Kabanata 4
"T-THIS is for me? Sigurado ka, Clayton?"
Napatitig si Ann sa hawak at pagkatapos, binalik ang mga mata sa lalaking kaharap niya. Nag-iwas naman ng tingin si Clayton sa kanya at naiinis na nagkamot sa ulo.
"A-Ano? Kukunin mo ba o hindi? Kung ayaw mo, akin na uli." Sinubukan nitong kunin ang manggang hilaw at bagoong alamang ngunit mabilis na niyang iniwas sa lalaki ang hawak. Napamaang naman si Clayton at nakasalubong ang kilay na tumingin sa kanya.
"Bigay mo na sa akin ’to kaya akin na ’to. Salamat, Clay."
Muling nag-iwas ng tingin si Clayton sa kanya at may pagmamadaling umalis sa harapan ni Ann. Natatawa naman itong sinundan ng tingin ng babae. Noong makaakyat si Clayton sa second floor ng bahay, doon lang uli minasdan ni Ann ang hawak na mangga at bagoong.
Now that she’s pregnant, Ann has cravings for food. She tried to be secretive about it because she doesn’t want to be Clayton’s burden. Kaya kapag takam na takam siya sa isang bagay, kapag wala si Clayton ay lumalabas talaga siya ng bahay para lang mabili ang gusto niya. O kaya naman, kasama niya si Clarisse, ang kapatid na babae ni Clayton na kaibigan niya rin at silang dalawa ang naghahanap ng mga pinaglilihian niya.
Ngunit hindi niya alam na napapansin pala ni Clayton ang mga iyon kahit na anong tago niya. At ito nga, binilhan pa siya ng lalaki ng manggang hilaw at bagoong na kanina niya pa gustong kainin. Ito ang balak niyang hanapin bukas kasama si Clarisse ngunit si Clayton na ang gumawa noon para sa kanya. Gabi na at halatang galing pa sa trabaho ang lalaki at mukhang pagod pa ito kaya sobrang natutuwa si Ann sa effort ni Clayton.
Now, her hopes are up again . Siguro, hindi rin masamang ipakasal nga kay Clayton kahit na hindi niya rin iyon gusto noong una. Pwede naman sigurong umasa na sa hinaharap, magiging masayang pamilya sila kasama ang magiging anak nila, hindi ba?
Masayang kinain ni Ann ang biniling pagkain ni Clayton. At noong matapos siya, marahan niyang hinaplos ang medyo may kalakihang tiyan.
"Baby, bumabait na si Daddy mo. Konti pa siguro, magiging masayang family tayo."
Ganoon nga ang naging set-up nila. Kapag may gustong kainin si Ann, hindi man niya sabihin kay Clayton, lagi nitong binibigay ang gusto niyang mga pagkain. Dahil doon, lumalago ang pag-asa sa puso ni Ann na magiging maayos sila ng asawa.
Hindi man siya kinikibo ng lalaki at parang hangin lang minsan kung ituring nito, ramdam naman ni Ann na kahit paano, may amor na muli si Clayton sa kanya hindi tulad noong mga unang buwan nilang magkasama sa iisang bahay. Hindi na siya nito sinusungitan at minsan pa, tatanungin siya kung maayos ba ang pakiramdam niya at kumusta rin ba ang baby nila. Minsan din, may uwi itong vitamins at mga gulay para sa kanya na labis niyang kinatutuwa.
Those small actions of Clayton made Ann hopeful again. She feels that sooner or later, Clayton will warm up on them again.
At mas lalo pang umusbong ang pag-asa na iyon noong unang mabungaran niya mula sa pagpapahinga si Clayton na buhat-buhat ang anak nila na kapapanganak pa lang niya. May mumunting ngiti sa mukha nito habang minamasdan ang sanggol na kinangiti niya rin.
Napansin siya ni Clayton na gising na siya kaya lumapit ito at nilapag sa tabi niya ang tulog na sanggol. Sinilip ni Ann ang anak at agad siyang naluha noong matitigan ito. Hindi man niya gaanong maaninaw kung sino ang kamukha ng bata sa kanila ni Clayton, punong-puno ang puso ni Ann ng kasiyahan dahil kapiling na nila sa wakas ang anak.
"What do you want to name him?" tanong ni Clayton sa kanya.
"Name?"
Sinulyapan nito ang baby at hinaplos ang mukha. "Yes. Nagtatanong ang nurse kanina kung anong pangalan niya pero wala akong nilagay. I told them to wait for you to wake up. You’re the mother so you have the rights to name him."
Dumapo rin ang paningin niya sa anak na mahimbing ang tulog. May gusto siyang pangalan ngunit gusto rin ni Ann na pareho silang pipili ni Clayton ng pangalan ng anak.
Kahit nanghihina pa, sinubukan ni Ann na umupo at umalalay naman kaagad si Clayton sa kanya. Hinarap niya ang asawa at nakangiting nagtanong din dito. "A-Anong gusto mong pangalan ng baby?"
Nagulat si Clayton sa tanong niya. "I could also name him?" Tumango siya na kinangiti rin nito. Sandali itong nag-isip at hinintay naman ni Ann kung ano ang sasabihin ni Clayton.
"...Then Rence. Laurence is his name."
Laurence? Ang ganda para sa pandinig ni Ann ang napiling pangalan ni Clayton. Inangat niya ang tingin at nagtagpo ang mga mata nila ni Clayton.
"Idadagdag ko iyong Simon na nakuha ko sa baby book. Laurence Simon Fuentebella..." Nilingon niya ang anak at kinausap ito kahit na tulog ang sanggol. "Iyon ang pangalan mo, anak."
"Laurence Simon?" bulong ni Clayton na narinig ni Ann. "It’s a beautiful name." Dumukwang si Clayton para halikan ang anak sa noo at gumapang ang tuwa sa puso ni Ann nang makita ang aksyong ito ni Clayton.
✿✿✿
39.7°c ANG NAKITA ni Ann na temperatura ni Rence at kahit nakadalawang tapal na siya ng kool-aid sa noo nito, hindi pa rin bumababa ang lagnat ni Rence. Kagabi, bumaba na ang lagnat nito kaya nakampante si Ann na magaling na ang anak. Nagluto muna siya ng almusal ng bata at saka ito sinilip. Ngunit noong hindi gumigising ang anak, doon niya lang ito sinuri. Hindi akalain ni Ann na babalik at mas tataas pa ang lagnat ng bata.
Wala na rin si Clayton para hingan niya ng tulong dahil maaga pa lang, umaalis na ito para pumasok sa opisina.
"B-Baby? Rence?" She tried to wake him up but Rence just groaned and hug the blanket tightly. Isang ulit niya pang hinipo ang noo nito at nagdesisyong gumawa ng paraan para maibsan ang mataas na temperatura ni Rence.
Tinakbo ni Ann ang kusina at agad na kumuha ng bimpo sa kung saan at isang plangganita para buhusan ang bimpo ng malamig na tubig. Pagkatapos, dinala niya iyon sa kwarto ni Rence at nang mapiga niya ang hawak, nilapat niya sa noo ng bata.
Hindi na ni Ann alam ang gagawin dahil unang beses na nangyari ito kay Rence. Noong sanggol naman kasi ito ay hindi lumilipas ang isang araw na magaling na ito kapag nagkakasinat ang anak kaya ngayon, nangangapa si Ann sa kung anong dapat gawin.
Kinuha niya ang cellphone at balak sanang tawagan si Clayton noong may narinig siyang doorbell. Sinilip niya muna si Rence at sandaling nagdalawang-isip bago niya tinungo ang pinto at lumabas ng bahay para tingnan kung sino ang nagdo-doorbell.
Pagbukas ni Ann ng gate, si Clausse na bunsong kapatid ni Clayton ang bumungad sa kanya. Nakangiti ito sa kanya at tinaas pa ang hawak ng paperbag.
"Ate Ann, may bibigay lang ako kay Baby—"
Naputol ang sasabihin nito noong hatakin niya ang binatilyo at papasukin sa loob ng bakuran. "Clausse, tulungan mo ako! Ang taas ng lagnat ni Rence."
Nanlaki ang mga mata nito. "What?!"
Nauna pang tumakbo paloob ng bahay ang lalaki at agad na nagtungo sa kwarto ni Rence na nasa itaas at bumungad sa kapatid ni Clayton ang pamangkin na nababalutan ng makapal na comforter.
Namumula ang mukha ng bata at nakakunot ang noo tanda na hindi ito komportable. Lumapit ito sa pamangkin at hinaplos ang mukha ng bata. Lumingon si Clausse kay Ann na kapapasok lang din sa kwarto.
"Ate, ang taas nga ng lagnat niya! Dalhin na natin sa ospital si Rence!"
Sandaling natulala si Ann at noon lang siya natauhan nang pangkuin ni Clausse si Rence at mabilis na lumabas ng kwarto. Binalot nito ang pamangkin ng kumot at sa ganoong itsura ito nagtuloy-tuloy na umalis. Humabol naman siya rito at hinawakan ang braso ni Clausse.
"C-Clausse, wala akong pera para sa ospital—"
Magkasalubong ang kilay ni Clausse na nilingon siya. "Ate naman! Mamaya mo na isipin ang pera! Si Rence ang usapan dito. Ang taas na ng lagnat niya! At saka anong ginagawa ni Kuya Ross? CEO siya naturingan pero bakit ganito kayo ni Rence, iniisip pa ang gagastusin? I-admit muna natin si Rence tapos ask for Kuya’s assistance!"
Napakagat ng ibabang labi si Ann at kahit nanliliit sa sarili at may pag-aalinlangan pa rin, sumunod siya kay Clausse. Nailabas kaagad ng binatilyo ang anak niya at saktong may dumaraan namang taxi sa kalye na iyon kaya pinara nila ito.
Nang makasakay, hinarap siya ni Clausse habang yakap nito si Rence. "Ate, tell me the truth, did my brother always give you a hard time? He didn’t even give you money for yourself?"
Mapait na ngumiti si Ann. Pangit mang sabihin pero saktong-sakto lang ang binibigay na pera sa kanya ni Clayton dahil baka raw kung saan niya dalhin ang pera. Ayaw naman niyang manghingi pa ng pandagdag dahil ayaw niyang masumbatan. Kaya iyong kapiraso niyang naiipon, iyon ang binibili niya ng pangangailangan nila ni Rence.
She doesn’t want to complain to others because she doesn’t want to taint Clayton’s name outside. Kahit pa sa pamilya nito. Hangga’t maaari, kung kaya niyang protektahan ang pangalan nito, iyon ang ginagawa ni Ann.
Dahil sa hindi niya pagkibo, parang kumpirmasyon na rin iyon kay Clausse. Kinuyom nito ang kamao at kung nasa harap lang nito ang kapatid, sinapak na siguro ni Clausse ang kuya.
"Ate, I don’t want you to leave Kuya but if he’s like this, please do so. Leave him and take Rence away from him. Nakikita ko naman na nasasaktan ka na. Pati si Rence, nadadamay na sa gulo ninyo."
Hindi siya kumibo ngunit unti-unti na ring natitibag ang kagustuhan ni Ann na manatili sa piling ni Clayton. Sarili niya lang ang nakakaalam kung ano ang nararanasan niya sa kamay ng asawa.
Hindi man siya saktan nito sa pisikal na aspeto, nariyan naman ang mga salita nito na minsan, pinipilit na lang niyang lunukin kahit na parang niyuyurakan na ang pagkatao niya. Kung hindi dahil sa anak nilang dalawa, gusto na ni Ann na magpakalayo-layo.
Dumapo ang mga mata niya sa anak na buhat ni Clausse. Nakikita niya pa rin ang paminsan-minsang panginginig nito at mayamayang pag-ungol.
Nagdesisyon si Ann. Kailangan niyang puntahan si Clayton. Kailangan nitong malaman ang kalagayan ng anak nila at hihingi na rin siya ng pambayad ng ospital dito. Lulunukin niya ang hiya dahil si Rence ang usapan dito. Tama naman si Clausse. Bakit siya matatakot sa lalaki kung para sa kapakanan ni Rence ang gagawin niya?
"Clausse, ikaw ang mag-admit kay Rence, ha? Pupuntahan ko ang kuya mo. Kailangan niyang malaman na may sakit ang anak niya. Ikaw na muna ang bahala sa pamangkin mo."
Bumaling sa kanya ang katabi at tinango nito ang ulo. "Don’t worry, I will look after Rence, Ate."
NAKARATING din si Ann sa tapat ng kumpanya na pinamamahalaan ni Clayton. Ito ang unang tapak niya rito pagkatapos ng apat na taon. Unang punta niya rito ay noong buntis pa lang siya kay Rence at katatalaga pa lang na CEO n’on kay Clayton.
Humugot nang malalim na hininga si Ann at binuga iyon bago siya pumasok sa glass door at ang una na bumungad sa paningin niya ay ang malawak na first floor nito. May pailan-ilang mga empleyado na naglalakad.
Pahakbang na sana si Ann patungo sa employees’ elevator noong may tumawag sa kanya at saktong hinarang din siya ng security guard.
"Miss, where are you going?" malakas na tanong ng receptionist na mula sa information desk na nakabungad pagpasok pa lang ng kumpanya.
"Miss, punta po muna kayo sa reception area bago kayo makakaakyat," sabi naman ng guard sa kanya sabay turo sa information desk.
Walang nagawa si Ann kundi doon nga pumunta at nagtatanong ang ekspresyon ng dalawang receptionist habang nakatingin sa kanya.
"Hello, Ma’am. May I check if you have an appointment and from what department is it?"
Biglang dinagsa ng kaba ang dibdíb ni Ann. Kahit na totoo ang sasabihin niya, paano kung hindi siya paniwalaan? Ngunit kahit ganoon ang nararamdaman, pinili ni Ann na sabihin ang pakay.
"Hello. I need to head to the CEO’s office to talk to Clayton Rossen Fuentebella. I’m his wife."
Tumabingi ang magandang ngiti ng babaeng kausap ni Ann at kumurap-kurap ang mata nito bago siya pinasadahan ng tingin. Dahil simpleng damit lang ang suot niya, hindi nakaiwas sa mga mata niya ang pagkadisgusto sa mata ng babae. Maging ang kasama nito sa information desk, napatingin din kay Ann.
"M-Ma’am, sorry for saying this but you don’t look like Mr. Fuentebella’s wife. To be honest..." Isang ulit pa siya nitong tiningnan mula ulo hanggang paa na kinakirot ng puso ni Ann. "...you looked like a maid, Ma’am."
Paimpit na tumawa ang katabi ng babae at maging ito, nakisabat sa usapan. "Ma’am, marami na pong gumawa ng ginagawa ninyo ngayon. Halos lahat ng babaeng pumupunta rito, nagpapanggap na asawa ni Sir. Mas maganda sana na ngayon pa lang, umalis na kayo."
"A-Asawa niya talaga ako. You can call him to confirm that I am his wife!" Nilunok ni Ann ang bikig sa lalamunan at kahit naiiyak, pinilit niyang tatagan ang boses.
"Ma’am, umalis ka na lang. Nakakagulo ka sa amin."
"I’m his wife! Why do I need an appointment just to see my husband?!" Hindi na niya mapigilang isigaw.
Totoo naman ang sinasabi niyang siya ang asawa ni Clayton. Yes, she knows that they are just doing their jobs but does that also include to mock her?
Sumama ang tingin ng babae kay Ann at nilingon nito ang security guard na nasa likuran niya. "Ma’am, kung hindi pa ninyo ititigil ang ginagawa ninyo, tatawag kami ng pulis. Sa pagkakaalam ko, walang asawa si Mr. Fuentebella kaya itigil na ninyo ang panggugulo rito."
"Ako nga ang asawa niya!"
"Kung kayo nga ang asawa ni Sir, bakit hindi n’yo siya tawagan? Tsaka, Ma’am, wala kaming nabalitaan na kinasal si Sir kahit kanino. Rumors lang na may asawa siya. Tama na ang pantasya n’yo. May girlfriend din si Sir. Si Sheena ’yon na personal secretary niya."
Napahigop ng hangin si Ann at pinigil niya ang sarili na sigawan ang lahat ng tao na naroon. Ramdam niya ang mga nakakatusok na tingin ng mga taong naroon at lalo siyang nanliliit.
Lumapit na ang guard sa pwesto niya at hahawakan na sana siya nito noong umiwas si Ann. "J-Just let me call someone first. Don’t throw me out."
Kagat-kagat ang labi na kinapa niya ang cellphone sa bulsa ng bestida niyang suot at swerte na naroon ang hinahanap niya. Nanginginig ang kamay na sinuri niya kung nasaan ang number ni Clarisse at nang makita ang numero nito, agad niyang tinawagan iyon.
Isang ring lang at agad na sinagot ni Clarisse ang tawag ni Ann. “Hello, Angielyn?”
"C-Clarisse, pwede ka bang pumunta rito sa company ni Clayton? I need your help, please..."
NAKARATING agad si Clarisse at noong makita nito si Ann na mukhang kaawa-awa ang itsura, tumakbo ito palapit sa kanya at mahigpit na niyakap si Ann.
"Angielyn, what happened? Why did you call me?"
Napanganga naman ang mga nakakita ng ginawa ni Clarisse. Kilala kasi nila ang babae bilang kapatid ng CEO nila. Minsanan mang pumunta ang babae sa kumpanya, bago pa ito dumating ay nakaabang na kaagad ang assistant ni Clayton para salubungin si Clarisse. Kung ganoon, totoo ang sinabi ni Ann na asawa siya ng CEO ng kumpanya?
"Clarisse, kailangan kong kausapin si Clayton pero hindi ako makaakyat sa itaas. May nangyari kay Rence at kailangan ko ng tulong!"
Nalakipan ng pag-aalala ang mukha ni Clarisse. "What?! Something happened to my nephew? Let me talk to Kuya! Tara!"
Ito na ang umakay sa kanya patungo sa private elevator na para lang sa mga executives. Ngunit bago gawin iyon, nilingon nito ang mga staff na humarang kay Ann at tinapunan sila ng masamang tingin.
"I’m going to settle your accounts later. Just wait for me!"
Nang marinig iyon ng mga taong kanina ay umaalipusta kay Ann, lahat sila ay binaha ng takot sa dibdíb. Ngunit kahit gusto man nilang makiusap, wala na si Clarisse at Ann dahil nakasakay na ang dalawa ng elevator.
Pinindot ni Clarisse ang top floor button at pagkatapos noon, pumihit ito paharap sa kanya. "What happened to Rence?"
Pinagsalikop ni Ann ang dalawang kamay at pinisil-pisil iyon para maibsan ang kaba. "Mataas ang lagnat ni Rence. Dinala namin siya ni Clausse sa ospital kanina. Pero dahil wala akong pera, pumunta ako rito para humingi kay Clayton. Sakto lang iyong panggastos na binibigay niya sa akin para sa utility bills."
Napasinghap naman si Clarisse. "What do you mean you don’t have money? Kuya is not giving you extra money? How could you survive without it? What the fúck is his problem?!"
"C-Clarisse—"
"Huwag mong pagtakpan si Kuya, Angielyn! Please lang, huwag ka namang martir! Matagal na akong nagtitimpi sa ugali niya! I will really kick his áss later! Humanda siya sa akin!"
Bumukas ang elevator at hinatak siya ni Clarisse palabas. Tuloy-tuloy itong naglakad papunta sa office ng kapatid at walang pasabing binuksan ang pinto.
Ngunit napanganga si Ann sa nasaksihan. Pakiramdam niya, nanlamig ang buong katawan niya habang nanlalaki naman ang ulo niya dahil sa nakikita.
May nakaupong babae sa mga hita ni Clayton habang magkahalikan ito at ang asawa niya. She’s aware of his cheating, yes. Pero ibang usapan ang makita iyon ng dalawang mata niya.
Tahimik na kumawala ang pinipigil na mga luha ni Ann.
✿✿✿✿✿
Kabanata 5 NAALIMPUNGATAN si Ann na parang may naririnig siyang iyak ng sanggol. Ngunit dahil sobrang pagod na pagod ang katawan niya, hinatak siya ng antok at muling nakatulog. Nakaidlip si Ann na parang gising din ang diwa niya. Kahit na nakapikit ang mga mata, biglang pumasok sa isip niya ang anak na kinabukas ng mga mata niya. ‘Si Rence!’ Napabalikwas siya ng bangon at luminga-linga muna sa loob ng kwarto at dahil wala siyang naririnig na iyak ng bata. Tumayo si Ann at dinukwang ang crib ngunit hindi niya nakita roon ang sanggol. Binundol ng kaba ang dibdíb ni Ann at binadha ng takot dahil baka nanakaw na ang anak niya! Nilibot ng paningin ni Ann ang buong kwarto ngunit wala siyang nakita na Rence kaya ang ginawa, lumabas siya ng kwarto at patakbo n
Kabanata 6 ABALA si Ann na gumawa ng mashed vegetables para kay Rence habang ito naman, nakaupo sa baby chair at mahinang hinahampas ang table ng pinagkakaupuan. Malapit na siyang matapos at pinalalamig na lang ang mainit na pagkain ni Rence nang gumawa ng ingay si Rence. "D-Da! Dada!" Nanlaki ang mga mata ni Ann at napalingon siya sa anak. Patuloy pa rin nitong hinahampas ang table nito gamit ang kamay habang sumisigaw ng ‘Dada’. Binaba ni Ann ang ginagawa at lumapit kay Rence. "Baby, tawag mo si Dada? Nakakapagsalita ka na?!" Nang tanungin ni Ann iyon, humagikgik si Rence at mas lalong lumakas ang palo nito sa table, tuwang-tuwa ang reaksyon ng bata. "Dada!" Sigurado na si Ann na si Clayton nga ang tina
HUMINTO ang sasakyan at bumukas ang pinto ng backseat. Kinuha ni Clayton si Rence kay Ann at mabilis itong pumasok sa loob ng ospital. Agad naman itong sinalubong ng mga doktor at nurse na naka-duty noon. Mabilis na nakasunod si Ann kay Clayton. "Nurse! Dok! Pakitulungan po ang anak ko!" Lumapit si Ann sa isa sa mga nurse at tinuro ang anak niya. "Please check on my so— on him! He fell from the stair!" segunda naman ni Clayton. The nurses immediately took action and prepared a stretcher. Clayton laid Rence on it and they push him inside the emergency room. Nagtangka pang humabol si Clayton at Ann paloob ngunit hinarangan ito ng isa sa mga nurse. "Sir, you can’t follow us inside. Maghintay na lang po kayo rito." "Please, save him, please," nanginginig ang boses ni Clayton. Napako ang paa ni Clayton at na
Kabanata 7 "ANN!" Ann was cleaning the sala when she heard Clayton’s excited voice from outside. Agad niyang binaba ang vacuum na hawak at planong lumabas ng bahay para silipin ito nang pumasok ang lalaki at bakas sa mukha nito ang saya na parang may nangyaring maganda. "What happened? Mukhang masaya ka?" "Rence suddenly stood up awhile ago and he took his first step! Natumba siya pagkatapos pero nakakalakad na si Rence, Ann!" Nanlaki ang mga mata niya sa binalita ng asawa at napakapit pa siya sa braso nito. "Hala? Seryoso ka, Clayton? Nasaan si Rence? Nakakalakad na talaga siya?!" Rence’s just eight month old that’s why Ann was surprised to know that their baby could already walk this time! Hindi naman siya nagmamadali at gusto niyang i-take time
Hindi muna siya kumibo. Maging ang buo niyang desisyon kanina ay pinag-iisipan niyang maigi ngayon. Would everything be fine if she would break ties with Clayton?her first priority is Rence. Ngayong nasaktan at napahamak na anak niya dahil sa pagsasama nila ng asawa, kailangan niyang gumawa ng hakbang para protektahan ang anak. Kaya niyang tiisin ang lahat pero ang bottom line niya ay ang anak. Lahat ng makakasakit kay Rence, siya ang makakalaban kahit pa si Clayton ang taong iyon. "...I will ask for Rence’s opinion. Pero gusto ko nang hiwalayan ang Kuya mo, Clarisse." Clarisse didn’t utter a word for a couple of seconds. Nang magsalita itong uli, nagulat si Ann sa lumabas sa bibig nito. "I always tell Kuya that he fell in love with you but he’s still hellbent on chasing his childhood sweetheart, even now. Ayaw niyang makinig sa akin na itigil na ang pagbabali
Kabanata 8 BUHAT-BUHAT ni Ann ang anak na si Rence habang tinatanaw nila ang labas ng bakuran kung nakauwi na ba si Clayton. Panay kasi ang iyak ng bata at hinahanap ang ama nito kaya huminto sila sa may pintuan upang hintayin si Clayton. Alam kasi ni Rence ang oras ng uwi ni Clayton sa hindi malamang kadahilanan. Kaya kapag nahuhuli ng uwi si Clayton, iiyak o may tantrums na si Rence. Kakaisang taon pa lang ng anak nila pero nagugulat si Ann dahil parang matured ang anak sa mga inaakto nito. Must be the genes, ayon sa mother-in-law ni Ann. Mana raw si Rence kay Clayton na kinatuwa niya. Mula sa itsura hanggang sa ugali, kuha lahat sa ama nito. Sabagay, kay Clayton ba naman siya naglihi noong buntis siya sa anak nila. Nagising sa sandaling pagkatulala si Ann noong halos tumalon si Rence mula sa pagk
Kahit na desidido na siyang hiwalayan si Clayton ngayon, gusto niya pa ring malaman kung anong magiging sagot ni Clarisse sa kanya. Siguro, para maipanatag ang loob niya na kahit paano ay may kampi pa rin sa kanya. Sumimangot si Clarisse. "Ikaw ang sister-in-law ko kaya bakit ko iisipin si Rosanne? Hangga’t hindi pa talaga kayo naghihiwalay ni Kuya, ikaw ang kikilalanin kong sister-in-law," anito at may binulong pa. "And Rosanne? She’s not compatible to Kuya. She’s too meek." Ngumiti na lang si Ann bilang sagot kay Clarisse. "Now that you know my answer, kumain ka na. Anong oras na, Angie." Umupo nga siya sa tabi ni Clarisse at kumain silang dalawa. Nakakatatlong subo na ng fried rice si Ann noong bumukas ang pinto at niluwa noon si Clayton. Sandaling natigilan si Ann ngunit umakto siyang hindi ito nakita. Bumalik siya sa pagkain at sand
Kabanata 9 "HAPPY BIRTHDAY TO YOU! Happy birthday to you!" Kinakantahan nila si Rence na may kaarawan ngayon habang pinapalakpak ang mga kamay nila. Three years old na si Rence at nakikita ni Ann ang tuwa sa mukha ng bata. Buhat ito ni Clayton ngayon at pati si Rence, pumapaklakpak din kasabay nila. Nakatingin ito sa chocolate cake na may sinding kandila. "... Happy birthday to you! Blow your candle na, Baby Rence!" ani Clarisse habang vini-video nito ang pamangkin. Tumabi naman si Ann kay Clayton na buhat ang anak at inalalayan ito noong sinubukan ni Rence na abutin ang cake. Natawa si Clayton sa anak at bahagya nitong nilayo si Rence sa cake. "Mapaso ka, Rence. Just blow the candle, ha? Like this. I will show you." Lumapit si Clayton sa cake at mahina itong hinipan ng hangin. Sumayaw ang apoy s
NANINIBAGO pa rin si Ann ngayon na kasama na nila si Clayton. Isang taon din na hindi nila nakasama si Clayton dahil talagang tumira ito sa Amerika. Nasanay siya na madaling-araw pa lang ay maaga nang gumigising para ipaghanda si Rence at Sera ng babaunin para sa school nila. Kaya noong umagang iyon, maaga na naman siyang bumangon. At noong nakitang may taong nasa kusina, parang nagising siya. Nawala sa loob ni Ann na nakabalik na si Clayton. She saw Clayton busily cooking eggs and pancake. He was also flattening the leftover rice to cook as fried rice that he didn't notice her standing at the door. Napangiti si Ann. Ngayong nakikita niyang ganito si Clayton, naalala niya iyong dati. Bakit ba ngayon niya lang naalala ang mga iyon? Clayton is sweet and responsible. Lalo na noong first three years of marriage nilang dalawa. Hindi lang ito maalaga kay Rence kundi sa kanya. Kahit na pagod ito sa trabaho, lagi itong handa na tulungan siya sa mga gagawin o kaya naman, ito ang sasal
Epilogue KUMAKAIN si Rence ng footlong habang nakaupo sa hood ng kotse ni Owen. Busy siya na panoorin kung paano makipagbasagan ng mukha ang mga kaibigan nang bigla na lang may umambang susuntok sa kanya na kinabitaw niya sa pagkaing hawak dahil umiwas siya.Ilang segundo siyang nakatitig sa footlong na nasa sahig na ngayon bago siya unti-unting lumingon sa taong may kasalanan kung bakit wala na siyang kakainin ngayon.Madilim ang mukha na hinarap niya ito at sinipa sa tiyan na kinabuwal nito. "Sinong may sabi sa 'yo na pwede mo akong pakialaman kapag kumakain ako? Look at my food! You fúcking made me drop it!"Hindi pa kuntento si Rence, ilang ulit niyang sinipa ang taong ito at kahit hindi na gumagalaw, patuloy niya pa ring pinupuntirya ang kalamnan nito.Anything but his food! Kahit kunin na ang l
CLAYTON left them and went abroad by himself. Iyon ang plano nito kapag na-finalize ang annulment nilang dalawa.Iniwan ni Clayton ang custody ng mga bata kay Ann at kahit gusto pala ni Rence na sumama sa Dada nito, hindi pumayag si Clayton. He wants Rence to feel closer with Ann again and it won't happen if he's in the way, he said.Rence was sad but he understood his father. Sera was sad, too, but since she's young and easy to make peace with, naaliw ito nila Clausse at hindi na gaanong hinahanap si Clayton.It's only Ann who felt that she was stuck. Wala silang pormal na pag-uusap ni Clayton tungkol sa kanilang dalawa. Ann thought that Clayton understood what she said to him that night but no, he didn't.Noong sinabi niyang huwag siyang iwan nito, totoo iyon. She may be confused but she's ready to face her fears again;
Kabanata 85 CLAYTON was facing Ann right now with a knotted forehead. Hindi naman matingnan nang maayos ni Ann ang lalaki dahil sa ginawa niya kanina rito. She was so ashamed of what she did awhile ago and she wanted to find a burrow and go inside just to get away from it.Bakit niya ba kasi ginawa iyon! Wala ba siyang kahihiyan? Nasiraan yata siya ng bait kanina at ginawa kung ano na lang ang pumasok sa isip. Dahil nakita niya si Clayton, walang pakundangan niyang hinalikan ang lalaki.Hiyang-hiya talaga siya!"W-Why did you do that?" takang tanong ni Clayton.Umiling lang si Ann dito bilang sagot. Inaral pa ni Clayton ang mukha niya bago siya nito marahang hinawakan sa braso at iginiya sa sasakyan nito.Dahil wala pa rin sa huwisyo si Ann, nagpatianod siya ka
Kabanata 84 HINDI pa rin makapagsalita si Ann mula sa mga sinabi ni Andrew na narinig niya. Hindi siya makapaniwala, e.She never thought that Andrew after saving her from pain, he would also hurt her like this. Alam nito ang kwento niya. Alam nito kung gaano siya katakot na maloko uli; iyong takot niyang magtiwala sa ibang tao pero binigay niya iyon kay Andrew dahil akala niya hindi siya nito sasaktan tulad ng iba.Nagkamali pala siya. Maling-mali.Kaya nga kahit mas malalim ang nararamdaman niya kay Clayton - na mahal na mahal niya pa rin ang asawa, pinanindigan niya ang pagpili kay Andrew. Kasi kahit gaano man niya kamahal si Clayton, sira na ang tiwala niya rito. Ayaw niyang mamuhay araw-araw na mag-o-overthink kung saan pupunta si Clayton, kung may kikitain ba ito o ano.And Andrew
Kabanata 83 THREE weeks had passed and it's soon time for Rence and Sera's bone marrow transplant. Sinabi sa kanila ng doktor na medyo lumakas ang katawan ni Rence at maaari na itong operahan anumang sandali.Dumating na rin pala ang pamilya ni Clayton, ang ina nito at maging ang bunsong kapatid na si Clausse. When Clausse saw Ann, he welcomed her with a tight hug. Ang ina naman ni Clayton ay tinanguan siya noong muli silang nagkita.Siguro ay kinausap din sila ni Clayton dahil hindi niya nakitaan ng pagkagulat ang mga mukha nila noong makita siya. At dahil nakabalik na ang pamilya ni Clayton, sila na ang madalas na bantay ni Rence na halos hindi na makita ni Ann ang anino ni Clayton.Ayaw naman niyang magtanong tungkol dito dahil baka kung ano ang isipin nila sa kanya oras na magtanong siya.They'r
Kabanata 82 "I HEARD that you and Kuya were filing for an annulment. Sigurado na talaga kayo sa gagawin ninyo?"Inangat ni Ann ang tingin at tiningnan si Clarisse. Lihim niyang inaaral kung may galit ba sa mga mata nito tulad noong huli nilang pag-uusap at nang wala siyang makitang reaksyon dito bukod sa pagtataka, nakahinga siya nang maluwag. Marahan siyang tumango at mas lalo namang lumapit sa harapan niya si Clarisse.Nasa labas siya ng ospital dahil bumili siya ng pagkain sa malapit na ministop. Nakasalubong niya si Clarisse at ito ang naging bungad sa kanya ng babae."... You know... I'm sorry for what I said the last time. Hindi ko lang talaga nagustuhan iyong sinabi mo kaya ganoon din ang nasabi ko sa 'yo," panimula ni Clarisse.Nabigla si Ann sa ginawa nitong paghingi ng tawad sa kanya ngayon. Napaangat a
Kabanata 81 NANGILID ang mga luha sa mga mata ni Clayton at ilang ulit na lumunok. Napaiwas ng tingin si Ann dahil nakaramdam siya ng awa kasabay ng pagkastigo sa sarili dahil sa sinabing kasinungalingan.Hindi totoo na hindi na niya mahal si Clayton. Hindi naman mawawala iyon, e. Lalo't ito ang ama ng dalawa niyang anak. Mahal man niya si Andrew, mas malalim pa rin ang nararamdaman niya kay Clayton.But even though she loves him, alam niya na hindi siya mapapanatag dito. Loving Clayton is like a fire — it consumes her all. Unlike Andrew that she feels safe and guarded.Kaya mas gugustuhin niyang magsabi na lang ng kasinungalingan kaya harapin ang totoong nararamdaman para kay Clayton."Are you... are you happy with him?"Napayuko si Ann at muling nagtatalo ang
RENCE is getting weak.Iyon ang naging bungad kay Ann at Clayton ng attending doctor noong matapos nitong tingnan si Rence. At first, Rence is responding good to the therapy they planned for him. But lately, it wasn't the case.Good thing that Sera matched as the bone marrow donor of Rence. Pero hanggang ngayon, hindi pa nila napapagplanuhan ni Clayton kung ano ang gagawin. Ayaw nilang lokohin si Sera at gumawa ng desisyon na hindi kumukunsulta sa bata.Sure, it's not life threatening for her. But it will surely hurt and maybe will take a toll on Sera's health for the early years of her childhood.Before the doctor left them, sinabihan na silang magdesisyon. Bawat paglipas kasi ng oras ay mas lalong lumalala ang sakit ni Rence.Nang makaalis ang doktor, doon pinawalan ni Ann ang mga luha. Binalo