“Maybe,” matipid na sagot ko at tiningala siya.“Padaanin mo ako, hindi ko na matagalan ang presensya mo,” may riing sabi ko at sinagi ang balikat niya dahilan para mapagilid siya ngunit labis na nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang balikat ko at pabalikin.Mas nanlaki ang mata ko nang madali at mabilis niya akong naiangat paupo sa desk niya, “A-Ano bang g-ginagawa—hmp!” Halos mahigit ko ang sariling paghinga nang hawakan niya ang likod ng ulo ko at halikan ang labi ko.“M-Maxwell a-ano ba—” ngunit hindi niya na ako pinagsalita at mariin akong hinalikan sa labi, ngunit mabilis ko siyang naitulak nang malakas na bumukas ang pinto.“Maxwell,” mariin na tawag ni Chairman Fierez sa pangalan ng anak, nanlaki ang mata ko at natitigan si Maxwell sa mata.Huminga ng malalim si Maxwell at dahan-dahan na lumayo sa akin, nilingon niya ang ama dahilan para bumaba ako sa desk ni Maxwell at napayuko.“What’s the meaning of this?!” malakas na tanong ni Chairman Fierez.“I know you’re not cluele
Ngunit kinaumagahan ay nagising ako dahil sa malakas na iyak ni Jaidah, habang ang sigaw ni mommy ay dinig na dinig ko dahilan para tumayo ako at magmadaling lumabas.Wala pang suot na bra ay napapunta ako sa bookstore, ngunit nakita ko kung paano nagpumilit pumasok ang mga kalalakihan na galing sa gobyerno.At naitulak si mommy at Jaidah, umawang ang labi ko nang makita kong kunin nila lahat ng libro. Lumapit ako kaagad, “A-Anong ginagawa niyo!?” Hinila ko ang kamay ng isang lalake ngunit malakas niya akong itinulak dahilan para sumalampak ako sa sahig.“Huwag na kayong manlaban, kinukumpiska namin ang lahat ng nandito dahil wala kayong permit,” malakas na sabi ng lalake na ikinataka ko.“Ilang taon na nakatayo ang bookstore na ‘to! Anong walang permit!?” galit na sabi ko.“Itigil niyo ‘yan!” sigaw ko.“Ano ba!” “Huwag na ho kayo manlaban para walang masaktan!” nauubos pasensya na sigaw ng isa, halos mangiyak ako nang makita kong malukot ang ibang mga libro at masira ang seal nito.
“W-Who scratched my woman?” sobrang hina niyang tanong, ngunit walang nakasagot.“Who hurt you?” pag-uulit niya at hinaplos ang pisngi ko na nagalusan dahil pwersahan kaming dinala dito.“Dahil nanlaban pa siya—”“You did this?” kwestyon ni Maxwell sa pusong babae na lalake, yung manager ng hotel.Deretsong tumayo si Maxwell, “O-Of course not!” tanggi kaagad ng hotel manager.“Then fucking tell me who did this to my woman! Who?!” gigil niyang sigaw habang nakakuyom ang kamao.“Mr. Fierez, please calm down.” Lumapit ang police at hinawakan sa braso si Maxwell ngunit hinawi ‘yon ni Maxwell.“Don’t you dare touch me,” banta ni Maxwell at sinulyapan kami.“Magkano ang hindi nila nabayaran?” tanong ni Maxwell at inilabas ang wallet niya.“Thirty thousand,” sagot ng hotel manager.Natigilan ako nang sumunod si Samuel at iabot ang isang brief case, binuksan ‘yon ni Maxwell sa ibabaw ng mesa at punong puno iyon ng bundle na tig-iisang libo.Nang maiabot ni Maxwell ang thirty thousand, ay hina
Kagat-kagat ko ang labi habang pasimpleng nakikinig sa usapan ni Maxwell at nang may ari ng bahay, “So this house is really up for rent? How about I buy it?” pakikipag-usap ni Maxwell habang gwapong nakaupo sa sofa.Ang babae na nasa thirties rin ay hindi maalis ang tingin sa mukha ni Maxwell, “E-Eh sir—”“You built this house for 9 million right?” sabi ni Maxwell habang hawak ang isang manahalin na wine glass, at sumisimsim doon.“Yes sir, y-yung lupa po ay nagkakahalaga ng limang milyon.” Napahawak ang babae sa kanyang buhok at sinulyapan ako.“Nakakaintindi po ba siya ng tagalog madam?” bulong nito sa akin kaya napaayos ako ng tayo at tumango.“So it cost fourteen million for the house and the land itself, what about the appliances?” Maxwell asked as he was glancing on me which made me pout.‘Ang mahal. Bahay mayaman kasi..’“H-Halos isang milyon ho mahigit sir,” tugon ng house owner at hindi alam kung saan titingin ngayong direkta siyang tinitignan ng asul na mata ni Maxwell.“The
Pagkapasok sa opisina niya ay halos masapo ko ang mukha nang sampalin niya ako ng isang bundle ng pera at sampalin gamit ang palad.“Ma’am—”“Be my slave,” gigil niyang sabi.“O-Opo,” napayuko ako at tinanggap ang alok niya.“I’m not interested in knowing your name so I’ll call you my slave, ilalagay ko ang desk mo dito sa loob ng opisina ko para mabantayan ka. Huwag na huwag kang pupuslit!”“Opo ma’am, o-opo..” Naiiyak kong sabi, huminga ito ng malalim at maya-maya ay pinapasok niya na ang desk ko sa loob.Dahil doon ay naging taga-linis rin ako ng opisina niya, pati pagbili ng kape ay ako rin, kahit lunch niya.Hanggang sa tumagal ako ng isang buwan sa kanila at araw-araw masakit ang buong katawan ko, ngunit sa loob ng isang buwan na ‘yon ay mahigit kalahating milyon ang hawak kong pera.Kaya naman tinanggap ko na lang, pagkauwi ay sinalubong ako ni Maxwell ng may pag-aalala.“What happened to your cheek?” His long slim fingers gently traced it, and his eyes showed concern.“Honey,”
Hanggang sa biglang magsalita si Maxwell, “I noticed your bruises, honey. Tell me about it,” salubong ang kilay niyang sabi dahilan para dahan-dahan ko matakpan ang katawan.“A-Ah h-hon pwede ba huwag mo na ito ipaalam kay mommy?” baka sakali ko, sana ay payagan niya na itago ko ito.Bumuntong hininga siya bago ako salubungin ng asul niyang mata, “Fine, but tell me everything about it,” he said in a whisper tone.“Y-Yung kapatid na babae ng boss ko ang gumagawa nito, malaki kasi talaga ang nawala sa kanila dahil sa article na isinulat ko noon kaya galit sa akin,” alanganin na kwento ko.“Babae? Tsk, I can’t punch it in the face then?” tila isang reklamo pa iyon na sinabi ni Maxwell kaya ngumiti ako.“Bearable, malaki rin ang sahod ko kaya titiisin ko. Huhupa rin naman ang galit nila sa akin,” pilit ngiti kong winika at yumakap na lang sa kanya upang hindi niya na maisip pa ang sinabi ko.Ngunit sadyang naaburido si Maxwell sa nalaman, “Don’t let this happen again, okay? Or else I’ll b
“A-Anong ibig sabihin mo?” gulat na sabi ni Sir Emman, ako naman ay nawiwindang sa mga naririnig.“M-Mommy,” tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako nilingon.“I’ll explain later Elle,” mahinang sabi ni mommy ngunit nilingon ako ni Sir Emman at hinarap.“Elle? Ikaw si Elle?” tanong niya.“O-Opo, n-nickname ko po ‘yon kasi po Evelyn.” Tinitigan ko si Sir Emman sa mata na hindi alam kung ano ang gagawin.“Linawin mo sa akin lahat, Lavine!” naguguluhan na sabi ni Sir Emman.“Emman, Lavine. Sa loob niyo pag-usapan ‘yan,” seryosong sabi ng nanay ni Sir Emman.Dahil doon ay napasunod ako, habang naiwan naman sa labas si Samuel.Pagkapasok ay para akong tanga na salitan silang tinitignan. “B-Bigla ka na lamang nawala noon, Lavine. Ilang taon ang lumipas!” sigaw ni Sir Emman.“Dahil galit sa akin ang magulang mo noon, Emman. H-Hindi mo ba naalala na gusto lang nilang kunin si Elle at isantabi ako? Hindi ko kaya mawala sa akin ang sarili kong anak!” malakas na sumbat ni mommy.“Sabi mo patay n
“Saan ka galing?” Awtomatiko akong napatigil nang marinig ang maawtoridad na tinig ni Maxwell pagkapasok ko sa kwarto.“Sinamahan ko si mommy,” matipid na sabi ko. Napagdesisyunan na ilihim sa kanya ang mga nalaman ko kanina lang.Wala rin namang alam si Samuel dahil sa labas at sa sasakyan lamang siya kanina. Tumayo si Maxwell at nilapitan ako.“Your bruises are getting worst,” he said as he held those gently.Matipid akong ngumiti, “That’s why my mom got mad,” pagkwento ko sa kanya at naupo sa kama.“She found out?” tanong niya at naupo sa tabi ko sa kama, mahina naman akong tumango bilang tugon.“Hmm.”Dahil doon ay saglit lamamg kami nag-usap dahil mas pinili kong magpahinga. Sumunod na mga araw na nagtatrabaho ako sa Elvion ay nasiyahan si daddy dahil kasama niya na ako, kahit si Tita Elaine ay gustong ibigay sa akin ang posisyon ng vice president para daw makapagsimula na siya ng sariling pamilya.Dahil nalaman ko na hindi niya magawang iwan si daddy na i-handle ang kumpanya ni