Maingat na ibinaling ni Rico ang tingin mula sa mukha ni Ella papunta sa inosente niyang palad. Muli niyang binalot ito ng tuwalya at inayos ang ice pack. “Teka lang, bibigyan kita ng kendi mamaya.”“Rico, 25 na ako,” sagot ni Ella, halatang pinapaalala na hindi na siya bata para magpauto sa kendi.Bahagyang natawa si Rico, marahang nanginginig ang kanyang dibdib sa bawat tunog ng kaniyang halakhak. Pagkatapos ay maingat niyang hinawakan ang kamay ni Ella, bahagyang tumagilid ang ulo, at diretso siyang tinitigan sa mata. Sa pagkakataong iyon, may halong lambing at paninisi sa kanyang boses. “Secretary Gatchalian, alam ng lahat ‘yan, okay? Pero... bakit para kang bata kung magpadalos-dalos?”Binalikan ni Rico ang eksena kanina. Nang makita niyang sinampal ni Ella si Lani, hindi siya agad nagulat. Ang unang pumukaw sa kanya ay takot—takot na baka may masamang mangyari kay Ella at sa kanilang anak. Nang subukan niyang lumapit, mabilis na itong tumakbo palayo.Kung hindi ito agad nakataka
"Ang ibig mong sabihin, inilipat sa secretarial office ni Manager Shin ang asawa ko dahil kasintahan niya si Lani?" Takang tanong ni Rico matapos niyang marinig ang lahat ng impormasyong nakalap ni Cedric. Maging ang insidente ng sampalan noon ay nagawa niyang matutunan."Ganun na nga po, Mr. Velasquez," ang kumpirmasyon ni Cedric.Matapos nito, nanatiling tahimik si Rico habang nakaupo sa kanyang leather office chair. Walang anumang reaksyon ang ipinakita sa kanyang mukha, at dahan-dahang iniikot ang kanyang mga daliri, tila nag-iisip ng masusing hakbang. Makalipas ang ilang sandali ng katahimikan, narinig ni Cedric ang malamig na tugon ni Rico, "Alamin mo ang trabaho ng dalawang ‘yan. Kahit ang pinakamaliit na pagkakamali, hanapin mo. Pati ang mga buyer ni Lani, kilalanin mo sila. Kailangan ko silang turuan ng leksyon.""Walang lugar para sa kompanya ko ang mga katulad nilang maduming magtrabaho." Itinaas ni Rico ang kanyang malamlam na mata at matalim na tumitig kay Cedric. Ang mal
“Sir, pahiram ako ng gamit mo?”Isang mapang-akit na tinig ng babae ang nagmula sa nakaparadang itim na Sarao jeep sa gilid ng kalsada. Paos ngunit puno ng alindog, malambing ngunit may halong panunukso.Sa loob ng malamlam na sasakyan, si Rico Velasquez ay malamig ang titig at walang bahid ng emosyon habang nakatingin sa babaeng nasa kandungan niya. Mabilis na kumalat naman agad sa maliit na espasyo ang amoy ng alak.“Get out.”Ang malamig na boses na iyon ay tila bumalik sa diwa ni Ella Gatchalian. Ngunit, palibhasa at lasing at wala sa sarili, kumapit pa siyang lalo sa leeg ng lalaki, desperado, habang ang mapuputing braso ay nanghihina at mahigpit ang pagkakakapit. Ang hininga niyang may samyo ng alak ay mapang-akit na dumadampi sa leeg nito.“I beg you, please... tulungan mo ‘ko. Babayaran kita kahit magkano.”Damang-dama ni Ella ang init na umaakyat sa kanyang katawan na siyang unti-unting sinisira ang kanyang katinuan. Hanggang sa ang mapuputi niyang kamay ay kusang gumalaw pab
Tulalang hawak ang mapulang pisngi ni Lani dahil sa malalakas na sampal mula kay Ella. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito.Nang makabawi siya sa gulat, binalak niyang tumayo upang lumayo, ngunit mahigpit na hinawakan ni Ella ang kanyang pulsuhan. Yumuko ito at bumulong sa kanyang tainga, “Kung maglakas-loob kang magsumbong, ang pinakamasamang mangyayari ay pareho tayong mamamatay.”Kung may nagtangkang pagsamantalahan siya, dalhin sa kama ng lalaki, kailangan saluhin ni Lani ang pagkabigo at galit niya ngayon.Kung iisipin, ang dalawang sampal na natamo nito ay maliit na kabayaran lamang kumpara sa katotohanang nawala ang kaniyang pinagkakaingat-ingatang dangal.Salamantala, ang malamig na boses ni Ella ay parang bulong ng mga kaluluwang ligaw mula sa impiyerno para kay Lani. Tila pilit na nilulubog siya sa isang walang hanggang bangin. Ngunit, napatigil si Lani at nanatiling nakatitig kay Ella nang may pagkamuhi ngunit walang magawa. Ni hindi niya makayanang magsalita o lumaban. Ba
Habang nag-iisip si Ella, biglang pumasok si Jasmine Ortiz, ang kanilang secretary general. Professional ito sa lahat ng kilos at nasa 30 years old na, masipag at matalas din ang diskarte. Matapos tanawin ang mga sekretarya sa opisina, malakas itong nagsalita, “Let’s move! All of you! Alam niyo naman kung gaano ka-strikto si President Velasquez. Huwag kayong tatamad-tamad dito.”“Danika, ipadala mo kay Assistant Danceco ang schedule ni Mr. Velasquez para sa hapon. Clay, ayusin mo naman ang lahat ng mga dokumentong isinumite ng iba’t ibang departamento sa nakaraang dalawang buwan. May posibilidad na basahin ito ni Mr. Velasquez. At ikaw naman, Mariz, ikaw ang bahala sa report tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng kumpanya.”“At ikaw naman, Ella…” Napahinto si Jasmine nang banggitin ang pangalan niya.Tumakbo sa kaniya isip ang insidente noong nasa Development Department pa si Ella—ang pagsampal niya sa kasamahan na mabilis na kumalat sa mga maliliit na grupo sa kumpanya. Kaya naman ang
Ang boses na iyon ay nagdulot ng pagtataka at pagbaling ng tingin ng tatlong iba pang tao sa opisina patungo sa kinatatayuan ni Ella. Biglang nahinto ang pag re-report ni Mariz. Dahilan upang tuluyang mabalot ng di-pangkaraniwang katahimikan ang paligid.Dahan-dahang humarap si Ella, pilit pinanatili ang isang simple at maaliwalas na ngiti, at direktang tiningnan ang malamig na mga mata ni Rico Velasquez.“Sir, mayroon po ba kayong ipag-uutos?”Sa unang pagtama ng malamig niyang mga mata sa mukha ni Ella, saglit na lumitaw ang bakas ng pagkabigla dito. Matapos ang ilang segundo ng pagkatulala, inilapag ni Rico ang tasa ng kape at nagsalita sa malamlam na boses. “Ikaw ba ang gumawa ng kape?”Ang tanong na ito ay parang tumama sa dibdib ni Jasmine Ortiz, na biglang nakaramdam ng pag-aalala. Dati, si Clay ang gumagawa ng kape, kaya naman inisip niyang baka hindi nagustuhan ni Rico ang gawa ni Ella ngayon. At dahil ayaw niyang mapagalitan si Ella sa unang pagkakataon nitong makaharap si R
Napansin ni Rico ang kanyang kilos bago nagsalita sa malinaw na boses, “Hindi mo ba gusto ang pagkain? Kung hindi mo gusto, mag-order ka pa ng iba.”Habang sinasabi iyon, handa na ito para tumawag ng waiter.Agad naman siyang pinigilan ni Ella, umiling at sinabing, “Ayos lang po. Siguro nagka-trangkaso lang ako nitong mga nakaraan. Medyo nasusuka ako at hindi makakain ng karne.”Sa loob ng dalawang araw, tila hindi niya matiis ang mamantikang pagkain. Siguro ay dahil ito sa biglaang pagbabago ng panahon. Mabuti na lang at hindi naman ito malala, kaya hindi niya masyadong inintindi.Bahagyang namang kumunot ang noo ni Rico, tinitigan siya ng ilang sandali nang tahimik, at saka tumawag ng waiter.“Pakihanda ng brown sugar ginger water. Huwang mong kalimutang tanggalin ang luya bago i-serve.”“Opo, sir,” sagot ng waiter sabay alis.Napatingin si Ella kay Rico, hiyang hiya dahil tila naabala pa niya ang boss niya.Mukhang nabasa naman ni Rico ang iniisip nito kaya't ngumiti nang bahagya.
Binuksan ni Rico ang bag ng gamot at nakita ang higit sa isang dosenang pregnancy test sticks sa loob. Napagtanto niya na binili ni Cedric ang lahat ng brand ng pregnancy test sticks mula sa mga botika malapit sa kanila."Sinigurado kong lahat ng posibleng pagpipilian ay narito," paliwanag nito.Tumingin si Ella sa mga pregnancy test sticks sa loob ng bag at nagtatakang nagtanong, "Kailangan ba talaga ng ganito karami?"Matapos silipin ni Rico ang laman ng bag, iniabot niya ang mga pregnancy test sticks kay Ella."Pumili ka ng ilan para subukan," sabi niya. "Nandoon ang lounge ko, may banyo sa loob."Pagkasabi nito, itinaas niya ang kanyang baba at itinuro ang secret door sa tabi ng bookshelf.Hinawakan ni Ella nang mahigpit ang tali ng bag habang nakatingin sa direksyong tinuro ni Rico. Tila nag-ipon siya ng lakas ng loob para maglakad papunta roon, ngunit nang dumampi ang kanyang kamay sa pinto, umatras siya, tumalikod, at muling tumingin kay Rico. Ayaw niyang mabuntis.Nakita ni Ri
"Ang ibig mong sabihin, inilipat sa secretarial office ni Manager Shin ang asawa ko dahil kasintahan niya si Lani?" Takang tanong ni Rico matapos niyang marinig ang lahat ng impormasyong nakalap ni Cedric. Maging ang insidente ng sampalan noon ay nagawa niyang matutunan."Ganun na nga po, Mr. Velasquez," ang kumpirmasyon ni Cedric.Matapos nito, nanatiling tahimik si Rico habang nakaupo sa kanyang leather office chair. Walang anumang reaksyon ang ipinakita sa kanyang mukha, at dahan-dahang iniikot ang kanyang mga daliri, tila nag-iisip ng masusing hakbang. Makalipas ang ilang sandali ng katahimikan, narinig ni Cedric ang malamig na tugon ni Rico, "Alamin mo ang trabaho ng dalawang ‘yan. Kahit ang pinakamaliit na pagkakamali, hanapin mo. Pati ang mga buyer ni Lani, kilalanin mo sila. Kailangan ko silang turuan ng leksyon.""Walang lugar para sa kompanya ko ang mga katulad nilang maduming magtrabaho." Itinaas ni Rico ang kanyang malamlam na mata at matalim na tumitig kay Cedric. Ang mal
Maingat na ibinaling ni Rico ang tingin mula sa mukha ni Ella papunta sa inosente niyang palad. Muli niyang binalot ito ng tuwalya at inayos ang ice pack. “Teka lang, bibigyan kita ng kendi mamaya.”“Rico, 25 na ako,” sagot ni Ella, halatang pinapaalala na hindi na siya bata para magpauto sa kendi.Bahagyang natawa si Rico, marahang nanginginig ang kanyang dibdib sa bawat tunog ng kaniyang halakhak. Pagkatapos ay maingat niyang hinawakan ang kamay ni Ella, bahagyang tumagilid ang ulo, at diretso siyang tinitigan sa mata. Sa pagkakataong iyon, may halong lambing at paninisi sa kanyang boses. “Secretary Gatchalian, alam ng lahat ‘yan, okay? Pero... bakit para kang bata kung magpadalos-dalos?”Binalikan ni Rico ang eksena kanina. Nang makita niyang sinampal ni Ella si Lani, hindi siya agad nagulat. Ang unang pumukaw sa kanya ay takot—takot na baka may masamang mangyari kay Ella at sa kanilang anak. Nang subukan niyang lumapit, mabilis na itong tumakbo palayo.Kung hindi ito agad nakataka
Ang lahat ng tao sa conference room ay napatingin kay Rico. Tahimik ngunit puno ng awtoridad ang kilos nito habang tinitigan ang screen ng computer sa harapan niya. Mataman niyang sinuri ito, parang naghahanap ng tamang tiyempo bago itinaas ang mga mata at tumitig nang diretso kay Lani, na halatang nag-aabang ng susunod niyang sasabihin."Hindi mo ba napansin na may problema sa PPT mo?" Malamig ngunit diretso ang tanong ni Rico. Walang paliguy-ligoy, ngunit dama ng lahat ang bigat na dala ng kanyang boses.Nataranta si Lani. Agad niyang sinipat ang screen, pilit na hinahanap ang mali. Sa kabila ng malamig na panahon, tumulo ang maliliit na butil ng pawis sa kanyang noo. Para bang biglang sumikip ang paligid, at ang bawat segundo ay lalong nagpapabigat ng tensyon. Sa ilalim ng matinding presyon, tila imposibleng makita ang anumang pagkakamali sa data na kanyang pinagpaguran."Ah… ah… ito kasi…" Nanginginig ang boses ni Lani. Halos hindi niya maituloy ang sasabihin. Namula ang kanyang m
Parehong nag-enjoy sina Ella at Rico sa pagkain. Nang oras na para magbayad, iniabot ng waiter ang bill kay Rico.Tiningnan ni Rico ang bill nang may malasakit na ekspresyon at may hindi tiyak na tono, "Ang misis ko na ang magbabayad."Kapag nagkakasama ang mag-asawa sa pagkain sa labas, madalas ang misis ang magbabayad. Sa karamihan ng kaso, ang financial na kapangyarihan sa pamilya ay nasa mga kamay ng misis. At talaga ngang ibang pakiramdam kapag may misis na spoil siya. Awtomatikong kinalimutan ni Rico ang orihinal na layunin ng pagkain na iyon at itinuring itong isang candlelight dinner nila ni Ella.Hindi napansin ni Ella ang kaunting pride sa puso ni Rico. Kinuha ang bill at nagbayad siya.Ngunit hindi nagtagal, isang mensahe ang lumitaw sa cellphone ni Ella mula sa kanyang bank account. Nagulat siya nang makita ang halagang 100,000 pesos. Ang mga zero sa dulo ng halaga ay nagpagalaw sa kanyang mga kamay, na parang may hindi inaasahang kaganapan. Hindi makapaniwala, tinitigan n
Inimbitahan ni Ella si Rico para sa hapunan, kaya natural lamang na si Rico ang pumili ng restaurant. Hindi siya nag-atubili at diretsong pinili ang isang high-end na western restaurant. Tahimik ang kapaligiran nito at may romantikong ambiance—isang lugar na karaniwang dinarayo ng mga magkasintahan para sa espesyal na okasyon.Oras na ng hapunan, at abala ang restaurant sa dami ng mga parokyano. Dahil biglaan ang kanilang plano at wala silang reservation para sa isang pribadong silid, napilitan silang kumain sa lobby.Ang mesa nila ay malapit sa malaking bintanang nagbibigay ng tanawin ng mga matatayog na gusali. Kitang-kita rin mula roon ang ilog at ang mga neon lights na nagbigay ng kakaibang saya sa paligid. Habang nakatingin sa labas, nakaramdam si Ella ng hindi maipaliwanag na kasiyahan.Pagkaupo nila, iniabot ng waiter ang dalawang itim na menu at bahagyang yumuko bilang pagbati.“Magandang gabi po, ma’am at sir. May espesyal na couple’s set menu po kami ngayong gabi. Ang mga sa
Ang ginintuang liwanag ng takipsilim ay banayad na tumatama sa lupa, pinapapula ang mga ulap. Sa malayo, ang mga bundok ay tila humahati sa langit, nagbibigay ng payapang tanawin na siyang tanaw sa hardin, kung saan maraming pasyente ang naglalakad at nagkukuwentuhan.Habang tinutulak ni Rico ang wheelchair ni Christy, dumadaan sila sa ilalim ng mga punong sumasala sa liwanag ng araw. Tahimik ang paligid, tanging ang tunog ng kanilang mga hakbang at ang banayad na ihip ng hangin ang maririnig. Sa gitna ng katahimikan, biglang nagsalita si Christy, “Rico, wala na akong maraming oras.”Huminto si Rico, halatang nabigla sa sinabi nito. Bahagyang nanginig ang kanyang labi, at ilang sandaling katahimikan ang namagitan bago siya nagsalita nang mababa ang tinig, “Kukuha po ako ng mga eksperto mula sa ibang bansa para kumonsulta sa inyo. Huwag po kayong masyadong mag-alala.”Ngumiti si Christy, ngunit bakas ang lungkot sa kanyang mukha. “Alam ko ang kalagayan ko, Rico. Masaya ako na nakita ko
Sa Silid ng Ospital, nakatayo sina Ella at Rico sa harap ng kama ni Christy, ang ina ni Ella. Magkahawak-kamay ang dalawa, at kahit halatang may karamdaman si Christy, bakas pa rin sa kanyang mga mata ang kasiyahan. Sa isip niya, tunay ngang nakakamangha ang lalaking nakuha ng kanyang anak. Ang maayos nitong hitsura at perpektong postura ay bagay na bagay sa kagandahan ni Ella."Hello po, Mrs. Gatchalian. Ako po si Rico, 29 taong gulang. CEO ng Velasquez Group. May simpleng pamilya, walang bisyo, may bahay, kotse, at ipon." Bahagyang yumuko si Rico. Bagama't maayos ang kanyang tindig, halata ang tensyon sa kanyang mukha, at mabilis ang tibok ng puso niya.Habang sinasabi ang mga salitang iyon, napaisip si Rico kung bakit parang awkward itong pakinggan. Mukhang nasayang yata ang oras na ginugol niya kagabi sa paghahanap online ng "paano ma-impress ang biyenan."Pinipigilan naman ni Ella ang mapatawa. Ngayon lang niya nakita si Rico na kinakabahan. Samantalang sa opisina, kalmado at maa
Tinitigan ni Ella ang malamig ngunit kalmadong mga mata ni Rico. Alam niyang hindi ito naaakit sa kanya—sigurado siyang isa na naman ito sa mga pang-aasar nito.Kaya’t hindi siya maaaring magpatalo. Kailangan niyang makaganti, kahit na sa maliliit na paraan lamang. "Ang utak mo, puro kalokohan. Napagod lang ako, okay? Gusto ko lang umupo nang sandali," sagot ni Ella, pilit pinapanatili ang kanyang composure.Mabagal siyang bumaba mula sa mesa, kunwaring kalmado, at kunwari'y maglalakad palabas ng opisina.Napatawa naman si Rico. Ang kanyang tawa ay mababa at bahagyang paos, may halo pang init na tila nang-aakit. "Uminom ka muna ng gamot bago ka umalis," aniya.Huminto si Ella sa paghakbang. Tila bumalot ang lamig sa kanyang likuran. Napabuntong-hininga siya at naupo sa mesa malapit sa French window. Binuksan niya ang takip ng water tumbler ni Rico, kinuha ang baso, at siya na mismo ang nagsalin ng tubig.Paglingon niya, napansin niya ang bukas na kendinsa lamesa. Sanay na siya sa rout
“Wala akong sinabing ganyan,” sabi ni Ella habang umiinom ng gatas. Napalibutan ng manipis na puting linya ang kanyang mga labi, at hindi sinasadyang dinilaan niya ito. Nagdilim ang mga mata ni Rico habang lihim siyang napalunok. Uminom siya ng kape, sabay kuha ng pahayagan, at nagkunwaring nagbabasa muli, ngunit wala ni isang salita ang pumasok sa isip niya. Pagkatapos ng almusal, sabay silang lumabas ng bahay upang pumasok sa trabaho. Habang sinusundan ni Ella si Rico papunta sa underground garage, natigilan siya sa harap ng garahe at napako sa kanyang kinatatayuan. Sino ang makakapagsabi kung bakit isang kotse na lang ang natira sa garahe? At masaklap pa, ito ang huling sasakyang nais niyang sakyan. “Nasaan ang mga kotse?” tanong ni Ella habang mabilis na tumingin-tingin sa paligid. Ang umaasa niyang tingin ay biglang nadurog nang mapagtantong wala na ang ibang sasakyan. Binuksan ni Rico ang passenger door ng natitirang kotse at may mapanuksong ngiti sa mga labi. “Pinadala ko