Asteria's Point of View
Abala ako sa pag-aayos ng maleta ko na dadalhin sa probinsya. Pinili ko ang magagandang damit habang isinama ko ang kabibili ko lamang. Tumawag si Mom dahil sobrang excited siya na papuntahin ako sa probinsya, mukhang ayaw nilang nandito ako. Tinawag ko si Florentina kanina na ngayon ay abala na sa pagtitiklop ng mga damit habang inilalagay ko ito nang maingat sa maleta.
Napatigil naman ako sa pagtutupi nang bigla kaming makarinig ng katok at pumasok doon si Mom habang sinenyasan niya si Florentina upang lumabas muna saglit.
“Anak, sana naman ay hindi masama ang loob mo,” bungad ni Mom habang naglalakad patungo sa tabi ko. “Alam namin na mas makabubuti sa 'yo ito upang matutunan mo ang iba't ibang side ng buhay ng isang tao. Hindi ang salapi ang umiikot sa buhay mo lalo na ang shopping, bawas-bawasan na, ha,” dugtong na pangaral nito sa akin na ikinahinga ko nang malalim. Mukhang mahihirapan ako. Lalo na't wala ang mga kaibigan ko roon na pupunta agad isang tawag ko pa lamang. Ayaw ko naman bigyan ng dissapointment si Mom kung hindi ako papayag sa gusto nila ni Dad.
“I know, Mom,” tanging nasagot ko na lamang at itinuloy ang pag-iimpake ko.
Akmang yayakapin ako ni Mom nang pigilan ko siya. “Mom naman, I don't do hugs,” wika ko sa kanya na ikinairap niya.
“Yeah, I know. Makakasundo mo naman siguro ang anak ng kaibigan ko,” aniya na animong kinikilig sa linyang binitiwan nito na ikinapagtaka ko. Sinabayan ko na lamang ang gusto ni Mom hanggang sa tuluyan na namin natapos ang pag-iimpake.
Mabilis na lumipas ang gabi na iyon hanggang sa dumating na ang araw na kinaiinisan ko. Nag-ayos muna ako nang kaunti habang ang mga maids naman ay bitbit ang mga maleta ko pababa. Habang bumababa ako ay nakita ko sina Mom and Dad na abala sa pagkain ng umagahan. Nang makita nila ako ay agad nila akong hinalikan sa pisngi.
“Good morning, my dear. Eat your breakfast, this is your special day,” ani Mom na halos mapunit ang kanyang labi dahil sa excitement na nararamdaman niya. Ano ba ang espesyal sa araw na ito?
“Good morning, Mom and Dad, what's the breakfast for today?” tanong ko sa kanila, hindi pinansin ang sinabi nilang special day. Dahan-dahan naman ako umupo at naamoy ko ang paborito kong ham na naka-serve sa table.
“Well, your favorite food,” wika ni Dad at pinaghila si Mom ng upuan saka itinuloy ang kanilang pagkain na naabala ko kanina.
“Did I forget to tell you that we will not give you any allowance?” wika ni Mom na ikinatayo ko sa gulat.
“What?!” asik ko. Umubo naman nang peke si Dad dahilan upang umayos ako ng upo. Kung mamalasin nga ako, triple pa ito sa consequence na lagi nilang pinapataw sa akin.
“I know that it's hard for you. But we know that if you need money, you have to earn it,” sabi ni Mom. Tumango naman si Dad upang sumang-ayon. Alam ko namang kahit sumagot ako ay wala na akong magagawa. Tumango na lamang ako at nagsimula nang tumayo, hindi na tinapos ang pagkain.
“I need to go. Bye, Mom and Dad,” paalam ko sa kanila. Tumango naman sila bilang pagpayag. Nasanay na ako sa ganito at mas lalo na hindi ko sila nakikita kaya kahit wala ako rito sa mansion ay ayos lamang sa kanila.
Nakita ko naman na nandoon na sa sasakyan ang mga gamit ko, habang ang driver namin ay nakaayos na. Sumakay ako sa sasakyan at unti-unti naming tinahak ang daan patungo sa probinsya. Hinayaan ko na lamang tangayin ang mga mata ko ng antok.
“Ma'am, ma'am.” Mahinang tapik ng driver ang gumising sa akin. Naririnig ko naman ang tunog na nanggagaling sa labas na parang nagdadaldalan.
“What?” asik ko sa kanya na inistorbo ang pagtulog ko. Agad naman akong bumangon at tiningnan ang orasan. Alas kwatro na ng hapon. Kaninang alas nwebe pa kami umalis. Napakahabang tulog pala ang nangyare sa akin.
“Narito na po tayo,” aniya. Nilibot ko naman ang paningin ko sa lugar. Nakita ko ang mga bukirin na nakapaligid habang ang mga tao ay abala sa ginagawa nila sa bukirin. Wala akong ideya sa ginagawa nila. Agad naman akong tumayo at sinimulan na nitong ibaba ang mga gamit ko.
“Where will I live?” tanong ko sa kanya. Agad naman niyang tinuro ang harap na bahay—wait, hindi siya bahay dahil mas maliit pa ito sa normal na bahay na nakikita ko. Isa itong kubo.
“You expect me to live in a hut?” asik ko sa kanya. Naabala naman ang ginagawa namin nang may lumabas na isang matanda na sa tingin ko ay mas matanda nang sampung taon kay Mom. Nakasuot ito ng isang plain na damit.
“Narito ka na pala, iha. Tama talaga ang iyong ina, sadyang napakaganda mong dalaga. Halika, pumasok kayo. Siguradong magugustuhan ninyo rito,” wika niya. Ang mga kulot niyang buhok ay nagsisimulang tangayin dahil sa ihip ng hangin.
Nakasuot ako ng skirt at blouse habang ang mga gamit ko ay pinapasok na ng driver. Akma ako nitong yayakapin nang bigla ko itong pigilan. “I don't do hugs,” wika ko rito kaya agad itong napatigil.
“Gano'n ba, iha. Pasensya ka na at wala akong alam tungkol sa iyo. Ako nga pala ang Tiya Cecilia mo. Halika sa aming munting bahay,” wika niya. Habang sinusundan ko naman siya papasok, masyadong mabato ang dadaanan kaya natatapilok ako. Matutumba na ako nang may sumalo sa akin at nakita ko ang isang lalaki na diretsong nakatingin sa mga mata ko. Ang mga mata niya ay kulay brown na ang gandang tingnan dahil tumatama rito ang sinag ng araw.
Agad naman akong tumayo dahil hindi ko naman siya kilala upang hawakan ang waist ko. Diretso akong pumasok sa bahay, hindi alintana kung sino ang lalaking iyon.
“Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa akin?” tanong niya. Ang boses niya ay seryoso na bumagay sa facial features niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang hawakan niya ang aking balikat.
“Why would I?” matapang na sagot ko. Humihigpit ang hawak niya sa balikat ko na nagbibigay ng ibang sensasyon sa aking katawan.
“Dahil sinalo kita sa muntik mo nang pagkakahulog sa sahig, mahal na binibini,” wika niya. Hindi ko alam kung pang-aasar ba iyon sa akin o ano, pero hindi ko maitago ang hiya na naramdaman sa sinabi niya.
Ang totoo niyan, never pa ako natawag ng gano'n dahil hindi ito uso. Lalo na at sa mga history lamang nababanggit ang mga iyon.
At saka hindi ko naman sinabi na saluhin niya ako. Siya naman itong nagkusa.
Magsasalita pa sana siya nang biglang lumabas si Tiya Cecilia at nagsalita, “Anak, narito ka na pala,” wika niya na ikinagulat ko. Ibig bang sabihin nito ay siya ang tinutukoy ni Mom na anak ng titirhan ko?
Asteria's Point of ViewHindi naman ako nakapagsalita nang ilang segundo nang bigla ulit magsalita si Tiya Cecilia nang marinig niya na wala kami balak sumagot sa kanyang sinabi.“Oo nga pala, anak. Siya si Asteria, ang anak ng dati kong amo. Sadyang kay buti ng mga magulang niya sa akin. Dahil sa kanila ay nagkaroon tayo ng sarili nating bukid,” proud na wika niya habang ang mga kamay niya ay magkahawak at nakatapat sa kanyang puso na parang nananalangin.Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng tuwa dahil nakatulong sila Mom sa ibang tao o makaramdam ng awa sa sarili ko dahil mabuti pa sa ibang tao ay may oras sila, kaysa sa sarili nilang anak.“Magandang hapon, señorita,” magalang na bigkas niya h
Asteria's Point of ViewIlang oras na akong umiirap habang nag-uusap ang dalawa sa harap ko. At talagang sa harap ko pa silang dalawa nagharutan. Well, wala namang problema sa gano'n, pero nakakairita kasi sa pakiramdam.Maggagabi na ngayon at talaga namang nakakatakot na ang daanan habang ang simoy ng hangin ay dumadampi sa balat ko na nakakapanginig sa akin.“Alam mo ba, Gray? Ilang araw na akong nasa bahay ng tiya ko. Kakauwi ko lang dito sa probinsya and guess what?” wika ni Leiya na nagpakilala sa akin kanina. Mukhang galing din siya sa syudad kagaya ko.Kanina lamang ay nagpakilala ito sa akin.“Gray,” tawag nito na ikinalingon naming dalawa.
Asteria's Point of ViewMakalipas ang ilang sandali, nagpaalam na ako upang pumunta sa silid na hinanda nila para sa akin, ginawaran ko lamang sila ng ngiti bago ako pumunta roon.Nandoon pa rin si Leiya at mukhang balak pa niyang makitulog dito. Lagi akong napapairap sa kawalan tuwing magsasalita siya. Simula no'ng mapahiya siya dahil sa binigay kong Hermes bag ay hindi na siya nagkuwento ng buhay niya sa siyudad. Sa halip ay tungkol na lamang sa pag-aaral niya na hindi naman nakaagaw ng atensyon dahil sa kayabangan niya.Kinausap din ako ni Blake kanina at nakita ko ang simpleng titig niya sa amin habang kumakain. Ayos naman ang pagkain nila rito. Sa totoo niyan, ay mas ayos ang pagkain dito dahil mas sariwa at galing mismo sa kabukiran.
Asteria's Point of ViewNagising ako sa init na nararamdaman at sa bigat na parang may nakapatong sa akin. Pagkabukas ko ng mata ay nagulat ako sa tumambad sa akin. Nakapatong lang naman si Gray sa akin habang mahimbing na natutulog. Naalala ko na naman ang nakakahiyang ginawa ko kanina. Mas mabuti kung kalilimutan ko na lamang ang ginawa ko na iyon. Dahan-dahan ko siyang inasog sa kabilang side ng kama upang makahinga ako nang mabuti.Hindi tanaw ang sinag ng araw rito, pero napakainit at hindi ako sanay sa gano'ng init. Nakabukas pa rin ang gasera na nagbibigay ilaw sa buong silid. Dahan-dahan akong umupo nang marinig ko si Gray na nagsalita.“Saan ka pupunta?” tanong niya sa akin habang nakapikit pa rin ang mga mata niya.
Asteria's Point of ViewIlang oras na akong pabalik-balik sa salamin para tingnan kung bumagay sa akin ang pagkakatali ng buhok ko. Kulay puting T-shirt lamang ang isinuot ko na p-in-artner-an ko ng itim na pantalon na binili ko sa mismong store ng Adidas noong magtungo kami roon.“Iha, halika na, baka mahuli pa tayo. Mga alas singko ng hapon ay magsasara na ang registrar,” wika nito habang kumakatok sa pintuan. Hindi naman na ako nag-atubili pa at lumabas na ng silid. Tumambad sa akin ang matamis na ngiti ni Tiya Cecilia na ibinalik ko naman.“Napakaganda mo naman, iha. Kahit ang simpleng T-shirt ay bumabagay sa iyo. Halika na at baka tayo ay mahuli pa,” saad nito at kinuha ang payong. Sinara din nito ang pintuan ng bahay.
R-18: READ AT YOUR OWN RISK.Asteria's Point of ViewSabay naming binabagtas na dalawa ang daan habang ang patak ng ulan ay patuloy na tumatama sa aming mga balat. Ito ang unang beses na nagpabasa ako sa ulan para lang makasama ang isang lalaki na kailanman ay hindi ko naisip na gawin ko sa tanang buhay ko.“Binibini, nais mo bang buhatin kita hanggang sa kubo? Mukhang napapagod ka na,” wika ni Gray habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa loob ng tiyan ko na parang may paru-paro na lumilipad roon. Hindi ako ignorante para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin no'n, pero ngayon ko lang naramdaman ito at kakaiba ang pakiramdam na iyon.“Gray…,” bigkas ko, nais kong malaman kung parehas ba
Asteria's Point of ViewDahan-dahang tumatama sa mga mata ko ang sinag ng araw na nanggagaling sa siwang ng bintana. Ano ba ang nangyari kagabi? Iminulat ko ang mga mata ko nang maramdaman ko na may nakayakap sa akin. Huwag mong sabihing totoo talaga ang nangyari kagabi at hindi panaginip?Tiningnan ko si Gray na nakahubad pa ang pang-itaas habang ang akin ay nakabihis na nang buo. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya. Tumayo ako nang makaramdam ng sakit na nanggagaling sa ibabang parte ng katawan ko. Napahawak ako sa table na nandoon dahil hindi ko maitayo ang katawan ko na parang akong napilay.“Gaano ba kalaki ang bulldog niya at ganito ang naging balik sa akin? 'Yan, Asteria, ginusto mo 'yan,” bulong ko sa sarili nang may yumakap sa akin mula sa likod.
Asteria's Point of View“Naku, iha, napakagandang balita niyan, ngunit alam na ba 'yan ng magulang mo?” tanong ni Tiya Cecilia na parang kalmado lang sa winika nito.Hindi ako mapalagay, huwag sana maging tama ang iniisip ko, kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin ko.“Hindi pa po, pero ipapaalam ko po sa kanya once na makauwi ako sa amin,” masayang wika nito habang nakatingin nang diretso kay Tiya.Napatango naman sila nang bigla itong magsalita, “Kaya lang po, bago 'yon nais ko pong ipaalam sa inyo na si Gray ang ama,” sambit nito habang nakangiti sa akin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, pero this time, hindi ko maitago ang sakit na nararamdaman ko.
Asteria's Point of ViewHindi ko alam kung ilang thank you ang sinabi sa akin nina Leiya at Blake dahil sa regalo ko sa kanila. Ginawan ko talaga ng paraan para maibigay 'yon sa kanila. Kahit noong una ay ayaw pa akong pahiramin ng pera, how dare her na pagdamutan ako. Pero dahil nagawan niya ng paraan at um-oo siya sa akin, sumaya ako. At napasaya ko ang dalawa.Iyon nga lang, ang problema ay siya ang pipili ng bahay. Hindi naman ako maka-disagree dahil siya ang bibili."Fine. Sabihin mo na lang sa akin kung saan 'yon. Kapag maganda, babayaran kita kapag nagkita tao," sabi ko sa kanya. Next week ay lilipat na sina Blake at Leiya sa bahay.Sa wakas ay pinaplano na nila ang tungkol sa pamilya nila. Malapit na rin siy
Asteria's Point of ViewTumingin kami roon sa sumigaw. Nakita namin ang isang lalaki na nakahandusay sa sahig. May bula ito sa labi at naniniwala kaming ito ay food poisoning.Pero magkaiba dahil ang staff ang nag-serve. Kung may naglagay ng lason sa pagkain, maituturo sila. Siguro, may malapit sa lalaki na kailangang pagsuspetyahan sa nangyari. Hindi ako professional na detective, pero gamit ang logic, masasabi kong sinadya itong gawin. Gusto nilang iba ang masisi, hindi sila.Pero, ano 'yong powder sa kamay niya? May kakaiba roon."Gray, tingnan mo 'yong kamay niya. May kakaiba roon. Alam mo ba kung ano 'yon?" tanong ko habang nakaturo sa kanang kamay ng biktima."Tumawag kayo ng pulis! Huwag
Asteria's Point of ViewNagulat ako nang lumapit si Selena sa aming apat nang may malaking ngiti. Paano niya nagawang pumasok sa simbahan habang nakasuot ng kulay itim na dress? Lahat ng atensyon ay nasa amin at tila hindi siya masaya sa kasal nina Blake at Leiya dahil sa ginagawa niya. Hanggang dito ba naman ay sisirain niya ang lahat?“Congratulations to the both of you and wait, I'm just here to give them my gift. If you don't mind, Asteria?” she said confidently while looking from my head to toe. Napakuyom ang aking kamao. Is she mocking me?“Well, I'm not saying anything, but are you invited? And besides I'm not the one who will receive your gift. You should ask them if they want to accept your gift,” I replied. Binigyan niya lamang ako ng
Asteria's Point of View Lumipas ang mga araw, at ito ang pinakahihintay na kasal nina Leiya at Blake. Hindi ko maiwasang maging masaya para sa kanilang dalawa. Sa kabutihang palad, binigyan ako ni Blaire ng pera upang bumili ng regalo para sa kanilang dalawa. Sinuot ko ang gown na ibinibigay nila sa akin habang inaayusan ko ang sarili dahil wala akong anumang katulong upang magawa iyon. Tulad ng dalawa nandito, tinutulungan sila ng katulong na kanilang kinuha habang maraming regalo sa bahay na madadaanan mo dahil dito. Gayunpaman, hindi ko pa nakikita si Gray, siguro’y abala siya dahil ito ang araw na dapat silang magdiwang bilang pamilya ng lalaking ikakasal. Narito rin ang pamilya ni Leiy
WARNING: R-18, Read at your own risk.Asteria's Point of ViewAng aming halikan ay tumatagal nang ilang minuto nang simulan niyang i-lock ang pinto mula sa likuran. Huwag niyang sabihin na gusto na naman niya iyong gawin gayong nagawa na namin iyon kanina sa banyo? Gusto niya ba talaga akong mabuntis?“Gray, feeling ko hindi natin dapat gawin—” Natigilan ako sa sasabihin ko nang itulak niya ako sa dingding habang hawak ang likod ko at ang kaliwang braso’y nasa baba ko upang gabayan ako mula sa halik.Nagsimula akong umungol sa pagitan ng mga halikan namin. Ang sensasyong nararamdaman ko’y lumalalim. Ramdam ko ang init ng aming katawan na dumadampi sa 'kin.
Asteria's Point of ViewPagdating namin sa bahay, nakita ko silang nanonood ng telebisyon. Pumunta ako sa kusina upang magluto dahil nangako ako kay Tita Cecilia na ako ang magluluto ng aming hapunan ngayong araw.“Kailangan mo ba ng tulong, Asteria?” tanong ni Leiya habang nakatayo, but I just shook my head because I can do it by myself. And besides, I will serve them today. That's why they should just sit and relax while I’m cooking.“Nasa kwarto ba si Gray?” tanong ko habang naghahanda ng mga sangkap.Noon, kami lang ni Gray ang natutulog sa kwarto, pero napagdesisyunan nilang patulugin si Leiya sa ibaba ng double deck.
Asteria's Point of ViewHabang naglalakad kami, nakita ko ang nayon sa hindi kalayuan sa kanilang tinitirhan. Kung ako ang papipiliin kung ano ang pinakamahalaga, malamang pipiliin ko kung nasaan si Gray at ang simoy ng hangin sa kanilang lugar.“Asteria, dito ang daan!” sigaw ni Tita Cecilia habang tinuturo ang direksyon na mayroong maraming tao na naghihintay sa pila. Marahil sila ang kalahok na sasali sa paligsahan. Hindi ko alam kung maaari kaming mananalo laban sa kanila.They are with their couple, and the others were kissing and hugging. Gayunpaman, nagsimula kaming pumila, and after some interrogation with Tita Cecilia, I couldn’t stop, but I remained silent. How can I speak a word if I’m shy, and if women got pregnant because of that? I
Asteria's Point of ViewIniwan ko na lamang sina Leiya at Blake na nag-aaway kung itutuloy ba nila ang pangpa-prank kay Gray. Mabilis na lamang akong naglakad upang batiin ang bisitang naghihintay sa akin ayon kay Tiya Cecilia.Kaagad na binuksan ko ito at bumungad sa akin ang mukha ni Selena. Nakasuot siya ng dress na hanggang tuhod, naka-boots, at naka-messy bun ang buhok. Anong ginagawa niya rito? Isinuot pa niya ang kanyang salamin. Ni walang araw ngayon, tapos may sunglasses ito? Naligaw yata 'to."Finally, binuksan mo rin ang pinto, Asteria! Kumusta?” Magiliw nitong tanong na para bang wala kaming 'di pagkakaintindihan. Bigla ko na namang naalala 'yong nangyari sa amin sa mansion ni Lola Anastacia. Kaagad kong inalis ang isipin na 'yon nang may maalala. Kahit saa
Asteria's Point of ViewPagkatapos ng ginawa namin, sabay kaming naligo. Nang lumabas ako ng banyo ay kaagad na bumungad sa akin ang nanunuyang mga tingin nina Leiya at Blake na naghihintay sa labas."Anong ginagawa n'yo ritong dalawa?" tanong ko sa kanila, nanatili pa rin ang mapang-asar na tinging naka-plaster sa mukha ng dalawa. Ang weird talaga ng dalawang ito. Napaka-compatible ng dalawa, umabot pa sa puntong pati pang-aasar sa akin ay magkasundo sila. Napabuntonghininga ako. Hindi ko maintindihan itong dalawa. Hindi kami ganito ni Gray, siguro ay hindi pa kami ganoong ka-close.Binigyan ko na lamang sila ng nakamamatay na tingin, ngunit tanging tawa lamang ang naging tugon ng dalawa. Akmang papasok si Blake sa loob ng banyo ngunit agad ko itong pinigilan kaya't tinaasa