Home / All / The Billionairess Ex-Husband / XIII - Ang Katotohanan

Share

XIII - Ang Katotohanan

Author: Mowtie
last update Last Updated: 2021-06-21 20:30:25

Asteria's Point of View

Nagulat ako ng may tumawag na pamilyar na boses sa akin. “Asteria?” ulit pa nito na ikinatulak ko kay Terrence. Agad akong lumingon sa likuran ko at nakita ko ang inaasahan ko kanina na ngayon lang dumating. Si Gray.

Tagatak ang pawis niya habang hinihingal siya. Nagtataka siyang nakatingin sa aming dalawa ni Terrence.

“Who is he?” tanong ni Terrence. Pinasadahan nito ng tingin si Gray. 

“Ah, siya nga pala si Gray ang . . . .” Hindi ko alam ang idudugtong ko dahil unang-una, wala naman kaming label, at isa pa, malabong itong mangyari dahil sa sitwasyon nila ngayon ni Leiya. “. . . ang aking kaibigan. Gray, siya naman si Terrence. Iniligtas niya ako kanina sa lalaking muntik nang gumawa sa akin ng masama,” wika ko sa kanya at pilit na ngumiti. Bakas sa mukha niya na nagulat siya sa sinabi ko. Ano ba dapat?

“It's getting late. I will accompany you until I ensured your safety, shall we?” tanong ni Terrence. Hindi niya pinansin si Gray. Mukhang hindi nila gusto ang guts ng isa't isa.

Tatango na sana ako nang hawakan ni Gray ang kamay ko. “No, you should go home. Ako na ang maghahatid sa kanya. And besides, iisa lang naman ang tinitirhan namin,” matapang na sagot ni Gray habang pinagdidiinan na nakatira kami sa iisang bahay. Bakit ba may pake siya ngayon?

“Terrence, ayos lang. You should go home na at saka para hindi ka na pabalik-balik pa. Again, thank you for saving me earlier. I owe you one. Gray, let's go,” aya ko. 

Napangiti naman si Terrence sa akin. “I will insist,” sambit niya, ngunit bakas sa mukha ni Gray na naiinis na siya rito kaya pinigilan ko ito. Ayaw kong maging sanhi pa ito ng pag-aaway nilang dalawa.

“No, no. Kaya naman na ni Gray na ihatid ako. Isa pa, tama naman siya na nasa iisa kaming bahay kasi anak siya ni Tiya Cecilia,” usal ko at ngumiti nang kaunti sa kanya upang maitago ang kabang nararamdaman. Sa totoo lang, ayaw kong maiwan kami ni Gray nang mag-isa dahil sa awkwardness na nararamdaman ko, lalo na nang simulan niya akong iwasan dahil sa sinabi ni Leiya na siya ang ama ng dinadala nito.

Agad namang tumango si Terrence. “Okay, mi amorè. Let's meet tomorrow after your school. I will date you,” wika niya na agad kong ikinatango. Bago pa mag-sink in sa akin ang sinabi niya ay nakaalis na siya. Pambihira naman, oh. Dumako ang tingin ko kay Gray na nagsimula nang maglakad palabas ng bar.

“Gray, sandali. Hintayin mo ako!” sigaw ko sa kanya saka tumakbo patungo sa kanya.

“Who is he?” asik niya habang nakatingin sa akin. Mababakas sa mukha niya na hindi niya nagustuhan ang huling winika ni Terrence.

“He is my . . . .” Sasagot pa sana ako nang biglang may tumawag kay Gray na agad naming ikinaharap. Si Leiya ito na naghihintay sa labas ng bar. Mukhang kasama niya ito.

Ang kaibahan lang ay tuloy-tuloy na naglakad si Gray nang hindi siya pinapansin. Mukhang badtrip ito. Sumunod lang kami parehas ni Leiya habang kinukulit niya ito. Parang noong una lang naming makita ito. Naglalakad silang dalawa sa harap ko habang ako ay nasa likod.

Pagkarating namin ay walang umiimik sa aming tatlo. “Narito ka na pala, iha. Kanina pa nag-aalala sa 'yo si Gray dahil hindi ka pa umuuwi,” wika ni Tiya Cecilia na agad kong ikinagulat. Sabagay, hindi niya alam na nasa bar ako kaya hindi siya nakapunta agad.

Why does he even care? Should I apologize to him?

Agad naman silang nagpaalam kay Tiya Cecilia upang ihatid si Leiya sa bahay nito. Pumasok naman ako sa silid upang magpalit ng damit. Kailangan kong linawin na wala kami ni Terrence. Kaya lang, kung sasabihin ko iyon, baka isipin niyang may pagtingin ako sa kanya which is mayroon nga.

Mga ilang oras kong hinintay na pumasok si Gray sa silid, subalit anong oras na at wala pa rin siya. Napagdesisyunan kong lumabas ng bahay dahil tulog na rin naman ang iba. Nakita ko siya na nakaupo sa labas habang nakatingin sa kalangitan. Mas maraming stars dito kumpara sa nakikita ko kapag nasa siyudad ako. 

“Gray,” tawag ko saka umupo sa tabi niya. Ramdam ko ang awkwardness sa pagitan naming dalawa habang ang hangin ay dumadampi sa balat ko. 

Nagulat ako nang abutan niya ako ng jacket na agad kong tinanggap. “Salamat,” wika ko na napapangiti. Nitong nagdaang araw, wala akong inisip kundi ang kalokohan na ginawa niya sa akin, pero kahit anong gawin ko ay 'di ko talagang magawang magalit sa kanya kaya pinili kong lumayo.

“Sorry nga pala about sa kanina. Wala namang intensyon na masama si Terrence. Saka iniligtas niya ako sa nagbabalak ng masama sa akin,” wika ko.

Bigla itong tumayo at nagpaalam sa akin, “Mauna na ako.”

Agad naman akong napasapo sa ulo at hinila siya upang umupo. “Sandali, hindi pa kasi tapos. Nagmamadali ka agad,” pabiro kong sambit, pero mukhang wala siya sa mood. Ano ba ang ikinagagalit niya?

“If you want to talk about Terrence, no need to do that,” usal niya na umupo ulit sa tabi ko. Agad naman akong tumayo sa harap niya na parang isang nanay at nakapamaywang.

“Okay, hindi na. Ine-expect ko kasi na ikaw ang magliligtas sa akin, pero huli na nang dumating ka. Siguro, busy ka sa mag-ina mo,” biro ko, pero deep inside ay gusto ko nang magwala.

“Hays, hindi ko na talaga kaya,” wika niya na napatakip ng mukha. Para siyang isang bakla sa ginawa niya na ikinatawa ko.

“Huwag mong sabihing . . .?” tanong ko at tumawa nang kaunti, ngunit bigla niya akong hinila dahilan upang mapatumba ako sa kanya.

“Mahal na mahal kita, binibini ko. Huwag kang magselos sa sinabi ni Leiya dahil hindi ako ang tunay na ama ng dinadala niya,” sambit niya na agad kong ikinakunot ng noo. Ano raw? Lahat ng pagseselos at ginawa ko para mawala siya sa piling ni Leiya ay wala lang? Muntik na akong magpakakabit sa ginawa niya, pero hindi ko gagawin iyon dahil ayaw kong sumira ng relasyon na kabilin-bilinan sa akin ni Mom.

“Gray!” galit na wika ko, ngunit agad siyang tumayo at tumawa na parang isang hibang.

“Chill, baby,” sambit niya at nagsimula kaming maghabulan sa labas. 

Nakakairita siya!

Related chapters

  • The Billionairess Ex-Husband   XIV - Sa Ilalim ng mga Bituin

    Asteria's Point of View“So, sino talaga ang tunay na ama ng dinadala ni Leiya?” tanong ko habang nakahiga sa mga braso niya. Kasalukuyan kaming nasa ilalim ng puno malapit sa bahay nila habang ang sapin namin ay tela na parang pang-picnic na nakuha namin sa damitan ni Tiya Cecilia.“Well, when we got home, she seeked for my help to make Blake jealous and take his own responsibility,” wika ni Gray habang nakatingin kami sa langit na puno ng nagliliwanag na mga bituin. Sadyang nakaka-relax ang ganitong bagay. Natutunan ko na mas maganda ang ibang gawain dito sa bukid kaysa sa pagharap sa mga gadgets.“Weh? Si Blake ba talaga ang ama no'n? Kakaamin niya lang sa 'kin, eh,” sambit ko sa kanya. Agad naman siyang napaupo sa sinabi ko habang nakakunot ang noo niya.

    Last Updated : 2021-06-21
  • The Billionairess Ex-Husband   XV - Ang Pagseselos

    Asteria's Point of View Ilang oras na simula nang umalis si Blake papunta sa bukid. Pagkayari niyang sabihin iyon ay kinulit ko siya kung anong nangyare, pero ngumingiti lang sa akin. “Past is past, hindi mo na dapat binabalik ang nakalipas na,” wika niya habang nakangiti lang sa akin at saka lumabas. Samantalang katatapos ko lang maligo at ngayon ay nagbibihis na ako. May klase kami at required pumasok. Nakita ko sina Leiya at Gray na nasa lamesa. “Oh, may acting pa ba? Wala na si Blake, ah,” wika ko habang nakataas ang kilay. Masyado yata nilang ginalingan ang pag-acting at hanggang ngayon ay ginagawa pa rin nila, eh wala naman na si Blake. “Gray, sinabi mo sa kanya?

    Last Updated : 2021-06-21
  • The Billionairess Ex-Husband   XVI - Ang Kapusukan sa Kubo

    R18: READ AT YOUR OWN RISK.Asteria's Point of ViewIlang araw na kami hindi nagpapansinan ni Gray, marahil ay galit pa rin siya sa ginawa ko na pinaghintay siya tapos kasama ko lang pala si Terrence, and hindi ko man lang sinabi sa kanya ang tungkol sa amin.Ilang beses ko nang tinangka na kausapin siya, pero lagi akong nabibigo dahil hindi niya ako pinapansin. Sa tuwing kauusapin ko ito ay bigla itong may gagawin. Sinubukan ko rin na kausapin siya ngunit, lagi na siyang sumasama sa bukid kasama ang magulang niya.“Sis, ikaw ang maid of honor, ah. Alam mo na igi-gift mo sa akin, Hermes lang,” wika niya na agad kong ikinatawa. Ilang araw na rin simula nang maging legal sa pamilya sina Blake at Leiya haba

    Last Updated : 2021-06-21
  • The Billionairess Ex-Husband   XVII - Lola Anastacia

    Asteria's Point of ViewNagising ako sa isang kamay na tumatapik sa akin. Agad ko namang tinapik ito nang mahawakan ko na hindi pamilyar ang kamay nito. Agad akong napadilat nang kaunti at nasinagan ko ang isang anino na parang si Dad. Well bakit naman sila pupunta rito?Pumikit ulit ako at hindi pinansin kung sino 'yon nang bigla itong magsalita, “Asteria!” wika nito na agad kong ikinabangon. Sandali, boses ni Dad 'yon, ah.Dali-dali akong lumingon at nakita ko si Dad na nakasandal sa pintuan. Anong ginagawa nila rito? Huwag mong sabihin na susunduin na agad nila ako?“Dad, what are you doing here?” asik ko at nagmamadaling bumangon upang maghilamos dahil wala pa ako kahit anong sipilyo o hi

    Last Updated : 2021-06-21
  • The Billionairess Ex-Husband   XVIII - Ang Kasal

    Asteria's Point of ViewNakaupo na kami ngayon ni Lola at nagsimula siyang magkuwento tungkol sa pag-iibigan nila ni Lolo. Ang alam ko ay sa huling war ni Lolo ay matagal na ganoon din ang pagkikita nila dati ni Lola.“Nagsimula ang lahat no'ng pinapunta ang lahat ng mga sundalo dahil sa WWII. Wala akong magawa kung hindi payagan ang lolo mo. Bata pa kami noong mga panahon na 'yon, pero sariwa pa rin sa akin nang simula siyang tumalikod at kung paano ako hilahin ni Ina para umuwi sa amin,” wika niya habang hawak-hawak ang panyo na iniregalo sa kanya ni Lolo noong nakaraang kaarawan niya. Dahil kami pa mismong nag-gayak noon sa amin sapagka't pumunta pa sila rito para dito mag-celebrate.“Paano po ang ginawa ninyo, Lola, no'ng mga panahon na 'yon?” tan

    Last Updated : 2021-06-21
  • The Billionairess Ex-Husband   XIX - Changes

    Asteria's Point of View“Oo nga naman, amigo. Kailan magaganap ang kasal?” tanong nito na agad kong ikinaubo. Napatingin naman silang lahat. Hinawakan ni Terrence ang likod ko at mahinang minasahe ito na agad kong iniwas. Ayaw kong mahawakan ng kahit sino.“Naku, iha. Masanay ka na sa mapapangasawa mo. Bukod sa isang lawyer ang anak namin, marunong din itong magmasahe,” papuri ng ina niya habang nakabukas ang abaniko nito upang takpan ang mukha habang nagsasalita. Bakit niya tinatakpan? Bungal ba siya?“Hindi po ako sanay nang hinahawakan,” wika ko na lamang at umusog palayo kay Terrence. Ayaw kong masira ang relasyon ko kay Gray dahil lang sa lintek na arrange marriage na ito.Ag

    Last Updated : 2021-06-21
  • The Billionairess Ex-Husband   XX - Couple's Talent of the Year

    Asteria's Point of View Mga ilang oras din simula nang mapagdesisyunan kong umuwi na ulit sa probinsya pagkatapos ng napag-usapan. Hindi ako inimik nina Mom and Dad sa nangyari kaya mas pinili kong huwag na lang din sila kausapin, baka mas lalo silang magalit. Pinahatid nila agad ako pagkayari ng pangyayari na ikinatuwa ko dahil hindi ko kailangang magtagal sa isang mansion kung nasaan si Dad. Ramdam ko ang dissapointment niya sa ginawa ko. Pagkarating ko ay agad akong niyakap ni Tiya Cecilia habang ang ngiti niya ay malamlam na parang may nangyaring hindi maganda. Ano kaya 'yon? “May problema po ba?” tanong ko sa kanya. Napakamot naman siya sa ulo. Hindi ko mapigilang ma-curious lalo nang bigla siyang ngumi

    Last Updated : 2021-06-21
  • The Billionairess Ex-Husband   XXI - Ang Red Panty ni Asteria

    Asteria's Point of ViewNakatingin lang ako kay Gray habang kumakain kami. Simula nang kausapin kami ni Tiya Cecilia ay 'di pa niya ako pinapansin. Mukhang galit yata siya sa akin.“Asteria, baka matunaw naman si Gray sa kakatitig mo,” wika ni Leiya habang tumatawa. Agad naman akong napairap sa kanya dahil porket ikakasal na siya.“Asteria, magkita tayo mamaya sa ilalim ng puno. Mga alas nwebe,” bulong sa akin ni Gray habang ang hininga niya ay nagbibigay ng kiliti sa akin. Napatango naman ako at nagpatuloy sa pagkain. Sana lang ay masabi ko na sa kanya ang tungkol kay Terrence.Mga ilang oras na akong pabalik-balik sa kwarto ko para mamili ng susuotin ko. Kahit sa labas lang kami ay ni Gray

    Last Updated : 2021-06-21

Latest chapter

  • The Billionairess Ex-Husband   XXVIII - Booth Partners

    Asteria's Point of ViewHindi ko alam kung ilang thank you ang sinabi sa akin nina Leiya at Blake dahil sa regalo ko sa kanila. Ginawan ko talaga ng paraan para maibigay 'yon sa kanila. Kahit noong una ay ayaw pa akong pahiramin ng pera, how dare her na pagdamutan ako. Pero dahil nagawan niya ng paraan at um-oo siya sa akin, sumaya ako. At napasaya ko ang dalawa.Iyon nga lang, ang problema ay siya ang pipili ng bahay. Hindi naman ako maka-disagree dahil siya ang bibili."Fine. Sabihin mo na lang sa akin kung saan 'yon. Kapag maganda, babayaran kita kapag nagkita tao," sabi ko sa kanya. Next week ay lilipat na sina Blake at Leiya sa bahay.Sa wakas ay pinaplano na nila ang tungkol sa pamilya nila. Malapit na rin siy

  • The Billionairess Ex-Husband   XXVII - Jaxon Parker

    Asteria's Point of ViewTumingin kami roon sa sumigaw. Nakita namin ang isang lalaki na nakahandusay sa sahig. May bula ito sa labi at naniniwala kaming ito ay food poisoning.Pero magkaiba dahil ang staff ang nag-serve. Kung may naglagay ng lason sa pagkain, maituturo sila. Siguro, may malapit sa lalaki na kailangang pagsuspetyahan sa nangyari. Hindi ako professional na detective, pero gamit ang logic, masasabi kong sinadya itong gawin. Gusto nilang iba ang masisi, hindi sila.Pero, ano 'yong powder sa kamay niya? May kakaiba roon."Gray, tingnan mo 'yong kamay niya. May kakaiba roon. Alam mo ba kung ano 'yon?" tanong ko habang nakaturo sa kanang kamay ng biktima."Tumawag kayo ng pulis! Huwag

  • The Billionairess Ex-Husband   XXVII - The Reception

    Asteria's Point of ViewNagulat ako nang lumapit si Selena sa aming apat nang may malaking ngiti. Paano niya nagawang pumasok sa simbahan habang nakasuot ng kulay itim na dress? Lahat ng atensyon ay nasa amin at tila hindi siya masaya sa kasal nina Blake at Leiya dahil sa ginagawa niya. Hanggang dito ba naman ay sisirain niya ang lahat?“Congratulations to the both of you and wait, I'm just here to give them my gift. If you don't mind, Asteria?” she said confidently while looking from my head to toe. Napakuyom ang aking kamao. Is she mocking me?“Well, I'm not saying anything, but are you invited? And besides I'm not the one who will receive your gift. You should ask them if they want to accept your gift,” I replied. Binigyan niya lamang ako ng

  • The Billionairess Ex-Husband   XXVII - Ang Kasal

    Asteria's Point of View Lumipas ang mga araw, at ito ang pinakahihintay na kasal nina Leiya at Blake. Hindi ko maiwasang maging masaya para sa kanilang dalawa. Sa kabutihang palad, binigyan ako ni Blaire ng pera upang bumili ng regalo para sa kanilang dalawa. Sinuot ko ang gown na ibinibigay nila sa akin habang inaayusan ko ang sarili dahil wala akong anumang katulong upang magawa iyon. Tulad ng dalawa nandito, tinutulungan sila ng katulong na kanilang kinuha habang maraming regalo sa bahay na madadaanan mo dahil dito. Gayunpaman, hindi ko pa nakikita si Gray, siguro’y abala siya dahil ito ang araw na dapat silang magdiwang bilang pamilya ng lalaking ikakasal. Narito rin ang pamilya ni Leiy

  • The Billionairess Ex-Husband   XXVI - Steamy Sex

    WARNING: R-18, Read at your own risk.Asteria's Point of ViewAng aming halikan ay tumatagal nang ilang minuto nang simulan niyang i-lock ang pinto mula sa likuran. Huwag niyang sabihin na gusto na naman niya iyong gawin gayong nagawa na namin iyon kanina sa banyo? Gusto niya ba talaga akong mabuntis?“Gray, feeling ko hindi natin dapat gawin—” Natigilan ako sa sasabihin ko nang itulak niya ako sa dingding habang hawak ang likod ko at ang kaliwang braso’y nasa baba ko upang gabayan ako mula sa halik.Nagsimula akong umungol sa pagitan ng mga halikan namin. Ang sensasyong nararamdaman ko’y lumalalim. Ramdam ko ang init ng aming katawan na dumadampi sa 'kin.

  • The Billionairess Ex-Husband   XXV - Punishment

    Asteria's Point of ViewPagdating namin sa bahay, nakita ko silang nanonood ng telebisyon. Pumunta ako sa kusina upang magluto dahil nangako ako kay Tita Cecilia na ako ang magluluto ng aming hapunan ngayong araw.“Kailangan mo ba ng tulong, Asteria?” tanong ni Leiya habang nakatayo, but I just shook my head because I can do it by myself. And besides, I will serve them today. That's why they should just sit and relax while I’m cooking.“Nasa kwarto ba si Gray?” tanong ko habang naghahanda ng mga sangkap.Noon, kami lang ni Gray ang natutulog sa kwarto, pero napagdesisyunan nilang patulugin si Leiya sa ibaba ng double deck.

  • The Billionairess Ex-Husband   XXIV - Unfair

    Asteria's Point of ViewHabang naglalakad kami, nakita ko ang nayon sa hindi kalayuan sa kanilang tinitirhan. Kung ako ang papipiliin kung ano ang pinakamahalaga, malamang pipiliin ko kung nasaan si Gray at ang simoy ng hangin sa kanilang lugar.“Asteria, dito ang daan!” sigaw ni Tita Cecilia habang tinuturo ang direksyon na mayroong maraming tao na naghihintay sa pila. Marahil sila ang kalahok na sasali sa paligsahan. Hindi ko alam kung maaari kaming mananalo laban sa kanila.They are with their couple, and the others were kissing and hugging. Gayunpaman, nagsimula kaming pumila, and after some interrogation with Tita Cecilia, I couldn’t stop, but I remained silent. How can I speak a word if I’m shy, and if women got pregnant because of that? I

  • The Billionairess Ex-Husband   XXIII - Shooter

    Asteria's Point of ViewIniwan ko na lamang sina Leiya at Blake na nag-aaway kung itutuloy ba nila ang pangpa-prank kay Gray. Mabilis na lamang akong naglakad upang batiin ang bisitang naghihintay sa akin ayon kay Tiya Cecilia.Kaagad na binuksan ko ito at bumungad sa akin ang mukha ni Selena. Nakasuot siya ng dress na hanggang tuhod, naka-boots, at naka-messy bun ang buhok. Anong ginagawa niya rito? Isinuot pa niya ang kanyang salamin. Ni walang araw ngayon, tapos may sunglasses ito? Naligaw yata 'to."Finally, binuksan mo rin ang pinto, Asteria! Kumusta?” Magiliw nitong tanong na para bang wala kaming 'di pagkakaintindihan. Bigla ko na namang naalala 'yong nangyari sa amin sa mansion ni Lola Anastacia. Kaagad kong inalis ang isipin na 'yon nang may maalala. Kahit saa

  • The Billionairess Ex-Husband   XXII - Pranking

    Asteria's Point of ViewPagkatapos ng ginawa namin, sabay kaming naligo. Nang lumabas ako ng banyo ay kaagad na bumungad sa akin ang nanunuyang mga tingin nina Leiya at Blake na naghihintay sa labas."Anong ginagawa n'yo ritong dalawa?" tanong ko sa kanila, nanatili pa rin ang mapang-asar na tinging naka-plaster sa mukha ng dalawa. Ang weird talaga ng dalawang ito. Napaka-compatible ng dalawa, umabot pa sa puntong pati pang-aasar sa akin ay magkasundo sila. Napabuntonghininga ako. Hindi ko maintindihan itong dalawa. Hindi kami ganito ni Gray, siguro ay hindi pa kami ganoong ka-close.Binigyan ko na lamang sila ng nakamamatay na tingin, ngunit tanging tawa lamang ang naging tugon ng dalawa. Akmang papasok si Blake sa loob ng banyo ngunit agad ko itong pinigilan kaya't tinaasa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status