“Bakit may bata dito? Sino ang batang ‘yan?” Tila allergic sa bata na sabi ng isang boses babae mula sa labas ng silid. Mataas ang boses ng babae na halatang galit.Mabilis kong inilibot ang aking tingin sa loob ng silid naming mag-ina. Ngayon ko lang napansin na wala pala sa silid ang anak kong si Chiyo. Kasalukuyan kasi akong nalilinis ng kwarto dahil Saturday naman ngayon. Bukas kasi ay aalis kami ni Chiyo para bisitahin si Ate Miles. Ngayong araw kasi ang labas niya sa hospital. Kailangan muna nitong magpahinga dahil alam ko ang hirap na pinagdaanan nito mula sa panganganak. Bitbit ang basahan na lumabas ako ng silid. Matinding kabâ ang naramdaman ko ng marinig ko na umiyak si Chiyo. Kulang na lang ay takbuhin ko ang silid ng ama nito dahil narinig ko na doon nagmumula ang iyak ng aking anak. Naningkit ang mga mata ko ng datnan ko na dinudurô ng isang babae ang mukha ng katulong na may karga kay Chiyo. Habang ang aking anak ay halatang takot na takot. Galit na lumapit ako sa
“Anong ginagawa ng mag-inang ‘yan dito, Andrade!? Hindi ka na ba na awa sa akin? Nasira na ang kasal natin, napahiya pa ako sa harap ng maraming tao! Kaya wala na akong mukha pang maihaharap sa publiko!” Nanggagalaiti na sigaw ni Stella habang nakasunod ito sa likod ni Andrade. Walang tigil sa pagpapakawala ng buntong hininga si Andrade. Sinisikap niya na habaan pa ang kanyang pasenya. Kanina pa siya naririndi dahil sa lakas ng bunganga ni Stella. “Look, Stella, anak ko si Chiyo, kaya hindi mo sila pwedeng paalisin dito.” Nagtitimpi na sagot ni Andrade na ngayon ay kasalukuyan itong naghuhubad ng kanyang polo. Nakatayo ito sa gilid ng kanyang kama. “So it means, niloloko mo lang ako, ganun? Pinalabas mo lang na baôg ka, para hindi magkaanak sa akin!?” Galit na singhal ni Stella kay Andrade habang ang mga luha nito ay nagsisimula ng pumatak. Tuluyan ng napikon si Andrade kaya mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang balikat ni Stella. “Ilang beses ko bang ipapaliwanag sa
“Chiyo! Where are you, Sweetie?” Malakas kong tawag kay Chiyo habang panay ang silip sa bawat ilalim na pwede niting pagtaguan.Kung saan-saan na ako nag hahanap pero hindi ko pa rin makita ang aking anak. Nag-aalala kasi ako na baka biglang dumating ang expired na ‘yun at masigawan na naman niya ang munti kong anghel. Ang dahilan kung bakit tinawag ko siyang expired ay hindi dahil sa kanyang edad. Kundi dahil sa takbo ng utak ng babaeng ‘yun. Imagined, saan ka nakakita na isang inosenteng bata sisigawan mo!? See? Confirm expired nga utak ng Stella na ‘yun!Natigil ako sa paghakbang ng makita ko na nakaawang ang pinto ng silid ni Quiller. Napangiti ako ng wala sa oras dahil mukhang nakikipaglaro na naman sa akin ng tagu-taguan ang anak kong ito. “Huh? Where’s my little Chiyo, kaya? Hm? Oh, Sweetie…” naglalambing kong tawag bago maingat na itinulak pabukas ang pinto. Lalong lumapad ang ngiti ko ng marinig ko na humagikhik ito. “Tell me! Bakit mo ginawa ‘yun ha!? Bakit inurong mo a
“Nakabalot ng tuwalya na lumabas ako ng banyo, habang ang basang buhok ko ay tinutuyo ko gamit ang isang tuwalya. “Chiyo!” Tawag ko sa aking anak, nagtaka ako kung bakit wala si Chiyo sa kama. Ang bilin ko kasi dito ay huwag ng lalabas ng kwarto dahil baka biglang dumating ang malditang si Stella.Pumihit ako paharap sa closet upang kumuha ng damit. Subalit, biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Quiller, karga sa mga bisig nito ang natutulog na si Chiyo.Imbes na magbihis ay nagmamadali akong lumapit sa kama, upang ayusin higaan para sa anak ko. Tumayo ako sa gilid upang bigyang daan si Quiller. Maingat na ibinaba niya si Chiyo sa kama, kinumutan muna niya ito bago tumayo ng tuwid.“Thank you, pakisarado na lang ng pinto.” Ani ko dito bago siya tinalikuran humakabang ako pabalik sa closet para kunin ang mga damit ko. Subalit ng mula sa aking likuran ay biglang pumulupot ang mga braso ni Quiller. Nagulat ako, kaya bigla akong pumigit paharap dito. Subalit, sumalubong sa akin an
“Hmmmmp…” pagkatapos ng mahabang ungol ay hinihingal na bumagsak sa ibabaw ko si Quiller. Kapwa pawisan na kaming dalawa at halos nangangalay na rin ako bago pa man niya ako tinigilan. Maya-maya ay tahimik siyang umalis sa ibabaw ko. Walang salita na dinampot nito ang kanyang short trunks at puting t-shirt. Saka nagbihis sa mismong harapan ko. Habang ako ay dinampot ko ang tuwalya at muling ibinalot ito sa aking katawan. Pagkatapos na magbihis ay lumapit siya sa natutulog na si Chiyo, hinagkan niya ito sa noo bago muling pumihit paharap sa akin. “I-I’m sorry…” alanganin nitong saad, pagkatapos sabihin ‘yun ay kaagad niya akong tinalikuran at nagmamadali na lumabas ng silid. Hindi ko alam kung para saan ang sorry na ‘yun, pero isa lang ang alam ko, nasasaktan ako. Kusang pumatak ang mga luha sa aking mga mata habang nakatingin sa naka saradong pinto. Nang mga oras na ‘to, para akong sinasakal dahil naninikip ang dibdib ko at nahihirapan na akong huminga. Masaya ako, dahil batid k
“Tinatamad na bumangon ako mula sa kama. Simula kasi ng malaman ni Quiller ang tungkol sa pinagbubuntis ko ay hindi na ako nito pinapansin. Para akong hangin sa paningin nito na wari moy hindi nakikita. Parang gusto kong umiyak dala ng matinding lungkot na nararamdaman ko. Nasasaktan kasi ako sa malamig na pakikitungo sa akin ni Quiller. Noon pa naman ay malamig na ang pakikitungo niya sa akin, pero sa pagkakataong ito, ni ang tumingin sa mukha ko ay hindi nito magawa. Mabigat ang katawan na umalis na ako sa kama. Pumasok ako sa loob ng banyo at saka naligo. Kailangan ko na kasing pumasok sa opisina dahil marami akong trabaho na kailangang gawin. Sa loob ng halos isang linggong training ay madali akong natuto sa pagma-manage ng kumpanya. Kaya ko ng makipagsabayan sa mga negosyanteng nakakasalamuha ko. Pero, syempre dahil sa tulong ng aking mga abogado. Pagkatapos maligo ay nagbihis ako ng isang simpleng duster. Natigil ang kamay ko sa pagsusuklay ng aking mahabang buhok ng
“What? Condom!?” Ito ang naibulalas ko ng marinig ko ang sinabi ni Quiller. “Sa kanya ‘yan, hindi sa akin!” Ani ko at mabilis pa sa alas kwatro na hinagis ang pouch pabalik kay stella. Hindi nito napaghandaan ang ginawa ko kaya mabilis itong nasalo ni bruhilda. Naningkit ang kanyang mga mata at pinukol ako nito ng isang nakamamatay ng tingin.Ang walang hiyang babae na ‘to, hindi man lang sinabi na condom pala ang hawak naming mag-ina. Ngayon ko naunawaan kung bakit tinawag ako nitong ignorante. Nang masalo ito ni Stella ay mabilis din niya itong ibinalik sa akin. Kaya ang kaninang pinag-aagawan namin na halos magpatayan pa kaming dalawa ng dahil lang sa condom na ‘to, ngayon ay pinagpapasahan na ito at kanyanan ng tanggihan.“Bakit mo ibabalik sa akin ‘to!? Samantalang kanina ay kulang na lang patayin mo ako ng dahil lang sa condom!? Hmp, akala mo kung sinong malinis. May baho rin palang itinatago.” Nang-uuyam nitong saad kaya nag-init na ang ulo ko. “Gusto mong isaksak ko ‘tong
“Hindi ko na alam kung ilang beses na akong pabalik-balik ng lakad dito sa tapat ng ng pintuan nang library. Panay din ang pisil ko sa aking kamay at halos hindi na ako mapakali. Narung aangat ang kamay ko at akmang kakatok pero sa huli ay biglang magbabago ang isip ko. Ibaba ang kamay at muling magpaparoon at parito habang kagat ang kuko ng aking daliri. “Tell me, Ilang oras ka pang magpapabalik-balik d’yan bago pumasok sa loob ng”-“Ay kabayong walang t*t*!” Ang naibulalas ko labis na pagkagulat dahil sa biglang pagsulpot ni Quiller mula sa likuran ko. Inaasahan ko kasi na nasa loob ito ng library tulad ng sinabi sa akin ng katulong.Dumilim ang ekspresyon ng mukha nito at tahimik na nilampasan ako. Diretso siyang pumasok sa loob ng silid aklatan na ginawa niyang opisina. Walang imik na sumunod ako sa likuran ni Quiller habang ang mga mata ko ay abala sa pagtitig sa matambok nitong puwet. Malaking tao ito, at may makisig na pangangatawan na talagang aasaming makamtan ng lahat nang