Bivianne“What are we going to do now?” tanong ko habang yakap pa rin siya. “Mukhang gusto talaga ni mom na magkalayo tayo, given that she sent someone to spy on you too.”He continued caressing my arm. “Hindi mo kailangang mag-alala. We’re not giving up, right? Para lang ‘tong long distance relationship. We can still talk to each other. Sneak out like this.”Napangiti ako pero hindi umabot sa mga mata ko. “But I don’t like this. Ni hindi ko masasabi sa lahat ng tao ang tungkol sa ‘tin.”“Nothing wrong with that, too. Mas maganda nga kung magiging private ang relasyon natin. Hindi naman kailangang malaman ng lahat ang tungkol sa ‘tin as long as we have feelings for each other.”Doon na ako tuluyang napangiti. Tumingala ako upang makita siya. Ngunit bago pa man ako makapagsalita ay isang marahas na katok na ang narinig namin mula sa pinto.Mabilis kaming napaupo at binundol ng kaba. Nagkatinginan pa kami bago siya tumayo. “Stay here. Ako na ang titingin kung sino.”Hinila ko siya sa br
BivianneMy mom’s away again. Hindi ko na ulit siya nakita matapos niyang ipakilala sina Juanito at ang anak niyang pakakasalan ko raw. Ni hindi niya pinaliwanag kung ano ang nangyayari. At hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon para makatanggi.I always knew that she’s going to punish me. But not like this! I didn’t expect na ipakakasal niya ako sa iba. This is just too much!Hindi ko pa rin sinasabi kay Oxem kung ano ang nangyari sa bahay. Miski si Yeshua ay walang alam. Paano ko masasabi sa kanila? Matapos ang mga nangyari, wala akong lakas ng loob para ipaalam sa kanila na ikakasal ako sa iba.Gusto kong tumutol sa plano ni mom, pero paano ko magagawa ‘yon kung wala na naman siya rito sa bahay? Para bang alam niyang tututol ako kaya umalis na siya agad bago pa ako makaangal. Dapat ay sinabi ko na sa kanila noong may pagkakataon ako. Mas mabuti nga siguro kung kina Juanito ko mismo sasabihin.Pero bago ko pa man ‘yon magawa ay muli kong nakita si mom. This time, nag-aagaha
BivianneIlang saglit pa bago nag-sink in ang sinabi niya sa ‘kin. “Mom, hindi pa ako pumapayag sa kasal na ‘to.”“Did I give you a choice?” Tinaasan niya ako ng kilay bago minuwestra ang pinto. “Now, go out there, and wait for me. Lalabas na ako mayamaya lang.”“Mom, I can’t marry a guy I just met!” bulalas ko. “I don’t even know him. Paano kung masama pala siyang tao? Paano kung saktan niya ako?”“Do you think I’ll choose him if he’s a bad guy? Of course, I did a background check on him. He’s decent. At least more decent than your monkey.”Pinigilan ko ang sarili ko na sigawan siya at sabihing hindi unggoy si Oxem. She won’t listen to me. She didn’t before, and she wouldn’t ever.“Now, go out there, and do as I say. Hear me?”Wala akong nagawa kung hindi ang tumalikod at sundin siya. So much for dinner tonight. So much for fitting a wedding dress. Sa oras na i-announce ni mom sa lahat ang tungkol sa kasal, alam kong wala na akong ibang choice kung hindi ang pumayag. Dahil kung hindi
BivianneI wasn’t sure what happened for the next couple of weeks. Bahay-school-company lang ang pinupuntahan ko at paminsan-minsan ay pumapasok ako sa academy. Nagpupunta pa rin si Ma’am Cynthia gaya dati pero hindi na gaya noon ay tahimik na kami. Puro aral na lang ang ginagawa namin.Inaaral ko na ang pasikot-sikot sa kompanya ni mom. Tinuturuan ako ni Sofie, the secretary mom hired for me. Gaya pa rin noon ang relasyon namin ni mom. Hindi pa rin niya ako kinakausap kung hindi kailangan pero alam kong nagbago ‘yon. She’s telling me about everything that’s going on with the company now, but through the papers Sofie is giving me.I know that this is a huge leap in our relationship. Ngayong sinasabi na niya sa ‘kin ang nangyayari sa kompanya niya ay isa lang ang ibig sabihin. She trusts me. May tiwala na siyang tutulungan ko siya para maisalba ang kompanya.And it was worse than I expected. Maraming shareholders ang nag-pull out sa company dahil sa isang project ni mom na nag-fail. A
BivianneI mustered all my courage and dialed Oxem’s number. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang nakahawak sa phone. Ilang linggo kaming hindi nagkita at nag-usap. Ni hindi ko pa nga alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.Pero nangako akong mag-uusap kami. At sa pag-uusap na ‘to, kailangan kong sabihin sa kaniya na hindi kami pwedeng magsama at buo na ang pasya ko.Tumunog ang phone ko hudyat na sinagot na niya. Pero walang sumagot ni isa sa ‘ming dalawa. Para bang naghihintayan lang kaming dalawa kung sino ang unang magsasalita. O baka pareho kaming natatakot kung ano ang maririnig namin sa isa’t isa.Kaya naman naisipan ko nang mauna. “Let’s break up.” Natawa ako nang marinig ko na mismo ang boses ko. “Hindi nga pala tayo pwedeng mag-break dahil wala pa namang tayo.”He didn’t find my joke funny, though, dahil hindi siya natawa. Kung tutuusin, parang sobrang lamig pa ng boses niya mula sa kabilang linya. “Is it because of that guy? Totoo ba ‘yong sinabi niya? Ikakasal na kayo?
BivianneI convince myself na kaya lang ako pupunta ay para panoorin ang kapatid ko. Wala siyang kinalaman sa pagpunta ko sa game. I just want to support Khaianne at alam kong magpupunta rin si Leo. Parang sila pa nga ang magkapatid at hindi kami.Mom is now happily married with a guy named Keam, Juanito’s brother, her first love. Masyadong mahaba ang story, pero Keam is a good guy. Noong una ay hindi ako payag sa relasyon nila. Pero nang makilala ko sila ng anak niya, wala na rin akong nagawa.And Khaianne is my twenty-year-old brother. Bata pa siya noong una kaming magkakilala kaya agad kaming napalapit sa isa’t isa despite having different dads and moms. Sobrang sweet niyang kapatid kaya nga nahulog ‘tong si Yeshua.And I can’t believe these two had history two years ago. Ayon kay Yeshua ay masyado pa siyang bata para sa kaniya kaya sila naghiwalay, but I wonder about that.Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya nang magsimula ang game. I played this game before kaya kahit papaano
BivianneHuminga ako nang malalim bago kumatok. I know that there’s a 50-50 chance na makita ko siya rito pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi kabahan. This is where he leaves, after all. Kapag may mahalaga silang game ay natutulog siya rito kasama ang mga player niya.I’m not a stalker. Alam ko lang ang mga ganitong detalye dahil isa ako sa mga sponsor ng team nila. Hindi ko maiiwasang malaman sa tuwing may game sila na may involved na pera. Doon din kumikita ang company namin.Nang magbukas ang pinto, nahigit ko ang hininga ko. That 50-50 chance just became a hundred.“How may I help you, Ma’am Cordova.” Ma’am Cordova. Great. Just like how my employees call me.“Is Khaianne here? I got a delivery for him.” Inangat ko pa ang box para ipakita sa kaniya.Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa hawak ko. “Dapat ay pinadala mo na lang sa isa sa mga tauhan mo. No need to deliver it yourself.”Agad akong nag-isip ng dahilan. “This is a gift for my brother. Kaya natural lang siguro na
Bivianne“Meeting adjourned,” sambit ko matapos ang ilang oras naming meeting. Inayos ko ang mga gamit ko bago lumabas ng meeting room bago dumeretso sa loob ng opisina ko.Nakasunod naman sa likod ko si Jane, ang bago kong sekretarya, habang iniisa-isa ang mga susunod ko pang schedule para sa araw na ‘to. Nang makaupo ako sa harap ng lamesa ko ay dumeretso ako sa pag-review ng mga bagong dokumento na kararating lang kanina.Ang dami ko nang natapos kahapon pero para bang dumoble na naman sila ngayong araw. Ito pa at may isa pa kaming meeting mamayang alas tres kasama ang mga shareholder na tiyak ilang oras din ang kakainin sa oras ko.Nang makalabas si Jane sa opisina ko ay nagpatuloy ako sa ginagawa. Tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa. At nang dumungaw ako ay nakita ko ang pangalan ni Oxem doon na agad nakapagpangiti sa ‘kin. Ni-loud speaker ko ‘yon.“Hi, beautiful,” bungad na pagbati ni Oxem. Bahagya kong naririnig ang boses nina Khaianne at ng teammates niya sa likod
Bivianne“I said,” sabi ko, “what the hell is this? Bakit naka-bandage ‘tong braso mo?”Napaiwas siya ng tingin. “Wala. Dahil lang ‘to sa paglalaro. Masyado lang na-strain kaya nilagyan ko ng bandage.”“And the bruises? Dahil din sa paglalaro?”“I just bumped into something.”Natawa ako. “What, like, you bumped into something ten times?” Nang hindi siya sumagot, naramdaman ko ang pag-init ng ulo ko. “Who did this?”Hinigit niya ang kamay pabalik. “No one! Sinabi ko naman sa ‘yo. Sa paglalaro ‘to at nabunggo lang talaga.”“I know what I saw, Khaianne. Trust me. Hindi ka magkakaroon ng ganiyang pasa dahil lang nabunggo ka sa isang bagay. Kaya ka ba palaging naka-long sleeves? Kasi kung oo, ibig lang no’n sabihin, ang tagal na niyan.” Napatigil ako saglit. “Oh my ghad…”“Bi, please, hayaan mo na lang ‘to. Mawawala rin ‘to.”Hindi ko pinansin ang sinabi niya. “It’s my mom, isn’t it? My mom did that to you.”Napaiwas ulit siya ng tingin. Nang hindi niya kinumpara o tinanggi man lang ang si
BivianneNapasalampak ako sa couch matapos kong mailapag ang mga gamit ko. It’s not much, sapat lang para sa stay ko, pero halos maubos na agad ang energy ko. Oxem’s helping me carry the heavy bags, pero ako pa rin ang nag-ayos ng mga ‘yon para alam ko kung saan nakalagay.“Hindi ko alam na nakakapagod pala nang sobra ang paglilipat,” sabi ko. Naupo siya sa tabi ko at niyakap ako. “Okay na muna siguro ‘to ngayong araw. Hindi naman natin kailangang magmadali. Basta sigurado tayong may mga gamit ka nang pwede mong gamitin agad.”“You’re right.” Naalala ko ang sinabi ni Keam. “Oo nga pala. Keam wants to have dinner with you. Kasama si Khaianne. Is that okay with you?”“Sure. Why not? Kailan?”“Kung kailan ka free.” I picked up my phone. “Kailangan ko rin palang sabihan si Khaianne. Kapag nakapili na tayo ng date, saka ko itatanong kay Keam.”I typed a message and sent it to Khaianne. Ilang minuto ang lumipas bago siya nag-reply.“Is your mom gonna be there?” Napakunot ang noo ko. “I th
BivianneAfter work, dumeretso agad ako sa apartment ni Oxem. Dahil sa nangyari noong nakaraan, I can’t take any more chances. Baka mamaya ay may makakita pa sa ‘ming dalawa. At ayoko na lang isipin kung anong pwede nilang makita.Nang makarating ako, pinarada ko ang sasakyan ko sa parking. I messaged Oxem na nandito na ako. Hindi kasi ako papapasukin sa loob dahil wala naman akong authority. Mabuti na lang at pwedeng tumanggap ng bisita ang mga naka-rent dito. Pwede ring mag-overnight. Bawal nga lang mag-p-party upang maiwasan ang aberya sa iba.Habang naghihintay sa entrance, naisipan kong maglakad-lakad para makita ang paligid. May maliit na garden kasi sa harap ng apartment complex kaya sariwa ang hangin at hindi ganoon kainit.I was about to go back when I felt someone following me. Ang unang hinanap agad ng mga mata ko ay ang gwardiya na nagbabantay sa complex. I can see him from here kaya nakampante ako. I can easily call for help.Napatili ako nang may sumundot sa tagiliran ko
BivianneTama nga ang sinasabi nilang bumibilis ang oras sa tuwing nag-e-enjoy ang isang tao. Hindi namin namalayan na dumidilim na at kakain na naman kami gayong parang kakakain lang namin ng tanghalian kanina.Masyado akong immersed sa kwentuhan namin. Kahit madalang akong magsalita ay hindi ako napag-iwanan. Marami nga akong nalaman lalo na sa mga nangyari noon kay Oxem nang bata pa siya.Patuloy ang pag-ingit ni Oxem sa mga pinsan niyang sinisiwalat ang mga kahihiyan niya noong bata siya. But I don’t mind. I want to know more. Para ko na rin siyang nakasama noong bata siya kapag naririnig ko ‘yong mga kwento nila.“I should go home,” pasimpleng bulong ko kay Oxem. “It’s getting late. Kailangan kong pumunta sa office bukas.”“Bakit hindi ka muna rito mag-dinner? Hindi ka paaalisin ni mama hangga’t hindi ka pa nakakakain.”Napanguso ako. “I guess I can stay for dinner. Dito ka ba matutulog?” “Sana. Palagi namang nililinis ni mama ‘yong kwarto ko kaya may matutulugan ako ngayon. Iha
Bivianne“Oxem!” bulalas ng mama niya pagkabang-pagkababa namin ng sasakyan. Pinudpod niya ng halik sa mukha ang anak bago niyakap nang mahigpit. Natatawa lang si Oxem habang ginagawa ng mama niya ‘yon at mukhang sanay na talaga siya.“Na-miss kita, ‘Ma. Pero may kasama ako.” Tinuro pa niya kami sa likod.“Hindi ka naman umaangal noon kahit sinong kasama mo, ah?” Ngunit nang magtama ang mga mata namin ay napaawang ang bibig niya. Napaiwas na lang ako ng tingin. “Ah, I see.”“‘Ma, nakilala mo na noon si Khaianne noon. Isa sa mga member ng FXNK.” Nagmano naman agad sa kaniya si Khaianne. “Mano po. Kumusta po kayo?”“Mabuti naman. Oo at naalala kita. Ikaw ‘yong sweet na bata. Hinding-hindi kita makakalimutan! Saka si ano… ano nga ang pangalan nang makulit na batang ‘yon? Si Rodmarc!” Natawa naman sila sa pagbanggit ng pangalan nito.“Day off nila, ‘ma, kaya si Khaianne lang ang nakasama namin. Umuwi sila sa mga pamilya nila.”“Mas mainam ‘yon at para makapag-bonding silang pamilya.”Nap
BivianneNapadilat ako nang marinig ang katok sa pinto. Ilang segundo bago ko napagtanto kung nasaan ako kaya napadilat ako nang tuluyan. Pagtingin ko kay Oxem ay tulog na tulog pa siya at mukhang hindi narinig ‘yon.“Wait!” sambit ko sa kumakatok. Tumigil naman ‘yon agad.Nagbihis na muna ako bago lumabas. Kahit anong gising kasi ang gawin ko kay Oxem ay hindi siya magising. Mukhang napagod yata siya sa scrim nila kahapon at sa nangyari kagabi. Natawa tuloy ako sa sarili ko.Pagbukas ko ng pinto, hindi ko inaasahan kung sino ang bumungad sa ‘kin. “Khaianne? What are you doing here? It’s supposed to be your day off.” Napatingin ako sa likod para siguraduhing hindi makikita ni Khaianne si Oxem. “Bi? Anong ginagawa—” Mabilis siyang umiling. “Hindi mo kailangang sagutin ‘yong tanong ko. Hindi ko kailangang malaman.”Napakamot tuloy ako sa pisngi ko at bahagyang hinarang ang katawan ko sa pinto. “He’s still asleep. Kumain ka na ba?”“Ininit ko lang ‘yong kare-kare. Tatawagin ko sana si b
BivianneDumaan ang maraming araw na paulit-ulit ang ginagawa namin. Pero kumpara noon, madalas na kaming magkasama ni Oxem matapos ang trabaho namin. May mga pagkakataon mang hindi kami sabay umuuwi ay madalang na lang mangyari ‘yon.Ayon sa kaniya, hindi na sila ganoon ka-busy dahil katatapos lang ng finals. Ilang buwan pa ulit ang kailangan nilang hintayin para sa susunod na patimpalak. Kailangan pa rin nilang mag-ensayo araw-araw at makipag-scrim sa ibang team.Scrim o scrimmage ang tawag sa pakiki-match sa ibang team. Ina-apply nila ang rules and regulations ng mga patimpalak para malaman kung sino ang mananalo. Hindi man ‘to isang official match, nakakatulong naman ‘to para sa training nila dahil ang mga nakaka-scrim nila ay sila ring mga nagkakaharap sa mismong tournament.Matapos ang trabaho ko sa araw na ‘yon ay dumeretso ako sa dorm ng FXNK. Patapos na ang scrim nila kaya pwede na akong magpunta. Day off ng mga bata bukas kaya naman pauuwiin niya ang mga ito mamaya. On the o
Bivianne“Congratulations, everyone!” bungad na bati ko sa kanila pagkalabas namin ng venue. Medyo nagtagal kasi kami sa loob lalo na at deretso awarding na rin ang nangyari.“Thank you, ate Bivianne!”“Thank you, Bi!”Sabay-sabay nila akong niyakap kaya halos mawalan kami ng balanse. Mabuti na lang at naging maagap si Oxem at nahawakan ako agad sa beywang para hindi kami tumumba lahat.“Calm down, guys,” ani Oxem. “Baka madisgrasya pa kayo.”Napanguso ang mga ito kaya naman napangiti ako bago sila niyakap isa-isa. “I guess hindi naman tayo madidisgrasya kung isa-isa ko kayong yayakapin.”Malawak naman silang napangiti lahat at sinuklian ang yakap ko. Matapos ‘yon ay naglakad na kami papunta sa hallway. Ang buong akala ko ay mag-d-dinner na kami pero nabigla ako nang dumeretso sila sa room para i-review ang game nila.Pero bago pa sila makapasok ay hinarangan ko na agad sila. “Hep! Alam kong nakasanayan niyo nang i-review ang game niyo pagkatapos pero you guys won! You need to take it
Bivianne“When did you have the time to prepare this?” tanong ko habang kumakain. Steak ang in-order namin pareho at wine ang panulak. “Sigurado akong sobrang busy niyo kanina sa paghahanda sa tournament.”“Noong natutulog ka,” nakangiting sagot niya. “Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko kung tumanggi kang matulog kanina. Iyon lang din kasi ‘yong oras na meron ako para paghandaan ‘to.”“I didn’t realize. Sobrang pagod ko rin siguro noong mga oras na ‘yon kaya hindi na ako naghinala. At masyadong magarbo ‘to para sa ilang oras na paghahanda.”“Hindi ko dapat kunin lahat ng credits kasi tinulungan din ako nina Khaianne para mapabilis ‘yong pag-aayos. Pati ‘yong staff, tumulong din sila.”Napangiti ako. “Thank you so much for this, Oxem.”Ngumiti siya pabalik. “Thank you so much din sa pagsama.”“It’s my pleasure.”Nagpatuloy kami sa pagkain habang nagkukuwentuhan. Ngayon na lang kami ulit nakakain sa labas dahil sa sobrang busy namin pareho. Naging blessing-in-diguise pa tuloy ‘yong