THIRD PERSON Nakapag desisyon na si Abi. Alang-alang sa pakiusap ng mommy ni Seb, kaya pupuntahan niya ang dating asawa. Gabi pa lang ay nagsimula ng mag-ayos si Abi ng konting gamit niya. Siya lang ang pupunta sa manila bukas at iiwanan muna niya ang tatlong bata kay tita Lanie niya at kay Lyca. Nandito rin naman ang mga yaya ng bata. Doon na muna siya sa tutuloy sa penthouse ng pinsan niyang si Harry na ngayon kasama niya rin luluwas ng manila. KINABUKASAN ay sakay ng chopper si Abi na si Harry mismo ang piloto. Lumapag ang private chopper nito sa rooftop helipad ng hotel na pagmamay-ari rin ni Harry. Pagdating sa penthouse ay hindi na sila nagpahinga pa, dumeretso na sila sa hospital kung nasaan naka confine si Seb ngayon. Nanginginig ang kamay ni Abi habang papalapit sila sa ICU room kung saan naroon si Seb. Mabilis niyang isinuot ang ang lab gown, gloves, at mask na ibinigay sa kanila ng nurse. Ganun din si Harry. Pagpasok nila sa loob ng ICU room ay agad na luming
Nagtungo si Abi sa chapel sa loob ng hospital. Doon, taimtim na nagdasal sa Panginoon na sana bigyan pa ng pangalawang buhay si Seb. "Lord, please. Pagalingin nyo po si Seb para sa mga anak namin. Alam ko kung gaano na siya kasabik na makita at makilala ang mga bata. Kaya , Lord, please nakikiusap ako sa inyo para sa kaligtasan ni Seb," umiiyak na panalangin ni Abi sa harap ng altar. Pagkatapos magdasal ay pinuntahan niya ang mga biyenan na nasa labas ng operating room at naghihintay na matapos ang operasyon. Nadatnan niya ang mga ito na tulalang nakaupo sa hospital waiting chair at kagaya niya matamlay din ang mga ito. Maya-maya pa ay dumating din ang kaibigan ni Seb na si Nikko pati na ang personal assistant nitong si Rowan. Yumakap muna ito kay mommy at daddy. Nakipag fist bump din ito kay Harry at maging siya ay tinapik nito sa balikat. "Kamusta si Seb," tanong sa kanila ni Nikko kapagkuwan. "Wala pa kaming balita, dude. Hanggang ngayon hindi pa tapos ang operasyon n
Tumawag muna ng doctor si mommy para sabihin na gising na si Seb. Agad namang dumating ang doctor at nurse para icheck ang kalagayan ni Seb. "Pwede niyo ng pakainin ang pasyente pero alalay lang muna," wika ng doctor. Salamat, doc. Pagkatapos macheck ng doctor si Seb ay pinainom muna nila ito ng tubig. Naghanda naman si Abi ng mainit na soup para pakainin ang asawa niya. Tahimik lang si Seb habang kumakain, pero panaka-nakang itong tumititig sa kanya. Dahil sa gutom nito ay naubos nito ang isnag mangkok ng soup na ipinakain niya rito. "Gusto mo pa ba, Seb?" masuyong tanong niya rito. "I'm full," tipid na sagot na Seb. Kinuha ni Abi ang isang baso ng tubig at muli itong pinainom. Maya-maya ay may pumasok ulit na nurse at binigyan nito ng gamot na pampatulog si Seb. Para makapag makatulog daw ito nang maaga at makabawi ang katawan nito nang lakas. Masuyong tinitigan ni Abi ang mukha ni Seb na ngayon ay mahimbing nang natutulog. Buti na lang at hindi ito nagkaroon ng
ABIGAIL Habang nagmamaneho ng sasakyan pauwe sa penthouse ni Harry ay naisipan muna ani Abi na dumaan sa dati nilang bahay ni Seb. Pinapasok naman agad siya ng gwardiya nang makilala siya nito. Nag doorbell muna si Abi. Ayon naman sa guard ay nasa loob daw si Nay Rosa. Akmang pipindutin niya ulit ang doorbell nang bumukas ang pinto. Tulalang napatitig sa kanya si Nay Rosa. Samantalang nakangiti siya rito. "Ma'am Abi? Ikaw ba yan?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Kamust po kayo, Nay?" nangingiti niyang tanong. "Diyos ko po, ikaw nga!" bigla itong humagulhol ng iyak at niyakap siya bigla. Napaiyak din tuloy siya dahil ramdam niya ang pagka miss nito sa kanya. "Buti naman anak at bumalik ka na. Sobra kitang na miss, pati na si baby Gavin. Siguro malaki na siya ngayon," wika nito. Nandito sila ngayon sa sala at nag-uusap. "Malaki na po si Gavin Nay, nag-aaral na po siya," masayang pagbabalita niya. "Malungkot na ang bahay na ito anak, simula nang umalis kayo rit
ABIGAIL Pagdating ni Abi sa penthouse ni Harry ay kumuha muna siya ng tubig sa kusina para uminom dahil tila nanunuyo ang lalamunan niya. Namamaga na rin ang mata niya sa kakaiyak. Naaawa na nasasaktan siya para kay Seb. Ang laki ng ipinagbago nito at ramdam niya ang pagsisisi nito sa nagawang kasalanan sa kanya. Nalilito siya at naguguluhan siya sa nararamdaman. Papaupo na sana siya sa sofa nang makarinig siya ng halinghing ng isang babae. Naglakad siya palapit sa kwarto ni Harry, dahan-dahan ang bawat paghakbang na ginawa niya hanggang sa makalapit siya sa tapat ng pinto. Doon muli niyang narinig ang mga ungol sa loob ng kwarto. "Ahhh...ohhh... Harry faster..." dinig niyang ungol ng babae. Napatakip sa bibig si Abi at umalis sa tapat ng pintuan. Humakbang siya papunta sa loob ng silid na inuukupa niya, katabi ng kwarto ni Harry. Ngunit paano naman siya makakatulog nito kung may maingay sa kabilang silid na panay ang ungol. "Tsk, billionaire pero hindi ginawang sound
THIRD PERSON Kasalukuyan ngayong nasa loob ng kwarto si Seb. Sakay ng wheelchair niya ay nakatanaw siya sa glass wall kung saan makikita ang garden ng mommy niya. Tahimik lang siyang nagmamasid sa labas nang pumasok ang mommy niya sa kwarto niya. "Anak, halika ka kainin mo na itong niluto kong pagkain para makainom ka na ng gamot," malambing na wika ni mommy Palma sa anak. Tahimik naman na lumapit si Seb, tulak-tulak ng sariling wheelchair. Kumain siya konti sa porridge na niluto ng ina at pagkatapos ay uminom ng gamot. Muling bumalik ang mata niya sa glass wall at tumutok ang tingin niya sa labas. "Gusto mo bang lumabas, anak? Gusto mo bang pumunta diyan sa harden?" malambing na tanong ng mommy niya. "No, mom," tipid niyang sagot. "Iniisip mo ba si Abi? Anak magpagaling ka at hindi pa huli ang lahat. Kayang-kaya mo pang mabawi ang asawa mo," wika ng mommy niya. "Tingin mo mom, nararapat pa ba ako kay Abi? Ang laki ng kasalanan ko sa kanya at sa mga anak namin
SEBASTIAN Ilang linggo na ang lumipas simula nang malaman ni Seb ang lahat mula kay Harry ay nagkaroon ulit ng kulay ang buhay niya. Tama ang mommy at mga kaibigan niya. Nadapa man siya at nagkamali sa buhay ang importante ngayon ay bumangon siya. Importante ay natuto siya sa lahat ng nagawa niyang pagkakamali sa buhay. Ngayon pursigido na siyang gumaling at makalakad muli. Araw-araw ang therapy niya at ngayon nagkakaroon na nang lakas ang mga binti niya. Unti-unti na niya itong nagagalaw. Pasasaan ba at muli na siyang makakalakad. Dahil pursigido na siyang kunin muli ang loob ng asawa niya. Yes, asawa pa rin niya si Abi. Simula nang pirmahan ni Abi ang annulment papers nila ay hindi niya iyon itinuloy ang pag process. Tila ba may bumubulong sa kanya na huwag gawin ang bagay na iyon. Pasalamat na lang din siya na niya iyon napawalang bisa. At pasalamat din siya dahil maaga niyang nalaman ang tunay na pagkatao ni Sandra. And speaking of that woman. Napakagaling nilang magtago
ABIGAIL Pagdating ni Abi sa mansion ay nalaman niyang pati pala rito ay nagpadala rin ng bulaklak si Seb. Inutusan na lamang niya ang kasambahay na ilagay iyon sa base at idisplay sa sala. "Mommy, gusto ko makita si daddy. Kailan ba uuwe si daddy?" ungot-ungot ni Sofie sa kanya. "Daddy na naman, Sofie? Tigilan mo na nga 'yan kasi dahil wala tayong daddy," sita ni Shane sa kakambal. "Yeah, wala tayong daddy, at si mom lang sapat na. Hindi natin kailangan ng daddy, Sofie. Remember, hindi nga niya tayo naaalala di ba?" segunda ni Gavin sa kapatid. "Kayo ayaw nyo ng daddy, ako gusto ko ng daddy! Lagi na lang ako tinutukso sa school na wala akong daddy na wala tayong daddy," humihikbing wika ni Sofie. Nagulat naman siya sa sinabi ng anak. Ngayon niya lang narinig ito kay Sofie. Kindergarten pa lang ang kambal at hindi niya alam na tinutukso pala ang mga ito sa school, dahil sa walang daddy ang mga anak niya. "Bakit? Kapag may umaaway sa 'yo dahil wala tayong daddy, lagi ka nam
Tatlong buwan ang mabilis na lumipas at ngayon apat na buwan ng buntis si Abi. Matapos ang nangyari noon ay naging maayos na ulit ang buhay nila. Wala na si Sandra, patay na ang babae. Namatay ito na wala man lang pagsisisi sa lahat ng kasamaang ginawa nito. Ngayon malaya na sila, wala nang nangugulo sa kanila, wala nang banta sa buhay nila. Pati mga anak nila ay ligtas na sa kapahakan. Mula sa kusina kung saan tanaw ang pool area ay masayang pinagmamasdan ni Abi ang mag-aama niya habang naliligo sa pool. Puno ng tawanan at asaran ang mga ito. Kawawa nga lang ang nag-iisa nilang prinsesa na si Sofie na lagi na lang napagtitripan na asarin ng dalawa nitong kuya. Kaya maya-maya naiiyak na lang ito bigla lalo na kapag ang kakambal nito ang nang-aasar. "Ang saya-saya nila no?" Dinig niyang boses mula sa likod niya kaya napalingon siya rito, saka niya nakita ang maaliwalas at masayang mukha ng biyenan niyang babae. Naririto kasi sila ngayon sa kusina at tinutulungan siyang maghan
After two days ay nakalabas na ng hospital si Seb. Hindi pa man masyadong magaling ang sugat nito pero mas pinili nito na sa mansion na lang magpapagaling. Dalawa ang tama ng bala sa katawan nito. Isa sa tagiliran at isa sa kaliwang balikat. Pero thanks God dahil maayos na ang lalaki. Hanggang sa mabilis na lumipas ang mga araw at tuluyan na nga itong gumaling at balik trabaho na. Pati siya ay ganun din, dahil katwiran niya mabo-bored lang siya sa bahay lalo pa at nasa man araw-araw ang mga bata. Busy silang dalawa ni Lanie sa pagpi-print ng mga documents na kakailanganin mamaya ni Seb para sa meeting nito sa board room nang biglang bumukas ang pinto. Pag-angat niya ng tingin ay nakita na si Nikko ang pumasok mula roon kasama ang fiancée nito na si Alex. "Hey dude! "Hi, Abi." Bati ni Nikko na malawak ang pagkakangiti ng lalaki. "Yes, dude, napadalaw ka?" ani Seb. Huminga muna nang malalim si Nikko bago ito nagsalita. Pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang pasimple ni
"Seb! No! No! No! Please wake up, love. Wake up, please.... " hagulhol ni Abi at pilit na ginigising si Seb na wala ng buhay. "Abi...Abi... gising bess, binabangungot ka 'ata," wika ni Lyca at pilit na ginigising nang paulit-ulit ang kaibigan niya. Kanina pa kasi niya napapansin na pabalinh-baling ang ulo nito sa kama habang nakapikit ang mga mata. "Beshie, gising na. Hindi maganda 'yang panaginip mo," muli pang saad ni Lyca at pilit na ginigising ang kaibigan. ******** Napdilat naman ng mga mata si Abi nang maramdaman niyang paulit-ulit na may yumuyugyog sa braso niya at pilit siyang ginigising. Bago niya tuluyang imulat ang mga mata narinig pa niya ang boses ng kaibigan niya. "Beshie, gising na. Hindi maganda 'yang panaginip mo," klarong dinig niya sa mga salita. Bumungad sa paningin niya si Lyca na nakatunghay sa kanya at nakangiti. Saka siya napatingin sa sarili niya. Doon niya napansin na nakahiga siya sa hospital bed. "Beshie, si Seb? Wala na si Seb," aniya at napah
"Lord, please save my husband. Huwag niyo po siyang pabayaan, please...." mahigpit na dasal ni Abi, habang hawak nang mahigpit ang kamay ni Seb sa loob ng ambulansya. "Paki-bilisan please!" paki-usap niya sa driver ng ambulance. Mabilis naman na humarurot ang sasakyan patungo sa hospital. Ni hindi na magawang tignan kanina ni Abi si Harry na may tama rin ng bala ng baril. Pero alam niyang naisakay na rin ito sa ambulance at nakasunod lamang sa kanila. Halos panawan siya ng ulirat habang pinagmamasdan si Seb na basang-basa na ng dugo ang suot na damit ng asawa niya. Pagdating sa hospital ay agad na sumalubong ang mga nurses at ilang doctor sa kanila ni Abi. Walang sinayang na sandali at mabilis na dinala si Seb sa emergency room sakay sa strecher. Naiwan naman sa labas ng ER si Abi na umiiyak. Halos hindi na naubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak. Sobrang nag-aalala siya para sa kaligtasan ni Seb. Lalo pa at napakaraming dugo ang nawala rito. "Abi, I'm sorry," wika n
"Seb?" "Abi?" Bumuhos ang luha ni Abi nang makita niya ang asawa na dumating para iligtas sila. Mabilis siyang nilapitan ng asawa niya at niyakap nang mahigpit, saka ito nagmamadaling kinalas ang tali sa kamay niya at sa paa. Sunod naman na binalingan ni Seb si Lyca at tinulungan ang babae. "Let's go. Huwag kayong humiwalay sa akin. Sumunod lang kayo sa likod ko, okay?" anito at tumango naman silang dalawa ni Lyca. Patuloy na maririnig ang malalakas na putok ng baril sa pagitan ng mga tauhan ni Seb at ni Sandra. Pero halos maubos na ang mga tauhan ni Sandra dahil kokonti na lang ang mga ito. Idagdag pa na dumating din ang ilang kapulisan para tumulong. "Seb, dito!" sigaw ng isang lalaki na at kumaway sa kanila. Pagtingin niya rito ay nakita niyang si Harry ang sumigaw at kumakaway sa kanila. May hawak din itong baril at nakikipagbarilan sa mga tauhan ni Sandra, habang nakakubli sa sasakyan. Palabas na sila ng abandonadong building at kung kailan malapit na sila kay Ha
Hindi alam ni Abi kung anong oras na ba at hindi siya dinadalaw ng antok. Hindi naman sila makapag-usap ni Lyca dahil parehong may busal ng panyo ang mga bibig nila. Naaawa siya sa kaibigan niya. Pati ito nadamay pa sa paghihiganti ni Sandra na walang basehan. Nababaliw na talaga ang babaeng 'yon! Napatingin si Abi nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki na nagtatawanan. May dalang pagkain ang dalawa at ang isa naman ay tubig. Bigla tuloy siyang nauhaw. Kanina pa nanunuyo ang lalamunan niya. Pero wala naman siyang plano na kumain kahit oa nagugutom na siya. Inilagay ng dalawang lalaki ang pagkain sa harap nila ni Lyca. Kung kanina sa upuan sila itinali habang nakaupo, ngayon naman ay sa lapag na. Matapos ilapag ang pagkain ay lumapit ang mga ito sa likod nila at tinanggal ang panyo sa bibig nila. "Kumain na kayo mga miss. Bilin ni madam na pakain raw muna kayo," wika ng isang lalaki na pangit ang mukha. "Tama, kumain daw muna kayo bago niyo salu
"Easy, Mr. Ashford, hindi ko pa papatayin ang asawa mo," rinig niyang sabi ni Sandra sa kausap nito. Alam niyang si Seb ang nasa kabilang linya na kausap ng impostor na babae, kaya bigla siyang nabuhayan ng loob. "Huwag mong sasaktan ang asawa ko, Sandra. Sabihin mo kung ano ang kailangan mo, ibibigay ko," rinig niyang wika ni Seb sa kabilang linya dahil naka loudspeaker ang tawag. "Wala akong kailangan! Ang kailangan ko ay patayin ang babaeng pinakamamahal mo! Kaya kung ako sa 'yo Seb magpaalam ka na sa asawa mo!" galit na sabi ni Sandra saka pinatay ang tawag. "Sandra! No!" narinig pa niyang sigaw ni Seb sa kabilang linya. Malawak na ngumisi ang babae matapos patayin ang tawag. Umayos ito ng tayo at isinuksok nito ang hawak na baril sa likuran habang hindi inaalis ang masamang tingin sa kanya. Pagkatapos ay tinanggal nito ang prosthetics sa mukha. Kaya ngayon kitang-kita na niya ang totoong Sandra dahil wala na ang pagiging impostor nito na kinopya ang mukha ng kaibig
Nagising si Abi dahil sa pangangalay ng ulo niya. At ganun na lang ang pagtataka niya nang mapansin na wala na siya sa sasakyan kundi nasa isang abandonadong building. Madilim sa paligid at wala siyang ibang nakikita. Sinubukan niyang tumayo mula sa kinauupuang upuan, ngunit nagulantang siya nang maramdaman na nakatali ang mga paa niya, at ganun din ang mga kamay niya. Biglang binundol ng kaba ang dibdib ni Abi. Si Lyca? Tama, si Lyca ang kasama niya kanina, pero hindi niya alam kung nasaan na ang kaibigan niya. Jusko sino naman ang may gawa nito! Sinubukan niyang sumigaw para sana tawagin ang kaibigan niya pero hindi niya magawa, dahil may takip ang bibig niya. Muling inalala ni Abi ang nangyare kanina habang nasa byahe sila. Ang kakaibang kilos ng kaibigan niya kanina na pilit niyang winawaksi sa isipan. Ang kakaibang ngiti nito kanina sa kanya bago siya mawalan ng malay tao. Naalala rin niya ang bottled water na pinainom sa kanya kanina ni Lyca. Jusko! Huwag naman sana tam
Akmang tatawagan na sana ni Abi si Seb para magpaalam nang pigilan siya ni Lyca, kaya naman hindi na niya ito itinuloy pa. "Naku, besh baka nasa meeting pa ang asawa mo. Huwag mo na muna siyang isturbuhin. And besides ako naman ang kasama mo, kaya no worries," sabi ni Lyca. Napatango na lamang si Abi at sabay na silang sumakay sa kotse na dala ni Lyca, saka nilisan ang Ashford Corp. "So besh, kamusta naman sila Tita at Lea? Namimiss ko na rin sila," tanong niya sa kaibigan. "Okay naman sila, besh. Maayos naman sila at namimiss ka na rin nila pati na ang mga bata," sagot nito pero nanatiling nakatuon ang paningin sa kalsada. "Pakisabi sa kanila besh, na after kong manganak sa anak namin ni Seb ay uuwe kami roon sa mindoro para magbakasyon. Para na rin makadalaw kami at makapamasyal ang mga bata," nakangiting wika niya na tila excited na sa naisip na plano. "Tama ba ang narinig ko? You're pregnant?" gulat na tanong nito. Binagalan pa nito ang pagmamaneho saka siya sinul