Mabagal ang patakbo ng sasakyan ni Tiffany, naikabig niya na lamang ng mabilis ang kaniyang sasakyan ng may biglang sasakyan ang muntik siyang banggain.
“Gagong iyun, akala yata sa sarili hari ng daan.” Inis pa niyang saad sa kaniyang sarili. Mabilis naman siyang nakarating sa kompanya ng mga Santos at walang katok niyang pinasok ang opisina nito. Naabutan niya naman ang matandang Santos na nakapamulsa habang nakatingin sa ibaba.“Nandito ako para kausapin ka sa maayos na paraan.” Agaw atensyon naman ni Tiffany. Hinarap naman siya ni Mr. Santos.“Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan mahal kong anak?”“Huwag mo akong tatawaging anak dahil wala akong amang katulad mo.” inis niyang saad, napahigpit na lamang ang hawak niya sa envelope.“Tiffany,” sambit naman ni Mrs. Santos ng makapasok ito sa opisina. “Ano bang dapat nating pag-usapan para matigil na ito at makabalik na lang tayo sa kaniya-kaniya nating buhay. Maupo ka at ma“Samuel ano ba talagang nangyari? Bakit nagkaroon ng ganung klaseng pangyayari?” umiiyak ng tanong ni Shine kay Samuel na nakatulala naman at kung saan lang nakatingin. “Samuel kausapin mo ako! Anong nangyari?!” sigaw na ni Shine dahil kanina pa siya walang nakukuhang sagot mula kay Samuel. Naihilamos na lamang ni Samuel ang dalawa niyang palad sa kaniyang mukha at paulit ulit na umiiling habang muling nalandas ang mga luha sa kaniyang pisngi. “I don’t know, biglaan ang mga nangyari. Naabutan ko na lang sila sa ganung posisyon. Nakita ko na lang kung paano sumabog ang sasakyan ng mag-asawang Santos.” Tulala pa rin niyang sagot, nasabunutan na lamang ni Shine ang kaniyang sarili. Pareho silang nakaupo ngayon sa waiting area ng hospital. Kinuha na lamang ni Samuel ang kaniyang cell phone na kanina pa ring ng ring. “Hello mom?” “Goodness Samuel, what happened anak? Walang laman ang mga balita kundi tungkol kay Tiffany at sa mga magulang n
Abala ngayon si Ava dahil sa pagkamatay ng mga magulang niya at hindi natin alam ang pwede niyang gawin matapos niyang ipalibing ang mga magulang niya. Tiningnan ko ang cell phone ko kung sino ang tumatawag dun, sinagot ko na lang ng si Noah ang nakita kong natawag. “Yes hello?” “Nakita ko sa balita ang nangyari, kamusta si Tiffany?” “Nasa ICU siya.” “Ganun kalala? Bakit humantong sa habulan?” “Hindi ko rin alam, siguro may nasabi si Tiffany sa kanila tungkol sa mga nalalaman niya. Dala dala niya rin ang mga ebidensya sa mga nagawang krimen ng mga Santos sa pamilya ni Tiffany.” “Maaaring gusto niyang ibigay iyun sa mga pulis pero sinundan siya ng mag-asawa para pigilan sa maaari niyang gawin. Nalaman kong ilang beses binangga ang sasakyan ni Tiffany at balak nilang ibangga siya sa poste pero ang nangyari sila ang bumangga. Alam kong magiging malakas si Tiffany at magiging okay din siya kaya huwag kan
“Hindi pa ba siya nagigising?” tanong ni mommy ng makapasok siya. Tanging iling na lang ang sinagot ko sa kaniya. Pinupunasan ko ang katawan niya ng basang towel. Nailipat naman na rin siya sa isang private room “Magpahinga ka na muna anak, tingnan mo nga iyang mga mata mo lubog ba lubog na at pulang pula na rin para ka ng nag-aadik niyan eh.” “Mom, paano ako makakapagpahinga ng maayos kung yung asawa ko hanggang ngayon ay nandito pa rin?” “Hindi mo naman kasalanan, walang may gusto na mangyari ito. Kung nakikita ka lang ng asawa mo ngayon? malamang nagagalit na rin yun sayo dahil pinapabayaan mo ang sarili mo. Ano na lang iisipin niya kapag nagising siya? na siya ang naging dahilan kung bakit ka naging ganiyan? Anak magiging okay si Tiffany kaya huwag kang masyadong mag-alala. Kumain ka na muna ron at ako na diyan, matulog ka rin kahit kaunti lang. Sige na.” “Tapusin ko lang siyang linisin mom, yung mga bata pala kamusta?” “Ayun kahit
“Hello Daddy!” masigla nilang bati sa akin. Ngumiti naman ako sa kanila at hindi ipinakita kung ano talagang tunay kong nararamdaman. “Hello babies, kamusta naman kayo diyan? Kumakain ba kayo ng marami? Maaga ba kayong natutulog? Kamusta ang pasok sa school?” masigla kong tanong, ayaw kong maramdaman nila ang nararamdaman ko ngayon. “Okay lang naman po kami Daddy, bakit hindi na po kayo nauwi ni Mommy? Ayaw niyo na po ba sa amin? Kung masyado po kaming makulit magbabago na po kami ni Kuya, umuwi lang po kayo.” Malungkot niya ng saad. “Baby, sino ba nagsabi sayong ayaw namin sa inyo at susuntukin ko, masyado lang kaming busy ni Mommy diba alam niyo namang nasa business trip kami? hayaan niyo kapag natapos kami rito ay uuwi kami kaagad. Anong gusto niyong pasalubong?” tanong ko, napaisip naman silang dalawa. “Ikaw Daniel, gusto mo bang ibilhan kita ng lahat ng books ng Harry Potter?” sumilay naman sa kaniya ang isang malaking ngiti. &n
TIFFANY POV Muli kong pinalis ang mga naglandas na luha sa aking pisngi. Hindi ito ang gusto kong mangyari, sila pa rin naman yung kinilala kong mga magulang. Gusto ko lang naman na sumuko sila ng kusa at kung inisip ko mang patayin sila kung paano nila pinatay ang mga magulang ko ay binawi ko yun. Kahit na anong galit ko hindi ko pa rin naman kayang pumatay o magpapatay ng tao. “Wala kang kasalanan, huwag mong sisihin ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo ginawa.” Pagpapalakas loob sa akin ni Samuel, simula ng magising ako ay siya lang ang nandito. Nalaman ko ring nasa isang private room ako dahil baka bigla akong pasukin ni Ava. Hindi ko siya masisisi kung punong puno ng galit ang puso niya ngayon ng dahil sa akin at kung mapatay man niya ako dala na lang ng galit niya. “May balita na ba kayo kay Ava? Kamusta ang pagpapalibing niya?” “Tatlong araw lang niya pinaburol ang mga magulang niya, wala pa kaming masyadong b
“Please don’t think too much, makakasama lang sayo yan. Alam ko namang sinisisi mo ang sarili mo dahil sa nangyari pero huwag mong gawin yun dahil kung hindi ka sana sinundan ng mga mag-asawang Santos at habulin saka banggain ang sasakyan mo ay hindi mangyayari yun sa kanila.” “Iyun ba talaga ang dapat kong isipin? Hindi ba kung hindi sana ako nagpunta sa opisina nila at sabihin ang nalalaman ko ay hindi yun mangyayari? Kung ipinaubaya ko na sana sa mga pulis ang kaso hindi yun mangyayari.” “Noong umalis ka, saan mo balak pumunta?” napatitig naman ako sa mga mata niya dahil sa tanong niya. “Saan ka pupunta matapos mong pumunta sa mga Santos?” “Sa mga pulis.” Mahina kong saad sa kaniya. “Kaya wala kang kasalanan, gusto mo ng ipaubaya sa kanila pero hinabol ka ng mag-asawa. Stop blaming yourself Tiffany.” Napabuntong hininga na lamang ako, kahit na anong sabihin nila sa akin na hindi ko kasalanan feeling ko pa rin kasi kasalan
Mabilis namang lumipas ang mga araw. Masaya akong makakalabas na rin ako ng hospital, hindi naman nagmukhang hospital yung room ko dahil feeling ko nasa bahay lang ako. Pinadala naman na lahat ni Samuel ang mga gamit namin sa mga body guard niya kanina kaya wala kaming dala dala ngayong naglalakad palabas ng hospital. “Diretso na ba tayo sa bahay?” “Oo naman, saan mo pa ba balak pumunta? Namimiss ko na ang mga bata kaya sila muna ang pupuntahan ko.” “Baka gusto mo lang kasing pumunta muna sa condo mo.” “Dun na muna tayo sa mga bata. Gusto ko na silang makita.” Saad ko, hindi naman na umimik pa si Samuel. Marami na siyang nabiling mga pasalubong sa mga bata dahil iniutos niya na ito sa mga tauhan niya. Halos tatlong linggo ko silang hindi nakita kaya alam kong katulad ko ay nalulungkot din sila. Halos hindi ako makapaghintay bumaba ng buksan na ng mga security guard niya ang gate. Nang maiparada na rin ni Samuel ang sasakyan
“Naku Ma’am kami na po rito, magpahinga na lang po muna kayo ron. Kalalabas niyo lang po ng hospital eh.” Pagtatanggi niya naman. “Just listen to her Tiff, magpahinga ka na muna.” Singit naman ni Samuel na bagong pasok ng kusina. “Pero nababagot na ako, pakiramdam ko tuloy hindi na nagana iba kong kalamnan dahil sa tagal kong nakatulog at nakahiga sa hospital.” “Sinabi naman ng Doctor na huwag mong bibiglain ang sarili mo diba? Ano bang gusto mo magtrabaho pagkatapos ay manatili nanaman sa hospital? You choose.” Napabuntong hininga na lang ako, ang galing talaga magpapili. Wala naman na akong nagawa ng hawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papasok ng kwarto niya. “Ano bang gagawin natin dito?” “Sinabi ko naman sayong magpahinga ka na muna.” “Pero pwede naman sa pool o sa garden na lang ako, huwag lang sa kwarto.” Pinaupo niya naman ako sa kama niya habang nakatayo siya sa harapan ko kaya tiningala ko siya.