Share

The CEO's Bed Warmer
The CEO's Bed Warmer
Author: Jijiera

Chapter 1

Napahilot ako sa sintido ko. Umiiyak si Mama pagdating ko sa bahay. Ayoko pa naman na umiiyak si Mama, dahil masasaktan ako. She had enough nung mga panahon na iwan kami ni Papa para sa ibang babae. Saksi ako sa pagsa-suffer ni Mama, but my mother is a strong woman, dahil kinaya niya 'yon, kahit halos araw-araw ko siya nakikita noon na umiiyak.

"Ma, anong problema?" Alalang tanong ko sa kanya.

"May dumating na sulat anak..." Sabay abot niya sa 'kin ng puting sobre.

Binuksan ko naman 'yon kahit totoong kabang-kaba na ako. Hindi ko alam kung para saan iyon pero hindi maganda ang pakiramdam ko.

Dahan-dahan kong binasa ang sulat at dahan-dahan ding kumunot ang aking noo.

What the hell is this?!

It was a letter from an attorney, a demand letter from a certain Rafael Tallano asking for the collateral ng inutang ni Papa sa kanya nung nabubuhay pa siya.

"Anong gagawin natin, Meg?" Mas lalo pang lumakas ang pag-iyak ni Mama kaya mas lalo lang din akong nastress.

Bakit kami ang kailangang singilin ng Rafael Tallano na ito? Papa died two years ago. Hindi kami ang nagkautang sa kanya!

"Magpahinga ka muna, Ma. Masyado na malalim ang gabi. Bukas na bukas ay mag-iisip ako ng paraan para dito." Pampakalma ko sa kanya. Ayun lang kasi ang naisip kong paraan para hindi na siya mamroblema at tumigil sa kaiiyak. "Gagawan ko ng paraan, pangako yan."

Tumango naman si Mama at nakinig sa akin. Binantayan ko siya hanggang sa makatulog siya nang mahimbing.

I need to do something.

Napabuntong hininga na lang ako pagkasarado ng pinto ng kwarto ko. Ano na naman ba kasi itong problemang iniwan ni Papa? Sobrang dami na naming sakripisyo sa kanya, kulang pa ba ang lahat ng mga iyon? Hanggang kailan ba kami maghihirap?

Ipinikit ko ng mariin ang mata ko para hindi tuluyang bumagsak ang luha ko. As much as possible ay iniiwasan kong magpakita ng kahinaan kay Mama dahil mas lalo lang 'yon mawawalan ng lakas ng loob.

Pagod na pagod na napasalampak ako sa kama ko. I cannot imagine losing this house, parte na ito ng pagkatao ko. Dito ako lumalaki, dito ako nagkaisip. Bukod sa amin ni kuya ay isa rin ang bahay na ito sa importanteng bahay kay mama. Kaya hindi ako papayag. I will do everything to save this house.

**

"What? Paanong nangyari 'yon, Meg?" Di makapaniwalang tanong sa akin ni Kuya Michael. I was talking to him on the phone. Two weeks na mula nung matanggap namin ang demand letter at ngayon ko palang siya nakausap. May ilang araw na rin lang ako para maisalba ang bahay namin.

"Hindi ko din alam, Kuya... pero susubukan kong puntahan ang tao na sinasabi sa sulat na Rafael Tallano para malaman ko kung anong pwedeng gawin. You know how much I love this house, and I cannot afford to lose it."

"I know, I know. Kakausapin ko ang si Sophia, baka maintindihan niya naman ako kung—"

"No, Kuya," mabilis kong tutol sa sasabihin niya. Ilang beses na nap ang wedding nila ng girlfriend niyang si ate Sophia dahil lang sinuportahan niya ang pag-aaral ko. Sobra-sobra na ang naitulong niya. Ako naman ang dapat ang gumawa ng paraan. "Huwag mo na kami intindihin, Kuya. Ako na ang bahala dito."

"Meg..." malambot na tawag niya sa akin.

Napangiti naman ako sa kanila ng malaking problema na kinahaharap. "You deserve to be happy, Kuya. Yun din ang gusto ni Mama para sayo. Tumawag lang ako para sabihin yan, wala akong intensyon na abalahin ka para humingi ng tulong..."

Ibinababa ko na rin ang tawag. I checked the time, it's already 10am. Kailangan ko nang maligo dahil babyahe pa ako pa Manila. Alas kwarto pa naman ang duty ko, so I still have time para makausap ang taong pinagkakautangan ni Papa.

Hanggang ngayon kasi ay wala pa akong nakikitang paraan para mabayaran ang isang milyon. Maybe the least I can do is to talk to that man. Kaya kahapon nga pauwi ay sinubukan kong kontakin ang abogado. He told me to contact his client. Kaya nagdirect call na ako sa opisina ni Rafael Tallano at na-set na ng secretary niya ang appointment ko at 2pm.

"Ma, una na po ako. Huwag ka na ma-stress. Maisasalba natin ang bahay, okay?" Halikan ko ang pisngi ni Mama at hinaplos ang balikat niya.

Isang linggo na naman ako hindi makakauwi dahil nasa Manila ang trabaho ko. Tuwing Sabado at Linggo ay umuuwi ako para dalawin siya at dalhan ng mga grocery. Ayaw naman niya iwan ang bahay na ito para sa Manila manirahan kaya hinahayaan ko na lang.

Alas-dose na ako nakarating sa studio type apartment na inuupahan namin ng kaibigan kong si Ayesha. Tulog siya noong dumating ako. Nagpalit lang ako ng white uniform kong pang nurse para didiretso na lang ako sa ospital after ng meeting ko kay Rafael Tallano. Mabuti nga't malapit lang ang ospital sa opisinang pupuntahan ko.

"Saan tayo, Ma'am?" tanong ng taxi driver sakin at sinilip ako mula sa salamin at nginitian ako.

Ngumiti ako sa kanya pabalik. "Sa RT Telecommunications, Manong!"

Nag-drive na si Manong. Habang nasa byahe ako ay nagdadasal ako na sana maging maganda ang kakalabasan ng pag-uusap namin. Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namalayan na nakahinto na pala kami.

Mabilis akong nagbayad at bumaba. Tiningala ko ang fifteenth floors building at nabasa ang RT Telecommunications. Sa labas pa lang ay napakaganda na ng building. Paano pa kaya kapag nasa loob na ako?

Naglakad ako papasok sa lobby. I was welcomed by a friendly receptionists.

"May I help you, Ma'am?" Magiliw na bati niya sa akin.

"I'm here for Rafael Tallano. Saan ang office niya?" Sagot ko habang hinahalungkat ang phone sa bag ko. Ang sabi ng attorney ni Rafael Tallano ay ipakita ko lang ang sulat niya na nagpapatunay na may appointment ako.

"Do you have an appointment with Mr. Tallano, Ma'am?"

Mabilis akong tumango at ipinakita sa kanya. "Yes, I have."

"The CEO's office is on the 14th floor."

Natigilan ako sa sinabi niya. Para akong tanga na tumitig sa kanya para siguraduhin kong tama ang nadinig ko.

"CEO...?"

Tumango ang receptionist sa akin.

Ibig sabihin ay hindi pala basta-basta ang taong pinagkautangan ni Papa. Pero paano sila nagkakilala?

"T-Thank you..." Tugon ko, bago tuluyang tumuloy sa elevator.

As soon as I were inside, I pressed the 14th floor. Ngayon naku-curious ako sa itsura ng Rafael Tallano na ito. Was he as old as my father? Siguro nga at nasa 50's na ito, at masyadong wais pagdating sa pera.

Sana lang talaga at gumana ang convincing power ko!

Napahinto ako sa talat ng elevator. Halos lahat ng kasabay ko sa pag-akyat ay nagsipagbabaan na bago pa man mag 14th floor. Ako lang ba ang papunta sa CEO's office?

Medyo kinakabahan ako noong lumabas ako ng elevator. There was this man that was about my age who greeted me.

"Good afternoon, Ma'am. You must be, Ms. Bernardo?" Hindi agad ako nakapagsalita kaya tumango na lang ako. "This way to Mr. Tallano." Iginiya niya ako papasok sa isang pinto.

Nakatalikod na swivel chair sa likod ng desk na kitang-kita pagpasok sa opisina ang bumungad sa 'min. Mabango ang buong opisina at walang makikitang kalat.

"Sir, here is Ms. Bernado," inform ng lalaki.

"You can now leave, Josh," utos ng ma-awtoridad na tinig.

Nakasara na ang pinto't lahat but he's still facing the ceiling to floor window that is overlooking the whole Manila. On the side of this room was a couch with a center table, may isang pinto malapit doon—maybe that was the comfort room. Sa kabilang side naman ay may parang elevator. I don't know, siguro ay mayroon siyang sariling elevator sa office niya.

Masyado pa akong namamangha sa kabuuan ng opisina kaya hindi ko napansin ang pag-ikot ng swivel chair. Napansin ko lang iyon dahil sa pagtikhim ng lalaki. Agad na napadako sa direksyon na iyon ang mga mata ko. Rafael Tallano was freaking young. If I was not mistaken his age were around thirties?

Seryoso ang tingin niya sa 'kin. Hi-nead to foot check niya pa ako bago kumurba ang isang ngiti sa mga labi niya. I'm speechless, dahil parang hinihigop ng intimidating na karakter ng lalaking ito ang lahat ng confidence na mayroon ako. Naka-flats pa naman ako because I was wearing my uniform. Nakatingala tuloy ako sa kanya hanggang sa makalapit siya sa harap ko. Pakiramdam ko rin ay umawang ang bibig ko dahil mas malapit na siya sa 'kin. Mas malinaw kong nakikita ang mukha niya.

"Are you enjoying the view, Ms. Bernardo?" Natauhan naman ako sa tanong niya, nagbawi ako ng tingin at inilipat iyon sa baba, pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko dahil sa pagkapahiya. "I am Rafael Tallano." He said formally, extending his hands to me.

"Megan Bernardo," I replied, hesitating if I am going to accept his handshake. Pero sa huli ay tinanggap ko 'yon, he was just being formal.

Nanliit ang kamay ko noong hawak niya na ito, pero hindi iyon ang umagaw sa atensyon ko. I felt how he tightened his grip on my hand and the effect of it to my whole being. Kaya binawi ko na ang kamay ko.

"I am going straight to the point, Mr. Tallano. The main reason why I am here was to talk about my father's debt." Pinipigil ang mautal na sabi ko. Pero ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko.

"You can have a seat first." Inalalayan niya pa ako sa pag-upo ko, kaya nagkadaiti ang balat namin at pakiramdam ko'y napaso ako.

"T-Thank you..."

Umupo na rin siya sa puwesto niya kanina.

"Mr. Tallano... as I was saying, I want to know the agreement between you and my father. Is it... okay if I will see those papers, because my family is not aware about this matter?" Tuloy-tuloy na salaysay ko.

"This agreement happened five years ago," he said na may kinuhang folder sa drawer ng table niya. Inabot niya sa 'kin ang papeles.

"Please give me a time to read this," pakiusap ko sa kanya.

"Take your time," malamig na sabi niya.

Sumandal ako sa upuan at nag-umpisang basahin ang kasulatan. Pero hindi ako mapakali, damang-dama ko na may nanonood sa 'kin. I can see it through may peripheral vision.

After few minutes of checking the papers—may naintindihan naman ako kahit papaano, kahit damang-dama ko ang tingin sa 'kin ng kaharap ko.

"Okay, now I understand this contract. At wala talaga kaming alam sa mga bagay na ito. And one of the reason why I was here is to beg. Wala na bang ibang paraan para hindi mawala sa 'min ang bahay?" Nakakahiya man o nakakababa ng pagkatao—but I was really begging in front of this man.

"The only solution is to pay the one million debt of your father. Wala na iyong tubo." Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. "Business is business, Miss Bernardo. Wala ang lahat ng ito kung madadaan sa pakiki-usap ang lahat. Three years of not accepting any from your father is enough for me to get what is rightfully mine," he said seriously. Business man nga talaga siya.

"Pero, two years nang patay ang Papa ko at siya ang may pagkaka-utang sa iyo, Mr. Tallamo." Laban ko sa kanya.

"He is, but we have a contract and he signed it. Legal ang kontrata, so buhay o patay siya, may karapatan akong singilin ang pagkakautang sa 'kin."

"Pero saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera? I am just an ordinary nurse—Wala kaming makukuhanan ng ganyang kalaking pera."

"You'll only have two weeks to pay. Kapag wala kayong nabayad, I'll get that property," he said casually na para bang laruan lang ang kukunin niya.

Bumagsak ang mga balikat ko sa sobrang pagkadismaya. Mukhang hindi madadaan sa upusan ito.

"Kahit ata ibenta ko sa 'yo ang katawan at kaluluwa ko ay hindi ko mababayaran ang isang milyon, Mr. Tallano." That's intended as a sarcasm, but I saw how his serious face became interested.

Shit. Ano ba ang nasabi ko?

Gusto ko na lang magpalamon sa lupa sa mga sandaling iyon. Minsan talaga ay walang preno ang bibig ko.

"You're suggestion sounds interesting, seems like you are willing to sacrifice dahil ayaw mo mawala ang bahay n'yo, Ms. Bernardo..." Kinilabutan ako sa ginawa niyang pagbulong sa ibabaw ng tainga ko. Sunod-sunod ang naging paglunok ko at mabilis na lumayo sa kanya. Hindi ko na namalayan na nakatayo na pala siya at ngayon ay nasa likuran ko na.

"I-I... didn't meant that! It was a sarcasm!" I said without looking at him.

"But I found it fascinating. Your suggestion is okay with me." Nasa harap ko na siya ngayon. His arms over his chest. At bagay na bagay sa kaniya ang three-piece suit na suot niya.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Seryoso na siya or pinagtitripan ako?

"Think about it, Ms. Bernardo. We can put it in contract, I'll ask my lawyer to work on the probation..."

He was freaking serious! Napasubo yata ako!

"Mr. Tallano, hindi... I mean, ano..." I wanted to say something, pero hindi mabigkas ng labi ko!

"Here, call me when you finally made up your mind. I'm sorry but I need to end this meeting I have an important meeting to attend to." He said giving me his calling card.

Wala sa sarili ko namang tinanggap iyon. "Sabay na tayo palabas." Pag-aya niya sa 'kin na nakatingin sa wrist watch niya.

Tumayo na rin ako kahit naiilang ako sa kanya. Paano niya nagawang umakto na parang wala lang ang mga sinabi niya at pagsang-ayon sa sinabi ko, samantalang ako ay halos mamula na ang mukha sa kahihiyan.

"Lady's first," he said na iginiya ako papasok sa loob ng elevator.

Nang magsara ang elevator, pakiramdam ko ay sumikip iyon kahit dalawa lang naman kami sa loob. Aircon naman ang loob ng elevator pero pinagpapawisan ako ng husto. Bumaba rin naman siya sa tenth floor, pero bago siya maglakad nang tuluyan at nilingon niya pa ako at nagsalita.

"Think about it. That's the easiest way to save your house."

Muli akong napalunok sa sinabi niya. Siguro kung ibang tao ang nag-offer ng gan'un ay natakot na ako at iisipin kong minamanyak ako.

Pero bakit sa kanya? It seems like what he was saying was purely business... As if he's not referring to sex in exchange to our debts. Na parang normal business lang na ipambayad ko ang katawan ko sa isang milyong utang.

Tulala ako hanggang sa makasakay ako ng taxi at nagpahatid sa ospital. Buong araw rin ako wala sa sarili at ilang beses napagalitan ng head nurse namin sa dami ng pagkakamali na nagawa ko kaya nasuspend ako ng isang linggo.

Wala kasing ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang offer ni Rafael Tallano...

Tatanggapin ko ba? Kaya ko ba?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status