Four years ago.
Nanginginig ang mga kamay ni Amara habang nakatingin sa mga piling panauhin sa deck ng yate—mga elite, makapangyarihan, at mayayamang tao. They whispered in low voices, laughing softly, clinking their glasses inelegant toasts.
Ganito ang layo ng mundo ng mahirap sa mayaman. Walang patas sa buhay. Katulad ngayon, wala siyang magawa kundi ipagkaloob ang sarili para lang isalba ang bahay na meron sila.
"Sumunod ka sa akin," utos ng assistant ni Madam Alwina, ang babaeng may ari ng bar, at nangako sa kanya na makakakuha siya ng malaking pera.
Ipinikit ni Amara ang kanyang mga mata at huminga nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili.
"Tandaan mo ang mga ibinilin ni Madam sayo, Amara. Ayaw niya ng kahit anong gulo. Huwag mo rin siya ipahiya."
Amara nodded, her mind racing to recall the forbidden rules.
"Pagkatapos niyo mamaya ay inumin mo itong tableta. Iyan ang magsisilbing protekson mo."
Mahinang tango lang ang isinagot ni Amara at kinuha ang maliit na parang gamot at inilagay iyon purse niya.
Hanggang sa marating nila ang isang elevator at mabilis silang umangat sa ikaapat na palapag.
Pagbukas ng pinto, lumabas sila sa isang tahimik na pasilyo. Ang nakakabinging katahimikan ay nagpadagdag sa kaba niya.
Maya-maya pa, huminto na sila sa isang pinto.
"Pumasok ka na. Naghihintay na siya sayo." Matapos sabihin iyon ay iniwan na siya ng assistant ni Madam Alwina.
Lumunok siya at ahan-dahan niyang iniangat ang kamay at kumatok sa pinto.
Pagkalipas ng ilang segundo, bumukas ito nang marahan.
Pinilit niyang ipasok ang kanyang mga paa sa loob. At nang tuluyan nang sumara ang pinto sa likuran niya, parang may bumagsak na bakal sa kanyang dibdib.
Madilim ang loob ng kwarto, tanging ang mahihinang ilaw mula sa lampshade ang nagbibigay ng liwanag. Mamahaling alak ang bumungad sa kanya, kasabay ng preskong halimuyak ng dagat na pumapasok sa bahagyang nakabukas na bintana.
Isang lalaki ang nakatayo sa tabi ng bar counter, hawak ang isang basong may amber-colored na likido. Matangkad ito, malapad ang balikat, at nakasuot ng itim na dress shirt na nakabukas ang ilang butones sa dibdib.
"You're finally here," malamig ang tono ng boses nito habang iniangat ang baso sa labi. "I've been waiting for you."
Lunok-laway si Amara. Halos hindi niya maigalaw ang mga paa niya.
"I expected someone… different," wika nito, tinitigan siya mula ulo hanggang paa. "You're quite the surprise."
Napakuyom siya ng palad, pilit pinapatibay ang loob. Hindi niya inasahan na ganito kalakas ang presensiya ng lalaking ito.
"Come closer," mahinang utos nito.
Dahan-dahan siyang lumapit, pero hindi niya magawang tingnan ito nang diretso.
"Are you nervous?"
Umiling siya.
"You're lying."
Itinaas nito ang kamay at inilagay sa kanyang baba, marahang itinaas iyon para mapilitan siyang tumingin dito. Maganda ang mukha ng lalaki—matangos ang ilong, matalim ang mga mata, at may bahid ng amusement sa kanyang labi.
"I won’t hurt you," bulong nito, hinahaplos ang gilid ng kanyang pisngi. "Unless, of course, you want me to."
Napasinghap si Amara. Hindi niya alam kung ano ang tinutukoy nito, ang mga salita ba o ang paraan ng pagkakabigkas nito?
"Relax." Dahan-dahang bumaba ang kamay nito, hinaplos ang kanyang braso hanggang sa mahawakan ang kanyang kamay. "Just follow my lead."
Hinila siya nito palapit, at bago pa siya makapalag, naramdaman niya na ang mainit nitong hininga sa kanyang balat.
"Tell me," bulong nito sa kanyang tainga, malalim at mabagal ang tono. "Have you ever been touched like this before?"
Napapikit siya nang marahang dumaan ang mga daliri nito sa kanyang balikat, pababa sa kanyang braso, na parang sinusukat ang bawat pulgada ng kanyang balat.
"Hmm… I like how you tremble," anitong may bahagyang tawa sa boses. "Are you afraid?"
Hindi siya sumagot. Hindi niya alam.
"I want to hear you say it," anito, mas lumapit pa. "Do I scare you, or do I excite you?"
Napalunok siya. Hindi niya alam kung paano sasagutin iyon. Pero ang katawan niya—ang mainit na pintig sa ilalim ng kanyang balat... ang nagsasabi ng sagot.
"Both," bulong niya.
"Good." May kung anong kuryente sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya, isang bagay na nagdulot ng hindi maipaliwanag na kiliti sa kanyang sikmura. "Then let me show you what it feels like to lose control."
Hindi na siya nakapag-isip pa. Isang iglap lang, naramdaman na niya ang labi nito sa kanya—mainit, at mapanuyo.
Masakit ang buong katawan ni Amara nang magising siya. Napakurap siya, pilit inaalala kung nasaan siya.
Napasinghap siya at agad na bumangon, pilit kinakalma ang sarili. Kailangan niyang umalis bago pa bumalik ang lalaki.
Pero bago pa siya makakilos, bumukas ang pinto.
Napatigil siya.
Sa harapan niya, nakatayo ang lalaking mala Greek God ang mukha. Nakabukas ang unang dalawang butones ng puting polo nito, bahagyang gusot ang suot, at may hawak na dalawang sobre sa isang kamay. Sa kabila, may hawak itong baso ng tubig.
Nagtagpo ang kanilang mga mata.
"You're awake," anito, saka lumapit at inilapag ang baso sa maliit na mesa.
Hindi siya kumibo. Mas hinigpitan niya ang hawak sa kumot, itinago ang malamig niyang palad sa ilalim.
Tahimik na iniabot nito ang mga sobre.
"Take it. I doubled your payment, " anito, diretso ang tingin sa kanya.
Hindi niya ginalaw ang kamay niya. Hindi niya gustong kunin iyon sa harapan nito, lalo pa't dinagdagan pala nito ang bayad sa kanya.
Tila nagbago ang ekspresyon ng lalaki. Hindi niya alam kung naiinis ba ito o naiintriga.
"Ano ang pangalan mo?"
Saglit siyang nag-atubili bago sumagot. "Amara..."
"Cassian," sagot nito agad.
Kumunot ang noo niya.
"My name... it’s Cassian Montenegro," anitong tila binabasa ang kanyang reaksyon.
Nanatili siyang tahimik.
Muling bumagsak ang tingin nito sa sobre. "Take it, Amara."
Napalunok siya.
Pero bago pa niya maisip kung dapat ba niyang kunin iyon, muling nagsalita si Cassian.
"I have a boat," anito, saka sumandal sa gilid ng mesa, tinitigan siya nang diretso. "I'm heading to the next island. You should come with me."
Napakurap siya.
"Ayaw mo?" tanong nito, bahagyang nakangiti. "I need a company."
Hindi niya alam kung anong isasagot. Hindi niya inasahan na pagkatapos ng lahat ng nangyari kagabi, aayain siya nitong mamasyal.
"I... I just need to get dressed," sagot niya sa huli.
Tumango si Cassian, tila walang dudang tutuparin niya ang sinabi niya. "I'll wait for you downstairs. We’ll have breakfast first."
Pagkatapos ay lumabas ito ng kwarto, iniwang nakatulala si Amara.
Saglit niyang pinagmasdan ang dalawang sobre sa kama bago mabilis na bumangon at nagbihis.
Pero hindi para bumaba.
Hindi na siya maaaring manatili rito.
Iyon ang utos ni Madam Alwina—pagkagising niya, kailangan niyang umalis.
Hinila niya ang bag, lumabas ng kwarto, at hindi dumaan sa harapan. Lumiko siya sa likuran ng yate, hinanap ang daan pababa. Hindi na muling lumingon pa sa likod niya.
Naabutan ni Amara ang kanyang ina niya, halatang stress na. At ang kanyang ama naman na nasa wheel chair ay nakahawak sa sintido.
"Wala na tayong magagawa kundi iwanan ang bahay. Tanggapin na lang natin," sabi ng kanyang ama.
Mabilis siyang lumapit sa mga magulang niya at inabot ang dalawang sobra na naglalaman ng pera. "Nakahanap na ako ng pera. Hindi tayo aalis sa bahay na ito, Pa."
"Saan ka... kumuha ng ganito kalaking pera?" gulat na tanong ng kanyang ama, matapos makita ang laman ng dalawang sobre.
"Pinautang po ako ng boss ko sa fried chicken store," sagot niya, pilit pinapanatili ang kalmadong boses. "Hulugan naman po iyon, kaya mababayaran ko paunti-unti."
Walang alinlangan na naniwala ang kanyang mga magulang. Kitang-kita sa kanilang mga mukha ang tuwa at ginhawa. Ang kanyang ina ay napabuntong-hininga ng maluwag, at ang kanyang ama ay tumango-tango, tila nabawasan ng bigat sa dibdib.
"Salamat sa Diyos, Amara," sabi ng kanyang ina habang hinahaplos ang kanyang kamay. "Hindi na tayo mapapalayas dito sa bahay."
Para kay Amara, iyon na sana ang pagtatapos ng bangungot. Halos isang buwan na rin kasi ang lumipas. Akala niya, magiging maayos na ang lahat...
Sa gitna ng kanilang pagkain, bigla niyang naramdaman ang pagsusuka. Mabilis siyang tumakbo sa banyo, ni hindi na nagawang magpaalam.
"Amara!" tawag ng kanyang ina bago sumunod sa kanya.
Pagdating sa banyo ay hinagod nito ang kanyang likod habang patuloy siyang sumusuka sa lababo.
"Anak, anong problema? Nilalagnat ka ba?" nag-aalalang tanong nito.
Halos dalawang linggo na siyang hindi maganda ang pakiramdam... madalas siyang nahihilo, naduduwal, at parang wala sa sarili.
"Baka naman buntis 'yan!" biro ng isa niyang kapatid mula sa hapag-kainan.
"Ano ba naman yang sinasabi mo, Annie!" agad na saway ng kanilang ama. "Paano siya mabubuntis, eh wala naman nobyo ang ate mo! Kung hindi siya nasa bahay, nasa school o trabaho lang siya!"
Biglang sumikip ang dibdib ni Amara.
She's studying nursing. Alam niya ang sintomas. Alam niya ang sagot.
Hindi... Hindi maaaring totoo.
"Kapag dumating ang sahod ko, ipapacheck-up kita," sabi ng kanyang ina. "Baka may sakit ka na—"
Mabilis niyang hinawakan ang kamay ng kanyang ina, nanginginig. Napahagulhol siya, hindi na kinaya ang bigat ng kanyang emosyon.
"Sorry... sorry po, Ma..." sunod-sunod niyang pag-iyak. "Sorry, Pa..."
Nagkatinginan ang kanyang mga magulang, hindi alam kung ano ang nangyayari. Mahinang tinapik ng kanyang ina ang kanyang likod, pilit siyang pinapakalma.
"Ano'ng problema, anak? Sabihin mo sa amin."
Napapikit siya nang mariin.
At sa pagitan ng kanyang hikbi, doon na niya sinabi ang totoo. Kung saan talaga nanggaling ang perang iyon.
Nagpanting ang tenga ng kanyang ama. Hindi ito nagsalita ng kahit ano sa loob ng ilang segundo, pero ramdam ni Amara ang galit na unti-unting bumalot sa katawan nito.
Hanggang sa tuluyang sumabog ang boses nito.
"Umalis ka."
Parang yelo ang dugong dumaloy sa kanyang katawan.
"Pa..." mahina niyang tawag, halos hindi makapaniwala.
"Umalis ka sa pamamahay na ito!" sigaw ng kanyang ama, galit na galit. "Wala akong pinalaking anak na ganyan!"
Wala siyang nagawa nang hatakin siya ng kanyang ama palabas ng bahay. Wala siyang nagawa nang tumulo ang luha ng kanyang ina, ni hindi man lang siya nagawang ipagtanggol. Wala siyang nagawa nang tuluyang sumara ang pinto sa harapan niya.
At sa gabing iyon, mag-isa siyang naglakad sa kalsada, walang direksyon, walang matatakbuhan.
"Mommy?"
Naputol ang malalim na pag-iisip ni Amara nang marinig ang maliit na tinig ng kanyang anak. Napatingin siya pababa at nakita ang inosenteng mukha ng bata, nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya.
"Are you crying?" tanong nito, puno ng pag-aalala.
Mabilis niyang pinahid ang luhang hindi niya namalayang pumatak sa kanyang pisngi. Pilit siyang ngumiti at umiling. "Of course not, baby. Mommy's just thinking."
Hindi pa rin kumbinsido ang bata, pero hindi na ito nagtanong pa. Hinila niya ito palapit at pinaupo sa kanyang hita, hinahaplos ang malambot nitong buhok para pakalmahin ang sariling damdamin.
She couldn't let herself break. Not now.
Lalo na ngayong si Cassian na ang kanyang boss.
At wala itong balak na pakawalan siya.
Alam niyang hindi magtatagal, malalaman nito ang tungkol sa anak nila.
Ano ang gagawin niya?
Sasabihin ba niya ang totoo? Bibigyan ba niya ang kanyang anak ng pamilyang matagal na nitong nararapat?
"Ate, karapatan ni Cassian malaman ang totoo. Tanggapin man niya ang anak mo o hindi, ang mahalaga, wala kang pagsisisihan kapag namulat na at nagkaisip si Josh, at magtanong sayo tungkol sa ama niya."Hindi agad nakasagot si Amara sa sinabi ng kapatid niya. Itinakwil man siya ng mga magulang nila ay hindi naman naputol ang koneksyon niya sa mga kapatid niya. Dalawang beses sa isang buwan ay dumadalaw ito sa kanila ng anak niya."At ikaw na rin naman ang nagsabi, wala pa siyang asawa. May malaki ang chance na mabuo ang pamilya niyo.""Hindi ko sinabi na wala pa siyang asawa. Ang sabi ko, wala pa akong naririnig na may asawa siya," pagtatama niya sa kapatid.Pero hindi naman siguro siya hahalikan ni Cassian kung talagang kasal na ang lalaking yun, di ba?Hindi na talaga alam ni Amara ang gagawin at kung paano ito kakayanin na harapin, bukas at sa araw-araw na papasok siya sa kumpanya.Kinabukasan ay malaki ang eyebag niya sa magkabilang mata. Wala siyang maayos na tulog."Mommy, can we
"Here's the report you're looking for, sir."Inilapag ni Amara ang apat na folder sa lamesa ni Cassian nang hindi ito tinitingnan. Diretsong nakatutok ang paningin niya sa mesa, pilit na nilalabanan ang kaba sa dibdib.Aalis na sana siya, pero bago pa siya makalayo, biglang hinila ni Cassian ang kamay niya. Nawalan siya ng balanse at napaupo sa kandungan nito.Napasinghap siya, agad na tumingin sa pintuan, natatakot na baka may biglang pumasok—tulad kanina."You're distant again," bulong ni Cassian, nakasandal ang ulo sa dibdib niya. "Is this about Samantha?"Ramdam ni Amara ang init ng hininga nito sa kanyang leeg, dahilan para bumilis ang tibok ng kanyang puso.Mabilis niyang itinulak si Cassian at agad na tumayo. “No, sir. Tama naman siya. Magiging boss ko rin siya kapag ikinasal kayo—”"Tell me you don't want me to marry her, and I'll cancel our engagement."Napatda si Amara. Napatingin siya kay Cassian, hindi makapaniwala sa sinabi nito.“Sir…” bumukas ang bibig niya, pero walang
"Amara? Nasaan si Amara?" malakas na boses ng HR manager nilang si Mira ang nadinig ni Amara nang pabalik na siya sa desk niya, matapos pumunta sa restroom."Ma'am, nandito po ako!" mabilis niyang sagot at itinaas pa ang kamay."Mag-impake ka ng gamit mo at pumunta ka agad sa opisina ng CEO," utos ni Mira.Naupo siya sa desk niya at sunod-sunod na tumungo. "Opo, ma'am." "Ngayon na! Huwag mong paghintayin si boss!" mariing sabi ni Mira. "Ang dinig ko ay hindi masama raw yun magalit!"Hindi na nag-atubili si Amara. Dali-dali siyang tumayo at kinuha ang mga gamit niya. Sampung minuto ang nakalipas, nasa top floor na siya, bitbit ang ilang gamit.Maganda naman ang takbo ng kumpanya na pinapasukan niya, maganda rin ang schedule para sa isang single working mother na kagaya niya na mag-isang kumakayod para itaguyod at bigyan ng magandang buhay ang anak niya.Hindi niya kayang mabigyan ng buo at masayang pamilya ang anak niya kaya sa pagmamahal at materyal na bagay na lamang siya bumabawi r

Four years ago.Nanginginig ang mga kamay ni Amara habang nakatingin sa mga piling panauhin sa deck ng yate—mga elite, makapangyarihan, at mayayamang tao. They whispered in low voices, laughing softly, clinking their glasses inelegant toasts.Ganito ang layo ng mundo ng mahirap sa mayaman. Walang patas sa buhay. Katulad ngayon, wala siyang magawa kundi ipagkaloob ang sarili para lang isalba ang bahay na meron sila."Sumunod ka sa akin," utos ng assistant ni Madam Alwina, ang babaeng may ari ng bar, at nangako sa kanya na makakakuha siya ng malaking pera.Ipinikit ni Amara ang kanyang mga mata at huminga nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili."Tandaan mo ang mga ibinilin ni Madam sayo, Amara. Ayaw niya ng kahit anong gulo. Huwag mo rin siya ipahiya."Amara nodded, her mind racing to recall the forbidden rules."Pagkatapos niyo mamaya ay inumin mo itong tableta. Iyan ang magsisilbing protekson mo."Mahinang tango lang ang isinagot ni Amara at kinuha ang maliit na parang gamot at in