Share

Chapter 4

Author: ARCOFMELODY
last update Last Updated: 2025-03-23 02:05:09

"Here's the report you're looking for, sir."

Inilapag ni Amara ang apat na folder sa lamesa ni Cassian nang hindi ito tinitingnan. Diretsong nakatutok ang paningin niya sa mesa, pilit na nilalabanan ang kaba sa dibdib.

Aalis na sana siya, pero bago pa siya makalayo, biglang hinila ni Cassian ang kamay niya. Nawalan siya ng balanse at napaupo sa kandungan nito.

Napasinghap siya, agad na tumingin sa pintuan, natatakot na baka may biglang pumasok—tulad kanina.

"You're distant again," bulong ni Cassian, nakasandal ang ulo sa dibdib niya. "Is this about Samantha?"

Ramdam ni Amara ang init ng hininga nito sa kanyang leeg, dahilan para bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Mabilis niyang itinulak si Cassian at agad na tumayo. “No, sir. Tama naman siya. Magiging boss ko rin siya kapag ikinasal kayo—”

"Tell me you don't want me to marry her, and I'll cancel our engagement."

Napatda si Amara. Napatingin siya kay Cassian, hindi makapaniwala sa sinabi nito.

“Sir…” bumukas ang bibig niya, pero walang lumabas na salita.

“Your relationship has nothing to do with me,” mahina niyang sabi, pilit na ibinabalik ang kontrol sa sarili. “Ang gusto ko lang… maayos na makapagtrabaho nang walang gulo.”

Tatalikod na sana siya, pero muling hinila ni Cassian ang braso niya, mas mahigpit ngayon. Napasandal siya sa dibdib nito, at ramdam niya ang bigat ng titig nito sa kanya.

“I don’t believe you,” madiin na sabi ni Cassian, bumaba ang boses nito, halos bumubulong na lang sa leeg niya.

Napapikit si Amara, pilit na kinakalma ang sarili. "Sir, please... May makakakita sa atin."

"Then tell me to stop."

Bumaba ang kamay ni Cassian sa bewang niya, marahang hinihigpitan ang hawak dito. "Tell me you don’t feel anything when I do this."

Nanginginig ang kamay ni Amara. Pilit niyang itinulak si Cassian, pero mahina. Hindi niya alam kung dahil ba hindi niya talaga gustong lumayo… o dahil hindi siya makalayo.

Mali ito. Alam niya iyon.

Hindi siya bababa sa level ng ibang babae na kayang manira ng relasyon. "I'm only after work, sir. Please, let's be professional."

Hindi na niya ito hinintay pang muling magsalita at tinalikuran na ito. Diretsong naglakad palabas ng opisina at bumalik sa desk niya, hawak-hawak ang dibdib na mabilis ang tibok.

Nagpapasalamat naman siya dahil hindi na siya tinawag pa ni Cassian sa opisina nito matapos ang usapan nilang iyon.

Maaga siyang nakauwi, at sa unang pagkakataon matapos ang magkasunod na araw na puno ng tensyon sa trabaho, nagawa niyang ngumiti habang kasama ang anak niya.

Dinala niya si Josh sa playground, hinayaang tumakbo at maglaro nang walang inaalalang oras. Pinanood niya ang anak niyang humalakhak, walang muwang sa bigat ng sikretong matagal na niyang kinikimkim.

Pagkauwi, agad siyang nagluto ng hapunan. Isang simpleng gabi, tahimik, payapa.

Habang abala siya sa pagluluto, nagtanong si Josh.

"Mommy, what's kahel?"

"Kahel is orange, anak," sagot niya, hindi inaalis ang tingin sa kawali.

Isang katok ang pumuno sa sala.

Bahagya siyang napangiti. Si Annie na siguro iyon.

"Anak, paki-bukas ang pinto," utos niya habang abala pa rin sa paghahalo ng niluluto.

Narinig niyang tumakbo si Josh papunta sa pinto at binuksan ito. Hindi man lang siya lumingon. Hindi siya naghanda sa kung anong susunod niyang maririnig.

"Who are you? We have the same eye color. Ikaw ba ang Daddy ko?"

Parang lumubog ang mundo ni Amara.

Huminto ang kanyang kamay. Huminto rin ang kanyang paghinga.

Mabilis niyang pinunasan ang kamay sa apron at halos patakbong lumabas ng kusina.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang nakatayo sa may pintuan.

Cassian...

Nakatitig ito kay Josh—tahimik, seryoso, pero sa likod ng naninigid nitong panga at malalim na tingin, may isang bagay na kinatatakutan niyang makita.

Realization.

"Ang sabi ng Mommy ko, pareho daw kami ng mata ng Daddy ko." Nakangiti si Josh habang itinuro ang sarili niyang mata. "Look, parehas tayo!"

Walang imik si Cassian. Walang kahit anong emosyon sa mukha nito, o baka pinipilit nitong pigilan ang anumang damdaming gusto nitong ipakita. Pero nang bumaling ang tingin nito sa kanya, doon niya nakita.

Galit.  

Pagkalito.  

Pagtatanong.

Napasinghap si Amara.

Mabilis niyang hinila si Josh palapit sa kanya, itinago ito sa likod niya, at lumuhod sa harapan ng anak.

"Pumasok ka sa kwarto," bulong niya, mahigpit ang hawak sa balikat ng bata.

Umusot ang noo ni Josh. "Pero, Mommy—"

"Now, Josh."

May halong pagtataka at pagtatampo sa mukha ng anak niya, pero hindi na ito nagtanong pa. Isa pang tingin kay Cassian bago ito tumakbo papasok sa kwarto.

Pagkasara ng pinto, bumaling siya kay Cassian, at doon na siya tuluyang kinapos ng hininga.

Diretso ang tingin nito sa kanya, puno ng emosyon ang mga matang kanina’y walang laman.

“He’s mine, isn’t he?"

Halos lumambot ang tuhod ni Amara.

Hindi siya nakasagot.

"Amara, sumagot ka." Mabilis na lumapit si Cassian, pinigilan siya sa pag-atras. “That’s why you left.” Mababa ang boses nito, pero ramdam niya ang bigat ng bawat salitang lumabas sa bibig nito.

Hindi pa rin siya kumibo.

Napailing si Cassian, napapikit saglit. Nang muling dumilat, matalim ang tingin nito.

“Damn it, Amara… Ilang taon mo akong hinayaang maghanap sa’yo—ilang taon mong itinago sa akin ang anak ko? Hindi mo pa ba sasabihin sa akin ang totoo?!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • The CEO And His Stubborn Obsession    Chapter 1

    "Amara? Nasaan si Amara?" malakas na boses ng HR manager nilang si Mira ang nadinig ni Amara nang pabalik na siya sa desk niya, matapos pumunta sa restroom."Ma'am, nandito po ako!" mabilis niyang sagot at itinaas pa ang kamay."Mag-impake ka ng gamit mo at pumunta ka agad sa opisina ng CEO," utos ni Mira.Naupo siya sa desk niya at sunod-sunod na tumungo. "Opo, ma'am." "Ngayon na! Huwag mong paghintayin si boss!" mariing sabi ni Mira. "Ang dinig ko ay hindi masama raw yun magalit!"Hindi na nag-atubili si Amara. Dali-dali siyang tumayo at kinuha ang mga gamit niya. Sampung minuto ang nakalipas, nasa top floor na siya, bitbit ang ilang gamit.Maganda naman ang takbo ng kumpanya na pinapasukan niya, maganda rin ang schedule para sa isang single working mother na kagaya niya na mag-isang kumakayod para itaguyod at bigyan ng magandang buhay ang anak niya.Hindi niya kayang mabigyan ng buo at masayang pamilya ang anak niya kaya sa pagmamahal at materyal na bagay na lamang siya bumabawi r

    Last Updated : 2025-03-22
  • The CEO And His Stubborn Obsession    Chapter 2

    Four years ago.Nanginginig ang mga kamay ni Amara habang nakatingin sa mga piling panauhin sa deck ng yate—mga elite, makapangyarihan, at mayayamang tao. They whispered in low voices, laughing softly, clinking their glasses inelegant toasts.Ganito ang layo ng mundo ng mahirap sa mayaman. Walang patas sa buhay. Katulad ngayon, wala siyang magawa kundi ipagkaloob ang sarili para lang isalba ang bahay na meron sila."Sumunod ka sa akin," utos ng assistant ni Madam Alwina, ang babaeng may ari ng bar, at nangako sa kanya na makakakuha siya ng malaking pera.Ipinikit ni Amara ang kanyang mga mata at huminga nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili."Tandaan mo ang mga ibinilin ni Madam sayo, Amara. Ayaw niya ng kahit anong gulo. Huwag mo rin siya ipahiya."Amara nodded, her mind racing to recall the forbidden rules."Pagkatapos niyo mamaya ay inumin mo itong tableta. Iyan ang magsisilbing protekson mo."Mahinang tango lang ang isinagot ni Amara at kinuha ang maliit na parang gamot at in

    Last Updated : 2025-03-22
  • The CEO And His Stubborn Obsession    Chapter 3

    "Ate, karapatan ni Cassian malaman ang totoo. Tanggapin man niya ang anak mo o hindi, ang mahalaga, wala kang pagsisisihan kapag namulat na at nagkaisip si Josh, at magtanong sayo tungkol sa ama niya."Hindi agad nakasagot si Amara sa sinabi ng kapatid niya. Itinakwil man siya ng mga magulang nila ay hindi naman naputol ang koneksyon niya sa mga kapatid niya. Dalawang beses sa isang buwan ay dumadalaw ito sa kanila ng anak niya."At ikaw na rin naman ang nagsabi, wala pa siyang asawa. May malaki ang chance na mabuo ang pamilya niyo.""Hindi ko sinabi na wala pa siyang asawa. Ang sabi ko, wala pa akong naririnig na may asawa siya," pagtatama niya sa kapatid.Pero hindi naman siguro siya hahalikan ni Cassian kung talagang kasal na ang lalaking yun, di ba?Hindi na talaga alam ni Amara ang gagawin at kung paano ito kakayanin na harapin, bukas at sa araw-araw na papasok siya sa kumpanya.Kinabukasan ay malaki ang eyebag niya sa magkabilang mata. Wala siyang maayos na tulog."Mommy, can we

    Last Updated : 2025-03-22

Latest chapter

  • The CEO And His Stubborn Obsession    Chapter 4

    "Here's the report you're looking for, sir."Inilapag ni Amara ang apat na folder sa lamesa ni Cassian nang hindi ito tinitingnan. Diretsong nakatutok ang paningin niya sa mesa, pilit na nilalabanan ang kaba sa dibdib.Aalis na sana siya, pero bago pa siya makalayo, biglang hinila ni Cassian ang kamay niya. Nawalan siya ng balanse at napaupo sa kandungan nito.Napasinghap siya, agad na tumingin sa pintuan, natatakot na baka may biglang pumasok—tulad kanina."You're distant again," bulong ni Cassian, nakasandal ang ulo sa dibdib niya. "Is this about Samantha?"Ramdam ni Amara ang init ng hininga nito sa kanyang leeg, dahilan para bumilis ang tibok ng kanyang puso.Mabilis niyang itinulak si Cassian at agad na tumayo. “No, sir. Tama naman siya. Magiging boss ko rin siya kapag ikinasal kayo—”"Tell me you don't want me to marry her, and I'll cancel our engagement."Napatda si Amara. Napatingin siya kay Cassian, hindi makapaniwala sa sinabi nito.“Sir…” bumukas ang bibig niya, pero walang

  • The CEO And His Stubborn Obsession    Chapter 3

    "Ate, karapatan ni Cassian malaman ang totoo. Tanggapin man niya ang anak mo o hindi, ang mahalaga, wala kang pagsisisihan kapag namulat na at nagkaisip si Josh, at magtanong sayo tungkol sa ama niya."Hindi agad nakasagot si Amara sa sinabi ng kapatid niya. Itinakwil man siya ng mga magulang nila ay hindi naman naputol ang koneksyon niya sa mga kapatid niya. Dalawang beses sa isang buwan ay dumadalaw ito sa kanila ng anak niya."At ikaw na rin naman ang nagsabi, wala pa siyang asawa. May malaki ang chance na mabuo ang pamilya niyo.""Hindi ko sinabi na wala pa siyang asawa. Ang sabi ko, wala pa akong naririnig na may asawa siya," pagtatama niya sa kapatid.Pero hindi naman siguro siya hahalikan ni Cassian kung talagang kasal na ang lalaking yun, di ba?Hindi na talaga alam ni Amara ang gagawin at kung paano ito kakayanin na harapin, bukas at sa araw-araw na papasok siya sa kumpanya.Kinabukasan ay malaki ang eyebag niya sa magkabilang mata. Wala siyang maayos na tulog."Mommy, can we

  • The CEO And His Stubborn Obsession    Chapter 2

    Four years ago.Nanginginig ang mga kamay ni Amara habang nakatingin sa mga piling panauhin sa deck ng yate—mga elite, makapangyarihan, at mayayamang tao. They whispered in low voices, laughing softly, clinking their glasses inelegant toasts.Ganito ang layo ng mundo ng mahirap sa mayaman. Walang patas sa buhay. Katulad ngayon, wala siyang magawa kundi ipagkaloob ang sarili para lang isalba ang bahay na meron sila."Sumunod ka sa akin," utos ng assistant ni Madam Alwina, ang babaeng may ari ng bar, at nangako sa kanya na makakakuha siya ng malaking pera.Ipinikit ni Amara ang kanyang mga mata at huminga nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili."Tandaan mo ang mga ibinilin ni Madam sayo, Amara. Ayaw niya ng kahit anong gulo. Huwag mo rin siya ipahiya."Amara nodded, her mind racing to recall the forbidden rules."Pagkatapos niyo mamaya ay inumin mo itong tableta. Iyan ang magsisilbing protekson mo."Mahinang tango lang ang isinagot ni Amara at kinuha ang maliit na parang gamot at in

  • The CEO And His Stubborn Obsession    Chapter 1

    "Amara? Nasaan si Amara?" malakas na boses ng HR manager nilang si Mira ang nadinig ni Amara nang pabalik na siya sa desk niya, matapos pumunta sa restroom."Ma'am, nandito po ako!" mabilis niyang sagot at itinaas pa ang kamay."Mag-impake ka ng gamit mo at pumunta ka agad sa opisina ng CEO," utos ni Mira.Naupo siya sa desk niya at sunod-sunod na tumungo. "Opo, ma'am." "Ngayon na! Huwag mong paghintayin si boss!" mariing sabi ni Mira. "Ang dinig ko ay hindi masama raw yun magalit!"Hindi na nag-atubili si Amara. Dali-dali siyang tumayo at kinuha ang mga gamit niya. Sampung minuto ang nakalipas, nasa top floor na siya, bitbit ang ilang gamit.Maganda naman ang takbo ng kumpanya na pinapasukan niya, maganda rin ang schedule para sa isang single working mother na kagaya niya na mag-isang kumakayod para itaguyod at bigyan ng magandang buhay ang anak niya.Hindi niya kayang mabigyan ng buo at masayang pamilya ang anak niya kaya sa pagmamahal at materyal na bagay na lamang siya bumabawi r

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status