NAGISING si Luna sa hindi familiar na kwarto sa kaniya. Ang unang pumasok agad sa isip niya ay si Sebastian, ito lang naman ang huling kasama niya ng siya ay gising pa kaya dali-dali siyang napabangon mula sa kaniyang pagkakahiga. Gulat na napahawak siya sa kumot na nakapalibot sa kaniya at tinignan mula sa ilalim niyon kung mayroon pa siyang suot na damit. Tila nakahinga siya ng maluwag ng makitang mayroon pa siyang suot na damit. Doon niya nasimulang maamoy ang natural na amoy ni Sebastian na lagi niyang na-aamoy sa lalaki. Hindi niya mapigilan kundi aminin na mabango ito. Napangiti siya ng bahagya dahil doon at ipinalibot ang kaniyang mata sa paligid. Black and white ang theme ng silid at maayos na naka-ayos ang mga gamit nito. Mayroong mini sala sa may gilid at mayroon ‘ding maliit na lames anito kung saan nasa ibabaw ang ilang magazine. Kita niya ‘rin ang isang bookshelf na punong-puno ng libro at sa gilid nito ang isang malaking table na tingin niya ay mayroong nagbasa doon da
HINAWAKAN ni Sebastian ang kamay ni Luna na nasa ibabaw na ikinatingin ni Luna doon.“Calm down, my love. Yes, pumunta ako kagabi kung nasaan si Celine at nakausap ko siya. ‘Wag kang mag-alala walang nangyari sa kaniyang kakaiba. Well, umiyak lang naman kami pareho tapos kinuwento ko sa kaniya ang buong nangyari. Sinabi ko na ‘rin sa kaniya ang totoo kong pagkatao.”Hindi makapaniwala si Luna sa kaniyang naririnig. Nakausap na nito ang anak niya ng hindi niya alama. Nag-aalala pa naman siya na baka nga umiyak ito, pero nasabi nito na umiyak ang anak!“K-kamusta ang anak ko? Nasaktan ba siya sa katotohanan?”Napangiwi si Sebastian dahil sa tanong ni Luna. Ang totoo ay kabaligtaran pa ang nakuhang reaction ng anak nila.“Ikaw nalang mismo ang magtanong kay Celine kasi kahit kinausap ko na siya kagabi tungkol doon ay ayaw niya. Pursigido pa ‘rin talaga siya.” Iling na sabi ni Sebastian at mukang namomroblema sa anak at hindi alam ang gagawin.Dahil doon ay nabuhay ang kuryosidad ni Luna
“MOMMY! Daddy!”Sa unang pagkakataon ay natawag ni Celine ang magulang niya ng sabay. Hindi niya akalain na darating ang araw na iyon kung kaya napakasaya ng puso niya.Sabay niyang niyakap ang dalawa ng sobrang higpit na ikinayakap ‘din sa kaniya ng dalawa. Nagkatinginan pa si Luna at Sebastian sa isa’t-isa at kapwa mayroong mga ngiti sa kanilang labi.“I miss you both so much! Sama-sama naman po tayong matulog!” bibong sabi nito sa kanila.“We will do that my daughter kapag nakalipat na tayo sa bahay ko okay?” ngiting sabi ni Sebastian na ikinatuwa lalo ng bata.“Yehey! I’m so excited na!”“Anak,”Napatingin siya sa ina ng tawagin siya nito.“I’m sorry kung hindi nakauwi si mommy kagabi,” sabi ni Luna na mayroong pag-aalala sa kaniyang muka na agad naman ikinailing ni Celine.“No, it’s okay mommy! Pinaliwanag naman po saakin ni daddy ng maayos kagabi! Isa pa, ‘wag ka na pong mag-alala dahil alam ko na po ang lahat. Actually nung andoon palang po ako sa lugar kung saan nila ako dinal
“M-MS.LUNA, please makinig po muna kayo saakin…” nanginginig na sabi ni Caroline.Nakasuot ito ngayon ng sumbrelo at jacket, talagang tagong-tago para walang makakilala sa kaniya.Si Luna naman ay kusang napaatras ng makita niyang humakbang papalapit sa kaniya si Caroline. Natigilan ang babae dahil sa naging aksyon ng kaniyang dating amo. Kusa siyang napahinto at pinipigilan ang luha sa pagtulo.“Pinagkatiwalaan kita Caroline. Paano mo nagawa ‘to saakin?” mahinang sabi ni Luna na lalong hindi ikinasagot ni Caroline.“Sagutin mo ako Caroline!”Nagulat ang babae dahil sa sigaw ni Luna. Napatingin siya dito at kitang-kita niya ang galit at disappointment sa muka nito. Hindi na nito napigilan pa ang pagtulo ng luha niya.“M-ms.Luna patawarin niyo po ako.” Tanging nasabi ni Caroline na ikinabuga ng hangin ni Luna.“Kung hindi pa malalaman ni Luke ang totoo at hindi niya napatunayan na wala siyang kasalanan hahayaan mo na siya ang masama sa paningin ko? Paano mo naatim na may ibang tao na m
HINDI napigilan ni Luna ang kaniyang luha ng makapasok siya sa loob ng kanilang bahay. Ang taong pinagkakatiwalaan niya ay niloko siya at ngayon na nakita niya ito ay lalo lang siya nakaramdam ng betrayal lalo na sa bibig pa nito nanggaling.“Luna are what happened?!” alalang tanong ni Riri ng makita siya nitong umiiyak.Agad na pinahid ni Luna ang kaniyang luha at maging si Celine ay nakita na ‘rin siyang umiiyak. Kaya nagpunta sila sa sala at doon pag-usapan ang nangyari sakto naman na dating ni Sebastian at Rocky kung kaya maging ang dalawa ay nakinig na sa balita.“Siguradong hindi pa siya nakakalayo dito, ipapakalat ko na ang tauhan ko.” seryosong sabi ni Sebastian na agad ikinapigil ni Luna.“Hayaan na muna natin siyang magtago. Gusto kong maramdaman niya ang takot bago siya tuluyang makulong.”Dahil sa sinabi ni Luna ay napatango ang lalaki at napaayos ng kaniyang pagkakaupo.“Okay ka na ba talaga Luna?” nag-aalalang tanong ni Rocky sa kaibigan.“Oo? Hindi? Hindi ko sigurado Ro
“BOSS, pinatawag niyo ako?”Bungad na sabi ni Caroline sa kaniyang hindi kilalang amo. Katulad noon, mayroong harang kung saan ito nakaupo.“Mabuti naman at nandito ka na Caroline. Gusto kitang purihin dahil sa magaling mong pag tatrabaho saakin. Pagbutihin mo lang at sigurado akong mabubuhay ang mama mo.”Napakuyom ng kamao si Caroline dahil doon. Wala naman siyang magawa, alam niyang alam nito na ang kahinaan niya ay ang kaniyang mama kung kaya lagi itong binabanggit sa kaniya sa tuwing magkikita sila.Isa pang dahilan kung bakit hindi niya malaman kung babae ba o lalaki ang kausap dahil sa voice changer na gamit nito. Panlalaki ang boses na iyon pero bakit pakiramdam niya ay hindi lalaki ang nasa likuran niyon voice changer na iyon?“Mayroon ulit akong ipapagawa sa’yo. Gusto ko na patvyin mo si Luna Fernandez.”Nagulat si Caroline dahil sa kaniyang narinig at agad na napatayo mula sa kaniyang kinauupuan.‘M-ms.Luna!’ sigaw niya sa kaniyang isipan. Hinding-hindi niya iyon magagawa l
“MAMA!”Hindi na napigilan ni Caroline ang muling pag-iyak niya ng makitang nakadilat na ang mata ng mama niya.“Gising ka na mama! Gising ka na!” yakap na sabi niya dito habang chine-check ng doctor ang vital signs nito.“Caroline, kahit nakadilat na ang mata ng mama mo wala pa ‘ring signs na nag fa-function na ang utak niya. Sinubukan ko siyang kausapin pero no response it means hindi pa talaga nag fa-function ang utak niya.”Napahiwalay si Caroline sa ina niya dahil doon at tinignan ang doctor.“W-what do you mean doc?”“It means kailangan pa nating hintayin na mag function ang utak niya. But don’t worry ngayon na gising na siya siguradong mag fa-function na ‘yan kaya dalasan mo ang pagbisita sa kaniya para may kausap siya lagi dahil naririnig ka niya.”Nabuhayan lalo si Caroline sa sinabi ng doctor at sunod-sunod na tumango. Sa sobrang tuwa nito ay niyakap niya ang doctor biglang pasasalamat.“Thank you, doc! Maraming-maraming salamat!”“Ginagawa ko lang ang trabaho ko hija, sige
“SORRY kung biglaan ang lunch na ‘to Luna.” Hinging paumanhin ni Luke nang nasa isang café na silang dalawa.Iyon ‘yung café na kinainan nila ni Caroline sa tapat ng kumpanya niya.“It’s okay Luke. So, ano ba ang pag-uusapan natin?”Deretsyong sabi ni Luna. Sa hindi malamang dahilan ay kinakabahan siya. Wala naman siyang dapat ikakaba pero nung mabasa palang niya ang text ng lalaki ay kinabahan na siya at ayaw niya ng pakiramdam na iyon.Matagal nang panahon wala ang nararamdaman niya para sa lalaki pero bakit bigla itong bumabalik?“Gusto ko lang humingi ng tawad,” tumingin sa kaniya si Luke ng seryoso. “Humihingi ako ng tawad sa lahat ng panloloko ko sa’yo Luna. I’m so stupid to do that. Pinagsisisihan ko na lahat ng ‘yun ngayon.”Pakiramdam ni Luna ay mayroong kumawala sa kaniyang dibdib. Sa tagal na panahon ay itinago niya sa pinakang-ilalim ng kaniyang memorya ang masasakit na ginawa sa kaniya ni Luke. Kaya nga ng makita niya itong muli ay bumalik lahat ng ‘yun.Pero ngayon na hu