JEANEIA'S POVHINDI na ako nagpaalam kay Duke umalis kasi silang dalawa ng tatay niya pumuntang mall balak pa sana akong isama ni Duke pero tumanggi na ako bonding nilang dalawa yun ayaw kong masira.Nang five o'clock na nagbihis na ako,nagpants lang ako at t-shirt na white, pagkatapos kung mag ayos lumabas na ako, pagkalabas ko bumungad sa'kin si Mish at Jepa naka black na dress si Mish at red naman kay Jepa parehas itong hipit na hipit sa katawan nila. Kaya kitang kita ang shape ng katawan nilang, hindi ko naman natatanggi na maganda si Mish at Jepa."Ma'am ano yang suot mo?? Ang pangit "Saad niya. Kaya yumuko ako"Okey na to, halika na baka kahapin na ako ni Duke pa umuwi nilang dalawa "Saad ko sakanila "Hindi tayo aalis ng ganyan ang suot ninyo, Ma'am, halika dito Ma'am aayusan kita "Saad niya na kinaing ko. "Ano ka ba Mish. Okey na to, halika na "Saad ko pa. "Basta ayaw ko,minsan lang ito Ma'am kaya halika na aayusan pa kita "Saad niya. Sabay hila sa'kin pabalik ng kwarto nila
JEANEIA'S POVMaaga akong para makapag handa ako ng almusal, gusto ko kasing bumawi kay Duke at sempre kay Draven na rin.Akala ko naiiwasan ko ang dagdag na sermon ni Draven pero nagkamali ako.Habang kumakain kami hindi tumigil tigil si Draven sa kakadada, dinaig pa niya ang Nanay at Tatay ko, alam ko naman na may kasalanan ako pero hindi ba siya nagsasawa sa kakadaldal. Hanggang sa natapos kami hindi pa din niya tumitigil pero nanatiling tahimik lang ako, na parang walang naririnig. Tumitigil lang siya sa kakasermon sa'kin ng may tumawag sa'kanya at kailangan niya umalis. Kaya napabuntong hininga nalang ako." Nay! " Tawag sa'kin ni Duke kaya napatingin ako sa'kanya." Bakit Nak?" Tanong ko. " Nay! San ka po galing kagabi? Alam ninyo po sobra pong mag alala si Tatay, ng nalaman niya pong wala kayo dito nagalit ko siya sa mga guard kasi pinayagan nila daw na makalabas ka." Mahabang saad ni Duke kaya napanguso nalang ako. Kaya ba ganon nalang siya magalit." Sorry Nak!" Saad ko.
JEANEIA'S POV" Nay, aren’t we leaving yet? Let’s go na po!” patalon-talon na turan ni Duke.Habang abala ako sa pag-a-ayos ng mga pagkaing dadalhin namin ay hindi ko mapigilang matawa dahil sa batang nasa harapan ko na kanina pa hindi mapakali ang mga paa. Halatang-halata ang excitement nito dahil aalis kami ng mansiyon at pupunta na naman kami sa ibang lugar. Hindi ko inaasahan na ang sinabi ko sa'kaniyang sa susunod gagala ulit kami, kasama ang Tatay niya ang aalis at mabo-bonding tinatak niya na pala sa isipan niya. Nagulat ako habang kumakain kami isang gabi ay sinabi niya sa Tatay niya ang tungkol sa pangako kong iyon na sa totoo lang ay nawala na sa isip ko. Natatawang napailing na lamang ako. Kapag usapang gala talaga, hindi nakakalimutan ng cute na batang ito. Hindi naman nagdalawang isip ang Tatay niya at kaagad pinagbigyan ang hiling niya. Wala ng pasok kaya mainam din na magkaroon ng bakasyon si Duke.Tinanong ni Draven kong saan at ano ang gusto nilang gawin. Mukhang na
JEANEIA'S POINT OF VIEWHindi naman kami nagtagal sa El Nido umuwi na rin kami, pero bago kami bumalik sa Manila nag enjoy talaga kami marami kaming mapuntahan sa El Nido at hindi ko pinalampas ang pagkakataon na makapunta sa white beach sa El Nido.Subrang saya ko talaga kasi another achievement sa goal ko, nakalagay kasi sa plan list ko ang El Nido. At marami pang iba gaya ng Baguio at England.* Ilang araw na simula ng pumunta kami sa El Nido at ngayon balak nanaman niyang pumunta Baguio.DECEMBER 19,2018. Ngayong araw kami pupuntang Baguio, pinagplanuhan kasi ni Draven na magpuntang Baguio bago ang Christmas.Hindi na sana ako sasama para makapagbonding silang mag ama pero ayaw ni Duke wala naman akong magawa kong hindi pumayag.Nag aayus ako ng gamit na dalhin namin ng pumasok si Vanessa.Alam na din ni Vanessa na dito kami nakatira ngayon ni Duke sa bahay ni Draven.Ng nalaman niyang hindi kami naka uwi sa probinsya nag alala talaga siya. Tapos nakalimutan ko pang tumawag, kaya
Jeaneia's POVTahimik lamang ako buong byahe, medyo excited kung saan kami pupunta. Unang beses ko lang ito na makapunta sa Baguio. Si Draven at Gwyneth lamang ang naguusap. Tinuturo ni Gwyneth ang daan. "Nandito na po tayo!" masiglang turan ni Gwyneth. Malaki ang ngiting sinuyod ko naman ang lugar at wow!"Wow tatay!!, is soo beautiful"Masayang bumungad ni Duke.Nasa harapan kami ng malaking lawa, may mga bangka na nandito. Ang cute dahil hugis swan ang bangka. Ang ganda dahil iba-iba din ang kulay ng mga ito. Bumaling ako kay Gwen, "Anong tawag sa lugar na ito, Gwen?" "This is the heart of Baguio, Ma'am Jeaneia. Burnham park ang tawag dito." nakangiti niyang sagot sa tanong ko, "Ang ganda 'no?" Kaagad akong tumango. Napabaling ako kay Draven at Duke . Hindi ko namalayang pinapanood na pala nito ang reaksyon ko. "Ba... bakit?"Sabay na umiling naman sila at bahagyang tumawa."You look cute..." bulong ko kay Duke. Napanguso naman siya.Muling bumaling ang atensyon ko sa malawak
JEANEIA'S POV( Next day )"San naman po tayo pupunta ngayon tatay?" tuwang-tuwang mabilis na tanong ni Duke sa ama.Narinig ko naman ang mahinang pag-tawa nito, "Excited na excited,Baby?"Ito ang pangalawang araw namin sa Baguio at hindi ako nagsisi na pumayag akong sumama, sobrang ganda dito, malamig pa ang klima na gustong-gusto ko."Pupunta tayong Wright Park Baby . Maganda doon!"Tumango na lang si Duke. Nasa loob pa lamang kami ng kotse at nasa byahe pa lamang ngunit hindi na mapakali ang puwit ko.Hindi ko mapigilang lumingon-lingon sa labas pero pinilit kong huwag masyadong magalaw dahil ang...anak ko nasa aking kandungan.Medyo may katagalan ang byahe. Nang makarating kami ay kaagad ko ding ginising si Duke at lumabas na kami ng sasakyan. Hindi ko mapigilang mamangha habang nagpapalinga-linga sa paligid. Hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga kasama ko dahil nasa tanawin ang atensyon ko. "Named after the Philippines' then Governor-General Luke E. Wright, this park
JEANEIA'S POV'sIlang buwan na ang nakalipas simula ng pumunta kami sa Baguio super enjoy talaga ako.Masasabi ko ding mas naging close kami ni Draven, parang magkaibigan lang kami hindi na ako nakakaramdam ng kaba at takot sa tuwing naisip kong ilalayo ni Draven sakin si Duke.Nangako siya na hindi niya gagawin yun at yun ang pinanghahawakan ko ngayon.Ilang days nalang pasko na kaya excited na excited si Duke na magpasko kasama ang tatay niya."Nay I'm super excited for this coming Christmas." Masayang saad ni Duke. Kaya napangiti ako."Talaga nak? bakit naman?"tanong ko."Because for the first time we celebrate our Christmas with Tatay. "sagot niya. Kaya pinisil ko ang pisnge niya. "Sweetie let's go"Saad ni Draven. Kaya tumayo na kami ni Duke balak kasi naming mamalengke para sa pasko."Where we go first?"Tanong ni Draven. Kaya napatingin ako kay Draven."Sa Divisoria nilang tayo unang pumunta doon na rin tayo bumili para sa pasko mura kasi don"Saad ko sa'kanya."It's crowded plac
JEANEIA POVLumipas ang oras at araw natapos na ang pasko hanggang ngayon hindi ko pa rin sila natatawag."Iha okey ka lang?."tanong ni manang sa'kin. Kaya tumango ako."Sigurado ka ba." tanong ulit niya. Kaya tumango lang ako at ngumiti."Okey lang po talaga ako manang."Nakangiting saad ko.Habang nagkwenkwentohan kami ni manang bigla nalang pumasok si Mish na pawis na pawis." Ma'am Jeaneia, nandito po si Sir Gilbert, magwawala po siya sa labas." Saad ni Mish sa'kin. Kaya napatayo ako.Paglabas ko ng bahay ni Draven nakita kung nagwawala si Gilbert, kinakalampag niya ang gate mg bahay ni Draven." F*ck you Draven, ilabas mo si Jeaneia. H*yop ka lahat nalang kinukuha mo." Sigaw niya. Habang patuloy na kinakalampag ang gate.Lalabas na sana ako ng pinto ng pigilan ako ni Draven." Stay here." Saad niya. " Mr. Suarez, what is you're f*cking problem?." Malamig na tanong ni Draven kay Gilbert." F*ck you, ibalik mo sa'kin ang kinuha mo." Saad ni Gilbert kay Draven."Wala akong kinukuha s
JANELA'S Point of viewNAALIPUNGATAN naman ako ng maramdaman kong may maingat na humahaplos sa pisngi ko, minulat ko naman ang mga mata ko at dun tumambad sakin ang seryosong mukha ni señorito na nakatingin sakin, habang ang palad niya ay nasa pisngi ko parin.Hindi naman agad ako naka galaw dahil sa mata niyang kulay asul na mapang-akit. Hindi maikakaila na ang ganda ng mata ni señorito dahil sa mahaba ang pilik mata na bagay sa hugis ng mata niya at sa kulay asul niyang eyeball, ang makapal niyang kilay nababagay din sa seryosong mukha niya, labi niyang mamula-mula na sing tamis ng strowberry at ilong niyang matangos kaya kahit seryoso man ang mukha nito hindi parin matatakpan na gwapo siya.Nabalik naman ako sa reyalidad ng maramdam ko ang pag haplos nito sa pisngi ko at biglang pag kabog ng dibdib ko kaya naman ay dali-dali na akong umalis sa pag kakandong sa kanya."Pasensiya na po señorito." nahihiya kong saad sa kanya at umayos sa pag kakaupo."It's okay. Alam kong hindi ka mak
JANELA'S Point of viewIlang araw na ang nakalipas simula ng nangyayari ang family day sa school ng mga bata, kaya ilang araw na rin akong umiwas kay señorito Draven.Kasalukuyan akong nagwawalis sa sala ng bahay ni señorito Draven, ng may narinig akong yapag mula sa hagdan. Kaya napatingin ako." Magandang araw po señorito." Magalang na saad ko. Kahit iniiwasan ko rin hindi naman pwedeng hindi ko siya batiin pag nagkasalubong kami o nagkita."Ahmm can I ask?"Napatingin naman ako kay señorito ng bigla na lang ito nag salita sa likod ko. Kahit na nag tataka ay tumango na lang ako sa kanya."Ano po iyun?" nahihiya kong tanong sa kanya at pinagpatuloy ang pagwawalis."May gagawin kaba, tomorrow?" Tanong niya sakin bago sumandal sa gilit ng lababo at uminom ng tubig sa hawak niyang mineral water."Ahmm bukas po?",Nag iisip ko pang isagot sa kanya. Dahil iniisip ko kung may gagawin ba ako."Wala naman po." napapailing kong sagot sa kanya ng maisip na wala naman. Nandito lang ako sa mansiyo
JANELA'S Point of viewTahimik lang akong nanonood, maraming pamilyang naglalaro kaya hindi ko maiwasang mapangiti, ang saya kasi nilang tignan." Tay, i want to play too." Saad ni Dawn. Kaya napatingin ako sa'kanya."Janela, can we?" Tanong ni señorito. Kaya hindi ko alam ang isasagot pamily play kasi yun hindi naman kami pamilya." Ahh ehh kasi." Utal na sagot ko. Ng napatingin naman ako kay Dawn nakita ko itong malungkot na nakatingin sa'kin, nararamdaman nya siguro na ayaw ko." Sige na, halika na kayo para makasali tayo sa next game." Nakangiting saad ko. Hindi ko naman maiwasang nakaramdam ng tuwa ng bigla akong yakapin ni Dawn at Dew." Let's go." Masayang tawag ni Dawn at hinila ako papunta sa mga pamilyang masayang maglalaro." Can we join?", Magalang na tanong ni Dew sa magpapalaro." Oo naman." Nakangiting sagot ng babae habang nakatingin kay señorito Draven. Hindi naman si señorito Draven ang kinakausap, hindi ko naman maiwasang magselos kaya nakatatlong iling ako bago kinu
JANELA'S Point of viewNAGISING ako banda alas singko ng madaling araw para ako na ang gumawa ng almusal at makapag pahinga naman rin si nanay Helen.Kararating lang niya kasi, kaya ako na muna ang gagawa ng mga gawanin ni Nanay.Pagka tapos maligo at mag bihis ay agad na akong lumabas ng kwarto at agad ng dumeretyo papuntang kusina.Nang makarating ay agad naman na ako nag simulang mag luto ng almusal.. Natigilan naman ako sa pag luluto ng nakaramdam ako ng uhaw, kaya naman ay lumapit muna ako sa freezer at agad kumuha ng mineral water. Pagkatapos uminom ay agad ko nang sinarado ang freezer at agad ng humarap, pero agad rin natigilan ng mabunggo ako sa matigas na dibdib.Napaangat naman ang tingin ko sa nag mamay- ari ng dibdib na ito, at dun naman sumalubong sakin ang seryosong mukha ni señorito at ang magulo nitong buhok na mukhang kagigising niya lang."Magandang umaga señorito." saad ko sa kanya at umatras ng konti kahit alam ko naman wala nang maatrasan.Hindi naman ito nag sali
JANELA'S Point of viewNAGISING naman ako dahil sa malakas na pag busina sa labas at dun ko namalayan na nakatulog pala ako dito sa sofa dahil sa kakahintay kay señorito, sa tingin ko ay ala una na nang madaling araw ngayon.Agad naman na akong lumapit sa pinto at agad binuksan dun ko nakita si señorito pangewang- ngewang na bumaba sa kotse niya, lumapit naman agad ako ng makita ko itong natumba."Señorito ayos ka lang po ba?" May pag alala kong tanong at tinulungan na siyang tumayo sa pag kakaupo niya sa semento."Señorito" pag tawag ko ulit sa kanya ng makita ko lang ito pilit na binubukas ang mata niyang tumingin sakin."Hmm, love is that you" yun lang ang narinig ko sa kanya dahilan na maamoy ko ang hininga niya na amoy alak.'uminom siya?'"Señorito, ano pong sinasabi mo, kaya mo po bang mag lakad?" Tanong ko at inalalayan siya. Hindi naman siya nag salita at pilit lang ginagalaw ang katawan niya, kaya naman tinulungan ko na siyang alalayan sa pag lakad. Medyo nahihirapan pa ako
THIRD PERSON point of viewBUMABA naman si Draven ng nakaayos para pumunta sa puntod ng namatay niyang asawa dumeretso naman siya sa kusina at dun niya nakita ang dalaga na nag titimpla ng kape.Bigla naman siyang nakaramdam ng konsensiya dahil sa ginawa niya na alam niyang natakot ang dalaga. hindi niya alam tuwing sa nakikita niya ang dalaga ay hindi niya mapigilan ang sarili niya.Nakakaramdam siya ng hindi mapaliwanag, alam siya sa sarili na simula ng namatay ang asawa niya pinangako niya sa sarili na hindi na muli siya iibig pero hindi niya napigilan ang nararamdaman.Napatingin naman ang dalaga sa kanya pero agad rin napayuko na parang natatakot sa kanya, pero hindi niya na lang ito pinansin at agad na lang lumapit sa freezer para kumuha ng maiinom.Nang matapos uminom nang tubig ay agad naman siyang napatingin sa dalagang nanatili lang sa kinatatayuan at hindi makatingin sa kanya ng deretso.Aalis na lang sana siya sa harap nito ng bigla itong mag salita."Señorito hindi ka po
JANELA'S Point of ViewNAGISING naman ako nang maaga dahil alam ko ngayon ang alis ni nanay Helen para pumunta sa probinsiya at ngayon din ang death anniversary ni señorita Jeaneia, kaya naman ako na ang nag handa ng almusal para kay señorito.Nang matapos ihanda ang mga niluto ko sa mesa ay nag handa rin ako ng pagkain kay nanay Helen para naman may makain siya sa byahe pagnagutom sya."Magandang umga iha." napatingin naman ako sa pinto ng kusina ng may nag salita at dun ko nakita si nanay Helen na nakaayos na."Ang aga mo naman iha hinintay mo na lang sana ako ang gumawa nito." nakangiti nitong saad sakin."Kaya ko naman po nanay atsaka aalis po kayo ngayon kaya dapat hindi ka po mapagod." nakangiti kong saad sa kanya at inabot sa kanya ang maliit na bag na ang laman ang pagkain na hinanda ko para sa kanya."Ano to iha?" may pag tataka nitong tanong sakin bago kinuha ang bag."Pagkain po nanay baka kasi magutom po kayo sa byahe. Kaya napag isipan ko pong gawan kayo ng makakain para
JANELA's Point of ViewNANG matapos mamalengke ay agad naman na akong dumeretso sa hospital."Anak!" napangiti naman ako ng marinig ko ang boses ni mama ng nakapasok ako sa kwarto niya sa hospital."Anak mabuti nakadalaw ka ulit, kamusta naman ang trabaho mo don? Hindi ka ba nila sinasaktan? Mahirap ba ang trabaho don?." Sunod-sunod na tanong ni mama kaya lumapit ako sa kanya at agad siyang niyakap."Mama dahan-dahan naman mahina ang kalaban ang una pong sagot sa una ninyong tanong ay may inutos po kasi si nanay Helen. Kaya po naisipan ko dumaan na muna dito." nakangiti kong saad sa kanya at hinalikan ang kanyang noo."At sa pangalawa ninyo pong tanong, ayos lang naman po ang trabaho ko at sa pangatlo, hindi naman po nila ako sinasaktan mababait po sila sa pag apat naman po hindi naman po mahirap kayang kayang ko naman Mama ." Nakangiting saad ko."Nako iha kani-kanina lang ay ikaw ang mukhang bibig ng mama mo, kesyo kung bakit daw ang tagal mong dumalaw dito." napapailing na saad
JANELA'S POINT OF VIEWISANG linggo na ang nakakalipas simula ng nabasag ang ini-ingatang vase ni señorito, iniiwasan kong pagtagpuin kami ni señorito.Sa loob ng isang linggo ay nakahinga ako nang maluwag dahil sa hindi ko siya nakita, dahil nung araw na iyon ay may biglang tumawag sa kanya may business meeting siya sa Europe.At ngayon naman ay bumalik na ang kaba ko at parang may malaking bato na nasa dibdib ko, dahil babalik na si señorito Draven."Iha ayos ka lang ba?" nabalik naman ako sa ulirat ng mag salita si nanay Helen sa tabi ko."Opo nanay Helen." sagot ko at pinagpatuloy ang pag huhugas ng mga pinggan."Sigurado kaba? parang hindi ka kasi mapakali eh?" may pag aalalang tanong ni nanay Helen kaya naman ngumiti ako sa kanyang tumingin. Na ngayon ay huminto na pala sa ginagawa niya."Ayos lang po talaga ako nanay." nakangiti kong sagot."Dahil ba may señorito?" biglang tanong ni nanay sakin. Dahilan para bumalik ang kaba ko."Hindi po nanay. Nag aalala lang po ako sa mama ko