"SORRY, Boss!" nakatungo pareho ang ulo nila Wigo at Amalia sa harap ni Cloud. Kalmado ang abogado ngunit alam nilang galit ito dahil sa kapalpakang kanilang ginawa. Hindi nila akalain na ang hepe na kaibigan ng kakilala ay tauhan ng kalaban."Gusto kong itakas ninyo ang aking ina at si Yaya. Ako na ang bahalang humarap at umayos sa kaso na ipaparatang nila sa akin." Parehong nakahinga nang maluwag sina Amalia at Wigo pagkalabas ng sasakyang ni Cloud. Doon lamang sila nag-usap sa loob ng kotse. Sobrang kaba nila na baka masisante sila sa trabaho dahil sa nangyari. Tahimik na nilisan ni Cloud ang lugar kung saan sila nagkita nila Wigo. Mahigpit ang pagkahawak sa manubela at pinaharurot ang takbo pabalik sa bahay nila Ellah. Hindi niya akalaing mabilis ding magtrabaho ang kalaban. Inaamin niyang sobra siyang nagmamadali kaya pumalpak ang trabaho. Nagpadala siya sa bugso ng damdamin para sa ina at sa isang babae.Tinawagan niya si Ellah ngunit nakapatay ang cellphone nito. Nabalitaan ni
SA BILIS ng pangyayari sa buhay ni Ellah, hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na hindi na siya dalaga. Isang linggo lamang ang nakalipas ay ikinasal sila ni Cloud sa huwes. Ang kanyang ninong din ang tumayong ama dahil hindi pa nagigising ang kanyang ama."Hija, masaya ako at lumagay ka na rin sa tahimik na buhay." Naluluhang niyakap ni Laila ang pamangkin.Pilit ang ngiting sumilay sa labi ni Ellah. Walang alam ang tiyahin sa tunay na nangyayari sa paligid. Nagpatianod lang din siya sa plano ng kaniyang ninong kaya napadali ang kasal. Ang alam lang ng tiyahin ay nagalaw siya ni Cloud kaya kailangan nilang magpakasal. Pumayag ito na sa huwes muna dahil nasa hospital pa ang ama niya."Ingatan mo ang inaanak ko." Nakipagkamay si Tony kay Cloud. Ngayon lang sila nagharap at pinakilala ang sarili sa isa't isa."Pinakasalan ko siya upang masiguro ang kaligtasan niya." Maaskad na sagot ni Cloud sa congressman. Walang pangingiming ipinakita ang tunay na ugali sa taong halang ang b
"Ma'am Laila, dumating na po ang sundo ninyo." Tawag ng katulong sa ginang.Hinatid ni Ellah ang tiyahin hangang sa labas ng gate. Sa bilis ng mga pangyayari ay nagugulohan na siya. Tila ba may humahabol sa tiyahin na mula sa pag ayos ng kasal niya ay aalis din agad ito. Hindi manlang nahintay na mauna sila sa pag-alis ni Cloud. Naabutan nila si Cloud na kausap ang babaeng lulan ng kotse. Maganda ang babae at sexy, mukha rin itong palaban at hindi basta ordinaryong babae sa tindig nito. Nakakaramdam siya ng selos dahil mukhang close ang dalawa base sa kung paano makipag usap dito ang asawa, kahit hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito."Aalis na ako hija," pukaw ni Laila sa pananahimik ng pamangkin."Sandali," pigil ni Ellah sa tiyahin bago pa ito makapasok sa loob ng kotse. "Kilala mo ba ang babaeng iyan na makakasama mo po?" Napataas ang isang kilay ni Cris, "mukha ba akong masamang tao upang pagdudahan mo?" Nakairap na tanong nito kay Ellah."Masama bang magtanong?
"HIDE!" utos ni Cloud kay Ellah, sapo ng isang kamay ang balikat na may sugat habang dina-dial ang number ng kaibigan. "Oh my God! Tinamaan ka!" Garalgal ang boses at nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya ang braso ni Cloud. Halos himatayin siya nang makita na maraming dugo ang dumadaloy mula sa sugat nito."Malayo ito sa bituka, marunong ka bang humawak ng baril?" Inabot niya dito ang isang baril na lagi niyang dala."Ba- bakit ka may baril? At sino ang gustong pumatay sa atin?" Hintakutan niyang tanong kay Cloud. Kahit takot hawakan ang baril ay kinuha niya iyon upang ipagtanggol ang asawang sugatan kung kinakailangan. Kahit paano ay alam niyang kalabitin iyon upang pumutok. Naikasa na iyon ni Cloud at kailangang maingat na maiputok iyon sa kaaway lamang."Parating na ang mga kaibigan ko, tulongan mo muna akong maitali ito." Hirap na ibinuhol ni Cloud ang panyo sa kanyang braso. Mabilis na tinulongan siya ni Ellah kahit nanginginig ang mga kamay."Ahh! Shit! Lapat ang ngipin
"Ka-kayo ang eagle agent, 'di ba?" may pag aalinglangang tanong ni Ellah kay Dexter nang mamukhaan ito. Madalas ito na feature sa pahayagan sa tuwing may kasong na resulba ang team nito. Nagtataka siya kung bakit ito naroon, wala siyang idea na isa sa team nito si Cloud."Kami nga kung kaya huwag kang matakot sa amin. Ikaw ba si Miss—""Mrs," mabilis na pagtatama ni Ellah sa tawag sa kanya ni Dexter. "Ikinasal kami ni Cloud kahapon." Dugtong na anito upang malinawan ang kausap. Madaling araw na kung kaya nasabi niyang kahapon naganap ang kasal. "What?" tila nabingi sa narinig na tanong ni Jeydon kay Ellah. Kanina pa siya tahimik lang na nakikinig habang hawak ang yello at ginagamot ang pasa sa kanyang mukha. Sa nakikita ni Jeydon na reaction ng iba pang kasama ay alam niyang wala rin mga itong alam tungkol sa pag-aasawa ng kaibigan nila. Paanong hindi sila magulat at makapaniwala? Ni hindi nga nila nakitang nakipag relasyon si Cloud tapos ngayon ay kasal na? Ang akala nila ay si Ra
"Tol!""Boss!" Magkapanabay na wika ng dalawa. Sabay pa na napakamot sa batok ang mga ito nang magkatitigan."Sinior, first," inilahad pa ni Ruel ang palad bilang pagpaubaya kay Jeydon. "Mabuti naman at buhay ka na, Tol." Nakangisi na bati ni Jeydon kay Cloud."Ulol, ano ang akala mo sa akin galing sa hukay?" kahit mahina pa ay nagawang sumagot ni Cloud sa biro ng kaibigan. Hinawakan niya sa kamay si Ellah na nasa kaniyang harapan at marahang hinila palapit pa sa kanya. Nagkatawanan ang tatlo dahil bumalik na ang kilala nilang si Cloud. Pero napangisi rin nang makita kung paano nito hawakan ang kamay ni Ellah.Nahihiyang napayuko ng ulo si Ellah nang mahuling sa kaniya nakatingin ang mga kaibigan ni Cloud. Hinila niya ang kamay na hawak nito ngunit ayaw pakawalan."Lalabas muna kami." Paalam ni Dexter kasabay nang pagtulak kina Jeydon palabas ng silid."Tol, huwag ipilit ang naudlot na honeymoon ha at baka diyan ka matuloyan." Pahabol na tukso ni Jeydon bago pa tuloyang maisara a
"WALA pa po ba si Lights?" nanghihinang tanong ni Raiko sa ina na malungkot nakatunghay sa kanya. Tuwing paggising niya ay ang malungkot na mukha ng ina ang kanyang nakikita. Walang araw na hindi ito umiiyak at hindi matanggap ang kanyang nalalapit na paglisan sa mundong ibabaw. "Ma?" pukaw niya sa pananahimik ng ina. May pag alinlangang sumagot si Laila sa anak. Alam niya ang lahat ng nangyayari sa Davao ngunit nag aalinlangan siyang sabihin sa anak. Ramdam niya na may espisyal na damdamin ang anak niya sa binatang abogado, na asawa na ngayon ni Ellah. Bukam-bibig nito si Cloud at binibida sa kanya kung gaano kagiting ang lalaki para dito."May dapat po ba akong malaman, Ma?" Mahamig na sa tinig ni Raiko ang pagka inip."Wa-wala anak, narinig ko kanina na nakabalik na siya dito sa Manila. Nagka problema lamang pero wala kang dapat ipag-alala." Nakangiti na ginagap nito ang palad ng anak. Binantayan niya ito hanggang sa makatulog muli. Dalawang linggo palang siya roon at hindi pa niy
"May masakit ba sa iyo, Hija?" nag-aalalang tanong ni Laila kay Ellah nang maabutan niya ito sa bungad ng silid ni Raiko.Kagat ang ibabang labi na nagmulat ng mga mata si Ellah. Diritso ang tingin kina Cloud, lumingon ito sa kinaroonan niya nang marinig ang tanong ng kanyang tiyahin. Sa pagkakataong ito ay triple na ang nadarama niyang sakit sa dibdib. Walang emosyon na mabanaag sa mga mata ng asawa habang nakatingin sa kanya. Ni hindi nito inalis ang pagkahawak ng kamay sa palad ng kanyang pinsan. Hindi manlang nito naisip na baka magselos siya. Masama na kung masama, pero naisip niya na kung hindi lang dahil may sakit ang kahawak kamay nito ay baka nasugod na niya ito at nasabunutan. Naipilig niya ang ulo upang iwaksi ang hindi magandang iniisip. Nagpatianod siya nang akayin siya ng tiyahin papasok sa silid upang lumapit sa kama. Napatitig siya sa mga kamay ng mga ito. Nakita niyang sumunod ang tingin doon ni Cloud ngunit tila baliwala lang dito na makita niya ang magkahugpong na