Share

Kabanata 04 - Hug

Author: Mowtie
last update Last Updated: 2021-06-21 20:05:30

Asteria

Makalipas ang ilang sandali, nagpaalam na ako upang pumunta sa silid na hinanda nila para sa akin, ginawaran ko lamang sila ng ngiti bago ako pumunta roon. 

Nandoon pa rin si Leiya at mukhang balak pa niyang makitulog dito. Lagi akong napapairap sa kawalan tuwing magsasalita siya. Simula no'ng mapahiya siya dahil sa binigay kong Hermes bag ay hindi na siya nagkuwento ng buhay niya sa siyudad. Sa halip ay tungkol na lamang sa pag-aaral niya na hindi naman nakaagaw ng atensyon dahil sa kayabangan niya.

Kinausap din ako ni Blake kanina at nakita ko ang simpleng titig niya sa amin habang kumakain. Ayos naman ang pagkain nila rito. Sa totoo niyan, ay mas ayos ang pagkain dito dahil mas sariwa at galing mismo sa kabukiran.

“Iha, narito ang iyong kumot.” Katok ni Tiya Ana sa pinto ng silid na sinabi niya. Ang ibang mga gamit ko ay nakalagay na sa cabinet habang ang iba ay nasa maleta pa.

Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin si Tiya Ana na nakangiti. Iniabot niya sa akin ang isang manipis na kumot na kulay puti saka naupo sa kama.

“Iha, alam kong hindi mo gusto si Leiya,” panimula nito habang tinutupi ang ibang mga damit ko na nakalatag sa kama. Agad naman akong napabuntonghininga dahil totoo namang ayaw ko sa kanya. Obvious naman sa ginawa ko. Aaw ko ang pagiging mayabang niya kahit wala namang katotohanan ang mga winiwika niya.

“I don't want to lie. Obviously, yes,” sagot ko na lamang sa sinabi nito. Ayaw ko nang makipagtalo kung bakit ayaw ko sa babaeng iyon. May mga tao naman siguro na ayaw mo agad sa unang kita pa lang.

“Alam mo, iha, mabait na bata si Leiya kahit na minsan ay medyo may pagkamayabang. Marahil ay nais lamang niya pataasin ang sarili niya sa mga tao. Kapag gano'n siya ay hayaan mo na lang. Hindi maganda kung papatulan mo rin siya ng isa pang pagyayabang,” wika niya. Napaisip naman ako sa sinabi nito nang kaunti. Hindi na ako nagsalita at tuluyan niya nang inilagay sa cabinet ang lahat ng tinupi.

“Magandang gabi, iha. Sana ay makatulog kayo nang mahimbing ngayong gabi,” wika nito at akma akong yayakapin nang maalala niya ang sinabi ko na hindi ako yumayakap.

“Magandang gabi rin ho. Ano pong kayo? Ako lamang po mag-isa rito,” natatawang wika ko dahil ako lang naman talaga mag-isa ang matutulog dito at wala nang iba pang tao.

“Naku, iha. Hindi ba nasabi sa 'yo ni Gray na kayong dalawa ang matutulog dito sa ilalim dahil hindi kami kasya sa ibang silid? Inihatid niya lamang si Leiya sa tahanan nito. Hintayin mo na lamang siya. Maaari ko na bang iwan ang gasera?” tanong nito sa akin na ikinatango ko na lamang. Kahit ang totoo ay hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. 

Masyadong malalim ang mga sinasabi nila na nakakapagpadugo ng aking ilong.

Akmang magsasalita pa sana ako nang ma-realize ko na si Gray ang makakasama ko lagi sa gabi nang bigla na itong lumabas at isinara ang pinto. Napabuntonghininga na lamang ako at nagsimulang tanggalin ang tali ng buhok ko saka naupo sa kama ko sa itaas ng double deck.

Ilang beses ko nang sinusubukang pumikit dahil ayaw kong makausap si Gray, ngunit ayaw pa rin ng mata ko. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto at sigurado akong si Gray ito. Naramdaman ko na dahan-dahan itong umupo sa kama habang nagpapanggap pa rin ako na tulog.

“Binibini, gising ka pa ba?” tanong nito sa akin, hindi naman ako nagsalita nang bigla niyang patayin ang ilaw na nagsisilbing liwanag sa silid.

Takot ako sa dilim. Ito ang pinakakinatatakutan ko dahil may isa akong karanasan noon na nagdulot sa akin ng takot dito kaya simula noon, puno ang bahay namin ng mga ilaw at chandelier para magbigay liwanag sa bahay. Nais din ni Mom na laging bukas ang mga bintana upang umaliwas at lumiwanag sa buong silid namin sa bahay.

“Maaari mo bang buksan ang ilaw?” wika ko. Agad naman siyang sumagot sa akin nang hindi konektado sa sinabi ko.

“Ikaw ba ay galit sa akin?” tanong niya, ngunit hindi ko na kaya ang dilim na mayroon ngayon.

“Buksan mo ang ilaw, please,” pagmamakaawa ko dahil natatakot na ako sa dilim, pero iba pa rin ang tinugon niya.

“Nagagalit ka ba kay Leiya?” 

“Buksan mo na ang ilaw,” ulit ko sa kanya. Nagsisimula na akong matakot. At nang magsasalita pa siyang muli ay hindi ko na napigilan na sagutin siya. “Oo na, galit na ako! Pakiusap, buksan mo ang ilaw,” asik ko at doon na nagsimulang lumiwanag ang buong silid habang ang mga mata ko ay nagsimula nang umiyak.

“Binibini, anong nangyayari sa 'yo?” tanong niya. Pinuntahan niya ako sa taas ng double deck. Hinawakan niya ang ulo ko at inilagay sa dibdib niya.

“Pasensya na, hindi na mauulit,” malungkot na wika niya sa akin. Tumutulo pa rin ang mga luha ko. Bumabalik na naman ang alaala na iyon sa isip ko na parang isang poison na kumalat sa buong sistema ko.

“Lumayo ka sa akin, Gray, pakiusap,” asik ko sa kanya, pero hindi niya pa rin ako nilayuan, bagkus ay mas lalo niya akong niyakap.

“Narito lang ako para sa 'yo. Tandaan mo na kahit umiyak ka ay maganda ka pa rin,” biro niya habang inaalo ako na parang isang sanggol. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak sa dibdib niya habang ang mga kamay ko ay nakalagay na sa likod niya. Ito ang unang pagkakataon na yumakap ako ng tao. Siguro, pagkagising ko ay kailangan kong kalimutan na umiyak ako sa kanya, lalo na ngayon. Ayaw kong mapalapit sa kahit sino na tao rito sa lugar nila.

Unti-unting gumaan ang pakiramdam ko at sa mga ilang saglit pa ay tuluyan na akong nakatulog. Ang dami kong first time ngayong araw. Una ay nagbigay ng Hermes bag ko dahil lang sa nayayabangan ako sa isang tao. Pangalawa ay pagsandukan ang isang lalaki dahil nais ko lamang pagselosin ang kapatid nito. Pangatlo, nakinig ako sa pangaral sa akin ng isang nakatatanda sa akin at ang huli, yumakap ako pabalik sa isang tao; at sa lalaki pa. Ano ba ang nangyayari sa lagi kong sinasabi?

Related chapters

  • The Billionairess Ex-Husband   Kabanata 01 - Living in a Hut

    Asteria’s Point of View Abala ako sa pag-aayos ng maleta ko na dadalhin sa probinsya. Pinili ko ang magagandang damit habang isinama ko ang kabibili ko lamang. Tumawag si Mom dahil sobrang excited siya na papuntahin ako sa probinsya, mukhang ayaw nilang nandito ako. Tinawag ko si Sera kanina na ngayon ay abala na sa pagtitiklop ng mga damit habang inilalagay ko ito nang maingat sa maleta. Napatigil naman ako sa pagtutupi nang bigla kaming makarinig ng katok at pumasok doon si Mom habang sinenyasan niya si Sera upang lumabas muna saglit. “Anak, ang naging desisyon namin ng dad mo na tumira ka sa probinsya ay para sa kapakanan mo,” bungad ni Mom habang naglalakad patungo sa tabi ko. “Alam namin na mas makabubuti sa 'yo ito upang matutunan mo ang iba't ibang side ng buhay ng isang tao. Hindi ang salapi ang umiikot sa buhay mo lalo na ang shopping, bawas-bawasan na, ha,” dugtong na pangaral nito sa akin na ikinahinga ko nang malalim. Mukhang mahihirapan ako. Lalo na't wala ang mga kaibi

    Last Updated : 2021-05-11
  • The Billionairess Ex-Husband   Kabanata 02 - Binibining Paraluman

    Asteria’s Point of View Hindi naman ako nakapagsalita nang ilang segundo nang bigla ulit magsalita si Tiya Ana nang marinig niya na wala kami balak sumagot sa kanyang sinabi. “Oo nga pala, anak. Siya si Asteria, ang anak ng dati kong amo. Sadyang kay buti ng mga magulang niya sa akin. Dahil sa kanila ay nagkaroon tayo ng sarili nating bukid,” proud na wika niya habang ang mga kamay niya ay magkahawak at nakatapat sa kanyang puso na parang nananalangin. Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng tuwa dahil nakatulong sila Mom sa ibang tao o makaramdam ng awa sa sarili ko dahil mabuti pa sa ibang tao ay may oras sila, kaysa sa sarili nilang anak. “Magandang hapon, señorita,” magalang na bigkas niya habang ang mga mata niya ay nakatitig sa akin. Agad naman akong napairap sa ikinilos niya, sanay ako na tinatawag ng mga katulong ng mga ma'am o señorita, pero parang ayaw kong marinig sa kanya ang pagiging pormal. And besides, kailangan kong makisama sa kanila nang mga ilang buwan o

    Last Updated : 2021-06-21
  • The Billionairess Ex-Husband   Kabanata 03 - Fashion Icon

    Asteria Ilang oras na akong umiirap habang nag-uusap ang dalawa sa harap ko. At talagang sa harap ko pa silang dalawa nagharutan. Well, wala namang problema sa gano'n, pero nakakairita kasi sa pakiramdam. Maggagabi na ngayon at talaga namang nakakatakot na ang daanan habang ang simoy ng hangin ay dumadampi sa balat ko na nakakapanginig sa akin. “Alam mo ba, Gray? Ilang araw na akong nasa bahay ng tiya ko. Kakauwi ko lang dito sa probinsya and guess what?” wika ni Leiya na nagpakilala sa akin kanina. Mukhang galing din siya sa syudad kagaya ko. Kanina lamang ay nagpakilala ito sa akin. “Gray,” tawag nito na ikinalingon naming dalawa. Habang nakataas ang kilay naming dalawa sa isa't isa ay hinarang ni Gray ang kamay niya sa amin na agad niyang ikinatawa. “Ano ka ba, Gray? Na-miss lang kita. Mukhang may kasama ka, hindi mo naman siya kasintahan, hindi ba?” tanong nito. Idinidikit nito ang katawan kay Gray habang nakatingin sa akin. Kumpara sa kanya, walang-wala ang kasuotan niya na

    Last Updated : 2021-06-21

Latest chapter

  • The Billionairess Ex-Husband   Kabanata 04 - Hug

    Asteria Makalipas ang ilang sandali, nagpaalam na ako upang pumunta sa silid na hinanda nila para sa akin, ginawaran ko lamang sila ng ngiti bago ako pumunta roon. Nandoon pa rin si Leiya at mukhang balak pa niyang makitulog dito. Lagi akong napapairap sa kawalan tuwing magsasalita siya. Simula no'ng mapahiya siya dahil sa binigay kong Hermes bag ay hindi na siya nagkuwento ng buhay niya sa siyudad. Sa halip ay tungkol na lamang sa pag-aaral niya na hindi naman nakaagaw ng atensyon dahil sa kayabangan niya. Kinausap din ako ni Blake kanina at nakita ko ang simpleng titig niya sa amin habang kumakain. Ayos naman ang pagkain nila rito. Sa totoo niyan, ay mas ayos ang pagkain dito dahil mas sariwa at galing mismo sa kabukiran. “Iha, narito ang iyong kumot.” Katok ni Tiya Ana sa pinto ng silid na sinabi niya. Ang ibang mga gamit ko ay nakalagay na sa cabinet habang ang iba ay nasa maleta pa. Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin si Tiya Ana na nakangiti. Iniabot niya sa akin ang

  • The Billionairess Ex-Husband   Kabanata 03 - Fashion Icon

    Asteria Ilang oras na akong umiirap habang nag-uusap ang dalawa sa harap ko. At talagang sa harap ko pa silang dalawa nagharutan. Well, wala namang problema sa gano'n, pero nakakairita kasi sa pakiramdam. Maggagabi na ngayon at talaga namang nakakatakot na ang daanan habang ang simoy ng hangin ay dumadampi sa balat ko na nakakapanginig sa akin. “Alam mo ba, Gray? Ilang araw na akong nasa bahay ng tiya ko. Kakauwi ko lang dito sa probinsya and guess what?” wika ni Leiya na nagpakilala sa akin kanina. Mukhang galing din siya sa syudad kagaya ko. Kanina lamang ay nagpakilala ito sa akin. “Gray,” tawag nito na ikinalingon naming dalawa. Habang nakataas ang kilay naming dalawa sa isa't isa ay hinarang ni Gray ang kamay niya sa amin na agad niyang ikinatawa. “Ano ka ba, Gray? Na-miss lang kita. Mukhang may kasama ka, hindi mo naman siya kasintahan, hindi ba?” tanong nito. Idinidikit nito ang katawan kay Gray habang nakatingin sa akin. Kumpara sa kanya, walang-wala ang kasuotan niya na

  • The Billionairess Ex-Husband   Kabanata 02 - Binibining Paraluman

    Asteria’s Point of View Hindi naman ako nakapagsalita nang ilang segundo nang bigla ulit magsalita si Tiya Ana nang marinig niya na wala kami balak sumagot sa kanyang sinabi. “Oo nga pala, anak. Siya si Asteria, ang anak ng dati kong amo. Sadyang kay buti ng mga magulang niya sa akin. Dahil sa kanila ay nagkaroon tayo ng sarili nating bukid,” proud na wika niya habang ang mga kamay niya ay magkahawak at nakatapat sa kanyang puso na parang nananalangin. Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng tuwa dahil nakatulong sila Mom sa ibang tao o makaramdam ng awa sa sarili ko dahil mabuti pa sa ibang tao ay may oras sila, kaysa sa sarili nilang anak. “Magandang hapon, señorita,” magalang na bigkas niya habang ang mga mata niya ay nakatitig sa akin. Agad naman akong napairap sa ikinilos niya, sanay ako na tinatawag ng mga katulong ng mga ma'am o señorita, pero parang ayaw kong marinig sa kanya ang pagiging pormal. And besides, kailangan kong makisama sa kanila nang mga ilang buwan o

  • The Billionairess Ex-Husband   Kabanata 01 - Living in a Hut

    Asteria’s Point of View Abala ako sa pag-aayos ng maleta ko na dadalhin sa probinsya. Pinili ko ang magagandang damit habang isinama ko ang kabibili ko lamang. Tumawag si Mom dahil sobrang excited siya na papuntahin ako sa probinsya, mukhang ayaw nilang nandito ako. Tinawag ko si Sera kanina na ngayon ay abala na sa pagtitiklop ng mga damit habang inilalagay ko ito nang maingat sa maleta. Napatigil naman ako sa pagtutupi nang bigla kaming makarinig ng katok at pumasok doon si Mom habang sinenyasan niya si Sera upang lumabas muna saglit. “Anak, ang naging desisyon namin ng dad mo na tumira ka sa probinsya ay para sa kapakanan mo,” bungad ni Mom habang naglalakad patungo sa tabi ko. “Alam namin na mas makabubuti sa 'yo ito upang matutunan mo ang iba't ibang side ng buhay ng isang tao. Hindi ang salapi ang umiikot sa buhay mo lalo na ang shopping, bawas-bawasan na, ha,” dugtong na pangaral nito sa akin na ikinahinga ko nang malalim. Mukhang mahihirapan ako. Lalo na't wala ang mga kaibi

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status