Share

Kabanata 30

Mabilis na niyakap ni Storm ang kanyang asawa para kumalma ang pakiramdam nito. Halata kasi na labis itong nasaktan ng buhatin niya kanina si Chiyo dahil sa pag-aakala na anak talaga niya ito.

“Sweetie, please, don’t cry, nakita mo naman na hindi ako ang ama ng batang ‘yun. And besides malabong magkaroon ako ng anak sa labas dahil ikaw lang ang babae sa buhay ko.” Malambing na bulong nito sa kanyang asawa.

“T-Talaga?” Parang bata na tanong ni Misaki kaya naman matamis na ngumiti si Storm.

“Kahit mag-aapat na ang aming anak ay mukha pa ring inosente ang aking asawa, at tila mas lalo pang namukadkad ang ganda nito.” Anya ng isang nahuhumaling na tinig mula sa isip ni Storm. Imbes na sumagot ay isang masuyong halik ang naging tugon niya sa kanyang asawa. Bago niya ito niyakap at iginiya paalis sa lugar na ‘yun.

“Stella!” Tawag ni Mildred sa kanyang anak ng bigla itong mag-walkout. Nababahala ito sa mga nangyari dahil napurnada ang inaasam nilang kasal ng kanyang anak sa isang Hilton.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status