Hindi pa rin makapaniwala—iyon ang nararamdaman ni Dolores ng makalabas siya sa munisipyo kung saan ginanap ang simple niyang kasal. Parang kailan lang nang ipagdiwang niya ang ika-dalawampu't-dalawang taong kaarawan. And she felt that life was magical for that very moment. But one event changed everything.
Hawak niya ngayon ang katibayan na kasal na siya sa isang lalaking kailan pa lamang niya nakilala.
Si Devon Valderama.
“Ihahatid kita sa school mo,” ani Devon sa kanya.
Mas matangkad si Devon kaysa kay Dolores, itim na itim ang kulot nitong buhok, nakasuot ng salamin sa mata, at may kaputian ang balat. Para siyang estatwa na pinong dinisenyo ng isang magaling na iskultor. He's wearing a white shirt and jeans, making his look stand out and a little younger than everybody, including her.
"There's one million on this card. It's my betrothal gift to you. Here's the password for the villa and Tito Marshall's number. You can contact him if you have any questions. The house is in Highline Residences, unit six, 32nd Street and 11th Avenue, Global City. Puwede mo nang ilipat ang mga gamit mo kahit anong araw mo naisin.”
Hindi makapaniwala na tiningnan ni Dolores ang black card at calling card na inabot sa kanya ni Devon. Noong isang araw lang ay nag-aalala siya tungkol sa panggastos sa gamutan ng kapatid niya. Sa isang iglap, nabago ang estado niya sa buhay bilang mayamang asawa ni Devon Valderama.
Ito na ba ang sinasabi nilang gulong ng buhay?
Malaking halaga ang isang milyong piso. Kahit ilang beses siyang magtrabaho sa isang araw, hindi pa rin niya magagawang kitain ang gano'ng kalaking halaga.
“Ano'ng problema?” Bahagyang umarko ang kilay ni Devon nang mag-alangan siyang tanggapin ang inabot nito. “Masyado bang maliit ang pera? Huwag kang mag-alala, dadagdagan ko pa iyan. Hindi lang ngayon dahil may dadaluhan akong business conference sa ibang bansa. You may not be able to contact me for a few days.”
“Hindi na! Sapat na ito,” she answered and hurriedly took the card from Devon. “Alam kong abala ka, pero salamat sa paghatid mo sa akin dito.”
Mabilis siyang nag-alis ng seatbelt at binuksan ang pinto ng sasakyan saka bumaba. Sa sobrang lalim ng iniisip niya, hindi na niya namalayang nakarating na pala sila sa harap ng Global Perspective College. Dolores was studying multimedia arts at that college and currently on her fourth year. Aside from her part-time jobs, she’s writing novels online which slowly gaining attention and readers.
Nang maayos na siyang nakatayo sa gilid, bumaba ang bintana ng sasakyan ni Devon muli.
“Nakalimutan mo ang gamit mo,” aniya, saka tiningnang maigi ang inaabot nito. Nang mapagtanto niyang marriage certificate pala nila iyon, dali-dali niyang inabot. Sa dami naman ng makakalimutan, iyong katibayan pa na nagpakasal silang dalawa ni Devon.
“Thank you!” Walang naging sagot si Devon at basta na lang pinaharurot palayo ang sasakyan nito.
Dolores watched Devon leave, and when his car was out of sight, she couldn't help but open the envelope to check their marriage certificate and the wedding photo they took together. Totoong-totoo na kasal na siya kay Devon Valderama! Parang isang panaginip pa rin ang lahat at hindi pa rin niya maintindihan ang nararamdaman.
Devon was in his early thirties, with sword-like eyebrows and starry eyes. His face was more handsome than what Dolores had seen before. Sa larawan, nagmumukhang sobrang simple lang si Dolores. Nakaputing damit lang siya at nakatali pataas ang may kahabaan niyang buhok. The smile on her lips made her look more pure and a little submissive to Devon.
Hindi na rin naman masama ang itsura mo sa picture, Lola, aniya sa isipan.
It was a fine, sunny day outside. May kainitan ang araw kaya mabuti na lang at may suot siyang sumbrero panangga sa init. Dolores hailed a taxi to visit her brother, River, in the hospital. Pagdating doon, naabutan niya itong nagbabasa, katabi ang kaklaseng si Niana.
“Ate!” bati ni River nang makita siyang nakatayo sa may pinto. Masaya itong makita siya na para bang matagal na panahon silang ‘di nagkita. Samantalang ilang oras lang naman siyang nawala. May ngiting-labi siyang pumasok at nilapag sa bedside table ang pasalubong na pagkain.
“Hello, Ate Lola!” bati naman ni Niana na napansin niyang nagliligpit na ng mga gamit. “Mauna na po ako umalis. May kailangan pa akong gawin.” Lola, iyon ang tawag sa kanya ng mga taong malapit sa kanila. Pero kahit hindi naman gaano ka-close ay iyon pa rin ang tawag sa kanya ng iba.
“Pero, kararating ko lang,” aniya. Simula nang ma-ospital si River, lagi na itong dinadalaw ni Niana.
“Birthday ngayon ni Lolo kaya kailangan ko pong maagang umuwi.” Hindi na nagpumilit si Dolores na pigilan si Niana. Nang maiwan silang dalawa ni River, hindi niya maiwasang nangingiting tingnan ang kapatid.
"Girlfriend?"
“Ate, hindi. Magkaibigan lang kaming dalawa.” Pero iba ang sinasabi ng namumula nitong mga tainga.
“Hindi ako naniniwala.” Tumabi siya sa kanyang kapatid at inakbayan ito. “May maganda pala akong balita sa ‘yo.”
"Ano 'yon?"
“Nabenta ko iyong dalawang nobela sa halagang isang milyon!” Of course, it's a lie. River was shocked by the news. Halatang hindi siya makapaniwala sa ibinalita niya.
“Ang galing mo, Ate!”
“Sigurado na maooperahan ka at makikita mo pa na maging successful at mayaman ang kapatid mo!”
Nang mamatay ang mga magulang nila, si Dolores ay ka-papasok pa lamang sa high school habang si River naman ay nasa grade school pa lamang. Ipinakita ng kanilang mga kaanak ang masamang ugali at pinaranas sa kanilang dalawa kung gaano ka-'di patas ang mundo. Mabuti na lang at hindi pasaway na kapatid si River—nakakatulong pa sa kanya. Kaya naman nakapasok ito sa isang sikat na eskwelahan na noon pa man ay pangarap na nito.
But before the year ended, River was diagnosed with cancer. Tila gumuho ang mundo nilang magkapatid sa isang iglap. Tinanggap nila ng buo ang realidad at ginugol ni Dolores ang kanyang panahon sa paghahanap ng magaling na doktor para sa kanyang kapatid.
Sa paghahanap ng doktor ay kaakibat ang mas malaking gastos. Hindi sapat ang pamana na pera ng kanilang mga magulang at ang kita ni Dolores mula sa mga part-time jobs na pinasok niya.
Pero ngayon, may pera na si Dolores—kaya wala na silang problema ni River.
Nagpaalam siya sa kanyang kapatid at tumungo na sa billing department ng ospital. Binayaran niya ang lahat ng dapat bayaran at bago umalis ay nagpa-schedule siya ng appointment sa maging doktor ni River. Masayang-masaya si Dolores ngayon, dahil kahit mahirap ang buhay, basta’t kasama niya si River, lahat ay makakaya niyang harapin.
Pagkabayad ay nagdesisyon siyang umuwi para ipagluto si River ng maraming pagkain. Mahilig ito sa lutong bahay. Kahit pa may pera siyang pambili sa labas, minabuti pa rin niyang umuwi para magluto. Ngunit nang makarating ay si Arnel at nanay nito ang kanyang nakasalubong.
“Lola, pupunta ka ba sa ospital para dalawin ang kapatid mo?” tanong ni Aling Lorna sa kanya. “Nakakaawa talaga kayong magkapatid.”
Sa dami naman ng nakasalubong, bakit si Aling Lorna pa na laging may nakokomento kahit hindi naman hinihingan? Matagal na niyang kapitbahay ang mga ito at masasabi ni Dolores na kakaiba talaga ang ugali ni Aling Lorna. Hindi pa rin ito nagbabago at mukhang wala rin naman balak.
Nang makapasok si River sa sikat na eskwelahan noon, abot-langit ang inggit ni Aling Lorna. Tapos, nang ma-diagnose si River na may cancer, kung ano-ano pa ang sinabi nito. Hindi na lang niya pinatulan lalo't nanay ito ni Arnel—ang dati niyang kasintahan.
Pero ngayong hiwalay na sila ni Arnel, hindi na siya makakapag-timpi pa.
“Kaya naman namin alagaan ang isa’t isa. Mayaman na kami at may pinag-aralan pa, kaya ‘di kami nakakaawa, Aling Lorna. Bakit hindi na lang po ang pamilya n’yo ang pagtuunan n’yo ng pansin kaysa sa amin?”
Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Aling Lorna nang ibato niya ang tanong na iyon. Lahat ng mga kapitbahay nila ay alam na nambabae at basta na lang umalis ang asawa ng ginang.
“At sa paanong paraan naman kayo naging mayaman ng kapatid mo? Hindi ba’t baon na kayo sa utang noon pa?” sarkastikong sambit ng ginang. “Kahit saan palad ng Diyos mo hanapin, hindi ka makakakuha ng ipatutustos sa gamutan ng kapatid mo. Nag-aaral ka pa rin pati at hindi mo masasabi kung matatanggap ka ba agad sa trabaho. Itong si Arnel ay sa kumpanya ng mga Valderama natanggap at may sweldo—hindi mo kikitain kahit saan.”
Gustong matawa ni Dolores, at hindi na niya pinigilan pa. “Mabuti naman kung gano’n ho, Aling Lorna. Akala ko nga ay hindi na siya makatapos ng school.”
Nakita niyang lalong nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Aling Lorna—mas lalo itong nairita sa kanya. May gusto pa sana itong sabihin ngunit pinaglayo na sila ni Arnel para hindi lumaki pa ang gulo, na nakakakuha na ng atensyon ng ilang kapitbahay nila.
Naging bukas na pagkakataon naman ang ginawang iyon ni Arnel para makaalis siya’t iwan ang mag-ina. Hindi na dapat siya nagsasayang ng oras sa mga ito. Nagpatuloy siya sa paglalakad ngunit isang matatag na braso ang pumigil sa kanya.
“Bakit pinatulan mo pa si Nanay? Alam mo namang matanda na siya kaya dapat ay pagpasensyahan mo na lang. Ayan ba ang sinasabi mong may pinag-aralan, Lola?”
Sumimangot si Dolores matapos marinig ang sinabi ni Arnel sa kanya. “Pasensya? Paano ko pagpasensyahan ang taong natutuwa pa na may sakit ang kapatid ko? Wala talaga kayong pinag-iba, ano? Suwerte ako’t nagising pa ako sa pagkahibang sa’yo, Arnel. Buti na lang talaga nagising ako agad.” mariin niyang salita.
Matapos marinig ni Arnel ang mga sinabi niyang iyon, nagbago ang ekspresyon nito at dumilim ang mukha nito. Hindi naman naapektuhan si Dolores noon. Bagkus ay bumalik sa alaala niya ang araw kung kailan natapos ang kanilang relasyon. . . Isang buwan na ang nakalipas ng malaman niya na may sakit si River, masamang-masama ang kanyang loob. Nagdesisyon siyang puntahan si Arnel na matagal na niyang kasintahan, ngunit hindi niya inaasahan na makikita niya ito na may kasamang ibang babae sa inuupahang bahay. Tila naging biro iyong tatlong taon nilang pagsasama at pagiging sampung taon na magkababata. “Lola, let’s talk, please? Mali ka na ng iniisip,” ani Arnel. “Ano’ng gusto mo na isipin ko?” sarkastiko niyang tanong.“Wala kaming relasyon dalawa. Lasing ako.” “That’s bullshit, Arnel! Ke lasing ka o hindi, alam mo dapat ang ginagawa mo! Alam mo na may girlfriend kang tao kaya dapat nagpigil ka at hindi pinairal ang init ng katawan mo! Ano’ng gusto mo na gawin ko? Na magbulag-bulagan? Hi
Nagkakilala sina Dolores at Devon sa isang dating application na sikat na sikat at kahit sino ay gumagamit. Sinubukan ni Dolores gumamit at naka-pareha niya nga si Devon. Iyong minsanang pag-uusap ay naging mas madalas hanggang sa magkasundo silang dalawa na magkita. Sa umpisa ay nag-aalangan pa si Dolores dahil nabalitang marami ang manloloko ngayon online. Ngunit hindi siya nagpadaig sa kaba at kinita nga niya si Devon at hinding-hindi malilimutan ni Dolores ang una nilang pagkikitang dalawa. . . Bawat pumasok sa restawran na kinaroroonan ni Dolores ay tinitignan niya ng maigi. Bawat detalye ay tumutugma niya sa deskripsiyon nakasulat sa profile ni Devon. At nang makita niya ang binata, napuno ng hindi makapaniwalang pakiramdam ang dibdib ni Dolores. Iyon ay dahil sa hindi inaasahang itsura ni Devon sa personal. "Hello, Lola. I'm Devon," he introduced himself. Agad na naglahad ng kamay si Dolores na malugod namang tinanggap ni Devon. “Hi!” nahihiya pa niyang bati pabalik. Halos m
Literal namang nanlaki ang mga mata ni Dolores pagkarinig sa alok ni Devon sa kanya. Para sa isang tao na ilang oras pa lang niya nakikilala, hindi kapani-paniwala ang alok nito. Nabanggit lamang nito na handa itong bayaran ang sinumang papayag na makasal dito, bagay na hindi naman masyadong sineryoso ni Dolores. At hindi ‘man lang ito kumurap matapos bitiwan ang alok nito sa kanya. "Because you needed money for your brother's surgery, my offer will solve your problem, Lola. This is a win-win situation. Wala ka na ibang iisipin pa dahil ako na ang bahala sa lahat ng pangangailangan inyong magkakapatid. Pwede ka na mag-aral na hindi nangangailangan magtrabaho.” Isa iyong nakakatuksong alok para kay Dolores. Sa paraan ng pagsasalita ni Devon halata na seryoso ito ngunit may pag-aalangan siyang nararamdaman ng mga oras na iyon. “I actually have the agreement papers here in case you wanted to examine each clause.” What the - he came prepared! Sigaw niya sa isipan. Malinaw na may pera
"You owe me a story, you fool! Pagkatapos ko maging spy at hanapin ang anumang ipa-hanap mo ay maglilihim ka na sa ‘kin?” Iyon ang bungad na salita ni Yul nang makapasok sa kanyang opisina. Dalawang araw lamang naging tahimik ang kanyang mundo. Dalawang araw lang at heto na naman ang kanyang matalik na kaibigan - handa na namang pasakitin ang kanyang ulo. Nag-angat siya nang tingin kay Yul at binaba ang binabasang kontrata saka nag-alis ng salamin sa mata. "Could you please lower your voice? Sumasakit ang ulo ko sa ingay mo,” reklamo niya dito. “Ayan, ganyan ka palagi pag nanunumbat ako. Laging masakit ang ulo mo.” Yul looked unconvinced. Umayos si Devon ng upo at malalim na huminga. Totoong masakit ang ulo niya hanggang ngayon. Suspetsa niya dahil iyon sa kaunting tulog ng nakaraang dalawang araw. Iyong international conference sa Singapore ay isang araw lang nangyari at sinundan iyon ng isa pang meeting sa Hong Kong. Dahil sa halos magkadikit na oras ng mga flight, nawalan si D
“You were part of my scholarship program and later we on an online dating application. We chatted briefly and decided to meet in person. That first meeting were followed by another meeting then I started to pursue you. We dated for two years then just after you graduated we got married.” Iyon ang mahabang salita ni Devon at matamang nakatitig lamang sa kanya sa kanya si Dolores. Nakita iyon ni Devon at nangunot ang noo niya. “Was there something wrong? May kulang pa ba o sobra na itong nasulat ko?”Tila may kung anong pumitik kay Dolores at nagising siya mula sa pagkakatulala. “W-wala naman…” nag-isip pa siya muna at pilit na initindi ang mga narinig niya mula kay Devon. “Tunog scripted lang,” she blurted those words bluntly.Gabi na at sila lang ni Devon ang magkasama sa loob ng unit nito. It was right next to his betrothal gift to her. Hindi naman siya ni-re-require ni Devon na tumira sa unit nito. Bagkus ay pinipili pa nga siya nito. But since Dolores has still no companion at her
River: Totoo ba? Dolores: Alin? River: shared photo Dolores: Ah… Unang araw ni Dolores ngayon sa kanyang regular na trabaho. Hindi siya maaaring ma-late kaya naman kahit wala pa gaanong tulog ay maaga pa rin siya bumangon. Naninibago pa siya sa tinitirahan na bahay ngayon kaya hirap siyang makatulog. Dumagdag pa na ang dami nagtatanong sa kanya tungkol sa pasabog na balita na naka-post nang nagdaang gabi. She wore a light-colored pair of trousers and a shirt. Nakatali pataas naman ang kanyang itim na mahabang buhok. Naglagay din siya ng make-up at bago umalis ay makailang ulit niya binistahan ang sarili. Sa isip niya paulit-ulit na pinaalalahanan ang sarili na wala dapat maging mali sa unang araw. Sa gano’ng paraan ay hahanga sa kanya ang lahat ng kasama sa trabaho.But as soon as she went out of her room, a familiar figure almost made her shout on top of her lungs. It was none other than Devon Valderama. Her husband. And he’s sitting at the dining table where a lot of food is
Nang maka-alis na ang sasakyan ni Devon, saka palang lumakad si Dolores papunta sa publishing house. Malapit na iyon kung saan siya nagpa-ibaba kaya naman konting lakad na rin ang ginawa niya. Hindi pa naman gaano kataas ang araw ng mga oras na iyon. May kalakasan pa rin ang hangin na sumasayaw sa nakatali niyang buhok. Ngayon ang unang araw niya at ilang minuto siyang maaga. Ang balak niya ay isang oras na maaga kaso nabago ng surpresahin siya ni Devon kanina. Hindi niya pa rin magawang paniwalaan na maaga itong gumising para ipagluto siya ng almusal. But Dolores knew it's just parts of his goodwill gestures and she have to remind herself of that. As she stepped in front of the Book's Haven Publishing House, Dolores couldn't help herself but to be amazed once again. Hindi niya unang beses na nakita ang naturang gusali at nakapasok doon. Pero na-a-amazed pa rin siya hanggang ngayon sa tayog noon at disenyo. Dolores looked up and then when she found her angle, she took two photos wh
Habang nasa elevator, patuloy si Dolores sa pag-iisip kung ano ba ang ginawa ni Devon para maging aligaga ang buong kumpanya. Everyone were still waiting for Devon Valderama's wife when it's clear that she already arrived.Ayaw ni Dolores ng atensyon pero kitang-kita niya ang pagka-confuse sa mukha ng lahat lalo na ni Mr. Tuazon. Hindi na niya alam kung ano pa ang nangyari dahil bago makababa iyong pinaghihilaan nila na sa asawa ni Devon, sumara na ang elevator.Malalim na huminga si Dolores na siyang napansin agad ng kasama niya.“Nervous?” she giggled after asking her. “Ayos lang iyan. Noong unang araw ko rin dito kabadong-kabado ako.”“Nakakakaba nga po. Ito ang unang trabaho ko matapos maka-graduate.”“Alam mo ang swerte mo,” nangunot ang noo niya at saka tumitig sa kausap. “You landed a regular job agad after you graduated. At base sa credentials mo at recommendation ng iba na humawak sayo during your internship, I could say na matalino ka, Miss Roman.”Isa na namang papuri na na
Kinabukasan maagang nagising si Dolores at si Devon ang siyang nagisnan niya sa kusina na abalang nagluluto. Kagabi ay hindi sila magkasamang umakyat Devon dahil may nag-iintay dito na hindi naman nito naipaliwanag kung sino ba. Mas nauna siya at sa pagbukas ng elevator may lalaki siyang nakita na kung tingnan siya’y mula ulo hanggang paa.At hanggang sa mga oras na ito ay iyon pa rin ang iniisip niya kahit nakatulalang nakatingin sa likod ni Devon.“Good morning!” Masayang bati nito sa kanya na gumising sa kanyang malalim na pag-iisip. “Are you well? Hindi ka ba nakatulog?” Sunod-sunod na tanong nito sa kanya.“M-maayos naman ako. Ang aga mo ngayon, wala namang pasok ‘di ba?”“I have a one-hour shareholder meeting later. Maaga lang ako kumilos para ipagluto ka.” Hindi naman nito kailangan gawin iyon pero ginagawa pa rin ni Devon. Para sa isang tulad ni Dolores na nasanay na siya lagi ang kumikilos para sa lahat lalo na sa mga taong mahal niya. “Do you want to come with me? We could g
Hindi mawala sa isipan ni Devon ang kwento ni Dolores tungkol sa mga magulang nito. Bagamat hindi na-detalye ng maigi, malinaw na may misteryo sa likod ng pagkamatay ng mga ito.Devon first met Dolores at the university and he remembered how sad her eyes were. Narinig niya ang pag mamakaawa nito sa registrar's office kaya naman nagdesisyon siya na isama ito sa binigyan ng scholarship. It wasn’t a fabricated story after all. Hindi pa lang niya mapaliwanag kay Dolores na sa hindi sa dating application sila unang nagkita nito.Devon pulled his cell phone out of his coat inside pocket. Nag compose siya ng mensahe kay Micah at agad iyon pinadala sa pobreng assistant. Hindi naman niya ito inoobliga na gawin agad ang inutos. Pero kilala niya si Micah - bawat utos niya’y nasusunod agad.“There you are!” Sigaw na bumungad sa kanya pagbukas ng elevator. It was Yul and his presence was already expected. Kaya naman ng natanggap niya ang text nito na nag-hihintay ito sa labas ng unit niya, agad na
Gaya ng sabi ni Devon kanina, mayroon pa itong surpresa sa kanya. At totoo nga iyon. Now, they’re inside an alfresco restaurant with a view of mountain ranges. Iyon ang unang pagkakataon na nakapunta si Dolores sa gano’ng lugar. Hindi rin naman siya nadala ni Arnel sa gano’ng lugar dahil sa isang isyu.Pera.Arnel was struggling before. Pero noong maka-hanap ito ng trabaho, nagsimula na magbago ang lahat.Malalim siyang humugot ng buntong-hininga at winaksi iyon sa isip. Hindi niya dapat iyon iniisip at lalong ‘di dapat kinukumpara kay Devon. Magkaiba ang mga ito sa lahat ng aspeto.“Micah booked a spot here.” Pag-amin ni Devon na nagpalingon sa kanya. “He found this place and recommended it to me.”Ngumiti siya. “Ang ganda rito. Medyo malayo pero sulit naman ang tagal ng biyahe. This place is a gem.” Naglabas siya ng camera at kinunan ang magandang view na nasa kanyang harapan. “We need more pictures to make it more believable na matagal na tayo. Ayon sa sinulat natin, two years na t
“I’m her husband, not her boyfriend.” Kitang-kita ni Dolores ang gulat sa mukha ni Arnel nang marinig ang sinabi ni Devon. It was an open admission about her relationship with Devon. Iba ang pakiramdam ni Dolores doon. Hindi pakiramdam na nabunyag iyong tinatago nilang kasunduan. It felt like Devon and her have a real relationship. “Come on, let’s go now.” Pag-aya sa kanya ni Devon na siyang gumising sa kanyang pagkatulla.Wala siyang lingon-likod na tinapon kay Arnel o kahit sa kalalabas lang na si Iris. Nakita siya nito pero hindi si Devon at hindi na rin naman iyon importante. Tuloy-tuloy silang lumakad ni Devon hanggang sa marating nila ang sasakyan nito.“W-wala si Micah?” tanong niya.“Hindi ko naman siya kailangan. I can drive own my own, Lola,” tugon nito sa kanya. Sa lahat ng tumawag sa kanya sa palayaw, iyong pagtawag ni Devon ang pinaka-gusto niya. Kahit na bakas pa rin sa mukha nito ang inis at nakakunot pa rin ang noo, nanatiling malambing ang boses niya. “Who’s that guy?
Hindi inaasahan ni Dolores na makita si Iris sa comfort room ng restaurant na kinainan niya kasama si Mariane. Nagkasundo silang magkaibigan na magkita ulit nang sumapit ang weekend. Alam ni Devon ang lakad niya ngayon at pumayag naman ito. After eating a few meal courses, Mariane bid her goodbye all of a sudden. May importante daw itong lalakarin kaya iniwan na siya nito. And now she's with Iris inside the comfort room. Kung hindi lang niya kailangan na mag banyo bago umalis, hindi naman siya papasok doon. Mas binilisan niya ang kilos at pinili na huwag na ito pansinin para hindi na magkagulo pa. She’ll be meeting Devon too today. Maaga natapos ang lakad nila ni Mariane kaya pumayag siya na lumabas silang dalawa. To build more bonds between them. Mainam na paghahanda para kapag dumating na ang araw na makikilala na niya ang lola nito’y hindi siya magkalat. “Magkasama kami ni Arnel ngayon,” tumingin siya kay Iris. “Alam niyang magka-trabaho tayo.” Kumuha siya ng tissue na siyang
Pagkatapos ng trabaho ni Dolores, dire-diretso siyang lumabas ng Book’s Haven Publishing House. Wala siyang ideya kung lumabas na ba si Devon sa trabaho nito at wala siyang lakas ng loob na i-text ito o tawagan. Pagkatapos iyong pangyayari kaninang umaga, parang wala siyang mukhang ihaharap dito ngayon. Ngayon, ang gusto na lang niya mangyari ay makasakay sa isang taxi na pwedeng maghatid sa kanya sa ospital kung nasaan si River.But it didn’t happen since someone’s car stopped before her.“Lola!” sigaw na kanyang narinig at habang unti-unti bumaba ang bintana ng kotseng nasa kanyang harapan.“Mariane? Mariane!” Bumaba si Mariane at nilapitan siya para yakapin. “Kumusta ka na?” tanong niya nang bahagya silang maglayo.“Okay naman at tingnan mo,” tukoy ni Mariane sa sasakyang nasa harapan nila ngayon. “Nabili ko gamit ang sahod ko at pwede na tayo gumala.” Napangiti siya nang dahil sa achievement ng kanyang kaibigan. Kaklase niya ito at unang nakahanap ng trabaho sa isang malaking kum
Kinabukasan, masakit ang ulo ni Dolores nang magising. Dahil iyon sa nainom niyang alak na hindi niya magawang matanggihan. Kukurap-kurap siyang tumingin sa kisame. Dolores remembered everything happened last night. She remembered how Devon tried to steal the drink that was meant for her. Sa ginawa nito, sigurado siya na marami ang nakahalata.Bumaling ang tingin niya sa kanyang cellphone na tunog nang tunog. Marahan niya iyon inabot at agad na sinagot ang tawag.“Ate! Kailan ka pupunta dito?” Agad na inilayo ni Dolores sa kanyang tainga ang cellphone. Umaga pa lang pero ang boses ng kanyang kapatid buo na at punong-puno na ng enerhiya. Para wala itong sakit na iniinda. “Nakilala ko na siya. At mabait siya,” sunod na salita ni River.“Look… River-”“Huwag ka mag-alala, ate, ipinaliwanag na niya lahat at wala akong sama ng loob sayo.”Ipinaliwanag ni Devon… ang alin? Dagli siyang bumangon. Dahilan para mas maramdaman niya ang pagkirot ng kanyang ulo. Pero hindi na muna niya ininda bagk
Habang nasa elevator, patuloy si Dolores sa pag-iisip kung ano ba ang ginawa ni Devon para maging aligaga ang buong kumpanya. Everyone were still waiting for Devon Valderama's wife when it's clear that she already arrived.Ayaw ni Dolores ng atensyon pero kitang-kita niya ang pagka-confuse sa mukha ng lahat lalo na ni Mr. Tuazon. Hindi na niya alam kung ano pa ang nangyari dahil bago makababa iyong pinaghihilaan nila na sa asawa ni Devon, sumara na ang elevator.Malalim na huminga si Dolores na siyang napansin agad ng kasama niya.“Nervous?” she giggled after asking her. “Ayos lang iyan. Noong unang araw ko rin dito kabadong-kabado ako.”“Nakakakaba nga po. Ito ang unang trabaho ko matapos maka-graduate.”“Alam mo ang swerte mo,” nangunot ang noo niya at saka tumitig sa kausap. “You landed a regular job agad after you graduated. At base sa credentials mo at recommendation ng iba na humawak sayo during your internship, I could say na matalino ka, Miss Roman.”Isa na namang papuri na na
Nang maka-alis na ang sasakyan ni Devon, saka palang lumakad si Dolores papunta sa publishing house. Malapit na iyon kung saan siya nagpa-ibaba kaya naman konting lakad na rin ang ginawa niya. Hindi pa naman gaano kataas ang araw ng mga oras na iyon. May kalakasan pa rin ang hangin na sumasayaw sa nakatali niyang buhok. Ngayon ang unang araw niya at ilang minuto siyang maaga. Ang balak niya ay isang oras na maaga kaso nabago ng surpresahin siya ni Devon kanina. Hindi niya pa rin magawang paniwalaan na maaga itong gumising para ipagluto siya ng almusal. But Dolores knew it's just parts of his goodwill gestures and she have to remind herself of that. As she stepped in front of the Book's Haven Publishing House, Dolores couldn't help herself but to be amazed once again. Hindi niya unang beses na nakita ang naturang gusali at nakapasok doon. Pero na-a-amazed pa rin siya hanggang ngayon sa tayog noon at disenyo. Dolores looked up and then when she found her angle, she took two photos wh