MABILIS na dinala ni Russel sa kanilang tainga ang sariling selpon nang makitang tumatawag ang asawa niyang si Meg. Napangiti pa siya nang marinig ang malambing nitong boses.
"Baby, nandito ako sa harap ng studio ni Walter." Bahagya siyang dumungaw sa bintanang salamin para tingnan ang gusali kung saan naroon ang studio ng photographer niyang kaibigan.
Natigilan siya nang marinig ang tanong ni Meg sa kabilang linya. Nahihimigan niya ng excitement ang boses nito habang sinasabi sa kaniya na nakahanda na ang mga gulay na isasahog sa ulam na gusto niya.
"Spicy chicken adobo," nakangiti niyang turan bago umibis ng sasakyan.
Diretso siyang pumasok sa salaming pinto ng entrance ng gusali saka agad na nagtungo sa second floor gamit ang hagdan.
"Sige, sarapan mo ang luto. Kung hindi masarap, ikaw na lang ang kakainin ko."
Lumapad ang ngiti sa mga labi niya nang marinig ang bahagyang pagtili ng babae sa kabilang linya. Tuluyan siyang nagpaalam dito nang maabot ang pinto ng silid ng lalaki.
Nasa itaas lang ng studio nito ang tinutuluyan ng kaibigan niya. Gusto niya itong personal na kausapin para sa trabaho na ibibigay rito.
Natigilan siya nang mapansing nakaawang nang bahagya ang pintuan ng kuwarto nito. Hinawakan niya ang doorknob at bahagyang itinulak ang pinto. Hindi pa man ito tuluyan na nabubuksan, natigilan siya nang marinig ang biglang pagsigaw ng boses ng isang babae.
"Walter! F-faster, please!"
Nag-angat siya ng paningin sa narinig. Mula sa sahig, napukol sa dalawang tao sa mahabang sofa ang paningin niya. Nasa tapat lang ito ng pinto kaya malinaw niyang nakita ang ginagawa ng dalawa.
Napangiti siya nang makitang nasa ibabaw ng isang nakabukakang babae ang kaibigan niya. Parehong hubo't hubad ang mga ito. Lalo pang lumalakas ang mga ungol.
Hinila niya ang siradura para maisara ang pinto, pero hindi pa man ito tuluyang naisasara, lumingon sa gawi niya ang babae at nagtama ang mga mata nila. Nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito bago tuluyang sumara ang pinto.
Sandali siyang tumigil at nag-isip. Pamilyar sa kaniya ang mukha ng babae. Kung hindi siya nagkakamali, isa itong modelo na unti-unti nang nakagagawa ng pangalan sa mundo ng modeling.
Muli na siyang bumaba at nagdesisiyon na umalis na lang. Babalikan na lang niya ang kaibigan kung kailan wala na itong tinatrabaho.
Bago tuluyang umuwi, dumaan siya sa isang flower shop at bumili ng kulay rosas na peonies. Paborito iyon ni Meg kaya iyon ang madalas niyang bilhin para dito sa tuwing umuuwi siya.
Nang marating ang bahay, gulat na sinalubong siya ng asawa sa pintuan. Nakasuot pa ito ng bulaklaking apron at medyo magulo ang nakapusod nitong buhok.
"Baby, early ka masiyado." Tumingkayad ito para bigyan siya ng halik sa pisngi.
Nakangiti niyang inabot ang biniling bulaklak dito. "Ayaw mo ba?"
"Siyempre, gusto! Pero I'm not done with the food yet."
Nakaakbay siya rito nang magtungo sila sa kusina. "It's okay. Tutulungan na lang kita para mabilis tayong makakain."
Malapad ang ngiting tumango sa kaniya ang babae. "Sandali. Hindi ba, nagpunta ka sa studio ni Walter? Wala ba siya roon?"
Mula sa harap ng fridge, pumunta siya sa likuran ng babae at niyakap ito mula sa likuran. Abala ang asawa niya sa paghuhugas ng patatas sa sink ng kitchen.
"Nandoon pero abala siya."
Dinantay niya ang baba sa kaliwang balikat nito saka ito hinalikan sa gilid ng buhok.
"Really? Himala. Kahit busy siya noon, pagdating sa iyo, nagbibigay siya ng oras, right?"
Kumalas siya sa pagkakayakap sa babae bago lumapit sa tabi nito at tumulong sa paghuhugas ng mga patatas at iba pang gagamitin sa pagluluto.
Biglang nagbalik sa isip niya ang larawan ng nasaksihan kanina. Ang nakahubad na babae at ang mukha nito nang bigla siyang ngitian.
Matapos nilang maghapunan ay dumiretso na sila sa kuwarto para makapagpahinga. Kadalasan ay mananatili muna sila ni Meg sa living room at manonood ng palabas sa harap ng telebisiyon. Pero sa gabing iyon, naglabas siya ng init ng katawan sa asawa.
Hindi na bago sa kaniya ang makakita ng ibang babae na nakahubad. Hindi rin iyon ang unang beses na naabutan niya si Walter na may katalik, pero iyon ang unang beses na tinablan siya ng libog sa ibang babae.
Sa loob ng dalawang taong pagsasama nila ni Meg, ni minsan ay hindi na siya nabuhayan ng katawan para sa ibang babae. Ni humanga sa panlabas na anyo ay hindi na niya magawa. Si Meg ang tanging naging babae sa puso't isipan niya, kaya nagtataka siya ngayon kung bakit nakaramdam siya ng pagnanasa para sa babae kanina.
Kinaumagahan ay hindi na niya nahintay na gumising ang babae. Matapos magluto ng breakfast para dito, agad na siyang umalis upang tumungo sa Hotel del Frando.
"Aliyah, are you sure he's here?" Ipinarada niya ang sariling kotse sa harap ng isang luxury hotel.
Iginala niya ang tingin sa paligid sa pagbabakasakali na makita ang matandang owner ng hotel sa labas.
"Yes, Sir Lacuesta. Ayon sa isang staff ng hotel, nandiyan siya ngayon para i-meet ang nag-iisang pamangkin niya."
Nagbuga siya ng hangin bago tumango kahit na hindi naman siya nakikita ng sekretarya. Akmang ibababa na niya ang tawag, nang bigla siyang matigilan sa sinabi nito.
"Sir, are you sure you can convince him? Marami nang sumubok na bilhin ang hotel niya, pero ni isa sa kanila ay walang nagtagumpay."
Napangiti siya sa sinabi nito. "Don't you trust me?"
Ilang segundong natigilan ang babae. "Cousin, I trust you, pero hindi basta-bastang tao si Mister Frando."
"And so am I. Magtiwala ka. Magagawa kong makuha ang Hotel del Frando."
Tuluyan niyang ibinaba ang tawag saka umibis ng sasakyan. Pinagmasdan pa niya sandali ang kabuuan ng hotel bago inayos ang suot niyang office suit. Palapit na siya sa entrance ng hotel nang bigla siyang natigilan sa narinig.
"Mister Lacuesta!" Lumingon siya sa likuran at nakita ang isang pamilyar na babae. Agad na umangat ang kamay nito sa ere para kawayan siya. "Hey!"
May ilang segundo niyang pinagmasdan ang nakangiting mukha ng babae. Agad niya itong nakilala nang makalapit ito sa kaniya.
"Are you here for Mister Frando?" Naglandas ang paningin nito sa kabuuan niya bago bahagyang ngumiti.
Bahagya siyang tumango bago pinaglandas ang paningin sa suot ng babae. Naka-colored pink tank ito at fitted blue jeans. Labas ang cleavage nito at kitang-kita ang makinis na kutis.
"If you're here for the hotel. I think, I can help you with that."
Sandali siyang natigilan sa narinig. "Really? At sa anong paraan naman?"
Pinagkrus ng babae ang dalawang braso nito sa tapat ng dibdib saka lalong lumapit sa kaniya. "Tutulungan kitang makuha ang hotel, pero sa isang kondisiyon."
Sumilay ang maliit na ngiti sa mga labi niya bago itinuon ang tingin sa lupa. Hindi niya maiwasang hindi isipin ang hitsura nito habang nakaibabaw rito ang kaibigan niyang si Walter.
"Thanks but no, thanks." Akmang tatalikuran na niya ang dalaga nang bigla siyang hawakan nito sa kamay.
"Masiyado mo naman akong minamaliit. Iniisip mo ba na hindi kita matutulungan?"
Nakita niya ang pagsilay ng matamis na ngiti sa mga labi nito. Sa puti ng babae, kitang-kita ang pamumula ng pisngi nito dahil sa init ng sikat ng araw.
"Paano mo naman ako matutulungan?" Tumango siya nang bahagyan. "Pero sige, kung kaya mo. Tatanggapin ko."
Lumapad ang ngiti sa mga labi nito. "I'm Rio Frando's only nephew. Parang anak na ang turing niya sa akin. Oras na hilingin ko sa kaniya na sa iyo ibenta ang hotel, I'm 100% sure he'll agree."
Natigilan siya nang marinig ang mga sinabi ng dalaga. Muling bumalik sa isip niya ang napag-usapan nila kanina ni Aliyah.
Bumuga siya ng hangin bago pinasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya.
Nakita niyang tinaasan siya nito ng isang kilay. "Well? Maraming nag-aabang sa uncle ko. Baka mahuli ka."
Tumango siya nang isang beses. "What's the deal?"
Muling lumapad ang ngiti sa mga labi nito. Bahagya pa nitong inayos ang mahaba at bagsak na bagsak nitong buhok bago muling nagsalita.
"Tutulungan kita, pero ang kapalit, kukunin mo akong modelo sa isang clothing line n'yo."
Napatango siya sa sinabi nito. "Is that all?"
Banayad na umiling ang babae. Mas lalo itong lumapit sa kaniya at hinawakan pa ang kabilang balikat niya.
"I heard you were a good photographer before you became the CEO of Lacuesta Corporation."
Tuluyan nitong tinawid ang natitirang espasiyo sa pagitan nila, saka tumingkayad para maabot ang kabilang tainga niya.
"Gusto ko... ikaw mismo ang maging photographer ko."
Tinitigan siya nito at nang-aakit na ngumiti. May ilang segundo niyang tinitigan ang babae habang nag-iisip. Makaraan ng ilang sandali ay sumusuko siyang nagbuga ng hangin.
"Alright."Lumaki ang ngiti sa mga labi ng babae. Ngayon ay malaya niyang nakikita ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin.
"So, it's a deal?"
Nakangiti siyang tumango rito."Kung magagawa mong kumbinsihin ang uncle mo."
Inabot nito ang kamay sa kaniya. "Sure. By the way, I'm Narissa Castelar."
Mula sa nang-aakit nitong ngiti at mga titig, bumaba ang paningin niya sa kamay nito. Tinanggap niya iyon saka ngumiti rin.
"Russel Lacuesta."
Kinagat ng babae ang ibabang labi nito, lalong humigpit ang pagkakahawak sa kamay niya. "Nice to finally meet you, Russel."
PUMASOK si Russel sa malawak na restaurant ng del Frando hotel at pinaglandas ang paningin sa buong paligid. Tunay ngang mataas ang pamantayan ng kilalang si Rio Frando. Kitang-kita iyon sa disenyo ng hotel mula sa labas, sa lobby maging hanggan sa restaurant nito na talaga dinadayo pa ng mga matataas na tao sa lipunan.Sa araw na iyon ay tuluyan nang nagsara ang Hotel del Frando. Balak na ng lalaki na abandonahin ito dahil sa isang masamang alaala na hatid ng hotel sa lalaki. Kaya nagkakandarapa ang mga negosiyante na mabili ito, dahil paniguradong limpak-limpak na pera ang kikitain ng masuwerteng makabibili sa hotel.Inayos niya ang necktie ng suot niyang gray suit bago tuluyang nilingon ang entrance ng restaurant nang marinig ang pagbukas ng pintuan nito. Napangiti siya nang bumungad sa kaniya ang lalaking may katandaan na ngunit matikas pa rin ang pangangatawan. Sa palagay niya ay nasa animnapu't lima na ang edad ng lalaki pero dahil sa may lahi ito, mababakas pa r
ILANG linggo na rin ang lumilipas simula nang contact-in siya ni Narissa para ipaalala ang napag-usapan nila ng babae. Um-oo lamang siya rito ngunit hindi pa niya lubusang napagdedesisiyunan ang lahat.Matapos isuot ang blazer jacket na ang kulay ay tan, nakangiti siyang bumaling sa asawa matapos nitong lumabas mula sa loob ng banyo ng nila. Dala ng asawa sa isang kamay ang pregnancy test na binili niya kahapon lang."Ang sabi ng doctor, mas magandang gawin ito sa umaga dahil wala ka pang naiinom na kahit na ano at hindi pa rin nakaiihi. Accurate ang lalabas na resulta sa pregnancy test."Ngumiti siya nang makalapit ang babae sa kaniya. Pero nang mapansin ang lungkot sa mga mata nito, hindi pa man niya nakikita ang pregnancy kit, may hinala na siya sa resulta.Malungkot na ipinakita sa kaniya ni Meg ang isang pulang linya sa kulay puti at hugis-kahon na bagay na hawak nito.Aaminin niyang nakaramdaman siya ng lungkot, pero pinili niyang ngumiti upa
PINANOOD niya ang sariling asawa habang nagmamadali nitong inayos ang mga gamit niya sa loob ng maliit na maleta. Alas-kuwatro pa lang nang mga oras na iyon pero gising na ito at inaasikaso siya.Nang matapos sa ginagawa ang babae, hinapit niya ito sa baywang at mahigpit na niyakap. "Thank you, baby."Napangiti naman si Meg nang maramdaman ang init ng katawan niya. Kumalas ito sa yakapan nila at masuyo siyang hinalikan sa pisngi."Anything for you."Tuluyan niyang kinuha ang maleta habang bitbit sa isang kamay ang briefcase kung saan naroon ang ilang mahahalagang dokumento na kailangan niyang dalhin. Bumaba na sila ng asawa at diretsong tumungo sa pinto."Sure ka na, ayaw mong ihatid kita?" Bakas ang lungkot sa boses ni Meg.Binitiwan niya ang maletang hawak at inipit ang ilang hibla ng buhok ng babae sa likuran ng tainga nito. Kahit bagong gising lang ito at bahagya pang magulo ang buhok, hindi pa rin niya mapigilan ang ma-attract sa sarili
MARAHAS na nagbuga ng hangin si Russel bago mabilis na hinawakan ang kamay ni Narissa at pilit iyong inaalis mula sa nakaumbok niyang pantalon."Stop this, Miss Castelar. Hindi na ako natutuwa."Ngumiti lang ito sa sinabi niya. Binawi nito ang kamay at bahagya pa iyong itinaas bago nakaarko ang mga kilay na umiling."Okay, but in one condition."Nagsalubong ang mga kilay niya. "Bakit ba napakahilig mo sa mga kundisiyon?"Nagkibit ito ng balikat, naroon pa rin ang matamis na ngiti sa mga labi. "Let's play. Bored ako.""Maglaro ka kung gusto mo. Aalis na ako." Tinalikuran niya ito pero muli siyang pinigilan ng babae sa braso.Humakbang ito patungo sa harap niya at makahulugang ngumiti. Tila naglalaro lang ito nang pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib at nagpipigil ng ngiting tinitigan siya mula ulo hanggang paa."I get it. Natatakot ka siguro, right?""Natatakot?" Sa pagkakataong iyon, halata na ang inis sa bose
MABILIS na dumapo ang kamay ni Russel sa gilid ng ulo nang maramdaman ang matinding kirot doon. Hindi lang ang ulo niya ang nananakit, pati ang likod niya, humahapdi rin sa hindi niya malamang dahilan.Mabilis siyang natigilan nang makita ang puti at makapal na kumot ng kama. Tumatakip iyon sa ibabang bahagi niya. Noon lang niya napansin na nakahubad pala siya. Ginala niya ang tingin sa buong paligid at nakitang nagkalat sa sahig ang mga hinubad niyang damit. Sa dulo ng kama naman ay naroon ang isang itim na evening dress.Mabilis na sumagi sa isip niya ang dalagang si Narissa, pati na rin ang nangyari kagabi sa kanila. Umangat ang paningin niya at hinanap ng mga mata ang babae.Tumigil sa nakabukas na balkonahe ang paningin niya. Naroon at nakaupo sa tabi ng coffee table ang dalaga, nakasuot ito ng kulay rosas na bathrobe at nakatapis ng tuwalyas ang buhok. Sa kanang kamay ay hawak nito ang tasa ng tsaa at sa kaliwa naman ay isang cup plate.Dismayadong
ISANG malalim na ungol ang kumawala sa mga labi ni Russel nang maramdaman ang matinding kirot sa kaniyang ulo. Bumangon siyang sapu-sapo ang kanang ulo niya dahil sa nararamdamang sakit doon.Minulat niya ang mga mata at iginala ang paningin. Nasa loob na siya ng hotel suite nila ni Narissa. Nang maalala ang babae, pakiramdam niya ay bigla siyang nagising.Ginala niya ang paningin sa buong paligid pero hindi niya ito makita. Ang balkonahe ay nakasara at wala rin siyang marinig na ingay mula sa loob ng banyo. Tumayo siya habang nakapulupot sa baywang ang puting kumot. Humakbang siya patungo sa pinto ng banyo at binuksan iyon.Kunot ang noong luminga siya sa buong suite nang hindi makita ang dalaga sa loob ng shower room. Kahit saan niya ibaling ang paningin, wala siyang makitang ni bakas ng babae.Bumuntong-hininga siya bago lumapit sa fridge sa maliit na home bar saka kumuha ng tubig na maiinom sa loob.Naiiling niyang sinapo ang ulo matapos uminom
MALAKAS na kumabog ang dibdib ni Russel nang marinig ang sinabi ng dalaga. Ilang segundo niya pang pinaglandas ang mga mata sa buong papeles bago mabilis na ibinaba ang mga iyon at biglang tumayo."What's this? Bakit nandito ang pirma ko? What did you do, Narissa!"Umarko ang isang kilay ng babae. Tila hindi makapaniwalang ngumiti. "Hold your horses, Mister Lacuesta. Wala akong ginagawa—""Puwes, ano ito! Anong ka-bullshit-an ito!"Para bang walang pakialam na nagkibit-balikat ang dalaga bago umupo sa silyang nasa harap ng mesa niya."Hindi mo ba nakikita? Nagpakasal tayo. We got married in Vegas!"Hindi niya nagawang magsalita matapos ng mga narinig. Ilang ulit siyang lumunok habang nakatitig sa pagmumukha ng babae.Pilit niyang hinahanap sa bawat korte ng mukha nito ang bakas ng pagbibiro, pero bigo siyang makita. Mula sa dalaga ay ibinaling niya ang paningin sa kontrata. Pilit niyang inaalala kung paano siya
NAALIMPUNGATAN si Megara nang marinig ang mahinang ringtone ng alarm niya sa selpon. Minulat niya ang mga mata at agad na naramdaman ang bigat ng kamay ni Russel sa tiyan niya.Nakayakap sa kaniya ang asawa mula sa likuran. Siya naman ay nakaharap sa kanan. Kinuha niya sa ibabaw ng tokador ang cell phone at agad itong d-in-ismiss. Kinuha niya ang kamay ni Russel na nakayakap sa kaniya saka maingat iyong ibinaba.Nilingon niya ito sa kaliwa niya at napangiti nang makita kung gaano ito kahimbing. Bumaba ang mukha niya saka kinantilan ng halik sa pisngi ang lalaki."I love you, baby," bulong pa niya sa tainga nito.Umungol si Russel bago tuluyang tumihaya at binaling ang mukha sa kaliwa. Mahimbing pa rin itong natutulog. Maingat siyang kumilos, iniiwasan na makagawa ng ingay para hindi magising ang lalaki. Hubo't hubad pa rin siya mula sa nagdaang pagtatalik nila ng asawa.Nang makababa ng kama ay diretso siyang pumasok sa walk-in closet nila at kumuh
MALAKAS siyang humiyaw nang makita ang nakabulagta na katawan ng lalaki sa sahig. Ilang ulit siyang umiling habang nangingilid ang mga luha sa magkabila niyang pisngi.Ilang segundong walang lumabas na boses mula sa bibig niya. Nakaawang lamang ang mga labi niya at sunod-sunod sa pag-agos ang luha sa magkabilang pisngi."R-Russel!" Sa wakas ay nagawa niyang isatinig habang nanginginig ang katawan niya sa labis na kilabot na nararamdaman. "Russel!"Muling tumawa si Narissa. Nangingilid ang luha sa magkabila nitong pisngi. Marahas siya nitong hinawakan sa braso at buong puwersang hinatak palayo roon."Bitiwan mo ako! Russel! Huwag!" Pilit inaabot ng kamay niya ang katawan ng lalaki, subalit marahas siyang hinatak ni Narissa.Kahit pa nang bumagsak siya sa sahig dahil sa pagpipilit na makawala rito, kinaladkad pa rin siya nito patungo sa pintuan.Pilit siyang pinatayo ng babae hanggang sa makalabas sila ng beach house."Ano'ng tinitingin
NGUMISI ang babaeng si Narissa matapos niyang mahablot sa buhok si Megara. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa buhok nito bago nito bago kinuha ang baril na itinatago niya sa kaniyang likod."Ilang taon man ang lumipas, kahit kailan, hindi kita magagawang kalimutan, Meg! Kung hindi ka na rin lang magiging akin, hindi ka rin mapupunta sa kaniya!"Sa sinabi niyang iyon, malakas na humiyaw si Megara bago tinabig ang baril na hawak niya. Hindi sinasadyang mapaputok niya iyob kaya mabilis na nagtakip ng magkabilang tainga nito si Megara nang makawala sa kaniya.Napalingon naman siya sa pinto nang marinig ang paghinto ng isang kotse sa labas ng bahay. Mabilis niyang pinulupot ang mga braso sa leeg ng babae at tinutukan ito ng baril.Sumunod ay bigla na lamang bumukas ang pintuan ng bahay at bumungad sa kanila ang gulat na mukha ni Russel."Megara!"Ngumisi siya nang marinig ang nag-aalalang boses ng lalaki. Akmang lalapitan sila nito pero agad niy
MALAPAD na ngumiti si Narissa bago nginuso ang silyang katapang nito. Tila inuutusan siyang maupo roon."Mag-uusap tayo."Binawi niya ang paningin at binitiwan ang hawak na siradura. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumapit dito, subalit hindi na siya naupo at nanatili na lang na nakatayo."Hindi ko naisip na aabot ka sa ganito.""Ako rin," mabilis nitong tugon. "Ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaganito ako. Ang dami kong tao na nagamit, para lang makaabot sa kung nasaan ako ngayon. Nagpanggap pa akong buntis ako, sinulsulan ang mga doctor, maipalabas lang na totoo ang kasinungalingan ko."Umiling siya sa babae. "Itigil mo na ito, Narissa. Tama na. Magbagong-buhay na tayo.""Nasasabi mo iyan kasi masaya ka. Paano naman ako?" Lumamlam ang mga mata ng babae.Mariin siyang lumunok. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin, para lang makumbinsi ang babae na tumigil na."Hindi puwede, Meg. Hangga't hindi ka bumabalik sa
MATAPOS maligo ni Russel ay naabutan nito ang asawa sa dulo ng kama. Nakaupo habang nakatulala sa kawalan. Agad siyang nakaramdam ng kaba nang maisip na baka may nangyari dito nang iwan niya.Mabilis niyang nilapitan ang asawa at lumuhod sa paanan nito. "Baby, what's the matter? I-inaway ka ba ni Narissa? May ginawa ba siya sa iyo?"Mabilis itong umiling nang mapansin ang galit at pag-aalala sa tono niya. Mariin itong lumunok bago yumakap sa kaniya nang mariin."Russel." Nagsimula itong umiyak habang yumuyugyog ang balikat.Nang dahil dito ay mas lalo siyang kinabahan. Mula sa pagkakaluhod, tumayo siya at naupo sa tabi nito."Ano ba'ng nangyari? Sabihin mo sa akin." Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at nag-aalalang tinitigan.Humihikbi itong lumuluha. Hindi ito nagsalita pero nagpatuloy lang sa pag-iyak. Lalo siyang nakaramdam ng takot nang dahil doon."Meg, tinatakot mo ako. Sabihin mo na sa akin, ano ba'ng problema?"P
MATAGAL binalot ng katahimikan ang dalawang babae matapos silang maiwan ni Russel. Nakakrus ang dalawang braso ni Narissa sa tapat ng dibdib nito, siya naman ay mataman na nakatitig sa babae.Nag-umpisang mangilid ang luha sa magkabilang pisngi niya. Nang makita iyon ni Narissa ay napapalunok itong nag-iwas ng tingin.Huminga siya nang malalim bago lumapit sa harap nito. Ilang ulit pa siyang huminga bago tuluyang lumuhod sa paanan ng babae. Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa magkabilang pisngi niya.Tumalim naman ang mga mata ni Narissa. Pilit nitong iniiwas ang mukha sa kaniya ngunit hindi nito naitago ang pamumula ng mga mata."Please, please, nagmamakaawa ako. Riss, pabayaan mo na kami!"Kumuyom ang mga kamao ng babae, pero hindi ito natinag sa kinatatatuan"Please, huwag mong sirain ang pamilya na gusto kong buuin!" Ilang ulit siyang umiling pero tila walang pakialam si Narissa sa pag-iyak at pagluhod niya.Huminga ito nang malal
HALOS manlisik ang mga mata ni Narissa habang nakatitig sa pader na nagsisilbing tanging harang sa silid na tinutuluyan niya at sa kuwarto nina Megara at Russel.Nanginginig ang mga kamao niya sa bawat ungol at halinghing na ginagawa ng dalawa. Nasisiguro niya na sinasadya ng mga ito ang ginagawa para marinig niya."Magbabayad ka sa ginawa mo. Sisiguraduhin ko na mababawi ko siya mula sa iyo!"Nangilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, subalit marahas niya itong pinalis. Malayo na ang narating niya. Hindi siya papayag na mauwi lang sa wala ang pagtitiis niya.Noong gabing iyon, matagal siyang nanatiling gising habang nakatitig sa kawalan. Nang umabot ang alas-tres ng madaling araw, walang ingay siyang lumabas ng silid at bumaba sa kusina.Mabilis niyang tiningnan ang sariling cell phone para i-check kung may natanggap ba siyang mensahe. Mahina siyang nagmura nang makitang walang ni isang text doon.Kinuha niya ang baso ng tubig at mabilis
PAGSAPIT ng alas-siete ng gabi, nasa ibaba na si Russel at nagluluto ng pagkain, habang siya, nasa loob pa rin ng silid at iniisip ang mga dapat gawin. Nang lumipas ang mahigit limang minuto mula nang bumaba ang lalaki, mabilis siyang lumapit sa kulay mahogany na cabinet, saka kinuha ang ilang underwear niya sa loob.Mula sa suot niyang damit, mabilis siyang nagpalit sa isang kulay pulang bikini na bumagay sa kulay at hubog ng katawan niya. Nagsuot pa siya ng see-through white kimono bago tuluyang lumabas ng silid."Russel, makinig ka sa akin!"Naabutan naman niyang nagtatalo sina Russel at Narissa. Ayon sa narinig niya, pinagpipilitan ng babae na iwan na siya ni Russel at piliin ito at ang bata ng asawa niya.Tumalim ang mga mata niya. Hindi nga siya nagkamali sa hinala. Mabilis siyang lumabas mula sa pinagkukublihan. Nakatalikod mula sa kaniya si Russel at abala sa paghuhugas ng mga gulay kaya hindi siya agad napansin nito.Nakuha niya ang atensi
NAPAPIKIT siya ng mga mata nang marinig ang gustong mangyari ni Narissa. Inuutos nito na magsasama silang tatlo sa iisang bahay hangga't hindi pa nito naipapanganak ang bata.Mariin siyang tumutol sa gusto nitong mangyari. "Kung gusto mo ng makakasama, ikukuha kita ng katulong.""Ayoko nga!" mataray nitong tugon nang balingan siya. "Dalawa tayong gumawa nito, dapat dalawa tayo ang mag-asikaso.""Narissa!""Ano ka, sinusuwerte? Matapos mong gumawa ng bata, ibibigay mo sa iba ang responsibilidad?" Inirapan siya nito bago pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib.Tapos na silang mag-agahan at kasalukuyang pinag-uusapan ang dapat gawin dahil sa sitwasiyon ni Narissa. Nang balingan naman niya ng tingin si Megara, mahinahon itong nakaupo sa silya. Nakatutok ang mga mata nito sa mesa, minsan naman ay mag-aangat ng mukha sa babae."Hindi ako papayag sa gusto mo. Mas nanaisin ko pang sirain mo na lang ako sa mga tao, kaysa hayaan kang tumira k
NANATILI sa loob ng silid si Megara habang nakatanaw siya sa pader. Yakap niya ang unan sa dibdib. Puno ng pangamba ang dibdib niya.Buong akala niya ay tapos na siya sa problemang ito, pero ngayong dumating na ang pinakahihintay niya, hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Ang galit na mayroon siya sa kaniyang dibdib, sa isang iglap, mabilis na naglaho.Ngayon ay kinukuwestiyon na niya ang sarili. Pakiramdam niya, siya ang may kasalanan ng lahat. Para bang siya pa ang nagdala ng problema sa kanila ni Russel.Nang hindi siya mapakali sa kinauupuan. Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa harap ng kama. Nasa labas si Russel at nakikipag-usap sa babae, habang siya ay piniling magkulong sa kuwarto.Ramdam niya ang panginginig ng mga kamay niya. Nangingilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa takot.Tumigil siya sa paglalakad at naupo sa dulo ng kama. "Diyos ko, ano'ng gagawin ko?"Tumingala siya at umusal nang