PINANOOD niya ang sariling asawa habang nagmamadali nitong inayos ang mga gamit niya sa loob ng maliit na maleta. Alas-kuwatro pa lang nang mga oras na iyon pero gising na ito at inaasikaso siya.
Nang matapos sa ginagawa ang babae, hinapit niya ito sa baywang at mahigpit na niyakap. "Thank you, baby."
Napangiti naman si Meg nang maramdaman ang init ng katawan niya. Kumalas ito sa yakapan nila at masuyo siyang hinalikan sa pisngi.
"Anything for you."
Tuluyan niyang kinuha ang maleta habang bitbit sa isang kamay ang briefcase kung saan naroon ang ilang mahahalagang dokumento na kailangan niyang dalhin. Bumaba na sila ng asawa at diretsong tumungo sa pinto.
"Sure ka na, ayaw mong ihatid kita?" Bakas ang lungkot sa boses ni Meg.
Binitiwan niya ang maletang hawak at inipit ang ilang hibla ng buhok ng babae sa likuran ng tainga nito. Kahit bagong gising lang ito at bahagya pang magulo ang buhok, hindi pa rin niya mapigilan ang ma-attract sa sarili
MARAHAS na nagbuga ng hangin si Russel bago mabilis na hinawakan ang kamay ni Narissa at pilit iyong inaalis mula sa nakaumbok niyang pantalon."Stop this, Miss Castelar. Hindi na ako natutuwa."Ngumiti lang ito sa sinabi niya. Binawi nito ang kamay at bahagya pa iyong itinaas bago nakaarko ang mga kilay na umiling."Okay, but in one condition."Nagsalubong ang mga kilay niya. "Bakit ba napakahilig mo sa mga kundisiyon?"Nagkibit ito ng balikat, naroon pa rin ang matamis na ngiti sa mga labi. "Let's play. Bored ako.""Maglaro ka kung gusto mo. Aalis na ako." Tinalikuran niya ito pero muli siyang pinigilan ng babae sa braso.Humakbang ito patungo sa harap niya at makahulugang ngumiti. Tila naglalaro lang ito nang pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib at nagpipigil ng ngiting tinitigan siya mula ulo hanggang paa."I get it. Natatakot ka siguro, right?""Natatakot?" Sa pagkakataong iyon, halata na ang inis sa bose
MABILIS na dumapo ang kamay ni Russel sa gilid ng ulo nang maramdaman ang matinding kirot doon. Hindi lang ang ulo niya ang nananakit, pati ang likod niya, humahapdi rin sa hindi niya malamang dahilan.Mabilis siyang natigilan nang makita ang puti at makapal na kumot ng kama. Tumatakip iyon sa ibabang bahagi niya. Noon lang niya napansin na nakahubad pala siya. Ginala niya ang tingin sa buong paligid at nakitang nagkalat sa sahig ang mga hinubad niyang damit. Sa dulo ng kama naman ay naroon ang isang itim na evening dress.Mabilis na sumagi sa isip niya ang dalagang si Narissa, pati na rin ang nangyari kagabi sa kanila. Umangat ang paningin niya at hinanap ng mga mata ang babae.Tumigil sa nakabukas na balkonahe ang paningin niya. Naroon at nakaupo sa tabi ng coffee table ang dalaga, nakasuot ito ng kulay rosas na bathrobe at nakatapis ng tuwalyas ang buhok. Sa kanang kamay ay hawak nito ang tasa ng tsaa at sa kaliwa naman ay isang cup plate.Dismayadong
ISANG malalim na ungol ang kumawala sa mga labi ni Russel nang maramdaman ang matinding kirot sa kaniyang ulo. Bumangon siyang sapu-sapo ang kanang ulo niya dahil sa nararamdamang sakit doon.Minulat niya ang mga mata at iginala ang paningin. Nasa loob na siya ng hotel suite nila ni Narissa. Nang maalala ang babae, pakiramdam niya ay bigla siyang nagising.Ginala niya ang paningin sa buong paligid pero hindi niya ito makita. Ang balkonahe ay nakasara at wala rin siyang marinig na ingay mula sa loob ng banyo. Tumayo siya habang nakapulupot sa baywang ang puting kumot. Humakbang siya patungo sa pinto ng banyo at binuksan iyon.Kunot ang noong luminga siya sa buong suite nang hindi makita ang dalaga sa loob ng shower room. Kahit saan niya ibaling ang paningin, wala siyang makitang ni bakas ng babae.Bumuntong-hininga siya bago lumapit sa fridge sa maliit na home bar saka kumuha ng tubig na maiinom sa loob.Naiiling niyang sinapo ang ulo matapos uminom
MALAKAS na kumabog ang dibdib ni Russel nang marinig ang sinabi ng dalaga. Ilang segundo niya pang pinaglandas ang mga mata sa buong papeles bago mabilis na ibinaba ang mga iyon at biglang tumayo."What's this? Bakit nandito ang pirma ko? What did you do, Narissa!"Umarko ang isang kilay ng babae. Tila hindi makapaniwalang ngumiti. "Hold your horses, Mister Lacuesta. Wala akong ginagawa—""Puwes, ano ito! Anong ka-bullshit-an ito!"Para bang walang pakialam na nagkibit-balikat ang dalaga bago umupo sa silyang nasa harap ng mesa niya."Hindi mo ba nakikita? Nagpakasal tayo. We got married in Vegas!"Hindi niya nagawang magsalita matapos ng mga narinig. Ilang ulit siyang lumunok habang nakatitig sa pagmumukha ng babae.Pilit niyang hinahanap sa bawat korte ng mukha nito ang bakas ng pagbibiro, pero bigo siyang makita. Mula sa dalaga ay ibinaling niya ang paningin sa kontrata. Pilit niyang inaalala kung paano siya
NAALIMPUNGATAN si Megara nang marinig ang mahinang ringtone ng alarm niya sa selpon. Minulat niya ang mga mata at agad na naramdaman ang bigat ng kamay ni Russel sa tiyan niya.Nakayakap sa kaniya ang asawa mula sa likuran. Siya naman ay nakaharap sa kanan. Kinuha niya sa ibabaw ng tokador ang cell phone at agad itong d-in-ismiss. Kinuha niya ang kamay ni Russel na nakayakap sa kaniya saka maingat iyong ibinaba.Nilingon niya ito sa kaliwa niya at napangiti nang makita kung gaano ito kahimbing. Bumaba ang mukha niya saka kinantilan ng halik sa pisngi ang lalaki."I love you, baby," bulong pa niya sa tainga nito.Umungol si Russel bago tuluyang tumihaya at binaling ang mukha sa kaliwa. Mahimbing pa rin itong natutulog. Maingat siyang kumilos, iniiwasan na makagawa ng ingay para hindi magising ang lalaki. Hubo't hubad pa rin siya mula sa nagdaang pagtatalik nila ng asawa.Nang makababa ng kama ay diretso siyang pumasok sa walk-in closet nila at kumuh
NAPANGIWI si Megara matapos buhatin ang laundry basket na puno ng damit na ginamit nila. Buhat niya ito gamit ang dalawang kamay at pababa na sana ng hagdan. Napatigil lang siya nang may maalala.Mula sa hagdan, bumaba ang tingin niya mahaba niyang binti't hita. Nararamdaman niya ang lamig ng paligid dahil sa ikli ng suot niyang white shorts. Napangiti siya kasabay nang paglapag niya ng basket sa sahig. Nagmamadaling pumasok siya sa loob ng kanilang walk-in closet.Kumuha siya ng pajama nang hindi na tumitingin sa disenyo nito. Basta't isinuot na lamang niya iyon matapos hubarin ang shorts. Natatandaan niyang ayaw ni Russel na lumalabas siya ng bahay na labas ang mga hita niya. Ayos lang daw kung kasama niya ito, pero kung hindi, pinagbabawalan siya ng lalaki.Muli niyang dinampot ang laundry basket saka mabibilis ang mga hakbang na bumaba. Nasa likuran ng bahay ang labahan nila at kinakailangan pa niyang lumabas mula sa harap ng bahay dahil wala silang backdoor
MASAYANG nagtatawanan si Narissa kasama ang mga kaibigan niyang inimbitahan din niya sa opening ng beach resort ng uncle niya.Ang totoo'y pinapunta niya roon ang mga ito upang ipakita na pag-aari na niya ang owner ng Lacuesta Corporation. Kasalukuyan silang nasa itaas ng hotel kung saan malaya nilang natatanaw ang malawak na dagat, maging ang ilang parte ng resort kabilang na ang entrance.Nakatingin sa kanila ang ilang mga lalaking foreigners na pasadya pang dinayo ang resort na iyon dahil sa Uncle Rio niya. Kilala kasi sa halos buong Asia at ilan pang bansa ang pangalan nito kaya malakas ang hatak ng lalaki sa mga turista.Nakasuot siya ng red bikini habang ang tatlong kaibigan niya na pawang mga kasama rin niya sa pagmo-modeling ay naka-animal print ang mga underware na suot."Girl, are you sure he's coming? We've been waiting for him for like... an hour now!" maarteng tanong ni Ruffa. Anak mayaman ito pero piniling pasukin ang mundo ng pagmomodelo da
BAHAGYANG nagsalubong ang dalawang kilay ni Megara matapos marinig ang umuungol na boses ng isang babae sa kabilang linya."Baby? Sino iyan? May kasama ka ba?"Naghintay siya ng sagot mula sa kabilang linya pero lumipas na ang ilang segundo, hindi pa rin sumasagot si Russel. Maya-maya lang, nawala na ang ingay ng babaeng umuungol sa kabila."Hello, baby? Can you hear me?"Tumango siya kahit na alam niyang hindi siya nito nakikita. "Yes, baby.""I'm sorry. Medyo maalinsangan kasi sa labas kaya nag-stay ako sa loob ng kuwarto.""E, ano iyong narinig ko kanina? Bakit parang umuungol na babae?" Larawan ng pagtataka ang buong mukha niya."Sa palabas iyon, baby. Nanonood ako ng Hollywood movie."Mabilis siyang napatango kasabay nang pagsilay ng ngiti sa mga labi. "Naisip ko nga."Bahagya pa siyang natawa dahil kung pakikinggan iyong kanina, parang may katabi si Russel na dalawang magkasintahan na nagtatalik."Bakit ka n
MALAKAS siyang humiyaw nang makita ang nakabulagta na katawan ng lalaki sa sahig. Ilang ulit siyang umiling habang nangingilid ang mga luha sa magkabila niyang pisngi.Ilang segundong walang lumabas na boses mula sa bibig niya. Nakaawang lamang ang mga labi niya at sunod-sunod sa pag-agos ang luha sa magkabilang pisngi."R-Russel!" Sa wakas ay nagawa niyang isatinig habang nanginginig ang katawan niya sa labis na kilabot na nararamdaman. "Russel!"Muling tumawa si Narissa. Nangingilid ang luha sa magkabila nitong pisngi. Marahas siya nitong hinawakan sa braso at buong puwersang hinatak palayo roon."Bitiwan mo ako! Russel! Huwag!" Pilit inaabot ng kamay niya ang katawan ng lalaki, subalit marahas siyang hinatak ni Narissa.Kahit pa nang bumagsak siya sa sahig dahil sa pagpipilit na makawala rito, kinaladkad pa rin siya nito patungo sa pintuan.Pilit siyang pinatayo ng babae hanggang sa makalabas sila ng beach house."Ano'ng tinitingin
NGUMISI ang babaeng si Narissa matapos niyang mahablot sa buhok si Megara. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa buhok nito bago nito bago kinuha ang baril na itinatago niya sa kaniyang likod."Ilang taon man ang lumipas, kahit kailan, hindi kita magagawang kalimutan, Meg! Kung hindi ka na rin lang magiging akin, hindi ka rin mapupunta sa kaniya!"Sa sinabi niyang iyon, malakas na humiyaw si Megara bago tinabig ang baril na hawak niya. Hindi sinasadyang mapaputok niya iyob kaya mabilis na nagtakip ng magkabilang tainga nito si Megara nang makawala sa kaniya.Napalingon naman siya sa pinto nang marinig ang paghinto ng isang kotse sa labas ng bahay. Mabilis niyang pinulupot ang mga braso sa leeg ng babae at tinutukan ito ng baril.Sumunod ay bigla na lamang bumukas ang pintuan ng bahay at bumungad sa kanila ang gulat na mukha ni Russel."Megara!"Ngumisi siya nang marinig ang nag-aalalang boses ng lalaki. Akmang lalapitan sila nito pero agad niy
MALAPAD na ngumiti si Narissa bago nginuso ang silyang katapang nito. Tila inuutusan siyang maupo roon."Mag-uusap tayo."Binawi niya ang paningin at binitiwan ang hawak na siradura. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumapit dito, subalit hindi na siya naupo at nanatili na lang na nakatayo."Hindi ko naisip na aabot ka sa ganito.""Ako rin," mabilis nitong tugon. "Ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaganito ako. Ang dami kong tao na nagamit, para lang makaabot sa kung nasaan ako ngayon. Nagpanggap pa akong buntis ako, sinulsulan ang mga doctor, maipalabas lang na totoo ang kasinungalingan ko."Umiling siya sa babae. "Itigil mo na ito, Narissa. Tama na. Magbagong-buhay na tayo.""Nasasabi mo iyan kasi masaya ka. Paano naman ako?" Lumamlam ang mga mata ng babae.Mariin siyang lumunok. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin, para lang makumbinsi ang babae na tumigil na."Hindi puwede, Meg. Hangga't hindi ka bumabalik sa
MATAPOS maligo ni Russel ay naabutan nito ang asawa sa dulo ng kama. Nakaupo habang nakatulala sa kawalan. Agad siyang nakaramdam ng kaba nang maisip na baka may nangyari dito nang iwan niya.Mabilis niyang nilapitan ang asawa at lumuhod sa paanan nito. "Baby, what's the matter? I-inaway ka ba ni Narissa? May ginawa ba siya sa iyo?"Mabilis itong umiling nang mapansin ang galit at pag-aalala sa tono niya. Mariin itong lumunok bago yumakap sa kaniya nang mariin."Russel." Nagsimula itong umiyak habang yumuyugyog ang balikat.Nang dahil dito ay mas lalo siyang kinabahan. Mula sa pagkakaluhod, tumayo siya at naupo sa tabi nito."Ano ba'ng nangyari? Sabihin mo sa akin." Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at nag-aalalang tinitigan.Humihikbi itong lumuluha. Hindi ito nagsalita pero nagpatuloy lang sa pag-iyak. Lalo siyang nakaramdam ng takot nang dahil doon."Meg, tinatakot mo ako. Sabihin mo na sa akin, ano ba'ng problema?"P
MATAGAL binalot ng katahimikan ang dalawang babae matapos silang maiwan ni Russel. Nakakrus ang dalawang braso ni Narissa sa tapat ng dibdib nito, siya naman ay mataman na nakatitig sa babae.Nag-umpisang mangilid ang luha sa magkabilang pisngi niya. Nang makita iyon ni Narissa ay napapalunok itong nag-iwas ng tingin.Huminga siya nang malalim bago lumapit sa harap nito. Ilang ulit pa siyang huminga bago tuluyang lumuhod sa paanan ng babae. Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa magkabilang pisngi niya.Tumalim naman ang mga mata ni Narissa. Pilit nitong iniiwas ang mukha sa kaniya ngunit hindi nito naitago ang pamumula ng mga mata."Please, please, nagmamakaawa ako. Riss, pabayaan mo na kami!"Kumuyom ang mga kamao ng babae, pero hindi ito natinag sa kinatatatuan"Please, huwag mong sirain ang pamilya na gusto kong buuin!" Ilang ulit siyang umiling pero tila walang pakialam si Narissa sa pag-iyak at pagluhod niya.Huminga ito nang malal
HALOS manlisik ang mga mata ni Narissa habang nakatitig sa pader na nagsisilbing tanging harang sa silid na tinutuluyan niya at sa kuwarto nina Megara at Russel.Nanginginig ang mga kamao niya sa bawat ungol at halinghing na ginagawa ng dalawa. Nasisiguro niya na sinasadya ng mga ito ang ginagawa para marinig niya."Magbabayad ka sa ginawa mo. Sisiguraduhin ko na mababawi ko siya mula sa iyo!"Nangilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, subalit marahas niya itong pinalis. Malayo na ang narating niya. Hindi siya papayag na mauwi lang sa wala ang pagtitiis niya.Noong gabing iyon, matagal siyang nanatiling gising habang nakatitig sa kawalan. Nang umabot ang alas-tres ng madaling araw, walang ingay siyang lumabas ng silid at bumaba sa kusina.Mabilis niyang tiningnan ang sariling cell phone para i-check kung may natanggap ba siyang mensahe. Mahina siyang nagmura nang makitang walang ni isang text doon.Kinuha niya ang baso ng tubig at mabilis
PAGSAPIT ng alas-siete ng gabi, nasa ibaba na si Russel at nagluluto ng pagkain, habang siya, nasa loob pa rin ng silid at iniisip ang mga dapat gawin. Nang lumipas ang mahigit limang minuto mula nang bumaba ang lalaki, mabilis siyang lumapit sa kulay mahogany na cabinet, saka kinuha ang ilang underwear niya sa loob.Mula sa suot niyang damit, mabilis siyang nagpalit sa isang kulay pulang bikini na bumagay sa kulay at hubog ng katawan niya. Nagsuot pa siya ng see-through white kimono bago tuluyang lumabas ng silid."Russel, makinig ka sa akin!"Naabutan naman niyang nagtatalo sina Russel at Narissa. Ayon sa narinig niya, pinagpipilitan ng babae na iwan na siya ni Russel at piliin ito at ang bata ng asawa niya.Tumalim ang mga mata niya. Hindi nga siya nagkamali sa hinala. Mabilis siyang lumabas mula sa pinagkukublihan. Nakatalikod mula sa kaniya si Russel at abala sa paghuhugas ng mga gulay kaya hindi siya agad napansin nito.Nakuha niya ang atensi
NAPAPIKIT siya ng mga mata nang marinig ang gustong mangyari ni Narissa. Inuutos nito na magsasama silang tatlo sa iisang bahay hangga't hindi pa nito naipapanganak ang bata.Mariin siyang tumutol sa gusto nitong mangyari. "Kung gusto mo ng makakasama, ikukuha kita ng katulong.""Ayoko nga!" mataray nitong tugon nang balingan siya. "Dalawa tayong gumawa nito, dapat dalawa tayo ang mag-asikaso.""Narissa!""Ano ka, sinusuwerte? Matapos mong gumawa ng bata, ibibigay mo sa iba ang responsibilidad?" Inirapan siya nito bago pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib.Tapos na silang mag-agahan at kasalukuyang pinag-uusapan ang dapat gawin dahil sa sitwasiyon ni Narissa. Nang balingan naman niya ng tingin si Megara, mahinahon itong nakaupo sa silya. Nakatutok ang mga mata nito sa mesa, minsan naman ay mag-aangat ng mukha sa babae."Hindi ako papayag sa gusto mo. Mas nanaisin ko pang sirain mo na lang ako sa mga tao, kaysa hayaan kang tumira k
NANATILI sa loob ng silid si Megara habang nakatanaw siya sa pader. Yakap niya ang unan sa dibdib. Puno ng pangamba ang dibdib niya.Buong akala niya ay tapos na siya sa problemang ito, pero ngayong dumating na ang pinakahihintay niya, hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Ang galit na mayroon siya sa kaniyang dibdib, sa isang iglap, mabilis na naglaho.Ngayon ay kinukuwestiyon na niya ang sarili. Pakiramdam niya, siya ang may kasalanan ng lahat. Para bang siya pa ang nagdala ng problema sa kanila ni Russel.Nang hindi siya mapakali sa kinauupuan. Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa harap ng kama. Nasa labas si Russel at nakikipag-usap sa babae, habang siya ay piniling magkulong sa kuwarto.Ramdam niya ang panginginig ng mga kamay niya. Nangingilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa takot.Tumigil siya sa paglalakad at naupo sa dulo ng kama. "Diyos ko, ano'ng gagawin ko?"Tumingala siya at umusal nang