“SORRY kung biglaan ang lunch na ‘to Luna.” Hinging paumanhin ni Luke nang nasa isang café na silang dalawa.Iyon ‘yung café na kinainan nila ni Caroline sa tapat ng kumpanya niya.“It’s okay Luke. So, ano ba ang pag-uusapan natin?”Deretsyong sabi ni Luna. Sa hindi malamang dahilan ay kinakabahan siya. Wala naman siyang dapat ikakaba pero nung mabasa palang niya ang text ng lalaki ay kinabahan na siya at ayaw niya ng pakiramdam na iyon.Matagal nang panahon wala ang nararamdaman niya para sa lalaki pero bakit bigla itong bumabalik?“Gusto ko lang humingi ng tawad,” tumingin sa kaniya si Luke ng seryoso. “Humihingi ako ng tawad sa lahat ng panloloko ko sa’yo Luna. I’m so stupid to do that. Pinagsisisihan ko na lahat ng ‘yun ngayon.”Pakiramdam ni Luna ay mayroong kumawala sa kaniyang dibdib. Sa tagal na panahon ay itinago niya sa pinakang-ilalim ng kaniyang memorya ang masasakit na ginawa sa kaniya ni Luke. Kaya nga ng makita niya itong muli ay bumalik lahat ng ‘yun.Pero ngayon na hu
NAPAATRAS si Caroline dahil sa sama ng tingin sa kaniya ni Luna. Nasasaktan siya sa titig na ipinupukol nito sa kaniya pero buo na ang desisyon niya na sabihin dito ang totoo.“M-makinig ka muna sakin Ms.Luna! Hindi ko ginusto na nakawan ang kumpanya niyo! Mayroon lang nag-utos saakin at dahil kailangan na kailangan ko ng pangpagamot ng mama ko ay pumayag ako. Hindi ko ginusto ang lahat ng iyon dahil inutos lang ‘yon saakin lahat!”Lakas loob na sabi ni Caroline na ikinatahimik sandali ni Luna. Tumulo na ‘rin ang luha ni Caroline pero agad niya iyong pinunahan para makita ni Luna na seryoso siya.“Hindi mo na ako maloloko Caroline,” malamig na sabi ni Luna.Tila nanghina si Caroline sa sinabing iyon ni Luna.“Hindi pa ba sapat sa’yo ang pangdadamay kay Luke?! Tapos ngayon may ibang tao ka nanamang idadamay ha?!”Napaatras si Caroline dahil doon at sunod-sunod na umiling.“Pwede ba Caroline harapin mo nalang ang kasalanan mo hindi ‘yung gagamit ka pa ng ibang tao para lang hindi ka mak
NAKAUPO na silang dalawa ngayon sa pinareserve ni Luna na dapat table nila ng kaniyang ka-meeting. Ang ending ay hindi inaasahang tao ang siyang makakasama niya. At sa dinami-daming tao ay ang babaeng dahilan kung bat nasira ang relasyon nila ni Luke dati pa ang nakita niya. “Sikat ka na ngayon ah? Isa ba namang Sebastian Anderson ang nabingwit mo.” Natatawang sabi nito na hindi ikinagusto ni Luna. Noon pa ‘man ay iba na ang pakiramdam niya sa babaeng ito. Hindi mapapagkatiwalaan. Kaya nga ng sabihin ni Luke na magkaklase sila sa isa nitong subject ay nanghinala na agad siya. At hindi naman mali lahat ng mga hinala niya dahil totoo. Pinatawad pa niya si Luke pero inulit nanaman niya ito at sa iisang babae pa ‘rin. “Ikaw Kamusta ka na? Wala na kasi akong balita sa’yo kahit kanino. Para kang hangin na hindi makita,” Pagganti na sabi ni Luna sa babae na ikinainis nito. “What did you say?!” galit na sabi nito na ikinataas ng kilay ni Luna. “So, bingi ka na pala ngayon. Sige eto nala
“DADDY, galit ka po ba kay mommy?”Napalingon si Sebastian mula sa pinto ng kaniyang office room dahil pumasok doon si Celine.“Kanina pa po ako kumakatok hindi kayo nasagot,”Dahil sa lalim ng iniisip ni Sebastian ay hindi na niya namalayan ang nasa paligid niya. Maaga siyang umuwi dahil hindi ‘rin siya makapag focus sa trabaho kaya naisip niya na baka sakaling makapagfocus siya sa bahay nila kaso hindi ‘rin pala.“Come, here anak.” Tawag niya sa bata na agad naman ikinalapit sa kaniya ni Celine.Kinandong niya ang bata at hinawi ang buhok nito. Titig na titig si Sebastian sa anak dahil kamukang-kamuka ito ng kaniyang ina.“’Wag ka po sanang magalit kay mommy, daddy. Tama po ang sinabi niyo kasi kahit ako ay ramdam ko noon pa ‘man na pektado pa si mommy sa ex niya pero naniniwala pa ‘rin po na mawawala ‘din ‘yun.”Napabuntong hininga si Sebastian dahil sa sinabi ng anak. Kanina pa talaga niya pinag-iisipan ang bagay na iyon.Ano naman sa kaniya kung may gusto si Luna kay Luke? ‘Yan a
PALABAS si Luna ng kaniyang kumpanya dahil mayroon siyang morning meeting sa client niya na hindi natuloy ang meeting noong nakita niya muli si Vivian. Bukod sa ayaw niya makita si Sebastian ay umaayon sa kaniya ang situation dahil talagang sinakto pa na morning meeting ang meron siya.Pagkabukas na pagkabukas palang ng pintuan ay sunod-sunod na flashes ng camera ang sumalubong sa kaniya na ikinagulat ni Luna.Naging alerto naman ang dalawang guard na nasa unahan at hinarangan ang mga ito palapit kay Luna.“Ms.Luna anong masasabi niyo sa balitang hindi niyo kapatid si Celine kundi anak?”“Totoo ba na si Celine ang anak niyo ni Sebastian Anderson?”“Bakit kailangan magpanggap ng bata bilang kapatid mo?”Natulala si Luna sa sunod-sunod na tanong sa kaniya. Hindi niya inaasahan ang mga ibinabato sa kaniya na tanong.Agad naman bumalik sa ala-ala niya ang tagpong nangyari sa school ng suntukin ni Sebastian si Luke. Malamang ay mayroong nakakuha ng larawan o video sa kanila kaya mabilis iy
“HELLO, mommy and daddy. Kamusta kayo jan? ‘Wag niyo kaming intindihin ng apo niyo dahil nasa maayos kaming lagay at hindi kami papabayaan ng ama ng anak ko.”Lumingon si Luna kay Sebastian na nakangiti sa kaniya ngayon habang nasa tapat sila ngayon ng puntod ng mommy at daddy niya.“Hi, tito and tita. Hindi ko ‘man ho kayo nakilala pero nangangako ho ako na iingatan ko ang anak niyo at ang apo niyo. Itaga niyo man sa bato mas uunahin ko sila keysa sa sarili ko,”“Huy ano ka ba!” sikong sabi ni Luna sa kaniya na ikinagiti lang ni Sebastian sa kaniya.“Tyaka nga po pala, mag papa-alam lang po sana ako sa inyo na ligawan ang anak niyong si Luna.”Natigilan si Luna na nasa tabi ni Sebastian. Hawak pa naman ng lalaki ang kamay niya.Lumingon sa kaniya si Sebastian kaya maging siya ay napatingin sa lalaki.“Luna, alam kong may nararamdaman ka pa ‘rin kay Luke pero natatakot ka na kaya ayaw mo na. Nandito ako para tulungan kang kalimutan ang takot na ‘yun at kalimutan si Luke. Papayag ka ba
“KAMUSTA naman kayo hija ng mga magulang mo noon? Ang tagal kong hindi nakita ang kapatid ko,”Malungkot na sabi ng tita ni Luna habang kumakain sila ngayon sa dining ng mga ito.“Maayos naman po. Masaya po kami noon kahit tatlo lang kami. ‘Yun nga lang po kalagitnaan ng first year ko umalis ako sa Pilipinas at sa Canada tumuloy at nagpatuloy ng pag-aaral. Hindi na ho ako bumalik nun at nalaman ko nalang na wala na sila.”Nalungkot naman ang mga ito sa kanilang narinig.“Huwag kang mag-alala hija, alam ko kung nasaan ‘man sila ay masaya silang nakatanaw sa’yo.” Ngiting sabi ng tito niya na ikinangiti ‘rin ni Luna.“Naniniwala ‘din po ako jan.”“So, umalis ka ba hija dahil buntis ka?” tanong ng tita niya na ikinailing ni Luna.“Hindi po, umalis po ako kasi broken hearted po ako.” Nahihiyag sabi ni Luna at nagpatuloy. “Tyaka ko po nalaman na buntis po pala ako kay Celine. Eh hindi ko pa po kilala si Sebastian noon, one-night-stand po ang nangyari samin sa bar.”“Oh! What a lovely love s
“GRABE! Hindi ako makapaniwala na may ganon pala ano?!”“Sana makahanap ‘din ako ng katulad ni Sebastian!”“Grabe parang fairytale lang!”Tapos na ang mala pinikulang pag-amin nila Luna at Sebastian tungkol sa kanilang love story. Sobrang daming tao ang naantig sa kanilang kwento at hindi ‘rin makapaniwala at the same time. Kasi sino nga ba ang maniniwala sag anong sitwasyon gayong ilang taon na ang lumipas.May ilang na nakakapagsabi na kapag kayo talaga kayo talaga. May ilan ‘din naman na bitter at nagsasabi na maghihiwalay ‘din ang mga ito. Pero ang lahat ng iyon ay baliwala na kial Luna at Sebastian. Ang mahalaga ngayon ay nasabi na nila ang totoo sa lahat ng tao.ISANG araw ang lumipas at sa wakas ay muli ng makakapasok si Celine sa school pero ang kaibahan ngayon ay ang mommy at daddy niya ang naghatid sa kaniya.Karamihan ng nasa school ay namamangha ng makita ang pamilya. Napansin iyon ni Luna kaya bago sila maghiwalay ni Sebastian ay sinabi niya dito na mukang kailangan nilan