Home / Romance / The Casanova CEO want's me / CHAPTER 5 - Marketing Department

Share

CHAPTER 5 - Marketing Department

Author: M.E Rodavlas
last update Last Updated: 2023-02-15 12:28:29

Masayang inaasikaso ni Mr. Malibo ang termination letter ko. Mukhang tuwang-tuwa sila sa pagkakatanggal ko a.

"Kapapasok mo lang dito, tanggal ka na agad? Bakit kaya ano?" Sabi ni Ms. Vivian habang nakahawak pa sa babà niya na wari'y nag iisip.

Hindi ko pinapansin si Ms. Vivian na parang wala akong naririnig. Ngayong alam ko na ang gawain niya, dapat akong umiwas sa kanya habang nandito ako sa kumpanya.

Tumawa si Mr. Malibo. "Maybe she's no't really qualified para sa posisyon'g 'yon. Sabi ko naman sa 'yo 'di ba? You should apply for another position. Hindi dapat natin ipilit ang mga sarili natin sa posisyong hindi naman para sa 'tin. Right, Ms. Magbanua?"

"Hmm." Matipid kong sagot. Pagkatapos ay yumuko na lang ako para hindi mahagip ng paningin ko si Ms. Vivian na nakangisi sa 'kin.

Tumayo sa kanyang mesa si Mr. Malibo at umalis. Nang kami na lang ni Ms. Vivian ang natira: "Pagpasok mo ng Ceo office, anong nakita mo?"

Nag angat ako ng ulo at nakita ko na mukhang interesadong interesado si Ms. Vivian na malaman ang kaganapan sa loob ng office ni Mr. Atanante.

Hindi ako sumagot, bahala siya mag isip.

Nag snort si Ms. Vivian at dumaan sa gilid ko. "Is that you can do to retaliate againts me?" Dinig kong bulong niya sa 'kin. "Let me guess... hindi ka pinakinggan ni Mr. Atanante nu'ng isumbong mo 'ko no?"

Napalingon ako sa kanya. Mukhang alam na alam na ni Ms. Vivian ang ugali ni Mr. Atanante at iyon ang ginamit niya para matanggal ako sa posisyon ko... Kasalanan ko 'to. Ang tanga ko naman kasi para makinig at magtiwala kay Ms. Vivian, gayong alam ko na ngang gusto rin niyang maging executive secretary. Hindi ko naisip na ipapahamak niya ako.

Humahagikhik siyang nagpatuloy sa paglalakad habang umiindayog ang balakang niya palabas ng office.

Paglabas ng CHRO office ay minasdan ko ang papel na hawak ko na may naka sulat sa itaas na 'termination letter'. Kinuyom ko ang kamao ko kasama ng termination letter. Pangako, isang araw, papatunayan ko ang sarili ko at babalik ako sa posisyon ko bilang executive secretary.

*****

Kinabukasan ay bumalik ako ng C.A para mag submit muli ng application.

Pagpasok ng HR ay gulat na gulat si Ms. Vivian nang makita ako at dali dali itong lumapit sa 'kin. "Anong ginagawa mo dito? Tanggal ka na a?"

Dahil parte ng HR si Ms. Vivian, ay wala akong choice kundi kausapin ito at sabihin ang pakay ko. "Nandito ako para mag apply for internship."

Tumaas ang isang kilay ni Ms. Vivian pagkatapos ay ngumisi ito. "Tingnan mo nga naman ano, akala ko hindi na kita makikita dito sa kumpanya, hindi ko akalaing isisiksik mo pa rin ang sarili mo dito para maging intern naman."

"Ms. Vivian, nandito ako para magtrabaho at hindi para makipag kumpetens'ya o ano pa man. Isa pa, opportunity ko na 'to. Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, hindi ba ganu'n din naman ang gagawin mo?"

Hindi sa gusto kong patulan itong si Ms. Vivian, kaya lang hindi ko mapigilang mairita sa sinabi niyang isinisiksik ko ang sarili ko dito sa C.A. Pareho lang naman kaming may pinu pursue, anong problema niya d'un?

"Hmp! Kung ako ang nasa kalagayan mo? Kung ako ang nasa kalagayan mo, hindi ako magiging tatanga tanga na agad maniniwala na ayos lang pumasok sa office ng boss mo na hindi man lang kumakatok." Wika niya habang nakangisi nang nakakaasar at naka cross arms pa.

Hindi ako makasagot. Oo na. Tanga na kung tanga. Kung maibabalik ko lang talaga ang mga oras na 'yon no. Pero sana huwag mo nang ulit ulitin pa.

"Marigold Magbanua? Mr. Villaflores had inform me about you already... This way please." Sabi ng nakangiting HR manager na kalalapit lang sa 'min.

Napanganga si Ms. Vivian sa sinabi ng manager at salit salitang tumingin sa 'min. Nang papunta na kami sa office ay bigla na lang hinatak ni Ms. Vivian ang braso ng manager na halos ikawala nito ng balanse. Bahagya akong nagulat sa ginawa ni Ms. Vivian. Close sila?

"M-Mrs. Guiller, sino'ng sinabi n'yo?" Agad na tanong ni Ms. Vivian na mukhang nagulat.

Sumimangot si Mrs. Guiller sa inasal ni Ms. Vivian, kanina lang ay kamuntikan na siyang mabuwal. Tiningnan niya ang bisig na hawak hawak pa rin nang mahigpit ni Ms. Vivian. "Ms. Sandoval! Mind your manners, will you?" Pagkatapos ay marahas niyang binawi ang kanyang braso.

Agad akong sumunod kay Mrs. Guiller habang naiwan namang tulala si Ms. Vivian.

Pagpasok ng office: "Ms. Magbanua, ang sabi ni Mr. Villaflores ay hindi ka na raw kailangan pang isalang sa evaluation, dahil qualified ka naman raw. So, which department you want to apply for internship?"

"P-pero... Hindi po kaya magiging unfair sa iba kung hindi n'yo 'ko ie-evaluate?"

"Yes, iyon din naman ang naisip ko. Kaya lang, this is Mr. Villaflores instructions and arrangement. Kaya pumili ka na ng department para ma process na application mo."

Napabuntong hininga na lang ako. Pakiramdam ko, kahit natanggal ako bilang executive secretary ay pinagpala naman ako sa ibang bagay. Katulad na lang pag alalay at pagtulong sa 'kin ni Jonas. Dahil dito ay lalo kong pagbubutihan ang trabaho para makita ni jonas na hindi nasayang ang pagtulong niya sa 'kin.

"Sa marketing po ako."

Nang maproseso na ang application ko ay agad akong nakapasok sa marketing department kinabukasan.

"Everyone! makinig muna!" Tawag pansin ng marketing manager na si Mrs. Valdez.

Tumigil sa kani-kaniyang ginagawa ang mga tao at tumingin sa 'min sa harapan. Nang makita ako ay biglang nagbulung-bulungan ang ilang babaeng naroon.

"This is Marigold Magbanua, our new colleague here to our department. I hope you can get along with her and be a good team."

"K-kamusta... Sana'y makasundo ko kayo." Matipid kong bati. Hindi talaga ako sana'y sa mga ganito. Hayyy.

Kahit may mga bakante pang puwesto sa bungad ay sa pinaka dulo ang puwestong pinili ko. Pakiramdam ko kasi ay makakapagtrabaho ako nang maayos dito. Nang makaupo na ay feeling satisfied ako.

"Siya ba 'yon?"

"Oo, Siya 'yon. Hindi ako puwedeng magkamali."

"E bakit siya nandito?"

Narinig ko ang ilang mahihinang bulungan ng mga babaeng malapit-lapit sa puwesto ko. Nakita ko rin na sumusulyap-sulyap sila nang pasimple sa 'kin.

Iniyuko ko na lang ang ulo ko at sinimulan nang basahin at reviewhin ang mga files na ibinigay sa 'kin ni Mrs. Valdez. Ayokong magpaliwanag sa kanila. Sila na ang bahalang tumuklas ng nangyari kung bakit ako napunta dito.

Nakaramdam ako ng ngalay sa batok at likod dahil sa tagal ng pagkakayuko ko, kaya itinuwid ko muna ang upo ko at inikot-ikot ang leeg ko sa kaliwa't kanan.

Nang magawi ang ulo ko sa kabilang dulo ay napansin ko ang pasimpleng tingin ng isang nakasalamin na babae sa 'kin. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay bigla niyang tinakpan ng folder ang mukha niya.

Natawa na lang ako sa kanya, ang cute niya kasing tingnan. Muli kong itinuloy ang ginagawa ko. Ang sabi sa 'kin ni Mrs. Valdez ay baka magkakaroon kami ng team building this coming week kaya gusto ko sanang matapos agad sa pagre review ng mga files para makahabol sa kanila.

Nang mag break ay nagulat ako nang biglang maglapitan ang ilang babae sa 'kin. "Hi marigold, can we chat?"

Napatango na lang sa kanila.

"Marigold, bakit ka nandito sa department namin, hindi ba executive secretary ka ni papa CEO?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Sasabihin ko bang sinesante ako ni Mr. Atanante dahil pumasok ako sa office niya nang walang paalam at nakita ko siyang may ka anuhan?

"K-kasi... Nasisante ako e." Sabi ko na lang. Sana lang ay makuntento na sila sa sagot ko at h'wag na kong kulitin pa.

"Ha? Nasisante ka? Bakit naman?"

Parang gustong sumakit ng ulo ko sa pag iisip sa idadahilan ko. Ano bang puwede kong sabihin sa mga ito?

"Kaya siya natanggal kasi... She is incompetent as a executive secretary. Means, hindi siya qualified at wala siyang kakayahan." Napalingon kaming lahat sa babaeng bigla na lang nagsalita-si Ms. Vivian.

Lumapit ang ilang babae kay Ms. Vivian na parang pamilyar na sila dito. "Ano'ng ibig mong sabihin vivian? E hindi ba ini evaluate naman nang mahigpit ang mag aaply for executive secretary? Saka sila Mr. Villaflores ang nag i-interview sa mga aplikante 'di ba?"

Tumingin sa 'kin nang may kahulugan si Ms. Vivian at ngumisi ito. "Iyon na nga e. Kaya siya na hire kasi, backer niya si Mr. Villaflores. Kaya h'wag na kayong magtaka kung paano siya na-hire bilang executive secretary."

Tumayo ako at agad nagpaliwanag nang makitang tila nag iba ang mga tingin sa 'kin ng mga babaeng kasama ko dito sa department. "Tinulungan nga ako ni Mr. Villaflores, pero sumalang pa rin naman ako sa evaluation at dumaan sa tamang proseso bago ako ma-"

"Talaga?" Biglang putol sa 'kin ni Ms. Vivian.

"E bakit iba ang nalaman ko sa HR kahapon?... Hindi ba, hindi ka na dumaan sa evaluation at diretso ka nang na hire dito sa marketing department, dahil sa abiso DAW ni Mr. Villaflores?"

Napasinghap ang mga babae at sabay sabay silang napatingin sa 'kin.

"Teka, unfair 'yun, 'di ba?"

"Oo nga! Nagt'yaga tayong pumila at dumaan din tayo sa tamang proseso, tapos dalawang linggo tayong naghintay, tapos siya..."

Hindi ako makapagsalita. Ano bang dapat kong sabihin? Ito na nga ba ang sinasabi ko... Huhuhu Jonas... Hindi ko alam kung nakatulong ka ba talaga sa 'kin.

N'ung araw na 'yon ay parang biglang ako naging masama sa mga kasama ko dito sa department at magbuhat n'on ay wala na ring lumapit at kumausap pa sa 'kin.

Lumipas pa ang mga araw at natuloy ang team building namin.

"Everyone, goodluck sa inyo... Pero bago kayo magsimula ay meron lang akong gustong i-announce sa inyo na magpapa motivate sa inyo lalo." Wika ni Mrs. Valdez.

Napukaw ang atensyon ng mga babaeng maiingay na nag grupo-grupo na.

"Ang sabi ni Mr. Villaflores, ay pumayag daw ang CEO na magkaroon ng company outing kapag naging successful ang project na 'to. Kaya... galingan n'yo!"

Tila nabuhayan ng loob ang mga kasama ko at masaya silang nag cheer.

Nang paupo na 'ko sa isang bakanteng upuan ay pinigilan ako ng isang babae. "May nakaupo d'yan." Pagkatapos ay inilagay niya ang handbag niya doon.

Nang papunta ako sa isa pang upuan ay muli na naman niya akong pinigilan. "May nakaupo din d'yan."

Napatingin ako sa mga naka upo na at nakita ko ang mga bag nilang nakapatong lang sa ilang bakanteng upuan. Nakita kong masaya silang nag uusap usap at mukhang wala silang balak na pagtapunan ako ng pansin. Mukhang ako na lang 'ata ang nakatayo't walang mapuwestuhan.

Maya maya ay nakaramdam ako ng mahinang kalabit. Paglingon ko ay nakita ko ang babaeng nakasalamin na nahuli kong nakatingin sa 'kin na nagtakip ng folder sa kanyang mukha. Mukhang nahihiya itong lumapit sa 'kin.

"Um... K-kung gusto mo, sa grupo ka na lang namin." Agad akong pumayag at sumama sa kaniya sa isang sulok.

"Hmp! Akala mo kung sino silang magagaling na ayaw tayong pasalihin sa kanila porke mga bago tayo. Patunayan nga natin na hindi natin sila kailangan!" Wika ng isang babae nang makaupo na kami.

Binati ko ang iba pang nasa mesa. Nalaman ko ng katulad ko ay mga bago lang din sila. Isa isa kaming nagpakilala sa isa't isa.

Tahimik kaming nagsimulang magplano ng mga gawain namin habang naririnig namin ang maiingay na pag uusap sa kabilang mesa na nagtatawanan pa.

"Ano ba 'yan ang ingay naman!" Malakas na reklamo ni carla. Tila ipinaririnig niya talaga 'yon.

Maya maya ay dumating si Mrs. Valdez na pumapalakpak para kunin ang atensyon namin. "Attention! Everyone... Look who's here na nagkusang bumisita dito sa department natin." Paglingon ko ay nakita kong kasunod ni Mrs. Valdez si jonas na nakangiti sa 'min.

Nagsitayo ang mga babae at agad na pumaligid kay jonas. Kinikilig ang mga ito.

"Hello~ actually I'm here for marigold for something... Can I borrow her for a while?" Wika ni Jonas sabay kindat sa 'kin.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
ano tameme kayo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 6 - Act As His Girlfriend

    Natigilan ang lahat ng mga babaeng naka paligid at kinikilig kay Jonas at napatingin sila sa 'kin.Biglang lumakad si jonas papalapit sa 'kin. Napasinghap ang lahat nang kunin niya ang kamay ko at hilahin ako patayo. Pagtapat namin sa tulalang si Mrs. Valdez ay ipinagpaalam ako ni jonas. Pagkatapos ay hinila na niya ako palabas.Tila hindi napapansin ni Jonas ang paligid, pero kitang kita ko kung paano ako tingnan nang matalim ng mga babae dito sa department namin. Huhuhu... Jonas, ipinapahamak mo talaga ako!Hinila ako ni jonas hanggang sa rooftop. Kinalas ko ang kamay ko at dumistansya sa kanya nang konti. "Jonas, puwede bang sa susunod, sabihan mo na lang ako. H'wag mo na akong hihilahin sa harap ng mga tao." "Ha? Bakit naman?" Napahawak ako sa noo ko. "Alam mo ba'ng sa ginagawa mo, e napapahamak ako."Tumawa siya. "Gan'un ba? Understandable naman 'yon.""Ano nga pala ang kailangan mo sa 'kin at dito mo pa ako dinala?"Ang masayang awra ni jonas ay biglang nawala. Bigla siyang n

    Last Updated : 2023-02-16
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 7 - Close Interaction

    Kumubli agad ako sa likod ni jonas sa takot na baka mapatingin si Mr. Atanante sa direksyon namin at makita ako.Lumingon sa 'kin si jonas. "Marigold, what's wrong?""Jonas, hindi ako puwedeng makita ni Mr. Atanante." Bulong ko sa kanya."O-oo nga pala ano! You need to hide, hurry!" Tumalikod si Jonas sa entrance at tinakpan ako.Ngunit bago pa man ako makatakas ay: "Jonas, kuya Chardon is here. And he doesn't seems to know about your girlfriend."Nanigas ako bigla at hindi ko na magawa pang kumilos nang marinig si chesca. Hindi ko tuloy magawang umalis sa mga bisig ni jonas.Nagulat ako nang bigla lumapit si chesca at hatakin ako. Nahatak niya pati ang suot kong dress, naramdaman ko tuloy na lumuwag ang strap nito. "What are you doing‽" Sigaw ni jonas habang inilalayo ako kay chesca. "You! What are you two doing? at dito pa kayo naglalandian sa party ko? Baka nakakalimutan n'yong nasa house ko kayo‽""Anong naglalandian‽ I was hugging her because I was supporting her... she feels un

    Last Updated : 2023-02-17
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 8 - Dinner Treat

    "Chesca!!"Nang dumating si jonas ay naaktuhan niya ang panghaharas ni chesca sa 'kin. Hindi ko mabita-bitawan ang dress ko, pakiramdam ko kasi'y anumang oras ay malalaglag ito. Agad lumapit si jonas at sinaklolohan ako."Stop it!" Dahil ayaw paawat ay bahagyang naitulak ni jonas si Chesca.Napaatras si chesca at parang hindi makapaniwalang nagawa siyang itulak ni jonas. "Y-you dare to push me? Because of this slut?"Dinampot ni Jonas ang coat sa sahig at isinuot iyon sa 'kin. "And why not? Napaka bayolente mo. Saka, hindi slut si marigold, okay?" "Heh, hindi s'ya slut? Alam mo bang pinagsasabay n'ya kayo ni kuya chardon?"Nagtaka si jonas at napalingon sa 'kin. "Walang nangyaring gan'un, ipapaliwanag ko sa 'yo mamaya." Wika ko sa kanya.Ipinasuot sa 'kin ni jonas ang dala niyang sapatos at inakay na 'ko palabas ng mansiyon. Habang naglalakad ay nagsisisigaw si chesca sa 'min at halos pigilan kaming umalis ngunit wala naman siyang magawa. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao.Nang

    Last Updated : 2023-02-18
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 9 - Past Event

    "M-Mr. Atanante!" Napabalikwas ako sa gulat nang makita s'ya at dahil hindi ko suot ang salamin ko ay nahilo ako't nawalan ng balanse. Agad naman n'ya akong nahawakan at inalalayan. Nagkatitigan kaming dalawa at kahit malabo ang paningin ko ay alam kong malamig siyang nakatingin sa 'kin. Bigla akong na-conscious nang maalalang basâ nga pala ang mukha ko. Nag-iwas ako ng tingin at kumawala sa pagkakahawak niya. Ngunit hindi niya ako pinakawalan. Sa halip, bigla niyang hinawakan ang mukha ko't iniharap iyon sa kanya at muli kaming nagkatitigan. Ako ang unang nagbawi ng tingin dahil hindi ako makatagal at parang akong napapaso sa mga titig niya. Nararamdaman ko na rin kasi ang pag-init ng mukha ko. "M-Mr. Atanante..." Tinangka kong tanggalin ang malalaki niyang kamay sa mukha ko. "Be still." Natigilan ako sa pagpipiglas at muling napatitig sa kanya. Hindi siya nagsasalita, nakatitig lang siya sa 'kin. Magtititigan na lang ba kaming dalawa? Ano ba'ng gusto n'ya? Hindi kaya...

    Last Updated : 2023-02-19
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 10 - Outing

    "Yes!!!""Sa wakas mae-experience ko na rin ang resort ni papa Ceo ko!""Atanante's Grandeur? 'di ba bongga d'un? Lagi ko 'yon nakikita sa mga magazine e.""Ang mahal kaya ng booking d'un."Samu't-saring komento ng mga tao sa paligid ko.Maya-maya ay may lumapit kay Mrs. Valdez at tinawag ito, kaya bumalik muna ito ng office n'ya."Marigold, hindi puwedeng hindi ka sasama ha?""Oo nga. Alalahanin mong sa 'yo nanggaling 'yung ideyang nagpa-approve sa proposal natin.""Kaya dapat nan'dun ka, reward mo man lang sa sarili mo."Sabi ng mga kasama ko sa 'kin. Sino bang may sabing hindi ako sasama? Sasama ako s'yempre!"Okay... guys listen!" Sabay-sabay kaming napalingon nang marinig ang pagtawag ni Mrs. Valdez. Hinihimas nito ang kanyang noo."Baka hindi muna matuloy ang outing..."Napasinghap ang buong department at nagkaroon bigla ng diskusyon."Bakit naman po Mrs. Valdez?""Nagkaroon kasi ng problema. Ayaw aprubahan ng CMO ang proposal. Kaya... I think we need to re-do the marketing propo

    Last Updated : 2023-02-20
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 11 - Undescribable Feelings

    Sa isang exclusive villa sa resort ay mag-isang umiinom ang isang lalaki sa isang malawak at madilim na silid, tanging ang desk lamp lang ang pinagmumulan ng liwanag. Pinagmamasdan n'ya ang pag-galaw ng alak sa wine glass habang inikot-ikot n'ya ito.Hindi n'ya maunawaan ang sarili... matapos ang gabing 'yun ay lagi na lang sumasagi sa isipan n'ya ang maamong mukha'ng 'yon kapag gabi, lalo na ang mga mata nitong tila may bahid pa ng kainosentihan. Para bang gusto niyang abutin ito at ikulong sa mga bisig n'ya't pupugin ito ng halik.Napangisi si Chardon at lumagok ng alak. Naaalala pa n'ya ang natural na samyo ng babae. Wala s'yang naamoy na kahit na anong pabango nang lumapit s'ya dito, maging ang buhok nito't balat, lalo na ang naka-expose nitong leeg, ang mga 'yon ay natural lahat.Ngunit... Mayroon nga yata talagang nauuna at mayroon din namang mga nahuhuli, at doon sa nahuhuli s'ya nabibilang. Hindi nga yata lahat ay makukuha n'ya. Oo. Isa s'yang Casanova, ngunit hindi s'ya gan'u

    Last Updated : 2023-02-21
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 12 - Gossip

    Maliwanag na nang magising si Chardon. Nang mapatingin s'ya sa gilid ay wala na s'yang katabi.Hindi na n'ya inintindi kung nasaan ang bagong girlfriend. Pagbangon n'ya ay napahilot s'ya sa kanyang sumasakit na sentido. Saka n'ya naalalang uminom nga pala s'yang mag-isa kagabi.Unti-unti ring bumabalik sa alaala n'ya ang mga nangyari sa Patio: nang mahuli n'yang pumitas ng bulaklak si marigold, ang mga itinanong n'ya dito at ang mga naging kasagutan nito, at higit sa lahat ay ang naunsyami niyang paghalik sa dalaga nang makita n'ya ang mukha ng babaeng gumugulo sa kanya dito.Napasabunot si chardon sa sarili sa sakit ng kanyang ulo. Tumawag s'ya't nag-utos ng gamot sa room service.Bigla n'yang naalala ang salamin ni marigold. Kinuha nga pala n'ya ito kagabi at hindi n'ya naibalik nu'ng nagpa-akay s'ya sa kuwarto.Hinanap n'ya ang salamin sa malaking desk. Nang hindi makita ay hinanap naman n'ya ito sa mga drawer, ngunit hindi pa rin n'ya matagpuan ang salamin.Nang mapadako s'ya sa ni

    Last Updated : 2023-02-22
  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 13 - Malicious Schemes

    "Iisa!... Iisa lang sila, ayos na ba? Gusto ko nang umalis!" Wika ni jonas na parang konti na lang ay iiyak na ito.Nang tumayo na si jonas ay bigla s'yang hinatak paupo ni chardon."Explain it clearly! What do you mean exactly?" Malamig na tanong ni Chardon.Napalamukos na sa kanyang mukha si jonas, mukhang kaawa-awa na ang hitsura nito. "Kuya chardon, ano pa bang paliwanag ang gusto mo? Akala mo ba madali sa 'kin'g ibulgar ito? Nakasalalay dito ang katahimikan ng buhay ko! Naiintindihan mo ba 'yon? Tapos, gusto mo pang ulitin ko.""I promise, I won't tell it to anyone... Lalo na kay Chesca if that's what you want. I-explain mo lang nang malinaw sa 'kin."Tila nabingi si Chardon sa sinabi ni Jonas kanina at parang hindi nag sink-in sa utak n'ya ang narinig n'ya. Bagaman may ideya na s'ya ay gusto n'ya pa ring makasiguro.Ipinaliwanag muli nang dahan-dahan at malinaw ni Jonas ang sinabi n'ya.Nagkaroon ng Kinang sa mga mata ni chardon nang maunawaan na rin sa wakas ang totoong sitwasy

    Last Updated : 2023-02-23

Latest chapter

  • The Casanova CEO want's me   EXTRA

    "Mari, there is something you are not telling me." "Ha? Ano naman 'yon?" "Who is that bastard that attacked you in the parking lot?" "A, 'yun? Si Erick 'yon, empleyado din dito." "You seem really different now, eh? looks like you have secret admirers too." Ani chardon na may bakas ng iritasyon. Napakamot sa ulo si marigold. "H-ha? Hindi naman." Naglalakad ang dalawa sa lobby habang magka-holding hands ang mga ito na umani ng papuri, inggit, at kilig sa mga babaeng empleyadong naroon. Pagpasok ng Opisina ay naupo si Chardon at wari'y may inisiip. Lumapit si marigold at minasa-masahe ang noo nito. "Ano naman ang inisip mo? Ang aga-aga, mukhang problemado ka na." "I was thinking what should to be done to make everyone notified that you are taken. Should I plaster it on the wall or something like that?" Ani ng nakapikit na si chardon habang ini-enjoy ang serbisyo ng nobya. Nangunot ang noo ni marigold. "Ano?" Tanong nito sa bumubulong na nobyo. Hindi n'ya naintindihan

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 150 - The End

    Natigilan si Marigold nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng lalaki. Dagli itong bumaba ng kotse at tiningnan kung sino iyon.Nakita niya ang naka-sumbrero't naka-shades na lalaki na may travel bag sa kanyang likod, habang hawak-hawak nito sa kuwelyo ang nagpipiglas na si Erick."Bitiwan mo 'ko! Sino ka bang pakialamero ka, ha?" Sigaw ni Erick. Nang makabuwelo ito ay tinanggal nito ang sumbrero't shades ng lalaki.Gan'un na lamang ang pagka-gitla ni marigold nang makita kung sino ito. "Ch-chardon?!"Ngumiti si Chardon. "Hi Mon amor. Although we've seen each other last week, but I'm still miss you..... do you miss me too?"Napanganga na lang si Marigold at hindi makapaniwala. Anong ginagawa ni Chardon dito, at paano ito nakalabas?"Wait for me, I will dispatch this first." At kinaladkad ni chardon si Erick.Sinundan ng hindi pa rin'g makapaniwalang si marigold si Chardon. Naka-antabay s'ya sa tabi habang ipinapasa nito si Erick sa guwardiyang agad naman siyang nakilala.

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 149 – Her Longing For Him/Him

    "Lucy, ako na diyan. Mabigat na yata 'yan, baka mahirapan ka na'ng magtulak." Nakangiting wika ng may-edad na lalaki kay Lucilla sabay kuha ng cart dito."Hindi na. Kaya ko na 'to. Saka, paano mo nalaman'g mag-go-grocery ako ngayon? Huwag mong sabihin'g sinusundan mo 'ko?""Hindi naman.... basta naramdaman lang ng puso ko kung saan ka naroon. Kaya, sinundan kita dito." "H-ha?" Napailing-iling at napabuntong hininga na lang si Lucila sa naka-ngiti pa rin'g lalaki. Anim na taon na rin ang nakalilipas buhat nang makapag-usap sila ni Ernesto sa isang café at sugurin sila ni Beatrice doon. Bagaman nilinaw na n'ya ang lahat dito, ngunit makapal pa rin ang apog nito na muling nanligaw matapos nitong makapag-sampa ng annulment sa dating asawa. At magpasa-hanggang ngayon ay nanunuyo pa rin ito.Minsan ay hindi mapigilang kiligin ni lucilla sa panunuyo ni Ernesto. Pakiramdam niya kasi, sa kabila ng kanyang edad ay para siyang teen-ager na nililigawan nito.Dahil nagsawa na siya sa pa

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 148 - The Aftermath

    Nagbunyi ang mga negosyanteng nagsampa ng kaso kay Chardon. Ang totoo ay hindi lang hustisya para sa ginawa ni Chardon sa kanila ang kanilang habol, kundi, dahil na rin sa malaking inggit nila dito. Habang umiiral ito sa business circle, patuloy itong mamamayagpag at patuloy silang magiging talunan nito. Ngunit ngayong makukulong na ito, magkakaroon na sila ng pagkakataon.Kabaligtaran ng maingay at pagbubunyi ng mga negosyante'ng nagpakulong kay chardon, tahimik sa hanay nila marigold. Tila biyernes Santo ang mga mukha nito."S-sir...." Napahid ni Mr. Javier ang mga mata, hindi nito mapigilang maging emosyonal. Tila mahihiwalay siya ng mahaba-hahang panahon sa amo'ng anim na taon na niyang kasa-kasama.Agad naglapitan sa natulalang si marigold sila Maricris, Jessy, at ang iba pa nilang kaibigan, habang ma-ngiyak-ngiyak naman sila nanay sela at lucilla. "M-marigold.... " Hinaplos-haplos ni Maricris ang kaibigan nang makitang wala itong naging reaksyon sa naging hatol kay Chardo

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 147 - His Crimes

    Sa ibaba ng C.A building, animo'y may celebrity na inaabangan ang mga tao. Naroon kasi ang mga reporter at ilang kapulisan. May mga empleyado na rin ng C.A ang nasa labas at nagtatanong ng kung ano ang nangyayari."A-ano?! Naparito kayo para h-huhulihin ang Ceo namin?" Tanong ng receptionist sa isang pulis."Oo. Kaya kung meron kang nalalaman sa anomalya ng inyong Ceo, ay maaaring lang na makipag-ugnayan kayo sa 'min para mabigyan ng katarungan ang mga taong sinikil n'ya kung meron man." Sagot ng pulis."That's right! Hump! Ang sabi nila ay genius daw sa business world, magnanakaw naman pala!" Nagpupuyos na wika ng isang naka-suit na matandang lalaki. May-ari ito ng isang malaking kumpanya dati na kalaunan ay nalugi nang may manabotahe at magnakaw ng confidential files ng kanyang kumpanya.Ngayon lang nito naalala, anim na taon na nakakaraan, naging empleyado sa kanyang kumpanya si Chardon.Naguluhan ang mga empleyado ng C.A sa ibinibintang ng lalaki. "Sir, hindi po magagawa

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 146 - Arrested

    "Marigold, anak. Nag-away ba kayo ko Chardon?"Natigilan sa paghuhugas ng mga pinaglutuan si marigold at napatingin sa ina. "Hindi 'ma, bakit mo naman naitanong 'yan?""E bakit bigla na lang siya'ng nagkaganun? Tulala, balisa, parang laging wala sa sarili. Naku, baka kung ano na ang nangyayari du'n a, kausapin mo kaya?"Binitiwan ni Marigold ang ginagawa at humarap sa ina. ""Ma, iyon nga ang gusto kong ihingi ng payo sa 'yo e. Tinanong ko na siya, pero umiiwas naman. E paano ko malalaman kung ano ang pinagdadaanan n'ya, e parang mas gusto pa niyang ilihim sa 'kin 'yun e."Natigilan ang dalawa nang biglang may nag-doorbell. "Sandali lang!" Sigaw ni nanay sela habang nagliligpit ng pinagkainan.Sa pag-aakalang ang amo 'iyon ay hindi na inalam pa niya nanay sela kung sino ang tao sa labas ng gate. Natigilan ang Matanda nang makita ang isang maganda at mukhang may class na babae. Nalalaman ni nanay sela na may edad na ang babae, ngunit hindi makikitaan ng pagkaka-edad ito. "Ano p

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 145 - Oppression

    Dahil buo ang paniniwala ni Beatrice na si lucilla nga ang posibleng kumuha ng kanyang pitaka, walang kagatul-gatol at kumpiyansa itong pumayag nang sabihin ni Chardon na magtungo silang lahat sa CCTV monitoring room at tingnan doon ang talagang nangyari.Ngunit nang makitang ibang tao ang kumuha ng kanyang pitaka at nang makitang napadaan lang si lucilla sa CCTV ay nagitla ito at tila hindi pa makapaniwala. "T-this..... Baka naman, m-may diperensya lang ang CCTV camera n'yo."Gusto na lang umiling-iling at magtawa ng technician'g naka-toka sa monitoring room kay Beatrice ngunit hindi nito magawa."Heh, The CCTV camera probably has defect? Or was it your brain has a defect?"Sumimangot si Beatrice ngunit hindi nito nagawang sagutin ang sarkastikong sinabi ni chardon."M-mom, what now?" Pabulong na tanong ni Bianca. Nalaman nitong si Lucila pala ang ina ni marigold na siya rin'g umaagaw sa pagmamahal ng ama para sa ina, kaya hinangad nito'ng mahulog si Lucila sa kamay ng ina para

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 144 - The Execution Of A Wicked Plan

    "W-what are you planning to do? What is that document about?" May bahagyang pag-aalala ng babae, hindi malaman kung dahil ba sa nalalaman niyang posibleng kapahamakan ng taong pinagpa-planuhan ng lalaki, o ang pag-aalala'ng baka madawit siya.Nag-snort ang may-edad na lalaki. "You do not need to know. just wait for me to tell you if we will become in-laws in the future." Tumayo na ito bitbit ang envelope. "Margot, let's go!""Bye, my future mother-in-law." Nasa mood na wika ni Margot bago sumunod sa ama.Naiwang napapa-isip si Ariella. Ano ang pinaplano ni Hugo at bakit tila parang siguradung-sigurado itong magtatagumpay ang kanyang plano'ng mapa-payag si chardon sa gusto nito....Biglang nagkaroon ng katahimikan matapos sabihin ni marigold sa ina ang kanyang pagbubuntis. "M-ma?" Tawag ni marigold nang mapansin ang biglang pag-simangot ng ina."Ginawa n'yo rin pala ano? Hindi n'yo rin pala pinansin ang paalaala't bilin ko?" Nagkatinginan sila marigold at Chardon. Nagtaka

  • The Casanova CEO want's me   CHAPTER 143 - The Crook And Cruel Ways

    Nakagat ni marigold ang labi habang patuloy na pinakikinggan ang nagsasalita sa loob. Biglang sumamâ ang pakiramdam nito kasabay ng nararamdaman niyang gutom."..... and that is Margot that we propose to betrothed to you." Pagtatapos ni Ariella."Hello, nice to meet you Mr. Atanant.... " maririnig ang malambing na tinig ng isang babae sa loob. "I was really surprised to see you and never expected you to be this hansome, aside from what I heard that you are a young genius businessman. I really admired a young talent and outstanding men of today's generation like you....."Hindi na matiis pa ni marigold ang mga naririnig sa loob. Pakiramdam niya'y kapag nagpatuloy pa ito ay baka mapikot na nang tuluyan ang ama ng nasa kanyang sinapupunan.Natigilan ang mga nasa loob ng private room nang biglang magbukas ang pinto. "Chardon~" pumasok si marigold at dumiretso sa nobyo.Agad tumayo si Chardon at sinalubong si marigold. "Um, I.... I'm sorry, I didn't tell you about this...."Sumim

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status