SEBASTIAN Isang buwan na ang matulin na lumipas simula nang pumunta ang mommy ni Seb sa condo unit niya at nalaman ang tungkol sa kanila ni Sandra. Muli na naman sumagi sa isip niya ang mga binitawang salita noon ng mommy niya. Kung bakit hindi sila sumubok na pagpatingin ni Abi sa ibang doctor. Sumandal siya sa sandalan ng swivel chair, hinilot-hilot niya ang ulo niyang sumasakit. Ilang araw din na hindi pumapasok sa trabaho ang PA niyang si Rowan. Nagpaalam ito sa kanya na liliban muna sa trabaho at may sakit ang nanay nito. Kaya ngayon walang nag-aayos ng mga schedule niya. Nakaraan may investor siya na hindi niya napuntahan kaya ag ending nagback out ito sa planong pag-iinvest sa kumpanya niya. Pati sa mga check up ni Sandra ay hindi niya ito nasasamahan. Mabuti na lang at hindi nagtatampo sa kanya nag babae at okay lang rito kahit na hindi siya kasama. Nasa kalaliman siya ng pag-iisip nang biglang mag tumunog ang cellphone niya, dahilan para mapukaw siya mula sa malalim
SEBASTIAN "Rowan?" aniya sa pangalan ng PA. "Yes, sir?" anito. "Sinabi mo sa akin dati na may kapatid kang magaling na private investigator, tama?" tanong niya kay Rowan nang maalala ang sinabi nito noon tungkol sa kapatid. "Yes, tama po kayo," sagot ni Rowan. "Pwede mo bang tawagan ang kapatid mo para sa akin? Gusto ko siyang makausap ngayon din," pakisuyo niya rito pero naroon ang may awtoridad na boses. "Okay, sir, right away," mabilis na sagot ni Rowan. Saglit lang na tinawagan ni Rowan ang kapatid at ilang sandali lang ay dumating na ito sa mismong opisina ni Seb. "Gusto ko na imbestigahan mo ang mga taong 'to?" wika ni Seb at inilapag sa harapan ng PI ang mga larawan na dinala kanina ni Rowan na binigay sa kanya. "Gusto ko sa simulan mo ang pag iimbestiga sa doctora na yan. Malakas ang kutob ko na may tinatago sila sa akin," sambit niya na hindi inaalis ang tingin sa larawan ng doctora. "Makakaasa ka, sir," tugon ng PI. KANINA pa paikot-ikot si Seb sa loob
SEBASTIAN "Mr. Sebastian Ashford, patawarin mo ako sa nagawa ko. Napilitan lang akong gawin na palabasin na baog ang asawa niyo dahil sa utos sa akin ni Johnson Ashford. Pinagbantaan niya ang buhay ko na papatayin ako pati na anag pamilya ko kapag hindi ako sumunod sa gusto niya. Kaya niya ako binayran ng malaking halaga," kwento ng doctora sa isang recorded video na ginawa ng PI niya. Salubong na ang kilay ni Seb at hindi na maipinta ang mukha niya sa sobrang galit habang pinapanood ang video ng doctora sa ginawa nitong pag-amin. Nakakuyom ng mahigpit ang kamao niya sa labis na galit. Tama nga si Rowan na magaling ang kapatid nito sa ganitong bagay. Isang patunay ngayon ang ginawa nitong mapaamin si Dra. Mendez sa nagawa nitong kasalanan. "At sa'yo naman Sandra. Hindi ka naman totoong buntis. Tinakot niyo lang din ako ni Johnson at dinadamay niyo ang pamilya ko. Kaya wala akong magawa kundi ang magsinungaling at tanggapin ang bayad niyo kahit labag ito sa aking sinumpaang propesy
SEBASTIAN Nagising ang diwa ni Seb nang makarinig siya ng boses na ng mga taong nag-uusap. Pinakiramdaman niya ang sarili at nakaramdam siya ng kirot sa kanyang ulo. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at una niyang nakita ang puting kisame. Nakahiga siya sa kama at nakasuot ng pang hospital dress. Nilibot niya ang paningin at nakita niya ang mommy niya malapit sa pintuan at kausap ang isang doctor. Pero maya-maya lang ay umalis din ito. "Hayop ka Johnson! Magbabayad ka!" naikuyom niya ang kamao sa matinding galit. "Seb, anak! Thank God at gising ka na," narinig niyang wika ng mommy niya habang papalapit sa kanya. "Mom." "Ano ba talaga ang nangyari anak? Mabuti na lang at nakita ka ng isa sa mga staff natin sa condo," wika ng mommy niya na bakas sa mukha ang pag-aalala. Nakuyom ni Seb ang kamao at sinimulang ikuwento sa ina ang totoong nangyari kung bakit siya ngayon nasa hospital. Sobrang sakit ng ulo niya sa ginawang pagpukpok sa kanya ni Sandra dahilan para du
ABIGAIL Five years later... Go, go, go, tito daddy! Habulin mo kami," malalakas sa sigaw ng kambal habang tumatakbo ang mga ito sa malawak na bakuran sa harapan ng kanilang bahay. Pansin niyang pawisan na si Harry sa pakikipaglaro sa kambal. Panay na kasi ang punas nito sa noo, pero nakangiti pa rin na hinahabol ang mga anak niya. Makukulit talaga ang kambal. Yes, kambal ang anak niya. Lalaki at babae. Si Shane at si Sofia. Si Gavin naman ay six years old na. Nag-aaral na rin ang panganay niya. "Huli kayo!" sigaw ni Harry na parang bata habang yakap-yakap nito si Sofie at Shane. Napapatili naman ang kambal nang sinimulan itong kilitiin ni Harry. Napapatawa na lamang siya habang pinagmamasdan ang mga ito. Araw ng linggo ngayon kaya wala siyang pasok sa trabaho. Parehong pinaghahalikan ni Harry ang namumulang pisngi ng kambal pati na ang leeg ng mga ito. "Hmmn, ang bango amoy pawis. Asim kilig," komento ni Harry at umaktong nangangasim pa ang mukha. "Kahit amoy pawis
Flashback ABIGAIL Pagdating nila ni Abi sa bahay nina Lyca ay agad silang sinalubong ng ina nitong si Nanay Berta. Nakaabang na agad ang ginang sa bakuran at inaabangan sila. Malapad ang ngiti nito nang masilayan silang muli. Matapos yakapin ni Nay Berta ang anak nitong si Lyca ay siya naman ang binalingan nito. "Jusko, Abi. Ikaw na ba ito anak? Parang hindi tuloy kita nakilala. Ang ganda-ganda mong bata ka," komento ni Nay Berta at niyakap siya nang mahigpit. Gumanti rin siya ng yakap sa ginang at nagkaiyakan pa dahil pareho nilang na miss ang isa't-isa. Si Nay Berta lang naman kasi ang tumayong ina sa kanya nang maulila siya sa magulang. Itong pamilya ng kaibigan niya ang naging sandalan niya noong mga panahong lugmok na lugmok siya. At ngayon ang pamilya na naman itong muli ang magiging sandalan sa pangalawang pagkakataon. Kumalas sila sa yakap sa isa't-isa ni Aling Berta at niyaya sila nitong pumasok sa loib ng bahay. "Ito na ba ang anak mo, Abi? Kay gwapong bata naman nit
FLASHBACK ABIGAIL Kinabukasan ay maagang nagising si Abi para tumulong kay Aling Berta sa pagluluto nang umagahan. Kasalukuyan na silang naghahanda ng almusal nang humahangos na tumakbo papasok sa loob ng bahay si Lea. "Nay, iyong bisita nyo po kahapon na mayamang babae nasa labas po ang sasakyan kakaparada lang po," mabilis na salita ni Lea. Bigla naman binundol ng kaba ang puso ni Abi lalo pa at siya ang pakay ng sinasabi ni Aling Berta na babaeng mayaman. Ang bilis ng tibok ng puso niya sa hindi niya malamang dahilan. Paano kung ang mother in law niya pala ito? At paano kung malaman nito ang tungkol sa pagbubuntis niya? Pakikinggan kaya siya nito o kakampi ito kay sa anak nitong si Seb at kay Sandra? "Sino kaya ang naghahanap sa'yo beshie?" ani Lyca na kalalabas lang ng kwarto buhat-buhat si baby Gav. "Ate, pahiram kay baby Gav," ani Lea at kinuha ang anak niya. "Oh, Abi, anak, nandiyaan na pala ang naghahanap sa iyo kahapon. Halika at haharapin natin sila," ani Nay
SEBASTIAN Nakaalis na sa opisina ni Seb ang dalawa niyang kaibigan pero siya nanatiling tulala. Pinuntahan siya ng dalawa para lang kulitin na ayain mamaya para mag inuman dahil birthday ni Nikko. Tumango lang siya kanina sa kaibigan niya para hindi na mangulit pa ang mga ito. Pero ang totoo wala siyang plano na pumunta at mag celebrate kasama ang mga ito. Matagal na niyang tinanggal sa sistema niya ang alak. At ilang birthday na ba ng mga kaibigan niya ang pinalampas niya. Para sa kanya wala siyang karapatan na magsaya sa mundong to. Dapat lang sa kanya ay magdusa, dahil kulang pa ito sa lahat ng ginawa niya kay Abi. Sa loob ng limang taon ay binuhos ni Seb ang buong oras niya sa pagtatrabaho sa kumpanya. Halos tatlong taon din nalubog sa utang ang kumpanya niya bago ito nakaahong muli. Nalubog ito sa utang dahil sa ginawang pagnanakaw ni Johnson, na hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ng mga pulis. At lalo itong nalubog noong napabayaan niya dahil sa pagkalugmok niya at pagiging
Tatlong buwan ang mabilis na lumipas at ngayon apat na buwan ng buntis si Abi. Matapos ang nangyari noon ay naging maayos na ulit ang buhay nila. Wala na si Sandra, patay na ang babae. Namatay ito na wala man lang pagsisisi sa lahat ng kasamaang ginawa nito. Ngayon malaya na sila, wala nang nangugulo sa kanila, wala nang banta sa buhay nila. Pati mga anak nila ay ligtas na sa kapahakan. Mula sa kusina kung saan tanaw ang pool area ay masayang pinagmamasdan ni Abi ang mag-aama niya habang naliligo sa pool. Puno ng tawanan at asaran ang mga ito. Kawawa nga lang ang nag-iisa nilang prinsesa na si Sofie na lagi na lang napagtitripan na asarin ng dalawa nitong kuya. Kaya maya-maya naiiyak na lang ito bigla lalo na kapag ang kakambal nito ang nang-aasar. "Ang saya-saya nila no?" Dinig niyang boses mula sa likod niya kaya napalingon siya rito, saka niya nakita ang maaliwalas at masayang mukha ng biyenan niyang babae. Naririto kasi sila ngayon sa kusina at tinutulungan siyang maghan
After two days ay nakalabas na ng hospital si Seb. Hindi pa man masyadong magaling ang sugat nito pero mas pinili nito na sa mansion na lang magpapagaling. Dalawa ang tama ng bala sa katawan nito. Isa sa tagiliran at isa sa kaliwang balikat. Pero thanks God dahil maayos na ang lalaki. Hanggang sa mabilis na lumipas ang mga araw at tuluyan na nga itong gumaling at balik trabaho na. Pati siya ay ganun din, dahil katwiran niya mabo-bored lang siya sa bahay lalo pa at nasa man araw-araw ang mga bata. Busy silang dalawa ni Lanie sa pagpi-print ng mga documents na kakailanganin mamaya ni Seb para sa meeting nito sa board room nang biglang bumukas ang pinto. Pag-angat niya ng tingin ay nakita na si Nikko ang pumasok mula roon kasama ang fiancée nito na si Alex. "Hey dude! "Hi, Abi." Bati ni Nikko na malawak ang pagkakangiti ng lalaki. "Yes, dude, napadalaw ka?" ani Seb. Huminga muna nang malalim si Nikko bago ito nagsalita. Pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang pasimple ni
"Seb! No! No! No! Please wake up, love. Wake up, please.... " hagulhol ni Abi at pilit na ginigising si Seb na wala ng buhay. "Abi...Abi... gising bess, binabangungot ka 'ata," wika ni Lyca at pilit na ginigising nang paulit-ulit ang kaibigan niya. Kanina pa kasi niya napapansin na pabalinh-baling ang ulo nito sa kama habang nakapikit ang mga mata. "Beshie, gising na. Hindi maganda 'yang panaginip mo," muli pang saad ni Lyca at pilit na ginigising ang kaibigan. ******** Napdilat naman ng mga mata si Abi nang maramdaman niyang paulit-ulit na may yumuyugyog sa braso niya at pilit siyang ginigising. Bago niya tuluyang imulat ang mga mata narinig pa niya ang boses ng kaibigan niya. "Beshie, gising na. Hindi maganda 'yang panaginip mo," klarong dinig niya sa mga salita. Bumungad sa paningin niya si Lyca na nakatunghay sa kanya at nakangiti. Saka siya napatingin sa sarili niya. Doon niya napansin na nakahiga siya sa hospital bed. "Beshie, si Seb? Wala na si Seb," aniya at napah
"Lord, please save my husband. Huwag niyo po siyang pabayaan, please...." mahigpit na dasal ni Abi, habang hawak nang mahigpit ang kamay ni Seb sa loob ng ambulansya. "Paki-bilisan please!" paki-usap niya sa driver ng ambulance. Mabilis naman na humarurot ang sasakyan patungo sa hospital. Ni hindi na magawang tignan kanina ni Abi si Harry na may tama rin ng bala ng baril. Pero alam niyang naisakay na rin ito sa ambulance at nakasunod lamang sa kanila. Halos panawan siya ng ulirat habang pinagmamasdan si Seb na basang-basa na ng dugo ang suot na damit ng asawa niya. Pagdating sa hospital ay agad na sumalubong ang mga nurses at ilang doctor sa kanila ni Abi. Walang sinayang na sandali at mabilis na dinala si Seb sa emergency room sakay sa strecher. Naiwan naman sa labas ng ER si Abi na umiiyak. Halos hindi na naubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak. Sobrang nag-aalala siya para sa kaligtasan ni Seb. Lalo pa at napakaraming dugo ang nawala rito. "Abi, I'm sorry," wika n
"Seb?" "Abi?" Bumuhos ang luha ni Abi nang makita niya ang asawa na dumating para iligtas sila. Mabilis siyang nilapitan ng asawa niya at niyakap nang mahigpit, saka ito nagmamadaling kinalas ang tali sa kamay niya at sa paa. Sunod naman na binalingan ni Seb si Lyca at tinulungan ang babae. "Let's go. Huwag kayong humiwalay sa akin. Sumunod lang kayo sa likod ko, okay?" anito at tumango naman silang dalawa ni Lyca. Patuloy na maririnig ang malalakas na putok ng baril sa pagitan ng mga tauhan ni Seb at ni Sandra. Pero halos maubos na ang mga tauhan ni Sandra dahil kokonti na lang ang mga ito. Idagdag pa na dumating din ang ilang kapulisan para tumulong. "Seb, dito!" sigaw ng isang lalaki na at kumaway sa kanila. Pagtingin niya rito ay nakita niyang si Harry ang sumigaw at kumakaway sa kanila. May hawak din itong baril at nakikipagbarilan sa mga tauhan ni Sandra, habang nakakubli sa sasakyan. Palabas na sila ng abandonadong building at kung kailan malapit na sila kay Ha
Hindi alam ni Abi kung anong oras na ba at hindi siya dinadalaw ng antok. Hindi naman sila makapag-usap ni Lyca dahil parehong may busal ng panyo ang mga bibig nila. Naaawa siya sa kaibigan niya. Pati ito nadamay pa sa paghihiganti ni Sandra na walang basehan. Nababaliw na talaga ang babaeng 'yon! Napatingin si Abi nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki na nagtatawanan. May dalang pagkain ang dalawa at ang isa naman ay tubig. Bigla tuloy siyang nauhaw. Kanina pa nanunuyo ang lalamunan niya. Pero wala naman siyang plano na kumain kahit oa nagugutom na siya. Inilagay ng dalawang lalaki ang pagkain sa harap nila ni Lyca. Kung kanina sa upuan sila itinali habang nakaupo, ngayon naman ay sa lapag na. Matapos ilapag ang pagkain ay lumapit ang mga ito sa likod nila at tinanggal ang panyo sa bibig nila. "Kumain na kayo mga miss. Bilin ni madam na pakain raw muna kayo," wika ng isang lalaki na pangit ang mukha. "Tama, kumain daw muna kayo bago niyo salu
"Easy, Mr. Ashford, hindi ko pa papatayin ang asawa mo," rinig niyang sabi ni Sandra sa kausap nito. Alam niyang si Seb ang nasa kabilang linya na kausap ng impostor na babae, kaya bigla siyang nabuhayan ng loob. "Huwag mong sasaktan ang asawa ko, Sandra. Sabihin mo kung ano ang kailangan mo, ibibigay ko," rinig niyang wika ni Seb sa kabilang linya dahil naka loudspeaker ang tawag. "Wala akong kailangan! Ang kailangan ko ay patayin ang babaeng pinakamamahal mo! Kaya kung ako sa 'yo Seb magpaalam ka na sa asawa mo!" galit na sabi ni Sandra saka pinatay ang tawag. "Sandra! No!" narinig pa niyang sigaw ni Seb sa kabilang linya. Malawak na ngumisi ang babae matapos patayin ang tawag. Umayos ito ng tayo at isinuksok nito ang hawak na baril sa likuran habang hindi inaalis ang masamang tingin sa kanya. Pagkatapos ay tinanggal nito ang prosthetics sa mukha. Kaya ngayon kitang-kita na niya ang totoong Sandra dahil wala na ang pagiging impostor nito na kinopya ang mukha ng kaibig
Nagising si Abi dahil sa pangangalay ng ulo niya. At ganun na lang ang pagtataka niya nang mapansin na wala na siya sa sasakyan kundi nasa isang abandonadong building. Madilim sa paligid at wala siyang ibang nakikita. Sinubukan niyang tumayo mula sa kinauupuang upuan, ngunit nagulantang siya nang maramdaman na nakatali ang mga paa niya, at ganun din ang mga kamay niya. Biglang binundol ng kaba ang dibdib ni Abi. Si Lyca? Tama, si Lyca ang kasama niya kanina, pero hindi niya alam kung nasaan na ang kaibigan niya. Jusko sino naman ang may gawa nito! Sinubukan niyang sumigaw para sana tawagin ang kaibigan niya pero hindi niya magawa, dahil may takip ang bibig niya. Muling inalala ni Abi ang nangyare kanina habang nasa byahe sila. Ang kakaibang kilos ng kaibigan niya kanina na pilit niyang winawaksi sa isipan. Ang kakaibang ngiti nito kanina sa kanya bago siya mawalan ng malay tao. Naalala rin niya ang bottled water na pinainom sa kanya kanina ni Lyca. Jusko! Huwag naman sana tam
Akmang tatawagan na sana ni Abi si Seb para magpaalam nang pigilan siya ni Lyca, kaya naman hindi na niya ito itinuloy pa. "Naku, besh baka nasa meeting pa ang asawa mo. Huwag mo na muna siyang isturbuhin. And besides ako naman ang kasama mo, kaya no worries," sabi ni Lyca. Napatango na lamang si Abi at sabay na silang sumakay sa kotse na dala ni Lyca, saka nilisan ang Ashford Corp. "So besh, kamusta naman sila Tita at Lea? Namimiss ko na rin sila," tanong niya sa kaibigan. "Okay naman sila, besh. Maayos naman sila at namimiss ka na rin nila pati na ang mga bata," sagot nito pero nanatiling nakatuon ang paningin sa kalsada. "Pakisabi sa kanila besh, na after kong manganak sa anak namin ni Seb ay uuwe kami roon sa mindoro para magbakasyon. Para na rin makadalaw kami at makapamasyal ang mga bata," nakangiting wika niya na tila excited na sa naisip na plano. "Tama ba ang narinig ko? You're pregnant?" gulat na tanong nito. Binagalan pa nito ang pagmamaneho saka siya sinul