Kabanata 5
NAALIMPUNGATAN si Ann na parang may naririnig siyang iyak ng sanggol. Ngunit dahil sobrang pagod na pagod ang katawan niya, hinatak siya ng antok at muling nakatulog.
Nakaidlip si Ann na parang gising din ang diwa niya. Kahit na nakapikit ang mga mata, biglang pumasok sa isip niya ang anak na kinabukas ng mga mata niya.
‘Si Rence!’
Napabalikwas siya ng bangon at luminga-linga muna sa loob ng kwarto at dahil wala siyang naririnig na iyak ng bata. Tumayo si Ann at dinukwang ang crib ngunit hindi niya nakita roon ang sanggol.
Binundol ng kaba ang dibdíb ni Ann at binadha ng takot dahil baka nanakaw na ang anak niya! Nilibot ng paningin ni Ann ang buong kwarto ngunit wala siyang nakita na Rence kaya ang ginawa, lumabas siya ng kwarto at patakbo na sa kwarto ni Clayton noong makarinig siya ng munting ingay. Parang may sumisipol na hindi niya maintindihan.
Hinanap ni Ann ang ingay na iyon at napunta siya sa may kwarto nga ni Clayton. Sumilip siya roon at doon, nakita niya ang lalaki na buhat-buhat ang sanggol na hinahanap niya. Pinapatahan ni Clayton ang umiiyak na bata habang nakangiti ito kay Rence.
"I already changed your diapers so don’t cry, okay? Your Mama’s asleep."
Parang nakakaintindi naman si Rence dahil gumawa ito ng ingay na parang sang-ayon ito sa ama. Mahinang humalakhak si Clayton at hinalikan nito ang noo ni Rence habang mahina itong inuugoy.
"You’re really cute."
Tahimik si Ann na pinanonood ang dalawa at may kung anong humaplos sa puso niya. Akala niya noong una ay hindi matatanggap ni Clayton ang bata dahil noong pinagbubuntis niya ang bata, gusto pa itong ipalaglag ng lalaki. Pero tingnan mo ngayon, ito pa ang may buhat kay Rence.
Nag-angat ng tingin si Clayton at saktong tumapat ito sa pintuan kung nasaan nakatayo si Ann. Mukhang nagulat ito pero agad din nakahuma. "You’re awake?"
Lumapit si Ann sa mag-ama at nakita niya ang kumakawag na dalawang kamay ni Rence habang titig na titig ito sa ama. Gumagawa pa rin ito ng ingay na parang kinakausap si Clayton na kinatingin ng lalaki sa anak na karga-karga.
"Akala ko nawawala si Rence. Nandito pala siya." Hinuli ni Ann ang malikot na kamay ng sanggol at hinalikan iyon bago pakawalan. "Mukhang gustong-gusto ni Rence na kausapin ka. Namimilog pa ang mata niya na nakatingin sa ’yo, o."
Ngumiti si Clayton kay Rence at yumuko uli para naman halikan ang pisngi ng bata. Mahinang humagikgik si Rence at inabot ang buhok ni Clayton. Mahigpit nitong hinawakan ang buhok ng lalaki na nahirapang umalis sa pagkakayuko si Clayton.
"Hey, baby, let go of your Dada’s hair, okay?" sabi ni Clayton at pilit na tinataas ang ulo.
Pilyong tawa ni Rence ang naging sagot. Palihim na ngumiti si Ann bago kinuha ang nakakuyom na kamay ng anak at marahang binuksan ang mga daliri para maalis ang buhok na hawak nito.
"Rence, buhok ni Dada mo ’yan, ha? Hindi ’yan laruan," aniya. Natanggal din naman niya ang paghawak ng bata sa buhok ni Clayton.
Mahinang iniling ni Clayton ang ulo at yumuko para titigan ang bata. "You’re a naughty one, aren’t you?"
Humagikgik muli si Rence na waring naiintindihan ang ama. Tahimik naman na nakangiti si Ann habang pinagmamasdan ang dalawa.
Clayton seems to love their son. Iyon ang nakikita ni Ann. This is what she really wish for.
A happy family for Rence.
✿✿✿
DAHIL hindi kaagad nakakilos si Ann mula sa kinatatayuan, si Clarisse ang kumilos. Mabilis itong nakalapit sa babaeng nakaupo sa hita ng kapatid at hinatak nito ang buhok ng babae. Pakaladkad nitong hinablot ang babae paalis sa pagkakaupo na kinatili ng huli.
"Why are you kissíng my brother, you whöre?! Didn’t you know na may pamilya na ’yan! Malandí ka!"
Pilit na kumakawala ang babae sa pagkakahawak ni Clarisse. "Ross, help me!"
"At tatawag ka pa sa kuya ko, ha? I’m going to make you bald, you ugly donkey!" Mas lalong hinatak ni Clarisse ang buhok ni Sheena at hindi pa nakuntento, sinipa nito ang tuhod ng babae na kinaluhod ng secretary ni Clayton.
"Ross, ahh! Help! She’s going to kill me! Help me! My hair!"
Dahil sa komosyon, napatayo si Clayton mula sa swivel chair at nakahakbang na para puntahan si Clarisse at Sheena na secretary nito. Lalapit ito upang awatin ang dalawa noong humarang si Ann at masamang tiningnan ang lalaki. Nangingilid ang mga naipong luha sa mata niya ngunit pinipigil niyang umalpas ang mga iyon.
Halo-halo ang nararamdaman ni Ann ngayon. Galit, lungkot, sakit at pagtatanong sa sarili kung nagkulang ba siya kay Clayton ang tumatakbo sa isipan niya.
"Ann, umalis ka—"
Hindi natapos ni Clayton ang sinasabi nang malakas na sampalin ito ni Ann. Bumaling pakaliwa ang mukha nito at bakas ang gulat sa mukha ni Clayton. Hinarap siya nito at magkasalubong ang magkabilang kilay ng lalaki, parang hindi makapaniwala sa ginawang pagsampal ni Ann dito.
"What the fúck is wrong—"
Dahil hindi pa kuntento si Ann, tinaas niya ang kamay at sinuntok si Clayton. Hindi nito napaghandaan ang gagawin niya kaya napaatras si Clayton at bumangga ang likod nito sa mesa.
"Ang dami kong tinitiis sa ’yo, Clayton, pero nakakasawa ka palang intindihin! Alam kong ayaw mong makasal sa akin pero sana kaunting respeto naman! Kasal ka na sa akin kaya sana umakto ka naman na pamilyadong tao! Ang kapal ng mukha mong gawin sa akin ’to!"
Hindi kaagad nakapagsalita si Clayton at nakakunot lang ang noo nito habang nakatitig sa kanya. Taas-baba naman ang dibdíb ni Ann dahil hindi pa rin humuhupa ang galit na nararamdaman niya. Gusto niyang suntukin uli si Clayton kundi lang nananakit ang kamay niya.
Mga ilang segundo siyang masamang nakatitig kay Clayton nang hatakin si Ann ni Clarisse. Lumingon si Clarisse sa kapatid at nakataas ang kilay nito na ngumisi sa kuya.
"Buti nga sa ’yo, kuya. You’re a bastard!" Nilingon ni Clarisse si Ann at hinatak na ito palayo. "Let’s leave this awful place, Angielyn. Huwag mo nang sabihin kay Kuya ang pinunta mo rito. He doesn’t need to know that since he’s enjoying kissíng this whöre here!"
"Clarisse!" singhal ni Clayton sa kapatid na matapang naman na sinuklian ni Clarisse ng masamang tingin.
"Kung ako si Angielyn, hindi lang ’yan ang aabutin mo, Kuya. I don’t know you anymore! Hindi ka naman ganyan dati. You changed for the worst!"
Pagkatapos noon ay hindi na hinintay ni Clarisse na magsalita ang kapatid. Hatak-hatak nito si Ann para lumabas ng office ni Clayton at nang madaanan nila ang papatayong secretary ni Clayton na nakasadlak sa sahig, muling sinipa ni Clarisse ang binti ng babae na kinatili nitong muli sa sakit.
"Dirty slút!" mariing ani Clarisse. "Huwag na huwag kang magpapakita pa sa akin kundi uubusin ko ’yang natirang buhok sa ulo mo! Angielyn, let’s go!"
Pagbaba nila ng building ay pinagtitinginan sila ng mga empleyado ng kumpanya ngunit noong masama silang tingnan ni Clarisse, kanya-kanya silang nag-iwas ng tingin.
Noong makalabas, doon lang siya hinarap ni Clarisse at yumakap naman si Ann sa kaibigan. Agad namang sinuklian ng babae ang yakap niya at inalo pa siya nito.
"Clarisse, ang sakit-sakit na..."
"Then, leave him. Leave my brother, Angielyn."
DAHIL hindi rin naman nila nasabi ang pakay kay Clayton, si Clarisse ang nagbayad ng pampaospital ni Rence. Mabuti na lang din at bumaba na ang lagnat ng bata at pwede na rin itong iuwi kaagad.
Gusto pa sana ni Clarisse at Clausse na manatili si Rence sa ospital para maobserbahan ngunit mismong ang bata na ang nag-aya para umuwi. Natatakot daw ito sa ospital kaya walang nagawa sila Ann upang iuwi ang bata dito sa bahay.
"You don’t want to stay with Tita, Baby Rence? Maraming food sa condo ko tapos ipapasyal din kita."
Umiling lang ang nakayakap kay Ann na si Rence. "Stay with Mama and Dada. Sunod po, Tita."
Hinaplos ni Ann ang buhok ni Rence at lalong hinigpitan ang yakap sa anak. Nakangiti naman si Clarisse at Clausse na nakamasid sa kanila.
"Sure ka bang ayaw mong sumama sa amin, Ate Ann?" tanong ni Clausse.
Umiling si Ann. "Dito na lang kami sa bahay ni Rence. Dito rin gusto ng bata."
Tinitigan siya ni Clarisse at saka ito nagsalita. "Wala akong magagawa kasi gusto ninyo dito. Pero kapag nakauwi si Kuya at inaway ka uli, call me. I’m ready to kick his ass. Pag-isipan mo rin ang sinabi ko, ha? I only want what’s the best for my pamangkin."
Ang iwan si Clayton? Napulunok si Ann. Bumaba ang tingin niya sa buhat na anak. "P-Pag-iisipan ko. Pero si Mama. Baka magalit siya—"
Clarisse snorted. "Hayaan mo si Mama. Kaya ganoon si Kuya kasi paborito ni Mama at nakakalusot. Pero kapag nalaman lahat ni Mama ang kalokohan ni Kuya, hindi siya mangingialam sa inyo, Angielyn. But if ever you made up your mind to leave him and Mama is intervening, I’ll be your back-up. Akong bahala sa inyo ni Rence."
Tumango-tango si Ann. Hati ang desisyon niya dahil hindi lang naman siya ang apektado kung hihiwalayan niya si Clayton. Ang pinakaunang apektado ay ang anak nilang dalawa. Pero kung iyon nga ang mas makakabuti sa lahat... bibitiw na siya kay Clayton.
"Angielyn, we’re leaving now. Remember to call me later kung aawayin ka ni Kuya."
Nakaalis din ang magkapatid at inakyat naman niya si Rence sa kwarto nito para makapagpahinga ang bata. Ngunit noong kinukumutan na niya ang anak, tumingin ito sa kanya at hinawakan ang kamay niyang may hawak na kumot.
"Mama?"
Napatingin din siya sa anak at hinihintay na magsalita ito. "Ano ’yon, baby?"
"Iiwan ba natin si Dada? Sino kasama niya kapag alis tayo, Mama?"
Natigilan si Ann sa tanong ni Rence. "Baby, kasi—"
Bahagyang ngumuso si Rence. "Huwag natin iwan si Dada kasi lulungkot siya. Ayaw ko sad si Dada."
Namuo ang bikig sa lalamunan ni Ann at nahihirapan siyang panatilihin ang ngiti sa mukha. "A-Ayaw mong iwan si Dada?"
Tumango-tango si Rence. "Hmm-mm! Love ko kasi si Dada, Mama. Sungit lang siya ngayon sa atin kasi ’di ba sabi mo, Mama, dami niya problema sa work? Ayaw ko na siya lalong sad ’pag alis tayo. Lulungkot din ako."
Dahil sa sinabi ng anak, isinantabi ni Ann ang naiisip na pag-iwan kay Clayton. Gusto ng anak na kasama si Clayton kaya muling binuo ni Ann ang loob na magtiis pa. Ayaw niyang biguin si Rence.
The truth is... Clayton was not like this when Rence was younger. Ramdam niya ang pagmamahal ni Clayton sa anak dahil nakikita niyang inaasikaso si Rence ng asawa. Ngunit isang araw, biglang bumalik ang galit sa kanya ni Clayton at maging si Rence ay nadamay sa hindi niya malamang dahilan.
Minsan na niyang tinanong kay Clayton kung anong problema ngunit ang naging sagot ng lalaki, siya raw ang may kasalanan ng lahat. Doon napagtanto ni Ann na hanggang ngayon, hindi pa rin tanggap ni Clayton ang makasal sa kanya.
Unti-unting nauubos ang pag-asa sa puso ni Ann at ang tanging kinakapitan na lang niya sa relasyong ito kaya siya nananatili ay si Rence.
"Gusto mo, dito lang tayo kay Dada, Rence?" Tumangong muli ang bata. Tinaas ni Ann ang kamay at hinaplos ang mukha ni Rence. "Okay. We’ll stay with Dada, anak."
Masayang pumikit si Rence at ilang segundo pang minasdan ni Ann ang anak bago tahimik na tumabi rito.
MARAHAS na pagbagsak ng pinto mula sa first floor ang narinig ni Ann na kinatigil niya sandali sa pagtitig kay Rence. Alam niyang mainit ang ulo ni Clayton pag-uwi kaya marahan siyang tumayo sa kama ni Rence at sinigurong tulog pa rin ang anak bago lumabas ng kwarto nito.
"Ann! Mag-usap nga tayo! Nasaan ka ba? Ann!" Iyon ang narinig niya habang pababa ng hagdan. Luminga-linga si Clayton at nakita nito ang pababang si Ann.
Saktong katatapak niya pa lang sa sahig ng unang palapag nang hablutin ang braso niya ng kakalapit lang na si Clayton.
Kitang-kita ang galit ng lalaki dahil sa nangangalit nitong panga at magkasalubong na kilay. "Sinong nagsabi sa ’yo na pwede kang pumunta sa opisina, ha?"
Pinilit kumawala ni Ann sa pagkakahawak ni Clayton. "At ano, para hindi ko malaman ang patuloy na pambababae mo? Talagang nagawa mo pang sa kumpanya gawin ang kolokohan mo?"
"Ano naman sa ’yo kung may babae ako? Kasal lang tayo sa papel, Ann! Kahit kailan, hindi asawa ang tingin ko sa ’yo!"
Umigwas ang kamay ni Ann at sumampal iyon kay Clayton. "Ang kapal ng mukha mo talaga! Saan ba ako nagkulang, ha? Tinitiis ko lahat sa ’yo, Clay! Kahit ’yang galit mo sa akin, tanggap ko kahit na hindi ko naman deserve! Kung akala mo ikaw lang ang nasira ang buhay, hindi lang ikaw! Pati ako! I didn’t even finish my studies but did I blame you for that? Hindi! I also suffered — no, I’m still suffering but I don’t push that blame to you!"
"Because you want it in the first place, Ann! You wanted to marry me! Pinikot mo ako! Kahit anong tanggi mo, alam ko ang totoo! Do you think I want to be married to you? Heck, I always question God why did I said yes to this shítty marriage when Mom urged me to marry you!"
Tinulak ni Ann si Clayton at dinuro ang lalaki. "Fúck you! Hindi ko rin ginustong ikasal sa ’yo! Kung hindi dahil kay Rence, matagal na kitang iniwanan, Clayton! I hate you!"
"Then leave! You’ll make me happy doing that! Sana si Rosanne na lang ang asawa ko at hindi ikaw!"
Parang may tumadyak sa puso ni Ann noong marinig ang minutawi ni Clayton. Alam niyang mahal pa rin ni Clayton ang ex-girlfriend nito pero ang marinig ito mismo sa bibig nito, sobrang sakit pala.
Bumagsak ang luha ni Ann ngunit mariin niyang pinaglapat ang mga labi at matapang na tiningnan si Clayton. "Bakit, tingin mo tatanggapin ka pa ni Rosanne, Clayton? You promised to marry her when the time comes, right? Kapag bumalik na siya?! Pero kanino ka kasal? Sa akin, Clayton! You really didn’t love her because if you do, you will remain faithful even if you broke up with her!"
Namula ang mukha nito. Sa sobrang galit ni Clayton dahil sa sinabi ni Ann, tinaas nito ang kamay at nakaambang sampalin si Ann nang may marinig silang sigaw.
"No! Don’t hit Mama!"
Agad na napalingon si Ann at Clayton sa ingay na iyon at nakita ni Ann si Rence na nagmamadaling bumaba ng hagdan. Dahil sa kamamadali ng bata, nagkamali ito ng hakbang at tuloy-tuloy na gumulong pababa ng hagdan.
Natulala at nanlaki ang mga mata ni Ann at parang bumagal ang oras habang pinanonood niya ang paggulong ni Rence pababa. Tsaka niya lang nahanap ang boses noong makitang tumakbo si Clayton papunta sa direksyon ni Rence.
"Rence! Rence!"
"R-Rence?" Agad na binuhat ni Clayton ang walang malay na si Rence at doon nakita ni Ann ang dugong umagos mula sa likod ng ulo ng bata at paunti-unting pumapatak sa sahig.
"Rence!"
✿✿✿✿✿
Kabanata 6 ABALA si Ann na gumawa ng mashed vegetables para kay Rence habang ito naman, nakaupo sa baby chair at mahinang hinahampas ang table ng pinagkakaupuan. Malapit na siyang matapos at pinalalamig na lang ang mainit na pagkain ni Rence nang gumawa ng ingay si Rence. "D-Da! Dada!" Nanlaki ang mga mata ni Ann at napalingon siya sa anak. Patuloy pa rin nitong hinahampas ang table nito gamit ang kamay habang sumisigaw ng ‘Dada’. Binaba ni Ann ang ginagawa at lumapit kay Rence. "Baby, tawag mo si Dada? Nakakapagsalita ka na?!" Nang tanungin ni Ann iyon, humagikgik si Rence at mas lalong lumakas ang palo nito sa table, tuwang-tuwa ang reaksyon ng bata. "Dada!" Sigurado na si Ann na si Clayton nga ang tina
HUMINTO ang sasakyan at bumukas ang pinto ng backseat. Kinuha ni Clayton si Rence kay Ann at mabilis itong pumasok sa loob ng ospital. Agad naman itong sinalubong ng mga doktor at nurse na naka-duty noon. Mabilis na nakasunod si Ann kay Clayton. "Nurse! Dok! Pakitulungan po ang anak ko!" Lumapit si Ann sa isa sa mga nurse at tinuro ang anak niya. "Please check on my so— on him! He fell from the stair!" segunda naman ni Clayton. The nurses immediately took action and prepared a stretcher. Clayton laid Rence on it and they push him inside the emergency room. Nagtangka pang humabol si Clayton at Ann paloob ngunit hinarangan ito ng isa sa mga nurse. "Sir, you can’t follow us inside. Maghintay na lang po kayo rito." "Please, save him, please," nanginginig ang boses ni Clayton. Napako ang paa ni Clayton at na
Kabanata 7 "ANN!" Ann was cleaning the sala when she heard Clayton’s excited voice from outside. Agad niyang binaba ang vacuum na hawak at planong lumabas ng bahay para silipin ito nang pumasok ang lalaki at bakas sa mukha nito ang saya na parang may nangyaring maganda. "What happened? Mukhang masaya ka?" "Rence suddenly stood up awhile ago and he took his first step! Natumba siya pagkatapos pero nakakalakad na si Rence, Ann!" Nanlaki ang mga mata niya sa binalita ng asawa at napakapit pa siya sa braso nito. "Hala? Seryoso ka, Clayton? Nasaan si Rence? Nakakalakad na talaga siya?!" Rence’s just eight month old that’s why Ann was surprised to know that their baby could already walk this time! Hindi naman siya nagmamadali at gusto niyang i-take time
Hindi muna siya kumibo. Maging ang buo niyang desisyon kanina ay pinag-iisipan niyang maigi ngayon. Would everything be fine if she would break ties with Clayton?her first priority is Rence. Ngayong nasaktan at napahamak na anak niya dahil sa pagsasama nila ng asawa, kailangan niyang gumawa ng hakbang para protektahan ang anak. Kaya niyang tiisin ang lahat pero ang bottom line niya ay ang anak. Lahat ng makakasakit kay Rence, siya ang makakalaban kahit pa si Clayton ang taong iyon. "...I will ask for Rence’s opinion. Pero gusto ko nang hiwalayan ang Kuya mo, Clarisse." Clarisse didn’t utter a word for a couple of seconds. Nang magsalita itong uli, nagulat si Ann sa lumabas sa bibig nito. "I always tell Kuya that he fell in love with you but he’s still hellbent on chasing his childhood sweetheart, even now. Ayaw niyang makinig sa akin na itigil na ang pagbabali
Kabanata 8 BUHAT-BUHAT ni Ann ang anak na si Rence habang tinatanaw nila ang labas ng bakuran kung nakauwi na ba si Clayton. Panay kasi ang iyak ng bata at hinahanap ang ama nito kaya huminto sila sa may pintuan upang hintayin si Clayton. Alam kasi ni Rence ang oras ng uwi ni Clayton sa hindi malamang kadahilanan. Kaya kapag nahuhuli ng uwi si Clayton, iiyak o may tantrums na si Rence. Kakaisang taon pa lang ng anak nila pero nagugulat si Ann dahil parang matured ang anak sa mga inaakto nito. Must be the genes, ayon sa mother-in-law ni Ann. Mana raw si Rence kay Clayton na kinatuwa niya. Mula sa itsura hanggang sa ugali, kuha lahat sa ama nito. Sabagay, kay Clayton ba naman siya naglihi noong buntis siya sa anak nila. Nagising sa sandaling pagkatulala si Ann noong halos tumalon si Rence mula sa pagk
Kahit na desidido na siyang hiwalayan si Clayton ngayon, gusto niya pa ring malaman kung anong magiging sagot ni Clarisse sa kanya. Siguro, para maipanatag ang loob niya na kahit paano ay may kampi pa rin sa kanya. Sumimangot si Clarisse. "Ikaw ang sister-in-law ko kaya bakit ko iisipin si Rosanne? Hangga’t hindi pa talaga kayo naghihiwalay ni Kuya, ikaw ang kikilalanin kong sister-in-law," anito at may binulong pa. "And Rosanne? She’s not compatible to Kuya. She’s too meek." Ngumiti na lang si Ann bilang sagot kay Clarisse. "Now that you know my answer, kumain ka na. Anong oras na, Angie." Umupo nga siya sa tabi ni Clarisse at kumain silang dalawa. Nakakatatlong subo na ng fried rice si Ann noong bumukas ang pinto at niluwa noon si Clayton. Sandaling natigilan si Ann ngunit umakto siyang hindi ito nakita. Bumalik siya sa pagkain at sand
Kabanata 9 "HAPPY BIRTHDAY TO YOU! Happy birthday to you!" Kinakantahan nila si Rence na may kaarawan ngayon habang pinapalakpak ang mga kamay nila. Three years old na si Rence at nakikita ni Ann ang tuwa sa mukha ng bata. Buhat ito ni Clayton ngayon at pati si Rence, pumapaklakpak din kasabay nila. Nakatingin ito sa chocolate cake na may sinding kandila. "... Happy birthday to you! Blow your candle na, Baby Rence!" ani Clarisse habang vini-video nito ang pamangkin. Tumabi naman si Ann kay Clayton na buhat ang anak at inalalayan ito noong sinubukan ni Rence na abutin ang cake. Natawa si Clayton sa anak at bahagya nitong nilayo si Rence sa cake. "Mapaso ka, Rence. Just blow the candle, ha? Like this. I will show you." Lumapit si Clayton sa cake at mahina itong hinipan ng hangin. Sumayaw ang apoy s
EKSAKTONG DUMATING si Clarisse kaya dito nila iniwanan si Rence. Nakarating sa fire exit si Ann at Clayton dahil doon nila napiling mag-usap. Noong pakiramdam ni Ann na wala nang taong makakarinig sa usapan nilang dalawa ni Clayton ay hinarap niya ang lalaki. Nakamasid naman ito sa kanya at mukhang hinihintay siyang magsalita. "...Kaya kita kinakausap ngayon ay dahil lang kay Rence," panimula niya. Hindi naman kumikibo si Clayton at hinahayaan siya nito. "Gusto ko nang makipaghiwalay." Nangunot ang noo ni Clayton at tinangka nitong lapitan si Ann ngunit tinaas niya ang kamay para pigilan ito. "Ann, I’m really sorry. I know that this is so late to say this to you and it would be a lie if I say that I didn’t mean what I did because I do. I did. Gusto kitang saktan—" Napasinghap si Ann at pinikit ang mga mata. Pinaglapat niya ang mga nanginginig
NANINIBAGO pa rin si Ann ngayon na kasama na nila si Clayton. Isang taon din na hindi nila nakasama si Clayton dahil talagang tumira ito sa Amerika. Nasanay siya na madaling-araw pa lang ay maaga nang gumigising para ipaghanda si Rence at Sera ng babaunin para sa school nila. Kaya noong umagang iyon, maaga na naman siyang bumangon. At noong nakitang may taong nasa kusina, parang nagising siya. Nawala sa loob ni Ann na nakabalik na si Clayton. She saw Clayton busily cooking eggs and pancake. He was also flattening the leftover rice to cook as fried rice that he didn't notice her standing at the door. Napangiti si Ann. Ngayong nakikita niyang ganito si Clayton, naalala niya iyong dati. Bakit ba ngayon niya lang naalala ang mga iyon? Clayton is sweet and responsible. Lalo na noong first three years of marriage nilang dalawa. Hindi lang ito maalaga kay Rence kundi sa kanya. Kahit na pagod ito sa trabaho, lagi itong handa na tulungan siya sa mga gagawin o kaya naman, ito ang sasal
Epilogue KUMAKAIN si Rence ng footlong habang nakaupo sa hood ng kotse ni Owen. Busy siya na panoorin kung paano makipagbasagan ng mukha ang mga kaibigan nang bigla na lang may umambang susuntok sa kanya na kinabitaw niya sa pagkaing hawak dahil umiwas siya.Ilang segundo siyang nakatitig sa footlong na nasa sahig na ngayon bago siya unti-unting lumingon sa taong may kasalanan kung bakit wala na siyang kakainin ngayon.Madilim ang mukha na hinarap niya ito at sinipa sa tiyan na kinabuwal nito. "Sinong may sabi sa 'yo na pwede mo akong pakialaman kapag kumakain ako? Look at my food! You fúcking made me drop it!"Hindi pa kuntento si Rence, ilang ulit niyang sinipa ang taong ito at kahit hindi na gumagalaw, patuloy niya pa ring pinupuntirya ang kalamnan nito.Anything but his food! Kahit kunin na ang l
CLAYTON left them and went abroad by himself. Iyon ang plano nito kapag na-finalize ang annulment nilang dalawa.Iniwan ni Clayton ang custody ng mga bata kay Ann at kahit gusto pala ni Rence na sumama sa Dada nito, hindi pumayag si Clayton. He wants Rence to feel closer with Ann again and it won't happen if he's in the way, he said.Rence was sad but he understood his father. Sera was sad, too, but since she's young and easy to make peace with, naaliw ito nila Clausse at hindi na gaanong hinahanap si Clayton.It's only Ann who felt that she was stuck. Wala silang pormal na pag-uusap ni Clayton tungkol sa kanilang dalawa. Ann thought that Clayton understood what she said to him that night but no, he didn't.Noong sinabi niyang huwag siyang iwan nito, totoo iyon. She may be confused but she's ready to face her fears again;
Kabanata 85 CLAYTON was facing Ann right now with a knotted forehead. Hindi naman matingnan nang maayos ni Ann ang lalaki dahil sa ginawa niya kanina rito. She was so ashamed of what she did awhile ago and she wanted to find a burrow and go inside just to get away from it.Bakit niya ba kasi ginawa iyon! Wala ba siyang kahihiyan? Nasiraan yata siya ng bait kanina at ginawa kung ano na lang ang pumasok sa isip. Dahil nakita niya si Clayton, walang pakundangan niyang hinalikan ang lalaki.Hiyang-hiya talaga siya!"W-Why did you do that?" takang tanong ni Clayton.Umiling lang si Ann dito bilang sagot. Inaral pa ni Clayton ang mukha niya bago siya nito marahang hinawakan sa braso at iginiya sa sasakyan nito.Dahil wala pa rin sa huwisyo si Ann, nagpatianod siya ka
Kabanata 84 HINDI pa rin makapagsalita si Ann mula sa mga sinabi ni Andrew na narinig niya. Hindi siya makapaniwala, e.She never thought that Andrew after saving her from pain, he would also hurt her like this. Alam nito ang kwento niya. Alam nito kung gaano siya katakot na maloko uli; iyong takot niyang magtiwala sa ibang tao pero binigay niya iyon kay Andrew dahil akala niya hindi siya nito sasaktan tulad ng iba.Nagkamali pala siya. Maling-mali.Kaya nga kahit mas malalim ang nararamdaman niya kay Clayton - na mahal na mahal niya pa rin ang asawa, pinanindigan niya ang pagpili kay Andrew. Kasi kahit gaano man niya kamahal si Clayton, sira na ang tiwala niya rito. Ayaw niyang mamuhay araw-araw na mag-o-overthink kung saan pupunta si Clayton, kung may kikitain ba ito o ano.And Andrew
Kabanata 83 THREE weeks had passed and it's soon time for Rence and Sera's bone marrow transplant. Sinabi sa kanila ng doktor na medyo lumakas ang katawan ni Rence at maaari na itong operahan anumang sandali.Dumating na rin pala ang pamilya ni Clayton, ang ina nito at maging ang bunsong kapatid na si Clausse. When Clausse saw Ann, he welcomed her with a tight hug. Ang ina naman ni Clayton ay tinanguan siya noong muli silang nagkita.Siguro ay kinausap din sila ni Clayton dahil hindi niya nakitaan ng pagkagulat ang mga mukha nila noong makita siya. At dahil nakabalik na ang pamilya ni Clayton, sila na ang madalas na bantay ni Rence na halos hindi na makita ni Ann ang anino ni Clayton.Ayaw naman niyang magtanong tungkol dito dahil baka kung ano ang isipin nila sa kanya oras na magtanong siya.They'r
Kabanata 82 "I HEARD that you and Kuya were filing for an annulment. Sigurado na talaga kayo sa gagawin ninyo?"Inangat ni Ann ang tingin at tiningnan si Clarisse. Lihim niyang inaaral kung may galit ba sa mga mata nito tulad noong huli nilang pag-uusap at nang wala siyang makitang reaksyon dito bukod sa pagtataka, nakahinga siya nang maluwag. Marahan siyang tumango at mas lalo namang lumapit sa harapan niya si Clarisse.Nasa labas siya ng ospital dahil bumili siya ng pagkain sa malapit na ministop. Nakasalubong niya si Clarisse at ito ang naging bungad sa kanya ng babae."... You know... I'm sorry for what I said the last time. Hindi ko lang talaga nagustuhan iyong sinabi mo kaya ganoon din ang nasabi ko sa 'yo," panimula ni Clarisse.Nabigla si Ann sa ginawa nitong paghingi ng tawad sa kanya ngayon. Napaangat a
Kabanata 81 NANGILID ang mga luha sa mga mata ni Clayton at ilang ulit na lumunok. Napaiwas ng tingin si Ann dahil nakaramdam siya ng awa kasabay ng pagkastigo sa sarili dahil sa sinabing kasinungalingan.Hindi totoo na hindi na niya mahal si Clayton. Hindi naman mawawala iyon, e. Lalo't ito ang ama ng dalawa niyang anak. Mahal man niya si Andrew, mas malalim pa rin ang nararamdaman niya kay Clayton.But even though she loves him, alam niya na hindi siya mapapanatag dito. Loving Clayton is like a fire — it consumes her all. Unlike Andrew that she feels safe and guarded.Kaya mas gugustuhin niyang magsabi na lang ng kasinungalingan kaya harapin ang totoong nararamdaman para kay Clayton."Are you... are you happy with him?"Napayuko si Ann at muling nagtatalo ang
RENCE is getting weak.Iyon ang naging bungad kay Ann at Clayton ng attending doctor noong matapos nitong tingnan si Rence. At first, Rence is responding good to the therapy they planned for him. But lately, it wasn't the case.Good thing that Sera matched as the bone marrow donor of Rence. Pero hanggang ngayon, hindi pa nila napapagplanuhan ni Clayton kung ano ang gagawin. Ayaw nilang lokohin si Sera at gumawa ng desisyon na hindi kumukunsulta sa bata.Sure, it's not life threatening for her. But it will surely hurt and maybe will take a toll on Sera's health for the early years of her childhood.Before the doctor left them, sinabihan na silang magdesisyon. Bawat paglipas kasi ng oras ay mas lalong lumalala ang sakit ni Rence.Nang makaalis ang doktor, doon pinawalan ni Ann ang mga luha. Binalo