TAHIMIK at walang kibong pumasok ang dalagang si Meg sa inuupahan niyang condo. Isa iyong rent to own condominium sa Makati. Mahigit limang taon na nila iyong binabayaran, pero maging sa mga oras na iyon ay hindi pa rin sila tapos sa pagbabayad rito. Mabuti na lamang dahil personal na kilala ng ka-live in niya ang may-ari ng condominium, kaya sa tuwing nagigipit ay nagagawa nilang pakiusapan ito.
"Saan ka nanggaling? Bakit dalawang araw kang hindi umuwi?"
Natigilan siya sa paghakbang nang marinig ang boses na iyon. Pagod niyang nilapag ang maliit na backpack sa ibabaw ng mahabang sofa sa maliit na sala ng condo nila, bago tumungo sa kusina at lumapit sa fridge. Binuksan niya iyon para kumuha ng maiinom.
"Kinakausap kita!"
Napairap siya matapos marinig ang pagsigaw nito. Lumapit siya sa kitchen island at pagkatapos ubusin ang tubig na laman ng baso, nilapag niya ito sa ibabaw.
Walang pakialam siyang lumabas ng kitchen habang pilit na pinapakita na wala lang sa kaniya ang galit nito. Agad naman siyang hinarangan nito sa dinadaanan niya at mataman na tinitigan. Bumungad sa kaniya ang matalim na mga mata nito na para bang handa na itong manakit ng tao anumang oras.
"Hindi mo ba ako narinig?"
Naiiritang napahilot siya sa sintido. "Puwede ba? Kay aga-aga, drama agad?"
Masama ang timpla ng mukha na nilagpasan niya ito, ngunit mahigpit siyang hinawakan nito sa braso dahilan upang matigilan siya muli.
"Are you cheating on me?"
Mabilis siyang umiwas ng mukha sa narinig. Umakto siya na parang naiinis at marahas na binawi ang kamay.
"Pagod ako!"
"Megara! Sagutin mo ang tanong ko! Iniiputan mo ba ako sa ulo?"
Inis na sinalubong niya ang mga mata nito habang mariing ikinuyom ang mga kamao. "Alam mo kung bakit ayaw kong umuuwi rito? Dahil diyan sa ugali mo! Masiyado kang tamang hinala! Puwede ba? Nakakairita na!"
Sinubukan niyang muling talikuran ito pero muli siyang pinigilan nito sa braso. "For once, will you be honest with me! Ilang taon na tayo, Meg! Respetuhin mo naman ang pinagsamahan natin!"
Napangiwi siya nang lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. "Ano ba? Nasasaktan ako!"
"Masasaktan ka talaga! Sabihin mo ang totoo! May iba ka na ba? Niloloko mo na ba ako, Megara?"
"Hindi!" Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Buong lakas niyang binawi ang braso na mahigpit nitong hawak. "Puro ka hinala! Nakakapagod na! Kung ganito na rin lang, mas mabuti pang—"
"Ano? Makikipaghiwalay ka?"
Sa pagkakataong iyon ay bigla siyang natigilan. Sinalubong niya ang mga mata nitong nag-aapoy sa galit, pero sa kabila noon ay mababakasan pa rin ng sakit dahil sa tinatakbo ng usapan nila.
Pumikit siya at nagbuga ng hangin. "We need space."
Tuluyan niya itong tinalikuran at akmang papasok na sa silid nila, pero muli siyang natigilan nang marinig itong magsalita.
"Space? Ang sabihin mo, iiwan mo na ako! Mayroon ka nang iba kaya aalis ka na!"
"Isipin mo na ang gusto mong isipin! Wala na akong pakialam!" balik sigaw niya at tuluyang pumasok sa kuwarto nila. Malalim ang bawat paghinga niya nang may pagmamadaling kinuha niya ang sariling maleta at pinasok sa loob ang mga damit mula sa built-in cabinet.
Sumunod naman ito sa kaniya sa loob ng kuwarto nila, at agad na natigilan nang makita ang ginagawa niya. Tuluyang umagos ang mga luha sa magkabila nitong pisngi.
"Bakit kasi hindi mo pa aminin! Hindi ka manlalamig sa akin kung walang ibang nagpapainit sa iyo!"
Mabilis siyang natigilan at galit na nilingon ito dahil sa narinig. Sa tindi ng inis niya, nilapitan niya ito at sinampal sa pisngi. Nabaling sa ibang direksiyon ang mukha nito sa lakas ng sampal niya.
Ilang segundo rin itong natigilan. Kapagkuwa'y kumuyom ang mga kamao at binigyan siya ng malakas na sampal sa kanang pisngi. Napasinghap siya kasabay ng pagbagsak niya sa sahig.
"Paano mo nagawa sa akin ito? Minahal kita, Meg! Iniwan ko ang magandang buhay ko sa probinsiya para sa iyo!"
Tuluyang umagos ang luha mula sa mga mata niya dahil sa mga binitiwan nitong salita. Nag-angat siya ng mukha at sinalubong ang masama nitong tingin. Nang hindi na niya makayanang titigan ang nasasaktan nitong mga mata ay pinili niyang tumayo, at tahimik na pinagpatuloy ang ginagawang pag-iimpake.
Marahas itong umiling. Mariin pa rin itong nakatitig sa kaniya. "Don't leave me, Meg! Kung sino man siya, huwag mo siyang piliin! Mahal kita! Walang ibang magmamahal sa iyo katulad ng pagmamahal ko!"
Hindi niya ito binigyan ng pansin at mas lalong binilisan ang ginagawa. Tuluyan itong lumuhod sa paanan niya at nagmakaawa. Yumuyugyog ang magkabilang balikat sa pag-iyak. Namumula ang buong mukha nito at napupuno ng luha ang magkabilang pisngi.
"Ano bang problema? Sabihin mo sa akin at aayusin ko! Meg, please, don't do this. Ano'ng mayroon sa kaniya? Ano ang pagkukulang ko? Sabihin mo sa akin, Meg!" Naramdaman niya ang magkabilang kamay nito sa isa niyang binti. "Nakahanda akong punan ang lahat. Iyong mga naibibigay niya sa iyo, pagsisikapan ko para maibigay—"
"Hindi na kita mahal!" bulyaw niya na ikinatigil nito.
Marahas niyang pinahid ang mga luha sa sariling pisngi. Ilang ulit siyang umiling habang pinagmamasdan ang lumuluha nitong mukha.
"Wala ka nang puwedeng gawin. I'm sorry pero hindi na talaga kita mahal." Umiling siya nang ilang ulit.
Agad niyang sinarado ang maleta at mabilis na binuhat ito palabas. Kinuha niya ang backpack sa mahabang sofa saka lumapit sa pinto.
Sandali pa siyang tumigil sa bukana ng nakabukas na pintuan bago muling nilingon ang pinto ng silid nila. Inaamin niyang minahal niya ito nang sobra sa loob ng limang taong pakikipagrelasiyon dito, and she didn't mean to fall out of love. Pero sadyang said na ang pagmamahal niya para dito.
MAKALIPAS ng mahigit tatlong linggo, nasa isang five-star hotel si Meg at kasalukuyang naghahanda para sa kasal nila ni Russel sa araw na iyon. Nakaupo siya sa harap ng malaking salamin at nakangiti sa sariling repleksiyon.
Ang ipinangako niya noon sa yumaong ina na balang araw ay maikakasal siya, ngayon ay matutupad na niya. Nakasuot siya ng simpleng wedding dress. Hindi iyon agaw pansin pero gawa ng isang sikat na designer mula pa sa ibang bansa kaya classy kung pagmamasdan. Simple lang din ang makeup niya. Hindi na siya naghangad nang sobra. What's important to her is to get married to the man that she loves.
Mula sa repleksiyon niya, nag-angat siya ng tingin sa malaking orasan na nakasabit sa pader ng hotel suite. Malapit nang mag-alas-diyes ng tanghali. Alas-diyes y medya ang oras ng kasal nila. Hinihintay na lamang niya ang pagdating ng personal assistant na ibinigay sa kaniya ni Russel at sabihin nitong oras na ng pagpunta niya sa simbahan.
Nang marinig ang pagbukas ng pintuan ng hotel suite, agad siyang lumingon at hinintay ang pagpasok ng assistant niya sa pintuan ng silid. Pero ang ngiti sa mga labi niya, unti-unting naglaho nang makilala ang bagong dating.
Nakasuot ito ng itim na damit at sombrero. Umaagos ang luha sa magkabila nitong pisngi. "Huwag mo siyang pakasalan, Meg."
Nakaramdam siya ng matinding kaba sa sinabi nito. Natakot siya bigla na baka manggulo ang ex niya at pigilan nito ang kasal nila ni Russel.Hawak ang wedding bouquet, agad siyang tumayo at malakas ang kabog ng dibdib na sinigawan ito. "What are you doing here!""Don't marry him! Meg, sumama ka na sa akin! Umalis na tayo rito!"Mariin siyang umiling. "Nababaliw ka na! Can't you see? It's my wedding day! Umalis ka na!""Megara, please!" Lalong umagos ang masaganang luha mula sa mga mata nito. "Huwag mo naman gawin sa akin ito! Limang taon, Meg! We were in a relationship for five years! Itatapon mo lang ang lahat ng iyon?"Namumula ang mukhang humikbi ito. Unti-unting lumalapit sa kaniya. Sa bawat hakbang nito palapit sa kaniya ay siyang atras naman niya palayo rito dahil sa takot at kaba sa puwede nitong gawin."Kung hindi ka pa aalis, tatawag ako ng mga guards!"Mabilis itong natigilan sa narinig. Nasasaktang sinalubong ang mga mata ni
MABILIS na dinala ni Russel sa kanilang tainga ang sariling selpon nang makitang tumatawag ang asawa niyang si Meg. Napangiti pa siya nang marinig ang malambing nitong boses."Baby, nandito ako sa harap ng studio ni Walter." Bahagya siyang dumungaw sa bintanang salamin para tingnan ang gusali kung saan naroon ang studio ng photographer niyang kaibigan.Natigilan siya nang marinig ang tanong ni Meg sa kabilang linya. Nahihimigan niya ng excitement ang boses nito habang sinasabi sa kaniya na nakahanda na ang mga gulay na isasahog sa ulam na gusto niya."Spicy chicken adobo," nakangiti niyang turan bago umibis ng sasakyan.Diretso siyang pumasok sa salaming pinto ng entrance ng gusali saka agad na nagtungo sa second floor gamit ang hagdan."Sige, sarapan mo ang luto. Kung hindi masarap, ikaw na lang ang kakainin ko."Lumapad ang ngiti sa mga labi niya nang marinig ang bahagyang pagtili ng babae sa kabilang linya. Tuluyan siyang nagpaalam dito n
PUMASOK si Russel sa malawak na restaurant ng del Frando hotel at pinaglandas ang paningin sa buong paligid. Tunay ngang mataas ang pamantayan ng kilalang si Rio Frando. Kitang-kita iyon sa disenyo ng hotel mula sa labas, sa lobby maging hanggan sa restaurant nito na talaga dinadayo pa ng mga matataas na tao sa lipunan.Sa araw na iyon ay tuluyan nang nagsara ang Hotel del Frando. Balak na ng lalaki na abandonahin ito dahil sa isang masamang alaala na hatid ng hotel sa lalaki. Kaya nagkakandarapa ang mga negosiyante na mabili ito, dahil paniguradong limpak-limpak na pera ang kikitain ng masuwerteng makabibili sa hotel.Inayos niya ang necktie ng suot niyang gray suit bago tuluyang nilingon ang entrance ng restaurant nang marinig ang pagbukas ng pintuan nito. Napangiti siya nang bumungad sa kaniya ang lalaking may katandaan na ngunit matikas pa rin ang pangangatawan. Sa palagay niya ay nasa animnapu't lima na ang edad ng lalaki pero dahil sa may lahi ito, mababakas pa r
ILANG linggo na rin ang lumilipas simula nang contact-in siya ni Narissa para ipaalala ang napag-usapan nila ng babae. Um-oo lamang siya rito ngunit hindi pa niya lubusang napagdedesisiyunan ang lahat.Matapos isuot ang blazer jacket na ang kulay ay tan, nakangiti siyang bumaling sa asawa matapos nitong lumabas mula sa loob ng banyo ng nila. Dala ng asawa sa isang kamay ang pregnancy test na binili niya kahapon lang."Ang sabi ng doctor, mas magandang gawin ito sa umaga dahil wala ka pang naiinom na kahit na ano at hindi pa rin nakaiihi. Accurate ang lalabas na resulta sa pregnancy test."Ngumiti siya nang makalapit ang babae sa kaniya. Pero nang mapansin ang lungkot sa mga mata nito, hindi pa man niya nakikita ang pregnancy kit, may hinala na siya sa resulta.Malungkot na ipinakita sa kaniya ni Meg ang isang pulang linya sa kulay puti at hugis-kahon na bagay na hawak nito.Aaminin niyang nakaramdaman siya ng lungkot, pero pinili niyang ngumiti upa
PINANOOD niya ang sariling asawa habang nagmamadali nitong inayos ang mga gamit niya sa loob ng maliit na maleta. Alas-kuwatro pa lang nang mga oras na iyon pero gising na ito at inaasikaso siya.Nang matapos sa ginagawa ang babae, hinapit niya ito sa baywang at mahigpit na niyakap. "Thank you, baby."Napangiti naman si Meg nang maramdaman ang init ng katawan niya. Kumalas ito sa yakapan nila at masuyo siyang hinalikan sa pisngi."Anything for you."Tuluyan niyang kinuha ang maleta habang bitbit sa isang kamay ang briefcase kung saan naroon ang ilang mahahalagang dokumento na kailangan niyang dalhin. Bumaba na sila ng asawa at diretsong tumungo sa pinto."Sure ka na, ayaw mong ihatid kita?" Bakas ang lungkot sa boses ni Meg.Binitiwan niya ang maletang hawak at inipit ang ilang hibla ng buhok ng babae sa likuran ng tainga nito. Kahit bagong gising lang ito at bahagya pang magulo ang buhok, hindi pa rin niya mapigilan ang ma-attract sa sarili
MARAHAS na nagbuga ng hangin si Russel bago mabilis na hinawakan ang kamay ni Narissa at pilit iyong inaalis mula sa nakaumbok niyang pantalon."Stop this, Miss Castelar. Hindi na ako natutuwa."Ngumiti lang ito sa sinabi niya. Binawi nito ang kamay at bahagya pa iyong itinaas bago nakaarko ang mga kilay na umiling."Okay, but in one condition."Nagsalubong ang mga kilay niya. "Bakit ba napakahilig mo sa mga kundisiyon?"Nagkibit ito ng balikat, naroon pa rin ang matamis na ngiti sa mga labi. "Let's play. Bored ako.""Maglaro ka kung gusto mo. Aalis na ako." Tinalikuran niya ito pero muli siyang pinigilan ng babae sa braso.Humakbang ito patungo sa harap niya at makahulugang ngumiti. Tila naglalaro lang ito nang pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib at nagpipigil ng ngiting tinitigan siya mula ulo hanggang paa."I get it. Natatakot ka siguro, right?""Natatakot?" Sa pagkakataong iyon, halata na ang inis sa bose
MABILIS na dumapo ang kamay ni Russel sa gilid ng ulo nang maramdaman ang matinding kirot doon. Hindi lang ang ulo niya ang nananakit, pati ang likod niya, humahapdi rin sa hindi niya malamang dahilan.Mabilis siyang natigilan nang makita ang puti at makapal na kumot ng kama. Tumatakip iyon sa ibabang bahagi niya. Noon lang niya napansin na nakahubad pala siya. Ginala niya ang tingin sa buong paligid at nakitang nagkalat sa sahig ang mga hinubad niyang damit. Sa dulo ng kama naman ay naroon ang isang itim na evening dress.Mabilis na sumagi sa isip niya ang dalagang si Narissa, pati na rin ang nangyari kagabi sa kanila. Umangat ang paningin niya at hinanap ng mga mata ang babae.Tumigil sa nakabukas na balkonahe ang paningin niya. Naroon at nakaupo sa tabi ng coffee table ang dalaga, nakasuot ito ng kulay rosas na bathrobe at nakatapis ng tuwalyas ang buhok. Sa kanang kamay ay hawak nito ang tasa ng tsaa at sa kaliwa naman ay isang cup plate.Dismayadong
ISANG malalim na ungol ang kumawala sa mga labi ni Russel nang maramdaman ang matinding kirot sa kaniyang ulo. Bumangon siyang sapu-sapo ang kanang ulo niya dahil sa nararamdamang sakit doon.Minulat niya ang mga mata at iginala ang paningin. Nasa loob na siya ng hotel suite nila ni Narissa. Nang maalala ang babae, pakiramdam niya ay bigla siyang nagising.Ginala niya ang paningin sa buong paligid pero hindi niya ito makita. Ang balkonahe ay nakasara at wala rin siyang marinig na ingay mula sa loob ng banyo. Tumayo siya habang nakapulupot sa baywang ang puting kumot. Humakbang siya patungo sa pinto ng banyo at binuksan iyon.Kunot ang noong luminga siya sa buong suite nang hindi makita ang dalaga sa loob ng shower room. Kahit saan niya ibaling ang paningin, wala siyang makitang ni bakas ng babae.Bumuntong-hininga siya bago lumapit sa fridge sa maliit na home bar saka kumuha ng tubig na maiinom sa loob.Naiiling niyang sinapo ang ulo matapos uminom
MALAKAS siyang humiyaw nang makita ang nakabulagta na katawan ng lalaki sa sahig. Ilang ulit siyang umiling habang nangingilid ang mga luha sa magkabila niyang pisngi.Ilang segundong walang lumabas na boses mula sa bibig niya. Nakaawang lamang ang mga labi niya at sunod-sunod sa pag-agos ang luha sa magkabilang pisngi."R-Russel!" Sa wakas ay nagawa niyang isatinig habang nanginginig ang katawan niya sa labis na kilabot na nararamdaman. "Russel!"Muling tumawa si Narissa. Nangingilid ang luha sa magkabila nitong pisngi. Marahas siya nitong hinawakan sa braso at buong puwersang hinatak palayo roon."Bitiwan mo ako! Russel! Huwag!" Pilit inaabot ng kamay niya ang katawan ng lalaki, subalit marahas siyang hinatak ni Narissa.Kahit pa nang bumagsak siya sa sahig dahil sa pagpipilit na makawala rito, kinaladkad pa rin siya nito patungo sa pintuan.Pilit siyang pinatayo ng babae hanggang sa makalabas sila ng beach house."Ano'ng tinitingin
NGUMISI ang babaeng si Narissa matapos niyang mahablot sa buhok si Megara. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa buhok nito bago nito bago kinuha ang baril na itinatago niya sa kaniyang likod."Ilang taon man ang lumipas, kahit kailan, hindi kita magagawang kalimutan, Meg! Kung hindi ka na rin lang magiging akin, hindi ka rin mapupunta sa kaniya!"Sa sinabi niyang iyon, malakas na humiyaw si Megara bago tinabig ang baril na hawak niya. Hindi sinasadyang mapaputok niya iyob kaya mabilis na nagtakip ng magkabilang tainga nito si Megara nang makawala sa kaniya.Napalingon naman siya sa pinto nang marinig ang paghinto ng isang kotse sa labas ng bahay. Mabilis niyang pinulupot ang mga braso sa leeg ng babae at tinutukan ito ng baril.Sumunod ay bigla na lamang bumukas ang pintuan ng bahay at bumungad sa kanila ang gulat na mukha ni Russel."Megara!"Ngumisi siya nang marinig ang nag-aalalang boses ng lalaki. Akmang lalapitan sila nito pero agad niy
MALAPAD na ngumiti si Narissa bago nginuso ang silyang katapang nito. Tila inuutusan siyang maupo roon."Mag-uusap tayo."Binawi niya ang paningin at binitiwan ang hawak na siradura. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumapit dito, subalit hindi na siya naupo at nanatili na lang na nakatayo."Hindi ko naisip na aabot ka sa ganito.""Ako rin," mabilis nitong tugon. "Ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaganito ako. Ang dami kong tao na nagamit, para lang makaabot sa kung nasaan ako ngayon. Nagpanggap pa akong buntis ako, sinulsulan ang mga doctor, maipalabas lang na totoo ang kasinungalingan ko."Umiling siya sa babae. "Itigil mo na ito, Narissa. Tama na. Magbagong-buhay na tayo.""Nasasabi mo iyan kasi masaya ka. Paano naman ako?" Lumamlam ang mga mata ng babae.Mariin siyang lumunok. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin, para lang makumbinsi ang babae na tumigil na."Hindi puwede, Meg. Hangga't hindi ka bumabalik sa
MATAPOS maligo ni Russel ay naabutan nito ang asawa sa dulo ng kama. Nakaupo habang nakatulala sa kawalan. Agad siyang nakaramdam ng kaba nang maisip na baka may nangyari dito nang iwan niya.Mabilis niyang nilapitan ang asawa at lumuhod sa paanan nito. "Baby, what's the matter? I-inaway ka ba ni Narissa? May ginawa ba siya sa iyo?"Mabilis itong umiling nang mapansin ang galit at pag-aalala sa tono niya. Mariin itong lumunok bago yumakap sa kaniya nang mariin."Russel." Nagsimula itong umiyak habang yumuyugyog ang balikat.Nang dahil dito ay mas lalo siyang kinabahan. Mula sa pagkakaluhod, tumayo siya at naupo sa tabi nito."Ano ba'ng nangyari? Sabihin mo sa akin." Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at nag-aalalang tinitigan.Humihikbi itong lumuluha. Hindi ito nagsalita pero nagpatuloy lang sa pag-iyak. Lalo siyang nakaramdam ng takot nang dahil doon."Meg, tinatakot mo ako. Sabihin mo na sa akin, ano ba'ng problema?"P
MATAGAL binalot ng katahimikan ang dalawang babae matapos silang maiwan ni Russel. Nakakrus ang dalawang braso ni Narissa sa tapat ng dibdib nito, siya naman ay mataman na nakatitig sa babae.Nag-umpisang mangilid ang luha sa magkabilang pisngi niya. Nang makita iyon ni Narissa ay napapalunok itong nag-iwas ng tingin.Huminga siya nang malalim bago lumapit sa harap nito. Ilang ulit pa siyang huminga bago tuluyang lumuhod sa paanan ng babae. Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa magkabilang pisngi niya.Tumalim naman ang mga mata ni Narissa. Pilit nitong iniiwas ang mukha sa kaniya ngunit hindi nito naitago ang pamumula ng mga mata."Please, please, nagmamakaawa ako. Riss, pabayaan mo na kami!"Kumuyom ang mga kamao ng babae, pero hindi ito natinag sa kinatatatuan"Please, huwag mong sirain ang pamilya na gusto kong buuin!" Ilang ulit siyang umiling pero tila walang pakialam si Narissa sa pag-iyak at pagluhod niya.Huminga ito nang malal
HALOS manlisik ang mga mata ni Narissa habang nakatitig sa pader na nagsisilbing tanging harang sa silid na tinutuluyan niya at sa kuwarto nina Megara at Russel.Nanginginig ang mga kamao niya sa bawat ungol at halinghing na ginagawa ng dalawa. Nasisiguro niya na sinasadya ng mga ito ang ginagawa para marinig niya."Magbabayad ka sa ginawa mo. Sisiguraduhin ko na mababawi ko siya mula sa iyo!"Nangilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, subalit marahas niya itong pinalis. Malayo na ang narating niya. Hindi siya papayag na mauwi lang sa wala ang pagtitiis niya.Noong gabing iyon, matagal siyang nanatiling gising habang nakatitig sa kawalan. Nang umabot ang alas-tres ng madaling araw, walang ingay siyang lumabas ng silid at bumaba sa kusina.Mabilis niyang tiningnan ang sariling cell phone para i-check kung may natanggap ba siyang mensahe. Mahina siyang nagmura nang makitang walang ni isang text doon.Kinuha niya ang baso ng tubig at mabilis
PAGSAPIT ng alas-siete ng gabi, nasa ibaba na si Russel at nagluluto ng pagkain, habang siya, nasa loob pa rin ng silid at iniisip ang mga dapat gawin. Nang lumipas ang mahigit limang minuto mula nang bumaba ang lalaki, mabilis siyang lumapit sa kulay mahogany na cabinet, saka kinuha ang ilang underwear niya sa loob.Mula sa suot niyang damit, mabilis siyang nagpalit sa isang kulay pulang bikini na bumagay sa kulay at hubog ng katawan niya. Nagsuot pa siya ng see-through white kimono bago tuluyang lumabas ng silid."Russel, makinig ka sa akin!"Naabutan naman niyang nagtatalo sina Russel at Narissa. Ayon sa narinig niya, pinagpipilitan ng babae na iwan na siya ni Russel at piliin ito at ang bata ng asawa niya.Tumalim ang mga mata niya. Hindi nga siya nagkamali sa hinala. Mabilis siyang lumabas mula sa pinagkukublihan. Nakatalikod mula sa kaniya si Russel at abala sa paghuhugas ng mga gulay kaya hindi siya agad napansin nito.Nakuha niya ang atensi
NAPAPIKIT siya ng mga mata nang marinig ang gustong mangyari ni Narissa. Inuutos nito na magsasama silang tatlo sa iisang bahay hangga't hindi pa nito naipapanganak ang bata.Mariin siyang tumutol sa gusto nitong mangyari. "Kung gusto mo ng makakasama, ikukuha kita ng katulong.""Ayoko nga!" mataray nitong tugon nang balingan siya. "Dalawa tayong gumawa nito, dapat dalawa tayo ang mag-asikaso.""Narissa!""Ano ka, sinusuwerte? Matapos mong gumawa ng bata, ibibigay mo sa iba ang responsibilidad?" Inirapan siya nito bago pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib.Tapos na silang mag-agahan at kasalukuyang pinag-uusapan ang dapat gawin dahil sa sitwasiyon ni Narissa. Nang balingan naman niya ng tingin si Megara, mahinahon itong nakaupo sa silya. Nakatutok ang mga mata nito sa mesa, minsan naman ay mag-aangat ng mukha sa babae."Hindi ako papayag sa gusto mo. Mas nanaisin ko pang sirain mo na lang ako sa mga tao, kaysa hayaan kang tumira k
NANATILI sa loob ng silid si Megara habang nakatanaw siya sa pader. Yakap niya ang unan sa dibdib. Puno ng pangamba ang dibdib niya.Buong akala niya ay tapos na siya sa problemang ito, pero ngayong dumating na ang pinakahihintay niya, hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Ang galit na mayroon siya sa kaniyang dibdib, sa isang iglap, mabilis na naglaho.Ngayon ay kinukuwestiyon na niya ang sarili. Pakiramdam niya, siya ang may kasalanan ng lahat. Para bang siya pa ang nagdala ng problema sa kanila ni Russel.Nang hindi siya mapakali sa kinauupuan. Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa harap ng kama. Nasa labas si Russel at nakikipag-usap sa babae, habang siya ay piniling magkulong sa kuwarto.Ramdam niya ang panginginig ng mga kamay niya. Nangingilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa takot.Tumigil siya sa paglalakad at naupo sa dulo ng kama. "Diyos ko, ano'ng gagawin ko?"Tumingala siya at umusal nang