Share

Chapter 91

Author: Ember
last update Last Updated: 2025-02-16 13:23:19

Ang katahimikan sa kwarto ay may halong bigat at init—parang yakap na puno ng pang-unawa. Sa mahinang liwanag ng bedside lamp, pinagmasdan ni Ella ang kanyang ina. Kita niya ang bahagyang pagod sa mukha nito, ang bahagyang pangangayayat, ngunit hindi nawala ang lambing sa mga mata ni Christy.

Alam ni Ella na hindi madali para sa kanyang ina na tanggapin ang mga pagbabagong nangyayari, pero sa kabila ng lahat, ramdam niya ang suporta at pagmamahal nito. Noon, si Christy ang laging nag-aalaga sa kanya—ngayon, siya na ang kailangang mag-alaga rito.

Nagtagal sila sa ganitong katahimikan, hanggang sa marahang bumuntong-hininga si Christy at ipinikit ang mga mata, waring ninanamnam ang sandali.

"Pagod ka na, Ma?" tanong ni Ella, bahagyang inalis ang kamay sa kamay ng ina upang ayusin ang unan nito.

"Hindi naman… pero gusto kong ipahinga sandali ang mga mata ko," sagot ni Christy, bahagyang lumalambing ang tinig.

Napangiti si Rico at marahang tumayo. "Sige, Ma. Pahinga ka muna. Dito lang kam
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 92

    Tahimik ang paligid, tanging mahihinang tunog ng makina at mahinang tikatik ng ulan sa labas ang maririnig. Sa loob ng kwarto, nakaupo si Ella sa tabi ng kama ng kanyang ina, mahigpit na hawak ang kamay nito. Pinagmamasdan niya ang mahinang pagtaas-baba ng dibdib ni Christy habang mahimbing itong natutulog."Ella, nandito ka pala."Napalingon siya at nakita si Nurse Nita na nakatayo sa may pintuan. May dala itong thermos sa isang kamay at isang plastic bag sa kabila. May mainit na ngiti sa labi ng matanda, ngunit halata sa kanyang mga mata ang pag-aalala."Nurse Nita..." Mahinang tawag ni Ella habang agad siyang tumayo upang salubungin ito.Lumapit ang matandang nurse at saglit na pinagmasdan ang kanyang pangangatawan bago ngumiti. "Ang laki na ng tiyan mo, hija! Kumusta ka na?" Iniabot nito ang thermos kay Ella. "Ilang araw ka na ring hindi nakadalaw. Kumusta ang pagbubuntis mo?"Napangiti si Ella at tinanggap ang inabot nito. "Ayos lang po. Marami lang po akong trabaho nitong mga na

    Last Updated : 2025-02-16
  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 93

    Isang linggo na ang nakalipas, at isang linggo na rin halos hindi lumalabas ng bahay si Ella. Maliban na lang kung pupunta siya sa ospital para dalawin ang kaniyang ina. Habang ang lahat sa labas ay patuloy sa kanilang mga pang-araw-araw na gawain, siya naman ay ginugugol ang oras sa pagtulog, pag-eehersisyo tuwing umaga, at pagguhit ng mga disenyo ng alahas sa kanyang sketchbook. Nakahiga siya sa sofa sa sala, hawak ang lapis habang pinagmamasdan ang mga linya ng kanyang bagong disenyo. Nang biglang marinig niya ang boses ni Rico mula sa kabilang kwarto. “Love,” tawag nito. Kahit hindi pa niya sinasabi ang dahilan, alam na ni Ella kung ano ang kailangan niya. Napabuntong-hininga siya bago tumayo at lumabas mula sa walk-in closet, suot ang puting robe. Lumapit siya kay Rico na kasalukuyang inaayos ang kuwelyo ng kanyang polo. Hinawakan niya ang dulo ng kurbata nito at sinimulang itali nang maayos. “Naiinip ka na, no?” tanong ni Rico habang tinititigan siya, ang mga mata’y puno

    Last Updated : 2025-02-17
  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 94

    Habang hawak ang cellphone, ramdam ni Ella ang excitement na umaabot hanggang sa kanyang mga daliri. Tumunog ang tawag, at agad niyang sinagot."Levi," masigla niyang bati. "How are you?""Ella, it’s so nice to finally speak with you again," sagot ni Levi na may kasamang tawa. Hindi naman mapigilan ni Ella ang ngiti ng marinig ang slang ng kanyang kausap habang nagsasalita ito ng English."Same here," sagot ni Ella, habang hinahaplos ang kaniyang bilugang tiyan na nagsisimulang magbigay ng pakiramdam ng kilig at tuwa. "I’ve been looking forward to this.""So," simula ni Levi, "I just got here in the Philippines yesterday, can we meet?""Oo naman, just send me the address," sagot ni Ella, halos hindi mapigilan ang kasiyahan sa kanyang boses.Matapos ang tawag, agad siyang nakatanggap ng text message mula kay Levi na nagsasaad ng kanilang pagkikita. Dali-dali niyang lumabas mula sa nursery at bumalik sa kanilang silid ni Rico. Nagmadali siyang maligo at mag-ayos ng sarili. Pagkatapos ma

    Last Updated : 2025-02-18
  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 95

    Maya-maya, dumating na ang kanilang pagkain. Inihain ang grill salmon na puno ng mga makukulay na gulay, at ang wagyu steak ay mala-kristal ang lutong, samantalang ang tempura ay nakakagutom na tignan.Nagpasalamat sila sa waiter at nagsimulang mag-enjoy sa kanilang pagkain. Habang kumakain, patuloy ang mga pag-uusap tungkol sa kanilang mga plano sa negosyo. Si Ella ay nagbigay ng mga insights at suggestions, habang si Levi naman ay binigyan siya ng feedback."I have to say," sabi ni Levi habang tinatanggal ang bone sa steak, "I’m impressed with your ideas, Ella. You really know your stuff.""Salamat, Levi," sagot ni Ella na medyo nahihiya. "I’ve been working on this idea for a long time, so I’m just glad it’s starting to come together."Nagpatuloy pa ang kanilang usapan, at sa bawat sagot ni Ella, nagiging mas komportable siya kay Levi. Napansin ni Ella na bukod sa pagiging seryoso sa trabaho, may humor at charm din si Levi na nakakapagpa-relax sa kanya.Maya-maya, natapos nila ang p

    Last Updated : 2025-02-18
  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 96

    Napangiti si Ella sa sagot ng asawa, ngunit hindi niya rin maiwasang mapansin ang bahagyang tensyon sa pagitan ng dalawa. Hindi naman ito tahasang alitan, ngunit may kakaibang bigat sa paraan ng kanilang pag-uusap—isang uri ng paggalang na may halong sukatang hindi pa nila binibigkas nang direkta.Nagpatuloy ang kanilang usapan tungkol sa negosyo, at habang pormal ang mga sagot ni Rico, naramdaman ni Ella na tila may ibang iniisip ang kanyang asawa. Alam niyang hindi lang tungkol sa business proposal ang nasa isip nito—kundi pati na rin ang lalaking kaharap niya ngayon.“So, Levi," biglang tanong ni Rico matapos uminom ng tubig, "how long do you plan to stay in the country? Business expansion ba talaga ang habol mo, o may iba pang dahilan?"Nagkibit-balikat si Levi, bahagyang ngumiti. "Business, of course. Pero hindi ko rin maitatanggi na nag-e-enjoy ako dito. Ang culture, ang people... lahat interesting. And of course, having Ella as a business partner makes things even better."Napa

    Last Updated : 2025-02-18
  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 97

    Pagod na ibinagsak ni Ella ang lapis sa ibabaw ng sketchpad, kasabay ng pagbuntong-hininga. Mula sa kanilang silid, sinulyapan niya ang magulong disenyo ng relo na hindi niya matapos-tapos. Paulit-ulit na niyang sinusubukang buuin ang bawat linya at mekanismo, ngunit laging may kulang, may mali. Dalawang linggo na ang lumipas mula nang mag-resign siya sa trabaho—isang desisyong akala niya’y magpapahinga sa kanya mula sa nakakapagod na mundo. Noong una, inakala niyang masisiyahan siya sa pagkakataong magpahinga, gumising nang walang iniintinding deadline, at hayaan ang sarili sa tahimik na mga umaga. Pero habang lumilipas ang mga araw, lalo lang siyang nababagot.Tumayo siya mula sa upuan at lumabas ng kwarto, hinihimas ang nananakit na batok, marahang pinipisil ito upang kahit paano'y maibsan ang tensyon. Pagdating sa ibaba, sandali siyang huminto sa tapat ng kusina, tinapunan ng tingin ang malinis na counter—walang kahit anong kalat, walang senyales ng anumang gawain. Isang malalim n

    Last Updated : 2025-02-24
  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 98

    Pagdating nila sa harap ng mataas at eleganteng gusali ng Velasquez Group, agad niyang hinigpitan ang hawak sa insulated bag. Pinagmasdan niya sandali ang pamilyar na estruktura—ang makintab na salamin ng buong façade, ang mga empleyadong lumalabas-pasok sa malalaking revolving doors, at ang mahigpit na seguridad sa entrance. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas mula nang huli siyang pumasok sa loob, pero pakiramdam niya, isang buong buhay na ang lumipas.Bumukas ang pinto ng sasakyan, at nagmadaling bumaba ang driver upang pagbuksan siya. Bago siya tuluyang lumabas, huminga muna siya nang malalim. Tumingin siya sa repleksyon ng sarili sa tinted na bintana ng kotse—ang itim na coat, ang gloves, at ang sombrerong may manipis na veil na bahagyang tumatakip sa kanyang mukha. Hindi man ito perpekto, alam niyang kahit papaano, may proteksyon siyang dala laban sa matatalas na mata ng mga nakakakilala sa kanya."Ma'am, sigurado po ba kayong okay lang kayong pumasok mag-isa?" tanong ng driver,

    Last Updated : 2025-02-24
  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 99

    Hindi siya agad nakapagsalita. Sa halip, pinagmasdan niya ang mukha ni Rico—ang lalim ng mga matang waring gustong basahin ang nasa isip niya, ang bahagyang kunot sa noo na dulot ng matagal na pagbabasa ng dokumento, at ang kaunting pagkapagod na hindi maitatago ng kanyang mahinahong kilos.Nang mapansin nito ang insulated bag na hawak niya, bahagya itong napangiti. “Love, is that?”Tumango siya, saka marahang lumapit at inilapag iyon sa maliit na coffee table sa gilid ng opisina. “Alam kong hindi ka pa kumakain nang maayos.”Hindi sumagot si Rico. Sa halip, lumapit ito sa kanya at marahang hinawakan ang kanyang kamay, hinahagod ng hinlalaki ang nanlalamig niyang mga daliri. Ramdam niya ang init ng palad nito—isang bagay na palaging nagbibigay sa kanya ng kakaibang kapanatagan.“Ikaw?” tanong nito, bahagyang pinipisil ang kamay niya. “Kumain ka na ba?”Napalunok siya at iniwas ang tingin. “Oo naman.”Mabilis siyang sinilip ni Rico, halatang hindi kumbinsido. Alam niyang kahit anong sa

    Last Updated : 2025-02-27

Latest chapter

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 109

    Mula sa bulsa ng mamahaling bistidang suot ni Lola Gina, marahan niyang hinugot ang isang kapirasong papel—kulubot na sa dami ng beses na marahil niyang hinawakan. Seryoso ang kanyang mukha habang inaayos ang salamin sa ilong, bago tumikhim nang malakas para makuha ang buong atensyon ng mag-asawa.“Oo, bilin! At kailangan mong sumunod, kundi, ako mismo ang magbabantay sa’yo araw-araw,” matapang na pahayag ni Lola Gina, sabay hampas ng papel sa kanyang palad para bigyang-diin ang kanyang babala.Nagkatinginan si Rico at Ella. Si Ella ay mariing napalunok, habang si Rico naman ay mukhang aliw na aliw sa nangyayari. Alam niyang hindi basta nagpapatawa si Lola Gina—seryoso ito pagdating sa mga ganitong bagay. Pero sa kabila ng lahat, hindi niya maiwasang mapangiti.“La, alam na namin ang gagawin. You have nothing to worry about. Saka, baka hindi kayanin ni Ella ang ganyang bantay-sarado. Masyadong strict,” aniya, nagtatago ng ngiti habang pasimpleng nililingon si Ella.“Tumigil ka, Rico,”

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 108

    Habang nginunguya ang mansanas sa bibig, nangunot ang noo ni Ella nang mapansing may nanunuksong kislap sa mga mata ni Rico. Agad siyang nagduda. Kilala niya ang asawang ito—may binabalak na naman.Sa ilalim ng dapithapong langit, kung saan ang ginintuang sinag ng araw ay marahang bumabalot sa kanilang paligid, naramdaman niya ang init ng yakap ni Rico nang hinila siya nito palapit. Mahinang ihip ng hangin ang dumaan, bahagyang niyugyog ang mga dahon ng puno sa kanilang hardin, habang ang pabugso-bugsong awit ng mga ibon ay tila nag-aambag sa kanilang munting mundo ng katahimikan at kasiyahan.Pinayagan niyang sumandal ang ulo sa dibdib ng asawa, ramdam ang mahinang pagtaas-baba nito sa bawat paghinga. May kakaibang kapayapaang dala ang presensya ni Rico, ngunit sa sandaling ito, may halong kutob siyang nararamdaman—lalo na’t narinig niyang humagikgik ito bago biglang nagtanong.“Naalala mo ba kung paano tayo unang nagkita?” tanong nito, may bahagyang tawa sa tinig.Napakunot-noo si E

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 107

    Tatlong araw na ang lumipas mula nang huling pumasok si Ella sa opisina para pormal na magpaalam at ipakilala ang sarili bilang asawa ni Rico. Sa kabila ng iba't ibang reaksyon ng mga empleyado, hindi niya malilimutan kung paano siya malugod na tinanggap ng secretarial department. Si Trixie nga ay agad na nagprisintang maging ninang ng kanyang anak, habang si Jasmine, sa kabila ng pagiging kalmado, ay ipinakita ang respeto at maingat na pakikitungo sa kanya. Hindi rin niya maitatanggi ang pasasalamat kay Jasmine sa pagiging mabuting kasamahan.Ilang beses na siyang naabutan ni Rico sa opisina, ngunit hindi ito nag-ingay tungkol sa kanilang relasyon. Tahimik lang, parang walang nangyari, pero alam niyang aware ito sa mga usap-usapan.Ngayon, nasa bahay na siya, at ramdam niya ang kakaibang katahimikan. Sanay siya sa maingay na mundo ng trabaho—mga meeting, tawag, at kung ano-anong inaasikaso. Pero ngayon? Tahimik. Walang deadlines, walang report na kailangang ipasa, at higit sa lahat,

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 106

    Muli siyang napasinghap nang maramdaman ang palad ni Rico sa kanyang hita, banayad na hinahaplos ang balat niya habang ang mga halik nito ay bumaba pa lalo sa kanyang leeg. Hindi niya alam kung paano siya nakakapit pa sa lalaki—parang natutunaw siya sa init ng bawat pagdampi ng labi nito sa kanyang balat."You're so beautiful," bulong ni Rico habang hinahaplos ng hinlalaki niya ang kanyang panga. "And you're mine, Ella."Alam niyang dapat siyang magprotesta sa huling sinabi nito—pero paano, kung sa bawat paghawak nito sa kanya ay parang sumasang-ayon ang buong pagkatao niya?Dahan-dahang bumaba ang kanyang kamay, hinaplos ang matigas na dibdib nito sa ilalim ng mamahaling suit. Saglit na natigil ang paghinga ni Rico at tinitigan lang niya si Ella—nagniningning ang kanyang madilim na mga mata sa pagnanasa, paghanga, at isang mas malalim pang damdamin.Hindi niya na napigilan ang pagngiti. "What?"Ngumisi si Rico, hinagod ng hinlalaki niya ang kanyang pang ibabang labi. “You’re dangerou

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 105

    Tahimik ang buong opisina, tanging ang bahagyang ugong ng air conditioning ang maririnig. Nakatayo pa rin si Ella sa harap ni Rico, ramdam pa rin sa kanyang balat ang init ng mga bisig nitong yumakap sa kanya kanina. Hindi niya alam kung ang tindi ng damdamin niya o ang lalim ng titig ni Rico ang nagpapahirap sa kanya para makagalaw.Ang lalaking ito… siya ang dahilan kung bakit nagbago ang mundo niya sa paraang hindi niya inakala.Mabagal ngunit sigurado ang kilos ni Rico nang lumapit ito sa kanya. Inabot nito ang kanyang pisngi, hinaplos iyon ng marahan gamit ang hinlalaki. Napapikit siya sa lambing ng dampi nito—parang hinuhubad ang lahat ng pangamba at pagdududa sa kanyang sistema."You’re mine, Ella. And I’ll make sure you feel it every single day," bulong ni Rico, malalim at puno ng pangako.Napasinghap siya nang maramdaman ang mainit niyang labi sa kanyang noo—hindi minadali, hindi pabigla. Isang halik na puno ng kasiguruhan, isang halik na nagsasabing pag-aari na siya nito, at

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 104

    Sa kabila ng malalakas na palakpak na umaalingawngaw sa buong hall, hindi pa rin mapigilan ni Ella ang pangangatal ng kanyang dibdib. Hindi ito dahil sa kaba o takot—kundi dahil sa bigat ng bagong realidad na ngayon ay hindi na niya matatakasan.Mula sa entablado, tanaw niya ang samu’t saring reaksyon ng mga empleyado. May mga tapat na natuwa, gaya nina Trixie at iba pang kasamahan niya sa secretarial office, na nakangiti habang pumapalakpak. May ilan namang nakakunot-noo, tila hindi pa rin makapaniwala. At syempre, may mga matang nag-uusisa, nagtatantiya kung sino nga ba talaga siya sa buhay ni Rico.Ang lahat ng ito ay parang malabong tunog sa kanyang pandinig, ngunit ang tanging naririnig niya nang malinaw ay ang mahihinang tibok ng kanyang puso—paulit-ulit, bumibilis.“Thank you for your time,” muling sabi ni Rico, walang bahid ng pag-aalinlangan sa boses. At bago pa niya maiproseso ang susunod na nangyari, marahang hinila siya ng asawa pababa ng entablado. Mahigpit ang hawak nito

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 103

    Pagsapit ng umaga, nagising si Ella sa banayad na dampi ng mga labi ni Rico sa kanyang noo. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at bumungad sa kanya ang maamong mukha nito—nakangiti, ngunit may bakas ng pananabik sa mga mata."Good morning, love," bulong ni Rico bago muling dampian ng halik ang kanyang noo. "Are you ready?"Bahagyang nag-inat si Ella at huminga nang malalim. "Wala na akong choice, ‘di ba?"Napangiti si Rico, sinakop ng init at saya ang kanyang mukha. "Lagi kang may choice, Ella. But this time, you chose to stand beside me."Hindi siya agad nakasagot. Sa halip, hinaplos niya ang kanyang tiyan, ramdam ang mahinang galaw ng kanilang anak sa loob. Kahapon, sigurado na siya. Pero ngayong nandito na ang sandali, hindi niya maiwasang makaramdam ng bahagyang kaba.Naupo siya sa kama, habang si Rico naman ay maingat na lumuhod sa harapan niya, hinawakan ang kanyang mga kamay. "You're not alone in this, Ella," malambing na sabi nito. "Whatever happens, I'm right here. We face t

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 102

    Isang mahinang pagkatok ang pumukaw sa kanyang pansin. Bumuntong-hininga siya bago tumayo at binuksan ang pinto.Si Rico.Nakatayo ito sa harapan niya, suot pa rin ang kanyang puting dress shirt na bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones. Mula sa ekspresyon nito, halatang alam na niyang gising pa si Ella at hinihintay siya.Walang salitang dumaan sa pagitan nila sa loob ng ilang segundo. Tila binabasa ni Rico ang kanyang mukha, naghahanap ng kahit anong bahid ng pangamba o pag-aalinlangan. Pero wala siyang makikita.Ella stepped aside, giving him silent permission to come in.Pagkasara ng pinto, marahan siyang lumapit kay Ella at hinaplos ang kanyang pisngi. "You're thinking too much again," bulong nito.Napangiti siya, kahit may bahagyang lungkot sa kanyang mga mata. "Paano ba hindi mag-isip kung alam mong malapit nang magbago ang lahat?"Hinila siya ni Rico papalapit, ipinatong ang kanyang baba sa tuktok ng ulo nito habang marahang hinihimas ang kanyang likod. "Change isn't a

  • The Billionaire's Unplanned Heir   Chapter 101

    Kahit pa gaano kalihim sina Rico at Ella sa relasyon nila, hindi na napigilan ang paglaganap ng tsismis sa buong building. Mabilis na kumalat ang bulungan—sa bawat departamento, bawat mesa, at kahit sa pantry kung saan ang mga empleyado ay kunwaring nagkakape pero palihim na nag-uusap tungkol sa “asawa” ni President Velasquez na bumisita kanina.“Buntis daw ‘yung babae,” bulong ng isang secretary habang nilalagyan ng gatas ang kanyang kape. “At ang sabi, nutritionist siya?”“Nutritionist pero parang donya kung umasta?” sagot naman ng isa, sinabayan pa ng bahagyang pagtaas ng kilay. “Kita mo ba ‘yung suot niya? Hindi naman pang-nutritionist ‘yun.”Sa kabilang panig ng opisina, dalawang empleyado naman ang palihim na nag-uusap habang inaayos ang mga dokumento sa file cabinet.“Ikaw ba, naniniwala kang hindi niya asawa ‘yun? Kita mo naman kung paano siya tiningnan ni Pres kanina.”“At si Mr. Salcedo pa ang nagsabi! Kung totoo ‘yung hinala niya, ibig sabihin, matagal nang kasal si Sir Ric

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status