“OY,” untag ni Paris kay Theon. He only looked up at her with a knot on his forehead. Nilapag niya sa harap nito ang pinakamahal na bote ng wine nila. Medyo nag-alangan pa nga siyang damayan ito ngunit ayaw naman niyang mapahiya ang serbisyong ipinangako ng Kuya niya.
Umupo si Paris sa tapat ni Theon at pinagsalin ito ng wine. Hindi naman umimik ang binata at mukhang nasa malalim pa ring pag-iisip. “Ano na ngayon ang balak mo? If your Lola would come, we’ll continue what we have already prepared.” aniya ngunit hindi pa rin umiimik ang binata.
Nagpakawala ng buntong-hininga si Paris. “Alam mo, I can’t blame her. You’re a total asshole.”
Agad nagsalubong ang makakapal na kilay ni Theon. His sharp cruel eyes darted at her. Tamad na sinalubong niya ang tingin nito. “Stop acting like you understand anything, Paris,” he coldly said.
Her eyebrow shot up. “Alin doon ang hindi ko naintindihan? Iyong bandang pagte-take advantage mo sa feelings sayo ng isang babae just so you could please your grandmother? Or somewhere between hindi ka man lang nakonsensya sa gagawin mo knowing you can’t love her back? Alin ba doon Theon?” Hindi ito sumagot. “She deserves someone who can love her back, Theon. And clearly, hindi ikaw yon. You shouldn’t have lead her on, only to use her at your convenience. Tapos hindi ka man lang nag-sorry. You should be ashamed. Shame…” she said, disappointed at his actions.
“Keep your lectures to yourself. I don’t need them.” He took a sip of his wine, completely unaffected by her words. Ah, bakit ba nagsasama ang Kuya niya sa ganitong klaseng lalake? Matino naman ang Kuya Franz niya at mabait pa. Kapag napariwa ang Kuya niya, iisa lang ang sisihin niya talaga. Walang iba kundi ang lalaking nasa harap niya ngayon.
“You are hopeless, Theon. Magpahawa ka naman sa Kuya ko ng kaunting konsensya at kabaitan sa katawan.”
A mocking smile formed on his lips. “Don’t be too surprised, Paris. Ni hindi ka nga nahawaan niyon gayong magkapatid na kayo. Kami pa kayang hindi magkadugo?”
Nagpanting ang tenga ni Paris sa sinabi nito. This is why she didn’t like Theon even before. He’s always sarcastic and cold. Way, way cold for her liking.
“Alam mo hindi ko maintindihan ang mga babaeng nagkakagusto sayo. Ano bang nakita nila sayo? You are a tiyanak incarnate. Stop hiding behind that face.”
“Huwag mong isisi sa kanila kung wala kang taste sa mga lalaki.”
Nakabusangot na ang mukha ni Paris. Umangat naman ang gilid ng labi ni Theon na tila ba satisfied na satisfied sa pang-iinis sa kanya. She stood up. “Bahala ka na nga riyan. I’d love to see you be hit by your karma very soon.” Tumunog ang pinto, hudyat ng pagdating ng bisitang inaasahan ng binata. “Oh look, it’s here. Ang bilis hindi ba? Express padala.” She flashed him an evil smile. Nabura na ang ngiti ni Theon nang tingnan ang kararating na lola nito. Nilingon niya ang isang matandang babaeng kakikitaan ng ka-elegantehan na kasalukuyang iginagiya ng mga tauhan niya papunta sa nakahandang mesa.
“You’re good at breaking women’s heart, Theon. You’d even break your beloved Lola’s heart, tonight.” Napailing-iling si Paris. Masama na ang tinging ipinupukol ni Theon sa kanya.
ISA-ISANG inilabas ang mga pagkain at inihanda sa nakahandang mesa nina Theon at ng lola nito. Hindi kakikitaan ng kaba ang binata. He still looks cool and relaxed. Always in his dashing self, even in the middle of distress. Bilib na rin si Paris rito.
Mukhang maayos naman ang lahat. Nakita niya kung paano luminga-linga ang matanda sa paligid na tila ba may hinahanap. Nag-uusap ng masinsinan ang dalawa at walang ideya si Paris kung paano nilulusutan ni Theon ang problema nito. Kahit ang mga tauhan niya ay kuryusong nag-oobserba. Though, it seems that Theon was handling it well. Or that was she thought. If only, he didn’t look at her way and met her eyes.
Malabo na siguro ang mata ni Paris because it was as if she saw a spark of angst in them. A spark which immediately clouded by impassivity and frigidness again.
“Hindi ko alam kung kanino ako maaawa. Kay Madam na halatang excited makita iyong ipapakilala ni Sir Theon o kay Sir kasi parang ayaw talaga niyang ma-dissappoint si Madam.”
“Pwede naman sigurong humanap nalang si Sir ng bago at ipagpaliban nalang ang balak sana niya ngayon.”
“Oo nga. Pero tingin niyo ba ay kukunin pa rin ni Sir ang serbisyo ni Sir Franz dito sa susunod?”
Napalingon si Paris sa bulungan ng mga tauhan niya. Bigla-bigla ay nagsitahimik ang mga ito at mahinang humingi ng paumanhin. Hindi naman niya mapipigilan ang mga itong pag-usapan ang mga nangyari. Ngunit tila umahon ang pride sa kanyang d****b. Ayaw niyang mapahiya ang serbisyo ng Fou D’amour lalo pa at pag-aari iyon ng pamilya nila. Ngunit hindi naman nila hawak ang ganitong mga pagkakataon.
This is a fortuitous events.
A very unfortunate event… for Theon, of course.
Napabuntong-hininga si Paris. Nagpasya siyang tumulong na upang pagaanin ang sitwasyon kahit na kaunti lamang. Siya na mismo ang mag-aasikaso sa mga ito mula sa main dish and desserts. Isang malamyos na tugtog ng violin ang kasalukuyang tinutugtog sa maliit na stage. She also ordered that the piano be played to add a little life inside the restaurant.
Papalapit palang siya sa mga mesa nang mga ito ay naririnig na niya ang pinag-uusapan ng mag-Lola.
“I’m so sorry to hear that hijo. I’m sure anuman ang hindi niyo pinakaunawan ay mareresolba niyo din. Don’t be too hard on her. I understand if she felt so much pressure on her part. Whatever it is, huwag kang mapagod na suyuin siya, no matter how much you two argue. Sooner, you’ll be able to reconcile.”
Lumubog ang puso ni Paris sa tinig ng matandang umuunawa sa malamig pa sa yelong si Theon. Paano kaya nito naging apo ang batong si Theon?
Sumunod naman ang mga mata ni Theon kay Paris mula sa Lola nito. Hindi maintindihan ni Paris kung bakit tila may kumurot sa puso niya nang salubungin ang mga mata ng binata. Matagal na niyang ipinagtataka ito, sapagkat sa tuwing titingnan niya ang mga mata ni Theon sa malayo, sa tuwing ilalarawan niya ito, alam na alam niya at sigurado siya. He has the most indifferent sharp pair of eyes, she had ever seen. But whenever he’d stare at her like this, tila ba mali ang naging description niya rito. Duling ba siya?
Tumigil si Paris sa likod ng kinauupuan ng Lola ni Theon.
“Are you worried about me?” ani ng matandang nakatalikod pa rin sa kanya. Lumipat ang tingin ni Theon rito, bakas sa mukha ang pagseryoso. “Come on, hijo. Matanda na ako pero kaya ko pa namang maghintay. But of course, I wouldn’t lie to you. Alam mong matagal ko nang gusto sanang makitang may napupusuan ka na. Mapapalagay akong hindi ka nakulong sa alaala ng iyong ama. Naniniwala akong hindi ka katulad niya, apo. I am sure you know exactly how to love and take care of a woman. Your woman.”
Lumipat ang tingin ni Paris sa matanda. Mararamdaman ang lungkot sa tinig nito ang lungkot at pag-aalala. Biglang nginatngat ang puso niya nang simpatya. Ewan ba niya at parang siya pa ang nakokonsensya’t walang maipapakila si Theon rito. Sa dami ng babaeng naghahabol sa lalake, nagulat pa nga siya’t ngayon lang nito naisipang magpakilala ng babae sa pinakamamahal nitong abuela.
Mahinang tumikhim si Paris upang kunin ang atensyon ng dalawa. Maingat at maayos na inihanda nila ang pagkain sa mesa ng mga ito. Ngumiti sa kanya ang matanda. Lalo lamang lumambot ang puso ni Paris rito. The old woman’s eyes had the effect of the warmest embrace in a very cold night. Para bang sa isang iglap lahat ng bagay ay magagawa niya para lamang makita itong masaya.
“Please enjoy your stay, Madam. We are pleased to serve you,” she said.
“Thank you.”
Imbis na umalis para iwanan ang dalawa ay hindi kaagad nagawa ni Paris. Naiwan tuloy sa kanya ang tingin ng Lola ni Theon. Tila ba nararamdaman nito ang uneasiness niya. Nang magtagal pa siya ng isang minuto ay tuluyan na atang lumipad ang katinuan niya.
“Uh…” she trailed off. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Theon at sa Lola nito. Tila kahit si Theon ay nahihiwagaan sa inaakto niya.
“What is it miss…” Tiningnan ni Lola Celestina ang kanyang name tag. “Laurene.” calling her by her second name.
“I apologize for the intrusion, Madam. I haven’t properly introduced myself.” Nilingon niya si Theon. There was the faintest paint of confusion in his eyes. Ganoon din ang warning. Sa malamang ay iniisip nitong ilalaglag niya ito. Hindi naman sa ganoon pero parang ganon na nga.
Nang ilipat niya ang mga mata sa matanda ay kakikitaan na ng pagkalito at interes sa inaakto niya. Inayos niya ang pagkakatayo at inilahad ang kamay rito. “I’m Paris Laurene Hart, I am Fou D’amour’s assistant manager.” Hindi na niya muli pang nilingon si Theon. Lumunok siya at ipinagdasal na sana tama ang ginagawa.
“And your grandson’s girlfriend po.”
At the back of her mind, there’s a voice shouting at her that it was the dumbest idea. With the look of shock on the old woman’s face, mas nakumpirma niya ata iyon.
TAHIMIK silang nagkaharap-harap sa mesa. After that bold introduction she made, maayos naman siyang tinanggap ng ginang. Katabi niya si Theon habang kaharap naman nito ang Lola nito. Ni hindi magawang salubungin ni Paris ang mga nag-aabang na tingin ni Theon. He was asking for a damn explanation on what on earth she was doing.Sa gulat nga niya’y hindi naman itinanggi ni Theon ang mga sinabi niya. Ewan ba niya kung bakit nakikisakay sa kalokohan niya ang binata. Marahil ay nag-aalangan itong sirain ang kasiyahang naglalaro sa mukha ng Lola nito. She looked delighted and very much interested. Para bang may gusto pa itong itanong sa kanila ngunit pinipigilan lamang ang sariling maging matanong.Kaya naman heto sila sa sitwasyong ito. Naglilikot na ang isip ni Paris kung paano kukumbinsihin ang Lola Celestina na may relasyon sila ng apo nito. Kung mahirap magpanggap. Mas mahirap magpanggap nang walang napapag-usapan.“Pasensya na po kun
MAHIGPIT ang hawak ni Theon sa siko ni Paris habang iginigiya siya papasok sa kanyang condo unit. Matapos nga ang dinner, inihatid ng binata ang Lola nito. Hindi sila nakapag-usap nang dahil doon. Lingid sa kaalaman ni Paris ay binalikan pa siya ng binata sa restaurant. Hinintay nitong matapos sila sa paglilipit at paglilinis roon.And here she thought, she’s done for the day. Hindi pa pala.Seryoso na ang mukha ni Theon nang ideklara nitong ihahatid siya nito pauwi. Hindi na rin siya nakipag-away lalo pa’t pagod siya at alam niyang may dapat silang pag-usapan. Sa buong byahe ay hindi sila nag-iimikan na para bang pareho lamang silang nagpapakiramdaman sa isa’t isa.Tumigil sila sa condo unit niya. Tinapunan pa ni Paris ng tingin ang binata bago iyon binuksan. Before she could even open the door, hinarap na niya ito at nginitian.“Salamat sa paghatid. Goodnight.”His face remained blank. “Cut the crap, Paris. Let
IGINALA ni Paris ang mga mata sa kabuuan ng restaurant. The tables are covered with linen cloths and napkins with almost every seats already taken. The classical music moderately grazed the atmosphere. Fresh flowers and low lighting setting up a nice and romantic air. Abala ang mga servers sa pag-accommodate ng bawat mesa. Sunod na pinuntahan ni Paris ang kusina kung saan agad na bumungad sa kanya ang amoy ng iba’t ibang pampalasa, ang bahagyang usok ng pagluluto at ang abalang mga station chefs, kitchen assistants and dishwasher. Sa isang gilid ay kausap ng isang junior chef ang dalawang servers tungkol sa tasting menu. Lumapit sa kanya ang senior chef na si Max nang makita siyang nagmamasid. “How’s the inventory?” she asked. “We have enough stock for the servings until next week. Prior orders to replenish the storage were placed a month ago. Delivery should arrive today but we’ve noted unexpected shipping delay from the suppliers.”
MAHIGIT isa’t kalahating oras ang naging byahe nila sa eroplano. Isang itim na van ang naabutan nilang naghihintay sa kanilang pagdating. Tahimik sila pareho nang sumakay sa van. Bumabati ang driver na mukhang kilalang-kilala si Theon. Ngumiti lamang si Paris sa driver at tinuon ang atensyon sa labas ng sasakyan.Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa labas. Habang tumatagal ay lalong nananaig at kumakalat ang dilim sa langit na bahagyang napapawi lamang ng ilaw ng mga sasakyan at mga establisyemento.Mula sa pagmamasid sa labas ay napukaw ang atensyon ni Paris sa panaka-nakang tingin ng driver sa rearview. Para bang pinapakiramdaman silang nasa likuran. Nilingon niya si Theon na tahimik at abala sa pagtipa sa cellphone nito. He looked so tired and bored.Something clicked in Paris’ mind. Ang layo ng pagitan nila ni Theon at ni hindi man lang nag-uusap. Kung hindi pa sa radio na tumutugtog ay walang ibang maririnig sa loob ng sasakyan.
NANATILI ang matamis na ngiti sa mukha ni Paris habang iginagaya sila ng magiliw na matanda sa loob ng mansyon. The high ceiling, walls and windows finely decorated with long curtains screamed wealth and luxury. Ang mataas at mahabang hagdan na animo’y dyamante sa kintab. Ang buong kabahayan ay maliwanag dala ng naglalakihang chandelier. “Sakto lang ang dating ninyo. Dinner’s all prepared. Hindi ko alam kung anong gusto ni Laurene kaya’t nagpahanda na ako ng maraming putahe.” “Lola, you can call me Paris rin po. At kahit ano ay ayos lang po sa akin,” “Are you sure?” singit ni Theon. Pasimpleng sinamaan niya ito ng tingin. Ngumisi sa kanya ang binata. “Ano ba ang hindi mo kinakain, hija? I’ll take note of it. Lalo pa’t isang buwan kayong magbabakasyon ng apo ko rito.” May bahid ng pag-aalala ang tinig ni Lola Celestina. Ngumiti si Paris rito. “Nagbibiro lamang po si Theon, Lola. Anything is fine. Itong apo ninyo lang ka
“LOVE.” Ininguso ni Paris iyong nanahimik na serving platter ng isang ulam. “Paabot naman non o’.”Tila isang masunuring bata namang inabot nito ang platong naglalaman ng chicken stew. “Ah, gusto mo bang tikman ang chicken stew? Masarap iyan hija. Isa iyan sa pinagmamalaking lutuin ni Helme. Malambot ang karne at malinamnam naman ang kasamang inatsarang karot at kitsay." “Oo nga, Lola. Mukhang masarap,” aniya. Naglagay siya sa kanyang plato. Hindi natanggal ang ngiti sa labi ni Paris nang tusukin ng tinidor ang nakatagong okra sa gilid. Iniangat niya iyon at inilapit sa bibig ni Theon. “Ah Paris, hindi kumakain ng okra… si…” “Say ah, love,” she initiated in her most feminine voice. Tinitigan ni Theon ang okra na buong suyo niyang inaalok. Hinawakan niya ang baba ng binata. “Say ah, Theon.” Unti-unting umawang ang mga labi ni Theon. Atubili man ay tinanggap pa rin ang kalahating okra sa tinidor niy
THEsun is already shining bright outside. Sa maluwag na patio ay kasama ni Paris si Lola Celestina sa agahan. Paris settled with coffee and a sandwich. Kahit humupa na ang bigat ng sikmura, tingin niya’y hindi pa rin siya makakakain ng agahan. She opted for a sandwich instead so she can have breakfast with Lola Celestina, together in that bright morning. Umihip ang malamig na hangin. Kahit sa nakasisilaw na sikat ng araw ay hindi nakakapaso ang init. Hindi maitatanggi ang preskong hatid ng mga naglalakihang puno. “Hindi pa ba nakakabalik ang apo ko, Eyang?” tanong ng matanda sa dalagang naka-uniporme. Ito ang naghatid ng tubig sa mesa nila. Bata pa si Eyang na tingin niya’y naglalaro lamang ang edad sa disenuwebe hanggang bente uno. “Wala pa po, Madam,” mahinahong sagot ng dalaga. Lola Celestina turned to Paris, with an apologetic look. “Pasensya ka na sa apo ko, Paris. Dapat ay narito na siya upang sam
INILIBOT ni Paris ang paningin sa kabuuan ng restaurant na bahagi ng resort na pag-aari ng pamilya nila. Iniayos iyon at inihanda para sa isang mahalagang bisita at kaibigan pa ng kapatid niya. Ang bisitang iyon ay nirentahan ng isang buong gabi ang buong restaurant kaya naman naging abala ang lahat upang gawing maayos at espesyal ang kabuuan ng lugar.“Handa na ba ang lahat, Paris?” anang ng kapatid niya sa kabilang linya. Nasa Europe ang kapatid niya kasama ng asawa nito. Nasa honeymoon tour ang mga ito kaya si Paris ang naiwan roon upang i-take over ang resort pansamantala.“Oo naman, Kuya Franz. Ako na ang bahala. Sisiguraduhin kong magiging maayos ang okasyong ito para sa kaibigan mo.” aniya. Narinig pa niya ang buntong-hininga ng kapatid niyang si Franz.“Inaasahan ko iyan. Ipinagkatiwala pa naman sa akin ni Theon ang lugar ng paggaganapan ng mahalagang okasyong ito,” tukoy ni Franz sa kaibigan.T

“OY,” untag ni Paris kay Theon. He only looked up at her with a knot on his forehead. Nilapag niya sa harap nito ang pinakamahal na bote ng wine nila. Medyo nag-alangan pa nga siyang damayan ito ngunit ayaw naman niyang mapahiya ang serbisyong ipinangako ng Kuya niya.Umupo si Paris sa tapat ni Theon at pinagsalin ito ng wine. Hindi naman umimik ang binata at mukhang nasa malalim pa ring pag-iisip. “Ano na ngayon ang balak mo? If your Lola would come, we’ll continue what we have already prepared.” aniya ngunit hindi pa rin umiimik ang binata.Nagpakawala ng buntong-hininga si Paris. “Alam mo, I can’t blame her. You’re a total asshole.”Agad nagsalubong ang makakapal na kilay ni Theon. His sharp cruel eyes darted at her. Tamad na sinalubong niya ang tingin nito. “Stop acting like you understand anything, Paris,” he coldly said.Her eyebrow shot up. “Alin doon ang hindi