"Johnson? A-anong ginagawa mo dito? Ba't ka nagha-hagdan? Uhm, nakita ko nga pala si Irina, at pababa na rin siya. Hinahanap mo siya, di ba?" I don't know but I suddenly felt uneasy. Walang emosyon lang siyang nakatingin sa akin. Ni hindi nga siya gumagalaw. Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang hawak niya ang railings sa gilid. Bigla na lang umigting ang kanyang panga at parang gumagamit siya nang lakas habang hinahawakan ang railings. He didn't remove his stare on me, or more like, a glare. There is something behind his eyes that no one can ever peruse but God alone.
"Johnson? Hello?" Even in the midst of fear, pinipilit ko pa rin na kumalma at isinaisip na walang ibig sabihin itong ganitong klase ng titig sa akin ng lalaki. He is a good man, and he is the boyfriend of Irina, who's a great friend of mine.
Humakbang paabante ang lalaki, palapit sa akin kaya hindi ko maiwasang magtaka at talagang matakot na. I stepped backward without removing my eyes on him. Ganoo
Masaya ako dahil magkabati na ulit kami nina Irina at Johnson. Actually, in the first place, hindi naman kami nag-away. Sadyang may problema lang silang kinakaharap. Kailangan din nila ng panahon bago nila masabi sa akin ang totoo dahil alam kong hindi nagiging madali para sa kanila ang nangyari. Masakit mawalan ng anak. Hindi ko pa man naranasan maging ina but I know how it feels to lose someone you truly love. Lalo na't galing pa mismo sa sinapupunan ni Irina ang nawala. Masakit na nga sa akin na mawala ang mga taong hindi ko kadugo, what more na kadugo?"Diego?" I saw Diego na nakasandal sa may pader. Mukhang kanina pa niya ako hinihintay. His arms were crossed in front of his chest at seryoso siyang nakatingin sa akin habang ako ay naglalakad palapit sa kanya."Sorry, uh, lumabas lang ako kasi kinausap ako nina Irina." I smiled."I know. I saw you. Hindi ko na kayo nilapitan dahil alam kong importante ang pinag-uusapan ninyo." Umalis na siya sa pagkakasandal
"Hindi ah, ano... Kasi, kakapanood ko lang ng drama. Naghiwalay ang bida kasi hindi sila naghanda noong bago pa sila ikasal. Ang dapat kasi, magplano muna." Palusot ko at tumango-tango naman siya. Ibig sabihin talaga, siya ang naglagay ng papel sa labas ng pinto? Tanungin ko kaya?"Uh, Diego?" I called him."Hmm?" He answered without removing his eyes on the road."May... nilagay ka bang letter sa labas ng bahay?"Nabigla na lang ako nang itigil niya ang sasakyan. He stepped on the brake, at pabigla pa talaga niyang ginawa iyon. Buti na lang at nakaseatbelt kami kaya walang nangyari sa amin.Grabe naman 'to kung magulat. Ibig sabihin ba talaga niyan ay guilty siya? Siya nga ba talaga ang naglagay ng papel?"What letter?" Tiningnan niya ako nang seryoso dahilan para mapalunok ako ng laway. Bakit ang seryoso naman ata niya na parang hindi naman siya ang gumawa no'n?"Letter. Ano... Like making myself ready for a proposal?" Hindi ako sig
"It is obviously a ring. Itatapon ko iyan." Kukunin sana ni Diego ang box na hawak ko ngunit iniiwas ko iyon. Kumunot naman ang noo niya dahil sa ginawa ko."Wag. Susuotin ko pa 'to e.""Really? Bibili tayo ng bago kaya itatapon ko na iyan. Cheap lang iyan kumpara sa singsing na bibilhin ko." He tried to reach for the box again ngunit as inilayo ko pa ito sa kanya. Napatayo na nga ako mula sa inuupuan ko at ganoon din siya. He's really desperate to throw this thing away."Rora, isa." He started to count. Ngunit hindi pa rin ako nagpadala. Bahala siya. Mahal kaya ang singsing na ito tapos itatapon lang? Sayang din noh?"Dalawa." Ako na ang nagsalita ng kasunod na bilang. Anong akala niya? Hindi ako marunong magbilang?"Dalawa." He glared at me."Hoy, tatlo na dapat. Anong dalawa? Marunong ka ba talagang magbilang?" Pang-aasar ko sa kanya. Minsan, ang sarap palang asarin nitong lalaking ito kasi madaling mapikon. I shook my head inside my thou
"So, anong naramdaman mo no'ng makita mo siya?" Napalingon ako kay Diego na nagmamaneho ng kotse. Nag-eye contact lang kami ni Art kanina, but we never utter any word. Hinatak na ako ni Diego paalis sa Simbahan. Mag-isa lang si Art na nagsimba. Ano kaya ang pumasok sa isip niya at nagsimba na siya? Did he decided to live a new life? Narealize na ba niyang hindi revenge ang solusyon sa galit niya? Or maybe he really succeeded in his revenge at ngayon ay naisipan na niyang magbagong-buhay? He has the guts to do that kahit na alam niyang kasalanan iyon in the first place?"What do you mean?" I asked Diego, na hindi pa rin inaalis ang tingin sa harapan."You know what I mean."I sighed and looked in my front. Maybe he meant about my feelings for Art. Maybe he noticed that I have taking a liking to the guy, which is totoo naman. I loved Art. And seeing him now after months, sa totoo lang ay namiss ko ang lalaki. I missed the old us. Katulad noong dati, noong mga bata
"Anong ginagawa ninyo pareho dito?" Tanong ko sa dalawa. Actually, alam ko namang gusto nila akong bisitahin. Parang ako lang ata ang employee na halos araw-araw ay may bumibisita. Kapag nakikita naman kami ni Mr. Ochoa ay parang wala lang para dito. Mukha ngang masaya ito na may nakakahalubilo ako habang nasa trabaho ako. Ang weird, hindi ba?"Tinatanong pa ba iyan, Aurora? Siyempre miss na kita!" Lumapit sa akin si Irina. Ngumiti ako sa kanya. Mabuti naman at unti-unti na ring bumabalik talaga sa dati ang una kong kaibigan. She experienced a very traumatic situation, still, she managed to survive and won the battle she has to overcome."Ako naman, trip ko lang." Singit naman ni Felicity na nagkrus pa ng braso sa harap ng kanyang dibdib. "Anyways, may dala akong—"Hindi natuloy ang sasabihin ni Felicity dahil biglang sumingit si Irina."Aurora, I brought lunch for you." She handed me a lunchbox, making my eyes sparkle in delight. Agad ko rin naman
Nararamdaman ko ang panginginig ng buo kong katawan. I would try to move but I'm left stuck. I felt my heart pounding fast against my chest. Hindi pa rin naaalis ang mga mata ko sa lalaking naka-bonnet na nakatayong pinagmamasdan ang nakahandusay na si Sebastian. Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang ilipat sa direksyon ko ang tingin ng lalaki. I don't think he saw me inside since the car is tinted, however, hindi pa rin maalis sa isipan kong posibleng lapitan niya ako at kapag nakita niyang andito ako sa loob, baka patayin din niya ako. But that thought of possibility was set aside when I looked at the body of Sebastian. Nawala ang takot ko. Napapalitan iyon ng galit. Now, I don't care what happens to me. I don't care kung mamamatay ako. All I wanted now, ay maipaghiganti si Sebastian.My face that was filled with fear earlier changed to a face filled with hatred and revenge. I was about to open the door of the front seat pero biglang tinawag ito ng driver ng kotseng sinasak
Hindi ako nagsalita at niyakap agad si Diego nang mahigpit. Nagulat pa siya sa ginawa ko, ngunit kalaunan ay niyakap rin niya ako pabalik nang mapansin niyang umiiyak na ako. Mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya nang pumasok na naman sa isipan ko ang katotohanang wala na si Sebastian. I just couldn't accept it. Why does it have to happen now? Sa araw na napakaimportante para dito? Sa araw pa ng anak nito?"He won't make it." I decided to talk habang hindi pa rin inaalis ang yakap kay Diego."Why not? Is he busy? Uh no, he can't be busy. I gave him a day off. Maybe he's—""He just died." Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata habang sinasabi iyon. Hindi madaling sabihin ang bagay na iyon. I almost lost consciousness, and I felt my knees weakened. Ang tamlay-tamlay ko, I don't have any energy. Wala ako sa tamang sitwasyon para diyan."Is this a prank? Kayo talaga, Rora. Hindi niyo man lang sinabi sa akin ang plano ninyo. Ano ba ang next na liny
"Why did you do that?" Gulat niyang tanong sabay masahe sa kanyang pisngi kung saan ko siya sinampal nang malakas."Tinatanong pa ba yan, Art? Alam mo ang rason. Alam mo kung bakit ako nagkakaganito. Because I hate you!" Sigaw ko sa kanya.Kumunot ang noo ko nang bigla siyang ngumisi. Umiwas siya ng tingin at napasuklay ng sariling buhok. I just looked at him, puzzled. Did he find this funny?"So ngayon, ikaw naman." Tiningnan na ulit niya ako. His face is poker. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan."What do you mean ako naman? Ako naman ang alin?"Umabante siya palapit sa akin kaya napaatras ako. Napakaseryoso ng kanyang mukha. Napatigil ako sa pag-atras nang ilapit niya ang bibig niya sa aking tenga. When he whispered something, my skin started to roughen."You are now blinded by hatred." He softly stated.Naging instant mannequin o estatwa ako mula sa aking kinatatayuan. My gaze stuck on one direction and