Share

Chapter 2

Sinuklay ko ang buhok ko at tuwid na tuwid na tumayo sa harapan ng receptionist. Sana lang talaga ay tama itong naging desisyon ko. Sana ay wala akong pagsisihan balang araw na ginawa ko ito.

"Good morning, Ma'am. Seat for?" salubong sa akin ng receptionist sa restaurant na napili ko.

"Seat for two, but can I choose a seat?"

"Sure, Ma'am!"

Agad akong dinala ng isang staff sa napili long table at tinanong kung oorder na ako. Humingi lang muna ako ng tubig at sinabing may hinihintay ako.

Napatingin ako sa wrist watch ko. I am twenty minutes ahead. Sinadya ko talaga 'yon, dahil ayoko ng nahuhuli sa appointments. At isa pa ay kinakabahan ako. Parang gusto ko nang magback-out sa meeting na ito at huwag na lang ituloy ang plano ko. Pero isipin ko palang na mawawala ang bahay ay nalulungkot na naman ako.

Yes a week had passed at nakapagdesisyon na ako. Hindi na muna ako umuwi sa amin ngayong day-off ko. Yesterday, I called Mr. Tallano. Mabuti nga't pumayag siya na sa labas kami mag-usap at ako ang pipili ng lugar. Iyon ay dahil sa naiilang ako sa intimidating na personality niya, lalo na kapag kaming dalawa lang. I want our meeting to be on a public place—para hindi ako masyadong mailang sa kaniya.

Nang mag-angat ako ng mukha mula sa pagre-review ng hawak kong papel ay nakita ko agad si Rafael sa entrance ng restaurant. Now all eyes were on him. Sa porma niya palang—his looks and his towering height.

Sinong hindi makakapansin sa kaniya. But, for me his personality was very intimidating.

Luminga-linga siya para hanapin ako. I waved a hand, for him to notice me. Tumango lang siya sa akin at nag-umpisa nang maglakad. Sa dalawang beses na nakita ko siya I noticed na madamot siyang ngumiti. As in masyado siyang seryoso.

Rafael has a black faded cut hair that fits his oval face, a clear brown eyes na nagpapatapang nang mukha niya, a prominent nose, his lips were thin— laging nakatikom. His face near to perfection. Also a broad shoulders that suits his height. Kaya sa palagay ko ay maganda niyang madadala ang kahit na anong damit.

But today he was just wearing a light blue polo that is tucked on his gray slacks.

"I'm sorry for keeping you waiting, matindi ang traffic on my way." Paghingi niya ng paumanhin bago umupo sa harapan ko.

"No, it's okay I am twenty minutes early. You are just on time."

"Naka-order ka na ba?" Tanong niya noong mapatingin siya sa tubig na nasa harap ko.

"Let's order first. I'm starving." I don't know why? But, I like his authoritative voice...

"Sure," tipid lang na sagot ko.

Kumaway siya sa waiter na agad na lumapit sa amin dala ang menu. "Mam, Sir, here's the menu."

Ito ang napili kong restaurant dahil nagse-serve sila ng iba't ibang cuisine, hindi ko naman kasi alam kung ano ang hilig niyang kainin.

So, I ordered my favorite creamy seafood carbonara while he ordered steak.

"So what will be your decision?" he asked on a business-like tone.

"Nasabi ko na sa iyo last week na hindi ko talaga kayang bayaran ang inutang ng Papa ko..." Huminga muna ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay nalulunod ako sa mga titig niya. "What I said on your office about selling my body was unintentional, Mr. Tallano. It was really a sarcasm. But, right now... I think it's the only option I had, para hindi mawala sa 'min ang bahay."

Umawang ang bibig niya sa sinabi ko. Then, he crossed his arms over his chest. I think it is his habbit, he then touched his chin using his right hand.

"I see," tipid na sagot niya.

Hindi ko alam pero hindi ko mabasa ang kilos niya. He was too serious. Parang laging may kaaway. Hindi naman siya mukhang may motibo, sinakyan niya lang siguro 'yong sinabi ko para lang makabayad ako. Hindi naman siya mukhang manyak na babastusin na lang ako anumang oras. Siguro isa iyon sa dahilan ng pagpayag ko, bukod sa gipit ako. Mali man ito, wala siguro ako sa tamang pag-iisip dahil magtitiwala ako sa kaniya.

"I can always call my lawyer for our contract." Bigla niyang sabi ng mapansin niyang hindi na ako nakapagsalita.

"Actually... I've already prepared one." I came here prepared. Ayaw ko magkamali.

"Then I will ask my lawyer to notice—"

"No, can we just make this private?" pigil ko sa kanya. Nakakahiya naman kung malaman ng ibang tao kung anong klaseng business ang meron sa aming dalawa. "I mean I know that your lawyer is trustworthy, pero kung ayos lang na magkaroon na lang tayo ng agreement? I just want it to be between the two of us..."

Amusement was written over his handsome face. Pero maya-mayang natawa naman ng mahina at tumango.

"Here, I've already set the terms and conditions." Inabot ko sa kanya ang isang kopya. Naghanda ako ng dalawa at naglagay pa ako ng space para sa changes at additional na ire-request niya. I also leave some details blank, those were the things that I will let him decide. Kailangan ko din naman kunin ang kaniya, dahil sa kaniya ako may utang. "We can review that today, kung wala kang lakad." Nag-angat siya ng tingin mula sa pagbabasa ng kontratang ginawa ko. Nangunot ang noo niya na parang may iniisip, tapos kinuha niya ang cellphone niya and dialed.

"Hello, Josh? Cancel all my appointments." Then he ended the call. Ganon lang kadali?

"You don't have to do that," agad na sabad ko, pagkababa niya ng tawag.

"I already did. May magagawa pa ba tayo?"

Napaawang na lang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ko alam masala kung anong ugali Ang meron siya.

"Here are your orders." Napatingin kami pareho sa may dala ng pagkain namin, inilagay niya na ito sa table. "Any additional, Ma'am, Sir?"

"No, thank you." I answered and smiled to the waiter.

"Let's eat first. We'll talk about this after." Ayan na naman 'yong authoritative na boses niya. Pero hindi ko magawang mainis sa kanya.

Tahimik lang kami habang kumakain, medyo nabuburyong na rin ako dahil hindi ako sanay ng sobrang tahimik. Madaldal talaga ako—but he was not. Ayoko naman mag-umpisa ng usapan, ayoko mapahiya o ma-shut off. Isa pa ay wala naman na kaming ibang dapat pag-usapan kundi ang magbayad ako ng utang.

I am quietly observing him, while we were eating. Masyado talaga siyang seryoso, lagi pang nakakunot ang noo niya, kaya natatabunan ang maganda niyang mukha. Napansin ko ring masyado siyang matipid sa pagsasalita, tipid sumagot at sasagot lang ng mahaba kapag mayroong ipapaliwanag.

"This paper's probitions was set by Megan Bernardo and approved by Rafael Tallano. This agreement will last for blank months. You will supply the blanks..." mahinang basa niya ng agreement matapos namin kumain. Tumingin ako sa kanya, nakita ko ang pagkurba ng kilay niya. "Six. Six months."

Nakahinga ako ng matino, atleast anim na buwan lang, I thought it would take a year.

"The six months will start this (date) and would rightfully end on (date)," patuloy ko ng pagbasa. Tumingin muna ako sa kanya, he was seriously reading the contract. "When do you want me to start?"

Nag-angat siya ng tingin. "I'll think about it."

"Here are the rules I set, pwede kang magreact if you don't like the idea or if you want to add some." Tumingin ako sa kanya, asking for some approval.

"I'll listen to your explanation, then I will speak after you," he said na seryosong nakatitig sa papel.

"Number one. You can call me anytime you need her as long as I'm available, and please do respect me shifting and overtime in my work, and let one ofy day-ofg to be her time to spend with my family. Nagta-trabaho ako, and we have shifting, 'yan ang trabaho ng Nurse, then I have two day-offs, ang isa ay pahinga ko, ang isa ay ginagamit ko para umuwi sa Valenzuela, baka kasi magduda si Mama kapag hindi ako umuwi ng kahit isang beses man lang..." I am watching his reaction while listening, he was just nodding his head.

"Number two. No one should know about the said agreement, until it ends at six months," patuloy ko sa pagbasa ng wala akong makuhang pagtutol sa kanya. "Wala akong pagsasabihahn nito, kahit ang best friend ko. At lalong-lalo na ang Mama at Kuya ko, baka mas gustuhin pa nilang mawala na lang ang bahay and that is the last thing I wanted to happen. I'm expecting you to do the same, Mr. Tallano."

Tinaasan niya ako ng kilay. "I'm a business man, Ms. Bernardo. I don't break a rule."

Mas mabuti na yung nagkakaintindihan kami. Ano na lang ang iisipin ng mga tao sa akin kung sakaling malaman ng iba? Kung magkataon ay ako ang dehado rito.

"Number three... Afer the said duration of this agreement, you, Rafael Tallano will make a formal letter stating, that he will no longer yearn for the house..." I read the last rule, tatlo lang ang si-net ko wala na naman na kasi akong naiisip na kailangan idagdag. "Any aditional or violent reactions, questions?"

"How many hours you usually work?" Nagulat ako sa bigla niyang pagsasalita. Pero mukhang mas nakakagulat na 'yon ang una niyang tanong.

"Seven to eight, umaabot ng ten kapag may OT. Like what I said may dalawang day-off, every three days ay nagpapalit din kami ng shift, three shift ang rotation namin, isang madaling araw hanggang umaga, isang morning to night, then night to midnight." Paliwanag ko, para hindi niya na itanong nang isa-isa.

Tumango-tango siya sa haba ng sinabi ko. Ang nonchalant niya talaga.

But I think nangangamba siyang hindi kami magkatugma ng schedule kasi may shifting ako sa hospital. Malulugi siya, natawa ako sa naisip ko at the same time kinilabutan, parang hindi ko katawan ang pambayad ko.

"This is okay with me."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Are you sure?"

Nag-isip siya sandali at tumitig sa akin. "Where are you staying here in Manila?"

"30-45 minutes din ang binabyahe ko from hospital hanggang sa tinutuluyan namin ng kaibigan ko, doon lang kasi may maayos at murang apartment na nakita namin."

Then I saw him wrote something on his paper. Then he let me read it, hindi pa man ako nakakabawi sa nabasa ko ay nagsalita na siya.

"I saw your uniform logo last time, I think it's more convenient if you stay in my house, Ms. Bernardo."

Mas lalo yatang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. 

"Y-Your... house?" Tanong ko na hindi pinahahalata ang pagkagulat ko.

"I think walking distance lang ang RT TelCom sa Hospital na pinagtatrabahuhan mo," he said cooly. "I'm just helping you."

Nakagat ko ang ibabang labi ko. "You mean doon ka nakatira sa office niyo?"

"Not actually my office, on the 15th floor." So that explains the elevator kung bakit siya doon pumunta noong unang pagkikita namin.

Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon. Kung iisipin kong mabuti, mas maganda nga iyon. Makakatipid ako.

"Put that in your copy," utos niya sa 'kin at sumenyas pa. "I will sign this, and you can now sign it too." Nag-umpisa na siyang pumirma, napilitan na din akong pumirma at nagpalitan kami. "Oh, I forgot to put there that it will start the day after tomorrow, you can bring some clothes, and things you need to, you can go there after your shift." Wala na akong nasagot, masyado na akong shock para maka-angal pa. Wala na rin naman akong magagawa, eto na 'yon e.

Goodluck na lang sa akin sa kung anong idadahilan ko kay Mama...

Tinawag niya na ang server to get the bill. Nakipag-agawan pa ako sa pagbabayad, pero wala na akong nagawa nung inabot niya nag card niya sa Server.

"Ihahatid na kita." Alok niya nung nakabayad na siya.

"No need, didiretso na ako sa Valenzuela, diyan lang naman ang sakayan," I answered him honestly.

Pinasadahan pa niya ako ng tingin, parang tinatantiya kung totoo ang sinasabi ko.

"Okay, this is the key to my house, and use this card to the elevator. You will use the service elevator, on the parking area, no need for you to go to the main building lobby." Hinawakan niya ang braso ko para alalayan ako sa pagtayo. Kahit two inch na ang boots ko ay nanliliit pa rin ako sa kanya.

"What is your height?" Bigla ko na lang naisatinig iyon.

"Six-one..."

Napatakip ako ng bibig. "Nahiya ang height kong five feet sa height mo," biro ko, trying to calm the tension. Iba talaga pakiramdam ko when I am near him. Para bang libo-libong boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa akin. I feel so alone.

Nang maghiwalay ang landas namin ay tsaka pa lang nagsink in sa akin lahat. Pumayag talaga akong ibenta ang sarili ko.... Nakakababa man ng self worth at self respect, pero heto na e, I cannot back out anymore.

I am now Rafael Tallano's bed warmer...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status