Share

The Billionairess Ex-Husband
The Billionairess Ex-Husband
Author: Mowtie

Prologue

Author: Mowtie
last update Last Updated: 2021-05-11 19:25:37

Asteria

Maririnig ang pagdiin ko sa mga keyboard keys sa aking laptop, bawat pindot ko ay ramdam ang bigat ng mga kamay ko habang binabasa ng mga mata ko ang nai-input na mga sentences. 

Tumigil ako saglit upang hawakan ang sentido ko at marahan itong minasahe, parang sasabog ang ulo ko dahil sa nakasulat sa mga papel sa aking schedule chart sa araw na ito.

Tanging ang pagbuntong-hininga ko lamang ang maririnig sa buong kapaligiran habang ang kape na kanina pa nakapatong sa table ko ay tila nasa Antartica na dahil sa lamig nito. Hindi ko alam kung ilang oras na ako nagtitipa habang ang mga kamay ko at mata ay tila bumibigay na sa aking gawain habang ang utak ko ay tila sasabog na dahil sa pag-iisip kung ano ang nararapat na ipakita ko sa buong board members.

Naputol ang pagbuntong-hininga ko nang marinig ko ang pamilyar na tunog na parang isang melodya sa aking pandinig, kapag naririnig ko ang kantang ito ay parang ayaw ko ng patayin— ang Canon D.

“Poks!” bungad sa akin ng isang pamilyar na boses, maririnig ko sa kabilang linya ang mga musika at tunog sa isang bar na madalas namin noon puntahan.

Hindi pa man siya nakakapagsalita ay inunahan ko na siya dahil marahil ay aayain na naman niya ako na maki-party sa kanya. “Pasensya na, hindi ko kasi maaaring iwan ang trabaho ko ngayon at alam mo ba ang pinaka-worst? Presentation ko na mamaya!” isang malumanay na boses ang iginawad ko sa kanya na alam kong naramdaman niya dahil sa tagal naming pagkakaibigan.

Tulad ng ine-expect ko ay bigla siyang sumigaw na para siyang nakawala sa hawla. “Kaya ayaw ko maging CEO, eh, mabuti na lamang si Blaire ang pinili nila para doon,” pabiro niyang sabi, pero mahahalata sa boses niya ang sakit sa salitang binitiwan niya. Ilang taon na rin simula nang mangyari ang bagay na iyon at sa tingin ko ay hindi pa siya lubusang na nakaka-recover.

“Huwag mo ngang sabihin 'yan, alam kong deserving ka rin maging CEO. Katulad ng pinapangarap natin noon. O siya, diyan ka lang, susunod ako. Hanap ka muna ng guwapo riyan!” pabalik na biro ko sa kanya habang ang mga mukha ko ay nanatiling seryoso habang nakatingin sa screen ng laptop ko, sadyang nakahahalina ang mga amoy ng rosas sa vase na nakapatong sa kabinet ko na parang pamilyar sa akin sampung taon na ang nakararaan.

Hindi na ako nag-atubili na patayin ang tawag nang marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pintuan, mababakas sa mukha ko ang pagkadismaya dahil naistorbo ang aking ginagawa. 

Unti-unti kong ibinuka ang mga labi ko at nagsimulang magsalita na sapat na para marinig ng nasa labas, “Come in.” Kasabay niyon ay rinig ko ang takong na tumatama sa marboles na sahig ng aking opisina habang kasabay niyon ay ang pagdampi ng malamig na hangin na nagmumula sa aircon sa aking balat, habang ang pabango nito ay umaabot sa aking ilong na maihahalintulad ko sa isang chocolate na almond.

Pumasok doon ang aking sekretarya na si Selena na nakasuot ng kanyang paboritong pencil skirt habang bumagay naman ito sa kanyang waist-length na buhok na wumagayway sa tuwing siya ay naglalakad.

“Maam Asteria, your mom wants to meet you in her office downstairs. She said that it's an important matter to discuss so be there in exactly 10 minutes before now,” wika niya habang hindi pa rin maalis ang poise niya, hindi pamilyar sa akin ang bago niyang suot na blouse na nakaagaw pansin sa akin. 

“I will go after I finish doing my makeup. You can leave now,” sagot ko at nang magsimula na siyang tumalikod ay nagsalitang muli ako, “Nice blouse, by the way. It definitely suits on you,” papuri ko rito habang diretsong umupo sa aking upuan na may disenyo na mga bulaklak.

“Thank you, ma'am, for the compliment. Your outfit suits you perfectly, too!” wika niya habang bakas sa mukha niya na napipilitan lamang siya sa kanyang sinasabi. Agad naman akong umirap sa kanya at hindi na pinansin ang kanyang pag-alis.

Well, gano'n naman talaga ang karamihan sa mga babae. They're complimenting each other kahit ang totoo ay inggit na inggit sila rito, what's new?

Isang malakas na tunog ang maririnig sa buong silid nang isarado ko ang laptop. Dali-dali kong binuksan ang cabinet na naglalaman ng mga office attire ko in case of emergency. They're useful for me because I'm lazy to go home to change.

Pinalitan ko ang coat ko ng panibago dahil nadumihan ito noong matapunan ako ng coffee habang nagtitipa sa laptop ko. Pagkatapoa noon ay itinambak ko ito sa lalagyanan ko ng maduduming damit sa opisina at nagsimulang pumunta sa favorite part ng aking opisina: ang powder room.

Rinig na rinig sa aking silid ang paghila ko sa nakabalot na wrapper sa aking blush on habang hinahanap ang brush na tutugma para dito.

Habang abala ako sa paglalagay ng blush on ay agad akong napaisip dahil biglaan ang pagtawag sa akin ni Mom sa office niya. And the thing is, sinakto pa talaga niya kung kailan abala ako sa presentation. Hinanap ko ang MAC lipstick ko sa aking purse na naroon sa powder room na bahagi ng aking office. Pinasadya nila ang disenyo nito na nakakadagdag ng ambiance rito.

Tiningnan ko ang kabuuang hitsura ko habang inilalagay ang kulay na viva glam sa aking labi. Parang sinadya ang lipstick na ito para sa plump lips ko. Pagkayari kong ilagay ito ay itinago ko ito sa aking purse para magamit muli. Isa sa maraming bagay na pinagbago ko sampung taon na ang nakalilipas. 

Natuto ako na ang mga bagay ay p'wede pang gamitin, hindi isang gamitan lamang na ikinatawa ko simula no'ng ma-realize ko ang pagiging spoiled brat ko noon. 

He changed me in a good way.

Isa ang presentation sa nagpapahirap sa buhay ko ngayon, ni hindi nga ako gumagawa ng thesis noong college ako, pero ngayon, required ito para maging bihasa ako na i-manage ang negosyo na ipapamana sa akin.

Noong matapos ako sa pag-iisip ay kinuha ko ang Hermes bag ko at nagsimulang isukbit ito sa aking balikat. Isa sa paborito kong regalo sa akin ni Dad noong pumunta sila sa France ni Mom upang tingnan ang Eiffel Tower na sikat para sa mga romantic chuchu.

Katulad ng lagi kong nakagawian tuwing bababa ako mula sa office ko ay kumakanta ako ng A Thousand Years.

Nang makarating ako sa pinakadulong bahagi ng palapag ay agad kong nakita ang kulay silver na pintuan which is the elevator. Agad kong pinindot ang sign na pababa at nagsimula itong bumukas.

Pagkapasok ko pa lang ay agad akong napangiti nang makita kong walang tao rito bukod sa akin dahil ayaw ko ng may kasabay dahil sa nakaka-suffocate na amoy na maghahalo rito.

Habang bumababa ang elevator ay ang unti-unting pagdami ng sumasakay rito at ang pagbati sa akin ng mga staff na tinatanguan ko na lamang.

Pagkabukas pa lamang ng elevator ay agad na akong naglakad paalis dahil hindi ko na matantiya ang halo-halong amoy na nanggagaling sa iba't ibang tao. Pagkakita ko pa lang sa sign na Bellamy's Office ay agad kong binilisan ang lakad ko nang makita kong may nakaharang na dalawang guwardya na nagbabantay rito. Binati nila ako ng isang ngiti na nagpangilabot sa aking katawan dahil makikita mo na napipilitan lamang sila.

Nang tumango ako ay agad nilang binuksan ang tig-isang pinto na para akong papasok sa isang kastilyo. Isang nakangiting babae ang sumalubong sa akin na agad akong yayakapin nang bigla ko itong pinigilan.

“Mom, what do you think you're doing?” tanong ko sa kanya habang ang mga mata niya ay umirap dahil sa sinabi ko. Dahil ito lagi ang bukambibig ko kahit noon pa man.

“I just missed you, my dear,” sagot niya sa akin. Nagsimula itong tumalikod at iniabot ang isang tasa na naamoy ko na isang mamahaling kape na paborito niya. Ano pa nga ba kundi Starbucks.

“Oh, really? Why don't you go home earlier?” prangka kong sagot dito dahil tatlong araw silang nagbakasyon sa Australia na hindi ako sinama dahil abala ako sa gaganaping meeting sa susunod na araw.

“Oh, you know your dad and I need time for our relationship,” sagot niya naman sa akin habang pumupunta ito sa kanyang upuan at diretsong umupo rito. Ito ba ang way ni Mom para inggitin ako sa relationship goals nila ni Dad?

“Nevermind, Mom. What do you want?” tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang relo ko dahil ilang oras na lamang ay magsisimula na ang presentation ko at kaunti pa lang ang nagagawa ko.

“Oh, honey, what's with the rush?” sagot niya sa akin na hindi ko alam kung pinipikon ako ni Mom na hindi niya alam kung ano ang mayroon ngayong araw.

“I'm busy, Mom. Can't you see that I have no time for this?” kaswal na sagot ko sa kanya at hinanap ng mga mata ko ang amoy gumamela na kanina ko pa naaamoy.

“Kung rush ka rin sana sa pagkakaroon ng anak ay wala kaming poproblemahin ng dad mo,” malungkot na bigkas niya habang ang mga mata ay tila ba nagpapaawa sa akin.

Iniwas ko naman ang tingin sa kanya at nagsimulang depensahan ang sarili ko, “I'm just 29 years old for Pete's sake. I don't have time to carry a child.” 

“But you're not a teenager anymore. You're growing old now so think like an adult because you're one of them now,” wika nito na tumayo pa na parang nagpapaliwanag. Tinakpan ko ang mga tainga ko upang hindi siya mapakinggan dahil hindi ako mananalo kay Mom. I know her; kung ano ang gusto niya ay dapat masunod agad.

Naputol ang kanyang mahabang sermon nang bigla kaming makarinig ng kumakatok sa pintuan. Excited na tumayo si Mom upang buksan ito na alam ko na kung sino. Sino pa ba? Eh 'di, si Dad. Sa kanya lang naman ganito si Mom.

“Honey, you're here!” kinikilig na wika ni Mom. Habang pinagmamasdan ko sila ay abala sila sa pagyayakapan. Iniwas ko na lamang ang tingin ko at tinuon sa ibang bagay. Alam ko ang ganyang pakiramdam sampung taon na ang nakalilipas.

Akmang tatayo na sana ako nang marinig kong magsalita muli si Mom na sanhi ng pagkabagsak ko sa upuan, “And you're here, too, Mr. Gray,” wika ni Mom. Pangalan na isinumpa ko na ayaw ko na muli marinig sa buhay ko. Kung isa itong bangungot ay ayaw ko nang magising pa.

Hindi ko magawang lumingon. Tanging ang lamig ng aircon ang bumabalot sa aking katawan, ang pagtibok ng aking dibdib na parang may naghahabulan na mga liyebro doon.

“Asteria, where are your manners? We have a visitor, why don't you greet him? You should know how to be polite with a person. Soon, you will handle the whole company and there are lots of people you have to talk to in order to get their side,” mahabang litanya ni Dad. Hindi ko alam kung susundin ko siya o susundin ko ang sinasabi ng isip ko na huwag kong gawin ang iniutos ni Dad.

Sa huli ay nakita ko na lamang ang sarili ko na bumabati kay Gray. “Good day, sir.” Isang pagbati na puno ng nakatagong mga damdamin na ikinubli ko sa loob ng sampung taon. 

“Don't be so formal, you can just call me Gray like you used to,” wika niya na parang natural lamang sa kanya na makausap ako sa pormal na paraan na hindi ko aakalain. Itinaas ko ang mga tingin ko upang tingnan ang kabuuan ng kanyang mukha. Napakaraming nagbago sa kanya, katulad ng pagbabago ng kanyang boses na dati ay malambing sa tuwing ako ay kanyang sinusuyo.

Pinutol ni Mom ang katahimikan sa pag-ubo. Agad niya kaming pinaupo sa mga silya. Sana lamang ay maitago ng aking foundation ang hiyang nararamdaman ko ngayon, at ng blush on ko ang pag-init ng aking mukha.

“We called the both of you because. . .,” pabitin na sambit ni Mom na parang nasa isang K-drama na kailangan pang panoorin ang susunod na chapter para malaman ang kasunod nito.

Inayos ko ang upo ko upang hindi mapansin na kinakabahan ako. Pasimple kong tiningnan ang hitsura niya at nakita ko na ibang-iba na ito kumpara sa katamtaman niyang balat na ngayon ay pumuti na bumagay lalo sa kanya habang ang katawan niya ay mahahalatang galing ito sa matinding work out. 

“We think that it is a good idea for the both of you to travel the world because you have known each other for a long time,” wika ni Mom habang hindi naman maipinta ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapapayag sa desisyon na ito. Alam kong hindi ko kakayanin na makasama siyang muli sa isang lugar na kami lang dalawa.

“No, Mom. I disagree,” mariin na sagot ko habang ang ngipin ko ay dumidiin sa pagsambit nito. Kung sinasadya nila ito ay hindi ako natutuwa.

“Wait, my dear!” sigaw ni Mom habang madiin kong sinara ang pintuan. Alam kong sasabihin niya na ang bastos ko sa ginawa ko, pero wala na akong maisip na paraan para hindi matuloy ang bagay na ito. Isa itong kahibangan!

Nagulat ako nang dumampi sa wrist ko ang isang malamig na kamay kaya agad naman akong napalingon. Si Gray. Walang emosyon ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin.

“Kung inutusan ka nina Mom para sundan ako, you don't have to. You can go home now and ako na ang bahala magpaliwanag sa kanila,” matapang na wika ko habang iniiwasan na tingnan ang mga mata niya. Iniiwasan kong mahulog muli sa mga matang nakabihag sa akin.

“Why don't you want to work with me?” Isang diretsahang tanong ang natanggap ko na halatang hindi niya pinansin ang mga sinabi ko.

“I just don't want to. It doesn't matter!” sigaw ko sa kanya upang hindi mahalata ang aking katawan na sabik na sabik na yakapin siyang muli.

“So, you still can't move on with me for the past 10 years?” tanong niya sa akin na ikinaawang ng mga labi ko. Napakalakas naman ng loob niya upang sabihin sa akin 'yon. Hindi na siya ang Gray na nakilala ko.

“Or maybe because of Terrence?” wika niya habang mababakas sa mukha niya ang galit. Agad naman akong napabuntong-hininga. Hanggang ngayon pala ay ayon pa rin ang iniisip niya.

“What will you do if I said yes?” sagot ko sa kanya habang humihigpit naman ang hawak niya sa wrist ko. Nagulat ako nang bigla niya itong binitiwan at tumalikod.

“I will not accept your decision, just work with me. No strings attached. Besides, I have a fiancèe too. It's fair,” wika niya saka nagsimulang humakbang palayo. Wala na yatang mas sasakit pa sa narinig ko habang pinapanood siyang maglakad palayo.

“I have a fiancèe, too.” Isang linya na tumatak sa isip ko na parang unti-unting sumisira sa sistema ko. Marahil ito na ang ganti niya sa akin, pero wala nang mas sasakit pa sa katotohanang wala na siyang nararamdaman para sa akin. 

Akala ko pa naman, sa oras na magkita kami ay handa na kami para sa isa't isa. Kaya lang, naging handa na pala siya sa ibang tao. Sabagay, sino ba naman ako para mahalin niya ulit? Ako lang naman ang ex-wife niya.

Related chapters

  • The Billionairess Ex-Husband   I - Asteria

    Asteria's Point of ViewNagmamadali akong suotin ang blouse na London Effect Bodysuit na bumagay sa kurba ng ko na 27 inches. Tiningnan ko ang mala-vintage na orasan na nakatapat sa 8 habang ang ibang daliri nito ay nakaturo sa saktong 30.Hindi naman masama. Tatlumpung minuto pa lang naman akong late sa klase. Ibinuka ko naman ang mga labi ko para tawagin si Florentina. Narinig ko ang ingay na nagmumula sa pinto nang pumasok si Florentina habang dala-dala ang black slacks na dapat kong susuotin. Ang totoo niyan, kundi dahil sa sinabi ni Blaire na gaganapin na quiz ay hindi ako papasok ngayong araw.Ang kursong kinuha namin nina Claire ay Business Administration dahil lahat kami ay nababagay sa kurso na iyon. Mas lalong bumagay ito sa akin dahil malls and resorts ang negosyo ng mga magulang ko ha

    Last Updated : 2021-05-11
  • The Billionairess Ex-Husband   II - Province

    Asteria's Point of ViewPapunta na kami ngayon sa mansion namin habang kasama ko sina Claire, Blaire, Kierra at iba pa naming mga kaibigan. Dali-dali silang nagtanggal ng mga sapatos nang makapasok kami sa loob. Habang mabilis naman silang nagtungo sa bar counter ng mansion namin na pinagawa nina Mom at Dad para sa tuwing nagha-hangout sila ng mga kaibigan. Ngunit ako muna ang gagamit habang wala sila.“Meghan, wala ka bang nais ikuwento sa amin nina Asteria?” tanong ni Claire habang nakataas ang mga paa na nakaupo sa isang side habang si Meghan naman ay abala sa pagluluto para sa kakainin namin habang umiinom.“What is it?” nagtatakang tanong niya na parang hindi namin siya nakita sa school kanina. Mukhang may tinatago siya sa amin.

    Last Updated : 2021-05-11
  • The Billionairess Ex-Husband   III - Pagkukusa

    Asteria's Point of ViewAbala ako sa pag-aayos ng maleta ko na dadalhin sa probinsya. Pinili ko ang magagandang damit habang isinama ko ang kabibili ko lamang. Tumawag si Mom dahil sobrang excited siya na papuntahin ako sa probinsya, mukhang ayaw nilang nandito ako. Tinawag ko si Florentina kanina na ngayon ay abala na sa pagtitiklop ng mga damit habang inilalagay ko ito nang maingat sa maleta.Napatigil naman ako sa pagtutupi nang bigla kaming makarinig ng katok at pumasok doon si Mom habang sinenyasan niya si Florentina upang lumabas muna saglit.“Anak, sana naman ay hindi masama ang loob mo,” bungad ni Mom habang naglalakad patungo sa tabi ko. “Alam namin na mas makabubuti sa 'yo ito upang matutunan mo ang iba't ibang side ng buhay ng isang tao. Hindi ang salapi ang umiikot s

    Last Updated : 2021-06-21
  • The Billionairess Ex-Husband   IV - Paglubog ng Araw

    Asteria's Point of ViewHindi naman ako nakapagsalita nang ilang segundo nang bigla ulit magsalita si Tiya Cecilia nang marinig niya na wala kami balak sumagot sa kanyang sinabi.“Oo nga pala, anak. Siya si Asteria, ang anak ng dati kong amo. Sadyang kay buti ng mga magulang niya sa akin. Dahil sa kanila ay nagkaroon tayo ng sarili nating bukid,” proud na wika niya habang ang mga kamay niya ay magkahawak at nakatapat sa kanyang puso na parang nananalangin.Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng tuwa dahil nakatulong sila Mom sa ibang tao o makaramdam ng awa sa sarili ko dahil mabuti pa sa ibang tao ay may oras sila, kaysa sa sarili nilang anak.“Magandang hapon, señorita,” magalang na bigkas niya h

    Last Updated : 2021-06-21
  • The Billionairess Ex-Husband   V - Hermes Bag

    Asteria's Point of ViewIlang oras na akong umiirap habang nag-uusap ang dalawa sa harap ko. At talagang sa harap ko pa silang dalawa nagharutan. Well, wala namang problema sa gano'n, pero nakakairita kasi sa pakiramdam.Maggagabi na ngayon at talaga namang nakakatakot na ang daanan habang ang simoy ng hangin ay dumadampi sa balat ko na nakakapanginig sa akin.“Alam mo ba, Gray? Ilang araw na akong nasa bahay ng tiya ko. Kakauwi ko lang dito sa probinsya and guess what?” wika ni Leiya na nagpakilala sa akin kanina. Mukhang galing din siya sa syudad kagaya ko.Kanina lamang ay nagpakilala ito sa akin.“Gray,” tawag nito na ikinalingon naming dalawa.

    Last Updated : 2021-06-21
  • The Billionairess Ex-Husband   VI - Pagyakap

    Asteria's Point of ViewMakalipas ang ilang sandali, nagpaalam na ako upang pumunta sa silid na hinanda nila para sa akin, ginawaran ko lamang sila ng ngiti bago ako pumunta roon.Nandoon pa rin si Leiya at mukhang balak pa niyang makitulog dito. Lagi akong napapairap sa kawalan tuwing magsasalita siya. Simula no'ng mapahiya siya dahil sa binigay kong Hermes bag ay hindi na siya nagkuwento ng buhay niya sa siyudad. Sa halip ay tungkol na lamang sa pag-aaral niya na hindi naman nakaagaw ng atensyon dahil sa kayabangan niya.Kinausap din ako ni Blake kanina at nakita ko ang simpleng titig niya sa amin habang kumakain. Ayos naman ang pagkain nila rito. Sa totoo niyan, ay mas ayos ang pagkain dito dahil mas sariwa at galing mismo sa kabukiran.

    Last Updated : 2021-06-21
  • The Billionairess Ex-Husband   VII - Sinangag

    Asteria's Point of ViewNagising ako sa init na nararamdaman at sa bigat na parang may nakapatong sa akin. Pagkabukas ko ng mata ay nagulat ako sa tumambad sa akin. Nakapatong lang naman si Gray sa akin habang mahimbing na natutulog. Naalala ko na naman ang nakakahiyang ginawa ko kanina. Mas mabuti kung kalilimutan ko na lamang ang ginawa ko na iyon. Dahan-dahan ko siyang inasog sa kabilang side ng kama upang makahinga ako nang mabuti.Hindi tanaw ang sinag ng araw rito, pero napakainit at hindi ako sanay sa gano'ng init. Nakabukas pa rin ang gasera na nagbibigay ilaw sa buong silid. Dahan-dahan akong umupo nang marinig ko si Gray na nagsalita.“Saan ka pupunta?” tanong niya sa akin habang nakapikit pa rin ang mga mata niya.

    Last Updated : 2021-06-21
  • The Billionairess Ex-Husband   VIII - Enrollment

    Asteria's Point of ViewIlang oras na akong pabalik-balik sa salamin para tingnan kung bumagay sa akin ang pagkakatali ng buhok ko. Kulay puting T-shirt lamang ang isinuot ko na p-in-artner-an ko ng itim na pantalon na binili ko sa mismong store ng Adidas noong magtungo kami roon.“Iha, halika na, baka mahuli pa tayo. Mga alas singko ng hapon ay magsasara na ang registrar,” wika nito habang kumakatok sa pintuan. Hindi naman na ako nag-atubili pa at lumabas na ng silid. Tumambad sa akin ang matamis na ngiti ni Tiya Cecilia na ibinalik ko naman.“Napakaganda mo naman, iha. Kahit ang simpleng T-shirt ay bumabagay sa iyo. Halika na at baka tayo ay mahuli pa,” saad nito at kinuha ang payong. Sinara din nito ang pintuan ng bahay.

    Last Updated : 2021-06-21

Latest chapter

  • The Billionairess Ex-Husband   XXVIII - Booth Partners

    Asteria's Point of ViewHindi ko alam kung ilang thank you ang sinabi sa akin nina Leiya at Blake dahil sa regalo ko sa kanila. Ginawan ko talaga ng paraan para maibigay 'yon sa kanila. Kahit noong una ay ayaw pa akong pahiramin ng pera, how dare her na pagdamutan ako. Pero dahil nagawan niya ng paraan at um-oo siya sa akin, sumaya ako. At napasaya ko ang dalawa.Iyon nga lang, ang problema ay siya ang pipili ng bahay. Hindi naman ako maka-disagree dahil siya ang bibili."Fine. Sabihin mo na lang sa akin kung saan 'yon. Kapag maganda, babayaran kita kapag nagkita tao," sabi ko sa kanya. Next week ay lilipat na sina Blake at Leiya sa bahay.Sa wakas ay pinaplano na nila ang tungkol sa pamilya nila. Malapit na rin siy

  • The Billionairess Ex-Husband   XXVII - Jaxon Parker

    Asteria's Point of ViewTumingin kami roon sa sumigaw. Nakita namin ang isang lalaki na nakahandusay sa sahig. May bula ito sa labi at naniniwala kaming ito ay food poisoning.Pero magkaiba dahil ang staff ang nag-serve. Kung may naglagay ng lason sa pagkain, maituturo sila. Siguro, may malapit sa lalaki na kailangang pagsuspetyahan sa nangyari. Hindi ako professional na detective, pero gamit ang logic, masasabi kong sinadya itong gawin. Gusto nilang iba ang masisi, hindi sila.Pero, ano 'yong powder sa kamay niya? May kakaiba roon."Gray, tingnan mo 'yong kamay niya. May kakaiba roon. Alam mo ba kung ano 'yon?" tanong ko habang nakaturo sa kanang kamay ng biktima."Tumawag kayo ng pulis! Huwag

  • The Billionairess Ex-Husband   XXVII - The Reception

    Asteria's Point of ViewNagulat ako nang lumapit si Selena sa aming apat nang may malaking ngiti. Paano niya nagawang pumasok sa simbahan habang nakasuot ng kulay itim na dress? Lahat ng atensyon ay nasa amin at tila hindi siya masaya sa kasal nina Blake at Leiya dahil sa ginagawa niya. Hanggang dito ba naman ay sisirain niya ang lahat?“Congratulations to the both of you and wait, I'm just here to give them my gift. If you don't mind, Asteria?” she said confidently while looking from my head to toe. Napakuyom ang aking kamao. Is she mocking me?“Well, I'm not saying anything, but are you invited? And besides I'm not the one who will receive your gift. You should ask them if they want to accept your gift,” I replied. Binigyan niya lamang ako ng

  • The Billionairess Ex-Husband   XXVII - Ang Kasal

    Asteria's Point of View Lumipas ang mga araw, at ito ang pinakahihintay na kasal nina Leiya at Blake. Hindi ko maiwasang maging masaya para sa kanilang dalawa. Sa kabutihang palad, binigyan ako ni Blaire ng pera upang bumili ng regalo para sa kanilang dalawa. Sinuot ko ang gown na ibinibigay nila sa akin habang inaayusan ko ang sarili dahil wala akong anumang katulong upang magawa iyon. Tulad ng dalawa nandito, tinutulungan sila ng katulong na kanilang kinuha habang maraming regalo sa bahay na madadaanan mo dahil dito. Gayunpaman, hindi ko pa nakikita si Gray, siguro’y abala siya dahil ito ang araw na dapat silang magdiwang bilang pamilya ng lalaking ikakasal. Narito rin ang pamilya ni Leiy

  • The Billionairess Ex-Husband   XXVI - Steamy Sex

    WARNING: R-18, Read at your own risk.Asteria's Point of ViewAng aming halikan ay tumatagal nang ilang minuto nang simulan niyang i-lock ang pinto mula sa likuran. Huwag niyang sabihin na gusto na naman niya iyong gawin gayong nagawa na namin iyon kanina sa banyo? Gusto niya ba talaga akong mabuntis?“Gray, feeling ko hindi natin dapat gawin—” Natigilan ako sa sasabihin ko nang itulak niya ako sa dingding habang hawak ang likod ko at ang kaliwang braso’y nasa baba ko upang gabayan ako mula sa halik.Nagsimula akong umungol sa pagitan ng mga halikan namin. Ang sensasyong nararamdaman ko’y lumalalim. Ramdam ko ang init ng aming katawan na dumadampi sa 'kin.

  • The Billionairess Ex-Husband   XXV - Punishment

    Asteria's Point of ViewPagdating namin sa bahay, nakita ko silang nanonood ng telebisyon. Pumunta ako sa kusina upang magluto dahil nangako ako kay Tita Cecilia na ako ang magluluto ng aming hapunan ngayong araw.“Kailangan mo ba ng tulong, Asteria?” tanong ni Leiya habang nakatayo, but I just shook my head because I can do it by myself. And besides, I will serve them today. That's why they should just sit and relax while I’m cooking.“Nasa kwarto ba si Gray?” tanong ko habang naghahanda ng mga sangkap.Noon, kami lang ni Gray ang natutulog sa kwarto, pero napagdesisyunan nilang patulugin si Leiya sa ibaba ng double deck.

  • The Billionairess Ex-Husband   XXIV - Unfair

    Asteria's Point of ViewHabang naglalakad kami, nakita ko ang nayon sa hindi kalayuan sa kanilang tinitirhan. Kung ako ang papipiliin kung ano ang pinakamahalaga, malamang pipiliin ko kung nasaan si Gray at ang simoy ng hangin sa kanilang lugar.“Asteria, dito ang daan!” sigaw ni Tita Cecilia habang tinuturo ang direksyon na mayroong maraming tao na naghihintay sa pila. Marahil sila ang kalahok na sasali sa paligsahan. Hindi ko alam kung maaari kaming mananalo laban sa kanila.They are with their couple, and the others were kissing and hugging. Gayunpaman, nagsimula kaming pumila, and after some interrogation with Tita Cecilia, I couldn’t stop, but I remained silent. How can I speak a word if I’m shy, and if women got pregnant because of that? I

  • The Billionairess Ex-Husband   XXIII - Shooter

    Asteria's Point of ViewIniwan ko na lamang sina Leiya at Blake na nag-aaway kung itutuloy ba nila ang pangpa-prank kay Gray. Mabilis na lamang akong naglakad upang batiin ang bisitang naghihintay sa akin ayon kay Tiya Cecilia.Kaagad na binuksan ko ito at bumungad sa akin ang mukha ni Selena. Nakasuot siya ng dress na hanggang tuhod, naka-boots, at naka-messy bun ang buhok. Anong ginagawa niya rito? Isinuot pa niya ang kanyang salamin. Ni walang araw ngayon, tapos may sunglasses ito? Naligaw yata 'to."Finally, binuksan mo rin ang pinto, Asteria! Kumusta?” Magiliw nitong tanong na para bang wala kaming 'di pagkakaintindihan. Bigla ko na namang naalala 'yong nangyari sa amin sa mansion ni Lola Anastacia. Kaagad kong inalis ang isipin na 'yon nang may maalala. Kahit saa

  • The Billionairess Ex-Husband   XXII - Pranking

    Asteria's Point of ViewPagkatapos ng ginawa namin, sabay kaming naligo. Nang lumabas ako ng banyo ay kaagad na bumungad sa akin ang nanunuyang mga tingin nina Leiya at Blake na naghihintay sa labas."Anong ginagawa n'yo ritong dalawa?" tanong ko sa kanila, nanatili pa rin ang mapang-asar na tinging naka-plaster sa mukha ng dalawa. Ang weird talaga ng dalawang ito. Napaka-compatible ng dalawa, umabot pa sa puntong pati pang-aasar sa akin ay magkasundo sila. Napabuntonghininga ako. Hindi ko maintindihan itong dalawa. Hindi kami ganito ni Gray, siguro ay hindi pa kami ganoong ka-close.Binigyan ko na lamang sila ng nakamamatay na tingin, ngunit tanging tawa lamang ang naging tugon ng dalawa. Akmang papasok si Blake sa loob ng banyo ngunit agad ko itong pinigilan kaya't tinaasa

DMCA.com Protection Status