.Nang paalis na sa kama ay saka ko lang namalayan na parang may mali. Nang iginala ko ang paningin ko ay nakita ko na lang na nasa ibang kuwarto ako!Anong nangyayari? Hindi ito ang kuwarto ko, bakit ako nandito?Ang naaalala ko lang bago ako makatulog ay umaten kami sa birthday ng kaibigan ni Jonas tapos ay nagkaayos kami ni Chesca at uminom kami. Tapos n'un.... Wala na akong maalala.Mamaya ko na lang iisipin ang sitwasyon ko. Tumatakbo ang oras, kailangan ko nang umalis dito.Napatingin ako sa sarili ko. Ngayon ko
"Mari, there is something you are not telling me." "Ha? Ano naman 'yon?" "Who is that bastard that attacked you in the parking lot?" "A, 'yun? Si Erick 'yon, empleyado din dito." "You seem really different now, eh? looks like you have secret admirers too." Ani chardon na may bakas ng iritasyon. Napakamot sa ulo si marigold. "H-ha? Hindi naman." Naglalakad ang dalawa sa lobby habang magka-holding hands ang mga ito na umani ng papuri, inggit, at kilig sa mga babaeng empleyadong naroon. Pagpasok ng Opisina ay naupo si Chardon at wari'y may inisiip. Lumapit si marigold at minasa-masahe ang noo nito. "Ano naman ang inisip mo? Ang aga-aga, mukhang problemado ka na." "I was thinking what should to be done to make everyone notified that you are taken. Should I plaster it on the wall or something like that?" Ani ng nakapikit na si chardon habang ini-enjoy ang serbisyo ng nobya. Nangunot ang noo ni marigold. "Ano?" Tanong nito sa bumubulong na nobyo. Hindi n'ya naintindihan
Natigilan si Marigold nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng lalaki. Dagli itong bumaba ng kotse at tiningnan kung sino iyon.Nakita niya ang naka-sumbrero't naka-shades na lalaki na may travel bag sa kanyang likod, habang hawak-hawak nito sa kuwelyo ang nagpipiglas na si Erick."Bitiwan mo 'ko! Sino ka bang pakialamero ka, ha?" Sigaw ni Erick. Nang makabuwelo ito ay tinanggal nito ang sumbrero't shades ng lalaki.Gan'un na lamang ang pagka-gitla ni marigold nang makita kung sino ito. "Ch-chardon?!"Ngumiti si Chardon. "Hi Mon amor. Although we've seen each other last week, but I'm still miss you..... do you miss me too?"Napanganga na lang si Marigold at hindi makapaniwala. Anong ginagawa ni Chardon dito, at paano ito nakalabas?"Wait for me, I will dispatch this first." At kinaladkad ni chardon si Erick.Sinundan ng hindi pa rin'g makapaniwalang si marigold si Chardon. Naka-antabay s'ya sa tabi habang ipinapasa nito si Erick sa guwardiyang agad naman siyang nakilala.
"Lucy, ako na diyan. Mabigat na yata 'yan, baka mahirapan ka na'ng magtulak." Nakangiting wika ng may-edad na lalaki kay Lucilla sabay kuha ng cart dito."Hindi na. Kaya ko na 'to. Saka, paano mo nalaman'g mag-go-grocery ako ngayon? Huwag mong sabihin'g sinusundan mo 'ko?""Hindi naman.... basta naramdaman lang ng puso ko kung saan ka naroon. Kaya, sinundan kita dito." "H-ha?" Napailing-iling at napabuntong hininga na lang si Lucila sa naka-ngiti pa rin'g lalaki. Anim na taon na rin ang nakalilipas buhat nang makapag-usap sila ni Ernesto sa isang café at sugurin sila ni Beatrice doon. Bagaman nilinaw na n'ya ang lahat dito, ngunit makapal pa rin ang apog nito na muling nanligaw matapos nitong makapag-sampa ng annulment sa dating asawa. At magpasa-hanggang ngayon ay nanunuyo pa rin ito.Minsan ay hindi mapigilang kiligin ni lucilla sa panunuyo ni Ernesto. Pakiramdam niya kasi, sa kabila ng kanyang edad ay para siyang teen-ager na nililigawan nito.Dahil nagsawa na siya sa pa
Nagbunyi ang mga negosyanteng nagsampa ng kaso kay Chardon. Ang totoo ay hindi lang hustisya para sa ginawa ni Chardon sa kanila ang kanilang habol, kundi, dahil na rin sa malaking inggit nila dito. Habang umiiral ito sa business circle, patuloy itong mamamayagpag at patuloy silang magiging talunan nito. Ngunit ngayong makukulong na ito, magkakaroon na sila ng pagkakataon.Kabaligtaran ng maingay at pagbubunyi ng mga negosyante'ng nagpakulong kay chardon, tahimik sa hanay nila marigold. Tila biyernes Santo ang mga mukha nito."S-sir...." Napahid ni Mr. Javier ang mga mata, hindi nito mapigilang maging emosyonal. Tila mahihiwalay siya ng mahaba-hahang panahon sa amo'ng anim na taon na niyang kasa-kasama.Agad naglapitan sa natulalang si marigold sila Maricris, Jessy, at ang iba pa nilang kaibigan, habang ma-ngiyak-ngiyak naman sila nanay sela at lucilla. "M-marigold.... " Hinaplos-haplos ni Maricris ang kaibigan nang makitang wala itong naging reaksyon sa naging hatol kay Chardo
Sa ibaba ng C.A building, animo'y may celebrity na inaabangan ang mga tao. Naroon kasi ang mga reporter at ilang kapulisan. May mga empleyado na rin ng C.A ang nasa labas at nagtatanong ng kung ano ang nangyayari."A-ano?! Naparito kayo para h-huhulihin ang Ceo namin?" Tanong ng receptionist sa isang pulis."Oo. Kaya kung meron kang nalalaman sa anomalya ng inyong Ceo, ay maaaring lang na makipag-ugnayan kayo sa 'min para mabigyan ng katarungan ang mga taong sinikil n'ya kung meron man." Sagot ng pulis."That's right! Hump! Ang sabi nila ay genius daw sa business world, magnanakaw naman pala!" Nagpupuyos na wika ng isang naka-suit na matandang lalaki. May-ari ito ng isang malaking kumpanya dati na kalaunan ay nalugi nang may manabotahe at magnakaw ng confidential files ng kanyang kumpanya.Ngayon lang nito naalala, anim na taon na nakakaraan, naging empleyado sa kanyang kumpanya si Chardon.Naguluhan ang mga empleyado ng C.A sa ibinibintang ng lalaki. "Sir, hindi po magagawa
"Marigold, anak. Nag-away ba kayo ko Chardon?"Natigilan sa paghuhugas ng mga pinaglutuan si marigold at napatingin sa ina. "Hindi 'ma, bakit mo naman naitanong 'yan?""E bakit bigla na lang siya'ng nagkaganun? Tulala, balisa, parang laging wala sa sarili. Naku, baka kung ano na ang nangyayari du'n a, kausapin mo kaya?"Binitiwan ni Marigold ang ginagawa at humarap sa ina. ""Ma, iyon nga ang gusto kong ihingi ng payo sa 'yo e. Tinanong ko na siya, pero umiiwas naman. E paano ko malalaman kung ano ang pinagdadaanan n'ya, e parang mas gusto pa niyang ilihim sa 'kin 'yun e."Natigilan ang dalawa nang biglang may nag-doorbell. "Sandali lang!" Sigaw ni nanay sela habang nagliligpit ng pinagkainan.Sa pag-aakalang ang amo 'iyon ay hindi na inalam pa niya nanay sela kung sino ang tao sa labas ng gate. Natigilan ang Matanda nang makita ang isang maganda at mukhang may class na babae. Nalalaman ni nanay sela na may edad na ang babae, ngunit hindi makikitaan ng pagkaka-edad ito. "Ano p
Dahil buo ang paniniwala ni Beatrice na si lucilla nga ang posibleng kumuha ng kanyang pitaka, walang kagatul-gatol at kumpiyansa itong pumayag nang sabihin ni Chardon na magtungo silang lahat sa CCTV monitoring room at tingnan doon ang talagang nangyari.Ngunit nang makitang ibang tao ang kumuha ng kanyang pitaka at nang makitang napadaan lang si lucilla sa CCTV ay nagitla ito at tila hindi pa makapaniwala. "T-this..... Baka naman, m-may diperensya lang ang CCTV camera n'yo."Gusto na lang umiling-iling at magtawa ng technician'g naka-toka sa monitoring room kay Beatrice ngunit hindi nito magawa."Heh, The CCTV camera probably has defect? Or was it your brain has a defect?"Sumimangot si Beatrice ngunit hindi nito nagawang sagutin ang sarkastikong sinabi ni chardon."M-mom, what now?" Pabulong na tanong ni Bianca. Nalaman nitong si Lucila pala ang ina ni marigold na siya rin'g umaagaw sa pagmamahal ng ama para sa ina, kaya hinangad nito'ng mahulog si Lucila sa kamay ng ina para
"W-what are you planning to do? What is that document about?" May bahagyang pag-aalala ng babae, hindi malaman kung dahil ba sa nalalaman niyang posibleng kapahamakan ng taong pinagpa-planuhan ng lalaki, o ang pag-aalala'ng baka madawit siya.Nag-snort ang may-edad na lalaki. "You do not need to know. just wait for me to tell you if we will become in-laws in the future." Tumayo na ito bitbit ang envelope. "Margot, let's go!""Bye, my future mother-in-law." Nasa mood na wika ni Margot bago sumunod sa ama.Naiwang napapa-isip si Ariella. Ano ang pinaplano ni Hugo at bakit tila parang siguradung-sigurado itong magtatagumpay ang kanyang plano'ng mapa-payag si chardon sa gusto nito....Biglang nagkaroon ng katahimikan matapos sabihin ni marigold sa ina ang kanyang pagbubuntis. "M-ma?" Tawag ni marigold nang mapansin ang biglang pag-simangot ng ina."Ginawa n'yo rin pala ano? Hindi n'yo rin pala pinansin ang paalaala't bilin ko?" Nagkatinginan sila marigold at Chardon. Nagtaka
Nakagat ni marigold ang labi habang patuloy na pinakikinggan ang nagsasalita sa loob. Biglang sumamâ ang pakiramdam nito kasabay ng nararamdaman niyang gutom."..... and that is Margot that we propose to betrothed to you." Pagtatapos ni Ariella."Hello, nice to meet you Mr. Atanant.... " maririnig ang malambing na tinig ng isang babae sa loob. "I was really surprised to see you and never expected you to be this hansome, aside from what I heard that you are a young genius businessman. I really admired a young talent and outstanding men of today's generation like you....."Hindi na matiis pa ni marigold ang mga naririnig sa loob. Pakiramdam niya'y kapag nagpatuloy pa ito ay baka mapikot na nang tuluyan ang ama ng nasa kanyang sinapupunan.Natigilan ang mga nasa loob ng private room nang biglang magbukas ang pinto. "Chardon~" pumasok si marigold at dumiretso sa nobyo.Agad tumayo si Chardon at sinalubong si marigold. "Um, I.... I'm sorry, I didn't tell you about this...."Sumim