Hindi ko alam kung saang orphanage ako kaya hindi ko nasagot ang tanong ni Mr. Ochoa. Earlier, I saw how his face softened. Talagang gusto niyang malaman ang totoo. No'ng tinanong ko siya kung bakit niya gustong malaman ang orphanage na pinanggalingan ko, hindi niya ako sinagot. Sadyang gusto lang daw niyang malaman? I even asked where his daughter is, and he said that she is fine. Hindi niya sinabi kung nasaan ito.
Pumunta ako sa school dahil gusto kong makausap si Mrs. Erojo. Gusto kong malaman ang sagot sa tanong ni Mr. Ochoa. Hindi ko alam kung bakit pero nasasabik akong makilala ang tunay kong mga magulang.
"Di ba estudyante ka rito?" Tanong ng guard sa akin. Andito ako sa entrance at nagfi-fill in ng logbook. Matapos kong isulat doon ang name, age, address, contact number at purpose ay tiningnan ko si guard at nginitian.
"Opo. Noon." I smiled.
"Hala, nagdrop out ka? Sayang naman."
"Okay lang po. Pwede na po ba akong pumasok?"
"Uh, sige
Napatungo na lang ako habang tawa pa rin nang tawa sina Dustin at Felicity. Andito na kami sa loob ng opisina ni Mrs. Erojo at hinihintay na lang namin ang pagdating nito dahil may klase pa daw ito. Pero habang naghihintay dito ay puro na lang tawa ng dalawa ang naririnig ko. Parang gusto ko tuloy hagisan ng bomba ang naglalakihan nilang bibig, char."Hoy, tumigil nga kayo!" Pagpapatigil ko sa kanila pero sadyang ayaw nilang tumigil. Patuloy pa rin sila sa pagtawa."Sabing tumigil kayong dalawa e!!""Paano ba naman kasi, bakit kasi inakala mong girlfriend ako ni Arthur!! Like haler, kami na ni Dustin since senior high! Duh!" Ani Felicity."E bakit ba kasi feeling close ka kay Art e!!""Hala? Nagseselos ka na naman? Talagang ganito ako noh! Gusto ko kasing pagselosin itong boyfie kong tarantadu!" Nagulat na lang ako nang batukan ni Felicity si Dustin."Aray naman, babe! Ayan ka na naman sa pambabatok mo e!" Dustin pouted."Ikaw kasi! B
Naglakad siya palapit sa amin habang nakalagay ang kanyang mga kamay sa loob ng kanyang bulsa. Hindi ko alam kung bakit pero parang totoo ang sinasabi niya. I really am still in love with him, at iyon ang nakakainis. Apektado pa rin ako sa kanya."Ano, Ror? Natulala ka ba nang makita mo ako? Ibig sabihin lang niyan, mahal mo—" Hindi ko na siya pinatapos dahil agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at sinampal siya sa kanyang pisngi. I heard Felicity and Dustin gasped."Ang kapal ng mukha mo. Sa tingin mo ba mahal pa rin kita? No. Hindi na. Wag kang masyadong feeling diyan dahil nandidiri ako sa 'yo." I scoffed. Lalagpasan ko na sana siya para makaalis na ako dito. Babalikan ko na lang si Mrs. Erojo dito kapag hindi ko na nakikita ang pagmumukha ng lalaking ito."Wait." Bigla niya akong hinawakan sa braso dahilan para mapatigil ako. Tumigil lang ako pero hindi ko siya tiningnan. Naghihintay lang ako sa sasabihin niya para makaalis na rin ako dito."Kun
"Aurora?" Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Mr. Ochoa. Ilang araw na rin simula noong pumunta ako sa school, no'ng nakita ko sina Art. Pero talagang palagi kong napapansin na wala ako sa aking sarili."Po?""Alam mo kasi, sa sobra na pagma-mop mo, madudulas na ata kaming mga dumadaan." He chuckled as he said that. Agad ko rin namang tiningnan ang sahig na mina-mop ko at nakitang basang-basa na pala ito. I bit my lower lip in embarrassment habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa baba. Kinakabahan rin akong tumingin kay Sir dahil sa kapalpakang ginagawa ko."Sige, iha. Alis na ako. Basta mag-ingat ka ah? Baka kasi ikaw ang madulas diyan."Nakahinga ako nang maluwag nang makaalis na siya. I decided to take a small break. Napasandal ako sa semento dito at paulit-ulit na bumuntong-hininga sa tuwing naaalala ko ang lahat ng pinagdadaanan ko.Should I give Art a chance? Should I go visit Diego? Should I forgive Sebastian completely? S
"Sir? Pinatawag niyo raw po ako?" I asked Mr. Ochoa matapos kong buksan ang pinto dito sa opisina niya. Pinatawag daw kasi niya ako sabi no'ng isang employee na lumapit sa akin kanina habang ako ay nagma-mop."Oh, yes, Aurora. Take a seat." Tinuro niya ang upuan sa harapan niya kaya umupo kaya pumasok na rin ako nang tuluyan at umupo doon. I took a deep breath as I sat straight, waiting for him to speak."Narinig ko ang pinag-usapan ninyo ni... Mr. Archibald ba iyon?""Ah, si Diego po?""Yes, yes. That's him." Inayos niya ang mga gamit sa mesa niya habang kinakausap ako. "I heard about forgiveness."Napaiwas ako ng tingin. Nakakahiya ata na nalaman ni Mr. Ochoa ang tungkol sa problema ko. Hindi naman kasi dapat dinadala ang personal na problema sa trabaho. Baka nga ay ito pa ang magiging dahilan ng pagpapaalis sa akin ni Mr. Ochoa. Sana lang talaga ay hindi niya ako paalisin dito sa kompanya. Mahirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon. Wala pa n
"Hoy! Kailan ka pa andiyan? B-bakit ka ba kasi andiyan e!!" Nauutal kong sabi kay Sebastian na ngayon ay malapad ang ngisi sa labi. Mukhang nasisiyahan pa siya habang ako ay hindi na mapakali dito."Bakit mo ako hinahanap?""Bakit ka ba andiyan? All this time? Nasa likuran ka lang pala nitong sasakyan? Anong trip mo?" Badtrip kong sabi rito. Inilipat ko naman ang tingin kay Diego na itinaas-baba lang ang dalawang balikat."Plano niyo ito noh? Siguro sa tingin mo ay pinapatawad ko na ang lalaking pumatay kay Justin? Well, never!" Binuksan ko na ang pinto at lumabas. Nag-antay ako ng pampasaherong sasakyan na dadaan dito. Although, rare lang silang dumaan dito dahil hindi naman masyadong marami ang nakatira dito. Plus, puro mga mayayaman lang ang andito kaya malamang ay may mga sariling sasakyan ang mga iyon.Pansin kong lumabas pareho sina Diego at Sebastian mula sa kotse kaya nagsimula akong maglakad palayo sa kanila. Siguro ay maglalakad na lang ako hang
"Hoy, ano 'yon, ha? Kayo ah. Wala kayong respeto sa mga single." Ani Sebastian. I gulped. Bigla na lang akong nakaramdam ng pagkailang sa hindi malaman na dahilan. Malamang, sino ba ang hindi? I just called Diego as my babe?I suddenly felt the roughening of my skin. Hindi ko alam kung nandidiri ba ako o ewan. Why did I even blurted it out in the first place?"Rora, anong sinabi mo?" Tanong ni Diego kaya nilingon ko siya. His eyes sparkled. May sayang ipinapakita ang mga ito at habang nakikita ko tinititigan ko ang mga ito ay hindi mapigilan ng puso kong mapatalon. I felt something different in Diego. Something that's not normal anymore when it comes to both friends. Does this mean he succeeded in making me fall in love with him? Does that mean, hindi na si Art ang laman ng puso ko? Does that mean my love for Art faded? Kung totoo man, I'm more than happy. This is the moment that I've been waiting for.Pakiramdam ko ay maiiyak ako pero pinipigilan ko ang sarili
"Johnson? A-anong ginagawa mo dito? Ba't ka nagha-hagdan? Uhm, nakita ko nga pala si Irina, at pababa na rin siya. Hinahanap mo siya, di ba?" I don't know but I suddenly felt uneasy. Walang emosyon lang siyang nakatingin sa akin. Ni hindi nga siya gumagalaw. Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang hawak niya ang railings sa gilid. Bigla na lang umigting ang kanyang panga at parang gumagamit siya nang lakas habang hinahawakan ang railings. He didn't remove his stare on me, or more like, a glare. There is something behind his eyes that no one can ever peruse but God alone."Johnson? Hello?" Even in the midst of fear, pinipilit ko pa rin na kumalma at isinaisip na walang ibig sabihin itong ganitong klase ng titig sa akin ng lalaki. He is a good man, and he is the boyfriend of Irina, who's a great friend of mine.Humakbang paabante ang lalaki, palapit sa akin kaya hindi ko maiwasang magtaka at talagang matakot na. I stepped backward without removing my eyes on him. Ganoo
Masaya ako dahil magkabati na ulit kami nina Irina at Johnson. Actually, in the first place, hindi naman kami nag-away. Sadyang may problema lang silang kinakaharap. Kailangan din nila ng panahon bago nila masabi sa akin ang totoo dahil alam kong hindi nagiging madali para sa kanila ang nangyari. Masakit mawalan ng anak. Hindi ko pa man naranasan maging ina but I know how it feels to lose someone you truly love. Lalo na't galing pa mismo sa sinapupunan ni Irina ang nawala. Masakit na nga sa akin na mawala ang mga taong hindi ko kadugo, what more na kadugo?"Diego?" I saw Diego na nakasandal sa may pader. Mukhang kanina pa niya ako hinihintay. His arms were crossed in front of his chest at seryoso siyang nakatingin sa akin habang ako ay naglalakad palapit sa kanya."Sorry, uh, lumabas lang ako kasi kinausap ako nina Irina." I smiled."I know. I saw you. Hindi ko na kayo nilapitan dahil alam kong importante ang pinag-uusapan ninyo." Umalis na siya sa pagkakasandal