author-banner
June Arden
June Arden
Author

Novels by June Arden

The Breakup Formula (Tagalog)

The Breakup Formula (Tagalog)

Isang normal na gabi lang sana ang lahat kay Paris Laurene, kung hindi lamang niya nasaksihan ang tumataginting na pagkabigo ni Theon, sa isang dalagang balak nitong ipakilala bilang girlfriend sa abuela nito. Last minute nang bigla nalang umayaw ang dalagang bitbit ni Theon kaya’t naiwan ito habang di malaman kung paano haharapin ang parating na Lola. Well look at that, even the hot, rich and devilishly handsome Theonnius Naverra got dump in front of her very eyes! May pag-asa pa ang Earth! Hindi maatim ni Paris na hayaan si Theon na humarap nang bigo sa abuela nitong dumating sa naturang tagpuan. kahit pa kating-kati na ang dila niyang budburan ito ng pang-aasar. Ngunit dahil isa siyang mabait, maganda at binibining may busilak na kalooban, nagpakilala siya bilang girlfriend ni Theon. “Relax, Theon. Magbi-break din naman tayo.” Nakaisip na si Paris ng plano upang malinis na matakasan nilang dalawa ni Theon ang ginawa nilang pagpapanggap na magkasintahan. Iyon ay ang gumawa ng paraan upang magbreak sila nang hindi nagdududa at nabibigla si Lola Celestina. “We just need to follow the right breakup formula.” aniya. “What?” “Heated arguments plus jealousy and misunderstanding minus communication and time, idagdag pa ang mga babae mo. That will surely equal to break up.” Okay na sana lahat. Ang problema maling equation ata ang nasusunod ni Paris. Imbes kasi na magkalabuan lang sila ay nahuhulog pa siya sa binata! Oo nga pala, hindi siya magaling sa Math!
Read
Chapter: Chapter 9: Trace of the Past
THEsun is already shining bright outside. Sa maluwag na patio ay kasama ni Paris si Lola Celestina sa agahan. Paris settled with coffee and a sandwich. Kahit humupa na ang bigat ng sikmura, tingin niya’y hindi pa rin siya makakakain ng agahan. She opted for a sandwich instead so she can have breakfast with Lola Celestina, together in that bright morning. Umihip ang malamig na hangin. Kahit sa nakasisilaw na sikat ng araw ay hindi nakakapaso ang init. Hindi maitatanggi ang preskong hatid ng mga naglalakihang puno. “Hindi pa ba nakakabalik ang apo ko, Eyang?” tanong ng matanda sa dalagang naka-uniporme. Ito ang naghatid ng tubig sa mesa nila. Bata pa si Eyang na tingin niya’y naglalaro lamang ang edad sa disenuwebe hanggang bente uno. “Wala pa po, Madam,” mahinahong sagot ng dalaga. Lola Celestina turned to Paris, with an apologetic look. “Pasensya ka na sa apo ko, Paris. Dapat ay narito na siya upang sam
Last Updated: 2022-01-13
Chapter: Chapter 8: Upset Stomach
“LOVE.” Ininguso ni Paris iyong nanahimik na serving platter ng isang ulam. “Paabot naman non o’.”Tila isang masunuring bata namang inabot nito ang platong naglalaman ng chicken stew. “Ah, gusto mo bang tikman ang chicken stew? Masarap iyan hija. Isa iyan sa pinagmamalaking lutuin ni Helme. Malambot ang karne at malinamnam naman ang kasamang inatsarang karot at kitsay." “Oo nga, Lola. Mukhang masarap,” aniya. Naglagay siya sa kanyang plato. Hindi natanggal ang ngiti sa labi ni Paris nang tusukin ng tinidor ang nakatagong okra sa gilid. Iniangat niya iyon at inilapit sa bibig ni Theon. “Ah Paris, hindi kumakain ng okra… si…” “Say ah, love,” she initiated in her most feminine voice. Tinitigan ni Theon ang okra na buong suyo niyang inaalok. Hinawakan niya ang baba ng binata. “Say ah, Theon.” Unti-unting umawang ang mga labi ni Theon. Atubili man ay tinanggap pa rin ang kalahating okra sa tinidor niy
Last Updated: 2021-12-07
Chapter: Chapter 7: Adult
NANATILI ang matamis na ngiti sa mukha ni Paris habang iginagaya sila ng magiliw na matanda sa loob ng mansyon. The high ceiling, walls and windows finely decorated with long curtains screamed wealth and luxury. Ang mataas at mahabang hagdan na animo’y dyamante sa kintab. Ang buong kabahayan ay maliwanag dala ng naglalakihang chandelier. “Sakto lang ang dating ninyo. Dinner’s all prepared. Hindi ko alam kung anong gusto ni Laurene kaya’t nagpahanda na ako ng maraming putahe.” “Lola, you can call me Paris rin po. At kahit ano ay ayos lang po sa akin,” “Are you sure?” singit ni Theon. Pasimpleng sinamaan niya ito ng tingin. Ngumisi sa kanya ang binata. “Ano ba ang hindi mo kinakain, hija? I’ll take note of it. Lalo pa’t isang buwan kayong magbabakasyon ng apo ko rito.” May bahid ng pag-aalala ang tinig ni Lola Celestina. Ngumiti si Paris rito. “Nagbibiro lamang po si Theon, Lola. Anything is fine. Itong apo ninyo lang ka
Last Updated: 2021-12-07
Chapter: Chapter 6: Affectionate
MAHIGIT isa’t kalahating oras ang naging byahe nila sa eroplano. Isang itim na van ang naabutan nilang naghihintay sa kanilang pagdating. Tahimik sila pareho nang sumakay sa van. Bumabati ang driver na mukhang kilalang-kilala si Theon. Ngumiti lamang si Paris sa driver at tinuon ang atensyon sa labas ng sasakyan.Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa labas. Habang tumatagal ay lalong nananaig at kumakalat ang dilim sa langit na bahagyang napapawi lamang ng ilaw ng mga sasakyan at mga establisyemento.Mula sa pagmamasid sa labas ay napukaw ang atensyon ni Paris sa panaka-nakang tingin ng driver sa rearview. Para bang pinapakiramdaman silang nasa likuran. Nilingon niya si Theon na tahimik at abala sa pagtipa sa cellphone nito. He looked so tired and bored.Something clicked in Paris’ mind. Ang layo ng pagitan nila ni Theon at ni hindi man lang nag-uusap. Kung hindi pa sa radio na tumutugtog ay walang ibang maririnig sa loob ng sasakyan.
Last Updated: 2021-12-05
Chapter: Chapter 5: A Month
IGINALA ni Paris ang mga mata sa kabuuan ng restaurant. The tables are covered with linen cloths and napkins with almost every seats already taken. The classical music moderately grazed the atmosphere. Fresh flowers and low lighting setting up a nice and romantic air. Abala ang mga servers sa pag-accommodate ng bawat mesa. Sunod na pinuntahan ni Paris ang kusina kung saan agad na bumungad sa kanya ang amoy ng iba’t ibang pampalasa, ang bahagyang usok ng pagluluto at ang abalang mga station chefs, kitchen assistants and dishwasher. Sa isang gilid ay kausap ng isang junior chef ang dalawang servers tungkol sa tasting menu. Lumapit sa kanya ang senior chef na si Max nang makita siyang nagmamasid. “How’s the inventory?” she asked. “We have enough stock for the servings until next week. Prior orders to replenish the storage were placed a month ago. Delivery should arrive today but we’ve noted unexpected shipping delay from the suppliers.”
Last Updated: 2021-12-02
Chapter: Chapter 4: The Right Formula
MAHIGPIT ang hawak ni Theon sa siko ni Paris habang iginigiya siya papasok sa kanyang condo unit. Matapos nga ang dinner, inihatid ng binata ang Lola nito. Hindi sila nakapag-usap nang dahil doon. Lingid sa kaalaman ni Paris ay binalikan pa siya ng binata sa restaurant. Hinintay nitong matapos sila sa paglilipit at paglilinis roon.And here she thought, she’s done for the day. Hindi pa pala.Seryoso na ang mukha ni Theon nang ideklara nitong ihahatid siya nito pauwi. Hindi na rin siya nakipag-away lalo pa’t pagod siya at alam niyang may dapat silang pag-usapan. Sa buong byahe ay hindi sila nag-iimikan na para bang pareho lamang silang nagpapakiramdaman sa isa’t isa.Tumigil sila sa condo unit niya. Tinapunan pa ni Paris ng tingin ang binata bago iyon binuksan. Before she could even open the door, hinarap na niya ito at nginitian.“Salamat sa paghatid. Goodnight.”His face remained blank. “Cut the crap, Paris. Let
Last Updated: 2021-11-29
You may also like
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status