Flashback po ito ni Abi. Ito po nangyari noong time na umalis sila ni baby Gav.
FLASHBACK ABIGAIL Kinabukasan ay maagang nagising si Abi para tumulong kay Aling Berta sa pagluluto nang umagahan. Kasalukuyan na silang naghahanda ng almusal nang humahangos na tumakbo papasok sa loob ng bahay si Lea. "Nay, iyong bisita nyo po kahapon na mayamang babae nasa labas po ang sasakyan kakaparada lang po," mabilis na salita ni Lea. Bigla naman binundol ng kaba ang puso ni Abi lalo pa at siya ang pakay ng sinasabi ni Aling Berta na babaeng mayaman. Ang bilis ng tibok ng puso niya sa hindi niya malamang dahilan. Paano kung ang mother in law niya pala ito? At paano kung malaman nito ang tungkol sa pagbubuntis niya? Pakikinggan kaya siya nito o kakampi ito kay sa anak nitong si Seb at kay Sandra? "Sino kaya ang naghahanap sa'yo beshie?" ani Lyca na kalalabas lang ng kwarto buhat-buhat si baby Gav. "Ate, pahiram kay baby Gav," ani Lea at kinuha ang anak niya. "Oh, Abi, anak, nandiyaan na pala ang naghahanap sa iyo kahapon. Halika at haharapin natin sila," ani Nay
SEBASTIAN Nakaalis na sa opisina ni Seb ang dalawa niyang kaibigan pero siya nanatiling tulala. Pinuntahan siya ng dalawa para lang kulitin na ayain mamaya para mag inuman dahil birthday ni Nikko. Tumango lang siya kanina sa kaibigan niya para hindi na mangulit pa ang mga ito. Pero ang totoo wala siyang plano na pumunta at mag celebrate kasama ang mga ito. Matagal na niyang tinanggal sa sistema niya ang alak. At ilang birthday na ba ng mga kaibigan niya ang pinalampas niya. Para sa kanya wala siyang karapatan na magsaya sa mundong to. Dapat lang sa kanya ay magdusa, dahil kulang pa ito sa lahat ng ginawa niya kay Abi. Sa loob ng limang taon ay binuhos ni Seb ang buong oras niya sa pagtatrabaho sa kumpanya. Halos tatlong taon din nalubog sa utang ang kumpanya niya bago ito nakaahong muli. Nalubog ito sa utang dahil sa ginawang pagnanakaw ni Johnson, na hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ng mga pulis. At lalo itong nalubog noong napabayaan niya dahil sa pagkalugmok niya at pagiging
THIRD PERSON'S Napaangat ang tingin ni Seb nang may kumakatok sa pintuan ng kanyang opisina. Bumukas iyon at pumasok ang kanyang PA. "Excuse me Sir. But, let me remind you again sa meeting ninyo tomorrow with the new investor na taga mindoro. Naihanda ko na po ang mga kakailanganing papers, sir," wika ng PA niyang si Rowan. Napabuntong-hininga si Seb. Muntik na niyang makalimutan na aalis pala siya bukas para tumungo sa mindoro. Akala niya kasi rito sa manila makikipagkita sa kanya ang bagong investor sa kompanya pero nagbago pala iyon. Dahil ayon sa bagong impormasyong nakuha kahapon ng PA niya ay hindi raw makakaluwas ng maynila si Mr. Victorino, dahil kakapanganak lang ng asawa nito. Tamang-tama na rin naman at meron pa siyang ibang ka meeting din doon. "Okay, Rowan. Ihanda mo ang private jet para sa pagpunta natin bukas sa mindoro. Mag book ka na rin ng hotel kung saan tayo pwedeng mag stay habang nandoon tayo, at hindi lang si Mr. Victorino ang ka business meeting ko. Sa
ABIGAIL "Abi, relax, calm down, okay?" pagpapakalma ni Harry kay Abi. Halos magkandapa-dapa na kasi sa pagtakbo si Abi palabas ng hotel para marating lang agad ang kinaroroonan ng kotse niya. Hindi siya pwedeng mag relax lang knowing na kakatawag lang ni Yaya Mely na nawawala sa mall ang anak niyang si Sofie at hindi pa nakikita. "Paano ako magre-relax, Harry kung nawawala ang isang kambal," nanginginig na wika niya sa pinsan. "Yeah, I know. I understand, I'm sorry. But nandoon na rin si mommy ngayon para kausapin ang store manager at ang mall's security team. At para mapabilis na mahanap si Sofie," anito. Mabilis na pinaharurot ni Harry ang sasakyan patungo sa isang sikat na mall kung saan doon nawawala ang anak niya. Pinayagan kasi niya kanina ang mga anak na pwede itong mamasyal sa mall kasama ang dalawang yaya ng mga ito. Tiwala naman siya sa yaya ng mga anak pero hindi niya inaasahan na mawawala si Sofie. Napakalikot din kasi ng batang iyon. Biglang nag ring ang cp ni Har
THIRD PERSON'S Kasalukuyan ngayong kausap ni Seb ang business investors na si Mr. Victorino sa cafe sa loob ng hotel. "Thank you, Mr. Victorino sa pagtitiwala at pag-invest mo sa Ashford Corp.," ani Seb at nakipag- kamay sa ka meeting na negosyante. "Thank you too, Mr. Ashford. I'm looking forward to our good partnership in business," ani Mr. Victorino at inabot ang pakikipag-kamay niya. Paalis na sana si Seb sa cafe nang makarinig siya ng pamilyar na boses ng babae sa kanilang likuran. "Abi?" sambit ni Seb sa pangalan ng asawa niya. Walang alilangan na lumingon si Seb at ganun na lang pagkatulala niya nang makita nga ng dalawang mata niya si Abi. Gaya niya ay nagulat rin ito nang magtama ang paningin nila. "Beshie, I think I need to go. Mag-usap na lang tayo ulit mamaya," dinig ni Seb na wika ni Abi sa kaibigan nitong si Lyca. May pagmamadali rin sa kilos nito na agad tumalikod para lumabas ng cafe. "Abi, sandali," habol ni Seb sa asawa pero hindi lumingon sa gawi niya si Ab
ABIGAIL Imbes na bumalik si Abi sa opisina niya sa hotel ay pinili na lang nila na umuwe. Nawalan na siya ng gana ngayong araw. Pasalamat na lang siya at hindi na nagkaroon nang maraming tanong kanina ang anak niyang si Sofie. Bakit pa muling pinagtagpo ang mga landas nila ng dati niyang asawa. Gusto pala nitong makita ang mga anak nila, bakit ngayon lang ito nagpakita ng interes? Bakit ngayon lang ito naghanap? O, kung naghanap nga bang talaga. Ano ang plano nito ngayong nakita na nito ang anak na si Sofie? Guguluhin ba nito ang buhay nila ng mga anak niya? Plano ba nitong kunin sa kanya ang mga bata? Of course, no. Hindi siya, makakapayag na mangyari iyon. At ano si Sandra na hindi magandang ehemplo ang magiging step mom ng mga anak niya? No way! Over her dead body! "Abi, I'm sorry kung nasabi ko iyon kay Seb kanina. Nagawa ko lang iyon, dahil alam kung hindi ka pa handa na makausap siya," wika ni Harry. Nasa may garden siya at sinundan siya ng pinsan niya. "It's okay, I u
ABIGAIL Kasalukuyang nasa opisina ngayon si Abi nang biglang pumasok ang kaibigan niyang si Lyca. "Beshie, nabalitaan mo na ba?" bungad ni Lyca pagkapasok nito sa opisina niya. "Nabalitaan ang?" "Si Seb. Naaksidente si Seb kagabi besh. Kanina ko lang din napanood sa balita," saad ni Lyca. Natigilan si Abi sa sinabi ni Lyca. Kaya pala iba ang pakiramdam niya kagabi. Kahit naman na malaki ang nagawang kasalanan sa kanya ng dating asawa ay hindi naman niya hiniling na may mangyari masama rito. Naging asawa pa rin naman niya si Seb. Naging mabuti naman ito noong nagsasama pa sila. Iyon nga lang naging marupok ang lalaki at iniwan siya. Natapos ang araw ni Abi sa opisina na hindi siya naka focus sa ginagawa niya, kaya maaga siyang umuwe. Lumilipad ang isip niya. Tinatawagan niya rin si Harry kung alam na ba nito ang nangyari sa kaibigan nito pero hindi ito sumasagot sa tawag niya. "Harry," salubong ni Abi nang makitang dumating ito sa mansion. "Seb is in the ICU. He is in c
THIRD PERSON Nakapag desisyon na si Abi. Alang-alang sa pakiusap ng mommy ni Seb, kaya pupuntahan niya ang dating asawa. Gabi pa lang ay nagsimula ng mag-ayos si Abi ng konting gamit niya. Siya lang ang pupunta sa manila bukas at iiwanan muna niya ang tatlong bata kay tita Lanie niya at kay Lyca. Nandito rin naman ang mga yaya ng bata. Doon na muna siya sa tutuloy sa penthouse ng pinsan niyang si Harry na ngayon kasama niya rin luluwas ng manila. KINABUKASAN ay sakay ng chopper si Abi na si Harry mismo ang piloto. Lumapag ang private chopper nito sa rooftop helipad ng hotel na pagmamay-ari rin ni Harry. Pagdating sa penthouse ay hindi na sila nagpahinga pa, dumeretso na sila sa hospital kung nasaan naka confine si Seb ngayon. Nanginginig ang kamay ni Abi habang papalapit sila sa ICU room kung saan naroon si Seb. Mabilis niyang isinuot ang ang lab gown, gloves, at mask na ibinigay sa kanila ng nurse. Ganun din si Harry. Pagpasok nila sa loob ng ICU room ay agad na luming
Tatlong buwan ang mabilis na lumipas at ngayon apat na buwan ng buntis si Abi. Matapos ang nangyari noon ay naging maayos na ulit ang buhay nila. Wala na si Sandra, patay na ang babae. Namatay ito na wala man lang pagsisisi sa lahat ng kasamaang ginawa nito. Ngayon malaya na sila, wala nang nangugulo sa kanila, wala nang banta sa buhay nila. Pati mga anak nila ay ligtas na sa kapahakan. Mula sa kusina kung saan tanaw ang pool area ay masayang pinagmamasdan ni Abi ang mag-aama niya habang naliligo sa pool. Puno ng tawanan at asaran ang mga ito. Kawawa nga lang ang nag-iisa nilang prinsesa na si Sofie na lagi na lang napagtitripan na asarin ng dalawa nitong kuya. Kaya maya-maya naiiyak na lang ito bigla lalo na kapag ang kakambal nito ang nang-aasar. "Ang saya-saya nila no?" Dinig niyang boses mula sa likod niya kaya napalingon siya rito, saka niya nakita ang maaliwalas at masayang mukha ng biyenan niyang babae. Naririto kasi sila ngayon sa kusina at tinutulungan siyang maghan
After two days ay nakalabas na ng hospital si Seb. Hindi pa man masyadong magaling ang sugat nito pero mas pinili nito na sa mansion na lang magpapagaling. Dalawa ang tama ng bala sa katawan nito. Isa sa tagiliran at isa sa kaliwang balikat. Pero thanks God dahil maayos na ang lalaki. Hanggang sa mabilis na lumipas ang mga araw at tuluyan na nga itong gumaling at balik trabaho na. Pati siya ay ganun din, dahil katwiran niya mabo-bored lang siya sa bahay lalo pa at nasa man araw-araw ang mga bata. Busy silang dalawa ni Lanie sa pagpi-print ng mga documents na kakailanganin mamaya ni Seb para sa meeting nito sa board room nang biglang bumukas ang pinto. Pag-angat niya ng tingin ay nakita na si Nikko ang pumasok mula roon kasama ang fiancée nito na si Alex. "Hey dude! "Hi, Abi." Bati ni Nikko na malawak ang pagkakangiti ng lalaki. "Yes, dude, napadalaw ka?" ani Seb. Huminga muna nang malalim si Nikko bago ito nagsalita. Pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang pasimple ni
"Seb! No! No! No! Please wake up, love. Wake up, please.... " hagulhol ni Abi at pilit na ginigising si Seb na wala ng buhay. "Abi...Abi... gising bess, binabangungot ka 'ata," wika ni Lyca at pilit na ginigising nang paulit-ulit ang kaibigan niya. Kanina pa kasi niya napapansin na pabalinh-baling ang ulo nito sa kama habang nakapikit ang mga mata. "Beshie, gising na. Hindi maganda 'yang panaginip mo," muli pang saad ni Lyca at pilit na ginigising ang kaibigan. ******** Napdilat naman ng mga mata si Abi nang maramdaman niyang paulit-ulit na may yumuyugyog sa braso niya at pilit siyang ginigising. Bago niya tuluyang imulat ang mga mata narinig pa niya ang boses ng kaibigan niya. "Beshie, gising na. Hindi maganda 'yang panaginip mo," klarong dinig niya sa mga salita. Bumungad sa paningin niya si Lyca na nakatunghay sa kanya at nakangiti. Saka siya napatingin sa sarili niya. Doon niya napansin na nakahiga siya sa hospital bed. "Beshie, si Seb? Wala na si Seb," aniya at napah
"Lord, please save my husband. Huwag niyo po siyang pabayaan, please...." mahigpit na dasal ni Abi, habang hawak nang mahigpit ang kamay ni Seb sa loob ng ambulansya. "Paki-bilisan please!" paki-usap niya sa driver ng ambulance. Mabilis naman na humarurot ang sasakyan patungo sa hospital. Ni hindi na magawang tignan kanina ni Abi si Harry na may tama rin ng bala ng baril. Pero alam niyang naisakay na rin ito sa ambulance at nakasunod lamang sa kanila. Halos panawan siya ng ulirat habang pinagmamasdan si Seb na basang-basa na ng dugo ang suot na damit ng asawa niya. Pagdating sa hospital ay agad na sumalubong ang mga nurses at ilang doctor sa kanila ni Abi. Walang sinayang na sandali at mabilis na dinala si Seb sa emergency room sakay sa strecher. Naiwan naman sa labas ng ER si Abi na umiiyak. Halos hindi na naubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak. Sobrang nag-aalala siya para sa kaligtasan ni Seb. Lalo pa at napakaraming dugo ang nawala rito. "Abi, I'm sorry," wika n
"Seb?" "Abi?" Bumuhos ang luha ni Abi nang makita niya ang asawa na dumating para iligtas sila. Mabilis siyang nilapitan ng asawa niya at niyakap nang mahigpit, saka ito nagmamadaling kinalas ang tali sa kamay niya at sa paa. Sunod naman na binalingan ni Seb si Lyca at tinulungan ang babae. "Let's go. Huwag kayong humiwalay sa akin. Sumunod lang kayo sa likod ko, okay?" anito at tumango naman silang dalawa ni Lyca. Patuloy na maririnig ang malalakas na putok ng baril sa pagitan ng mga tauhan ni Seb at ni Sandra. Pero halos maubos na ang mga tauhan ni Sandra dahil kokonti na lang ang mga ito. Idagdag pa na dumating din ang ilang kapulisan para tumulong. "Seb, dito!" sigaw ng isang lalaki na at kumaway sa kanila. Pagtingin niya rito ay nakita niyang si Harry ang sumigaw at kumakaway sa kanila. May hawak din itong baril at nakikipagbarilan sa mga tauhan ni Sandra, habang nakakubli sa sasakyan. Palabas na sila ng abandonadong building at kung kailan malapit na sila kay Ha
Hindi alam ni Abi kung anong oras na ba at hindi siya dinadalaw ng antok. Hindi naman sila makapag-usap ni Lyca dahil parehong may busal ng panyo ang mga bibig nila. Naaawa siya sa kaibigan niya. Pati ito nadamay pa sa paghihiganti ni Sandra na walang basehan. Nababaliw na talaga ang babaeng 'yon! Napatingin si Abi nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki na nagtatawanan. May dalang pagkain ang dalawa at ang isa naman ay tubig. Bigla tuloy siyang nauhaw. Kanina pa nanunuyo ang lalamunan niya. Pero wala naman siyang plano na kumain kahit oa nagugutom na siya. Inilagay ng dalawang lalaki ang pagkain sa harap nila ni Lyca. Kung kanina sa upuan sila itinali habang nakaupo, ngayon naman ay sa lapag na. Matapos ilapag ang pagkain ay lumapit ang mga ito sa likod nila at tinanggal ang panyo sa bibig nila. "Kumain na kayo mga miss. Bilin ni madam na pakain raw muna kayo," wika ng isang lalaki na pangit ang mukha. "Tama, kumain daw muna kayo bago niyo salu
"Easy, Mr. Ashford, hindi ko pa papatayin ang asawa mo," rinig niyang sabi ni Sandra sa kausap nito. Alam niyang si Seb ang nasa kabilang linya na kausap ng impostor na babae, kaya bigla siyang nabuhayan ng loob. "Huwag mong sasaktan ang asawa ko, Sandra. Sabihin mo kung ano ang kailangan mo, ibibigay ko," rinig niyang wika ni Seb sa kabilang linya dahil naka loudspeaker ang tawag. "Wala akong kailangan! Ang kailangan ko ay patayin ang babaeng pinakamamahal mo! Kaya kung ako sa 'yo Seb magpaalam ka na sa asawa mo!" galit na sabi ni Sandra saka pinatay ang tawag. "Sandra! No!" narinig pa niyang sigaw ni Seb sa kabilang linya. Malawak na ngumisi ang babae matapos patayin ang tawag. Umayos ito ng tayo at isinuksok nito ang hawak na baril sa likuran habang hindi inaalis ang masamang tingin sa kanya. Pagkatapos ay tinanggal nito ang prosthetics sa mukha. Kaya ngayon kitang-kita na niya ang totoong Sandra dahil wala na ang pagiging impostor nito na kinopya ang mukha ng kaibig
Nagising si Abi dahil sa pangangalay ng ulo niya. At ganun na lang ang pagtataka niya nang mapansin na wala na siya sa sasakyan kundi nasa isang abandonadong building. Madilim sa paligid at wala siyang ibang nakikita. Sinubukan niyang tumayo mula sa kinauupuang upuan, ngunit nagulantang siya nang maramdaman na nakatali ang mga paa niya, at ganun din ang mga kamay niya. Biglang binundol ng kaba ang dibdib ni Abi. Si Lyca? Tama, si Lyca ang kasama niya kanina, pero hindi niya alam kung nasaan na ang kaibigan niya. Jusko sino naman ang may gawa nito! Sinubukan niyang sumigaw para sana tawagin ang kaibigan niya pero hindi niya magawa, dahil may takip ang bibig niya. Muling inalala ni Abi ang nangyare kanina habang nasa byahe sila. Ang kakaibang kilos ng kaibigan niya kanina na pilit niyang winawaksi sa isipan. Ang kakaibang ngiti nito kanina sa kanya bago siya mawalan ng malay tao. Naalala rin niya ang bottled water na pinainom sa kanya kanina ni Lyca. Jusko! Huwag naman sana tam
Akmang tatawagan na sana ni Abi si Seb para magpaalam nang pigilan siya ni Lyca, kaya naman hindi na niya ito itinuloy pa. "Naku, besh baka nasa meeting pa ang asawa mo. Huwag mo na muna siyang isturbuhin. And besides ako naman ang kasama mo, kaya no worries," sabi ni Lyca. Napatango na lamang si Abi at sabay na silang sumakay sa kotse na dala ni Lyca, saka nilisan ang Ashford Corp. "So besh, kamusta naman sila Tita at Lea? Namimiss ko na rin sila," tanong niya sa kaibigan. "Okay naman sila, besh. Maayos naman sila at namimiss ka na rin nila pati na ang mga bata," sagot nito pero nanatiling nakatuon ang paningin sa kalsada. "Pakisabi sa kanila besh, na after kong manganak sa anak namin ni Seb ay uuwe kami roon sa mindoro para magbakasyon. Para na rin makadalaw kami at makapamasyal ang mga bata," nakangiting wika niya na tila excited na sa naisip na plano. "Tama ba ang narinig ko? You're pregnant?" gulat na tanong nito. Binagalan pa nito ang pagmamaneho saka siya sinul