Share

VII - Sinangag

Author: Mowtie
last update Last Updated: 2021-06-21 20:16:33

Asteria's Point of View

Nagising ako sa init na nararamdaman at sa bigat na parang may nakapatong sa akin. Pagkabukas ko ng mata ay nagulat ako sa tumambad sa akin. Nakapatong lang naman si Gray sa akin habang mahimbing na natutulog. Naalala ko na naman ang nakakahiyang ginawa ko kanina. Mas mabuti kung kalilimutan ko na lamang ang ginawa ko na iyon. Dahan-dahan ko siyang inasog sa kabilang side ng kama upang makahinga ako nang mabuti.

Hindi tanaw ang sinag ng araw rito, pero napakainit at hindi ako sanay sa gano'ng init. Nakabukas pa rin ang gasera na nagbibigay ilaw sa buong silid. Dahan-dahan akong umupo nang marinig ko si Gray na nagsalita.

“Saan ka pupunta?” tanong niya sa akin habang nakapikit pa rin ang mga mata niya. 

“Naiinitan ako. Pupunta lamang ako sa labas para magpahangin,” wika ko sa kanya. Mga ilang minuto ay hindi na siya sumagot. Bababa na sana ako nang bigla niya akong higitin at niyakap ulit. Aba, sumosobra na yata siya, ah.

“Hoy, ano bang ginagawa mo!” asik ko sa kanya. Mas binigatan naman niya ang mga kamay niya para hindi ako makaalis. “Napakaganda mo pala 'pag natutulog,” bulong niya sa tainga ko na nagbigay sa akin ng kiliti. Ang mga pisngi ko ay naging kamatis dahil sa sinabi niya. Shit, ano kaya ang hitsura ko no'ng natutulog ako?

Agad akong napabalikwas. Mabuti na lamang ay hindi na mabigat ang kanyang mga kamay. Dali-dali akong bumaba upang pumunta sa banyo.

Nakita ko ang tulo-laway ko sa bandang labi na ikinahawak ko ng ulo. Nakakahiya naman ang bagay na ito. Ni kahit minsan ay wala pang nakakakita sa akin na ganito ang hitsura ko. Not even my mom and dad.

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Gray na guwapong-guwapo sa suot niyang T-shirt. Gano'n pa rin ang hitsura niya. Tumaas lang ang mga buhok niya nang kaunti at naging singkit ang mga mata. Mabuti pa siya, sana all, 'yan na lang ang masasabi ko.

Akmang lalagpasan ko siya nang bigla niyang higitin ang waist ko at bumulong, “Halika sa aming lutuan at ipagluluto kita ng almusal.” Sasagot pa sana ako nang bigla siyang nagsalitang muli, “Alam kong gutom ka na. Narinig ko ang tiyan mo,” wika niya na ikinairap ko. Haynaku. Lahat talaga ay alam ng lalaking ito. Kulang na lang, siya na ang maging ama ko, pero nakatutuwa dahil naalala niya ako at hindi niya binanggit ang tungkol sa pagyakap ko sa kanya.

Nang magtungo kami sa kusina ay katamtaman lang ang laki nito, pero mukhang ayos naman dahil mukhang makakapagluto naman. Tumatama sa balat namin ang kaunting sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Tuloy-tuloy siyang pumasok at  kinuha ang chopping board. “Halika, tuturuan kitang magluto,” wika niya.

Agad naman akong napasabi ng, “No way.” Kaya lang bigla niya akong hinawakan sa baywang at akmang yayakapin. “Oo na, oo na, ito na nga, oh,” napipilitan na sabi ko. Mukhang wala naman akong magagawa kundi sumunod sa kanya. Kung hindi ay 'di ako makakakain ngayong umaga.

“Balatan mo muna ang bawang,” wika niya at iniabot sa akin ang kulay puti na ingredient.

“Hindi ba ito masakit sa mata?” tanong ko sa kanya dahil lagi kong naririnig na may ingredient daw na masakit sa mata. Natawa naman siya na ikinagulat ko. 

“Ano, bahala ka nga riyan!” asik ko sa kanya nang bigla niya ulit ako hilahin.

“Sorry na, binibini. Hindi iyan masakit sa mata. Ito po iyon, ang sibuyas,” wika niya habang pinapakita ang pulang bagay na parang tomato. Ang laki.

Nagpatuloy kami sa proseso. Sa pagbabalat ko ng bawang ay agad niya itong pinahiwa. Kaya lang, malalaki ang hiwa nito kaya tinuruan niya pa ako kung paano mas mapapadali ang paghiwa rito. Sumunod roon ay naghiwa kami ng hotdog habang ang itlog naman ay inayos din namin. Kakaiba naman yatang sinangag ito. Never pa kasi ako nagpaluto ng sinangag sa mga maid ko dahil mas gusto ko ang totoong kanin.

Nang matapos ay may kinuha siyang kanin sa kaldero at nagsimula itong lapirutin. “Ano ang ginagawa mo sa kanin?” tanong ko sa kanya habang nakatingin lamang sa ginagawa niya.

“Para mahiwalay ang grains,” wika niya na ikinatango ko na lamang. Nang matapos siya ay kumuha ito ng Star.

“Mas masarap ito kumpara sa oil lamang. Pero bago 'yan, iprito muna natin ang hotdog,” aniya habang kinukuha ang hotdog na hiniwa ko at sinimulang iluto. Namangha ako dahil ang galing niya magluto. Marahil ay siya ang nagluluto sa bahay nila kapag wala ang kanyang ina.

Pagkayari ay pinunasan niya ang kawali at nagsimulang iluto ang itlog. Ito ay scrambled egg. Dahan-dahan niya itong niluto at perpekto ang pagkakaluto nito. Wala man lang nasunog.

Pinunasan niya ulit ito at nagsimulang igisa ang bawang. Nang mayari ito ay inilagay niya ang margarine at sinimulang ilagay ang kanin. Sinimulan niya itong haluin nang haluin. Nang medyo ayos na ito ay isinama niya ang hotdog at itlog dito. Wow, ang dami kong natutunan ngayong umaga. Puwede pala ang bagay na iyon? Nang mayari ay agad niya itong sinandok sa bandehado at dinala ito sa lamesa.

“Ang bango naman,” puri ko sa kanya na ikinangiti niya. Kahit naman ang nagluto ay mabango talaga.

Nagsimula niya akong sandukan ng kanin. Nagpasalamat naman ako sa kanya na ikinangiti niya na lamang. Pagkayari ay kinuha niya ako ng isang basong tubig. “Hindi ka ba sasabay sa akin?” tanong ko sa kanya. Agad naman siyang naupo sa tabi ko at nagsimulang magsandok. Kakaiba ang feeling ngayong araw kumpara sa lagi akong nagigising ng mga hapon sa mansion namin. Nagtanungan kami tungkol sa mga sarili na agad ko naman sinasagot.

“Ano ba ang buhay siyudad mo, binibini?” tanong niya sa akin habang ngumunguya.

“Wala namang bago. Puro sa social media, shopping, school lang umiikot ang buhay ko,” wika ko na ikinatango niya. Ibinalik ko sa kanya ang tanong na sinagot naman niya.

“Ang buhay probinsya ay masaya. Nagtatrabaho ako sa hacienda ng tiyuhin ko upang may extra na kita pandagdag sa pag-aaral ko. Kung minsan ay sa bukid naman namin nang sa gayon ay makatulong ako kina Ina at Ama,” wika niya na sinagot ko na lamang ng ngiti. Ang komportable na namin sa isa't isa ngayon, pero mas mabuti kung ididistansya ko nang kaunti ang sarili ko upang kapag nahulog ako ay hindi masyadong masakit.

Nang matapos silang kumain ay lumabas siya upang magpahangin saglit. Nakikita niya na gising na ang ibang tao roon na abala sa kani-kanilang bukid. Napakasariwa ng hangin kumpara sa siyudad na puro building paglabas. Mayamaya pa ay naramdaman ko na may tumabi sa akin, pero hindi ito si Gray, kundi si Blake.

“Magandang umaga, Binibining Asteria,” bati niya na ikinatango ko na lamang. Akmang papasok na ako nang bigla niya akong tanungin kung kumain na ako na sinagot ko ng oo.

Nang pumasok ako ay gising na rin sina Tiya Cecilia na agad akong binati ng magandang umaga na binati ko rin pabalik. Pinaupo niya ako sa upuan dahil may sasabihin daw siya sa akin. “Oo nga pala, iha. Hindi maaring 'di matuloy ang iyong pag-aaral. Ang bilin sa akin ng iyong ina ay i-enroll kita sa paaralan din nina Gray at Blake. Baka ngayong araw ay ma-enroll na kita,” wika niya na ikinatango ko. Sabagay, hindi ko naisip ang ginawa kong dahilan kay Mom para hindi matuloy rito.

“Kumain ka na ba, iha?” tanong nito na ikinatango ko na lamang. Nang tinanong niya kung sino ay nagluto ay sumagot si Gray. “Siya ang nagluto ng umagahan natin, Ina,” sambit nito kaya sinamaan ko ito ng tingin dahil ang totoo namang nagluto ay siya.

Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong kinalabit ni Gray. “Binibini, ayos lamang ba kung kasama ako sa inyo ni Ina kapag pina-enroll ka niya?” tanong nito na sinagot ko na lamang ng simpleng sige dahil hindi ko rin alam kung bakit gusto niyang sumama.

Related chapters

  • The Billionairess Ex-Husband   VIII - Enrollment

    Asteria's Point of ViewIlang oras na akong pabalik-balik sa salamin para tingnan kung bumagay sa akin ang pagkakatali ng buhok ko. Kulay puting T-shirt lamang ang isinuot ko na p-in-artner-an ko ng itim na pantalon na binili ko sa mismong store ng Adidas noong magtungo kami roon.“Iha, halika na, baka mahuli pa tayo. Mga alas singko ng hapon ay magsasara na ang registrar,” wika nito habang kumakatok sa pintuan. Hindi naman na ako nag-atubili pa at lumabas na ng silid. Tumambad sa akin ang matamis na ngiti ni Tiya Cecilia na ibinalik ko naman.“Napakaganda mo naman, iha. Kahit ang simpleng T-shirt ay bumabagay sa iyo. Halika na at baka tayo ay mahuli pa,” saad nito at kinuha ang payong. Sinara din nito ang pintuan ng bahay.

    Last Updated : 2021-06-21
  • The Billionairess Ex-Husband   IX - Init sa Ulan

    R-18: READ AT YOUR OWN RISK.Asteria's Point of ViewSabay naming binabagtas na dalawa ang daan habang ang patak ng ulan ay patuloy na tumatama sa aming mga balat. Ito ang unang beses na nagpabasa ako sa ulan para lang makasama ang isang lalaki na kailanman ay hindi ko naisip na gawin ko sa tanang buhay ko.“Binibini, nais mo bang buhatin kita hanggang sa kubo? Mukhang napapagod ka na,” wika ni Gray habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa loob ng tiyan ko na parang may paru-paro na lumilipad roon. Hindi ako ignorante para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin no'n, pero ngayon ko lang naramdaman ito at kakaiba ang pakiramdam na iyon.“Gray…,” bigkas ko, nais kong malaman kung parehas ba

    Last Updated : 2021-06-21
  • The Billionairess Ex-Husband   X - Confusion

    Asteria's Point of ViewDahan-dahang tumatama sa mga mata ko ang sinag ng araw na nanggagaling sa siwang ng bintana. Ano ba ang nangyari kagabi? Iminulat ko ang mga mata ko nang maramdaman ko na may nakayakap sa akin. Huwag mong sabihing totoo talaga ang nangyari kagabi at hindi panaginip?Tiningnan ko si Gray na nakahubad pa ang pang-itaas habang ang akin ay nakabihis na nang buo. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya. Tumayo ako nang makaramdam ng sakit na nanggagaling sa ibabang parte ng katawan ko. Napahawak ako sa table na nandoon dahil hindi ko maitayo ang katawan ko na parang akong napilay.“Gaano ba kalaki ang bulldog niya at ganito ang naging balik sa akin? 'Yan, Asteria, ginusto mo 'yan,” bulong ko sa sarili nang may yumakap sa akin mula sa likod.

    Last Updated : 2021-06-21
  • The Billionairess Ex-Husband   XI - Knight in Shining Armor

    Asteria's Point of View“Naku, iha, napakagandang balita niyan, ngunit alam na ba 'yan ng magulang mo?” tanong ni Tiya Cecilia na parang kalmado lang sa winika nito.Hindi ako mapalagay, huwag sana maging tama ang iniisip ko, kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin ko.“Hindi pa po, pero ipapaalam ko po sa kanya once na makauwi ako sa amin,” masayang wika nito habang nakatingin nang diretso kay Tiya.Napatango naman sila nang bigla itong magsalita, “Kaya lang po, bago 'yon nais ko pong ipaalam sa inyo na si Gray ang ama,” sambit nito habang nakangiti sa akin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, pero this time, hindi ko maitago ang sakit na nararamdaman ko.

    Last Updated : 2021-06-21
  • The Billionairess Ex-Husband   XII - Future Wife

    Asteria's Point of View“Ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin. Hindi ko maiwasang mamangha sa kaguwapuhang taglay niya.Napatingin ako sa lalaking sinuntok niya na ngayon ay nasa sahig na at nakahawak sa panga nito. Akmang susuntukin ulit siya nito nang hawakan nito ang kamao ng lalaki at sinipa pataas. Daig ko pa ang nanood ng action movie sa ginawa niya. Hindi mapigilan ng ibang pumalakpak habang ang bouncer ay pumunta upang alalayan ang lalaki at tinanong ang nangyari.“That man tried to harass me!” asik ko habang galit na itinuturo ang lalaki. How dare he harass Asteria Bellamy, the only daughter of the owner of the third richest company in the world?“We will check the CCTV, ma'am. If we confirmed it,

    Last Updated : 2021-06-21
  • The Billionairess Ex-Husband   XIII - Ang Katotohanan

    Asteria's Point of ViewNagulat ako ng may tumawag na pamilyar na boses sa akin. “Asteria?” ulit pa nito na ikinatulak ko kay Terrence. Agad akong lumingon sa likuran ko at nakita ko ang inaasahan ko kanina na ngayon lang dumating. Si Gray.Tagatak ang pawis niya habang hinihingal siya. Nagtataka siyang nakatingin sa aming dalawa ni Terrence.“Who is he?” tanong ni Terrence. Pinasadahan nito ng tingin si Gray.“Ah, siya nga pala si Gray ang . . . .” Hindi ko alam ang idudugtong ko dahil unang-una, wala naman kaming label, at isa pa, malabong itong mangyari dahil sa sitwasyon nila ngayon ni Leiya. “. . . ang aking kaibigan. Gray, siya naman si Terrence. Iniligtas niya ako kanina sa lalaking

    Last Updated : 2021-06-21
  • The Billionairess Ex-Husband   XIV - Sa Ilalim ng mga Bituin

    Asteria's Point of View“So, sino talaga ang tunay na ama ng dinadala ni Leiya?” tanong ko habang nakahiga sa mga braso niya. Kasalukuyan kaming nasa ilalim ng puno malapit sa bahay nila habang ang sapin namin ay tela na parang pang-picnic na nakuha namin sa damitan ni Tiya Cecilia.“Well, when we got home, she seeked for my help to make Blake jealous and take his own responsibility,” wika ni Gray habang nakatingin kami sa langit na puno ng nagliliwanag na mga bituin. Sadyang nakaka-relax ang ganitong bagay. Natutunan ko na mas maganda ang ibang gawain dito sa bukid kaysa sa pagharap sa mga gadgets.“Weh? Si Blake ba talaga ang ama no'n? Kakaamin niya lang sa 'kin, eh,” sambit ko sa kanya. Agad naman siyang napaupo sa sinabi ko habang nakakunot ang noo niya.

    Last Updated : 2021-06-21
  • The Billionairess Ex-Husband   XV - Ang Pagseselos

    Asteria's Point of View Ilang oras na simula nang umalis si Blake papunta sa bukid. Pagkayari niyang sabihin iyon ay kinulit ko siya kung anong nangyare, pero ngumingiti lang sa akin. “Past is past, hindi mo na dapat binabalik ang nakalipas na,” wika niya habang nakangiti lang sa akin at saka lumabas. Samantalang katatapos ko lang maligo at ngayon ay nagbibihis na ako. May klase kami at required pumasok. Nakita ko sina Leiya at Gray na nasa lamesa. “Oh, may acting pa ba? Wala na si Blake, ah,” wika ko habang nakataas ang kilay. Masyado yata nilang ginalingan ang pag-acting at hanggang ngayon ay ginagawa pa rin nila, eh wala naman na si Blake. “Gray, sinabi mo sa kanya?

    Last Updated : 2021-06-21

Latest chapter

  • The Billionairess Ex-Husband   XXVIII - Booth Partners

    Asteria's Point of ViewHindi ko alam kung ilang thank you ang sinabi sa akin nina Leiya at Blake dahil sa regalo ko sa kanila. Ginawan ko talaga ng paraan para maibigay 'yon sa kanila. Kahit noong una ay ayaw pa akong pahiramin ng pera, how dare her na pagdamutan ako. Pero dahil nagawan niya ng paraan at um-oo siya sa akin, sumaya ako. At napasaya ko ang dalawa.Iyon nga lang, ang problema ay siya ang pipili ng bahay. Hindi naman ako maka-disagree dahil siya ang bibili."Fine. Sabihin mo na lang sa akin kung saan 'yon. Kapag maganda, babayaran kita kapag nagkita tao," sabi ko sa kanya. Next week ay lilipat na sina Blake at Leiya sa bahay.Sa wakas ay pinaplano na nila ang tungkol sa pamilya nila. Malapit na rin siy

  • The Billionairess Ex-Husband   XXVII - Jaxon Parker

    Asteria's Point of ViewTumingin kami roon sa sumigaw. Nakita namin ang isang lalaki na nakahandusay sa sahig. May bula ito sa labi at naniniwala kaming ito ay food poisoning.Pero magkaiba dahil ang staff ang nag-serve. Kung may naglagay ng lason sa pagkain, maituturo sila. Siguro, may malapit sa lalaki na kailangang pagsuspetyahan sa nangyari. Hindi ako professional na detective, pero gamit ang logic, masasabi kong sinadya itong gawin. Gusto nilang iba ang masisi, hindi sila.Pero, ano 'yong powder sa kamay niya? May kakaiba roon."Gray, tingnan mo 'yong kamay niya. May kakaiba roon. Alam mo ba kung ano 'yon?" tanong ko habang nakaturo sa kanang kamay ng biktima."Tumawag kayo ng pulis! Huwag

  • The Billionairess Ex-Husband   XXVII - The Reception

    Asteria's Point of ViewNagulat ako nang lumapit si Selena sa aming apat nang may malaking ngiti. Paano niya nagawang pumasok sa simbahan habang nakasuot ng kulay itim na dress? Lahat ng atensyon ay nasa amin at tila hindi siya masaya sa kasal nina Blake at Leiya dahil sa ginagawa niya. Hanggang dito ba naman ay sisirain niya ang lahat?“Congratulations to the both of you and wait, I'm just here to give them my gift. If you don't mind, Asteria?” she said confidently while looking from my head to toe. Napakuyom ang aking kamao. Is she mocking me?“Well, I'm not saying anything, but are you invited? And besides I'm not the one who will receive your gift. You should ask them if they want to accept your gift,” I replied. Binigyan niya lamang ako ng

  • The Billionairess Ex-Husband   XXVII - Ang Kasal

    Asteria's Point of View Lumipas ang mga araw, at ito ang pinakahihintay na kasal nina Leiya at Blake. Hindi ko maiwasang maging masaya para sa kanilang dalawa. Sa kabutihang palad, binigyan ako ni Blaire ng pera upang bumili ng regalo para sa kanilang dalawa. Sinuot ko ang gown na ibinibigay nila sa akin habang inaayusan ko ang sarili dahil wala akong anumang katulong upang magawa iyon. Tulad ng dalawa nandito, tinutulungan sila ng katulong na kanilang kinuha habang maraming regalo sa bahay na madadaanan mo dahil dito. Gayunpaman, hindi ko pa nakikita si Gray, siguro’y abala siya dahil ito ang araw na dapat silang magdiwang bilang pamilya ng lalaking ikakasal. Narito rin ang pamilya ni Leiy

  • The Billionairess Ex-Husband   XXVI - Steamy Sex

    WARNING: R-18, Read at your own risk.Asteria's Point of ViewAng aming halikan ay tumatagal nang ilang minuto nang simulan niyang i-lock ang pinto mula sa likuran. Huwag niyang sabihin na gusto na naman niya iyong gawin gayong nagawa na namin iyon kanina sa banyo? Gusto niya ba talaga akong mabuntis?“Gray, feeling ko hindi natin dapat gawin—” Natigilan ako sa sasabihin ko nang itulak niya ako sa dingding habang hawak ang likod ko at ang kaliwang braso’y nasa baba ko upang gabayan ako mula sa halik.Nagsimula akong umungol sa pagitan ng mga halikan namin. Ang sensasyong nararamdaman ko’y lumalalim. Ramdam ko ang init ng aming katawan na dumadampi sa 'kin.

  • The Billionairess Ex-Husband   XXV - Punishment

    Asteria's Point of ViewPagdating namin sa bahay, nakita ko silang nanonood ng telebisyon. Pumunta ako sa kusina upang magluto dahil nangako ako kay Tita Cecilia na ako ang magluluto ng aming hapunan ngayong araw.“Kailangan mo ba ng tulong, Asteria?” tanong ni Leiya habang nakatayo, but I just shook my head because I can do it by myself. And besides, I will serve them today. That's why they should just sit and relax while I’m cooking.“Nasa kwarto ba si Gray?” tanong ko habang naghahanda ng mga sangkap.Noon, kami lang ni Gray ang natutulog sa kwarto, pero napagdesisyunan nilang patulugin si Leiya sa ibaba ng double deck.

  • The Billionairess Ex-Husband   XXIV - Unfair

    Asteria's Point of ViewHabang naglalakad kami, nakita ko ang nayon sa hindi kalayuan sa kanilang tinitirhan. Kung ako ang papipiliin kung ano ang pinakamahalaga, malamang pipiliin ko kung nasaan si Gray at ang simoy ng hangin sa kanilang lugar.“Asteria, dito ang daan!” sigaw ni Tita Cecilia habang tinuturo ang direksyon na mayroong maraming tao na naghihintay sa pila. Marahil sila ang kalahok na sasali sa paligsahan. Hindi ko alam kung maaari kaming mananalo laban sa kanila.They are with their couple, and the others were kissing and hugging. Gayunpaman, nagsimula kaming pumila, and after some interrogation with Tita Cecilia, I couldn’t stop, but I remained silent. How can I speak a word if I’m shy, and if women got pregnant because of that? I

  • The Billionairess Ex-Husband   XXIII - Shooter

    Asteria's Point of ViewIniwan ko na lamang sina Leiya at Blake na nag-aaway kung itutuloy ba nila ang pangpa-prank kay Gray. Mabilis na lamang akong naglakad upang batiin ang bisitang naghihintay sa akin ayon kay Tiya Cecilia.Kaagad na binuksan ko ito at bumungad sa akin ang mukha ni Selena. Nakasuot siya ng dress na hanggang tuhod, naka-boots, at naka-messy bun ang buhok. Anong ginagawa niya rito? Isinuot pa niya ang kanyang salamin. Ni walang araw ngayon, tapos may sunglasses ito? Naligaw yata 'to."Finally, binuksan mo rin ang pinto, Asteria! Kumusta?” Magiliw nitong tanong na para bang wala kaming 'di pagkakaintindihan. Bigla ko na namang naalala 'yong nangyari sa amin sa mansion ni Lola Anastacia. Kaagad kong inalis ang isipin na 'yon nang may maalala. Kahit saa

  • The Billionairess Ex-Husband   XXII - Pranking

    Asteria's Point of ViewPagkatapos ng ginawa namin, sabay kaming naligo. Nang lumabas ako ng banyo ay kaagad na bumungad sa akin ang nanunuyang mga tingin nina Leiya at Blake na naghihintay sa labas."Anong ginagawa n'yo ritong dalawa?" tanong ko sa kanila, nanatili pa rin ang mapang-asar na tinging naka-plaster sa mukha ng dalawa. Ang weird talaga ng dalawang ito. Napaka-compatible ng dalawa, umabot pa sa puntong pati pang-aasar sa akin ay magkasundo sila. Napabuntonghininga ako. Hindi ko maintindihan itong dalawa. Hindi kami ganito ni Gray, siguro ay hindi pa kami ganoong ka-close.Binigyan ko na lamang sila ng nakamamatay na tingin, ngunit tanging tawa lamang ang naging tugon ng dalawa. Akmang papasok si Blake sa loob ng banyo ngunit agad ko itong pinigilan kaya't tinaasa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status