"HINDI ako takot mamatay kaya hindi mo makukuha ang gusto mo!" Nanlilisik ang mga mata ni Caroline dahil sa galit sa amain. Walang awang hinawakan ni Darwin sa buhok ang dalaga at pasabunot iyong hinila. Pinatingala niya ito upang magsalubong ang kanilang mga paningin.Sa halip na umiyak o matakot ay tumawa si Caroline habang nakipaglaban ng titigan sa amain. "Hindi mo makukuha ang pinaghirapan ng aking mga magulang! At dadalhin ko hanggang hukay ang pagkamuhi sa iyo!" Pabalyang binitawan ni Darwin ang ulo ng dalaga at sinampal ito ng malakas sa kanang pisngi. "Mamatay ka na nga lang, nagmamaldita ka pa, ha?!"Tumawa ng pagak si Caroline sa halip na dumaing dahil sa sakit. "Mamatay akong masaya dahil hindi mapunta sa isang demonyo ang pinaghirapan ng aking mga magulang!"Sinusubukan mo talaga ako ha, ang akala mo ba ay hahayaan kong mabuhay ang kaibigan mo? Naawa pa ako sa iyo kaya pasasamahin ko siya sa iyo sa langit para rest in peace ka na!" mala-demonyong tumawa si Darwin habang
"Sigurado ka bang siya ang kaluluwang nakita mo?" tanong ni Ashton sa asawa nang magkwento ito sa nakita kanina."Hindi ko alam kung siya nga pero kasama siya ng mag-asawa.""Kung siya nga ang nakita mo, kailangan na lang nating hanapin ang kaniyang bangkay. At linawin ang lahat nang paratang sa kaniya upang matahimik na ang kaniyang kaluluwa! " ani Dexter at maging siya ay nakaramdam ng lungkot."Sa tingin ko ay ibang tao ang nakita mo."Napalingon ang lahat kay Cloud na tahimik lang kaninang nakaupo sa isang sulok."Paano mo nasabi?" tanong ni Micko kay Cloud.Tanging kibit balikat lang ang naging tugon ni Cloud at muling ibinalik ang atensyon sa harap ng laptop nito."May larawan ba kayong hawak ng babaeng nawawala?" tanong ni Yvone sa asawa.Mabilis na inabot ni Dexter ang hawak na maliit na envelope kay Yvone."Hindi siya," ani Yvone sa mahinang tinig lamang pero dinig ng lahat. "Pero sino siya at bakit kasama siya ng mga magulang ng babaeng ito?""Maaring ang kaibigan niya ang n
"Agent Cris, nandyan ka pa ba?"Nagulat pa si Cris nang magsalita si Dexter mula sa kabilang linya. Nakalimutan niyang kausap niya ito mula sa suot na headset. Sasagot na sana siya nang may paparating na sasakyan. Hindi agad siya mapapansin ng tao dahil nakasandal siya sa isang puno na hindi kalayuan mula sa gate. Sumilong siya roon habang hinihintay si Dany."Agent Cris?" Tawag muli ni Dexter sa pangalan ng dalaga."Sorry po, sir, may sinisipat lang akong tao." Pabulong na sagot ni Cris habang inaaninag ang mukha ng isang lalaking bumaba sa isang maliit na truck."Ano ang ginagawa niya rito?" pabulong ang tanong niya sa sarili nang mamukhaan ang lalaking bumaba sa isang sasakyan."Ano ang ibig mong sabihin, Agent Cris?" nagugulohang tanong ni Dexter sa pag-aakalang siya ang kinakausap ng dalaga."Ha, ahmm wala po!" mabilis na sagot ni Cris at bahagyang iniyuko ang ulo nang magawi sa pwesto niya ang tingin ng lalaki. "Tatawag po ulit ako mamaya." Mabilis niyang paalam kay Dexter.Nang
"Ampon lang ba ako?" malungkot na tanong ni Cris sa sarili habang nakaharap sa malaking mirror. Pinagmasdan ni Cris ang buo niyang katawan mula ulo hanggang paa. Hanggang ngayon ay palaisipan sa kaniya kung saan niya natamo ang piklat na nasa kaniyang ulo malapit sa noo. Ang isa pang piklat na makikita sa bandang tagiliran niya. Mayroon din sa itaas ng hita, at mukhang malalaking sugat noon na naghilom lamang. Sa tuwing haharap siya sa salamin ay mukhang ibang tao ang kaniyang nakikita sa sarili. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang kaniyang pakiramdam sa tuwing tinititigan ang sariling reflection sa salamin.Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa mga nakaraan niyang buhay. Nagising lamang siya isang umaga na nasa isang silid. Simpleng buhay ang kaniyang namulatan at ang ama ang bukod tanging kilala niyang pamilya. Ayon dito ay nagkasakit siya at lumipat sila ng lugar upang madali siyang maka recover mula sa sakit. Ayaw niyang magtanong pa sa ama noon dahil sa tuwina'y sumasakit a
DUMIRITSO na si Cris sa pag-ensayo bilang paghahanda sa final tournament. Kasama niya si Ruel na siyang may nakatayang dangal. Kailangan niyang manalo para sa kaibigan dahil kung hindi ay mapipikot ito ng pasaway na kapatid ni Ashton. Pansamantalang kinalimutan niya ang ama at misyong naudlot. Kailangan niyang mag-focus muna sa tournament para sa sarili at sa kaibigan.Sa probinsya ay mabilis na nakapasok si Jay sa rancho bilang trabahador. Sa unang araw pa lang ay alam na niya kung sino ang dapat manmanan."Sir, nakita ko ang ama ni Agent Cris at kasabay siya ni Cristine nang mawala sa lugar na ito." Pagbabalita ni Jake kay Dexter gamit ang maliit na headphone na nasa kaniyang taenga. "Tatawagan ulit kita mamaya." Putol ni Dexter sa pakipag-usap kay Jay. Agad niyang tinawagan si Ruel at may pinatrabaho sa lalaki.Pumasok si Cloud sa opisina dala ang tambak na papelis. "Nahanap mo na ba?" tanong ni Dexter kay Cloud. Ang tinutukoy ay ang mahalagang papelis na hawak nito, three years
MAAGA pa ay nasa field na ang mga manlalaro upang mag exercise. Nasa sampu ang bilang ng kalahok at tatlo ang babaeng kasali. Hindi pa sumisikat ang araw kaya malamig ang panahon. Kaniya-kaniya sila sa paghaplos sa kanilang mga kabayo upang e kundisyon ito.Napatingin si Cris sa bagong pasok, ibinaba niya ang suot na sombrero at bahagyang yumuko nang dadaan sa kaniyang harapan ang mag-nobyo. Ayaw man niyang aminin ngunit nakaramdam siya ng inggit dahil hinatid pa ng lalaki ang mataray na babae sa loob. Ang mga guest ay unti-unti na ring dumarating at naka upo na sa labas ng field.Napatitig si Argus sa babaeng madaanan. Biglang sumikdo ang kaniyang dibdib nang masilayan ang mga labi nitong nakatikom.Nag-angat ng mukha si Cris nang biglang mag-ingay ang kabayong dala ng babaeng mataray. Kunot-noong napatitig siya sa kabayong puti at parang may isip na nakipagtitigan sa kaniya habang inaangat ang dalawang paa. Tila ba gusto nitong hawakan niya o haplusin ang malambot nitong balahibo.N
"KUMUSTA na siya?" tanong ni Dexter kay Ashton matapos nitong masuri si Cris."Wala pa ring malay pero wala naman damage na natamo. Sinuri ko ang ulo niya at mayroong palatandaang naaksidente nga siya noon. Pero naalagaan naman ang sugat niya at naghilom ng maayos ito. Hintayin na lang nating magising siya."Pinagmasdan muna ni Dexter ang dalaga bago tumalikod at kinausap si Ruel."Tiyak na hahanapin siya ng ama at ikaw ang haharap sa kaniya. Sundin mo ang lahat ng instructions ko." Bilin ni Dexter kay RuelTinandaan ni Ruel ang lahat ng bilin ng nakakataas sa kaniya. Nagulat pa siya kanina sa nalaman tungkol sa totoong pagkatao ni Cris. Ngayon niya naintindihan kung bakit naroon ang kanilang mga boss sa patimpalak. Siya ang tumatayong guardian ng kaibigan at may hawak bilang manager nito sa karera. Kaya nakakatiyak na siya ang hahanapin ng ama nito kapag hindi mahanap ang dalaga."May posibilidad na maalala niya ang nakaraan at makakalimutan ang kasalukoyan. Pero mas ok na ang ganyan
HINDI mawala sa isip ni Arcile ang nangyari kahapon. Hindi siya makapaniwalang magawa niya ang bagay na iyon. Hindi niya akalaing kaya niya palang lumipat sa isang kabayo habang tumatakbo ito. Ilang ulit niyang napanuod ang balitang nag-trending sa facebook at youtube. Ngayon niya ramdam ang takot para sa sarili kung sakaling nahulog din siya.Napatitig si Arcile sa babaeng katunggali. Walang halong pagkukunwari o pabida ang ginawa niyang pagligtas sa buhay nito kahapon. Natakot siya ng mga oras na iyon para sa buhay ng babae at hindi para sa buhay niya kaya walang pagdalawang isip na tinulongan ito. Naipagpasalamat niya lamang at parang taong may-isip ang kaniyang kabayo. Tinulongan siyang mapadali ang paglipat sa kabilang kabayo. Bonus pa at nauna ito sa finish line kahit wala nang sakay."Ayos ka na ba ngayon?" masuyong tanong ni Argus sa nobya. Hindi niya iniwan ito sa silid mula kahapon dahil nagkaroon ito ng aftershock sa nangyari kahapon.Nakangiting tumango si Arcile sa nobyo.