Mabilis na niyakap ni Storm ang kanyang asawa para kumalma ang pakiramdam nito. Halata kasi na labis itong nasaktan ng buhatin niya kanina si Chiyo dahil sa pag-aakala na anak talaga niya ito.“Sweetie, please, don’t cry, nakita mo naman na hindi ako ang ama ng batang ‘yun. And besides malabong magkaroon ako ng anak sa labas dahil ikaw lang ang babae sa buhay ko.” Malambing na bulong nito sa kanyang asawa. “T-Talaga?” Parang bata na tanong ni Misaki kaya naman matamis na ngumiti si Storm.“Kahit mag-aapat na ang aming anak ay mukha pa ring inosente ang aking asawa, at tila mas lalo pang namukadkad ang ganda nito.” Anya ng isang nahuhumaling na tinig mula sa isip ni Storm. Imbes na sumagot ay isang masuyong halik ang naging tugon niya sa kanyang asawa. Bago niya ito niyakap at iginiya paalis sa lugar na ‘yun.“Stella!” Tawag ni Mildred sa kanyang anak ng bigla itong mag-walkout. Nababahala ito sa mga nangyari dahil napurnada ang inaasam nilang kasal ng kanyang anak sa isang Hilton.
"A source revealed a major secret about one of the children of business tycoon Mr. Cedric Hilton. Andrade Quiller Hilton, the fourth child of the Hilton siblings and current CEO of Steel Quiller Corporation. Mr. Andrade is known to be elusive to the public as to why his life has remained private. The world was stunned when news broke about Mr. Andrade's infertility, explaining why, despite his long-term relationship with famous model and businessman's daughter Stella Cruz, they have not been able to have a child." Nanlaki ang mga mata ni Maurine ng mapanood niya ang balita tungkol kay Andrade. Biglang umusok ang kanyang bunbunan at mabilis na nag-init ang kanyang ulo. Kulang na lang ay batuhin niya ng buto ng mangga ang malaking flat screen tv nila dito sa salas. “Aba’t gagong ‘to!” “Mommy, who’s gagho?” Tanong naman ni Chiyo na seryosong nakatingin sa kanyang mukha. Parang gusto tuloy niyang batukan ang sarili, dahil nakalimutan niya na kasama nga pala niya ang anak. Dahil
“Paano mo nagawa sa akin ito, Stella!?” Galit na tanong ko kay Stella. Kasalukuyan siyang kausap sa cellphone. Batid ko na siya ang nagpakalat ng tungkol sa sekreto ko. “Ako ang dapat na magtanong niyan sayo, Andrade! Pagkatapos ng mga ginawa kong sakropisyo sayo, ito pa ang iginanti mo sa akin!? Tinanggap kita ng buo, kahit na alam kong may kulang sayo! Dinamayan kita sa bawat paghihinagpis mo noong nalaman mo na isa kang baôg! Ako! Ako lang ang nasa tabi mo, Andrade. Tapos malalaman ko na may anak ka sa ibang babae!? Niloko mo ako! Pinalabas mo lang na isa kang baôg para sa oras na pumutok ang baho mo ay madali mo ulit akong maloloko! How dare you!? Ang sama mo! Ang sama mo!” Nanggagalaiti nitong wika na sinundan ng malakas na hagulgol. Ramdam ko mula sa tinig nito na labis siyang nasaktan. Nilamon ako ng matinding konsensya, but I swear, hindi ko rin alam ang totoo. Kung paano akong nagkaroon ng anak gayong isa akong baôg. “I swear, Babe, wala akong alam sa mga nan
“Wow, Daddy, is this your house?” Bulalas ng makulit na si Chiyo habang nasa bisig ito ng kanyang ama. Nakababa na ng sasakyan ang dalawa samantalang ako ay nanatili pa rin sa loob ng sasakyan. Marahil ay napansin ni Quiller na hindi pa rin ako bumababâ ng sasakyan kaya tumigil ang mga paa nito sa paghakbang. Nagtataka na pumihit paharap sa akin. Mas gusto ko siyang tawagin na Quiller para unique dahil napag-alaman ko na Andrade ang tawag sa kanya ng lahat. Finally, may pangalan na rin si Mr. Blue eyes ko at hindi lang siya isang pantasya, totoo s’ya at siya pa ang ama ng aking anak. Para lang akong nasa isang fairytale na nagkatotoo ang aking prince charming. Walang ano-ano ay natulala ako sa kawalan. Napawi ang ngiti sa labi ko, napalitan ito ng lungkot. Masyado akong nadala ng aking pantasya at tila nakalimutan ko ang ipinagbubuntis ko. Parang isang crystal na nabasag ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Quiller sa oras na malaman niya na bunt
Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagpabalik-balik ng lakad dito sa loob ng silid ko. Nakapagbihis na ako ng corporate at papasok na sana sa opisina. Pero pakiramdam ko ay parang kay bigat ng mga paa ko, ni hindi ko ito magawang maihakbang palabas ng pintuan. Ewan ko ba kung bakit ngunit tila may humihila sa akin pabalik sa tuwing tatangkain kong humakbang. Ang nakakatawa pa ay kung bakit ilang beses na akong nagtanong sa mga katulong kung lumabas na ba ang mag-ina mula sa silid na ginagamit ng mga ito. Dapat magalit ako sa babaeng ‘yun. Dapat ay pahirapan ko s’ya pero bakit tila ako ang pinahihirapan nito!? Buong magdamag akong hindi makatulog dahil sa kakaisip sa magandang katawan ni Maurine. Lalo na ang maamo nitong mukha na halos hindi na mawaglit sa aking isipan. Napalunok ako ng maalala ko ang nakakaakit nitong itsura kahapon. Lalo na ang malusog niyang dibdib na parang ang sarap yata nitong pisil-pisilin. “S**t! Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit pagda
“K-kanina ka pa dyan!?” Halos mautal na sa pagsasalita si Maurine. Umangat ang kaliwang kilay ko at pinukol ko siya ng isang nang-uuyam na tingin. “Are you trying to seduce me?” May halong pang-iinsulto kong tanong dito. Mabilis pa sa alas kwatro na tumayo siya ng tuwid. Nanliliit ang kanyang mga mata, namumula rin ang buong mukha nito. Nakikita ko sa kanya na parang gusto na ako nitong sampalin. “Ikaw? Aakitin ko? Wow ha!” Tila napupuno na nitong wika sabay ismid sa akin. Subalit, sabay pa kaming napatingin sa kanyang katawan, dahil biglang nahulog ang tuwalyang nakabalot sa kanyang katawan. Namilog ang kanyang mga mata habang ang mukha nito ay wari moy natuyuan ng dugo. “Oh my gosh!” Naibulalas nito, para itong ipo-ipo sa bilis na dinampot ang tuwalya at mabilis na binalot ang kanyang katawan. Hindi na ako nilingon pa nito at nagmamadali na itong tumakbo papasok sa loob ng banyo. Walang tigil sa kakatawa si Chiyo dahil sa reaksyon ng kanyang mommy. Habang ako ay nanatiling nak
"As I mentioned, the company's revenue has grown by fifty percent in just three months. If we continue with this strategy, our earnings are likely to triple. This will not only benefit the company but also our customers, as we plan to introduce freebies that will help them save even more."“Kanina pa nagpapaliwanag ang kinatawan ng marketing department sa unahan. Subalit, kahit anong gawin ko ay hindi talaga pumapasok sa utak ko ang mga pinagsasabi nito. Alumpihit na ako sa aking kinauupuan at pakiramdam ko ay init na init na ako. Kahit malakas naman ang aircon dito sa loob ng conference room ay tagaktak pa rin ang pawis sa katawan ko.Sinong hindi mag-iinit ang pakiramdam kung ang laging lumilitaw sa utak ko ay ang malasutlang hiyas ng babaeng ‘yun. Muli, napalunok ako ng wala sa oras at halos maubos ko na rin ang tubig sa baso ko. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagdaloy ng pawis sa aking noo kaya mabilis kong dinukot ang panyo na nilagay ni Chiyo sa bulsa ng suit ko. Idinampi-d
Pagkatapos kong linisin ang silid naming mag-ina ay lumipat naman kami ni Chiyo sa kwarto ng kanyang daddy. Ito ang unang pagkakataon na papasok ako sa silid ni Quiller. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala ng matuklasan ko na kapatid pala ni kuya Xavien si Mr. Blue eyes ko. How small world talaga, kapatiran pa ang nangyari sa amin, at ibayong takot ang hatid nito para sa kin. Naniniwala kasi ako tungkol sa mga pamahiin na malas daw kung ang mga asawa naming magkapatid ay magkapatid din. Ayon kasi sa matatandang bulaan(sinungaling) ay isa daw sa relasyon ng magkapatid ang hindi magtatagumpay. Nalungkot akong bigla, marahil ay ito ang dahilan kung bakit sumalisǐ ng landas ang kapalaran namin ni Quiller. Baka, talagang hindi kami para sa isa’t-isa. Kaya if ever na mahulog man ang loob niya sa akin ay siguradong hindi pa rin kami ang magkakatuluyan kung tadhana na ang tutol sa aming relasyon. Tsk, it’s really hurt, na kami yung pinagtagpo pero hindi iti