“Good morning mommy and daddy!” masayang bati sa amin ni Sammy at Daniel. Hinalikan ko naman sila sa pisngi.
“Good morning, how’s your night?”“Okay lang naman po, medyo nanibago lang po kasi wala kaming katabi ni Kuya.”“I’m sorry baby, hindi ko na kayo napuntahan kagabi.”“Okay lang naman po. How’s your feeling Daddy? Magaling ka na po?” baling niya naman kay Samuel. Naghanda naman na ako ng mga pagkain sa lamesa.“Okay na ako baby, magaling na nurse ang Mommy niyo eh.” Mapangloko niya pa niyang saad sa mga bata. Sinamaan ko naman siya ng tingin.“Wala po talagang tatalo kay Mommy sa pag-aalaga, hindi ka niya iiwan hangga’t hindi ka nagaling.”“Kaya nga magaling na ang Daddy baby eh.”“What happened to you po ba Daddy, bakit ka sinakit?” tanong naman ni Daniel.“Medyo naging busy lang anak sa trabaho pero okay na ang Daddy.” Ngiti niyang saad, nilagyan ko naman na ng mga pagIniwan ko na muna ang mga bata sa mansion ni Samuel at umuwi na muna ako. Mabilis ko namang binuksan ang Ipad ko dahil dun sinend ng taong inuutusan ko sa pag-iimbestiga ang mahahalagang impormasyon. “Hello?” sagot ko ng may tumawag sa cell phone ko. [Confirm, ang kompanyang siyang pinapatakbo ng mga Santos ngayon ay hindi sa kanila kundi sa isang matalik nilang kaibigan na namayapa na maraming taon na ang nakakalipas.] “Ang ibig mo bang sabihin ay ibinigay sa kanila ang kompanyang iyun?” [Hindi, nagtataka lang ako sa mga nalaman ko at sigurado akong tama ang mga nakuha kong impormasyon. Mahirap lang ang mga Santos noon at kaibigan nila ang pamilyang Guerero na nagmamay-ari ng kompanya ng mga Santos ngayon. Namatay sa isang car accident ang mag-asawang Guerero pero noong inaalam nila kung anong naging sanhi ng aksidente ay walang sira yung sasakyan, ibig sabihin sinadya ang pagkamatay nila. May isang anak na babae ang mag-asawang yun p
THIRD PERSON POV “Gusto kong alamin mo ang bawat kilos ni Tiffany, masama ang kutob ko sa mga plano niya.” saad ni Samuel kay Noah. Nasa garden sila ngayon at dun nag-uusap. Iba ang pakiramdam niya sa nararamdamang galit ni Tiffany. Hindi niya rin alam kung bakit bigla na lamang inihabilin ni Tiffany ang mga anak nila sa kaniya. “Paanong iba ang kutob mo?” “Sa tingin ko may mga plano siyang hindi niya ipinapaalam sa akin. Gusto niyang mapabagsak ang kompanya ng mga Bautista at ganun na rin sa mga Santos. Parang may mali, alam kong may mali hindi ko lang alam kung ano kaya gusto kong alamin mo iyun. Alamin mo kung bakit yung galit niya ay mas lalong umapoy, pakiramdam ko poot na ang nararamdaman niya.” “Baka naman desidido lang talaga siyang mapabagsak ang mga taong nagpahirap sa kaniya noon.” “Hindi, dahil noong nakipagkasundo siya sa akin ay sinabi niyang tulungan ko siya pero ngayon kumikilos na lang siya
Mabagal ang patakbo ng sasakyan ni Tiffany, naikabig niya na lamang ng mabilis ang kaniyang sasakyan ng may biglang sasakyan ang muntik siyang banggain. “Gagong iyun, akala yata sa sarili hari ng daan.” Inis pa niyang saad sa kaniyang sarili. Mabilis naman siyang nakarating sa kompanya ng mga Santos at walang katok niyang pinasok ang opisina nito. Naabutan niya naman ang matandang Santos na nakapamulsa habang nakatingin sa ibaba. “Nandito ako para kausapin ka sa maayos na paraan.” Agaw atensyon naman ni Tiffany. Hinarap naman siya ni Mr. Santos. “Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan mahal kong anak?” “Huwag mo akong tatawaging anak dahil wala akong amang katulad mo.” inis niyang saad, napahigpit na lamang ang hawak niya sa envelope. “Tiffany,” sambit naman ni Mrs. Santos ng makapasok ito sa opisina. “Ano bang dapat nating pag-usapan para matigil na ito at makabalik na lang tayo sa kaniya-kaniya nating buhay. Maupo ka at ma
“Samuel ano ba talagang nangyari? Bakit nagkaroon ng ganung klaseng pangyayari?” umiiyak ng tanong ni Shine kay Samuel na nakatulala naman at kung saan lang nakatingin. “Samuel kausapin mo ako! Anong nangyari?!” sigaw na ni Shine dahil kanina pa siya walang nakukuhang sagot mula kay Samuel. Naihilamos na lamang ni Samuel ang dalawa niyang palad sa kaniyang mukha at paulit ulit na umiiling habang muling nalandas ang mga luha sa kaniyang pisngi. “I don’t know, biglaan ang mga nangyari. Naabutan ko na lang sila sa ganung posisyon. Nakita ko na lang kung paano sumabog ang sasakyan ng mag-asawang Santos.” Tulala pa rin niyang sagot, nasabunutan na lamang ni Shine ang kaniyang sarili. Pareho silang nakaupo ngayon sa waiting area ng hospital. Kinuha na lamang ni Samuel ang kaniyang cell phone na kanina pa ring ng ring. “Hello mom?” “Goodness Samuel, what happened anak? Walang laman ang mga balita kundi tungkol kay Tiffany at sa mga magulang n
Abala ngayon si Ava dahil sa pagkamatay ng mga magulang niya at hindi natin alam ang pwede niyang gawin matapos niyang ipalibing ang mga magulang niya. Tiningnan ko ang cell phone ko kung sino ang tumatawag dun, sinagot ko na lang ng si Noah ang nakita kong natawag. “Yes hello?” “Nakita ko sa balita ang nangyari, kamusta si Tiffany?” “Nasa ICU siya.” “Ganun kalala? Bakit humantong sa habulan?” “Hindi ko rin alam, siguro may nasabi si Tiffany sa kanila tungkol sa mga nalalaman niya. Dala dala niya rin ang mga ebidensya sa mga nagawang krimen ng mga Santos sa pamilya ni Tiffany.” “Maaaring gusto niyang ibigay iyun sa mga pulis pero sinundan siya ng mag-asawa para pigilan sa maaari niyang gawin. Nalaman kong ilang beses binangga ang sasakyan ni Tiffany at balak nilang ibangga siya sa poste pero ang nangyari sila ang bumangga. Alam kong magiging malakas si Tiffany at magiging okay din siya kaya huwag kan
“Hindi pa ba siya nagigising?” tanong ni mommy ng makapasok siya. Tanging iling na lang ang sinagot ko sa kaniya. Pinupunasan ko ang katawan niya ng basang towel. Nailipat naman na rin siya sa isang private room “Magpahinga ka na muna anak, tingnan mo nga iyang mga mata mo lubog ba lubog na at pulang pula na rin para ka ng nag-aadik niyan eh.” “Mom, paano ako makakapagpahinga ng maayos kung yung asawa ko hanggang ngayon ay nandito pa rin?” “Hindi mo naman kasalanan, walang may gusto na mangyari ito. Kung nakikita ka lang ng asawa mo ngayon? malamang nagagalit na rin yun sayo dahil pinapabayaan mo ang sarili mo. Ano na lang iisipin niya kapag nagising siya? na siya ang naging dahilan kung bakit ka naging ganiyan? Anak magiging okay si Tiffany kaya huwag kang masyadong mag-alala. Kumain ka na muna ron at ako na diyan, matulog ka rin kahit kaunti lang. Sige na.” “Tapusin ko lang siyang linisin mom, yung mga bata pala kamusta?” “Ayun kahit
“Hello Daddy!” masigla nilang bati sa akin. Ngumiti naman ako sa kanila at hindi ipinakita kung ano talagang tunay kong nararamdaman. “Hello babies, kamusta naman kayo diyan? Kumakain ba kayo ng marami? Maaga ba kayong natutulog? Kamusta ang pasok sa school?” masigla kong tanong, ayaw kong maramdaman nila ang nararamdaman ko ngayon. “Okay lang naman po kami Daddy, bakit hindi na po kayo nauwi ni Mommy? Ayaw niyo na po ba sa amin? Kung masyado po kaming makulit magbabago na po kami ni Kuya, umuwi lang po kayo.” Malungkot niya ng saad. “Baby, sino ba nagsabi sayong ayaw namin sa inyo at susuntukin ko, masyado lang kaming busy ni Mommy diba alam niyo namang nasa business trip kami? hayaan niyo kapag natapos kami rito ay uuwi kami kaagad. Anong gusto niyong pasalubong?” tanong ko, napaisip naman silang dalawa. “Ikaw Daniel, gusto mo bang ibilhan kita ng lahat ng books ng Harry Potter?” sumilay naman sa kaniya ang isang malaking ngiti. &n
TIFFANY POV Muli kong pinalis ang mga naglandas na luha sa aking pisngi. Hindi ito ang gusto kong mangyari, sila pa rin naman yung kinilala kong mga magulang. Gusto ko lang naman na sumuko sila ng kusa at kung inisip ko mang patayin sila kung paano nila pinatay ang mga magulang ko ay binawi ko yun. Kahit na anong galit ko hindi ko pa rin naman kayang pumatay o magpapatay ng tao. “Wala kang kasalanan, huwag mong sisihin ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo ginawa.” Pagpapalakas loob sa akin ni Samuel, simula ng magising ako ay siya lang ang nandito. Nalaman ko ring nasa isang private room ako dahil baka bigla akong pasukin ni Ava. Hindi ko siya masisisi kung punong puno ng galit ang puso niya ngayon ng dahil sa akin at kung mapatay man niya ako dala na lang ng galit niya. “May balita na ba kayo kay Ava? Kamusta ang pagpapalibing niya?” “Tatlong araw lang niya pinaburol ang mga magulang niya, wala pa kaming masyadong b