UNO"Is that your son?" Bumungad sa akin ang gulat na mukha ni Gwen nang makapasok ito sa mansion mula sa garden. "Anong ginagawa ng batang iyon dito!"I grabbed her by the wrist, halos kaladkarin ko na siya palabas ng mansion. "Uno! It hurts! Ano ba? Ang kamay ko!""Bakit mo ginawa iyon?" Tinitigan ko siya gamit ang matatalim na mga mata."Ang ano na naman bang ikinagagalit mo!""Why did you tell Alas about the truth?"Ilang sandali siyang natigilan sa narinig. Naging mailap ang mga mata niya sa akin."Damn it! Sagutin mo ako!""He deserves to know the truth! Kawawa naman ang bata, walang kaalam-alam sa totoo!""Huwag kang magpanggap na ginawa mo iyon para sa kapakanan ng anak ko!" Mahigpit ko siyang hinila sa braso. Napangiwi siya sa sakit."Oo na! Bitiwan mo ako! Sinabi ko sa kaniya dahil galit ako sa kabit mo! After that woman left you and your son, siya pa rin ang mahal mo?""Bakit mo idinamay ang bata!""E, ano ngayon! Hindi puwedeng ako lang ang nasasaktan! Wala akong pakialam
ISAKINAUMAGAHAN, paggising ko, kagaya ng inaasahan ay wala na si Uno. Balik na naman siya sa asawa niya.Nagbuga ako ng hangin nang makabangon. Paano ba kami nakarating sa ganito? Nasa iisang bubungan kaming tatlo. Kay Gwen siya sa araw, at sa akin naman sa gabi. Ang gulo.Tumayo na ako at naligo. Pumili ako ng maganda at matingkad na damit na susuotin. Gusto kong maging maganda sa paningin ng anak kong si Alas. Gusto kong maging maaliwalas ang paligid para sa kaniya.Nang makababa ako ay nandoon na sina Inay at ang iba pa. Lumapit ako sa kanila para makita kung ano ang pinagtitipunan nila.Natigilan ako nang makita si Senyora Celestia, basang-basa at nanginginig ito. Nakaagapay sa kaniya si Uno na nakatingin naman kay Inay."Oh, bumalik ka? Bakit? Wala ka bang kaibigan o kakilala na nagpatuloy sa iyo kagabi? Akala ko ba, makapangyarihan ang pangalan mo?" nang-iinis na sabi si Inay.Binalingan ni Uno ang ina nito. "Ma."Natuon kay Senyora Celestia ang atensyon naming lahat. Hinihinta
ISANILINGON ako ni Senyora Celestia nang may makahulugang ngiti sa mga labi. Kinilabutan ako sa paraan nang pagtitig niya."Nandito na pala ang anak mo. Sinabi n'yo na sa kaniya ang totoo?""Wala kang pakialam.""But he's my grandson. Masama bang magtanong?""Mabuti pang bumalik ka na sa kusina kung saan ka nararapat!"Tiningnan niya ako nang masama. Muli niyang sinulyapan si Alas bago bumalik sa kusina.Nagmamadali akong umakyat sa tuktok ng hagdan. "Bakit lumabas ka, anak? Nasaan si Lala?""Nagpaalam kanina, mama. She's in a hurry, ihing-ihi na raw siya, e. And I was curious about the party. Kaya bumaba ako."Bumuntonghininga ako sa mga narinig. Mabilis ko siyang kinarga at dinala pabalik sa kuwarto niya."Anak, you promised me na hindi ka lalabas.""I'm sorry, mama. Gusto ko lang naman masilip ang party sa labas, e. Hindi pa kasi ako nakakakita ng party."Ngumiti ako sa mga narinig. "Hayaan mo, baby ko, pagkatapos nito, magpapa-party tayo para sa iyo.""For me? Talaga?""Oo naman!
ISADALAWANG araw hindi umuwi si Uno, dalawang araw rin nakakulong sa basement si Senyora Celestia. Sinisiguro kong tubig lang ang nakukuha niya at hindi nabibigyan ng pagkain. Maranasan man lang niya ang mga dinanas ko noong ginugutom niya ako habang nakakulong.Humigop ako ng kape habang nagpapabilad ng araw sa balkonahe. Miss ko na si Uno. Wala akong makausap kaya mas lalo ko siyang naiisip.Umalis si Inay kasama si Alis, namili ang mga ito sa bayan at nag-bonding. Inilabas ni Inay ang anak ko dahil naaawa na raw siya rito, hindi man lang makalabas ng bahay sa takot namin na idamay ito ni Senyora Celestia."Senyorita!"Natigilan ako sa malalim na pag-iisip nang sunod-sunod na katok sa pinto ang narinig ko.Boses iyon ni Tan. Ano na naman kaya ang nangyari?Mabilis kong nilapitan ang pinto at binuksan ito. "May problema ba? Kulang na lang, gibain mo itong pinto ng kuwarto.""Senyorita, sumama ka sa akin sa basement. May nangyari kay Celestia!"Dagli akong natigilan sa narinig. Unang
ISANAPAPANGIWI ako habang ginagamot at hinihipan ni Uno ang sugat ko. Ingat na ingat ito sa paglalagay ng ointment sa mukha ko na halos bawat lapat ng bulak ay siyang pag-ihip naman niya."I'm sorry, Isa. This is all my fault.""Hindi naman ikaw ang kumalmot sa akin.""Hindi kita dapat iniwan."I swallowed hard with those words. Nakokonsensya na naman tuloy ako sa pang-iiwan sa kaniya noon. But I don't have to feel this way. I did it for Heart, to keep her alive. Kahit ano, magagawa ko para sa anak ko.Napansin kong puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Hindi ko tuloy alam kung paano sasabihin ang dahilan kung bakit kami nagkasabunutan ni Gwen."You shouldn't be here. Puntahan mo si Senyora Celestia."Ibinaba ko ang kamay niya. Nakita ko ang pagkalito sa kaniyang mukha."Ikinulong ko siya sa basement."Natigilan siya sa mga narinig. Hindi siya umimik pero alam kong nag-aalala siya kay Senyora Celestia. She's still his mother after all. Ano pa man ang mangyari, hindi niya matatalikura
ISANATIGILAN ako sa paghakbang nang makitang kalalabas lang ng kuwarto ni Gwen. Taas-noo itong naglalakad habang hila ang maleta sa isang kamay.Tumigil siya sandali at tumingin sa akin nang matalim. Walang salitang lumabas sa bibig niya pero nararamdaman ko ang binibigay niyang vibes. Gusto niya akong patayin. Taas-noo siya bumaba ng hagdan at umalis.Nasaan naman kaya si Uno? Hindi ba niya alam na aalis na si Gwen? Dahil sa pagiging likas na pakialamera ko, sumunod na naman ako sa kaniya nang palihim.Gusto ko lang naman makita kung anong gagawin nila ni Dos. Kung may karapatan nga lang ako, gusto kong magbigay ng payo kay Dos na pag-isipan niya ang mga ginagawa niya. Gwen is a walking redflag. Masisira ang buhay niya kapag sumama siya sa babaeng ito."Senyorita."Kamuntikan na akong mapatili nang biglang may magsalita sa likuran ko. Paglingon ko ay bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Tan."Anong ginagawa mo rito!" mahina ngunit matigas kong tanong."You can't leave the mansion
ISANAGMAMAKAAWA si Gwen sa paanan ni Uno habang umiiyak ito. Alam kong iniwan siya ni Dos, pero hindi ko alam na makapal ang mukha niya at walang pride para bumalik pa kay Uno. Sabagay, he's her only option. Malamang, babalik siya rito dahil baliw siya.Buong akala ko, ipagtatabuyan ni Uno si Gwen, pero natigilan ako nang magpaalam siya sa akin at dinala ito sa labas para kausapin.Makalipas ang ilang minuto, muli silang pumasok sa loob. Hindi na umiiyak si Gwen at mukhang magkasundo na sila base sa pakikipag-usap nila sa isa't isa.Tinalikuran ko ang eksenang pag-uusap ang dalawa at mabilis na pumasok sa kuwarto ni Alas. Sadya ko itong ni-lock upang hindi makapasok si Uno."Naglalaro ka, baby?""Yes, mama, but I'm bored. I wanna go outside. Puwede ba tayong mamasyal?"Nawala ang ngiti sa mga labi ko sa tanong na iyon ni Alas. Mamamasyal sana kaming tatlo ngayon, pero ito naman ang nangyari.Nasasaktan at naiinis akong isiping nagkaayos na sila agad. Ganoon lang kadali? Pagkatapos ni
ISANAKASABUNOT ako sa buhok ko habang nakaupo sa sofa at hinihintay ang pagdating nina Inay at Uno. Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha ko, para akong papanawan ng malay sa tindi ng pag-aalalang nararamdaman ko.Why did I leave him alone? Hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko sa nangyari. Iba na ang pakiramdam ko kanina pero pinili kong huwag pansinin ito at nagpabaya!Halos sabay na dumating sina Uno at Inay kasama ang dalawa naming tauhan. Mabilis akong nilapitan ni Inay at niyakap."It's my fault! It's my fault, inay!""Wala kang kasalanan, anak! Huwag kang mag-alala! Ipapahanap natin sila!"Matagal na nanatiling nakatayo si Uno habang nakatingin lang sa akin. Tulala ito at puno ng pag-aalala ang mga mata."Uno, ang anak natin! Dinukot nila si Alas! Saan ka ba nagpunta! Saan ka galing!" Malakas kong pinaghahampas ang mga binti ko sa pinaghalong inis at takot.Kapag may nangyaring masama kay Alas, mapapatay ko sina Senyora Celestia at Gwen!Nilapitan ako ni Uno nang uma