Isang linggo na ang nakalipas, at isang linggo na rin halos hindi lumalabas ng bahay si Ella. Maliban na lang kung pupunta siya sa ospital para dalawin ang kaniyang ina. Habang ang lahat sa labas ay patuloy sa kanilang mga pang-araw-araw na gawain, siya naman ay ginugugol ang oras sa pagtulog, pag-eehersisyo tuwing umaga, at pagguhit ng mga disenyo ng alahas sa kanyang sketchbook. Nakahiga siya sa sofa sa sala, hawak ang lapis habang pinagmamasdan ang mga linya ng kanyang bagong disenyo. Nang biglang marinig niya ang boses ni Rico mula sa kabilang kwarto. “Love,” tawag nito. Kahit hindi pa niya sinasabi ang dahilan, alam na ni Ella kung ano ang kailangan niya. Napabuntong-hininga siya bago tumayo at lumabas mula sa walk-in closet, suot ang puting robe. Lumapit siya kay Rico na kasalukuyang inaayos ang kuwelyo ng kanyang polo. Hinawakan niya ang dulo ng kurbata nito at sinimulang itali nang maayos. “Naiinip ka na, no?” tanong ni Rico habang tinititigan siya, ang mga mata’y puno
Habang hawak ang cellphone, ramdam ni Ella ang excitement na umaabot hanggang sa kanyang mga daliri. Tumunog ang tawag, at agad niyang sinagot."Levi," masigla niyang bati. "How are you?""Ella, it’s so nice to finally speak with you again," sagot ni Levi na may kasamang tawa. Hindi naman mapigilan ni Ella ang ngiti ng marinig ang slang ng kanyang kausap habang nagsasalita ito ng English."Same here," sagot ni Ella, habang hinahaplos ang kaniyang bilugang tiyan na nagsisimulang magbigay ng pakiramdam ng kilig at tuwa. "I’ve been looking forward to this.""So," simula ni Levi, "I just got here in the Philippines yesterday, can we meet?""Oo naman, just send me the address," sagot ni Ella, halos hindi mapigilan ang kasiyahan sa kanyang boses.Matapos ang tawag, agad siyang nakatanggap ng text message mula kay Levi na nagsasaad ng kanilang pagkikita. Dali-dali niyang lumabas mula sa nursery at bumalik sa kanilang silid ni Rico. Nagmadali siyang maligo at mag-ayos ng sarili. Pagkatapos ma
Maya-maya, dumating na ang kanilang pagkain. Inihain ang grill salmon na puno ng mga makukulay na gulay, at ang wagyu steak ay mala-kristal ang lutong, samantalang ang tempura ay nakakagutom na tignan.Nagpasalamat sila sa waiter at nagsimulang mag-enjoy sa kanilang pagkain. Habang kumakain, patuloy ang mga pag-uusap tungkol sa kanilang mga plano sa negosyo. Si Ella ay nagbigay ng mga insights at suggestions, habang si Levi naman ay binigyan siya ng feedback."I have to say," sabi ni Levi habang tinatanggal ang bone sa steak, "I’m impressed with your ideas, Ella. You really know your stuff.""Salamat, Levi," sagot ni Ella na medyo nahihiya. "I’ve been working on this idea for a long time, so I’m just glad it’s starting to come together."Nagpatuloy pa ang kanilang usapan, at sa bawat sagot ni Ella, nagiging mas komportable siya kay Levi. Napansin ni Ella na bukod sa pagiging seryoso sa trabaho, may humor at charm din si Levi na nakakapagpa-relax sa kanya.Maya-maya, natapos nila ang p
Napangiti si Ella sa sagot ng asawa, ngunit hindi niya rin maiwasang mapansin ang bahagyang tensyon sa pagitan ng dalawa. Hindi naman ito tahasang alitan, ngunit may kakaibang bigat sa paraan ng kanilang pag-uusap—isang uri ng paggalang na may halong sukatang hindi pa nila binibigkas nang direkta.Nagpatuloy ang kanilang usapan tungkol sa negosyo, at habang pormal ang mga sagot ni Rico, naramdaman ni Ella na tila may ibang iniisip ang kanyang asawa. Alam niyang hindi lang tungkol sa business proposal ang nasa isip nito—kundi pati na rin ang lalaking kaharap niya ngayon.“So, Levi," biglang tanong ni Rico matapos uminom ng tubig, "how long do you plan to stay in the country? Business expansion ba talaga ang habol mo, o may iba pang dahilan?"Nagkibit-balikat si Levi, bahagyang ngumiti. "Business, of course. Pero hindi ko rin maitatanggi na nag-e-enjoy ako dito. Ang culture, ang people... lahat interesting. And of course, having Ella as a business partner makes things even better."Napa
Pagod na ibinagsak ni Ella ang lapis sa ibabaw ng sketchpad, kasabay ng pagbuntong-hininga. Mula sa kanilang silid, sinulyapan niya ang magulong disenyo ng relo na hindi niya matapos-tapos. Paulit-ulit na niyang sinusubukang buuin ang bawat linya at mekanismo, ngunit laging may kulang, may mali. Dalawang linggo na ang lumipas mula nang mag-resign siya sa trabaho—isang desisyong akala niya’y magpapahinga sa kanya mula sa nakakapagod na mundo. Noong una, inakala niyang masisiyahan siya sa pagkakataong magpahinga, gumising nang walang iniintinding deadline, at hayaan ang sarili sa tahimik na mga umaga. Pero habang lumilipas ang mga araw, lalo lang siyang nababagot.Tumayo siya mula sa upuan at lumabas ng kwarto, hinihimas ang nananakit na batok, marahang pinipisil ito upang kahit paano'y maibsan ang tensyon. Pagdating sa ibaba, sandali siyang huminto sa tapat ng kusina, tinapunan ng tingin ang malinis na counter—walang kahit anong kalat, walang senyales ng anumang gawain. Isang malalim n
Pagdating nila sa harap ng mataas at eleganteng gusali ng Velasquez Group, agad niyang hinigpitan ang hawak sa insulated bag. Pinagmasdan niya sandali ang pamilyar na estruktura—ang makintab na salamin ng buong façade, ang mga empleyadong lumalabas-pasok sa malalaking revolving doors, at ang mahigpit na seguridad sa entrance. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas mula nang huli siyang pumasok sa loob, pero pakiramdam niya, isang buong buhay na ang lumipas.Bumukas ang pinto ng sasakyan, at nagmadaling bumaba ang driver upang pagbuksan siya. Bago siya tuluyang lumabas, huminga muna siya nang malalim. Tumingin siya sa repleksyon ng sarili sa tinted na bintana ng kotse—ang itim na coat, ang gloves, at ang sombrerong may manipis na veil na bahagyang tumatakip sa kanyang mukha. Hindi man ito perpekto, alam niyang kahit papaano, may proteksyon siyang dala laban sa matatalas na mata ng mga nakakakilala sa kanya."Ma'am, sigurado po ba kayong okay lang kayong pumasok mag-isa?" tanong ng driver,
Hindi siya agad nakapagsalita. Sa halip, pinagmasdan niya ang mukha ni Rico—ang lalim ng mga matang waring gustong basahin ang nasa isip niya, ang bahagyang kunot sa noo na dulot ng matagal na pagbabasa ng dokumento, at ang kaunting pagkapagod na hindi maitatago ng kanyang mahinahong kilos.Nang mapansin nito ang insulated bag na hawak niya, bahagya itong napangiti. “Love, is that?”Tumango siya, saka marahang lumapit at inilapag iyon sa maliit na coffee table sa gilid ng opisina. “Alam kong hindi ka pa kumakain nang maayos.”Hindi sumagot si Rico. Sa halip, lumapit ito sa kanya at marahang hinawakan ang kanyang kamay, hinahagod ng hinlalaki ang nanlalamig niyang mga daliri. Ramdam niya ang init ng palad nito—isang bagay na palaging nagbibigay sa kanya ng kakaibang kapanatagan.“Ikaw?” tanong nito, bahagyang pinipisil ang kamay niya. “Kumain ka na ba?”Napalunok siya at iniwas ang tingin. “Oo naman.”Mabilis siyang sinilip ni Rico, halatang hindi kumbinsido. Alam niyang kahit anong sa
Nang tuluyang magsara ang pinto matapos umalis ni Mr. Salcedo, napabuntong-hininga si Ella at agad na bumaling kay Rico, nakakunot ang noo."I always take good care of my investments?" Ginaya niya ang tono nito, sabay irap. “Ano ‘yon, ha?”Umismid lang si Rico, halatang natutuwa sa reaksyon niya. “Totoo naman, hindi ba? You’re my greatest investment, Love.”Napanganga siya, hindi alam kung matutuwa ba o maiinis sa sinabi nito. “Investment? Talaga?”Ngumiti si Rico at lumapit sa kanya, inilalagay ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng lamesa, iniipit siya sa gitna. “Of course. I poured all my time, effort, and love into you. That makes you my most valuable asset.”Napaatras siya nang bahagya, pero wala siyang matakasan. “You are unbelievable.”“I know.” Kumindat ito, saka mas lalong inilapit ang mukha sa kanya. “Kaya nga mahal mo ako.”Tumikhim siya at pilit na inayos ang sarili, hindi papayag na lamunin ng kahihiyan. “Sino may sabi? Baka nakakalimutan mong nutritionist mo lang ako
Ang mapusyaw na liwanag ng dapithapon ay naglalaro sa malawak na dalampasigan, hinahalikan ng banayad na alon ang pinong buhangin. Sa malayo, ang dagat ay kumikislap, tila nagsasayaw sa huling silahis ng araw. Malamig ang simoy ng hangin, sapat upang pagaanin ang init ng nagdaang araw.Sa ilalim ng isang malaking canopy na itinayo sa buhanginan, naroon ang pamilya at malalapit na kaibigan nina Rico at Ella. Ang halakhakan ay malayang lumilipad sa hangin habang ang bawat isa ay abala sa kanilang masasayang kwentuhan. Sa gitna ng lahat, si Rico at Ella ay magkatabing nakaupo sa isang malambot na banig, pinagmamasdan si Rielle na masayang naglalaro ng buhangin kasama si Gia.“Mas gumanda ka, Ella,” biro ni Chelsey. “Bagay sa ‘yo ang pagiging misis ni Kuya.”Napatawa si Ella habang umiiling. “Dati pa naman.”“Wow! Confident na talaga siya!” ngising malawako na sagot ni Chelsey. Sa di kalayuan, isang pigura ang dahan-dahang lumapit. Si Nurse Nita, may hawak na wheelchair kung saan nakaupo
Nagkagulo ang lahat nang biglang sumigaw si Rico. "Run!"Sa isang iglap, hinatak niya si Ella habang mahigpit na hawak si Rielle bago kinarga. Nabigla si Anton, ngunit agad niyang kinuha ang baril mula sa baywang niya."Putangina, Rico!" sigaw ni Anton bago nagpaputok.Bumagsak ang isang ilaw sa warehouse nang tamaan ng bala, nagdulot ng bahagyang kadiliman. Napasigaw si Sharia Lee, hindi makapaniwalang nakakalaban sila. "Stop them, Dad! Damn it!"Hinila ni Rico si Ella at Rielle papunta sa isang bakal na estante, ginagamit itong panangga sa sunod-sunod na putok ni Anton. Ramdam niya ang takot ni Ella sa mahigpit nitong kapit sa anak nila, pero wala siyang oras para magdalawang-isip. Kailangan nilang makatakas."Rico, hindi natin sila matatakasan nang ganito!" halos lumuluha nang sabi ni Ella.Napatingin siya kay Rielle, mahigpit na nakayakap sa kanya, umiiyak ngunit pilit na nilalabanan ang takot. Hindi siya pwedeng mabigo ngayon.Mabilis siyang luminga-linga, hinahanap ang pinakamab
Ang mga gulong ng sasakyan ay lumilikha ng matinis na tunog habang mabilis na bumabaybay ang convoy sa makitid at madilim na kalsada patungo sa abandonadong warehouse sa may pier. Ang katahimikan sa loob ng sasakyan ay mas mabigat pa sa bagyong paparating—bawat isa ay may sariling iniisip, pero iisa ang layunin.Mabawi si Rielle.Si Rico, nakaupo sa harapan, mahigpit na nakakapit sa manibela, ramdam ang pagpintig ng kanyang sintido sa tindi ng emosyon. Mula sa gilid ng kanyang paningin, nakita niya ang bahagyang nanginginig na kamay ni Ella. Hindi niya alam kung dahil ito sa takot o sa galit—pero anuman iyon, alam niyang pareho sila ng nararamdaman.“Lahat ng units, standby,” utos niya sa radio, pilit pinapanatili ang boses na matatag. “Walang gagalaw hangga’t hindi ko ibinibigay ang signal.”Sa kabila ng kanyang panlabas na katahimikan, ang loob niya ay isang naglalagablab na bagyo ng galit at takot. Hindi niya matanggap na sa isang iglap, nasa panganib ang pinakamahalagang kayamanan
Ang gabi ay dapat tahimik, pero sa loob ng safe house nina Rico, ang tanging maririnig ay ang mabibigat nilang paghinga at ang tunog ng mabilis na takbo ng sasakyan ni George. Nakatakas sila, pero alam nilang hindi pa tapos ang laban.Habang nakaupo sa likod, mahigpit na niyakap ni Ella si Rico. Nanginginig ang kanyang mga kamay, hindi lang dahil sa kaba kundi sa takot na anumang oras, maaaring bumalik ang panganib.Pero bago pa sila makapag-isip ng susunod na hakbang, biglang tumunog ang cellphone ni Rico. Isang unknown number na naman.Nagkatinginan sila ni Ella bago niya sinagot ang tawag.“Velasquez.”Isang nakakatakot na tawa ang sumagot sa kanya. "You’re really getting on my nerves, Rico."Nanginig ang panga ni Rico. "Who the hell are you?""The last person you should've messed with."Ngunit bago pa siya makasagot, isang pamilyar na tinig ang narinig niya mula sa kabilang linya."D-daddy…"Nanlaki ang mga mata ni Rico. "Rielle?!""Daddy, please help me…" humihikbing sabi ng kany
Sa gabing iyon, nagtipon-tipon sina Rico, Ella, George, at Don Salvador sa isang safe house upang suriin ang impormasyong iniwan ni Jasmine. Nasa harapan nila ang isang laptop, at hawak ni Rico ang maliit na flash drive na iniabot ni Cedric, ang kanyang assistant, na kararating lang.Nanginginig ang kamay ni Cedric habang inaabot ang flash drive. "Sir… si Jasmine… wala na."Napaatras si Ella, nanlalaki ang mga mata. "Ano?!"Napakuyom ng kamao si Rico. "How?"Lunok-lunok ni Cedric ang kaba bago sumagot. "I don't know, her heart just…stopped after she gave me this drive."Natahimik ang buong silid. Kahit alam nilang malubha ang tama ni Jasmine, umaasa pa rin silang makakaligtas ito."Hindi pwedeng masayang ang sakripisyo niya," mahina ngunit matigas na sabi ni Rico.Umupo siya sa harap ng laptop at isinaksak ang USB. Saglit na nag-loading ang screen bago lumabas ang confidential financial documents—mga rekord ng money laundering, illegal transactions, at pangalan ng mga taong sangkot. I
Habang bumabagtas ang sasakyan nila Rico at Ella patungo sa lugar kung saan naghihintay si Mr. Salvador, ramdam nila ang tensyon sa paligid. Tahimik si Rico, malalim ang iniisip, habang si Ella naman ay hindi mapigilan ang kaba. Alam niyang delikado ang sitwasyong pinapasok nila, ngunit mas pinili niyang manatili sa tabi ng kanyang asawa.Pagdating nila sa isang pribadong rest house sa labas ng lungsod, nagbukas agad ang gate, at sinalubong sila ng isang grupo ng mga bodyguard. Agad silang inihatid sa loob, kung saan naghihintay si Mr. Salvador—isang lalaking may awtoridad sa kanyang tindig, ngunit may kakaibang sigla sa kanyang mga mata nang makita si Rico."Rico," malalim ang boses ni Mr. Salvador, ngunit may bahid ng kasiyahan. "Matagal ko nang hinihintay ang araw na ito."Nagpalitan ng tingin sina Rico at Ella bago ito sumagot. "Anong ibig mong sabihin?"Ngumiti si Mr. Salvador at sumandal sa kanyang upuan bago itinuro ang lalaking nakaupo sa tabi niya.Napatigil si Rico nang maki
Habang nakatayo si Rico sa may pinto, pilit na pinapakalma ang kanyang ina, biglang bumukas ang pinto ng kusina. Lumabas si Ella, bitbit ang isang baso ng tubig. Kita sa mukha niya ang pag-aalala habang pinagmamasdan ang dalawa."Mom?" Napahinto siya, nagtatakang nilingon si Rico bago bumaling sa ina nito. "Anong ginagawa niyo rito?"Halos hindi na napansin ni Rache ang pagtawag ni Ella. Agad siyang lumapit at hinawakan ang kamay nito. "Ella... Ano bang nangyayari rito? May problema ba?"Nagkatinginan sina Ella at Rico. Alam niyang hindi niya basta-basta masasabing walang nangyayari, lalo na't dama niya ang tensyon sa paligid."Ma, wala kayong dapat alalahanin," pagsingit ni Rico, subukang ilihis ang usapan. "Wala namang masyadong nangyayari—""Walang nangyayari?" matalim ang tingin ni Rachel sa anak. "Rico, sinong niloloko mo? May mga guwardiya sa bahay, sa eskwelahan ni Rielle, tapos may sasakyan pang nakaparada sa labas na hindi natin alam kung sino ang nasa loob!"Nanlamig ang pak
Pagkapasok nina Ella at Rico sa bahay, tumakbo na si Rielle papunta sa kusina kasama ang kanyang yaya, excited sa cookies na ipinangako ni Ella. Nanatili namang nakatayo ang mag-asawa sa may sala, pareho nilang pinapanood ang anak habang naglalaro at kumakain.Tahimik si Rico, tila may gustong sabihin ngunit hindi alam kung paano sisimulan. Napansin iyon ni Ella, kaya siya na ang bumasag sa katahimikan."Hindi natin pwedeng hayaang madamay si Rielle sa gulong ‘to," mahina niyang sabi, pero may diin sa bawat salita.Napatingin si Rico sa kanya, ang matapang na maskara nitong laging suot ay unti-unting bumagsak. Sa likod ng matapang niyang postura, naroon ang takot—hindi para sa sarili, kundi para sa pamilya niya."Gagawin ko ang lahat para protektahan kayo," mahina ngunit matibay na sagot ni Rico. "Kahit ano, Ella. Kahit ano."Umiling si Ella at lumapit dito. "Hindi lang ikaw ang may responsibilidad sa ‘min, Rico. Ako rin. Hindi kita hahayaang harapin ‘to mag-isa."Napabuntong-hininga
Pagpasok ni Ella sa bahay, bumungad agad sa kanya si Rico na nakaupo sa sala, hawak ang isang basong whiskey. Hindi na siya nagulat na gising pa ito.Dahan-dahang lumapit siya. “Rico…”Lumingon ito sa kanya, kita sa mga mata ang bigat ng pagod. “You’re home late.”Nilapag ni Ella ang bag niya at umupo sa tabi nito. “I met Christ.”Rico exhaled sharply. “I know.”Nagkatinginan sila, ngunit agad ring naiisip ni Ella na sinabi siguro ng kaniyang mga bodyguard kanina. Nagtanong si Ella, "Gaano ka na katagal alam ang lahat ng 'to?"Hindi sumagot si Rico agad. Ininom nito ang natitirang whiskey sa baso bago inilapag iyon sa mesa. “Matagal na. Pero hindi ko masabi sa’yo dahil alam kong mas mahihirapan ka.”Ella clenched her fists. “Rico… alam kong wala kang kasalanan. Pero bakit hindi mo agad sinabi?”Napayuko si Rico, halatang pinipigil ang emosyon. “Dahil hindi mo ako titigilan hangga’t hindi mo sinusubukang ayusin ang gulong ‘to. At hindi kita hahayaang madamay.”Hinawakan ni Ella ang kam