“S**t!” Napamura ako ng wala sa oras ng sumigid ang kirot mula sa sintido ko. Bigla kasi ang ginawa kong pagbangon, akala ko kasi ay totoo ang lahat ng mga nangyayari sa akin. ‘Yun pala, nadadala lang ng matinding panaginip ang aking emosyon maging ang katawan ko. Napabuga ako ng marahas na buntong hininga, nang muling nagbalik ang alaala ng gabing nadukot ako. Halos wala akong matandaan sa mga nangyari dahil sa matinding kalasingan. Isa lang ang naalala ko, at iyon ay ang babaeng nakaniig ko sa loob ng kubô. Aminado ako na hinahanap-hanap ko ang presensya ng babaeng ‘yun. Noong gabi na may nangyari sa amin, pakiramdam ko ay hindi ako inutil. Dahil makailang beses akong tinigasan sa babaeng ‘yun. Ang labis na ipinagtataka ko lang, halos parehas ng nararamdaman ko sa babaeng naka one night stand ko ang nararamdaman ko ngayon para sa babaeng nasa kubô. Ni minsan ay hindi nawaglit sa isip ko ang mga eksenang naganap sa aming dalawa. Nakakalungkot lang isipin na hindi ko man la
Hindi ko na matandaan kung ilang beses na akong nag pabalik-balik sa loob ng banyo. Ang alam ko at nasusuka ako pero bakit pagdating sa loob ng banyo ay wala naman akong maisuka!? Frustrated na ako, at hindi ko na alam kung ano ang gagawin sa sarili ko. May gusto akong gawin na hindi ko naman alam kung ano?. May hinahanap ako pero hindi ko naman alam kung ano? Nagugutom ako pero pagnasa harapan ko na ang pagkain ay naduduwal naman ako. Naiinis na sinabunutan ko ang aking sarili hanggang sa tuluyan na akong naiyak. “Maurine, nasabi sa akin ng kasambahay mo na may sakit ka raw?” Si ate Miles na biglang pumasok sa loob ng aking silid, sakto naman na parang ba-baliktad na ang sikmura ko kaya nagmamadali akong lumuhod at sinubukan na muling sumuka, pero wala naman akong maisuka. Pag-angat ko ng aking mukha ay sumalubong sa akin ang seryosong mukha ni ate Miles. Kinabahan akong bigla at napalunok ng wala sa oras dahil sa matiǐm nitong tingin na wari moy inaarok ang buong pa
“Oh my god! Ang tattoo!” Naibulalas ko, sabay takip sa aking bibig. Walang pagdadalawang-isip na sinundan ko ang lalaking naka topless na may nakasampay na puting tuwalya sa kanang balikat nito. Mabilis akong nagkubli sa isang haligi ng pumihit siya paharap sa aking direksyon. Marahil ay naramdaman ng lalaki ang presensya ko. Halos mabingi ako sa lakas ng kabôg ng dibdib ko. This time ay hindi ako pwedeng mag padalos-dalos. Kailangan kong mag-ingat. Ang tattoo na ‘yun ang susi para malaman ko kung sino ang ama ng aking si Chiyo. Naalarma ako ng biglang nawala mula sa kahabaan ng pasilyo ang lalaking sinusundan ko. Subalit, nang marinig ko ang pagsarado ng pinto malapit sa kinatatayuan nito ay naghinala ako na ang silid na ‘yun ang okupado ng lalaki. “Nandito ka lang pa lang maarte ka- hmp!” Si kuya Harold na bigla na lang sumulpot sa likuran ko. Hindi na niya na ituloy ang sasabihin dahil mabilis kong tinakpan ang bibig nito. “Yucks! Ang laway mo!” Nanadidiri kong saad
Wari moy huminto sa pag-inog ang mundo para kay Andrade at Maurine Kai. Nilamon ng nakabibinging katahimikan ang buong unit habang nakapako ang mga mata nila sa Isa’t-isa. Di inaasahang paghaharap at kapanapanabik na muling pagkikita. Ni ang gumalaw ay hindi nila magawa. Parang may kung anong mahika ang bumabalot sa kanilang dalawa. At ang tanging naririnig lang nila ng mga oras na ‘to ay ang malakas na tibok ng kanilang mga puso. “Who are you?” Walang ganang tanong ni Andrade, na para bang isang ordinaryong babae lang na naligaw sa kanyang unit ang babae sa kanyang harapan. Tila nasaktan si Maurine, dahil sa malamig na pakikitungo sa kanya ni Andrade, at kung kausapin siya nito ay parang akala mo’y ito ang unang pagkikita nila. “Do you think ay pasisindak ako sa kasungitan mo? No way! Ngayong alam ko na ikaw ang ama ng aking anak!” Anya ng tila naghihimagsik na tinig sa aking isipan. Matapang kong hinarap ang masungit na lalaking ito. Kalaunan ay biglang lumambot ang ek
Mula sa malawak na hardin ng hotel ay nagaganap ang pag-iisang dibdib ni Andrade at Stella. Tanging mga importanteng tao lang ang imbitado sa kasalang ito. Mula sa magandang ayos ng buong venue at sa magagagarang kasuotan ng mga bisita ay halatang hindi biro ang halaga na ginasta ng mga pamilya ng magkasintahan. Mula sa unahan na nagsisilbing maliit na altar, nakatayo ang buong mag-anak na Hilton. Pawang mga nakangiti ang magkakapatid na Hilton, subalit mapapansin na tanging si Xavien lang ang hindi naka-attend sa kasal ng kanyang kapatid dahil kasalukuyang nanganganak ang aasawa nitong si Miles. Masaya sila para sa kapatid nilang si Andrade dahil sa wakas ikakasal na rin ito sa kanyang long time girlfriend na si Stella. Namangha ang lahat ng lumabas ang bride sa entrance ng venue. Feeling prinsesa pa ito na nagsimula sa marahang paghakbang, habang hawak ng dalawang kamay nito ang isang pumpon ng mga sariwang rosas. “Wow, Sweetie, ang ganda naman niya, ganyan din ba ako k
Mabilis na niyakap ni Storm ang kanyang asawa para kumalma ang pakiramdam nito. Halata kasi na labis itong nasaktan ng buhatin niya kanina si Chiyo dahil sa pag-aakala na anak talaga niya ito.“Sweetie, please, don’t cry, nakita mo naman na hindi ako ang ama ng batang ‘yun. And besides malabong magkaroon ako ng anak sa labas dahil ikaw lang ang babae sa buhay ko.” Malambing na bulong nito sa kanyang asawa. “T-Talaga?” Parang bata na tanong ni Misaki kaya naman matamis na ngumiti si Storm.“Kahit mag-aapat na ang aming anak ay mukha pa ring inosente ang aking asawa, at tila mas lalo pang namukadkad ang ganda nito.” Anya ng isang nahuhumaling na tinig mula sa isip ni Storm. Imbes na sumagot ay isang masuyong halik ang naging tugon niya sa kanyang asawa. Bago niya ito niyakap at iginiya paalis sa lugar na ‘yun.“Stella!” Tawag ni Mildred sa kanyang anak ng bigla itong mag-walkout. Nababahala ito sa mga nangyari dahil napurnada ang inaasam nilang kasal ng kanyang anak sa isang Hilton.
"A source revealed a major secret about one of the children of business tycoon Mr. Cedric Hilton. Andrade Quiller Hilton, the fourth child of the Hilton siblings and current CEO of Steel Quiller Corporation. Mr. Andrade is known to be elusive to the public as to why his life has remained private. The world was stunned when news broke about Mr. Andrade's infertility, explaining why, despite his long-term relationship with famous model and businessman's daughter Stella Cruz, they have not been able to have a child." Nanlaki ang mga mata ni Maurine ng mapanood niya ang balita tungkol kay Andrade. Biglang umusok ang kanyang bunbunan at mabilis na nag-init ang kanyang ulo. Kulang na lang ay batuhin niya ng buto ng mangga ang malaking flat screen tv nila dito sa salas. “Aba’t gagong ‘to!” “Mommy, who’s gagho?” Tanong naman ni Chiyo na seryosong nakatingin sa kanyang mukha. Parang gusto tuloy niyang batukan ang sarili, dahil nakalimutan niya na kasama nga pala niya ang anak. Dahil
“Paano mo nagawa sa akin ito, Stella!?” Galit na tanong ko kay Stella. Kasalukuyan siyang kausap sa cellphone. Batid ko na siya ang nagpakalat ng tungkol sa sekreto ko. “Ako ang dapat na magtanong niyan sayo, Andrade! Pagkatapos ng mga ginawa kong sakropisyo sayo, ito pa ang iginanti mo sa akin!? Tinanggap kita ng buo, kahit na alam kong may kulang sayo! Dinamayan kita sa bawat paghihinagpis mo noong nalaman mo na isa kang baôg! Ako! Ako lang ang nasa tabi mo, Andrade. Tapos malalaman ko na may anak ka sa ibang babae!? Niloko mo ako! Pinalabas mo lang na isa kang baôg para sa oras na pumutok ang baho mo ay madali mo ulit akong maloloko! How dare you!? Ang sama mo! Ang sama mo!” Nanggagalaiti nitong wika na sinundan ng malakas na hagulgol. Ramdam ko mula sa tinig nito na labis siyang nasaktan. Nilamon ako ng matinding konsensya, but I swear, hindi ko rin alam ang totoo. Kung paano akong nagkaroon ng anak gayong isa akong baôg. “I swear, Babe, wala akong alam sa mga nan