SA BILIS ng pangyayari sa buhay ni Ellah, hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na hindi na siya dalaga. Isang linggo lamang ang nakalipas ay ikinasal sila ni Cloud sa huwes. Ang kanyang ninong din ang tumayong ama dahil hindi pa nagigising ang kanyang ama."Hija, masaya ako at lumagay ka na rin sa tahimik na buhay." Naluluhang niyakap ni Laila ang pamangkin.Pilit ang ngiting sumilay sa labi ni Ellah. Walang alam ang tiyahin sa tunay na nangyayari sa paligid. Nagpatianod lang din siya sa plano ng kaniyang ninong kaya napadali ang kasal. Ang alam lang ng tiyahin ay nagalaw siya ni Cloud kaya kailangan nilang magpakasal. Pumayag ito na sa huwes muna dahil nasa hospital pa ang ama niya."Ingatan mo ang inaanak ko." Nakipagkamay si Tony kay Cloud. Ngayon lang sila nagharap at pinakilala ang sarili sa isa't isa."Pinakasalan ko siya upang masiguro ang kaligtasan niya." Maaskad na sagot ni Cloud sa congressman. Walang pangingiming ipinakita ang tunay na ugali sa taong halang ang b
"Ma'am Laila, dumating na po ang sundo ninyo." Tawag ng katulong sa ginang.Hinatid ni Ellah ang tiyahin hangang sa labas ng gate. Sa bilis ng mga pangyayari ay nagugulohan na siya. Tila ba may humahabol sa tiyahin na mula sa pag ayos ng kasal niya ay aalis din agad ito. Hindi manlang nahintay na mauna sila sa pag-alis ni Cloud. Naabutan nila si Cloud na kausap ang babaeng lulan ng kotse. Maganda ang babae at sexy, mukha rin itong palaban at hindi basta ordinaryong babae sa tindig nito. Nakakaramdam siya ng selos dahil mukhang close ang dalawa base sa kung paano makipag usap dito ang asawa, kahit hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito."Aalis na ako hija," pukaw ni Laila sa pananahimik ng pamangkin."Sandali," pigil ni Ellah sa tiyahin bago pa ito makapasok sa loob ng kotse. "Kilala mo ba ang babaeng iyan na makakasama mo po?" Napataas ang isang kilay ni Cris, "mukha ba akong masamang tao upang pagdudahan mo?" Nakairap na tanong nito kay Ellah."Masama bang magtanong?
"HIDE!" utos ni Cloud kay Ellah, sapo ng isang kamay ang balikat na may sugat habang dina-dial ang number ng kaibigan. "Oh my God! Tinamaan ka!" Garalgal ang boses at nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya ang braso ni Cloud. Halos himatayin siya nang makita na maraming dugo ang dumadaloy mula sa sugat nito."Malayo ito sa bituka, marunong ka bang humawak ng baril?" Inabot niya dito ang isang baril na lagi niyang dala."Ba- bakit ka may baril? At sino ang gustong pumatay sa atin?" Hintakutan niyang tanong kay Cloud. Kahit takot hawakan ang baril ay kinuha niya iyon upang ipagtanggol ang asawang sugatan kung kinakailangan. Kahit paano ay alam niyang kalabitin iyon upang pumutok. Naikasa na iyon ni Cloud at kailangang maingat na maiputok iyon sa kaaway lamang."Parating na ang mga kaibigan ko, tulongan mo muna akong maitali ito." Hirap na ibinuhol ni Cloud ang panyo sa kanyang braso. Mabilis na tinulongan siya ni Ellah kahit nanginginig ang mga kamay."Ahh! Shit! Lapat ang ngipin
"Ka-kayo ang eagle agent, 'di ba?" may pag aalinglangang tanong ni Ellah kay Dexter nang mamukhaan ito. Madalas ito na feature sa pahayagan sa tuwing may kasong na resulba ang team nito. Nagtataka siya kung bakit ito naroon, wala siyang idea na isa sa team nito si Cloud."Kami nga kung kaya huwag kang matakot sa amin. Ikaw ba si Miss—""Mrs," mabilis na pagtatama ni Ellah sa tawag sa kanya ni Dexter. "Ikinasal kami ni Cloud kahapon." Dugtong na anito upang malinawan ang kausap. Madaling araw na kung kaya nasabi niyang kahapon naganap ang kasal. "What?" tila nabingi sa narinig na tanong ni Jeydon kay Ellah. Kanina pa siya tahimik lang na nakikinig habang hawak ang yello at ginagamot ang pasa sa kanyang mukha. Sa nakikita ni Jeydon na reaction ng iba pang kasama ay alam niyang wala rin mga itong alam tungkol sa pag-aasawa ng kaibigan nila. Paanong hindi sila magulat at makapaniwala? Ni hindi nga nila nakitang nakipag relasyon si Cloud tapos ngayon ay kasal na? Ang akala nila ay si Ra
"Tol!""Boss!" Magkapanabay na wika ng dalawa. Sabay pa na napakamot sa batok ang mga ito nang magkatitigan."Sinior, first," inilahad pa ni Ruel ang palad bilang pagpaubaya kay Jeydon. "Mabuti naman at buhay ka na, Tol." Nakangisi na bati ni Jeydon kay Cloud."Ulol, ano ang akala mo sa akin galing sa hukay?" kahit mahina pa ay nagawang sumagot ni Cloud sa biro ng kaibigan. Hinawakan niya sa kamay si Ellah na nasa kaniyang harapan at marahang hinila palapit pa sa kanya. Nagkatawanan ang tatlo dahil bumalik na ang kilala nilang si Cloud. Pero napangisi rin nang makita kung paano nito hawakan ang kamay ni Ellah.Nahihiyang napayuko ng ulo si Ellah nang mahuling sa kaniya nakatingin ang mga kaibigan ni Cloud. Hinila niya ang kamay na hawak nito ngunit ayaw pakawalan."Lalabas muna kami." Paalam ni Dexter kasabay nang pagtulak kina Jeydon palabas ng silid."Tol, huwag ipilit ang naudlot na honeymoon ha at baka diyan ka matuloyan." Pahabol na tukso ni Jeydon bago pa tuloyang maisara a
"WALA pa po ba si Lights?" nanghihinang tanong ni Raiko sa ina na malungkot nakatunghay sa kanya. Tuwing paggising niya ay ang malungkot na mukha ng ina ang kanyang nakikita. Walang araw na hindi ito umiiyak at hindi matanggap ang kanyang nalalapit na paglisan sa mundong ibabaw. "Ma?" pukaw niya sa pananahimik ng ina. May pag alinlangang sumagot si Laila sa anak. Alam niya ang lahat ng nangyayari sa Davao ngunit nag aalinlangan siyang sabihin sa anak. Ramdam niya na may espisyal na damdamin ang anak niya sa binatang abogado, na asawa na ngayon ni Ellah. Bukam-bibig nito si Cloud at binibida sa kanya kung gaano kagiting ang lalaki para dito."May dapat po ba akong malaman, Ma?" Mahamig na sa tinig ni Raiko ang pagka inip."Wa-wala anak, narinig ko kanina na nakabalik na siya dito sa Manila. Nagka problema lamang pero wala kang dapat ipag-alala." Nakangiti na ginagap nito ang palad ng anak. Binantayan niya ito hanggang sa makatulog muli. Dalawang linggo palang siya roon at hindi pa niy
"May masakit ba sa iyo, Hija?" nag-aalalang tanong ni Laila kay Ellah nang maabutan niya ito sa bungad ng silid ni Raiko.Kagat ang ibabang labi na nagmulat ng mga mata si Ellah. Diritso ang tingin kina Cloud, lumingon ito sa kinaroonan niya nang marinig ang tanong ng kanyang tiyahin. Sa pagkakataong ito ay triple na ang nadarama niyang sakit sa dibdib. Walang emosyon na mabanaag sa mga mata ng asawa habang nakatingin sa kanya. Ni hindi nito inalis ang pagkahawak ng kamay sa palad ng kanyang pinsan. Hindi manlang nito naisip na baka magselos siya. Masama na kung masama, pero naisip niya na kung hindi lang dahil may sakit ang kahawak kamay nito ay baka nasugod na niya ito at nasabunutan. Naipilig niya ang ulo upang iwaksi ang hindi magandang iniisip. Nagpatianod siya nang akayin siya ng tiyahin papasok sa silid upang lumapit sa kama. Napatitig siya sa mga kamay ng mga ito. Nakita niyang sumunod ang tingin doon ni Cloud ngunit tila baliwala lang dito na makita niya ang magkahugpong na
"AYAW kong sumama ang loob ni Raiko kaya sana ay mag-ingat ka sa mga bibitawan mong salita. Manatili ka rito ng ilang araw habang abala pa ako sa pag-asikaso sa problema.""Huwag kang mag-alala, may puso pa rin ako at pinsan ko si Raiko. Isa pa ay hindi rin ako magtatagal dito. Ngayong napatunayan kong mabuti kang tao ay panatag akong iwan sila sa pangangalaga mo." Hindi maiwasan ni Ellah ang maging bitter."Baka nakalimutan mong asawa na kita kaya kung nasaan ako ay dapat naroon ka rin."Nagpigil si Ellah na ilabas ang saloobin na nagpapasikip sa kaniyang dibdib. Bumaba siya sa kama at humarap sa bintana upang itago ang pamumula ng mga mata sa mapanuring tingin ni Cloud. Sa halip na salungatin ito ay iba ang namutawi sa kaniyang labi."Kailangan ako ni Daddy.""May tao na akong iniwan doon at—""I want to go back in Davao, sa ayaw at sa gusto mo." Matigas na putol niya sa iba pang nais sabihin ni Cloud."What's wrong with you? Kailangan mo ba talagang pairalin ang katigasan ng ulo mo
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l