Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagpabalik-balik ng lakad dito sa loob ng silid ko. Nakapagbihis na ako ng corporate at papasok na sana sa opisina. Pero pakiramdam ko ay parang kay bigat ng mga paa ko, ni hindi ko ito magawang maihakbang palabas ng pintuan. Ewan ko ba kung bakit ngunit tila may humihila sa akin pabalik sa tuwing tatangkain kong humakbang. Ang nakakatawa pa ay kung bakit ilang beses na akong nagtanong sa mga katulong kung lumabas na ba ang mag-ina mula sa silid na ginagamit ng mga ito. Dapat magalit ako sa babaeng ‘yun. Dapat ay pahirapan ko s’ya pero bakit tila ako ang pinahihirapan nito!? Buong magdamag akong hindi makatulog dahil sa kakaisip sa magandang katawan ni Maurine. Lalo na ang maamo nitong mukha na halos hindi na mawaglit sa aking isipan. Napalunok ako ng maalala ko ang nakakaakit nitong itsura kahapon. Lalo na ang malusog niyang dibdib na parang ang sarap yata nitong pisil-pisilin. “S**t! Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit pagda
“K-kanina ka pa dyan!?” Halos mautal na sa pagsasalita si Maurine. Umangat ang kaliwang kilay ko at pinukol ko siya ng isang nang-uuyam na tingin. “Are you trying to seduce me?” May halong pang-iinsulto kong tanong dito. Mabilis pa sa alas kwatro na tumayo siya ng tuwid. Nanliliit ang kanyang mga mata, namumula rin ang buong mukha nito. Nakikita ko sa kanya na parang gusto na ako nitong sampalin. “Ikaw? Aakitin ko? Wow ha!” Tila napupuno na nitong wika sabay ismid sa akin. Subalit, sabay pa kaming napatingin sa kanyang katawan, dahil biglang nahulog ang tuwalyang nakabalot sa kanyang katawan. Namilog ang kanyang mga mata habang ang mukha nito ay wari moy natuyuan ng dugo. “Oh my gosh!” Naibulalas nito, para itong ipo-ipo sa bilis na dinampot ang tuwalya at mabilis na binalot ang kanyang katawan. Hindi na ako nilingon pa nito at nagmamadali na itong tumakbo papasok sa loob ng banyo. Walang tigil sa kakatawa si Chiyo dahil sa reaksyon ng kanyang mommy. Habang ako ay nanatiling nak
"As I mentioned, the company's revenue has grown by fifty percent in just three months. If we continue with this strategy, our earnings are likely to triple. This will not only benefit the company but also our customers, as we plan to introduce freebies that will help them save even more."“Kanina pa nagpapaliwanag ang kinatawan ng marketing department sa unahan. Subalit, kahit anong gawin ko ay hindi talaga pumapasok sa utak ko ang mga pinagsasabi nito. Alumpihit na ako sa aking kinauupuan at pakiramdam ko ay init na init na ako. Kahit malakas naman ang aircon dito sa loob ng conference room ay tagaktak pa rin ang pawis sa katawan ko.Sinong hindi mag-iinit ang pakiramdam kung ang laging lumilitaw sa utak ko ay ang malasutlang hiyas ng babaeng ‘yun. Muli, napalunok ako ng wala sa oras at halos maubos ko na rin ang tubig sa baso ko. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagdaloy ng pawis sa aking noo kaya mabilis kong dinukot ang panyo na nilagay ni Chiyo sa bulsa ng suit ko. Idinampi-d
Pagkatapos kong linisin ang silid naming mag-ina ay lumipat naman kami ni Chiyo sa kwarto ng kanyang daddy. Ito ang unang pagkakataon na papasok ako sa silid ni Quiller. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala ng matuklasan ko na kapatid pala ni kuya Xavien si Mr. Blue eyes ko. How small world talaga, kapatiran pa ang nangyari sa amin, at ibayong takot ang hatid nito para sa kin. Naniniwala kasi ako tungkol sa mga pamahiin na malas daw kung ang mga asawa naming magkapatid ay magkapatid din. Ayon kasi sa matatandang bulaan(sinungaling) ay isa daw sa relasyon ng magkapatid ang hindi magtatagumpay. Nalungkot akong bigla, marahil ay ito ang dahilan kung bakit sumalisǐ ng landas ang kapalaran namin ni Quiller. Baka, talagang hindi kami para sa isa’t-isa. Kaya if ever na mahulog man ang loob niya sa akin ay siguradong hindi pa rin kami ang magkakatuluyan kung tadhana na ang tutol sa aming relasyon. Tsk, it’s really hurt, na kami yung pinagtagpo pero hindi iti
“I miss you so much mommy.” Naglalambing na wika ng aking anak habang nakayakap sa leeg ko ang munti nitong mga braso. “Aren’t you happy, Sweetie, whole day kayong mag kasama ni Daddy?” Nakangiti kong tanong habang sinisilip ang cute nitong mukha na nakasandig sa balikat ko.“I’m happy mommy, but you’re not in there.” “Don’t worry, I’ll call you on video call, okay?” Malambing kong wika bago siya ipinasa mula sa mga bisig ng kanyang ama. “Mukhang masama ang loob natin ngayon, ah? Minsan ka lang maging Yaya, pero ang mukha mo parang pasan mo na ang mundo.” Pang-aasar ko kay Quiller dahil hindi na maipinta ang mukha nito. “Tandaan mo, huwag kang magkakamali na gumawa ng hindi maganda dahil kundi mananagot ka sa akin.” Imbes na matakot ay umangat ang kaliwang kilay ko bago pinagsalikop ang mga braso sa ibabaw ng dibdib ko. Lihim akong natawa ng lumipat ang tingin nito sa malusog kong dibdib.“Wala sa kontrata natin ang pakialaman ang buhay ng isa’t-isa.” Paalala ko sa kanya, bago i
“Pabagsak na inihiga ko ang aking katawan sa malambot na kama. Pakiramdam ko ay nangangalay ang buong katawan ko, gayung wala naman akong ibang ginawa kundi ang umupo lang buong maghapon.Pasalamat na lang ako at wala pa ang mag-ama meron pa akong pagkakataon na makapagpahinga. Ipinikit ko ang aking mga mata para sandaling umidlip muna. Medyo mahaba kasi ang ibinyahe ko. Mula sa kumpanya ay nag-byahe ako pabalik ng Villa. Isinuot ko ulit ang damit pambahay na suot ko ng umalis ako sa mansion ni Quiller. At mula sa Villa ay nagpahatid naman ako sa taxi pauwi dito sa Mansion ni Quiller. Nagdesisyon muna ako na ilihim sa lahat ang tungkol sa pagkatao ko. Gusto ko kasi na sa oras na iharap ko kay ate Miles si Quiller ay tanggap na talaga nito na anak niya si Chiyo.Ayokong magkaharap sila ng may pag-aalinlangan pa rin sa side ni Quiller. Ang isa pa sa labis kong pinagdarasal ay sana dumating din ang panahon na makilala ko rin ang ama ng batang dinadala ko. Hindi pa man ito naisisilang
“Bakit may bata dito? Sino ang batang ‘yan?” Tila allergic sa bata na sabi ng isang boses babae mula sa labas ng silid. Mataas ang boses ng babae na halatang galit.Mabilis kong inilibot ang aking tingin sa loob ng silid naming mag-ina. Ngayon ko lang napansin na wala pala sa silid ang anak kong si Chiyo. Kasalukuyan kasi akong nalilinis ng kwarto dahil Saturday naman ngayon. Bukas kasi ay aalis kami ni Chiyo para bisitahin si Ate Miles. Ngayong araw kasi ang labas niya sa hospital. Kailangan muna nitong magpahinga dahil alam ko ang hirap na pinagdaanan nito mula sa panganganak. Bitbit ang basahan na lumabas ako ng silid. Matinding kabâ ang naramdaman ko ng marinig ko na umiyak si Chiyo. Kulang na lang ay takbuhin ko ang silid ng ama nito dahil narinig ko na doon nagmumula ang iyak ng aking anak. Naningkit ang mga mata ko ng datnan ko na dinudurô ng isang babae ang mukha ng katulong na may karga kay Chiyo. Habang ang aking anak ay halatang takot na takot. Galit na lumapit ako sa
“Anong ginagawa ng mag-inang ‘yan dito, Andrade!? Hindi ka na ba na awa sa akin? Nasira na ang kasal natin, napahiya pa ako sa harap ng maraming tao! Kaya wala na akong mukha pang maihaharap sa publiko!” Nanggagalaiti na sigaw ni Stella habang nakasunod ito sa likod ni Andrade. Walang tigil sa pagpapakawala ng buntong hininga si Andrade. Sinisikap niya na habaan pa ang kanyang pasenya. Kanina pa siya naririndi dahil sa lakas ng bunganga ni Stella. “Look, Stella, anak ko si Chiyo, kaya hindi mo sila pwedeng paalisin dito.” Nagtitimpi na sagot ni Andrade na ngayon ay kasalukuyan itong naghuhubad ng kanyang polo. Nakatayo ito sa gilid ng kanyang kama. “So it means, niloloko mo lang ako, ganun? Pinalabas mo lang na baôg ka, para hindi magkaanak sa akin!?” Galit na singhal ni Stella kay Andrade habang ang mga luha nito ay nagsisimula ng pumatak. Tuluyan ng napikon si Andrade kaya mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang balikat ni Stella. “Ilang beses ko bang ipapaliwanag sa