“Mamili ka Hilton, kasal o ang bala ko?” Tiǐm bagâng na tanong ni Miles habang nakatitig sa kanya ang mga mata nitong nanlilisik sa galit. Nang marinig ito ng lahat ay saka pa lang nila iminulat ang kanilang mga mata. Dun lang nila natuklasan na hindi pala sa katawan ni Andrade tumama ang mga balang pinakawalan ng baril ni Miles. Bagkus, lampasan ito sa tagiliran ni Andrade, halatang nagsanay ito sa paghawak ng baril. “Huh!” Halos sabay na reaksyon ng lahat ng makitang maayos naman pala ang lagay ni Andrade. Tila ngayon lang sila nakasagap ng hangin. “Sweetheart, please let’s talk.” Pagsusumamo ni Xavien sa kanyang asawa, umaaasa siya nasa pagkakataong ito ay makikinig na ito sa kanya. Ngunit ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Bagkus ay mas idiniin pa nito ang hawak na baril sa noo ni Andrade. “Yes, pakakasalan ko ang kapatid mo.” Matatag na sagot ni Andrade na siyang ikinamangha ng lahat. Walang takot na sinalubong niya ang tingin ni Miles. Para kay Andrade
“Surprise!” “Happy birthday!” Halos sabay na sigaw ng mag-inang Lexie at Summer, pati na rin si Misaki na may suot pang birthday cap sa ulo. Sabay na lumingon sa pintuan sina Xavien at Andrade, ngunit ang kanilang mga mukha ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. Sa isang iglap ay biglang napalis ang mga ngiti sa mga labi ng tatlong babae at kapwa nagkatinginan pa ang mga ito, naguguluhan sa kanilang nadatnan. Habang si Timothy, Xion at ang ama nilang si Mr. Cedric ay walang pakialam na pumasok sa loob ng bahay. “Mommy, sigurado ka ba ng date kung kailan ang birthday ni Andrade? Parang lamay yata ang napuntahan natin.” Nagtataka na tanong ni Summer sa kanyang ina, dahil sa malungkot na hilatsa ng mga mukha ni Xavien at Andrade. “Iha, hindi pa ako ganun katanda para makalimutan ang birthday ninyong lahat.” Naghihimutok na sagot ni Mrs. Lexie dahil nitong mga nakaraang buwan ay malaking isyu na sa kanilang mag-asawa ang kanilang mga edad. Sabay na napalingon ang mag-ina sa kan
“S**t!” Naibulalas ni Xavien ng pa-bagsak na isinara ni Miles ang pintuan ng silid nilang mag-asawa. Kamuntiman pa nga iyong lumapat sa kanyang mukha. Kasunod nito ang pag click ng seradura, tanda na nilock ang pinto mula sa loob nito.“Sweetheart, naman, pakiusap! Believe me, wala akong kinalaman sa ginawa ng kapatid ko. Maniwala ka, nung araw na iyon ko din lang nalaman ang tungkol sa ginawa ni kuya Andrade kay Maurine. Wala akong kasalanan kaya bakit pati sa akin ay kailangan mong magalit?” Pagsusumamo ni Xavien habang patuloy na kinakatok ang pintuan. Isang linggo na ang lumipas, at sa tuwing sasapit ang gabi ay laging ganito ang tagpo na makikita sa loob ng mansion nilang mag-asawa. Pinahintulutan nga siya nitong makapasok sa loob ng kanilang bahay, subalit sa guestroom naman siya natutulog. At parang hangin na dinadaan-daanan na siya nito na labis na ikinadudurog ng kanyang puso. “Miles, please, kilala mo ang pamilya ko, hindi namin kinukunsinti ang maling ginawa ng kapatid k
“Mommy, Where’s Daddy?” Malambing na tanong sa akin ni Chiyo. Naantig ang puso ko dahil sa tanong ng aking anak. Honestly, hindi ko alam kung paano ito sasagutin.“Nasa work, Sweetie.” Pagsisinungaling ko pa dito, nakagat ko ng wala sa oras ang ibaba kong labi dahil sa pagsisinungaling ko sa aking anak. “Mommy, is daddy living in his office? Let’s go home na Mommy, he’s waiting for us. Please?” Nakikiusap na wika ng aking anak kaya parang gusto ko ng umiyak. “When tita mommy will not be angry then, I’ll talk to her to allow us to visit your daddy. okay?” Nakangiti kong sabi bago ito hinagkan sa noo. Naaawa ako sa aking anak dahil wala itong alam sa mga nangyayari sa pagitan namin ng kanyang ama. Gustuhin ko man na bigyan ng pagkakataon ang aking anak na bisitahin ang kanyang ama ay hindi ko magawa. Lalo ko lang kasing palalalain ang sitwasyon kung susuwayin ko ang kagustuhan ni Ate Miles.Nang malaman ni Daddy ang tungkol sa nangyari sa akin ay maging ito ay nagalit kay Andrade. D
“What are you doing here? I told you not to come here.” Matigas kong tanong dahil sa biglang pagsulpot ng nobyo kong si Henry nang wala man lang pasabi. Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumawag sa akin at sinabi na nandito siya ngayon sa aking Condo. Binigyan ko kasi siya ng susi kaya malaya siyang nakakapasok sa loob ng condo ko.Pagkatapos mag salita ay pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ni Henry. Sa kabila ng suot nitong mumurahin na t-shirt at itim na kupasing pantalon ay nangingibabaw pa rin ang kagwapuhan nito na labis kong kinahuhumalingan.“Isang buwan kang hindi nagparamdam sa akin, ni tawag, ni text, wala akong natatanggap mula sayo. Tapos ikaw pa itong may ganang magtanong sa akin ng ganyan!?” Matigas na sagot ni Henry. Ang ekspresyon ng kanyang mukha ay kakikitaan mo ng labis na pagkadismaya na may kaakibat na galit.“I told you, konting panahon na lang. Babe, you know naman how much I’m busy right now. Ako lang yung inaasahan ng mga magulang ko pagdating sa aming m
“Pagbutihin ninyo ang pagbabantay, ayokong marinig na nakalapit sa kapatid ko ang Andrade na ‘yan kundi mapapatay ko kayo.” Ito ang mahigpit na bilin ni Miles sa kanyang mga tauhan, habang nakahilera ang mga ito sa kanyang harapan. Kasama ng sampung mga bodyguard ang lahat ng mga security personnel ng kumpanyang Ramirez. Walang alam ang mga ito na malaya na akong nakakalabas-pasok sa kanilang kumpanya. At ngayon ay nandito lang ako sa likod ng aking hipag. Marahas akong nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga. Paano ko makukuha ang loob ng hipag kong si Miles kung sagad sa buto ang galit nito sa akin. “Yes, Ma’am!” Sabay-sabay na sagot ng lahat, na tinugon naman ni Miles ng isang tipid na tango. Ngayon ko naunawaan ang kapatid kong si Xavien kung bakit kinatatakutan nito ang galit ng kanyang asawa, dahil napakahirap pala nitong suyuin. Nagsimulang humakbang palayo sa kanyang mga tauhan ang hipag ko. Hanggang sa dumaan ito sa harap ko habang ako ay bahagyang yumukod upan
“Mr. Andrade Hilton, ano ang masasabi mo sa kumakalat na balita patungkol sayo, na isa kang infertility? At ayon pa sa source ay nagawa mong bayaran ang kapatid ni Mrs. Miles Hilton para palabasin na anak mo ang pamangkin ng iyong hipag? May katotohanan ba ang lahat ng ‘yun?” “Napatiim-bagang ako ng bigla na lang akong ambushin ng interview mula sa mga media na nagsulputan na lang sa kung saan. Hindi ko sukat akalain na matutuntôn ng mga ito ang kinaroroonan ko. Naka Schedule ngayon ang pag-inspection ko sa isang branch ng kumpanya ko ngunit sa entrance pa lang ay naharang na ako ng mga ito. “What are you talking about? Maurine is my wife and her daughter is my daughter! How dare you to spread false information!?” Matigas kong sagot na siyang kinasinghap ng lahat. Akala ko ay titigil na ang mga ito subalit nagulat ako ng mas lalo pa silang naging agresibo sa pagtatanong. “Paano nangyari na asawa mo si Maurine Ramirez gayong engaged ka kay Ms. Stella?” “Niloko at pinaasa mo lang
“Blag! Crash!” Pagkatapos ibalibag ang bangko ay sunod namang hinagis ni Miles ang isang babasaging flower base. Nagsabog ang bubog nito sa kung saan kaya binalot ng takot ang dibdib ni Xavien dahil nababahala siya na baka masaktan ang kanyang asawa.Hindi pa ito nakuntento at sinubukan pa niyang buhatin ang center table. “Sweetheart, tama na, ano ba! Baka mamaya ay bigla kang duguin, mag-isang buwan ka palang simula ng manganak.” Matigas na saway ni Xavien sa kanyang asawa habang nakikipag agawan dito sa hawak nitong lamesa.“Titigil lang ako sa oras na mapatay ko ang magaling mong kapatid!” Nanggagalaiti na singhal ni Miles sa kanyang asawa.“Ano daw? Hooker ang kapatid ko!? Mga hayop sila! Sa oras na matunton ko ang nagsabi nun, pakakainin ko sya ng bala! Bitawan mo ‘yan!” Galit na sigaw ni Miles sa nag-aalala na si Xavien. Napapa-tiǐm bagang na lang ito dahil sa mga pinaggagawa ng kanyang kapatid. Dahil sa katangahan nito ay nagulo na rin ang tahimik na pagsasama nilang mag-asaw