LESTER POV
Halos paliparin ni Lester ang sasakyan papunta sa bahay ng kanyang kakilalang Doctor.Hindi na siya nagsama ng kahit na sino. Gusto niyang walang makaalam sa kanyang ginawa. May inutusan na siyang mga tao para ihanda ang paglilibingan kay Abby. Nagpaalam ako sa mga tauhan ni Luther na may dadaanan lang. Mauna na lang sila sa site na paglilibingan para makapag-hukay agad sila.Sinulyapan ko ang nakahigang katawan ni Abby sa Backseat ng sasakyan. Awang-awa ako dito kanina habang binubogbog ni Luther. Hindi ako naniniwala na niluko nito ang aking kaibigan.Matagal ko ng kilala si Luther. Matanda lang ng ilang taon ito sa akin. Malaki ang aking utang na loob dito kaya naman kahit ano ang inuotos nito ay sinusunod ko kaagad.Tahimik lang akong nanunood kanina habang walang awa na sinasaktan si Abby ng kanyang asawa. Gusto kong awatin si Luther pero alam kong lalo lang itong manggigil. Kaya naman ng mawalan ng malay si Abby kanina ay labis ang pasasalamat ko dahil sa wakas tinigilan din ito ni Luther.Agad akong nagpakuha ng tubig at pasimple kong inihalo sa tubig ang isang gamot. Ang gamot na ito ay lagi kong dala lalo na kapag susugod kami sa mga kalaban. Bigay ito ng kaibigan kong doctor na minsan ko na din nailigtas ang buhay ng kinidnap ito noon. Bilang pagbabayad ng utang na loob binigyan ako nito ng ilang pirasong gamot..Nakakatulong ang naturang gamot upang pansamantala na tumigil ang tibok ng puso ng isang tao. Hindi lang ako sigurado kong ilang minuto o oras kasi hindi ko pa naman ito sinubukan. Kay Abby pa lang.Alam kong epiktibo ang naturang gamot dahil ng iiwan ito kanina ni Luther ay may pulso pa ito. Pagkatapos ko kasi itong painumin ng tubig na may halong gamot ay bigla na lang nawalan ng pulso. Ginamit ko kaagad na malaking pagkakataon upang tawagin si Luther at sabihin dito na patay na ang kanyang asawa at ako na ang bahalang maglilibing.Pagdating sa aking pakay ay agad akong bumaba ng sasakyan. Sunod-sunod kong pinindot ang doorbell nito. Wala na akong pakialam kong mabulabog man ang nakatira dito. Basta ang importante matingnan nito si Abby.Agad na nagbukas ang pinto at bumungad sa akin ang may edad na babae. Nasa singkwenta na ang edad nito at halata sa mukha nito na naisturbo ko siya sa pamamahinga.Nang makita ako nito ay agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi."Doctora, i need your help." agad na wika ko."Lester, bakit may problema ba? Halika pasok ka muna." paanyaya ng Doctor"Sorry Doctora, maybe next time.. Please, pwede bang gamutin mo siya? Ginamit ko sa kanya ang gamot na binigay mo sa akin noon."Sagot ko ditoTinitigan ako ng Doctor at tumango. Sumunod ito sa akin sa sasakyan at mabilis kong binuksan ang kotse. Tumampad sa paningin ng Doctora ang kalunos-lunos na sitwasyon ni Abby." Diyos kong mahabagin, anong nangyari sa kanya? Bakit duguan?" gulat na wika ng Doctor"Binugbog po. Tulungan niyo po siya Doc. Alam kong kaya niyo pa siyang isalba. Buntis po siya." sagot ko dito at agad binuhat si Abby papasok ng bahay. Nakasunod naman ang Doctor sa amin hangang makapasok sa loob ng bahay.Pagkapasok sa isang silid ay sininyasan ako ng doctor na ilapag sa higaan si Abby. Dahan-dahan ko itong inilapag habang nag-aalalang nakatingin dito. Bakas sa mukha nito ang matinding sakit na naranasan mula sa mga kamay ng sariling asawa."Iwan mo na siya dito Lester. Ako na ang bahala sa kanya." wika ng butihing Doctor."Doctora, iligtas niyo po siya.. Nasa panganib ang buhay niyaGusto siyang patayin ng sarili niyang asawa kaya kung maari ilayo niyo siya sa lugar na ito." nakikiusap kong wika dito.Tumalikod ako at bumalik ng kotse. Kapagkuwan ay kinuha ko ang isang attache case. Puno ito ng pera at alahas. Sa pamamagitan nito pwede ng mailayo si Abby sa lugar na ito.Agad akong bumalik sa loob ng bahay ng Doctora. Nakita ko na kinakabitan na nito ng oxygen si Abby. Napansin ko din sa monitor na humihinga na ito kaya naman para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.Agad naman akong hinarap ng doctor ng maramdaman nito ang aking presensiya. Inabot ko kaagad ang hawak kong attache case at walang pagdadalawang isip na tinangap nito."Pera ang laman niyan at mga alahas. Ilayo niyo si Abby sa lugar na ito... Nakikiusap po ako sa inyo." nagmamakaawa kong wika dito. Lumapit ako sa katawan ni Abby at kinuha ang suot nitong singsing at ibinulsa."Makakaasa ka iho. Isasama ko siya sa lugar kung saan hindi siya mahanap ng kung sino. Sakto ang pagdating mo. Paalis na ako sa susunod na araw. Salamat sa Diyos at naabutan mo pa ako." sagot ng Doctor."Salamat po. Aalis na ako. Marami pa po akong aasikasuhin." wika ko sabay talikod. Pero bago ako makalabas ay biglang nagsalita ang matandang Doctor."Maraming salamat Lester. Hangang sa muli nating pagkikita. Huwag kang mag-alala. Mapupunta sa kanya itong lahat ng pera at alahas na iniwan mo" wika nito..Tumango lang ako at tuluyan ng lumabas ng bahay. Agad akong nagdrive sa pinakamalapit na punerarya. Kailangan kong makakuha ng bangkay para pamalit kay Abby. Hindi naman ako nabigo dahil may bangkay na walang nagki-claim kaya agad kong binili. Isinuot ko dito ang singsing ni Abby at inutusan ang mga tauhan ng punerarya na ibalot nila ang bangkay bago ko dadalhin sa site kung saan nakahanda na ang paglilibingan kay Abby."Oh nandito ka na pala boss Lester..ang tagal mo." reklamo ng isang tauhan nito."Pasensiya na mga Pare.. Dumaan kasi ako ng convenience store para bumili ng alak at gas." sagot ko at binuksan ang likurang bahagi ng sasakyan. Tumambad sa amin ang bangkay na nakabalot sa kumot kaya naman agad na pinagtulungan para ibaba at ihulog sa hukay." Kailangan pa ba natin buhusan ng gas at sindihan?" tanong ng isang tauhan ni Luther."kailangan para siguradong hindi mangamoy." sagot ko dito habang inuumpisahan ko ng buhusan ng gas ang katawan ng bangkay."Kawawang babae. Napakaganda pa naman sana. Si Boss kasi masyadong padalos-dalos. Hindi man lang naawa." pailing-iling na wika ng isang kasama namin. Ronel ang pangalan nito."Ganoon talaga ang buhay. Hangang diyan na lang siguro siya." sagot ko sabay on ng lighter at inihagis sa hukay. Agad naman nagliyab ang buong paligid. Kapagkuwan ay binuksan ko ang dala kong alak at binigyan ang aking mga kasamahan. Hihintayin namin na mawala ang apoy bago tabunan ang bangkay.Mas mabuti ang ganito. Hindi nila malalaman na ibang tao ang nakalibing sa lugar na ito. Hindi pwedeng malaman ni Luther ang pangtatraidor ko kundi malilintikan ako. Baka ako pa ang susunod na mailibing sa hukay kong nagkataon.Bahala na ang Doctor kay Abby. Malaki ang tiwala ko dito dahil naging mabuti ito sa akin. Mag-isa lang ito sa buhay at hindi mahilig makihalubilo sa ibang tao kaya alam kong safe si Abby sa kanya. Sana mananatili itong ligtas at huwag ng magpakita kay Luther habang-buhay.Nang mawala ang lagablab ng apoy sa hukay ay agad kong inutusan ang tauhan ni Luther na tabunan na ang bangkay. Agad naman nilang sinunod ang aking sinabi kaya naman bago pumutok ang araw sa silangan ay nagpasya na kaming umuwi ng mansion. Safe naman ang pinaglibingan namin dahil pag-aari pa rin ni Luther ang lupain na ito. Walang sino man ang mangahas na pumasok sa lugar na ito..Pagdating ko ng mansion ay naabutan ko sa living room si Gabriel. Tahimik itong nakaupo aa sofa at umiinom ng alak. Kitang-kita dito ang matinding puyat. Nangangalumata kasi ito at halatang galing sa matinding pagtangis."Kumusta na lakad niyo?" wika nito sabay tungga ng hawak na alak."Ayos lang Pre. Nailibing na namin siya." sagot ko dito"Good.. Pwede ka na munang umuwi para magpahinga." sagot nito habang nakatingin sa kawalan"No Luther.. Dito muna ako sa Mansion.. Hindi kita pwedeng iiwan dito dahil baka kung ano ang maisipan mong gawin. Alam kong nalulungkot ka sa mga nangyari." sagot ko dito."Huwag mo akong alalahanin. Sanay na ako sa ganitong bagay. Kaya ko ito." sagot sa akin ni Luther habang sinisindihan ang hawak na sigarilyo."Well samahan na lang kitang uminom kung ganoon. Wala din akong gagawin ngayun sa opisina kaya wala akong balak pumasok. Magpakalasing muna tayo ngayung araw Luther." wika ko sabay kuha ng bote ng alak at isinalin sa baso. Napailing-iling naman si Luther habang nakatitig sa akin lalo na ng tunggain ko ang laman ng baso." Kaibigan nga kita. Nandyan ka palagi lalo na sa mga pagkakataong ganito." pilit na ngiti nitong wika sa akin."Pre alam kong masakit pa sa iyo ang mga nangyari. Pero pwede bang humiling sa iyo? Alam mo namang Doctor ang girlfriend ko ngayun diba? Pwede bang....". Pambibitin kong wika dito habang nakatitig kay Luther. Alam kong masyado pang maaga ang lahat dahil nagluluksa pa ito. Pero gusto kong makasiguro."What?" anong pwede bang???? " sagot naman ni Luther sabay buga ng usok." Ano Pare... Sa akin lang ito ha? Hindi kasi ako makapaniwala na baog ka..." sagot ko dito habang hindi inaalis ang titig dito." Stop it Lester..hindi maaring magkamali ang Doctor na sumuri sa akin. Baog ako. Hindi ko kayang bumuo ng bata kaya imposible yang sinasabi mo."Naiinis nitong wika." Hey relax Pare. Ang sa akin lang naman ay gusto kong makasiguro. Kahit na ngayun lang. Kung gusto mo naman magpustahan tayo. Itataya ko ang bago kong biling yate at condo para dito. Dahil buo ang paniniwala ko na hindi ka baog. " seryosong sagot ko dito." sinasabi mo ba na nagkamali ako? Na pinatay ko si Abby ng walang dahilan? " nanlilisik ang mga mata nitong sagot." Hindi tayo nakakasiguro Pare. Pero kung pareho ang diagnosed na ibinigay ng doctor sa iyo dapat lang talaga na mangyari sa kanya ang bagay na iyon. Walang puwang sa mundo ang mga babaeng kagaya niya Pare. " sagot ko dito para hindi na humaba pa ang usapan."Ok deal!!! Payag ako sa suggestion mo. Kung pareho pa rin ang result ihanda mo ang premyo ko pero kung ako ang talo habang-buhay kong pagsisihan ang ginawa kong kasalanan." wika nito sabay tungga ng alak."Ok deal!! Lets drink for that Pare." nakangiti kong wika dito habang tuloy - tuloy na tinungga ang baso na may lamang alak. Sa wakas maliliwanagan na din ako.Kahit kailan wala akong tiwala kay Doctor Yu. Kaibigan ito na Shiela at alam kong may hindi tamang nangyayari. Nakakalungkot lang dahil kapag tama ang nasa isip ko siguradong may isang buhay na naman ang mawawala. Pero wala akong pakialamGusto kong magising sa katotohanan ang kaibigan ko. Gusto kong i*****k sa isip nito na kaya niyong magoroduce ng tagapagmana. Kahit hindi kay Abby.. Kahit sa ibang babae na lang.Ayaw kong mangyari ulit sa ibang babae ang nangyari kay Abby dahil sa maling paratang. Kung sakaling mag-asawa ulit si Luther gusto kong hindi na maranasan ng babaeng ito ang nangyari kay Abby. Sayang ang buhay. Kriminal din ako pero hindi ko kayang panoorin na may namamatay na isang inosente.Dumaan pa ang halos tatlong araw. Nandito kami ngayun sa isang private clinic ni Luther. Sinamahan ko ito para hintayin ang result ng test na pinagawa namin. Walang sino man ang nakakaalam sa bagay na ito. Tanging kami lang dalawa at ang Doctor na gumawa ng test. Napansin ko ang pag-aalumpihit ni Luther sa upuan. Hindi din ito mapakali. Halatang kabado din ito sa magiging posibleng resulta."Mr. Luther Sarmiento?" tawag ng nurse sa amin. Nakatayo ito sa harap ng opisina ng Doctor ba bahagyang nakaawang ang pinto. Agad kaming tumayo ni Luther at tuloy-tuloy na pumasok ng opisina."So Doc how is it? Any good news?" agad na tanong ni Luther ditoHindi na nito nagawang umupo marahil sa tension na nararamdaman."Mr. Sarmiento... Congratulations!" nakangiting wika ng Doctor na umupo muna si Luther.LUTHERNandito kami ngayon sa isang clinic ni Lester. Gusto ko lang itong pagbigyan sa kanyang hiling. Alam kong hindi ako nito titigilan hangat hindi masunod ang gusto nitong mangyari.Nitong mga nakaraang araw. Masyado pa rin akong nagluluksa sa pagkawala ni AbbyPero kailangan kong ipakita sa lahat na ok lang ako. Na wala akong pinagsisisihan sa aking ginawang pagpaslang dito. Pero sa kaloob-looban ng puso ko malaki ang aking panghihinayang. Masakit sa akin dahil ganoon lang kadali ang lahat. Hindi matangap ng isipan ko na nagawa akong lokohin nito sa kabila ng pagmamahal na ibinigay ko. Sa dami ng babaeng dumaan sa buhay ko, siya ang napili kong pakasalan. Ako si Luther Sarmieto..halang ang aking kaluluwa at wala akong kinatatakutan. Marami na akong napatay na tao pero aaminin ko na tanging ang mukha lang ni Abby ang tumatak sa isip ko. Hindi ko makakalimutan ang nagmamakaawa nitong mukha habang nahihirapan sa bawat hagupit ng latigo ko dito. Pero gayunpaman pilit kong isinisiks
LUTHER"Hanapin niyo si Shiela. Iharap niyo sa akin ang babaeng iyun. " sigaw ko sa mga tauhan ko nang makabawi sa matinding pagwawala. Agad naman tumalima ang mga ito. Tahimik ako habang pinapanood ang iba kung mga tauhan na iginagapos ang lupaypay na si Dr. Yu.Nakita ko pa na kinausap ni Lester ang lima kong tauhan bago inutusan na umalis. Nagbigay ito ng instructions na siyang sinunod naman ng lima kong tao. Kapagkuwan kay umalis na ang mga ito habang si Lester naman ay tahimik lang na nakaupo sa isang tabi. Marahil ay hinihintay nito ang iba ko lang gustong ipagawa. Kumuha ulit ako ng sigarilyo. Sinindihan ko ito habang tahimik na lumuluha. Iginala ko pa ang paningin ko sa paligid ng basement. Siguro kailangan ko ng magpagawa ng kulungan na rehas dito sa mansion. Hindi sapat ang isang araw na paghibirap upang mapagbayaran lahat ng mga kasalanan na ginawa sa akin ng mga taong ito. Hindi ako makakapayag na matatapos sa kamatayan ang pagbabayad ng kanilang mga kasalanan. Gusto kon
Third Peson POV"Huwag... Huwag... Huwag!!!!" sigaw ng natutulog na si Abby. Nakataas pa ang mga kamay nito na pakiwari ay may sinansangga. Pawisan ito at umiiyak. Halata ang takot nito sa mukha habang sumisigaw.Kitang-kita din ang mga pasa at sugat nito sa buong katawan pati na sa mukha. Kaawa-awa ang hitsura nito at hindi mo aakalain na matinong tao pa ba ang nanakit dito. Kung titingnan kasi ang hitsura ni Abby swerte na lang kung mabubuhay pa. Bali ang isang legs nito at hindi na halos makikita ang tunay na kulay ng likod nito dahil puro latay at sugat. Ang mga braso naman nito ay puro sugat din. Putok ang mga labi at halos hindi na maibuka ang mga mata dahil sa pamamaga. Halos magkulay ube ang buo nitong katawan"Abby!! Abbyy!! Diyos ko Doctora!!! Naghehestirikal na naman siya." sigaw ng nagbabantay ditong bakla habang tarantang lumabas ng kwarto. Tumatakbo naman na dumadating ang butihing doctor. Agad nitong dinaluhan ang nakahigang si Abby. Hinaplos niya ang noo nito at tinapi
Luther"Ngayun masaya ka ba? Masaya ka na ba Shiela?"nanalilisik ang mga mata kong sigaw dito. Gustong-gusto ko na itong sakalin para matapos na ang lahat. Gustong-gusto ko itong isama kay Abby sa kabilang buhay. " Luther, patawarin mo ako. Nadala lang ako sa matinding pagmamahal na nadarama ko sa iyo. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. " umiiyak na wika ni Shiela. Halatang-halata ang takot nito dahil nanginginig ang buo nitong katawan."Bwesit Shiela!!! Alam mo namang hindi ka na iba sa akin. Itinuring na kitang kapatid pero sinira mo ang lahat. Ngayun sabihin mo sa akin.. Anong parusa ang gusto mo!!!" sigaw ko dito habang pinipigilan ko ang sarili kong muli itong saktan."Im sorry... Hindi ko alam.. Patawad!" umiiyak na sagot nito."Hindi... Ganoon na lang ba iyun? Pagkatapos malagutan ng hininga sa sarili kong mga kamay ang pinakamamahal kong asawa ganoon na lang ba iyun? Sa palagay mo basta na lang kitang patatawarin?" galit kong wika dito. Maang naman na napatitig sa akin s
Luther POVKinaumagahanMataas na ang sikat ng araw ng nagising ako. Madaling araw na din kasi akong nakatulog kaya naman hindi nakakapagtaka ang bagay na iyun. Agad akong bumaba ng kwarto at diritsong naglakad papuntang kusina. Naabutan ko si Nanay Nilda na abala sa paghahanda ng pagkain."Oh Luther Anak gising ka na pala.. Tamang-tama Kakatapos ko lang magsangag. Tiyak na magugustuhan mo ang mga pagkain na inihanda ko para sa iyo." nakangiti na wika nito sabay bitbit ng pagkain papuntang dining. Sumunod naman ako dito."Thank you Nay. Pero kape lang sana ang kailangan ko." wika ko dito."Naku Luther mamaya ka na magkape.. Kumain ka muna. Ilang araw kanang walang matinong kain. Sige na anak umupo ka na diyan at kumain muna." wika ni Nanay Nilda. Napabuntung-hininga naman ako at nagpatianod na lang. Alam kong hindi ako titigilan ni Nanay Nilda. Nag-umpisa na akong kumain ng dumating si Lester. Agad itong lumapit sa akin at bumulong. Tumango naman ako ng marinig ko ang sinabi nito. Pa
ABBY POV"Huwag!!! Lutherrrr!!!!! Umiiyak kong wika habang takot na takot akong nagtatakbo sa kasukalan. Hinahabol ako ni Luther. Gusto niya akong patayin. Ayaw nitong maniwala na magkakaanak na kami." Tulong!!! Tulong!!! Paulit ulit kong sigaw ng maramdaman ko na may mahinang tumatapik sa aking mukha. Agad akong napadilat. Tumampad sa paningin ko ang nakangiting mukha ng isang matandang babae. Yayakap sana ako dito pero agad akong napangiwi. Sobrang sakit ng buo kong katawan. Wala din akong lakas para bumangon. "Salamat sa Diyos at gumising ka Iha. Lagi ka na lang kasing binabangungot." nag-aalalang wika ng matanda. Hindi ko ito sinagot bagkos ay takot kong iginala ang aking paningin sa paligid. "Nasaan po ako? Si Luther!!! Si Luther! Itago niyo po ako sa kanya.. Maawa kayo papatayin niya ako.. Papatayin niya ang anak namin!" umiiyak kong wika dito. Naramdaman ko naman ang paghaplos nito sa buhok ko. "Abby.. Abby.. Tumingin ka sa akin...wala si Luther.. Hindi ka na niya mahahanap
Abby"Lets go na Abby.. Kahit sandali lang. Maarawan ka man lang sana sa labas." pagyayaya sa akin ni Erika. Nakaupo ako dito sa aking higaan. Medyo maayos na ang aking pakiramdam maliban lang sa aking kaliwang binti. Sumasakit pa rin kasi kapag pinililit kong tumayo. Sabi ni Mama Charito ito daw ang napuruhan noong bugbugin ako. Pwede naman akong makalakad pero kailangan ko ng saklay. Pero hindi ito inirerekomenda ni Mama sa akin kasi buntis ako. Baka daw madulas ako.Mahigit tatlong buwan na din ang nakalipas simula ng mangyari sa akin ang muntik ng pagkitil sa buhay ko. Pero hangang ngayun hindi ko pa rin alam kong ano ang hitsura ng labas ng kwarto ko. Hindi na kasi ako nagtangka pang lumabas. Natatakot ako sa isiping baka nasa labas lang ang mga tauhan ni Luther.Tanging sila Erika at Mama Charito lang din ang nakakausap ko araw-araw. Ayos na din yun kasi ayaw ko din makita ako ng ibang tao. Natatakot ako na baka may magsumbong kay Luther kong nasaan ako.Alam kong masyado na ako
Luther POVIlang buwan na din ang nakalipas ng mawala sa akin si Abby. Pero kapag tinitingnan ko ang mga larawan nito parang buhay ba buhay itoHindi ko alam kung hangang kailan ako sisingilin ng aking konsensiya pero alam kong habang buhay ko itong pagdurusahan.Walang kapatawaran ang ginawa kong kasalanan dito kaya wala akong dapat na sisihin kundi ang sarili ko lamang.Buong ingat kong inilapag ang dala kong bulaklak sa harap ng picture frame nito. Nandito ako sa isang kilalang columbarium. Dito ko napiling ilagay ang Urn ni Abby. At least dito hindi siya nag-iisa. At alam kong ito ang tama. Kailangan ko na siyang ihatid sa huli niyang hantungan at sana sa susunod na buhay namin kami pa rin ang nakatakda para sa isat-isa. Hinipo ko pa ang mukha nito sa picture frame bago ako tuluyang lumabas. Agad akong sinalubong ng mga tauhan ko. Ipinagbukas pa ako nito ng pintuan ng kotse upang makapasok sa loob."Saan tayo Boss?" tanong sa akin ni Nestor. Isa ito sa pinakamatagal at tapat kong
ABBY POVPakiramdam ko bigla akong nabingi at hindi naririnig ang palahaw ng babaeng pinaparusahan ko ngayun.. Ilang beses itong nagmamakaawa sa akin pero hindi ko pinansin. Gusto ko lang naman siyang turuan ng leksyon para hindi niya na ulitin pa ang ginawang paglalapit-lapit sa asawa ko. Mahirap na...ayaw ko ng maulit ang nakaraan."Abby! Tama na iyan. Halos makalbo na siya oh and what is that? Bakit may dugo ang kamay mo?" Ang nag-aalalang boses ni Luther ang biglang nagpabalik sa aking hewesyo. Wala sa sariling napatitig ako dito at hinayaan siyang agawin sa akin ang gunting na hawak ko. Tama nga ito..may dugo na ako sa aking kamay at may nakita akong sugat sa aking daliri. HIndi ko maiwasang mapangiwi ng maramdaman ko na humahapdi iyun."Belinda! Get out! Sabihin mo sa Boss mo na ngayun pa lang pinuputol ko na ang lahat ng ugnayan ng dalawang kumpanya." narinig ko pang wika ni Luther. Galit ang boses nito kaya naman hindi ko maiwasang mapatitig dito.So, Belinda pala ang pangalan
ABBY POVHalos isang taon lang din ang nakalipas ng mabalitaan namin na namatay na din si Pamela. Naawa man sa naging kapalaran nito wala na kaming nagawa pa kundi ang bigyan na lang ito ng desenteng libing. Wala ni isa mang kamag-anak ang nag-claim sa kanyang bangkay kaya kami na ang nag-arrange ng lahat-lahat hangang sa maihatid ito sa huling hantungan.Sa dami ng nangyari sa buhay ko hindi ko akalain na heto pa rin ako. Nakatayo at masaya! Kung ano man ang mga nangyari nang nakaraan mananatili na lang na mapait na alaala ang lahat ng iyun.Masalimoot man ang mga nangyari sa buhay ko laking pasasalamat ko pa rin dahil nalagpasan ko lahat ng iyun. Hindi ko akalain na pagkatapos ng unos may magandang umaga pa palang naghihintay sa akin. Muling nabuo ang pamiya ko na akala ko noon wala ng pag-asa pa. Nagbago ang pananaw ko sa buhay at maging mas matapang pa ako para ipaglaban ko kung ano man ang karapatan ko dito sa mundo.Sa lipunan kung saan ako kabilang, dapat lang talaga na maging
ABBY POVNagtataka man kung saan ako dadalhin ngayun ni Luther nanahimik na lang ako. Malaki ang tiwala ko sa kanya at alam kung may dahilan ang pagyayaya nito sa akin kung saan man kami pupunta ngayun.Katakot-takot na bilin ang sinabi ko kina Carl at Lorraine bago namin sila iniwan sa mall kasama ang mga Yaya's nila at ilang mga bodyguards. Alam kong safe naman sila doon dahil masyadong mahigpit ang security ng mall kaya panatag ang kalooban ko habang tinatahak ng sasakyan ang kalsada papunta sa aming patutunguhan."Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko kay Luther."Malalaman mo mamaya. Alam kong hanggang ngayun, may mga katanungan sa isip mo na hindi mo maisatinig dahil gusto mo ng ibaon sa limot ang lahat. Pero gusto kong tuldukan iyun ngayung araw." nakangiti nitong sagot. Nagtataka akong napatitig sa kanya. Nginitian lang ako nito at mabilis akong kinabig pasandal sa kanyang balikat. Kaagad naman akong nagpaubaya.Halos isang oras din ang itinagal ng pagbyahe namin bago kami p
ABBY POVKatulad ng napag-usapan namin ni Luther sa mansion namin ginugol ang buong araw ng aming honeymoon. Mas lalong masaya dahil kasama namin ang aming mga anak. Ang kambal na si Carl at Lorraine at ang bunso namin na si Kristelle! Sobrang saya namin dahil wala kaming ginawa sa mansion kundi magbonding at sulitin ang oras na magkakasama kami.Alam kong mabilis lang lumipas ang mga araw. Ilang taon na lang ang bibilangin namin magdadalaga na si Lorraine at magbibinata na si Carl. Darating ang panahon na bihira na lang din sila uuwi na mansion dahil magkakaroon na din sila ng kanya-kanyang prioirity. Of course kung saan masaya ang mga anak susuportahan ko sila."Happy?" Nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Luther mula sa likuran ko. Nakangiti ko itong nilingon."Super! Pagkatapos ng mahabang unos na nangyari sa ating dalawa hindi ko akalain na may magandang umaga pa pala na darating sa atin. Thank you Luther! Ni sa hinagap, hindi na sumagi sa isip ko na magkakaroon tayo ng happy e
FIVE YEARS LATER ABBY POV Halos hindi mapatid ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Ito ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Luther. Ang araw ng aming pangalawang kasal.Kung noon ikinasal ako sa kanya na walang kahit ni isang pamilya sa tabi ko iba ng ngayun. Saksi sila Mommy at Daddy sa masayang pagsasama naming dalawa ni Luther sa loob ng ilang taon na muli kaming nagkabalikan. Alam nila kung gaano pinahahalagahan ni Luther ang aming pagsasama at ang buong pamilya.Naglalakad ako sa Isle habang maghigpit ang pagkakawahak ko sa aking wedding bouquet. Parang wala akong ibang nakikita kundi ang asawa ko na matiyagang naghihintay sa harap ng altar.Ang lalaking sa kanya ko naranasan ang impyerno ng buhay at hindi ko akalain na muli akong nakakaalis sa impyernong iyun sa pamamagitan niya. Ang lalaking pinalasap sa akin ang walang kapantay na sakit at ang walang hanggang kaligayahan. Hindi ko akalain na darating pa ang araw na muli kaming maging masaya dahil ako na mismo ang su
ABBY POVNaging masaya ang mga sumunod na araw sa aming pamilya. Sa wakas, naging maayos na din ang pagsasama namin ni Luther. Tinupad nito ang pangako sa akin na magiging mabuting asawa at ama ng mga anak namin na siyang lalo kong ikinatuwa. Iniiwasan na din namin na mapag-usapan ang tungkol sa mga nangyari. Hanggat maari gusto ko ng kalimutan ang mga masasakit na alaala na nagyari sa aming dalawa. Basta ang importante sa ngayun masaya kaming nagsasama ni Luther kasama ng aming mga anak. Sila Lorraine at Carl.Mabilis na lumipas ang mga araw at mga buwan. Naayos na din ang nasirang mukha ni Luther sa pamamagitan ng surgery. Parang wala lang nangyari dito. Normal ang lahat at ang pagsasama namin. Masaya ang kambal at balik iskwela na samantalang si Giselle naman ay balik iskwela din para maging Doctor. Nag-level up na siya...Ayaw na daw nyang maging nurse...Doctor na lang daw para malubos-lubos ang pagtulong nya sa mga taong may sakit.Balita nito nagkaayos na daw sila ng kanyang mga
ABBY POV"Why? May masakit ba sa iyo?" agad itong napalapit sa akin ng mapansin nito na naiyak ako. Agad naman akong umiling."No! Masaya lang ako dahil nandito ka na. Akala ko talaga patay ka na eh. Bakit ka ba naglihim? Handa naman akong alagaan ka eh. Ang daming luha tuloy ang nasayang sa akin." kunwari ay nagtatampo na wika ko dito. Agad kong napansin ang paguhit ng masayang ngiti sa labi nito. Pagkatapos ay masuyong hinaplos ang aking pisngi. Agad naman akong napapikit at naramdaman ko ang paglapat ng labi nito sa labi ko. Sandali lang naman iyun pero kakaibang saya sa puso ko ang aking naramdaman."I really miss you asawa ko! Gustong gusto ko ang paglalambing mo ngayun. Parang gusto ko tuloy sundan na ang kambal." wika nito. Agad naman akong napadilat at napatitig dito. Kita ko ang nakakalukong ngiti sa labi nito. Hindi ko napigilan na hampasin ito sa balikat. Talaga naman, masyadong mapagbiro ang asawa ko. Buntisan kaagad ang naiisip gayung kakauwi nya lang."Hmmmp mahirap man
ABBY POVHumupa na ang init sa pagitan naming dalawa ni Luther pero heto pa rin ako. Dilat na dilat at hindi pa rin makapaniwala na nandito sa tabi ko ang taong pinaniwalaan ko ng patay na at ilang buwan ko din ipinagluksa.Gosh...gaano ba kadaming luha ang nailabas ko noon? Paanong nangyari na buhay pa pala si Luther? Alam ba ito ng lahat ng mga taong nakapaligid sa amin? Muli kong tinitigan ang nahihimbing na mukha ni Luther sa tabi ko. May peklat ang kabilang bahagi ng mukha nito. Gayundin ang ibang bahagi ng kanyang katawan. Gayunpaman hindi pa rin nakakabawas sa aking paningin kong gaano ito kagandang lalaki. Siya pa rin ang dating Luther na nakilala ko. Siya pa rin ang Luther na minahal ko at ama ng aking mga anak. Mahina akong napabuntong hininga. Maraming katanungan na naglalaro sa isipan ko. Bakit ngayun lang siya nagpakita. May kinalaman ba siya sa pagbagsak nila Shiela at ang grupo nito? Alam ba ito nila Lester?Mahigpit itong nakayakap sa akin. Gustong gusto ko din madam
ABBY POVSa sobrang takot ko agad akong nagtalukbong ng kumot sa buo kong katawan. Kung multo man ang nakikita ko sana lubayan nya na ako. Baka kahit wala akong sakit sa puso, aatakihin ako dahil sa takot.Napaigtad pa ako ng biglang lumundo ang kama sa gilid ko. Diyos ko, mukhang pati dito sa higaan sinusundan nya ako. At isa pa...ano ito bakit naamoy ko sya? Hindi ako maaring magkamali.....amoy ni Luther ang naamoy ko ngayun. Bakit bigla-bigla na lang siya nagpaparamdam sa akin? Hindi ba siya matahimik sa kabilang buhay? May gusto ba siyang sabihin sa akin? Kailangan ko na bang tumawag ng ispiritista para kausapin siya at malaman kung ano ang dahilan ng bigla nyang pagpaparamdam?"Abby? Tulog ka na ba?" narinig ko pang wika nito. Hindi ko mapigilan ang biglang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Pasimple ko pang kinurot ang sarili ko para masiguro kong gising pa ba ako. Baka kasi panaginip lang ang lahat. Pero hindi eh..nasaktan ako sa pagkurot ko sa sarili ko. Kung ganoon gising n