Share

Chapter Thirteen

Author: Cinnamon
last update Huling Na-update: 2021-10-23 23:01:24

NAPANGIWI si Megara matapos buhatin ang laundry basket na puno ng damit na ginamit nila. Buhat niya ito gamit ang dalawang kamay at pababa na sana ng hagdan. Napatigil lang siya nang may maalala.

Mula sa hagdan, bumaba ang tingin niya mahaba niyang binti't hita. Nararamdaman niya ang lamig ng paligid dahil sa ikli ng suot niyang white shorts. Napangiti siya kasabay nang paglapag niya ng basket sa sahig. Nagmamadaling pumasok siya sa loob ng kanilang walk-in closet.

Kumuha siya ng pajama nang hindi na tumitingin sa disenyo nito. Basta't isinuot na lamang niya iyon matapos hubarin ang shorts. Natatandaan niyang ayaw ni Russel na lumalabas siya ng bahay na labas ang mga hita niya. Ayos lang daw kung kasama niya ito, pero kung hindi, pinagbabawalan siya ng lalaki.

Muli niyang dinampot ang laundry basket saka mabibilis ang mga hakbang na bumaba. Nasa likuran ng bahay ang labahan nila at kinakailangan pa niyang lumabas mula sa harap ng bahay dahil wala silang backdoor

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Fourteen

    MASAYANG nagtatawanan si Narissa kasama ang mga kaibigan niyang inimbitahan din niya sa opening ng beach resort ng uncle niya.Ang totoo'y pinapunta niya roon ang mga ito upang ipakita na pag-aari na niya ang owner ng Lacuesta Corporation. Kasalukuyan silang nasa itaas ng hotel kung saan malaya nilang natatanaw ang malawak na dagat, maging ang ilang parte ng resort kabilang na ang entrance.Nakatingin sa kanila ang ilang mga lalaking foreigners na pasadya pang dinayo ang resort na iyon dahil sa Uncle Rio niya. Kilala kasi sa halos buong Asia at ilan pang bansa ang pangalan nito kaya malakas ang hatak ng lalaki sa mga turista.Nakasuot siya ng red bikini habang ang tatlong kaibigan niya na pawang mga kasama rin niya sa pagmo-modeling ay naka-animal print ang mga underware na suot."Girl, are you sure he's coming? We've been waiting for him for like... an hour now!" maarteng tanong ni Ruffa. Anak mayaman ito pero piniling pasukin ang mundo ng pagmomodelo da

    Huling Na-update : 2021-10-24
  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Fifteen

    BAHAGYANG nagsalubong ang dalawang kilay ni Megara matapos marinig ang umuungol na boses ng isang babae sa kabilang linya."Baby? Sino iyan? May kasama ka ba?"Naghintay siya ng sagot mula sa kabilang linya pero lumipas na ang ilang segundo, hindi pa rin sumasagot si Russel. Maya-maya lang, nawala na ang ingay ng babaeng umuungol sa kabila."Hello, baby? Can you hear me?"Tumango siya kahit na alam niyang hindi siya nito nakikita. "Yes, baby.""I'm sorry. Medyo maalinsangan kasi sa labas kaya nag-stay ako sa loob ng kuwarto.""E, ano iyong narinig ko kanina? Bakit parang umuungol na babae?" Larawan ng pagtataka ang buong mukha niya."Sa palabas iyon, baby. Nanonood ako ng Hollywood movie."Mabilis siyang napatango kasabay nang pagsilay ng ngiti sa mga labi. "Naisip ko nga."Bahagya pa siyang natawa dahil kung pakikinggan iyong kanina, parang may katabi si Russel na dalawang magkasintahan na nagtatalik."Bakit ka n

    Huling Na-update : 2021-10-25
  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Sixteen

    ILANG ulit nagpakawala ng malalim na hangin si Russel bago tuluyang isinara ang trunk ng sasakyan matapos niyang ipasok ang lahat ng gamit niya."Sad to see you're leaving this early." Nilapitan niya si Rio Frando sa tabi ng driveway at ngumiti sa lalaki."I'm so sorry. It's urgent."Itinaas ng lalaki ang isang kamay at umiling. "You don't have to apologize. When it comes to business and our wife, they will always be our priority."Nakangiti siyang tumango rito bilang pagsang-ayon. Alas-sais y medya pa lang noong mga sandaling iyon pero nasa labas na siya ng Frando Beach Resort at handa nang umalis.Mabuti na nga lang dahil nasa lobby lang ng hotel ang lalaking si Rio. Hindi na siya nahirapan pang hanapin ito para magpaalam. Hindi na rin siya nahirapan na magdahilan. Nang sandaling sabihin niyang may emergency sa bahay at nag-iisa lamang ang asawa niya, agad siyang tinaboy nito upang umalis at puntahan si Megara.Nang makalabas ng malaking t

    Huling Na-update : 2021-10-26
  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Seventeen

    NAGPAKAWALA nang malalim na buntong-hininga si Russel bago nilingon ang asawang nakaupo sa ibabaw ng kama. Mabilis nitong binawi ang tingin pero nahuli niya ang mga mata nitong puno ng pagtataka habang nakatitig sa mukha niya.Mariin siyang lumunok. Mahigpit niyang hinawakan ang selpon bago nakangiting binalingan ang babae. "Baby, give me a minute. Request mula sa VIP client ang file na ipinadala sa akin ni Aliyah. I just need to check this."Nang-uunawang ngumiti si Megara bago tumango sa kaniya. "Sure, baby. Take your time."Tumalikod siya at lumabas ng kuwarto nila. Mula sa itaas ay bumaba siya patungo sa kusina at doon binuksan ang bidyo na ipinadala ni Narissa.Lalong humigpit ang paghawak niya sa selpon nang bumungad sa kaniya ang sariling bidyo ng dalaga. Nakaupo ito sa gitna ng isang malambot na kulay rosas na kama. Walang itong kasuotan sa katawan pero natatabunan ng manipis na puting tela ang dibdib nito pababa sa gitna ng dalawang hita. Maliban

    Huling Na-update : 2021-11-01
  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Eighteen

    PINARADA ng lalaki sa tabi ng guard house ang kotseng minamaneho nito nang makita ang pagsenyas ng guwardiya sa kaniya. Ibinaba niya ang salaming bintana at hinintay itong makalapit."Sir! Nakuha na po namin ang kopya ng bidyong sinasabi n'yo."Dahil sa sinabi ng lalaki, mabilis siyang umibis ng sasakyan at sumunod sa guwardiyo patungo sa loob ng maliit na bahay. Sa loob niyon ay mag isa pang guard na nakaharap sa monitor ng computer nito."Heto na po ang kopya ng araw na hinihingi ninyo." Itinuro nito ang isang lalaki na nakatayo sa tabi ng poste.Mas lalo niyang nilapit ang sarili sa computer upang mas mapagmasdan nang mabuti ang bidyo. Totoo nga ang sinabi ng asawa niya. May lalaking nakaitim ang nagmamatyag sa babae.Tinitigan nilang mabuti ang lalaking nakatayo at nakitang kay Megara nakatuon ang paningin nito, habang ang babae, abala sa pagsusunog sa harap ng metal trashcan."Sa nakikita n'yo, sir, nang makita ni Ma'am ang lalaki at na

    Huling Na-update : 2021-11-02
  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Nineteen

    NAKAHARAP si Russel sa parihabang salamin sa silid ni Narissa habang binubutones ang suot niyang white shirt. Mula sa repleksiyon ng salamin, natanaw niya at natitigan ang nakahigang dalaga. Nakahubad pa rin ito at natatabunan lang ng kulay rosas na kumot ang katawan.Katatapos lang nilang magtalik at kasalukuyan itong nagpapahinga. Bakas ang pagod ng babae mula sa nagdaan nilang pagniniig. Malalim pa rin ang paghinga nito habang nakatanaw sa kaniya."That was a great sex! You really are good at it, daddy." Sumilay ang ngiti sa mga labi nito.Matapos niyang pulutin ang dark blue blazer suit sa sahig, isinuot niya iyon bago lumapit sa kama ng dalaga.Sinalubong nito ang mga titig niya. Maging ang mga mata nito ay tila ngumingiti sa kaniya."Wanna do it again?" Mabilis nitong inalis ang pagkakatabon ng kumot sa hubad na katawan nito. "Still sore but if you really want to, I can manage."Naglakbay ang mga daliri nito sa isang kamay mula sa gitn

    Huling Na-update : 2021-11-03
  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Twenty

    NAPABUNTONG-HININGA si Russel matapos mabasa ang mensahe ni Narissa. Nagpadala ng good morning message sa kaniya ang babae kaninang umaga nang magising siya, pero hindi niya iyon sinagot. Hindi naman ito tumigil. Nagpatuloy ito sa pagpapadala ng mga bastos na text messages; katulad na lamang ng kung ano ang gusto nitong gawin sa kaniya oras na magkita sila mamaya. Sunod-sunod pa itong nagpadala ng mga bastos na mensahe na katulad ng kung anong position ang gagawin nila mamaya. Nagbuga siya ng hangin bago nilapag sa mesa niya ang selpon. Matapos nilang magtalik kagabi, napag-usapan nila na magkikita lang sila sa labas ng opisina niya at sa tuwing tapos na ang kaniyang trabaho. Nagkasundo rin sila na magkikita sa labas, saka pumunta sa isang hindi kilalang hotel. Pinatawag niya si Aliyah at ipinadala ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan at pag-aralan. Balak niyang tapusin ang lahat nang mas maaga dahil gusto niyang makipagkita sa dalaga nang maaga rin.

    Huling Na-update : 2021-11-04
  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Twenty-one

    BAHAGYANG nabahala si Russel nang hindi siya salubungin ni Megara sa pagdating niya sa bahay nila. Ngunit hindi naman siya natakot para sa kapakanan nito. Panigurado kasi kung may nangyaring masama, agad na tatawag o magti-text ang mga guwardiya at mga lalaking binayaran niya upang magbantay sa babae.Matapos makapasok sa loob, agad siyang umakyat sa hagdan at dumiretso sa kanilang silid. Hindi niya nahagilap ang babae sa loob ng kuwarto. Pupunta sana siya sa banyo, pero napansin niyang nakabukas ang walk-in closet nila.Walang ingay siyang lumapit sa bahagyang nakabukas na pintuan at sumilip sa loob. Natagpuan ng mga mata niya si Megara habang tila nagmamadali nitong pinapasok ang isang kahon sa loob ng isa nitong bag. Nang matapos ay agad nitong isinara ang glass sliding door ng bag closet nito.Dumistansiya siya sa pintuan nang makita itong nagmamadaling lumapit sa pinto. Napasinghap pa ito at namilog ang mga mata nang sa pagbukas nito ng pintuan ay bumungad

    Huling Na-update : 2021-11-05

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Ninety-three |3|

    MALAKAS siyang humiyaw nang makita ang nakabulagta na katawan ng lalaki sa sahig. Ilang ulit siyang umiling habang nangingilid ang mga luha sa magkabila niyang pisngi.Ilang segundong walang lumabas na boses mula sa bibig niya. Nakaawang lamang ang mga labi niya at sunod-sunod sa pag-agos ang luha sa magkabilang pisngi."R-Russel!" Sa wakas ay nagawa niyang isatinig habang nanginginig ang katawan niya sa labis na kilabot na nararamdaman. "Russel!"Muling tumawa si Narissa. Nangingilid ang luha sa magkabila nitong pisngi. Marahas siya nitong hinawakan sa braso at buong puwersang hinatak palayo roon."Bitiwan mo ako! Russel! Huwag!" Pilit inaabot ng kamay niya ang katawan ng lalaki, subalit marahas siyang hinatak ni Narissa.Kahit pa nang bumagsak siya sa sahig dahil sa pagpipilit na makawala rito, kinaladkad pa rin siya nito patungo sa pintuan.Pilit siyang pinatayo ng babae hanggang sa makalabas sila ng beach house."Ano'ng tinitingin

  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Ninety-three |2|

    NGUMISI ang babaeng si Narissa matapos niyang mahablot sa buhok si Megara. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa buhok nito bago nito bago kinuha ang baril na itinatago niya sa kaniyang likod."Ilang taon man ang lumipas, kahit kailan, hindi kita magagawang kalimutan, Meg! Kung hindi ka na rin lang magiging akin, hindi ka rin mapupunta sa kaniya!"Sa sinabi niyang iyon, malakas na humiyaw si Megara bago tinabig ang baril na hawak niya. Hindi sinasadyang mapaputok niya iyob kaya mabilis na nagtakip ng magkabilang tainga nito si Megara nang makawala sa kaniya.Napalingon naman siya sa pinto nang marinig ang paghinto ng isang kotse sa labas ng bahay. Mabilis niyang pinulupot ang mga braso sa leeg ng babae at tinutukan ito ng baril.Sumunod ay bigla na lamang bumukas ang pintuan ng bahay at bumungad sa kanila ang gulat na mukha ni Russel."Megara!"Ngumisi siya nang marinig ang nag-aalalang boses ng lalaki. Akmang lalapitan sila nito pero agad niy

  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Ninety-three

    MALAPAD na ngumiti si Narissa bago nginuso ang silyang katapang nito. Tila inuutusan siyang maupo roon."Mag-uusap tayo."Binawi niya ang paningin at binitiwan ang hawak na siradura. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumapit dito, subalit hindi na siya naupo at nanatili na lang na nakatayo."Hindi ko naisip na aabot ka sa ganito.""Ako rin," mabilis nitong tugon. "Ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaganito ako. Ang dami kong tao na nagamit, para lang makaabot sa kung nasaan ako ngayon. Nagpanggap pa akong buntis ako, sinulsulan ang mga doctor, maipalabas lang na totoo ang kasinungalingan ko."Umiling siya sa babae. "Itigil mo na ito, Narissa. Tama na. Magbagong-buhay na tayo.""Nasasabi mo iyan kasi masaya ka. Paano naman ako?" Lumamlam ang mga mata ng babae.Mariin siyang lumunok. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin, para lang makumbinsi ang babae na tumigil na."Hindi puwede, Meg. Hangga't hindi ka bumabalik sa

  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Ninety-two |2|

    MATAPOS maligo ni Russel ay naabutan nito ang asawa sa dulo ng kama. Nakaupo habang nakatulala sa kawalan. Agad siyang nakaramdam ng kaba nang maisip na baka may nangyari dito nang iwan niya.Mabilis niyang nilapitan ang asawa at lumuhod sa paanan nito. "Baby, what's the matter? I-inaway ka ba ni Narissa? May ginawa ba siya sa iyo?"Mabilis itong umiling nang mapansin ang galit at pag-aalala sa tono niya. Mariin itong lumunok bago yumakap sa kaniya nang mariin."Russel." Nagsimula itong umiyak habang yumuyugyog ang balikat.Nang dahil dito ay mas lalo siyang kinabahan. Mula sa pagkakaluhod, tumayo siya at naupo sa tabi nito."Ano ba'ng nangyari? Sabihin mo sa akin." Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at nag-aalalang tinitigan.Humihikbi itong lumuluha. Hindi ito nagsalita pero nagpatuloy lang sa pag-iyak. Lalo siyang nakaramdam ng takot nang dahil doon."Meg, tinatakot mo ako. Sabihin mo na sa akin, ano ba'ng problema?"P

  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Ninety-two

    MATAGAL binalot ng katahimikan ang dalawang babae matapos silang maiwan ni Russel. Nakakrus ang dalawang braso ni Narissa sa tapat ng dibdib nito, siya naman ay mataman na nakatitig sa babae.Nag-umpisang mangilid ang luha sa magkabilang pisngi niya. Nang makita iyon ni Narissa ay napapalunok itong nag-iwas ng tingin.Huminga siya nang malalim bago lumapit sa harap nito. Ilang ulit pa siyang huminga bago tuluyang lumuhod sa paanan ng babae. Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa magkabilang pisngi niya.Tumalim naman ang mga mata ni Narissa. Pilit nitong iniiwas ang mukha sa kaniya ngunit hindi nito naitago ang pamumula ng mga mata."Please, please, nagmamakaawa ako. Riss, pabayaan mo na kami!"Kumuyom ang mga kamao ng babae, pero hindi ito natinag sa kinatatatuan"Please, huwag mong sirain ang pamilya na gusto kong buuin!" Ilang ulit siyang umiling pero tila walang pakialam si Narissa sa pag-iyak at pagluhod niya.Huminga ito nang malal

  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Ninety-one |2|

    HALOS manlisik ang mga mata ni Narissa habang nakatitig sa pader na nagsisilbing tanging harang sa silid na tinutuluyan niya at sa kuwarto nina Megara at Russel.Nanginginig ang mga kamao niya sa bawat ungol at halinghing na ginagawa ng dalawa. Nasisiguro niya na sinasadya ng mga ito ang ginagawa para marinig niya."Magbabayad ka sa ginawa mo. Sisiguraduhin ko na mababawi ko siya mula sa iyo!"Nangilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, subalit marahas niya itong pinalis. Malayo na ang narating niya. Hindi siya papayag na mauwi lang sa wala ang pagtitiis niya.Noong gabing iyon, matagal siyang nanatiling gising habang nakatitig sa kawalan. Nang umabot ang alas-tres ng madaling araw, walang ingay siyang lumabas ng silid at bumaba sa kusina.Mabilis niyang tiningnan ang sariling cell phone para i-check kung may natanggap ba siyang mensahe. Mahina siyang nagmura nang makitang walang ni isang text doon.Kinuha niya ang baso ng tubig at mabilis

  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Ninety-one

    PAGSAPIT ng alas-siete ng gabi, nasa ibaba na si Russel at nagluluto ng pagkain, habang siya, nasa loob pa rin ng silid at iniisip ang mga dapat gawin. Nang lumipas ang mahigit limang minuto mula nang bumaba ang lalaki, mabilis siyang lumapit sa kulay mahogany na cabinet, saka kinuha ang ilang underwear niya sa loob.Mula sa suot niyang damit, mabilis siyang nagpalit sa isang kulay pulang bikini na bumagay sa kulay at hubog ng katawan niya. Nagsuot pa siya ng see-through white kimono bago tuluyang lumabas ng silid."Russel, makinig ka sa akin!"Naabutan naman niyang nagtatalo sina Russel at Narissa. Ayon sa narinig niya, pinagpipilitan ng babae na iwan na siya ni Russel at piliin ito at ang bata ng asawa niya.Tumalim ang mga mata niya. Hindi nga siya nagkamali sa hinala. Mabilis siyang lumabas mula sa pinagkukublihan. Nakatalikod mula sa kaniya si Russel at abala sa paghuhugas ng mga gulay kaya hindi siya agad napansin nito.Nakuha niya ang atensi

  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Ninety |2|

    NAPAPIKIT siya ng mga mata nang marinig ang gustong mangyari ni Narissa. Inuutos nito na magsasama silang tatlo sa iisang bahay hangga't hindi pa nito naipapanganak ang bata.Mariin siyang tumutol sa gusto nitong mangyari. "Kung gusto mo ng makakasama, ikukuha kita ng katulong.""Ayoko nga!" mataray nitong tugon nang balingan siya. "Dalawa tayong gumawa nito, dapat dalawa tayo ang mag-asikaso.""Narissa!""Ano ka, sinusuwerte? Matapos mong gumawa ng bata, ibibigay mo sa iba ang responsibilidad?" Inirapan siya nito bago pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib.Tapos na silang mag-agahan at kasalukuyang pinag-uusapan ang dapat gawin dahil sa sitwasiyon ni Narissa. Nang balingan naman niya ng tingin si Megara, mahinahon itong nakaupo sa silya. Nakatutok ang mga mata nito sa mesa, minsan naman ay mag-aangat ng mukha sa babae."Hindi ako papayag sa gusto mo. Mas nanaisin ko pang sirain mo na lang ako sa mga tao, kaysa hayaan kang tumira k

  • The Billionaire's Two Wives    Chapter Ninety

    NANATILI sa loob ng silid si Megara habang nakatanaw siya sa pader. Yakap niya ang unan sa dibdib. Puno ng pangamba ang dibdib niya.Buong akala niya ay tapos na siya sa problemang ito, pero ngayong dumating na ang pinakahihintay niya, hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Ang galit na mayroon siya sa kaniyang dibdib, sa isang iglap, mabilis na naglaho.Ngayon ay kinukuwestiyon na niya ang sarili. Pakiramdam niya, siya ang may kasalanan ng lahat. Para bang siya pa ang nagdala ng problema sa kanila ni Russel.Nang hindi siya mapakali sa kinauupuan. Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa harap ng kama. Nasa labas si Russel at nakikipag-usap sa babae, habang siya ay piniling magkulong sa kuwarto.Ramdam niya ang panginginig ng mga kamay niya. Nangingilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa takot.Tumigil siya sa paglalakad at naupo sa dulo ng kama. "Diyos ko, ano'ng gagawin ko?"Tumingala siya at umusal nang

DMCA.com Protection Status