Kabanata 3
NAPAKAGAT ng labi si Ann at isang ulit pang pinasadahan ng tingin ang message na natanggap niya sa kung sino. The message contains the information saying that Clayton is waiting for someone to come back and he’s only courting Ann to have a new flavor of the month. In short, fling. He’s not serious with her.
Ayon pa sa text, ilang babae na ang dumaan sa kamay nito at siya ang sunod na biktima nito kaya huwag siyang magpapaloko kay Clayton.
Mapait siyang napangiti. Ano bang aasahan niya, na seseryosohin siya ni Clayton? She’s just an orphan. Ni hindi rin siya mayaman. She’s a scholar in this university and just get by day to day from her little saving. She also looked average, hindi siya head turner tulad ng sa palabas sa telebisyon. Kaya anong pumasok sa isip niya at umaasang seryoso ang binata sa kanya?
She needs to wake up. Hindi bagay sa kanya ang lalaki. Malayo ang agwat nila sa isa’t-isa at hindi niya maaaring ituon niya ang atensyon dito.
In-exit niya ang message icon at matagal na tumigil ang titig sa phone. She wanted to turn the phone off when she saw the gallery. She clicked it mindlessly and the first one she saw is Clayton’s stolen shot she downloaded from his social media site.
Malawak ang ngiti nito habang nakatingin sa papasikat na araw. Sa litrato, mukhang nasa tuktok ng bundok si Clayton at kitang-kita sa itsura ni Clayton ang saya. Maging tuloy si Ann ay napangiti rin habang pinagmamasdan ang larawan sa phone ngunit noong maisip niya ang ginagawa, agad niyang binura ang ngiti sa labi at kinastigo ang sarili.
‘Ann, he’s going to break your heart sooner or later so stop thinking about him!’
Iyon ang paulit-ulit niyang tinatatak sa isip niya. Yes, she’s going to tell Clayton to stop courting her. Hindi siya magpapauto rito. Tama, ganoon nga ang dapat niyang gawin.
Pero noong umupo sa harapan niya si Clayton, nablangko ang utak ni Ann. Ano nga iyong sinasabi niya kanina sa sarili?
"Hey, Ann. This is for you," anito at inabot ang isang paper bag. Dahil nakangiti si Clayton, walang lakas ng loob si Ann na agad i-turn down ang lalaki kaya kinuha niya ang inaabot nito at binuksan. Unang bumungad sa kanya ang box ng cupcakes na nasa loob ng bag.
"I baked that for you."
Napamaang si Ann at matagal na tumitig kay Clayton. Hindi siya nagsasalita at nakatitig lang dito na napansin ni Clayton ang pananahimik niya.
"What’s wrong?"
"Thank you for this, Clay. But may I ask you... who is Rosanne?"
Agad na kumunot ang noo ng lalaki at bahagyang dumilim ang mukha nito. "Where did you hear that name?"
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at hindi pa rin kumibo. Napabuntonghininga si Clayton at sinuklay ang buhok nito. "Well, to tell you the truth... Rosanne is my ex-girlfriend."
"Ex?"
Nabuhayan ng loob si Ann sa narinig. Ibig bang sabihin nito, past na iyon ni Clayton? Ex-girlfriend lang pala iyon. Palihim siyang napangiti at nagtaas ng tingin. Ngunit ang sumunod sinabi ni Clayton ang nagbura ng ngiting iyon.
"But I love Rosanne."
Umawang ang bibig niya sa narinig. Mahal pa ni Clayton ang ex nito? E bakit siya nito nililigawan?
"Then why are you courting me?"
Hindi kaagad nakapagsalita si Clayton sa naging tanong niya. Parang kumirot naman ang bandang puso ni Ann. Gusto niyang sumbatan si Clayton dahil bakit pa ito lumapit sa kanya kung may mahal naman itong iba? Fling nga lang ba ang tingin nito sa kanya?
‘Ann, bobo ka ba? Yes, fling ka. Bakit kailangan mo pang tanungin?’
Humugot siya nang malalim na hininga at dinampot na ang bag para umalis na roon nang magsalita si Clayton. "But I like you, Ann."
Suminghap siya at napaturo sa sarili. "Y-You like me?"
Tumango ang binata. Nang makita niya ang kumpirmasyon mula rito, nalimot na naman ni Ann ang mga rason sa isip. Ang tanging alam niya lang, may pag-asa siya kung ang sabi ni Clayton, may gusto ito sa kanya.
"That’s really true?"
"Yes, I like you, Ann."
Malalim na humugot nang hininga si Ann. "Sige. Tayo na. I’ll say yes to you since I also like you, Clayton."
Iyon nga ang nangyari. Sinagot niya ang binata. Wala na sa isip ni Ann na ‘gusto lang’ siya ni Clayton at hindi siya ang mahal nito. Bulag ang mga mata niya sa matitingkad na maling bagay kay Clayton at imbes, pinili niya ang kung ano ang gusto nang mga oras na iyon.
Yes, Clayton still loves his ex-girlfriend. But she’s already in the past, right? Sabi ni Clayton, gusto siya nito. Doon naman nagsisimula ang lahat, ’di ba? And she also likes him! Then she will make sure that he will fell in love with her.
But Ann didn’t know that this was the start of her nightmare.
✿✿✿
"Angielyn, tell me the truth... you still love my brother, ano?"
Natigil si Ann sa paghalo ng pancit sa plato at tinaas niya ang tingin kay Clarisse, ang kapatid na babae ni Clayton. Hindi muna siya nagsalita at bagkus tiningnan niya ang direksyon ni Rence na naglalaro sa manmade playground sa fastfood restaurant kung nasaan sila ngayon.
"Staying with him has nothing to do with my feelings. I’m doing this for Rence," aniya.
Inirapan siya ni Clarisse. "If you’re going to leave him, I’ll be the first one to clap kasi ibig sabihin n’on, natauhan ka na."
"Clarisse, kuya mo pa rin si Clayton. Bakit parang gusto mo pang iwanan ko siya?"
"Yes, he’s my brother that’s why I don’t like seeing him cheating on you, Angie. I don’t tolerate his bullshíts. Asawa ka niya, e. Kasal kayong dalawa. Bakit kung sinu-sino pa ang pinupuntahan niya? Kung ako lang ang nasa kalagayan mo, iiwanan ko talaga si Kuya."
"Kung iiwan ko ba siya, anong mangyayari sa amin? Clarisse, I didn’t even finish my studies. Kung iiwan ko si Clayton na kasama si Rence, paano ko siya bubuhayin nang maayos? Kaya kahit minsan gusto ko nang sukuan siya, ang anak namin ang iniisip ko."
Napailing na lang si Clarisse sa kanya. "Bakit hindi ka bumalik sa pag-aaral? Bata ka pa naman, gurl. You’re only 24 kaya. Kung inaaalala mong walang mag-aalaga kay Rence, ako ang bahala. Ano pa’t tita niya ako."
Hilaw siyang ngumiti. "Sa susunod siguro. Gusto ni Clayton na nasa bahay lang ako."
Naiinis na nagkamot sa ulo ang kausap niya. "Si Kuya na naman? Hay, Angielyn. I really don’t get it why you love my brother in the first place. Tapos nagagawa mo pa siyang tiisin."
"I-I don’t love him anymore!" depensa niya sa sarili.
Matagal siyang tinitigan ni Clarisse at kinuha nito ang four season juice na nasa harapan nito at sumimsim doon habang tahimik na nakatingin sa kanya. Hindi ito naniniwala sa sinabi niya base sa itsura ni Clarisse.
"Alam mo, Angielyn, hindi mo ako mabibiro sa sinasabi mo. You still love him. Si Kuya lang ang sira, e. Swerte na siya sa ’yo, niloloko ka naman. Ikaw naman, ang malas mo kasi siya ang mahal mo."
"Because he still thinks that I trapped him in this marriage."
Clarisse snorted. "He didn’t pull out that time so he got you pregnant. Siya ang may kasalanan. Bakit sa ’yo lang ang sisi? And who told him to have a relationship with you while he’s not over his ex? Ikaw naman, sorry to say this, pero uto-uto ka kay Kuya, gurl. Dapat kapag ginaganyan ka ni Kuya, sinasapak mo siya nang matauhan. Huwag kang matakot do’n. Kapag sinaktan ka, i-report mo sa DSWD."
Napanganga na lang si Ann sa sinasabi ng kapatid ng asawa niya. Parang kung magsalita ito, hindi kapatid ang sinasabihan.
"Kuya mo pa rin siya, Cla. Tsaka kahit kailan, hindi naman ako napagbuhatan ng kamay ng kuya mo. Nagtatalo kami pero hanggang doon lang naman ’yon."
"Wala ngang physical abuse sa ’yo pero sa emotional state mo, meron, gurl. I still wanna punch my Kuya’s face. And you? I wanna smack your head para matauhan ka na. Ewan ko talaga sa ’yo, Angielyn."
Umingos si Clarisse sa kanya at bumalik na lang ito sa pagkain. Sakto namang bumalik na si Rence mula sa paglalaro kaya at lumapit sa table nila kaya agad na kinuha ni Ann ang bimpo sa dalang bag at nilapitan niya ang anak nang mapunasan ang pawis nito.
"Ma, I want ice cream po. Chocolate po," ungot ng bata habang inaasikaso niya ito.
"Hindi pwede, Rence. Baka sipunin ka. Sobrang pawis ka, anak, tapos malamig kaagad ang gusto mo? Kain ka na lang muna ng pancit, ha? O kaya naman rice with fried chicken?"
Ngumuso si Rence at yumuko. Hindi naman niya ito inalo dahil ayaw niyang masanay itong nakukuha ang lahat ng gusto. Isa pa, sakitin si Rence kaya ayaw niyang pakainin ito nang pakainin ng malalamig na pagkain.
Tumingin si Clarisse sa pamangkin at noong makitang malungkot ang bata, sinulyapan nito si Ann. "Angielyn, pagbigyan mo na si Baby Rence. Minsan lang naman. Painumin mo na lang ng maraming tubig mamaya. Tingnan mo, iyong mukha niya o, mukhang kawawa ang pamangkin ko."
Inilapag ni Ann ang bimpo sa hita at tumingin din sa nakanguso pa ring si Rence. Mukha ngang malungkot talaga ang anak niya kaya kahit labag man sa loob, tumango na lang siya.
"Gusto mo talaga ng ice cream?" Agad na nag-angat ng tingin si Rence at kumislap pa ang mga mata nito sa tuwa.
"Yes, Mama! Want ko po ice cream!"
"Okay. Pero one scoop lang, ha? Tapos iinom ka ng maraming water pagkatapos, ha?"
Mabilis na tumango ang bata. Yumakap pa ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi dahil nakuha nito ang gusto. "Thank you, Mama! Wab yu po, Mama!"
Nagawi ang tingin niya kay Clarisse at pati ito, nakangiti habang pinagmamasdan si Rence.
NAKAUWI na sila Ann sa bahay mula sa lunch date nila ni Clarisse. Agad siyang nag-asikaso ng dinner dahil mamaya maya lang ay uuwi na si Clayton. Ayaw naman niyang madatnan nitong walang pagkain at baka kung ano na naman ang sabihin nito sa kanya.
Iniwan ni Ann si Rence sa sofa at tahimik namang naglalaro ang anak niya kaya tiwala siyang bumalik sa kusina.
Makalipas siguro ang isang oras, sinilip niya ang bata at nakita niyang nakahiga ang anak sa sofa kaya bumalik siya sa ginagawa. Siguro ay napagod ang anak niya kaya nakatulog ito. Muli siyang bumalik sa kusina at inasikaso ang niluluto.
Nang matapos si Ann sa ginagawa, nagsandok siya ng pagkain ng bata at hinintay na medyo lumamig iyon bago pinuntahan si Rence sa sala.
Umupo si Ann sa carpeted floor at marahang ginising ang anak ngunit noong mahawakan niya ang braso nito, medyo mainit ang nasalat niya. Binundol ng kaba ang dibdib niya kaya nilapat niya ang likod ng palad sa leeg ng bata at nang maramdaman na mainit iyon, nakumpirma ni Ann na may lagnat nga si Rence.
Kahit na kinakabahan, pinili ni Ann na gisingin ang anak para maasikaso ito. "Rence, anak?"
Nahihirapang dinilat ng bata ang mga mata at umungot ito. "M-Mama?"
Ngumiti muna si Ann sa anak at binuhat ito para mapalitan ng damit. Napansin niyang pawisan ang noo nito kaya alam niyang basa rin ang likod ng bata. Dinala niya si Rence sa kwarto nito at binihisan. Dinikitan niya rin ng kool fever ang noo nito para makatulong sa pagbaba ng lagnat ng anak.
"Rence, may masakit ba sa ’yo? May lagnat ka, baby."
Nakatingin lang sa kanya ang bata at mukhang iniintindi pa ang sinasabi niya. Hindi rin maiwasan ni Ann na sisihin ang sarili dahil kahit alam niyang bawal dito ang ice cream, binigay niya pa rin ang gusto nito. Walang muwang ang bata at siya itong nanay ngunit hindi man niya naasikaso nang maayos ang anak.
Muli niyang nilapat ang kamay sa leeg ng anak at mainit pa rin iyon. Kung hindi bababa ang lagnat nito, dadalhin niya ang anak sa ospital.
"Mama..."
Agad siyang lumapit sa anak at hinaplos ang buhok nito. "Ano ’yon, baby? May gusto ka ba? Sabihin mo kay Mama. Iinom ka pala ng gamot, ha? Iyong orange flavor na gusto mo, ’di ba? Iinumin mo iyon para gumaling ka kaagad. Kukunin ni Mama ang gamot mo, ha?"
"Mama... sa’n si Dada? Gusto ko si Dada." Luminga-linga ito sa buong kwarto na waring hinahanap ang ama nito.
Natigilan si Ann sa naging tanong ni Rence. "Ang Daddy mo ba? B-Busy kasi siya, Rence. Uuwi rin siya mamaya, ha? Kain ka muna tapos inom ka ng gamot mo."
"Mama. Gusto ko si Dada. Tawag mo po si Dada, Mama."
Ngumiwi muna si Ann at nagdadalawang-isip pa siya na tawagan si Clayton nang biglang umiyak si Rence habang tinatawag nito si Clayton.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at pinakita iyon sa anak. "Tatawagan na natin si Dada mo, ha? Teka lang."
Agad na huminto sa pag-iyak si Rence at nakatunghay sa kanya habang dina-dial ang number ng ama nito.
Nakatatlong tawag muna si Ann bago sinagot ni Clayton ang cellphone.
"What the fuck do you want?! I’m busy!" Sigaw nito ang bumungad kay Ann na nagpapiksi sa kanya mula sa pagkakatayo.
Pinilit niyang ikalma ang sarili para masabi ang kailangan dito. "Clayton, pwede bang umuwi ka muna? Nilalagnat si Rence at hinahanap ka ng bata."
Wala siyang salitang narinig sa kabilang linya kaya hindi niya alam ang reaksyon nito. Doon din biglang umiyak na naman si Rence habang sinisigaw ang ‘Dada’.
"Damn it. Yes, I’m going home! Fuck!" Pagkasabi noon ay pinatay ni Clayton ang tawag. Hindi na nito hinintay ang sasabihin niya pa.
Nagbuga ng naipong hangin sa dibdíb si Ann at pinilit niyang ngumiti sa anak na umiiyak pa rin para aluin ito. "A-Anak, pauwi na si Dada. Kakain at iinom ka na ng gamot, ha?"
Nakarinig si Ann ng paghinto ng sasakyan sa harap ng bahay kaya alam niyang nakauwi na si Clayton. Sinilip niya muna si Rence na mahimbing ang tulog bago siya lumabas ng kwarto nito upang salubungin si Clayton.
Nadatnan niya ang kapapasok lang ng bahay na si Clayton. "G-Gusto mo bang kumain? May niluto akong pagkain. Kanina pa hinahanap ng ana—"
Galit siyang hinarap ni Clayton na naputol ang sinasabi niya. "Kahit kailan talaga, pahirap ka sa buhay ko, ano? Hindi mo ba alam na importante ang dinner na ginulo mo? Araw-araw mong sinisira ang buhay ko!"
Natigilan si Ann at hindi kaagad nakakibo. Pabalibag namang hinubad ni Clayton ang coat nito at hinagis na lang sa kung saan bago siya muling hinarap.
"Ano, ginamit mo pa si Rence para uwian kita rito? Bagong kalokohan mo ba ’to, Ann?"
"May sakit si Rence at hinahanap ka niya, Clayton. Hindi ’to tungkol sa akin. Kailan ba magbabago ang tingin mo sa akin at paniniwalaan na hindi naman kita pinilit sa kasal na ’to?" depensa niya.
"Kapag wala ka na sa buhay ko! Ginagamit mo naman talaga ang bata para manatiling asawa ko, ’di ba? P’wes, itatak mo ’to sa kukote mo, Ann. Asawa lang kita sa papel!" Mariin ang pagkakasabi n’on ni Clayton.
Nangilid ang luha ni Ann kaya iniwas niya ang tingin kay Clayton. Doon naman niya nakita ang pababa sa hagdan na si Rence. Palihim niyang pinunasan ang mukha at tinakbo ang direksyon ng anak para buhatin ito.
Nang mabuhat si Rence, hinarap nila si Clayton na masama pa rin ang tingin sa kanya. Taas-baba ang dibdib nito tanda ng hindi pa rin humuhupang galit.
Nakita ni Rence ang ama kaya binukas nito ang dalawang braso at nagtangkang magpabuhat sa ama. "Dada, hug..."
Malamig na tingin ni Clayton ang sinukli kay Rence, walang reaksyon sa sinabi ng anak. Tumingin sa kanya si Clayton na nakasalubong ang magkabilang kilay. "Ayusin mo nga ’yang pag-aalaga sa anak mo. Huwag kayong maging pabigat."
Tinalikuran sila ni Clayton at muling nangilid ang luha ni Ann. Hindi siya bato para hindi masaktan sa narinig ngunit ayaw niyang ipakita sa anak na umiiyak siya.
Nanatiling nakatingin naman si Rence sa likod ng ama at noong hindi lumingon si Clayton, paulit-ulit nitong tinawag ang ama na nauwi na sa pag-iyak nito.
"Dada! Dada! Hug mo po Rence, Dada!"
Hinilot ni Ann ang likod ng umiiyak na si Rence habang nagpipigil din ng iyak. Pinunasan niya ang basang mga pisngi nito at hinalikan ang noo nito. "A-Anak, bukas mo na lang i-hug si Daddy, ha? Pagod kasi siya sa work kaya mainit ang ulo. Hindi ba good boy si Baby Rence? Makikinig ka kay Mama, ha?"
Sumisigok-sigok si Rence na tumingin sa kanya. Pinipilit nitong huwag umiyak ngunit may umaalpas pa ring luha sa mga mata nito. "Bukas na lang hug, Mama? Pero miss ko Dada. Sakit ulo ko pero miss ko siya."
Niyakap ni Ann ang anak at pinatong ang ulo nito sa may balikat niya. "M-Miss ka rin ni Dada, anak. Pagod lang siya, ha? Bukas, hug ka niya."
Naramdaman ni Ann ang mahinang pagtango ni Rence at wala siyang nagawa kundi ang haplusin ang likod nito. Nang alam niyang hindi makikita ni Rence ang mukha niya, doon pinawalan ni Ann ang naipong luha.
Gusto lang naman niyang bigyan ng kompletong pamilya si Rence pero bakit ang hirap gawin n’on?
✿✿✿✿✿
Kabanata 4 "T-THIS is for me? Sigurado ka, Clayton?" Napatitig si Ann sa hawak at pagkatapos, binalik ang mga mata sa lalaking kaharap niya. Nag-iwas naman ng tingin si Clayton sa kanya at naiinis na nagkamot sa ulo. "A-Ano? Kukunin mo ba o hindi? Kung ayaw mo, akin na uli." Sinubukan nitong kunin ang manggang hilaw at bagoong alamang ngunit mabilis na niyang iniwas sa lalaki ang hawak. Napamaang naman si Clayton at nakasalubong ang kilay na tumingin sa kanya. "Bigay mo na sa akin ’to kaya akin na ’to. Salamat, Clay." Muling nag-iwas ng tingin si Clayton sa kanya at may pagmamadaling umalis sa harapan ni Ann. Natatawa naman itong sinundan ng tingin ng babae. Noong makaakyat si Clayton sa second floor ng bahay, doon lang uli minasdan ni Ann ang hawak na mangga
Kabanata 5 NAALIMPUNGATAN si Ann na parang may naririnig siyang iyak ng sanggol. Ngunit dahil sobrang pagod na pagod ang katawan niya, hinatak siya ng antok at muling nakatulog. Nakaidlip si Ann na parang gising din ang diwa niya. Kahit na nakapikit ang mga mata, biglang pumasok sa isip niya ang anak na kinabukas ng mga mata niya. ‘Si Rence!’ Napabalikwas siya ng bangon at luminga-linga muna sa loob ng kwarto at dahil wala siyang naririnig na iyak ng bata. Tumayo si Ann at dinukwang ang crib ngunit hindi niya nakita roon ang sanggol. Binundol ng kaba ang dibdíb ni Ann at binadha ng takot dahil baka nanakaw na ang anak niya! Nilibot ng paningin ni Ann ang buong kwarto ngunit wala siyang nakita na Rence kaya ang ginawa, lumabas siya ng kwarto at patakbo n
Kabanata 6 ABALA si Ann na gumawa ng mashed vegetables para kay Rence habang ito naman, nakaupo sa baby chair at mahinang hinahampas ang table ng pinagkakaupuan. Malapit na siyang matapos at pinalalamig na lang ang mainit na pagkain ni Rence nang gumawa ng ingay si Rence. "D-Da! Dada!" Nanlaki ang mga mata ni Ann at napalingon siya sa anak. Patuloy pa rin nitong hinahampas ang table nito gamit ang kamay habang sumisigaw ng ‘Dada’. Binaba ni Ann ang ginagawa at lumapit kay Rence. "Baby, tawag mo si Dada? Nakakapagsalita ka na?!" Nang tanungin ni Ann iyon, humagikgik si Rence at mas lalong lumakas ang palo nito sa table, tuwang-tuwa ang reaksyon ng bata. "Dada!" Sigurado na si Ann na si Clayton nga ang tina
HUMINTO ang sasakyan at bumukas ang pinto ng backseat. Kinuha ni Clayton si Rence kay Ann at mabilis itong pumasok sa loob ng ospital. Agad naman itong sinalubong ng mga doktor at nurse na naka-duty noon. Mabilis na nakasunod si Ann kay Clayton. "Nurse! Dok! Pakitulungan po ang anak ko!" Lumapit si Ann sa isa sa mga nurse at tinuro ang anak niya. "Please check on my so— on him! He fell from the stair!" segunda naman ni Clayton. The nurses immediately took action and prepared a stretcher. Clayton laid Rence on it and they push him inside the emergency room. Nagtangka pang humabol si Clayton at Ann paloob ngunit hinarangan ito ng isa sa mga nurse. "Sir, you can’t follow us inside. Maghintay na lang po kayo rito." "Please, save him, please," nanginginig ang boses ni Clayton. Napako ang paa ni Clayton at na
Kabanata 7 "ANN!" Ann was cleaning the sala when she heard Clayton’s excited voice from outside. Agad niyang binaba ang vacuum na hawak at planong lumabas ng bahay para silipin ito nang pumasok ang lalaki at bakas sa mukha nito ang saya na parang may nangyaring maganda. "What happened? Mukhang masaya ka?" "Rence suddenly stood up awhile ago and he took his first step! Natumba siya pagkatapos pero nakakalakad na si Rence, Ann!" Nanlaki ang mga mata niya sa binalita ng asawa at napakapit pa siya sa braso nito. "Hala? Seryoso ka, Clayton? Nasaan si Rence? Nakakalakad na talaga siya?!" Rence’s just eight month old that’s why Ann was surprised to know that their baby could already walk this time! Hindi naman siya nagmamadali at gusto niyang i-take time
Hindi muna siya kumibo. Maging ang buo niyang desisyon kanina ay pinag-iisipan niyang maigi ngayon. Would everything be fine if she would break ties with Clayton?her first priority is Rence. Ngayong nasaktan at napahamak na anak niya dahil sa pagsasama nila ng asawa, kailangan niyang gumawa ng hakbang para protektahan ang anak. Kaya niyang tiisin ang lahat pero ang bottom line niya ay ang anak. Lahat ng makakasakit kay Rence, siya ang makakalaban kahit pa si Clayton ang taong iyon. "...I will ask for Rence’s opinion. Pero gusto ko nang hiwalayan ang Kuya mo, Clarisse." Clarisse didn’t utter a word for a couple of seconds. Nang magsalita itong uli, nagulat si Ann sa lumabas sa bibig nito. "I always tell Kuya that he fell in love with you but he’s still hellbent on chasing his childhood sweetheart, even now. Ayaw niyang makinig sa akin na itigil na ang pagbabali
Kabanata 8 BUHAT-BUHAT ni Ann ang anak na si Rence habang tinatanaw nila ang labas ng bakuran kung nakauwi na ba si Clayton. Panay kasi ang iyak ng bata at hinahanap ang ama nito kaya huminto sila sa may pintuan upang hintayin si Clayton. Alam kasi ni Rence ang oras ng uwi ni Clayton sa hindi malamang kadahilanan. Kaya kapag nahuhuli ng uwi si Clayton, iiyak o may tantrums na si Rence. Kakaisang taon pa lang ng anak nila pero nagugulat si Ann dahil parang matured ang anak sa mga inaakto nito. Must be the genes, ayon sa mother-in-law ni Ann. Mana raw si Rence kay Clayton na kinatuwa niya. Mula sa itsura hanggang sa ugali, kuha lahat sa ama nito. Sabagay, kay Clayton ba naman siya naglihi noong buntis siya sa anak nila. Nagising sa sandaling pagkatulala si Ann noong halos tumalon si Rence mula sa pagk
Kahit na desidido na siyang hiwalayan si Clayton ngayon, gusto niya pa ring malaman kung anong magiging sagot ni Clarisse sa kanya. Siguro, para maipanatag ang loob niya na kahit paano ay may kampi pa rin sa kanya. Sumimangot si Clarisse. "Ikaw ang sister-in-law ko kaya bakit ko iisipin si Rosanne? Hangga’t hindi pa talaga kayo naghihiwalay ni Kuya, ikaw ang kikilalanin kong sister-in-law," anito at may binulong pa. "And Rosanne? She’s not compatible to Kuya. She’s too meek." Ngumiti na lang si Ann bilang sagot kay Clarisse. "Now that you know my answer, kumain ka na. Anong oras na, Angie." Umupo nga siya sa tabi ni Clarisse at kumain silang dalawa. Nakakatatlong subo na ng fried rice si Ann noong bumukas ang pinto at niluwa noon si Clayton. Sandaling natigilan si Ann ngunit umakto siyang hindi ito nakita. Bumalik siya sa pagkain at sand
NANINIBAGO pa rin si Ann ngayon na kasama na nila si Clayton. Isang taon din na hindi nila nakasama si Clayton dahil talagang tumira ito sa Amerika. Nasanay siya na madaling-araw pa lang ay maaga nang gumigising para ipaghanda si Rence at Sera ng babaunin para sa school nila. Kaya noong umagang iyon, maaga na naman siyang bumangon. At noong nakitang may taong nasa kusina, parang nagising siya. Nawala sa loob ni Ann na nakabalik na si Clayton. She saw Clayton busily cooking eggs and pancake. He was also flattening the leftover rice to cook as fried rice that he didn't notice her standing at the door. Napangiti si Ann. Ngayong nakikita niyang ganito si Clayton, naalala niya iyong dati. Bakit ba ngayon niya lang naalala ang mga iyon? Clayton is sweet and responsible. Lalo na noong first three years of marriage nilang dalawa. Hindi lang ito maalaga kay Rence kundi sa kanya. Kahit na pagod ito sa trabaho, lagi itong handa na tulungan siya sa mga gagawin o kaya naman, ito ang sasal
Epilogue KUMAKAIN si Rence ng footlong habang nakaupo sa hood ng kotse ni Owen. Busy siya na panoorin kung paano makipagbasagan ng mukha ang mga kaibigan nang bigla na lang may umambang susuntok sa kanya na kinabitaw niya sa pagkaing hawak dahil umiwas siya.Ilang segundo siyang nakatitig sa footlong na nasa sahig na ngayon bago siya unti-unting lumingon sa taong may kasalanan kung bakit wala na siyang kakainin ngayon.Madilim ang mukha na hinarap niya ito at sinipa sa tiyan na kinabuwal nito. "Sinong may sabi sa 'yo na pwede mo akong pakialaman kapag kumakain ako? Look at my food! You fúcking made me drop it!"Hindi pa kuntento si Rence, ilang ulit niyang sinipa ang taong ito at kahit hindi na gumagalaw, patuloy niya pa ring pinupuntirya ang kalamnan nito.Anything but his food! Kahit kunin na ang l
CLAYTON left them and went abroad by himself. Iyon ang plano nito kapag na-finalize ang annulment nilang dalawa.Iniwan ni Clayton ang custody ng mga bata kay Ann at kahit gusto pala ni Rence na sumama sa Dada nito, hindi pumayag si Clayton. He wants Rence to feel closer with Ann again and it won't happen if he's in the way, he said.Rence was sad but he understood his father. Sera was sad, too, but since she's young and easy to make peace with, naaliw ito nila Clausse at hindi na gaanong hinahanap si Clayton.It's only Ann who felt that she was stuck. Wala silang pormal na pag-uusap ni Clayton tungkol sa kanilang dalawa. Ann thought that Clayton understood what she said to him that night but no, he didn't.Noong sinabi niyang huwag siyang iwan nito, totoo iyon. She may be confused but she's ready to face her fears again;
Kabanata 85 CLAYTON was facing Ann right now with a knotted forehead. Hindi naman matingnan nang maayos ni Ann ang lalaki dahil sa ginawa niya kanina rito. She was so ashamed of what she did awhile ago and she wanted to find a burrow and go inside just to get away from it.Bakit niya ba kasi ginawa iyon! Wala ba siyang kahihiyan? Nasiraan yata siya ng bait kanina at ginawa kung ano na lang ang pumasok sa isip. Dahil nakita niya si Clayton, walang pakundangan niyang hinalikan ang lalaki.Hiyang-hiya talaga siya!"W-Why did you do that?" takang tanong ni Clayton.Umiling lang si Ann dito bilang sagot. Inaral pa ni Clayton ang mukha niya bago siya nito marahang hinawakan sa braso at iginiya sa sasakyan nito.Dahil wala pa rin sa huwisyo si Ann, nagpatianod siya ka
Kabanata 84 HINDI pa rin makapagsalita si Ann mula sa mga sinabi ni Andrew na narinig niya. Hindi siya makapaniwala, e.She never thought that Andrew after saving her from pain, he would also hurt her like this. Alam nito ang kwento niya. Alam nito kung gaano siya katakot na maloko uli; iyong takot niyang magtiwala sa ibang tao pero binigay niya iyon kay Andrew dahil akala niya hindi siya nito sasaktan tulad ng iba.Nagkamali pala siya. Maling-mali.Kaya nga kahit mas malalim ang nararamdaman niya kay Clayton - na mahal na mahal niya pa rin ang asawa, pinanindigan niya ang pagpili kay Andrew. Kasi kahit gaano man niya kamahal si Clayton, sira na ang tiwala niya rito. Ayaw niyang mamuhay araw-araw na mag-o-overthink kung saan pupunta si Clayton, kung may kikitain ba ito o ano.And Andrew
Kabanata 83 THREE weeks had passed and it's soon time for Rence and Sera's bone marrow transplant. Sinabi sa kanila ng doktor na medyo lumakas ang katawan ni Rence at maaari na itong operahan anumang sandali.Dumating na rin pala ang pamilya ni Clayton, ang ina nito at maging ang bunsong kapatid na si Clausse. When Clausse saw Ann, he welcomed her with a tight hug. Ang ina naman ni Clayton ay tinanguan siya noong muli silang nagkita.Siguro ay kinausap din sila ni Clayton dahil hindi niya nakitaan ng pagkagulat ang mga mukha nila noong makita siya. At dahil nakabalik na ang pamilya ni Clayton, sila na ang madalas na bantay ni Rence na halos hindi na makita ni Ann ang anino ni Clayton.Ayaw naman niyang magtanong tungkol dito dahil baka kung ano ang isipin nila sa kanya oras na magtanong siya.They'r
Kabanata 82 "I HEARD that you and Kuya were filing for an annulment. Sigurado na talaga kayo sa gagawin ninyo?"Inangat ni Ann ang tingin at tiningnan si Clarisse. Lihim niyang inaaral kung may galit ba sa mga mata nito tulad noong huli nilang pag-uusap at nang wala siyang makitang reaksyon dito bukod sa pagtataka, nakahinga siya nang maluwag. Marahan siyang tumango at mas lalo namang lumapit sa harapan niya si Clarisse.Nasa labas siya ng ospital dahil bumili siya ng pagkain sa malapit na ministop. Nakasalubong niya si Clarisse at ito ang naging bungad sa kanya ng babae."... You know... I'm sorry for what I said the last time. Hindi ko lang talaga nagustuhan iyong sinabi mo kaya ganoon din ang nasabi ko sa 'yo," panimula ni Clarisse.Nabigla si Ann sa ginawa nitong paghingi ng tawad sa kanya ngayon. Napaangat a
Kabanata 81 NANGILID ang mga luha sa mga mata ni Clayton at ilang ulit na lumunok. Napaiwas ng tingin si Ann dahil nakaramdam siya ng awa kasabay ng pagkastigo sa sarili dahil sa sinabing kasinungalingan.Hindi totoo na hindi na niya mahal si Clayton. Hindi naman mawawala iyon, e. Lalo't ito ang ama ng dalawa niyang anak. Mahal man niya si Andrew, mas malalim pa rin ang nararamdaman niya kay Clayton.But even though she loves him, alam niya na hindi siya mapapanatag dito. Loving Clayton is like a fire — it consumes her all. Unlike Andrew that she feels safe and guarded.Kaya mas gugustuhin niyang magsabi na lang ng kasinungalingan kaya harapin ang totoong nararamdaman para kay Clayton."Are you... are you happy with him?"Napayuko si Ann at muling nagtatalo ang
RENCE is getting weak.Iyon ang naging bungad kay Ann at Clayton ng attending doctor noong matapos nitong tingnan si Rence. At first, Rence is responding good to the therapy they planned for him. But lately, it wasn't the case.Good thing that Sera matched as the bone marrow donor of Rence. Pero hanggang ngayon, hindi pa nila napapagplanuhan ni Clayton kung ano ang gagawin. Ayaw nilang lokohin si Sera at gumawa ng desisyon na hindi kumukunsulta sa bata.Sure, it's not life threatening for her. But it will surely hurt and maybe will take a toll on Sera's health for the early years of her childhood.Before the doctor left them, sinabihan na silang magdesisyon. Bawat paglipas kasi ng oras ay mas lalong lumalala ang sakit ni Rence.Nang makaalis ang doktor, doon pinawalan ni Ann ang mga luha. Binalo