"Ate, karapatan ni Cassian malaman ang totoo. Tanggapin man niya ang anak mo o hindi, ang mahalaga, wala kang pagsisisihan kapag namulat na at nagkaisip si Josh, at magtanong sayo tungkol sa ama niya."
Hindi agad nakasagot si Amara sa sinabi ng kapatid niya. Itinakwil man siya ng mga magulang nila ay hindi naman naputol ang koneksyon niya sa mga kapatid niya. Dalawang beses sa isang buwan ay dumadalaw ito sa kanila ng anak niya.
"At ikaw na rin naman ang nagsabi, wala pa siyang asawa. May malaki ang chance na mabuo ang pamilya niyo."
"Hindi ko sinabi na wala pa siyang asawa. Ang sabi ko, wala pa akong naririnig na may asawa siya," pagtatama niya sa kapatid.
Pero hindi naman siguro siya hahalikan ni Cassian kung talagang kasal na ang lalaking yun, di ba?
Hindi na talaga alam ni Amara ang gagawin at kung paano ito kakayanin na harapin, bukas at sa araw-araw na papasok siya sa kumpanya.
Kinabukasan ay malaki ang eyebag niya sa magkabilang mata. Wala siyang maayos na tulog.
"Mommy, can we go to the park later?" tanong ni Josh, habang sinusubukan niyang abutin ang kwelyo ng kanyang polo habang binibihisan siya ni Amara.
"Kapag maaga akong nakauwi, pupunta tayo sa park," sagot niya, inaayos ang butones ng suot ng anak. "Kapag nalate ako, si Tita Annie na lang ang magpapasyal sa'yo. Ayos lang ba 'yon, anak?"
Saglit na tumahimik si Josh, nakakunot ang noo habang iniisip ang sagot. "Hmm... okay," tugon nito sa wakas, pero may bahagyang panghihinayang sa boses niya. "But I want you to come, Mommy."
Napangiti si Amara at hinaplos ang pisngi ng anak. "I'll try my best, baby."
Matapos ang buong gabing pag-iisip, napagpasyahan na ni Amara na sabihin ang totoo kay Cassian. She'll talk him later—at kapag nasigurado na niyang wala pa nga itong asawa, she’ll open up the topic about their son. Tama ang kapatid niya. Mas mabuti na iyong wala siyang pagsisisihan sa bandang huli.
Pagdating niya sa opisina, napansin niyang bukas na ang pinto ng opisina ni Cassian. Naroon na ang gamit nito, ngunit wala siya sa loob. Inayos ni Amara ang medyo magulong lamesa nito, pinapantay ang mga papel at inaayos ang nakatumbang ballpen.
Biglang bumukas ang pinto ng private meeting room, at lumabas mula roon si Cassian. Napatingin ito sa kanya at naglakad, pero agad siyang umiwas ng tingin at nagkunwaring abala pa rin.
"G-Good... morning, sir," bati niya nang nakatalikod.
"Good morning," sagot nito, masyadong malapit sa kanya, sapat para maramdaman niya ang init ng hininga nito malapit sa kanyang tainga.
Humugot siya ng lakas ng loob at tumayo nang tuwid, saka humarap dito. "Pwede ba tayo... mag-usap mamaya pagkatapos ng trabaho? Importante."
Tinitigan siya ni Cassian, waring sinusuri ang mukha niya, para bang binabasa ang iniisip niya. Ilang segundo ang lumipas bago ito tumango.
"Bakit mamaya pa? Let's talk now," anito, naglakad pabalik sa swivel chair nito at umupo, saka nag-cross ng mga kamay sa ibabaw ng lamesa. "What are we going to talk about?"
May upuan sa harapan niya, pero nanatili siyang nakatayo, pilit pinapalakas ang loob niya.
"Yung nangyari noon..." Panimula niya, hindi magawang tingnan si Cassian nang diretso. "Pasensya ka na kung iniwan kita nang hindi nagpapaalam. Kinailangan ko lang talaga umalis at iwan ka ro’n."
Mahinang natawa si Cassian, pero may bahid ng pait ang tinig nito. "Yeah... I looked pathetic waiting for you downstairs back then," anito, bahagyang iniwas ang tingin at marahang tumango. "Actually, I don’t even know myself why I asked you to accompany me. I throw a girl away after I'm done using her… except you."
Nalaglag ang puso ni Amara sa narinig. Hindi niya alam kung paano siya tutugon. Kung matutuwa ba siya dahil iba siya sa lahat o mas masasaktan sa naging pagtrato nito sa ibang babae.
"After that night, I was haunted by you in my dreams," patuloy ni Cassian, ang tinig nito'y mababa pero puno ng emosyon. "Sa loob ng apat na taon, gabi-gabi kitang napapanaginipan. Ipinahanap kita. I wasted damn so much money para lang malaman kung nasaan ka, Amara."
Mabigat ang titig nito sa kanya, parang tinatagos ang bawat lihim na matagal na niyang inilihim. Nanginginig ang mga daliri niya habang mahigpit na hawak ang laylayan ng kanyang blouse.
"You should've stayed," iling nito, may bahagyang pagkadismaya sa boses. "Damn it, Amara. You should've stayed."
"I... I had my reason..." Nanginginig ang boses ni Amara, hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat.
Mabilis siyang lumunok, pilit pinipigilan ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. "Yung... yung may-ari ng bar kung saan ako lumapit para sa pera… ang sabi niya, kailangan ko nang umalis pagkagising ko ng umaga dahil... that's how a one-night stand works."
Nanatiling tahimik si Cassian, pero ang matalim nitong tingin ay ramdam niya, hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"Nagpapasalamat ako sa perang ibinigay mo," mahina niyang bulong, pinaglalaruan ang laylayan ng kanyang blouse. "Dahil doon, naisalba ko ang bahay namin… pero pagkatapos nun, nawala ang lahat sa akin. Hindi mo ako mahahanap, Cassian, kasi itinakwil ako ng mga magulang ko nang malaman nila ang ginawa ko at mabuntis—"
Hindi niya natapos ang sasabihin dahil biglang bumukas ang pintuan ng opisina. Pumasok ang isang babae, mahaba ang buhok, pulang-pula ang labi, at halos lumuwa ang dibdib sa suot nitong hapit na dress. Agad itong lumapit kay Cassian na para bang walang ibang taong naroon.
Napatingin si Cassian, salubong ang mga kilay. “What are you doing her, Samantha?"
Napangiti ang babae at walang paalam na hinawakan ang braso ni Cassian bago ito h******n sa pisngi. “Bakit, hindi ko na ba pwedeng dalawin ang fiancé ko? Hindi mo na ako dinadalaw kaya ako na ang pumunta rito. I missed you."
Napatigil si Amara. Tila biglang tumigil ang mundo niya.
Fiancé?
Nagtagpo ang tingin nila ni Cassian, at sa sandaling iyon, ramdam niya ang kakaibang tensyon sa pagitan nila. Parang may gustong sabihin si Cassian, pero hindi nito magawa.
Bumaling si Samantha kay Amara, saka siya sinukat mula ulo hanggang paa na tila sinusuri kung may karapatan siyang nariyan. “Is she your secretary?”
Hindi na hinintay ni Samantha ang sagot ni Cassian. "Hey, you. Get me some strawberry juice," utos nito kay Amara, walang pakialam kung may ginagawa siya.
Mabilis na inalis ni Cassian ang kamay ng babae na nakalingkis sa kanya. “You're not her boss, Samantha. Hindi mo siya pwedeng basta na lang utusan.”
Nag-irap si Samantha at nagtaas ng kilay. “Pero magiging boss niya rin naman ako kapag kinasal tayo. Pareho lang ‘yun.”
Hindi makapagsalita si Amara. Pilit niyang nilulon ang buhol sa kanyang lalamunan. Ayaw niyang ipakita na naapektuhan siya, kaya pinili niyang sagutin si Samantha ng mahinahon. “W-Wala kaming strawberry juice dito, Ma’am. Orange juice lang po.”
Sumimangot si Samantha. "So ako pa ang mag-a-adjust? Edi gawan mo ng paraan. Bumili ka sa labas.”
Hindi na sumagot si Amara. Tumalikod siya at naglakad palabas ng opisina. Hindi niya kinakaya ang pang-iinsulto ng babae, at higit sa lahat, ang katotohanang may iba nang babaeng nasa tabi ni Cassian.
"Amara..."
Tumawag si Cassian sa kanya, ngunit hindi siya lumingon. Hindi siya tumigil sa paglalakad.
Kung nalaman niya lang sana noon na hahanapin siya ni Cassian, na kahit papaano ay may halaga siya rito... pero huli na ang lahat.
Cassian is getting married.
"Here's the report you're looking for, sir."Inilapag ni Amara ang apat na folder sa lamesa ni Cassian nang hindi ito tinitingnan. Diretsong nakatutok ang paningin niya sa mesa, pilit na nilalabanan ang kaba sa dibdib.Aalis na sana siya, pero bago pa siya makalayo, biglang hinila ni Cassian ang kamay niya. Nawalan siya ng balanse at napaupo sa kandungan nito.Napasinghap siya, agad na tumingin sa pintuan, natatakot na baka may biglang pumasok—tulad kanina."You're distant again," bulong ni Cassian, nakasandal ang ulo sa dibdib niya. "Is this about Samantha?"Ramdam ni Amara ang init ng hininga nito sa kanyang leeg, dahilan para bumilis ang tibok ng kanyang puso.Mabilis niyang itinulak si Cassian at agad na tumayo. “No, sir. Tama naman siya. Magiging boss ko rin siya kapag ikinasal kayo—”"Tell me you don't want me to marry her, and I'll cancel our engagement."Napatda si Amara. Napatingin siya kay Cassian, hindi makapaniwala sa sinabi nito.“Sir…” bumukas ang bibig niya, pero walang
"Amara? Nasaan si Amara?" malakas na boses ng HR manager nilang si Mira ang nadinig ni Amara nang pabalik na siya sa desk niya, matapos pumunta sa restroom."Ma'am, nandito po ako!" mabilis niyang sagot at itinaas pa ang kamay."Mag-impake ka ng gamit mo at pumunta ka agad sa opisina ng CEO," utos ni Mira.Naupo siya sa desk niya at sunod-sunod na tumungo. "Opo, ma'am." "Ngayon na! Huwag mong paghintayin si boss!" mariing sabi ni Mira. "Ang dinig ko ay hindi masama raw yun magalit!"Hindi na nag-atubili si Amara. Dali-dali siyang tumayo at kinuha ang mga gamit niya. Sampung minuto ang nakalipas, nasa top floor na siya, bitbit ang ilang gamit.Maganda naman ang takbo ng kumpanya na pinapasukan niya, maganda rin ang schedule para sa isang single working mother na kagaya niya na mag-isang kumakayod para itaguyod at bigyan ng magandang buhay ang anak niya.Hindi niya kayang mabigyan ng buo at masayang pamilya ang anak niya kaya sa pagmamahal at materyal na bagay na lamang siya bumabawi r
Four years ago.Nanginginig ang mga kamay ni Amara habang nakatingin sa mga piling panauhin sa deck ng yate—mga elite, makapangyarihan, at mayayamang tao. They whispered in low voices, laughing softly, clinking their glasses inelegant toasts.Ganito ang layo ng mundo ng mahirap sa mayaman. Walang patas sa buhay. Katulad ngayon, wala siyang magawa kundi ipagkaloob ang sarili para lang isalba ang bahay na meron sila."Sumunod ka sa akin," utos ng assistant ni Madam Alwina, ang babaeng may ari ng bar, at nangako sa kanya na makakakuha siya ng malaking pera.Ipinikit ni Amara ang kanyang mga mata at huminga nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili."Tandaan mo ang mga ibinilin ni Madam sayo, Amara. Ayaw niya ng kahit anong gulo. Huwag mo rin siya ipahiya."Amara nodded, her mind racing to recall the forbidden rules."Pagkatapos niyo mamaya ay inumin mo itong tableta. Iyan ang magsisilbing protekson mo."Mahinang tango lang ang isinagot ni Amara at kinuha ang maliit na parang gamot at in

"Ate, karapatan ni Cassian malaman ang totoo. Tanggapin man niya ang anak mo o hindi, ang mahalaga, wala kang pagsisisihan kapag namulat na at nagkaisip si Josh, at magtanong sayo tungkol sa ama niya."Hindi agad nakasagot si Amara sa sinabi ng kapatid niya. Itinakwil man siya ng mga magulang nila ay hindi naman naputol ang koneksyon niya sa mga kapatid niya. Dalawang beses sa isang buwan ay dumadalaw ito sa kanila ng anak niya."At ikaw na rin naman ang nagsabi, wala pa siyang asawa. May malaki ang chance na mabuo ang pamilya niyo.""Hindi ko sinabi na wala pa siyang asawa. Ang sabi ko, wala pa akong naririnig na may asawa siya," pagtatama niya sa kapatid.Pero hindi naman siguro siya hahalikan ni Cassian kung talagang kasal na ang lalaking yun, di ba?Hindi na talaga alam ni Amara ang gagawin at kung paano ito kakayanin na harapin, bukas at sa araw-araw na papasok siya sa kumpanya.Kinabukasan ay malaki ang eyebag niya sa magkabilang mata. Wala siyang maayos na tulog."Mommy, can we